Lumabas na si Marco ng opisina ng kaniyang Tiyo Frank, ito kasi ang may-ari ng kompanyang pinagtratrabahuhan niya bilang Chief Financial Officer. May sinabi kasi ito sa kaniya patungkol sa Financial ng kompanya. Paglabas niya ay agad siyang nagtungo sa elevator at sumakay. Bago lamang siya rito sa kompanya ng kaniyang Tito Frank. Actually, may sariling kompanya ang kaniyang magulang. Nag-e-export sila ng mga muwebles sa ibang bansa at kilala sila sa buong Pilipinas at sa ibang bansa. Huminto ang elevator na katunayan na may sasakay. Bumukas iyon at hindi niya maiwasang mapa-titig sa babaeng pumasok. Matangkad, morena, may tuwid at mahabang buhok at higit sa lahat maganda. Tumabi ito sa kaniya at parang wala ito sa sarili dahil hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin eh, gwapo naman siya. Baka may malalim lang na iniisip. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong klaseng ganda. Iyong gandang hindi nakakasawang titigan. Tumikhim siya na naging dahilan para mapabaling sa kaniya ang dalaga. Ngumiti siya at inilahad ang kamay sa harapan nito. "Marco Salcedo, CFO of the company. Ikaw?" Nanlaki ang mga mata nito dahil marahil sa gulat sa pagbanggit niya ng posisyon niya rito. Agad nitong tinanggap ang pakikipagkamay niya. "Ruth Santiago, po. Pasensiya na po hindi ko po alam na CFO kayo. Ngayon ko lang po kasi kayo nakita," atubili nitong sabi. Natawa siya ng mahina. "Ayos lang. Bago lang din kasi ako," sagot niya at tipid na ngumiti. Bumukas naman ang elevator kaya lumabas na sila ni Ruth. Sabay silang naglakad ni Ruth palabas ng gusali. Tiyak na mana-nanghalian ito. Kumunot ang noo niya ng biglang lumayo ito sa kaniya. Lumapit siya rito. "Bakit?" tanong niya. Tiningnan siya nito habang kagat ang labi. "Pinagtitinginan po kasi tayo, sir," paliwanag nito. "Ano naman ngayon? Hayaan mo sila," aniya at iginiya ito palabas ng gusali. Natigilan si Ruth sa ginawa niya pero ilang sandali lamang ay sumabay na ito sa paglabas ng gusali. "Saan ka mag-lu-lunch?" tanong niya saka nilingon ito. Ngayon lang niya napagtuunan ng pansin ang mga mata nito. Napakahaba pala ng mga pilikmata nito na mas bumagay sa mapupungay nitong mga mata. "Sa canteen po, sir. Kayo po ba?" magalang nitong tanong. Huminga ng malalim at pinakatitigan ito. "Just call me, Marco. It's enough," utos niya rito. Umiling ito. "Hindi pwede, kailangan po kitang igalang dahil mas mataas ang posisyon mo sa'kin," tanggi nito at nakipagtitigan sa kaniya. "Nasa labas naman na tayo kaya pwede mo na ako tawaging Marco. Wala na tayo sa trabaho dahil iyon naman ang dahilan kung bakit ako CFO, di ba?" pagdadahilan niya. Bumuntong-hininga ito bilang pagsuko saka ngumiti. "Okay, Marco," tugon nito. Hindi niya akalain na masarap pala sa pandinig ang pagbigkas nito ng pangalan niya. "Mabuti naman at pumayag ka na," aniya na natatawa. Natawa na rin ito. "Pakiramdam ko kasi hindi ka titigil hangga't hindi ako pumapayag sa gusto mo," anito na natatawa pa rin. Iyong tawa ng isang dalagang Pilipina. Sabay na silang nagtungo sa canteen habang pinag-uusapan ang mga ginawa nila ng umagang iyon. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang puso ni Ruth dahil sa paghihiwalay nila ni Jassel. Hindi rin biro ang mag-move-on lalo at minahal niya ito ng sobra. Bumuntong-hininga siya para kahit papaano mawala kahit paninikip ng kaniyang dibdib. "Ang lalim non, ah?" biro ni Marco na nakalapit na pala sa kaniya. Tiningala niya ito. May bitbit itong isang tray at inilalagay sa mesa ang laman niyon. Ito kasi ang nagprisinta na mag-order ng pagkain nila at matiyagang pumila. Katunayan, first time lang daw nito na kumain sa canteen. "Pasensiya na may naisip lang," pagdadahilan niya. Umupo ito sa katapat niyang upuan. Tinitigan siya ito. "Naisip na problema ba?" usisa nito. Napatitig siya rito. Tama ba na pagkatiwalaan niya ito tungkol sa pribadong buhay niya? Sabagay, wala rin naman masama kung i-sha-share niya rito ang kabiguan niya sa pag-ibig baka sakali may maipayo siya rito. "Patungkol ito sa paghihiwalay namin ng dati kong nobyo," tipid niyang sagot. Biglang nagbago ang ekspreksiyon ng mukha nito. "I'm sorry to hear that," hinging-paumanhin nito. Ngumiti siya at ikinumpas ang kanang kamay sa ere. "Wala iyon. Mabuti pa kumain muna tayo dahil tiyak na gutom ka na dahil gutom na rin ako," pagbibiro niya na ikinatawa nito ng malakas. Napapatingin ang ilang kababaihan sa kaniya. Makikita sa mga mata nila ang inggit dahil kasama niya ang CFO ng kompanya. Sino ba naman ang hindi maiinggit, eh, gwapo ito? Natigilan siya ng mapagtanto ang naisip. Napatingin siya rito. Sabagay, gwapo naman talaga ito. "Pero ayos lang kung ayaw mong ikwento. Maiintindihan ko naman," wika nito at nagsimula ng lagyan ang plato nito na may kanin. "Sasabihin ko. Maganda na rin iyon para masabi ko sa iba ang dinadala ko at baka sakaling mapayuhan mo ako, di ba?" tanong niya kaya napaangat ito ng tingin. Ngumiti ito. "Tama ka diyan," anito at itinaas ang plato na may lamang pagkain. "Tara, kain na!" anyaya nito na ikinatawa niya. "Mabuti pa nga!" segunda niya at nagsimula na silang kumain.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
19d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All