Napabuntong-hininga si Kyle ng wala siyang mapili sa mga nag-audition ng araw na iyon. Kailangan na kasi nila ng gitarista dahil umalis na si Kate sa grupo dahil nag-asawa na ito ilang buwan na ang nakararaan. Hindi niya akalain na uunahan pa siya ng kapatid. Napasandal siya sa swivel chair sa kanilang mini office. "Magagaling naman lahat, ah? Bakit wala kang mapili?" tanong ni Mike, the band's drummer. Pinsan niya ito. Napailing-iling siya. Magagaling naman silang lahat pro may hinahanap siya. "May hinahanap ako at kapag nakita ko iyon, siya na ang kukunin ko," aniya saka tumayo. Napatingin si Mike sa pintuan ng may kumatok roon. Binuksan nito iyon. Napakunot-noo siya ng makitang natigilan si Mike. "Sino iyan, Mike?" tanong niya. Tumingin ito sa kaniya na parang tulala. "May mag-au-audition," sagot nito saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. "Pasok," sabi ni Mike. Pumasok ang nasa labas. Maging siya ay napatulala ng makita ang babae. Maganda ito at maputi idagdag pa ang tangkad nitong taglay. Napalunok siya at tumikhim ng humarap ito sa kaniya. Si Mike naman ay naupo sa sofa na nasa gilid lamang ng opisina. Ngumiti ang dalaga na mas lalong nagpaganda sa tangkad nitong taglay. "Good day, po! Raquel po pala. Nakita ko po kasi sa labas ng opisina na naghihi-hired po kayo ng gitarista. Kaya ng mapadaan ako ay nagbabakasakali po na makuha ako," wika nito na may ngiti pa rin sa mga labi. "May experienced ka na ba? Ibig kong sabihin kung sumasali ka sa mga contest o di kaya ay sa naging kabilang ka sa isang banda," tanong ni Kyle habang nakatitig sa babae. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Simple lamang manamit ang babae pero pwede naman ito turuan sa kung paano sila manamit. "Opo, nasa banda na po ako dati," sabi nito. Napatango-tango na lamang siya. Tiningnan niya si Mike at nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin. Kinuha nito ang gitara na nakasabit sa dingding at ibinigay iyon sa kaniya. Iniabot niya iyon at ibinigay sa babae na kaagad naman nitong tinanggap. "Magsimula ka na," sabi niya. Ngumiti lamang ito. Nagsimula na itong kalabitin ang string ng gitara. Siya naman ay nagtungo sa kaniyang mesa at naupo. Hindi niya maiwasang humanga sa galing nito. Bihasang-bihasa ang kamay nito. At habang tumatagal ay nakikita niya iyong passion sa bawat galaw ng daliri nito. Tumikhim siya. "Tanggap ka na," sabi niya na ikinanlaki ng mga mata nito. Bagay rito ang naging ekspreksiyon ng mukha nito. "Totoo po?!" pasigaw nitong sabi na halos umabot na sa taenga ang pagkakangiti nito. Tumango-tango siya. "Oo, tanggap ka na," pagtatapos niya sa usapan nito. Lumapit ito sa mesa niya. "Maraming-maraming salamat po. Kailangan ko lang po talaga ng racket ngayon dahil nagme-maintenance po ang aking ina," anito na medyo maluha-luha. Tumango na lamang siya saka ibinigay ang cellphone rito. "Kunin ko cellphone # mo para kontakin na lang kita kapag kailangan ka na namin," Agad naman nitong kinuha ang cellphone niya at inilagay ang cellphone # nito. "Ayan po," sabi ni Raquel sabay abot ng cellphone sa kaniya. Pagkatapos, nagpaalam nito sa kaniya dahil may pupuntahan pa raw ito. Hindi niya maiwasang mapa-titig sa cellphone # nito hanggang sa tumikhim si Mike. "Hindi ko akalain na ilang minuto pa lang siya sa pag-gitara ay tinanggap mo na. Samantalang iyong mga ilan na nag-audition pinatapos mo pa sila," mapang-uyam na sabi ni Mike. Tiningnan niya ng masama si Mike. "Dahil kitang-kita ko ang galing niya sa pagkalabit ng gitara. Alam kong pro siya," dahilan niya. Sa totoo lang, hindi niya rin alam kung bakit tinanggap niya ito agad. Dahil ba sa nagandahan siya rito? Ipinilig niya ang ulo. Hindi. Magaling ito kaya niya tinanggap bonus na lang ang pagiging maganda nito. Ngumisi si Mike. "Sigurado ka?" paniniguro nito. "Ewan ko sa'yo. Binibigyan mo ng malisya ang pagtanggap ko kay Raquel. Eh, magaling naman talaga siya. Halika na nga! Gutom na ako! Kain na lang muna tayo sa labas," sabi niya at nauna ng lumabas. Rinig pa niya ang malakas na pagtawa ni Mike. Sumunod na rin naman ito sa kaniya makalipas ang ilang segundo. Nang hapon na iyon ay naging bisita ni Raquel si Jonhcel. Agad niyang niyakap ang binata ng makita ito. "I miss you," sabi ni Raquel kay Johncel. Hinalikan siya ng binata ng mabilis sa labi. "I miss you, too," tugon nito. Niyaya niya ang binata sa loob ng bahay, sa may salas. Naupo naman roon si Johncyl. Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng juice sa ref, dalawang biscuit para sa binata. Nang mai-lapag niya iyon sa center table ay sinalinan na niya ng juice ang baso ng binata. Nakangiting iniabot niya iyon sa kasintahan na may masayang ngiti sa labi. Hanggang ngayon kasi nasa isip pa rin niya ang pagkakatanggap niya sa audition. Malaking tulong talaga iyon sa kaniya. "Parang ang saya natin ngayon, babe?" puna sa kaniya ni Johncyl. Nag-angat siya ng tingin para tingnan ang kasintahan. Ngumiti siya rito at isiniksik ang katawan sa binata. "Natanggap ako bilang isang gitarista ng banda, mahal. Kagagaling ko lamang sa isang kompanya na in-applayan ko ng trabaho nang makita ko sa labas ng isang opisina na nag-hihire ito ng gitarista. Kaya sumubok na ako," tugon niya habang titig na titig rito. Seryuso si Johncel at parang hindi masaya sa achievement niya. "For sure, may mga lalaki kang kasama," pagrereklamo ni Johncel at nag-iwas ng tingin. Humarap si Raquel sa kasintahan. "Babe, oo. May mga kasama akong lalaki pero ginagawa ko ito para kay inay. Please, intindihin mo naman ako," aniya. Nagpapahinga ng kasi ang kaniyang ina ng mga sandaling iyon. Gabi na kasi ng mga sandaling iyon ng bumisita si Johncel. Kahit inaantok siya ay hinintay niya ito dahil sobrang miss na miss na niya ito. Huminga ito ng malalim saka siya pinakatitigan. Ngumiti si Johncel. "Okay, naiintindihan ko, babe. May tiwala ako sa'yo. Sa lalaki lang wala. Pero dahil kailangan mo ibibigay ko ang buong tiwala ko sa'yo," anito at muli naglapat ang kanilang mga labi. Hanggang halik lamang silang dalawa. Niyaya na rin siya nito na may mangyari sa kanila pero tinanggihan niya. Sabi niya, saka na lang kapag ikinasal sila. Alam niyang nagtatampo ang kasintahan pero kahit ganoon pa man ay nirerespeto niyo ang desisyon niya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
18d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All