Homepage/Collection Of One Shot/
Heart Never Forget
(Chapter 3)
Hindi maiwasang mainis ni Matthew. Possessive siya pagdating kay Loisa. Pagdating nila sa kusina ay ipinaghila niya ng upuan ang dalaga.
"Upo ka diyan. Ako na ang bahalang maghanda ng tanghalian natin," sagot niya. Kinuha niya sa kitchennete ang fried chicken na binili niya sa isang fast food chain dahil ito ang paborito ni Loisa.
"Wow! Ang bango non!" bulalas ni Loisa. Natawa siya saka inilapag sa mesa ang isang bucket ng fried chicken.
"Kukuha lang ako ng plato para makakain na tayo," bilin niya saka nagtungo sa dish container. Nang matapos sa paghahanda ay sabay na silang kumain.
"Paborito ko 'to no?" tanong sa kaniya ni Loisa habang ngumunguya. Nilagyan niya ng tubig ang baso at iniabot iyon sa dalaga.
"Don't talk when your mouth is full baby," hindi niya napigilang sabihin. Nanlaki ang mga mga mata ni Loisa kasabay ng pamumula ng pisngi.
"Tinawag mo akong baby?" hindi makapaniwala nitong tanong.
"Oo, madalas kitang tawaging baby kasi para kang bata kong kumain," sabi niya ay matawa ng mahina. Napatango-tango naman si Loisa.
"Oh—" Naudlot ang sasabihin nito ng biglang hinawakan nito ang sentido. Tumayo siya at nilapitan ang dalaga. Labis siyang nag-aalala.
"Okay ka lang?" tanong niya.
"Sakit ng ulo ko. Pakikuha sa bag ang gamot ko," sabi ni Loisa. Agad niyang binuksan ang bag nito saka inilabas ang gamot. Kumuha ng tubig at iniabot iyon sa dalaga. Nang mainom iyon ay binuhat niya na ikinatigil ni Loisa.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Loisa. Kita pa rin sa mukha nito ang iniindang sakit.
"Kailangan mong magpahinga," sabi niya at dumiretso sa kwarto.
Hindi na nagsalita pa si Loisa bagkus isiniksik nito ang katawan sa kaniyang dibdib. Napahinga siya ng malalim. Sobrang miss na niya ito.
Nagising si Loisa na pa-palubog na ang araw. Mukhang napasarap ang tulog niya. Napabaling siya sa kaniyang kanan at nakita si Matthew na nakayuko sa kama at mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang buhok nito gamit ang kaniyang kanang kamay.
"Hindi ko alam kung ano ka sa buhay ko. Pero, ramdam ko na malaki ang parte mo sa buhay ko. Sino ka nga ba sa buhay ko Matthew? Bakit sa tuwing kasama kita, bumibilis ang tibok ng aking puso?" tanong niya. Ngumiti siya ng magising ito. Nag-aalalang hinaplos nito ang pisngi niya habang masuyong nakatitig sa kaniya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito.
"Ayos na ako. Huwag mo akong alalahanin. Actually, may tumatawag rin sa'kin ng "baby". Ikaw ba iyon?" tanong niya. Mataman lamang na nakatitig ito sa kaniya. Humugot ito ng malalim na hininga na para bang hirap na hirap.
"Oo, ako nga," tipid nitong sagot.
Pakiramdam niya may itinatago sa kaniya si Matthew. Ayaw niyang magalit hangga't hindi niya nalalaman. Malalaman lamang niya iyon kapag nakaalala na siya. Ang tanong, ano ang pwede nitong itago sa kaniya?
'Nay," tawag niya sa ina ng gabing iyon habang pinagsasaluhan nila ang hapunan na niluto niya.
Napagtanto niya na mahilig siyang magluto. At, nasabi ng kaniyang ina na iyon ang passion niya.
"Anak, bakit?" tanong nito. Kitang-kita niya sa mukha ng ina ang pag-aalala. Hindi, parang hindi pag-aalala ang nakikita niya kundi nerbiyos. At, bakit?
"Kaibigan ko lang po ba talaga ang relasyon namin ni Matthew?" curious niyang tanong. Nag-iwas ng tingin ang kaniyang ina.
"Mas mabuting siya na lang ang tanungin mo anak," iyon ang sagot nito.
Nanikip ang dibdib niya dahil may inililihim sa kaniya ang kaniyang ina at si Matthew. Kung anuman iyon ay tiyak na malalaman niya kapag may naalala na siya. Hindi kaya boyfriend niya si Matthew?
Matapos kumain, nagtungo na siya sa kaniyang silid matapos makapag-paalam sa kaniyang ina. Nang makapasok sa loob ay nahiga siya sa kaniyang kama at nakatitig lamang sa kisame. Napabaling siya sa bedside table ng tumunog ang cellphone niya.
Hindi niya kinuha ang cellphone niya bagkus napatingin siya sa drawer niyon. Parang may nag-uudyok sa kaniya na buksan iyon. At iyon ng ang sinawa niya. Binuksan niya ang drawer at nakita ang isang hugis puso na kahon na pwede lagyan ng singsing.
"Ano ang ginagawa nito dito?" tanong niya. Kinuha niya iyon at binuksan. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang singsing roon. Kinuha niya iyon at tiningnan. Napansin niya na may naka-engrave sa loob. Binasa niya iyon.
"Loi love Matt," nabitawan niya ang singsing na hawak dahil sa nabasa.
"Si Matt ba at si Matthew ay iisa?"
Hindi napigilan ang sarili na tumulo ang luha. Bakit may singsing siya? Engaged ba siya kay Matthew? Pero, bakit inilihim nito iyon sa kaniya? Dahil ba sa kalagayan niya? Isinuot niya ang singsing sa pala-singsingan at ipinikit ang mata. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.
Kumakain sila ng kaniyang ina kasama ng kaniyang kapatid ng umagang iyon ng mapansin ni Laila ang singsing sa pala-sinsingan ni Loisa. Napansin naman iyon ni Loisa. Itinaas niya ang daliri para ipakita sa dalawa ang daliri niya.
"Engagement ring namin ni Matt. Matt means Matthew. 'Di po ba 'nay?" tanong niya. Nag-yuko ng ulo si Laila. Guilt ang nararamdaman ni Laila ng mga sandaling iyon dahil sa pag-lilihim sa anak. Nang makakuha ng bwuelo ay nag-angat siya ng tingin at tiningnan ang anak.
"Oo, tama ka nga, anak. Si Matt at Matthew ay iisa. Patawarin mo kami dahil naglihim kami sa iyo. Ginawa lang naman iyon ni Matthew dahil iyon ang alam niyang tama ng mga sandaling iyon," paliwanag ng kaniyangh ina.
Hindi niya alam kung ano ang iisipin ng mga sandaling iyon. Sobrang nasasaktan siya dahil sa paglilihim nila. Lalong lalo na ang pagsisinungaling sa kaniya ni Matthew. Tumayo siya.
"Doon muna ako sa kwarto ko 'nay," paalam niya.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (152)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
it's good 👍👍
18d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All