Nasa kwarto ng mga sandaling iyon si Kyle. Hawak niya ang kaniyang cellphone habang nakatitig roon. Hindi niya alam kung papadalhan ng mensahe si Raquel o kaya ay tatawagan. Hanggang sa napagdesisyonan niya na tawagan ito. Huminga siya ng malalim at tinawagan ang numero ang dalaga. Ilang ring lamang ang lumipas ng sagutin nito iyon. "Hello," bungad nito. Maganda rin pala ang boses nito sa tawag. Hindi lamang sa personal. Tumikhim siya. "Hello, sino po ito?" tanong ulit ni Raquel. "Si Kyle ito. Ako iyong nag-hire sa iyo bilang isang gitarista," sagot niya. Narinig niya ang pagsinghap nito. Mukhang nagulat ito na siya pala ang nasa kabilang linya. "Kayo po pala iyan Sir Kyle. Ano—" Pinutol na niya ang iba pa nitong sasabihin. "Just Kyle. Magiging ka-grupo mo na ako kaya dapat Kyle na lang," pagwawasto niya sa sinabi nito sa kaniya. Nang mga sandaling iyon ay sinikap niya maging awtorisado ang kaniyang boses ng mga sandaling iyon pero ang totoo ay kay-bilis ng tibok ng puso niya dahil kausap niya ang dalaga. "Okay. Bakit ka nga pala napatawag Kyle?" tanong nito. "May ensayo tayo rito sa bahay. Ibibigay ko ang address ng bahay," tugon niya. Saglit na hindi nakapagsalita ang nasa kabilang linya. "Raquel, nandiyan ka pa?" tanong niya. "Hm, kasi pahirapan ang sasakyan rito sa'min at saka wala akong perang pamasahe dahil pinambili ko ng gamot ni inay. Pero, gagawan ko ng paraan," anito. Biglang may kung anong bagay ang tumusok sa puso niya dahil sa kalagayan nito. Siguro itinadhana rin ng nasa Itaas na tanggapin niya ito dahil kailangan nito ng extra income. Nadagdagan ang paghanga niya rito. "Ako na lamang ang susundo sa'yo. Hintayin mo ang tawag ko para malaman ko kung saan ang bahay niyo," seryuso niyang sabi. "Thank you, Kyle. Napakalaki na ng utang na loob ko sa'yo," anito na naging dahilan para mapangiti. Isang pasasalamat lang ay sapat na iyon sa kaniya. "Ayos lang iyon. Parte ka na ng grupo. Papatayin ko na ang tawag at hintayin mo ang tawag ko," sabi niya. Tumugon ito ng sige at pinatay na niya ang tawag saka nagmamadaling magbihis. Hindi niya alam pero nasasabik siyang makita ang dalaga. Siguro na-turn on siya sa katangian nitong taglay. Nang maibaba ni Raquel ang tawag ay nagbihis na siya. Sa totoo lang, nahihiya siya sa isiping susunduin siya nito. Kanina gusto na niyang tumutol sa desisyon nito na susunduin siya pero bakit paiiralin ang pride niya eh, walang-wala talaga siya. Mahirap pa man din ang umutang ngayon, madami silang nasasabi. Nagbihis na rin siya. Hindi niya alam pero naging cuncious siya habang nagbibihis. Gusto niya maging maayos at presentable ang kaniyang kasuotan. Siguro natural lang iyon. Patapos na siya ng tumawag si Kyle. Hindi niya alam pero biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng mga sandaling iyon. Huminga siya ng malalim. Iniisip na baka kinakabahan lamang siya. Sinabi niya ang address nila at ibinigay ang direksiyon para hindi ito maligaw. Lumabas na siya ng malaman na malapit na ito sa kanila. Huminto sa tapat niya ang isang bagong-bagong kotse. Lumabas mula roon si Kyle na napakagwapo sa suot nitong t-shirt na black at shorts at tinernuhan ng tsinelas. Simple lamang pero litaw na litaw ang kagwapuhan nito. "Magpapaalam muna ako kay inay," aniya. Tatalikod na sana siya ng maisip na yayain ito sa loob. Lumingon siya rito. "Pasok ka muna sa loob," paanyaya niya. Umiling ito. "Hindi na," sagot nito. Tumango na lamang siya saka nagtuloy na sa loob. Matapos makapagpaalam ay lumabas na siya ng bahay. "Hindi kaya magalit girlfriend mo dahil sinundo mo ako?" tanong niya. Bigla siyang natigilan, may boyfriend siya pero hindi niya sinabi rito na susunduin siya ng vocalist nila. Eh, ano naman ngayon? Hangga't wala siyang ginagawang masama ay wala siyang dapat ikatakot. "Wala akong girlfriend," tugon nito. "Oh," iyon lang ang nasabi niya. Pinagbuksan siya nito ng pinto na ipinagpasalamat naman niya. Hindi niya akalain na gentleman pala ito. Nang makapasok ay pumasok na rin si Kyle sa driver's seat saka pinausad iyon patungo kung saan sila mag-eensayo. Nang marating nila ang bahay ng pinsan nito kung saan gagawin ang pag-eensayo ay bumaba na si Raquel at Kyle ng kotse. Iginiya siya nito patungo sa loob. Kaagad naman silang sinalubong ng pinsan nito. Inilahad nito ang palad sa kaniya. "Tutal nakita mo lang ako noong nag-audition ka, magpapakilala na ako. Mike Abuelas pala. Magkapatid ang tatay ko at tatay niya," pagpapakilala nito sa sarili. Kaagad naman niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Raquel Ancheta pala," pagpapakilala niya sa sarili. Nagulat na lang siya ng paghiwalayin ni Kyle ang kamay nilang dalawa. "Tara na mag-ensayo na tayo. Sayang ang oras," sabi ni Kyle. Kitang-kita ni Raquel ang pagngisi ni Mike pero hindi na lang niya iyon binigyan ng pansin. "Sige, hintayin na lang natin saglit si Roldan," sabi ni Mike. Drummer nila. Nasabi iyon kanina sa kaniya ni Kyle. Si Mike naman ay gitara din. Baka iniisip lang ni Kyle ang importansiya ng oras kaya naiintindihan niya ito. Iginiya sila ni Mike sa taas sa dulong bahagi niyon ay may silid na marahil ay doon sila mag-e-ensayo. Hindi niya alam pero kampante naman siya na walang masamang mangyayari sa kaniya lalo at mga lalaki ang kasama niya. Hindi niya alam kung bakit pero magaan ang loob niya kay Kyle. Kung takot ang paiiralin walang mangyayari. Pagbukas nila ng pintuan, mga gamit ng banda ang bumungad sa kaniyang harapan. Kompleto iyon sa mga kagamitan. Pumasok sila sa loob. Nang makapasok, napatingin sila sa may pintuan ng mga humahangos na paparating. "Late na ba ako?" tanong nito. "Mabuti at hindi pa kami nagsisimula," biro naman ni Mike. Huminga ito ng malalim. "Akala ko late na ako. Ayaw ko pa man din ng napapagalitan," saad nito. Mukhang hindi siya nito napansin. Inilagay nito ang bag sa sofa saka dali-daling tinanggal ang suot na polo na naging dahilan para mapatakip ako ng mata. "Roldan! Alam mong may babae 'di ba?!" sigaw ni Mike. Dinalian ni Roldan ang pagbibihis habang nakatakip pa rin ang mga kamay ni Raquel sa kaniyang mukha. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Kyle. "Puwede mo na tanggalin ang kamay mo," sabi ni Kyle. Dahan-dahan na tinanggal ni Raquel ang kamay sa kaniyang mukha. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakadamit na ito. "So, mag-umpisa na tayo," sabi ni Kyle. Nagsimula na nga sila. Nang matapos ang praktis at makapag-meryenda ay nagpasya na si Kyle na ihatid si Raquel sa kanila. Habang daan ay biglang tumunog ang cellphone ni Raquel. Kinuha ng dalaga iyon saka sinagot. Siya ay nakatuon lamang ang atensiyon sa daan. "Babe?" Iyon ang lumabas sa bibig nito. Napakunot-noo siya. May kasintahan na pala ito. Sabagay, hindi naman siya nagtatanong. "Hm, galing ako sa practice ng banda. Kasi sa linggo may raket kami," pagpapaalam nito sa kasintahan. "What?! Nandiyan ka sa bahay?" sabi ulit nito. "Okay, hintayin mo na lang ako," ani Raquel saka ibinaba na ang tawag. Napatingin ito sa kaniya. "Pwede ba na ibaba mo na lang ako sa bayan at mag-co-commute na lang ako?" tanong ni dalaga sa kaniya. Hindi niya alam pero nainis siya. Natatakot ba ito na makita ng boyfriend nito na magkasama sila? "No. Ihahatid kita, Raquel," pinal niyang sabi. "Pero ayaw kong makita ka ni Johncel. Tiyak na magagalit iyon," sabi nito na puno ng pangamba ang tinig. Inihinto niya at sasakyan sa gilid at hinarap ang dalaga. "Ano ba ang kinakatakot mo? May ginawa ka bang masama? 'Diba wala naman? Kung talagang mahal ka niya. Magtitiwala sa'yo si Johncel," sabi niya habang titig na titig sa maamo nitong mukha. Bigla ito mag-iwas ng tingin. "Okay," Naikuyom niya ang kamao at ipinagpatuloy na lang niya ang pagmamaneho. Malayo pa lang ay tanaw na ni Kyle ang isang sasakyan sa gilid ng daan at may taong nakatayo sa gilid niyon. "Kinakabahan ako, Kyle," ani ni Raquel. Hinawakan niya ang kamay nito na nasa hita nito. Naramdaman niya na natigilan ito pero hindi naman binawi ang kamay. Tiningnan siya nito. "Huwag kang kabahan. Nandito lang ako. Ako ang bahalang magpaliwanag sa kaniya," assurance niya rito. Tumango-tango ito. Ipinarada niya ang sasakyan sa likod ng sasakyan ng boyfriend ni Raquel. Hindi niya makita ang ekspreksiyon ng mukha ng lalaki dahil madilim sa parteng iyon ng kalsada. Sabay silang lumabas ni Raquel. "Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin na may sumundo pala sa'yo," matigas nitong sabi. "Hm, biglaan din kasi iyong practice namin kaya nawala sa isip ko. I'm sorry," hinging-paumanhin ni Raquel. Hindi maiwasang mapa-kunot ang noo ni Kyle dahil sa sinabing iyon ni Raquel. Ibinuka na sana ni Johncel ang bibig ng unahan ni Kyle ito. "Walang ginagawang masama si Raquel. Sinundo ko siya dahil wala siyang pamasahe papunta sa bahay ng pinsan ko. Doon kasi kami nag-practice," paliwanag niya. Na-ningkit ang mga mata nito. "Alam ko na walang ginagawang masama si Raquel pero ikaw ang may pwedeng gawin na masama sa kaniya," may diin nitong sabi. Hindi niya maiwasang maikuyom ang kamao dahil sa sinabi nito. Huminga siya ng malalim. Ayaw niyang makipagtalo. "Wala akong gagawing masama sa kaniya. May kapatid akong babae kaya malaki ang respeto ko sa isang babae," aniya. Pumagitna si Raquel. "Mag-uusap na lang kami, Kyle. Salamat sa paghatid sakin," anito at binigyan siya ng tingin na makahulugan. Ngumiti na lamang siya saka tumalikod at nagtungo sa kaniyang sasakyan. Pumasok at pinasibad iyon pabalik. Habang binabagtas ang daan pabalik ay nakatanggap siya ng mensahe galing kay Raquel. "Sorry sa inasal ni Johncel, Kyle. Nahihiya tuloy ako sa iyo." Iyon lang ang sinabi nito. Huminto muna siya sa gilid at nireplayan ito. "Ayos lang ang mahalaga ang maging okay kayo," napa-higpit ang hawak niya sa cellphone dahil parang hindi bukal sa loob niya ang sinabi niya. Huminga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
18d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All