Pagkatapos ng trabaho ay sabay na nag-out si Ruth at Sanya. Paglabas nila ay nasa labas na si Marco at hinihintay siya. Tiningnan niya ito. Parang stress ito. "Pwede ba tayo mag-usap?" nakikiusap nitong tanong. Nilingon niya si Sanya. Tumango ito. "Hintayin na lang kita mamaya sa kotse," anito na tinugon niya ng tango at ngiti. Nang makaalis si Sanya ay sa isang lugar sila kung saan wala masyadong taong dumadaan sila nagtungo para mag-usap. "Iniiwasan mo ba ako? Kaninang tanghali hindi ka nakisabay sakin na mag-lunch at hindi mo rin sinasagot mga text at tawag ko. Wala akong natatandaan na pinag-awayan natin o kasalanan ko sa'yo," anito. Natawa siya. Tawang nakakaloko. Kitang-kita niya ang pagrehistro ng sakit sa mukha nito. "Sigurado ka? Isipin mong mabuti baka nakalimutan mo," may diin niyang sabi. Kitang-kita niya ang takot at pangamba sa mukha nito. Marahil ay naisip na nito ang kasalanang nagawa. "Narinig mo ang pinag-usapan namin ni Tito Ryle?" puno ng pangamba nitong tanong. Tumango siya at hindi maiwasan na malungkot. "Oo. May balak ka pa bang sabihin sa'kin ang tunay mong pagkatao? O baka wala kang balak dahil hindi ka naman seryuso sa'kin?" puno ng pait niyang sabi. Lumapit ito sa kaniya at akmang sasapuin nito ang pisngi niya ng umatras sya. "Hindi mo ako madadaan sa ganiyan," aniya. "Hayaan mong magpaliwanag ako sa'yo, Ruth," nagmamakaawa nitong tinig. Umiling siya at pinaningkitan ito ng mga mata. "Nakaya mo ngang maglihim sa'kin di ba? Ang magsinungaling pa kaya?" aniya at tumalikod na. Akmang susundan siya nito ng magsalita siya. "Huwag mo na ako sundan. Baka makipaghiwalay ako sa'yo kapag nagpumilit ka pa," babala niya. Natigilan naman si Marco. Naglakad na siya patungo sa parking lot na mabigat ang dibdib kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata. Pagpasok niya sa loob ng kotse ng katrabaho na naging kaibigan na niya ay naroon na ito sa loob at hinihintay siya. Niyakap siya ni Sanya ng mapansin na umiiyak siya. "Iiyak mo lang. Kung iyan ang magpapagaan ng loob mo, gawin mo," malumanay nitong sabi habang hinahagod ang kaniyang likod. At, sa balikat na nito ibinuhos ang sakit na nararamdaman. Ilang araw din ang lumipas na hindi pinansin ni Ruth si Marco dahil hindi pa rin niya ito kayang pakiharapan. Minsan nakikita niya ito sa malayo na nakatitig sa kaniya. Humahaba na rin ang balbas nito. Apektado talaga ito sa nangyayari sa kanila. Ayaw naman niya makipag-usap dito na galit pa siya dahil tiyak na mawawalan din ng kabuluhan ang gagawin nitong pagpapaliwanag. Miss niya ito. Sobrang miss na niya. Nang araw na iyon ay maaga siyang pumasok dahil gusto niyang ituon sa trabaho ang atensiyon para mawala ang bagay na nagpapagulo sa kaniyang isipan. Pagpasok niya ay dumiretso na siya sa kanilang opisina at umupo sa kaniyang sariling cubicle. "Ang aga natin ngayon ah," puna sa kaniya ni Sanya ng makapasok ito sa opisina makalipas ang trenta minuto. Tumigil siya sa ginagawa at tiningala ang kaibigan. Ngumiti siya. "Kailangan eh. Madami pa kasi akong tatapusin," pagdadahilan niya. Tinaasan siya nito ng kilay. "Sigurado ka?" pang-aasar nito. Nagbaba siya ng tingin dahil baka makita nito sa kaniyang tingin na nagsisinungaling lamang siya na may ibang dahilan ng maaga niyang pagpasok. Huminga ito ng malalim at kinuha ang swivel chair sa katapat niyang cubicle at naupo sa tabi niya. "Alam mo ang tamang gawin mo ay kausapin si Sir Marco. Bigyan mo naman siya ng pagkakataon na magpaliwanag. Baka may dahilan siya kaya niya iyon nagawa. Huwag mo na patagalin pa dahil kitang-kita ko na nagiging miserable iyong tao. Iyon lang ang maipapayo ko," anito saka tumayo. "Punta na ako sa cubicle ko. Isipin mo mga sinabi ko," dagdag pa nito. Nang makaalis ito ay napaisip siya. Tama nga naman ito. Dapat talaga bigyan niya ng pagkakataon si Marco na ipaliwanag ang side nito. Kinuha niya ang cellphone sa shoulder bag. Magpapadala sana siya ng mensahe rito ng may matanggap siyang mensahe galing sa binata. Binuksan niya iyon. Pwede ba tayo mag-usap mamayang lunch break? Iyon ang sabi nito. Nagreply siya ng 'Sure. Gusto rin kitang makausap'. Ilang sandali lamang ay nakatanggap siya ng mensahe galing uli sa binata na nagsasabing 'Thank you, i miss you Ruth'. Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang bilis niyon. Epekto ng sinabi nito. Kung alam lang nito kung gaano niya ito ka-miss. Higit pa sobra. Kailangan na nityang tapusin ang tampuhang ito dahil hindi ito nakakabuti sa kanilang dalawa at ayaw niya na rin na nahihirapan ang binata. Dumating na ang break niya kaya naman kinuha niya ang shoulder bag niya, tumayo saka lumabas ng opisina pagkatapos magpaalam sa mga katrabaho. Paglabas niya ay may lalaking nakatayo sa labas at mukhang may hinihintay. Lalagpasan na sana niya ito ng tawagin nito ang pangalan niya. "Kayo po si Miss Ruth Salcedo?" tanong nito. Bumaling siya rito at kunot-noong tinitigan. Magkasing-tangkad lamang sila at may itsura ang lalaki. "Bakit?" tanong niya. "Inutusan po ako ni Sir Marco Santiago na sunduin kayo. Pupunta po tayo sa 8th floor," wika nito. Nasa 6th floor kasi ang opisina niya. Ayaw niyang pag-isipan ng masama ang lalaki dahil mukhang mabait naman ito pero mas maganda n iyong maingat. Mahirap na. Looks is decieving ika nga nila. Nabasa marahil ng lalaki ang pag-aalangan sa kaniyang mukha kaya inilabas nito ang cellphone. "Tatawagan ko po si Sir Marco para maniwala po kayo," anito at i-dinial na ang cellphone number ng binata. Ilang ring lang ang lumipas ng sagutin ni Marco ang tawag. Naka-loud speaker kasi iyon kaya alam niya. "Sir, pwede niyo po bang kausapin si Mis. Salcedo para magtiwala po siya sa'kin?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. "Ibigay mo sa kaniya ang cellphone," utos ni Marco sa lalaki. Hindi na kailangan para makausap niya ito sapat ng basehan na narinig niya ang boses nito para hindi siya magduda sa lalaki. Iaabot sana ng lalaki ang cellphone ng umiling siya. "No need. Okay na," sabi niya at ngumiti. Ayaw muna niya makausap ang binata. Kailangan muna niyang mapakinggan ang paliwanag nito dahil baka kapag kinausap niya ito ngayon ay baka mapatawad niya agad Lalo na ngayong miss na miss na niya ito. Kailangan niyang pigilin ang sarili. "Sir huwag na daw po. Okay na daw," sabi ng lalaki. Marahas na napabuntong-hininga si Marco na nasa kabilang linya. "Okay. Ingatan mo siya. Kapag may masamang nangyari sa kaniya ay ikaw mananagot," bilin at pagbabanta nito sa lalaki. OA man ang sinabi nito ay kinilig pa rin siya dahil sa pag-aalala nito. "Oo naman po sir," paniniyak ng lalki. Nang maibaba na ni Marco ang tawag at maibalik ng lalaki ang cellphone sa bulsa ay tiningnan siya. "Tara na po, Ma'am. Kanina pa po niya kayo hinihintay ni Sir," anito at pinauna siya nitong maglakad patungo sa elevator. Nang makapasok roon ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang mayroon sa 8th floor? Lunch date ba tapos pagkatapos ng lunch ay magpapaliwanag kung bakit ito naglihim sa kaniya. Anoman ang surpresa nito ay siguraduhin lang nito na magugustuhan niya! Sabagay, kahit simple naman iyon ay patatawarin pa rin niya ito basta valid ang paliwanag nito plus iyong effort na inilaan nito para sa kaniya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
19d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All