logo text

The CEO'S Crazy Love (Chapter 5)

"Thank you dahil nag-enjoy ako sa araw na ito," may sensiridad na sabi ni Ruth kay Marco na ihatid pa siya nito sa mismong tapat ng pinto ng kaniyang bahay. Ngumiti ito ng buong tamis.
"Walang anuman. Nag-enjoy ako na kasama mo," wika nito saka lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Napapikit siya dahil sa ginawa nito at dinama ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang noo. "Thank you sa oras na ibinigay mo sa'kin," puno ng emosyon na sabi nito saka sinalubong ang kaniyang tingin. Ilang sandali silang nagtitigan hanggang sa hawakan ni Marco ang kaniyang pisngi at dahan-dahang inilapit ang labi sa kaniyang labi. Ilang sandali lamang ay lumapat na ang labi nito sa kaniyang labi at sinakop iyon. Ibinuka niya ang labi para salubungin ang halik nito at buong pusong tinugon. Kusang gumalaw ang kaniyang mga labi para mas paalabin pa ang halik na namamagitan sa kanila. Binuksan ni Marco ang pintuan ng kaniyang bahay at pumasok sila sa loob habang mag-kahinang pa rin ang kanilang labi. Hanggang sa marating nila ang kaniyang kwarto ay inihiga siya ng binata sa kaniyang kama. Nang makasampa ito ay pinakatitigan siya.
"I love you, Ruth," madamdamin nitong sabi. Pinakatitigan niya ito at hinawakan ang pisngi nito.
"I love you, too, Marco," pagtatapat niya na ikinanlaki ng mga mata ni Marco.
"Mahal mo ako?" hindi-makapaniwalang tanong nito. Tumango siya bilang pag-sang-ayon.
"Oo, mahal kita. Nakakagulat ba na kaya kitang mahalin?" nakataas ang kilay niyang sabi. Ngumiti ito at kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito. Nag-blu-blush rin pala ang mga lalaki. Ang cute lang tingnan. Pinisil niya ang pisngi nito.
"Ang cute mo pala kapag namumula ang pisngi mo," aniya na natawa.
Sinamaan siya nito ng tingin at mabilis na sinakop na naman ang kaniyang labi. Nang gabing iyon ay may nangyari sa kanila. Wala siyang pinagsisisiha sa ginawa dahil alam niyang karapat-dapat si Marco na pag-alayan niya ng sarili. Ito ang dahilan kung bakit siya nakaahon mula sa kalungkutan.
Isang linggo ang nagdaan na naging masaya ang relasyon nila ni Ruth at Marco. Lagi silang magkasama at magkasabay na kumakain. Alam na rin naman ng mga kasamahan niya sa trabaho at sa ibang departamento na kasintahan niya ang binata. Maalaga at maalalahanin ang binata sa kaniya.
Napatingin si Ruth sa bedside table ng tumunog ang alarm clock niya. Bumangon siya at ini-inat ang ang kamay sa ere. Napangiti siya ng maalala ang pinagsaluhan nila ni Marco kagabi. Nag-movie-marathon ulit sila at dito ulit natulog ang binata na nauwi sa isang mainit na pag-iisa ng kanilang katawan. Hindi na siya magtataka na magbunga ang kapusukan nila pero pinangako naman nito na pananagutan nito kapag nagdalang-tao siya. Bumangon siya at nagtungo sa kusina para magluto sana ng kaniyang agahan ng makitang may nakatakip sa food cover. Tiningnan kung ano laman niyon. Napangiti siya ng makitang may nakadikit doon na papel at may nakasulat. Sulat kamay ni Marco. Binasa niya iyon.
"Good morning, beautiful! Nagluto na ako ng agahan mo para hindi ka na magluto pa. Baka kasi tanghaliin ka ng gising dahil alam kong pagod ka." Namula ang pisngi niya dahil sa sinabi ng kasintahan. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa. "Have a nice day. I love you." Napangiti siya dahil ka-sweetan nito. Binuksan na niya ang tupperware. Sausage, fried rice, bacon at omelet ang iniluto nito. Umupo na siya sa upuan at sinimulang kainin ang inihanda nitong pagkain.
"Miss Salcedo, pwede ba kitang utusan?" tanong ng manager nila sa kaniya pagkalabas niya ng banyo. Tumango siya.
"Oo naman po sir. Ano po ba iyon?" tanong niya. Iniabot nito sa kaniya ang isang folder.
"Pakibigay naman ito kay Sir Ryle. Kailangan na kasi niya iyan. Madami pa kasi akong gagawin," pakiusap nito. Kinuha niya iyon at nagpaalam na. Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng kaba. Bakit kaya niya iyon nararamdaman? Isiniwalang-bahala na lamang iyon at tinungo ang opisina ng CEO nila. Nang malapit na siya sa pintuan, akmang kakatok na sana siya dahil wala ang sekretarya nito. Marahil ay nag-lunch break.
"Marco, alam kong mahal mo ang trabaho mo dito pero hindi iyon sapat para hindi ka bumalik sa kompanya ng dad mo," ani Sir Ryle na nagpahinto sa kaniya. Ano ang ibig sabihin ni Sir Ryle? May sariling kompanya sina Marco? Bakit hindi niya iyon alam? Ang daming tanong sa kaniyang isipan nang mga sandaling iyon.
"Magpapaliwanag po ako kay dad. Hindi pa po ako handa maging CEO ng kompanya. Saka na lang po muna," anito.
"Miss Salcedo?" tanong ni Daisy. Ang sekretarya ni Sir Ryle. Napatingin siya rito at ngumiti.
"Ahm, ibibigay ko sana ito kay Sir Ryle," aniya sabay pakita ng folder. Napatango-tango ito saka nagtungo sa pinto at kumatok.
"Narito po si Miss Salcedo, Sir," pagbibigay-alam nito. Lumingon ito sa kaniya.
"Pasok ka na raw," sabi nito na dagli naman niyang sinunod.
Nang makapasok ay hindi siya nag-abalang tingnan si Marco. Galit siya rito dahil sa paglilihim nito sa kaniya! Naalala niya ang sinabi nito na pangarap nitong maging isang chef pero ayaw ng ama nito. Dahil ba sa gusto nito na maging CEO si Marco ng kompanya ng mga ito? Ramdam niya ang titig sa kaniya ni Marco pero wala siyang pakielam.
"Ano iyon Ms. Salcedo?" tanong ni Sir Ryle. Lumapit siya sa mesa nito at iniabot ang folder.
"Pinapabigay po ni Sir Tristan," sagot niya na tinanggap naman nito.
"Mauna na po ako," aniya at bahagyang yumukod. Tumango naman ito. Pumihit siya paharap at nagsimulang maglakad ng hindi tinitingnan si Marco.
"Ruth," tawag nito sa kaniya pero hindi niya ito pinansin.
Hindi niya akalain na tumulo na pala ang luha niya na hindi niya namamalayan. Agad niyang pinunasan iyon pagkalabas niya. Ano ba ang dahilan at bakit ayaw nitong sabihin sa kaniya iyon? Handa naman siyang tanggapin iyon!

Book Comment (152)

  • avatar
    Lionel Andres Niemes

    it's good 👍👍

    19d

      0
  • avatar
    CadarNorjanna

    nice

    16/12

      0
  • avatar
    Ana laura Mazini

    I loved

    21/11

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters