"Saan ba tayo pupunta, Kyle?" tanong ni Raquel habang lulan sila ng kotse ng binata. Tatlong buwan ng nanliligaw sa kaniya si Kyle at habang tumatagal ay mas nakikilala niya ito. Mas lalo niya itong minamahal. Ilang beses na rin naman niyang tinangkang sagutin ito pero mas ginusto muna niyang kilalanin ito. Ngayon, kung saan man siya dalhin nito, sasagutin na niya ito. Tumingin sa kaniya ang binata at kinindatan siya. "Basta," anito at muling itinuon ang atensiyon sa daan. Ilang sandali ang lumipas ng huminto ito. "Bakit?" nagtataka niyang tanong. Naglabas ito ng panyo sa bulsa. "Talikod ka. Pipiringan lang kita," Kinunotan niya ito ng noo. "At bakit?" nakataas ang kilay na sabi niya. Tumawa lamang ito. "Sige na, talikod na," pagmamakaawa nito. Naiiling na tumalikod siya. Piniringan siya nito. Nang matapos ay ipinagpatuloy na nito ang pagmamaneho hanggang sa huminto sila. Bumaba ng sasakyan si Kyle at pinagbuksan siya ng pinto. Hinawakan ang kaniyang kamay at iginiya palabas. Naglakad sila sa kung saan man siya nito dadalhin. Nakarinig siya ng pagbukas ng gate. Hanggang sa umapak sila sa isang semento. "Tatanggalin ko na ang piring mo," paalam sa kaniya ni Kyle. Nang matanggal nito ay napa-mulat siya ng mga mata. Nanlalaki ang mga mata niya ng makita ang nasa kaniyang harapan. Napakalawak na taniman ng bulaklak. Sobrang ang gaganda! May mesa rin sa kinatatayuan niya at may mga pagkain na nakalapag na nababalutan ng aluminum foil. May waiter din sa gilid na naghihintay. Tumingin siya kay Kyle. "Ginawa mo ito? Baka napa-gastos ka," sabi niya. Ngumiti lamang ito saka dahan-dahan na lumapit sa kaniya. Iniangat ang kamay saka inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang taenga. "Si Kate ang nagplano nito. Masaya lang siya dahil natagpuan ko na raw ang babae na mamahalin ko habambuhay," madamdamin nitong pahayag. "Bakit? Sinagot na ba kita?" pang-aasar niya. Ngumisi ito. "Alam ko naman na sasagutin mo rin ako. Pa-share to get ka kasi," biro nito na ikinatawa niya. "Oo na, sinasagot na kita," Nanlaki ang mga mata nito. Hindi makapaniwala na sasagutin na niya ito ngayon. "Raquel? Nagbibiro ka ba?" ani nito habang titig na titig sa kaniya. Ipinalibot niya ang mga kamay sa leeg nito at pinakatitigan ang binata. "Oo, girlfriend mo na ako at boyfriend na kita. Ayaw mo ba? Babawiin ko," tanong at biro niya. Ang sunod nitong ginawa ang nagpabilis ng tibok ng puso niya. Sinakop nito ang labi niya at ginawaran siya ng maingat at punong-puno na pagmamahal na halik. Napapikit siya para damhin ang halik nito na nakakawala ng ulirat. "I love you, Raquel," madamdamin nitong pahayag. "I love you, too," aniya. Agad siya nitong ipinaghila ng upuan dahil baka nagugutom na daw siya. Nang mga sandaling iyon ay kakikitaan ng saya ang mukha ng dalawa. Makikita rin sa mukha ng mga ito ang labis na pagmamahal para sa isa't-isa. Kanina pa nakatayo si Kyle sa harapan at hinihintay ang pagdating ni Raquel. Sa wakas, magiging kabiyak na niya ang babaeng dati ay pinapangarap lamang niya. Akala niya hindi na mangyayari ito. Pero, walang imposible kung ang nasa Itaas ang gumawa ng paraan. Huminga siya ng malalim ng dahan-dahan na bumukas ang pintuan ng simbahan kasabay na isang awitin na inaawit ng kaniyang pinsan na si Cryzel. Dahan-dahan pumasok ang isang babae na nakasuot ng napakagarbong gown na walang iba kundi si Raquel. Hindi niya naiwasang mapatitig rito habang papalapit ito sa kinaroroonan niya. Nang makalapit ito sa kaniya ay napa-kagat-labi ito. "Napakaganda mo ngayon," puri niya sa kasintahan. Ngumiti ito. "Napakagwapo mo rin ngayon," balik-puri nito sa kaniya. Humarap na sila sa altar at nagsimula ng ang kasal. Nang matapos ay nag-picture taking sila. Lumipas ang anim na taon na pagsasama nila Raquel at Kyle. Sinubok ang katatagan ng kanilang pagsasama pero hindi iyong basta-basta natitibag. Nagkaroon din sila ng dalawang anak. Isang babae at isang lalaki. Lunes, maagang umuwi si Kyle sa trabaho. Isa na siyang Presidente ng kompanya ng kaniyang Tiyuhin sa mother side. Wala kasi itong anak kaya sa kaniya ibinigay ang posisyon na iyon at deserve naman daw niya. Agad siyang nagtungo sa parking area at pinasibad iyon pauwi ng bahay. Namimiss na niya si Raquel, ang kaniyang maybahay. At, may sorpresa siya rito. Nang makauwi siya sa bahay ay agad siyang nagtungo sa loob bitbit ang cake. Nadatnan ang mga anak sa salas. "Hello, daddy!" masiglang bati ng dalawa. Kaagad niyang inilapat ang hintuturo sa kaniyang labi para tumahimik ang mga ito. Ibinigay niya sa panganay ang cake. "Kapag binati ko ang mommy niyo. Pumasok na kayo sa loob bitbit ang cake. Okay ba iyon?" tanong niya sa mga ito. Tumango-tango ang mga ito. Nagtungo na siya sa kusina at nadatnan ang asawa na nagluluto ng kanilang hapunan. Ipinalibot niya ang mga kamay sa bewang nito at hinalikan ang batok nito. Naramdaman niyang natigilan ito. Humarap ito sa kaniya. "Bakit mo iyon ginawa, mahal. Eh, pawis ako," anito na nakasimangot. Tumawa siya at hinalikan ito ng mabilis sa labi. "Okay lang iyon," sagot niya habang titig na titig sa mga mata nito. "HAPPY ANNIVERSARY, MAHAL!" masigla niyang bati kay Raquel. Pumasok ang dalawa nilang anak na may hawak na cake. Natutop ni Raquel ang bibig at maluha-luha na tinitigan siya. "Happy Anniversary din, mahal. Thank you. Sorry, wala akong gift. Hindi ko kasi naharap pumunta ng bayan," hinging-paumanhin nito. Ngumiti siya saka hinaplos ang pisngi nito. "Sapat na regalo sa'kin ang pagiging isang mabuti mong asawa at ina sa mga anak natin," Kinuha niya sa kaniyang bulsa ang isang box na naglalaman ng isang mamahaling bracelet. Kinuha niya iyon sa lalagyan at isinuot sa asawa. Niyakap siya ni Raquel habang umiiyak ito. "Thank you, mahal. Salamat dahil kahit na kailan hindi mo ipinaramdam sa'kin na kulang ako. Mahal na mahal kita," madamdaming pahayag ng asawa. "Mahal na mahal din, kita." "Daddy! Mommy! Pasama sa hug!" Singit ng dalawa na nakalimutan na nila Kyle at Raquel na naroon ang kanilang dalawang anak. Inilagay ni Kule ang cake sa mesa at magkakasama silang nagyakapan kasabay ng pagkuha ng litrato sa kanilang apat ni Kyle. Please Like and Follow my Page. Leah Felix - Ateng Kadiwa, thank you!
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
18d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All