May isang babae na nasa isang silid na may puting pintura, puting kurtina at mahihimigan ang katahimikan sa paligid. May benda ang kaniyang ulo dahil sa aksidenteng natamo niya dalawang linggo na ang nakararaan. May isang lalaki na nakaupo sa kaniyang tabi at hinihintay siya na magising. Hawak-hawak nito ang kanang kamay niya. Walang iba kundi si Matthew, ang fiancee ng babaeng nakahiga sa kama ngayon. "Kailan ka ba magigising, mahal? Gustong-gusto na kitang makausap," nagsusumamo niyang sabi kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata nito. Nakatitig lamang si Matthew sa dalaga na mahimbing pa rin na natutulog. Ilang minuto siyang nakatitig rito ng makita niya ang paggalaw ng kamay nito. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa fiancee. "Mahal?" tanging nasambit niya. Hanggang sa unti-unti itong nagmulat ng mga mata. Kumurap-kurap ang dalaga saka unti-unting napabaling ang tingin sa kaniya. "Loisa, mahal. Gising ka na," emosyonal na sabi ni Matthew sa babae. Kumunot ang noo ni Loisa. "Sino ka?" tanong ng babae na nagngangalang Loisa. Nanikip ang dibdib ni Matthew ng marinig ang sinabing iyon ni Loisa. Alam niya na iyon talaga ang mangyayari dahil ang sabi ng doktor ay nagkaroon ng amnesia si Loisa dulot ng pagkaka-aksidente nito. Kasalanan niya din kasi dahil hinayaan niya itong magmaneho ng kotse kapag uuwi ito galing sa trabaho. Sisihin man niya ang sarili ay wala rin naman mangyayari. Tapos na iyon at ang kailangan niyang gawin iyon ay tulungan ang fiancee para maka-alala ito. "Matthew Gonzales," nakangiting sagot niya kahit sa loob loob niya ay nasasaktan na siya dahil hindi siya makilala ng fiancee niya. Kumunot ang noo nito. "Bakit hindi kita kilala?" Bigla itong napahawak sa ulo. "Ang sakit ng ulo ko!" sigaw nito. Napatayo siya dahil sa pagkataranta. "Wait! Tatawag ako ng nurse," natataranta niyang sabi. Lumabas siya ng silid saka tinawag ang nurse na papalapit. Nagmamadaling nagtungo ang nurse sa silid saka tiningnan si Loisa. Hindi niya maiwasang maawa sa fiancee sa kalagayan nito habang nakapikit at iniinda ang sakit. Tinurukan ito ng pang-pakalma ng nurse. "Salamat po, nurse," sabi niya na ginantihan naman siya ng ngiti ng nurse. Napaupo siya sa kama nito at hinawakan muli ang kamay nito. Napag-isip-isip ni Matthew na kailangan malaman ng magulang at kapatid ni Loisa na nagising na ang dalaga. Nagising si Loisa dahil sa ingay na nagmumula sa kwarto niya. Muli, nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ang mga naroon. "Loisa?" "Ate Loisa?" Iyon ang narinig niya mula sa isang ginang at isang dalagita. Sino ako? Bakit hindi ko maalala kung sino ako at sino ang mga taong ito? Sunod-sunod na tanong ni Loisa sa kaniyang isipan. Lumapit sa kaniya ang ginang. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kaniya. Hindi niya nagawang sumagot. Tumingin siya sa mga naroon at nakita ang lalaki kanina na tumawag rin sa kaniya ng Loisa. Sino ito? Bakit parang iba ang nararamdaman niya kapag malapit ito sa kaniya? Tiningnan niya ang ginang. "Okay na po ako. Sino po kayo?" magalang niyang tanong. Ngumiti ang ginang saka hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon. "Ako ang inyong ina," sagot nito saka lumingon sa bata. "Siya naman si Loraine, kapatid mo," pagpapakilala ng ginang sa dalagita. "Hello, ate!" masiglang sabi ng dalagita na sa tantiya ni Loisa ay nasa kinse anyos pa lamang. Ngumiti siya. "Hello, Loraine," nakangiting bati niya sa dalagita. Hanggang sa matuon ang tingin niya sa lalaking kanina pa nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya rito. "Ikaw? Ano ang pangalan mo?" tanong niya rito. Tumingin si Laila, ina ni Loisa sa binata. Tumikhim ito saka tumayo at lumapit sa kaniya. "Matthew. Isang matalik na kaibigan," Kitang-kita ni Loisa na nagulat ang kaniyang ina at si Loraine pero hindi na nagsalita ang mga ito. Tumango-tango na lamang siya hanggang sa may pumasok na nurse sa kaniyang silid at inasikaso siya. Kinabukasan ay pinayagan na si Loisa na makauwi sa kanila. Marami ring mga bawal sa dalaga. Pinayuhan din na every month ay magkaroon ng check-up si Loisa para sa kalagayan nito. Dahil nag-a-adjust pa ito ay hindi pa pwede ipa-alala ang mga bagay na nalimot nito. Along the way ay maalala nito iyon kapag may mga bagay itong nakita na parte ng nakaraan nito. "Bakit hindi mo sinabi kung sino ka talaga?" tanong ng ina ni Laila kay Matthew. Nasa salas sila ng mga sandaling iyon. Nasa silid naman si Loisa at nagpapahinga kasama ng kapatid nito. Napayuko si Matthew. Sa totoo lang gusto niyang sabihin sa dalaga na fiancee siya nito pero natatakot siya na baka mahirapan ito lalo at nag-aadjust pa lamang ito. Huminga siya ng malalim at nag-angat ng tingin saka tiningnan ang ginang. "Saka ko muna po sasabihin, Tita. Sa ngayon mas mainam muna na huwag muna niya malaman para sa ikabubuti rin niya," tugon ni Matthew. Napatango-tango si Laila. "Sabagay, tama ka. Tiyak naman na maiintindihan niya kung sakaling malaman niya na fiancee ka niya," nakangiting turan ng ginang. Nagpaalam na si Laila na magluluto ng tanghalian kaya nagpasya na rin siya na bisitahin si Loisa. Nadatnan niya si Loraine na kausap ang kasintahan. Tumingin ito sa kaniya at ngumiti. "Hello," bati nito sa kaniya. Ngumiti siya. "Hi," ganting-bati niya. Tumayo si Loraine. "Labas muna ako, ate," paalam nito sa kapatid. Tiningnan siya nito at ngumiti. Nang makalabas si Loraine, umupo siya sa upuan na inupuan ng dalaga. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya. Pinakatitigan niya ito. Sa totoo lang, miss na niya ito pero kailangan niyang tiisin ang pangungulila rito. "Ayos lang naman. Pero napapatanong ako. May kasintahan ba ako bago nangyari ang insidente?" kuryos nitong tanong. Nanikip ang dibdib niya dahil nahihirapan siya sa sitwasyon nila. "Kapag ba iniisip mo ang bagay na iyon. Ano ang nararamdaman mo?" tanong niya. "Sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ko iyon o kapag pinipilit ko na alalahanin ang bagay na iyon," sagot nito. "Then, huwag mo muna siyang isipin," sagot niya habang titig na titig sa mga mata nito. "So, mayroon nga?" "Wala kang kasintahan. Single ka ng mangyari ang insidenteng iyon," pigil hininga niyang sabi. Ito na ata ang pinakamasakit na parte ng pagmamahal. Tiyak na,man na maiintindihan ni Loisa ang lahat kapag naalala na nito ang nakaraan.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
18d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All