Homepage/Collection Of One Shot/
Heart Never Forget
(Last Chapter)
Sa kabilang banda, mahimbing na natutulog si Loisa nang walang ano-ano'y ay parang hindi siya mapakali sa kinahihigahan. Hanggang sa bigla siyang napa-balikwas ng bangon. Napahawak siya sa kaniyang ulo ng unti-unting bumabalik ang lahat ng kaniyang nakaraan.
"Nay!" tawag niya.
Nasa kabilang kwarto si Laila ng mga sandaling iyon at narinig niya ang sigaw ni Loisa. Nagmamadaling lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni Loisa. Pag-aalala ang makikita sa mukha nito ng makita si Loisa na sapo ang ulo. Nilapitan niya ang anak at niyakap ito saka hinagod ang likod nito. Hanggang sa kumalma si Loisa. Tumingin siya sa kaniyang ina ng kumalas siya sa pagkakayakap.
"Naaalala ko na po ang lahat, 'nay,"
Galak ang makikita sa mukha ng kaniyang ina. Natutuwa siya dahil sa wakas nakakaalala na si Loisa! Hindi na ito mahihirapan pa. Tumulo ang luha ng ginang.
"Salamat sa Diyos dahil tapos na ang paghihirap mo," madamdaming pahayag ni Laila.
"Kailangan kong puntahan si Matthew 'nay. Alam ko na nasaktan siya sa ginawa ko. Ang dami na pala niyang sakripisyo sa relasyon namin. Alam kong nasaktan siya ng isauli ko ang singsing sa kaniya," wika niya at hindi napigilan ang umiyak. Niyakap siya ng kaniyang ina.
"Hindi pa huli ang lahat. Pwede niyo pa maayos ang lahat,"
Huminga ng malalim si Loisa bago binuksan ang gate. Nakaawang kasi iyon. mukhang narito rin si Ryan dahil naroon ang sasakyan nito. Naglakad siya papasok sa loob ng bahay. Nakaawang ang pintuan kaya pumasok na siya.
"Ryan, Matthew," tawag niya sa dalawa.
"Loisa," napatingin siya sa itaas ng hagdan ng marinig niya ang boses ni Ryan. Ngumiti siya rito.
"Asaan si Matthew?" tanong niya. Nakatitig lamang ang binata sa kaniya.
"Ryan, bakit?" nag-aalala niyang tanong. Huminga ito ng malalim.
"Nasa silid niya. Walang malay. Nagpakalasing dahil nasaktan siya ng isauli mo ang engagement ring na ibinigay niya sa'yo," sabi nito. Hindi naman galit sa kaniya si Ryan pero alam niyang nasasaktan din ito para sa kaibigan. Napakagat-labi siya. Lumakad palapit sa kaniya si Ryan.
"Sana mapatawad mo siya Loisa. Oo, naglihim at nagsinungaling siya sa'yo pero ginawa niya iyon para sa kalagayan mo. Ganoon ka niya kamahal. Tiniis niya iyon para sa'yo," sabi nito.
"Nakakaalala na ako Ryan at pinapatawad ko na siya," Ngumiti si Ryan dahil sa sinabi niya.
"Good to hear that. Puntahan mo na siya ngayon sa silid niya. Kailangan niya ata ng pag-aalalaga mo," pagbibiro nito na ikinatawa nila pareho. Nang makaalis si Ryan ay nagmamadaling umakyat siya sa hagdan at pinuntahan ang fiancee sa silid nito.
Nagising si Matthew dahil sa pakiramdam na may humahaplos sa kaniyang katawan. Nagmulat siya ng tingin at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib ng makita si Loisa na pinupunasan ang kaniyang dibdib.
Kagat nito ang labi at mukhang hindi napansin na gising na siya. Hinuli niya ang kamay nito na naging dahlian para mapatingin sa kaniya ang dalaga.
"Gising ka na pala," sabi niya. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito. Bumangon siya.
"Salamat sa pag-aalaga sa'kin," sinsero niyang sabi. Tumango-tango ito saka sinalubong ang titig niya.
"Ako dapat ang magpasalamat dahil sa mga sakripisyo mo sa'kin, Matt," natigilan siya sa itinawag nito sa kaniya. Matt ang palayaw niya rito. Nakakaalala na ba ito?
"Basta para sa'yo gagawin ko. Ngunit alam ko na nasaktan kita sa ginawa ko kaya patawarin mo ako Loisa," hinging-paumanhin niya.
Ngumiti si Loisa. Ngunit ang sunod nitong ginawa ang nagpatigil sa mundo niya. Hinalikan siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang tugunin ang halik nito. Hinila niya ito at pinaupo sa kandungan niya. Pareho silang hinihingal ng maghiwalay ang kanilang labi.
"Naaalala ko na ang lahat, Matt. Naaalala ko na kung sino ka sa buhay ko. Sorry kung nasaktan kita," buong-pagsuyo nitong sabi. Hinaplos niya ang pisngi nito.
"Naiintindihan ko," Tinitigan niya si Loisa. "I LOVE YOU," buong-pagsuyo nitong sabi.
"I love you too," tugon ni Loisa. Muli, naglapat ang kanilang mga labi hanggang sa unti-unting inihga ni Matt si Loisa sa kama at kinubabawan at ng umagang iyon ay may nangyari sa kanila.
Kanina pa hindi mapakali si Matthew habang tinutulungan ang mga crew na ini-hired niya para sa proposal na gagawin niya. Aalukin niya ulit ng kasal si Loisa. Excited na siyang ipagamit ang apelyido niya kay Loisa.
"Okay na ba ang lahat?" tanong niya. Ngumiti ang isang crew.
"Okay na po,"
Actually date ito kaya gusto niyang sabay ang date at proposal kahit sabihin pa na nag-usap na sila tungkol sa engagement na naganap bago ang insidente. Inayos niya ang sarili at kinuha ang cellphone sa kaniyang suot na slacks. Tinext niya si Ryan. Ilang sandali lamang ay nag-reply na ito. Malapit na daw ang mga ito. Nasa isang restaurant siya ngayon.
Ilang sandali lamang ang hinintay niya ng makita si Loisa na nakasuot ng dark blue fitted dress na talagang humapit sa katawan nito. Pinagbuksan ito ng isang crew ng sliding door na nag-uugnay sa terasa ng restaurant.
"Good evening to the most beautiful lady, tonight," titig na titig niyang sabi nang makalapit rito. Inilahad niya ang kamay sa harapan nito.
"Thank you," Inilapit niya ang labi sa taenga nito.
"Napaka-sexy mo ngayon. Pinagtitinginan ka tuloy ng mga lalaking crew," biro niya sa kasintahan.
"Kahit naman pinagtitinginan ako. Iyong-iyo lang naman ako," ganting-biro nito na ikinatawa niya.
"I like your answer, baby," sabi niya saka kinindatan ang si Loisa.
Iginiya niya ito sa gitna kasabay ng isang malamyos na musika na pumailanlang sa bawat sulok kung saan sila naroon. Ipinatong niya ang kamay sa bewang ng dalaga at hinapit ito palapit sa kaniya. Samantala, ipinalibot naman ni Loisa ang mga kamay sa kaniyang leeg.
"Thank you for coming tonight. Akala ko i-indyanin mo na ako," biro niya. Nakatanggap siya ng masamang tingin sa kasintahan. Talagang bumalik na ang dating Loisa.
"Bakit naman kita i-indyanin? Walang dahilan para indiyanin kita 'no?" pagtataray nito. Pinisil niya ang ilong nito.
"Mataray ka pa rin talaga," komento niya.
"Alam ko naman na kahit mataray ako ay mahal mo pa rin naman kao di ba?" tanong ni Loisa. Pinakatitigan niya ito.
"Oo naman. Kapag nagmahal ka matatanggap mo lahat ng good at bad sa kaniya. Hindi ka naman laging mataray eh," sabi niya saka mas lalong hinapit ito.
Tiningnan niya ng makahulugan ang mga crew kaya naman lumabas ang mga ito.
"Bakit sila umalis?" tanong ni Loisa habang nakatingin sa mga crew na papalabas.
"Dahil may gagawin ako,"
"Ano iyon?" kuryos na tanong ni Loisa at humarap sa ka niya. Agad niyang sinakop ang labi nito at ipinadama sa halik ang walang kondisyon niyang pagmamahal sa kasintahan. Ginantihan naman siya nito ng halik. Nalalasahan niya ang lipstick ni Loisa pero wala na siyang pakielam doon. Nang maghiwalay ang kanilang labi biglang tumawa ng malakas si Loisa.
"Masyado ka naman sabik sa'kin na kahit may lipstick ako ay hinalikan mo pa rin ako," pang-aasar nito.
"Eh, sobra akong nanabik sa'yo eh. Masisisi mo ba ako?" nagtatampo niyang tanong. Tumawa lamang si Loisa saka kumuha ng tissue sa mesa at ito na sang nagpunas ng lipstick na kumalat sa gilid ng kaniyang labi. Nang matapos, ipinaghila niya ng upuan si Loisa.
"Kain muna tayo," sabi niya.
Kinuha niya ang pagkain sa mesa na nasa gilid. Siya ang waiter ng mga sandaling iyon dahil pinaalis niya ang mga crew na siyang magsisilbi sana sa kanila.
"Pinaalis mo kasi ang mga crew kaya ikaw tuloy ang magsisilbi sa'kin," pang-aasar na naman ni Loisa. Kinindatan niya ito.
"Ayos lang dahil ikaw naman ang pinagsisilbihan ko," Ngumiti lamang si Loisa. Naupo na siya sa katapat na mesa at nagsimula na silang kumain. Napalunok si Matthew ng hawakan ni Loisa ang cup ng leche flan. Napangiwi si Loisa.
"Ano iyon? May nanguya akong bakal," sabi nito. Nanlaki ang mga mata nito ng mailabas ang bakal na iyon na walang iba kundi singsing. Nagtatakang tiningnan siya nito.
"Will you marry me?" tanong niya.
"Pero di ba engage na tayo?" nagtatakang tanong nito. Kinuha niya ang singsing sa kamay nito at pinunasan iyon.
"This time hindi mo na makakalimutan na engage ka sa'kin. So, will you marry me?" tanong ulit niya. Inilahad nito ang kamay sa kaniyang harapan.
"Of course, i will marry you. Kahit nga hindi ka na mag-propose papakasalan kita," pagbibiro ni Loisa na ikinatawa niya. Nang maisuot ang singsing, masigabong palakpakan ang kanilang narinig. Napatingin sila roon. Naroon ang mga crew na tumulong kay Matthew sa paghahanda. Nang mga sandaling iyon ay wala ng mahihiling pa si Matthew.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (152)
Share
End
Recommendations for you
it's good 👍👍
18d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All