Hindi maiwasang mapa-titig ni Marco sa labi ni Ruth nang punasan nito ang labi gamit ang tissue. Katatapos lang nilang kumain at nabusog talaga siya. Napaisip siya. Masarap kaya ang labi nito kapag hinalikan? Agad niyang ibinaling sa ibang bagay ang kaniyang atensiyon dahil kung saan-saan na napupunta ang isipan niya. "Ikwekwento ko na," sabi ni Ruth na naging dahilan para bumalik siya sa kasalukuyan at napabaling kay Ruth. Ngumiti siya at tumango bilang pagsang-ayon at para masimulan na nito ang pag-kukuwento. Habang nakikinig sa kwento nito ay hindi niya maiwasang makaramdam ng galit sa ex-boyfriend nito dahil sa ginawa nito kay Ruth. Hindi sapat na dahilan ang pagiging abala basta naroon ang pag-i-intindihan sa isa't-isa. Sa kabilang banda ay nakaramdam siya ng kasiyahan na hindi niya alam kung bakit. Pinunasan nito ng panyo ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata nito. Nang matapos ay ngumiti ito sa kaniya. "Iyon lang. Sa totoo mahirap mag-move-on dahil naisip ko na ang future ko sa kaniya kaya hanggang ngayon masakit pa rin sa'kin," Natawa si Ruth. "Akalain mo iyon. Nagdurusa ako samantalang siya ayun! Masaya na sa piling iba," mapait nitong wika. Hinawakan niya ang kamay nito na nasa ibabaw ng mesa. "Makakaya mong lampasan iyan. Pagsubok lang iyan. Wala naman ibinibigay ang Diyos na pagsubok na hindi natin kaya," pagbibigay niya ng payo rito. Ginantihan nito ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Napakalambot ng kamay nito at gusto pa niya iyong hawakan pa ng mas matagal pero kailangan niya na iyong bitawan. Hinila niya ang kamay. "Salamat sa pakikinig sa ka-dramahan ko sa buhay, Marco," biro nito na ikinatawa niya ng mahina. "Ayos lang iyon basta ikaw," sabi niya na ikinatigil nito at biglang na-balisa. Kinuha nito ang hand bag na nasa mesa at tumayo. "Mabuti pa ay mag-in na tayo," hindi-mapakaling sabi nito. Bumuga siya ng marahas na hininga at tumayo na rin. "Mabuti pa nga," sagot niya. Napasandal sa swivel chair si Marco at napatitig sa pintuan. Hindi siya makapag-focus. Paano niya matutulungan ang dalaga? Paano niya mapapawala ang sakit na nararamdaman nito? Napangisi siya ng may maisip. Iyon lang ang alam niyang paraan para makalimutan nito ang ex-boyfriend nito. Ngayon pa lang ay exited na siyang gawin ang plano niya. Handa siyang gumugol ng oras at panahon para matulungan ang dalaga. Hindi akalain ni Ruth na magiging malapit sila ni Marco. Sinusundo at inihahatid siya nito. Hindi naman niya iyon binibigyan ng kahulugan dahil dahilan nito ay baka masiraan siya sa daan lalo at second hand lang ang gamit niyang kotse. Maganda na rin daw iyon para makatipid siya. Biniro pa nga niya ito na baka mapamahal ito sa gasolina pero dahilan nito na ayos lang iyon dahil libre daw ang gasolina nito na ikinatawa na lang niya. Narito siya ngayon sa kaniyang cubicle at abala sa ginagawang report ng may mag-tilian sa unahang cubicle malapit sa pinto. "Oh my gosh! Kanino iyan? Napaka-sweet naman ng nagbigay niyan," kinikilig na sabi ni Sanya. "Oy, girls! May naka-basket na chocolate!" sigaw ni Patricia. "Kanino ba iyan?' tanong nito sa kung sinuman ang inutusan na ibigay ang basket na tsokolate. Doon na siya napatayo para tingnan kung kanino iyong tsokolate na iyon. "Kay Ms. Ruth Santiago po," sagot ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya itinuro ang sarili. "Sa'kin?" hindi-makapaniwalang tanong niya. Tiningnan siya ng mga kasamahan sa trabaho. Tumayo si Sanya at kinuha ang basket na may lamang tsokolate at ilang bulaklak na nakapalibot sa basket. Lumapit sa kaniya at iniabot ang basket. "Kunin mo na. Sa'yo daw eh! Baka para iya sa manliligaw mo na sa CFO," biro nito na ikinapula ng pisngi niya. Alam ng mga ito na malapit siya kay Marco at binibiro na may gusto ito sa kaniya na i-tinatama naman niya. Sinasabi niya na kaibigan lamang ang turing nito sa kaniya. Hindi naniniwala ang mga ito kaya hinayaan na lang niya. Nagpapasalamat siya dahil kahit papaano ay nawawala sa isip niya si Jassel. Kapag dumating siya sa bahay pagkahatid sa kaniya nito ay nag-uusap pa sila kaya walang espasyo si Jassel sa isip niya. Minsan naiisip niya, nagkakagusto na ba siya rito? Kinuha niya ang basket rito at nagtungo sa kaniyang mesa. Maliit lamang iyon na basket na kumasya ang sampong tsokolate na mag-kakasing-laki pero iba-iba ang brand niyon. Napangiti siya. Nang mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng kilig. Kinuha niya ang dalawa ang ibinigay sa mga kasamahan niya para paghati-hatian. Nagulat siya ng makakita ng card sa loob. Kinuha niya iyon at binuklat saka binasa ng mahina. "To the most lovely person that i've met last week. I just to want to say thank you for coming to my life even though you're in a heart break. You deserve to be happy. Ako na lang ang isipin mo huwag na siya," Natawa siya sa biro nito. "God bless and i love you," pagtatapos nito sa sulat. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya sa huling tatlong salitang iyon. Hindi dapat niya iyon binibigyan ng kahulugan. Mahal siya nito bilang kabigan. Iyon lamang at wala ng iba. Huminga muna ng malalim si Marco bago kumatok sa pintuan ng bahay ni Ruth. Humanga siya sa dalaga dahil independent na ito ngayon at may sarili pang bahay. Ibig sabihin, magaling ito mag-budget ng pera. Usapan nila na mag-movie marathon ngayon dito mismo sa bahay ng dalaga. At ito siya ngayon may dalang isang plastic ng junk food, dalawang may kalakihang popcorn. Kapag kasama niya ang dalaga ay masaya siya at buo na ang araw niya at napagtanto niya na unti-unti na niya itong nagugustuhan. Bigla siyang nalungkot sa ideyang iyon dahil alam niya na hindi siya nito magugustuhan lalo na at mahal pa nito ang ex-boyfriend nito. Biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa kaniyang harapan si Ruth na nakapantulog. Ngumiti ito ng makita siya. "Good evening. Pasensiya na medyo natagalan ang pagbukas ko ng pintuan. Nagbihis kasi ako," hingin-paumanhin nito. Ngumiti siya. "Ayos lang. Naiintindihan ko," tugon niya. Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pintuan at inaya siyang pumasok. Nang makapasok, ay inilapag niya sa center table ang mga dala. Nagtungo naman si Ruth sa CD cabinet nito at namili ng papanoorin. "Ano kaya ang magandang panoorin?" tanong nito habang namimili. Lumapit siya at tinabihan ito saka nag-tingin rin ng CD na magandang panoorin. Hanggang sa may mapili siya. "Ito, maganda!" Lumingon siya kay Ruth. "Ito, maganda!" Lumingon din ang dalaga sa kaniya na kamuntik ng mag-dampi ang kanilang mga labi. Napalunok siya at napatitig sa labi nito na kay-pula. Biglang tumayo si Ruth na parang napaso. "I--yan na lang napili mo ang pa--noorin natin," anito na nauutal saka nagtungo ito sa sofa. Siya na ang nagsalang CD sa CD player dahil kabisado naman niya iyon. Tinatagan niya ang loob ng maisalang ang cd. Tumayo siya at nagtungo sa sofa saka tinabihan ang dalaga. Kinuha ang popcorn at ibinigay iyon rito. Matapos nitong magpasalamat ay nagsimula na silang manood.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
19d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All