Nang marating nila ang 8th floor at makalabas ng elevator ay nagtungo na sila tapat ng isang pintuan. Inilabas ng lalaki ang cellphone at inilagay sa taenga nito. Mukhang tatawagan ata nito si Marco. Ngayon ay hindi na nito iyon ini-loud speaker. "Nandito na po kami, Sir," anito. Pagkatapos ay tumango-tango ito. Nilingon siya nito. "Ma'am, buksan niyo na daw po ang pintuan," sabi nito. Naglakad naman siya patungo sa pinto at binuksan iyon. Dahan-dahan siyang pumasok. Nang makapasok ay ang una niyang nakita ay ang mga nagkalat na balloons sa sahig at mga balloons sa itaas. Namangha siya dahil hindi biro ang maglagay niyon sa kisame. Kasabay ng pag-pailanlang ng kantang Sorry. Natutop niya ang bibig. Kanta iyon ng paborito niyang American Singer na si Justin Bieber. Mas lalong nagpamangha sa kaniya ay ang mesa na nasa gitna na may flower vase sa gitna at na kulay pink na bulaklak. Napatingin siya sa gilid ng dahan-dahang lumapit si Marco. Napatingin siya sa pader ng malaglag ang puting tela roon. May nakalagay roon na "I'M SORRY, RUTH" na gawa sa styro foam na kulay pink din. Pink kasi ang paborito niyang kulay. Napakagat-labi siya para pigilin ang luhang nagbabadyang lumabas sa kaniyang mga mata dahil sa emosyon na nararamdaman. Dahan-dahan na naglalakad si Marco habang may hawak na pumpon ng bulaklak habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Nakipagtitigan siya rito. Nang makalapit ito ay doon niya napag-ukulan ng pansin ang itsura nito. Nanlalalim na mga mata at may bigote rin. Kusang umangat ang kaniyang kamay para haplusin ang mga iyon. "I'm sorry. Nang dahil sa'kin naging miserabler ka," Hindi niya napanindigan ang sinabi na hihintayin pa niya ang paliwanag nito. Dahil ngayon pa lang na nakita niya ito ay napatawad na niya ito. "I deserved it. Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyayari sa'kin ito. Kung sana noon pa man sinabi ko na sa'yo, wala sana magiging problema," pag-ako nito sa mga nangyari. Iniabot nito sa kaniya ang pumpon ng bulaklak na kaagad naman niyang tinanggap. "Salamat," aniya. "So, handa ka na bang makinig sa'kin?" tanong nito sa tonong nakikiusap. Tumango siya. "Oo, handa na ako makinig sa'yo," tugon niya at ngumiti rito. Handa na siyang tanggapin kung anuman ang dahilan nito. Kakalimutan niya lahat makasama lang ulit ito. Ganoon naman sa pagmamahal di ba? Handa mong tanggapin lahat ng mali sa kaniya. Nobody's perfect. Iginiya siya nito sa mesa para doon sila maupo at makapagpaliwanag. Kumain muna sila sila bago sila mag-usap. Nag-hire pa ito ng mga crew para mag-asikaso sa kanila. At hindi nasayang ang effort nito dahil nagustuhan niya iyon. Hindi maiwasang mapatitig ni Marco sa labi ni Ruth ng punasan ng dalaga ang gilid ng labi nito ng tissue. Parang gusto niya itong halikan ng mga sandaling iyon. Katatapos lang kasi nilang kumain. Sa totoo lang, miss na niya ang dalaga. Walang araw na hindi niya ito inisip. Nitong mga nagdaang araw ay nakatingin lamang siya rito mula sa malayo. Kaya sobrang nagpapasalamat siya dahil pumayag ito na makipag-usap sa kaniya. Tumikhim siya. "Gusto kong malaman mo ang dahilan kung bakit ko inilihim ang pagkatao ko sa'.yo. Natakot ako na baka lumayo ka sa'kin. Na baka iwan mo'ko dahil CEO ako," aniya na mahihimigan ang lungkot sa boses. Bumuntong-hininga ito. "Pinangunahan mo'ko. Alam mo naman na handa kitang tanggapin at hindi kita iiwan. Bakit ko iiwan ang lalaking nagpasaya sa'kin? Lalaking tumulong sa'kin para maging masaya ulit. Lalaking nagparamdam sa'kin na may magmamahal pa sa'kin ng totoo at ikaw iyon, Marco," buong-puso nitong tugon habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon. nagkamali siya. Nagbaba siya ng tingin. "I'm sorry, Ruth," aniya. "Wala iyon! Ang nahalaga naipaliwanag mo na ang dahilan kung bakit at sapat na sa'kin iyon," anito. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ito. Nakangiti ito at bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Nang mga sandaling iyon ay wala na siyang mahihiling pa. Pauwi na si Ruth sa kaniyang bahay ng mga sandaling iyon. Hindi siya nasundo kanina ni Marco dahil may importante daw itong pupuntahan. Naiintindihan niya ito dahil ito na ang CEO ng kompanya nila. Nang magkaayos sila ay tinanggap na nito ang posisyon na inaalok ng ama nito rito. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay agad niyang binuksan ang pintuan saka ini-on ang switch at pumasok. Pero naudlot ang pagpasok niya ng makita ang mga kahon na nakahilera. Hindi lang iyon basta kahon, nakadikit doon ang mga litrato nila ni Marco simula ng magkakilala sila. Hindi sinasadyang tumulo ang luha niya dahil doon. Naglakad siya patungo sa mga kahon at hindi maiwasang mapangiti ng mga makita ang mga iyon. Panay mga naka-wacky kaya hindi niya naiwasang matawa. "Si Marco talaga!" hindi niya napigilang mapabulalas. "Asaan kaya iyon? Baka trip niya lang ito," aniya sa sarili at nagtungo sa kanyang kwarto at ini-on ulit ang switch. Napahawak siya sa dibdib ng makita si Marco na nakaluhod sa may hawak ng singisng. "Marco!" sigaw niya. "Ginulat mo ako sa proposal mo!" galit niyang sabi. Biglang tumayo si Marco at nilapitan siya. Pag-aalala ang rumehistro sa mukha nito. "Okay ka lang? Gusto mo bang kuhanan ng tubig?" nag-aalala nitong tanong. Umiling siya. "No need," aniya at napatingin sa unahan. Natutop niya ang bibig ng may nakapaskil roon na will you marry me. Mukhang cartolina ang ginamit ron pero maayos ang pagkakagupit ng mga letra. Napatingin siya sa kasintahan na ngayon ay nakaluhod ulit. Sinimangutan niya ito at inilahad ang kamay. "Yes, i will marry you Mr. Marco Santiago," tugon niya na ikinangiti nito. Tumayo ito pagkataos mailagay sa palasingsingan niya ang singsing. Niyakap siya nito. "Thank you dahil tinanggap mo ang proposal ko," Pinalo niya ito sa balikat at umalis sa pagkakayakap nito saka ito pinakatitigan ng buong paghanga at pagmamahal. "Wala na akong ibang hahangarin na mapangasawa kundi ikaw, no? Wala na akong mahihiling pa. Kumbaga, complete package na," aniya at ipinalibot ang mga kamay sa leeg nito. "Salamat dahil dumating ka sa buhay ko Marco," buong pagmamahal niyang sabi. Ipinalibot naman ni Marco ang mga kamay sa kaniyang beywang. "Salaamt din dahil dumating ka sa buhay ko. I love you Ruth Salcedo," paanas nitong sabi. "I love you too, Marco Santiago. Naku! "S" pareho!" pagbibiro niya na ikinatawa nito. Walang patumpik-tumpik pa. Agad siyang hinalikan sa labi ni Marco at buong puso naman niya iyong tinugon. "Daddy!" sigaw ng panganay na anak ni Marco ng sunduin niya ito sa paaralan. Grade 1 na kasi ito. Masigla, masayahin, bibo at matalino si Rim. Agad niya itong sinalubong ng yakap at kinarga. "Kamusta pag-aaral?" tanong niya sa anak. Hinalikan siya nito sa pisngi. "Okay naman po, dad! Tara na po, dad. Gusto ko na po makita si mommy," pagmamaktol nito na ikinatawa niya. Mommy's boy kasi ito. "Okay, tara na!" masigla niyang sabi na talaga namang ikinatuwa ng bata. Nang makapasok sa Ferrari at mailagay ang seatbelt niya at ni ni Rim ay agad na niyang pinasibad ang sasakyan pauwi ng bahay. Nang makarating ay exited na lumabas ng sasakyan si Rim. "Dahan-dahan baka madapa ka!" bilin niya sa bata na sinunod naman nito. Sumunod na rin siya at pumasok na sa loob ng bahay. Binati siya ni Bessy ng magadang tanghali na tinugon naman niya ng ngiti. Bente anyos na ito at ito at katuwang ng asawa sa bahay. Mula sa salas ay rinig niya ang tawanan ng kaniyang mag-ina. Parang hinaplos ang kaniyang puso dahil doon lalo na ng maabutan niya na kini-kiss ni Rim ang tiyan ng ina. "Paglabas po ni baby, magiging mabuti po akong kuya sa kaniya, mommy!" sabi nito na ikinatawa niya kaya napalingon ang mga ito sa kaniya. "Ang saya naman ng mag-ina ko," biro niya na i-kinangiti ni Ruth, ang kaniyang butihing maybahay. "Napaka-bibo at napakakulit talaga ng anak mo, mahal!" ani ng asawa na natatawa. Napatingin sila kay Bessy ng pumasok ito sa kusina saka nilapitan si Rim. "Halika na, baby. Bihis ka muna," sabi nito. Tumango-tango naman si Rim at nag-pabuhat sa dalaga. Ngumiti ito sa kanila na ginantihan rin nila ng ngiti. Nang makaalis ang mga ito ay nilapitan niya ang asawa at hinalikan ito sa labi. A light kiss only. "I miss you," buong pananabik niyang sabi habang nakatitig sa kaniya ng buong pagsuyo at pagmamahal. "I miss you too," anito. Bumaba ang tingin niya sa maumbok nitong tiyan at hinaplos iyon. Limang buwan na itong buntis at nagpapasalamat siya dahil babae iyon. "Malapit mo na maisilang ang baby girl natin," wika niya na may masuyong ngiti sa mga labi. "Kaya nga. Sa totoo lang ang sarap maging ina sa mga anak natin at maging asawa sayo. Alam mo ba kung bakit? Dahil masaya ako na pinaglilingkuran ko kayo," madamdamin nitong pahayag. Lumambot ang puso niya sa sinabi. Lumamlam ang puso niyang nakatitig rito. "Salamat mahal. Mahal na mahal kita," Iyon lang ang mga katagang lumabas sa bibig niya. Akmang hahalikan na niya ang asawa ng biglang may marinig silang matinis na boses. "Daddy! Nagugutom ako!" Walang iba kundi ang kanilang anak na si Rim na ngayon ay patakbong lumalapit sa kanila. Natawa na lang sila pareho ng asawa. Sinalubong niya ang anak at binuhat ito. Samantala, naghanda naman si Ruth ng mamemeryenda nila.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
18d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All