Pagkatapos ng trabaho ni Kyle bilang isang Manager sa kompanya ng kaniyang Tito Ramil ay naisipan niya tawagan si Mike para pumunta sa bar at mag-inuman. Gusto niyang uminom ngayon siguro dahil hindi siya gusto ng babaeng nagugustuhan niya, si Kyle. Napagkasunduan nila na sa bar na sila magkita. Nang makarating sa bar ay agad niyang i-pi-nark ang sasakyan sa parking area saka lumabas. Hinintay niya si Mike, ilang sandali lamang ay dumating na ito. "Pinsan!" sabi nito ng makalabas ng sasakyan matapos mai-park iyon. Tango lamang ang iginanti niya rito. Sabay na silang pumasok sa loob ng bar at umukopa ng mesa. Tinawag nila ang waiter para umorder ng maiinom. Ilang sandali lamang ay dumating na ang order nila. Nakakailang shot na siya ng m-apatingin sa isang mesa di-kalayuan sa kanila. Kumunot ang noo niya ng mamukhaan ang lalaki, si Johncel. "Anong ginagawa ni Johncel rito?" tanong niya. Nakita niya kasi ang buong mukha ni Johncel ng matapat ito sa poste ng ilaw gabing iyon kaya tanda niya ang mukha nito. "Huh, sinong Johncel," tanong naman ni Mike. Napatingin siya sa pinsan. "Bf ni Raquel," tipid niyang sagot. Napatango-tango naman ito na hindi nito akalain na may kasintahan na pala si Raquel. Itinuro niya ang mesa kung saan naroon ang kasintahan ni Raquel. Nagulat sila ng biglang may lumapit na babae dito at kumandong sa lalaki. Inilabas niya ang cellphone sa bulsa. "Kailangan malaman ito ni Raquel," sabi niya at agad na kinuhanan ang dalawa. Mas lalo siyang nainis ng tumayo ang dalawa at lumabas ng bar. Napailing-iling na lamang si Mike. "Manloloko din pala. Hindi niya deserve si Raquel," sabi ni Mike na sinang-ayunan niya. Oo, tama si Mike. Hindi nito deserve si Raquel. Ang kagaya ni Raquel ay inaalagaan at minamahal. Ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Johncel kay Raquel. Iniisip na lang ng dalaga na baka busy ito kaya wala itong oras sa kaniya. Narito siya ngayon sa bahay ni Mike dahil may ensayo sila ng tanghaling iyon at katatapos lamang nila mag-ensayo. Bukas ay tutugtog na sila. Nag-commute na rin siya para makapunta rito dahil ayaw niyang magtalo sila ni Johncel. "Raquel," tawag sa kaniya ni Kyle. Napatingin siya rito. "Hm, bakit?" tanong niya. Silang tatlo lamang ang naroon. Si Mike ay nasa kusina at nagluluto ng meryenda nila. Samantala, si Roldan naman ay umalis muna dahil may aasikasuhin daw. Balik na lang daw kapag luto na ang sopas na niluluto ni Mike. Magaling din kasi magluto ang binata. Huminga muna ito ng malalim. "May ipapakita ako sa'yo," anito sa seryusong tinig. Hindi niya alam pero bigla siyang binundol ng kaba sa sinabi nito. "Sige, ano iyon?" tanong niya. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at ibinigay iyon sa kaniya. Kinuha naman niya iyon. Pakiramdam niya may patalim na tumatak sa puso niya ng mga sandaling iyon dahil sa nakita. Si Johncel, may kasamang iba. Hindi lang magkasama, mag-kakandong pa. Pinigilan niya ang sarili na mapaiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Ito ba ang dahilan kaya hindi nagpaparamdam sa kaniya si Johncel? Nagulat na lamang si Raquel ng lumapit si Kyle at pinunasan ang luhang dumaosdos sa kaniyang pisngi. "He don't deserve your tears," sabi niya habang titig na titig sa kaniya. Napatitig siya rito kasabay ng pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Nagbaba siya ng tingin dahil bigla siyang nailang. "Okay lang ako. Salamat sa pag-imporma," sabi niya at tumingin rito. Ngumiti ito. "Wala iyon. Ka-grupo ka namin e. Parang magkakapatid na rin kasi tayo rito," sabi nito. Ngumiti rin siya. Magsasalita na sana siya ng makarinig sila ng pag-tikhim. Napalingon sila sa may pintuan kung saan nakatayo si Roldan at may ngisi sa mga labi. Umusod si Kyle palayo sa kaniya. Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha dahil baka iba ang nasa isip ni Roldan. Mabuti nalang at dumating si Mike na .ay dalang tray at may laman na tatlong mangkok na sopas. Kumunot ang noo ni Roldan. "Bakit tatlo lang? Hindi ba ako kasama?" tanong nito. "Kumuha ka na lang doon, bro! Hindi ko alam na babalik ka pa," biro ni Mike. Natawa si Kyle at napangiti naman siya. "Hindi ka belong a circle of friends daw," pang-aasar ni Kyle. Nang mai-lapag ni Mike ang tray sa center table ay binatukan nito si Mike. Natawa siya ng malakas dahil doon. Napatingin sa kaniya si Kyle at ngumiti. "Salamat naman at napangiti ka namin," sabi nito. Ngumiti si Raquel. "Salamat dahil nariyan kayo para pagaanin ang loob ko. Salamat din sa litrato. Dahil kung hindi doon ay hindi ko malalaman na niloloko na pala ako ni Johncell," aniya at ngumiti rito. Bumalik si Roldan na may dalang mangkok ng sopas. Masaya silang nagkwentuhan at pinag-usapan ang raket nila para bukas. Nang mga sandaling iyon ay nakalimutan ni Raquel ang sakit na idinulot sa kaniya ni Johncell. Ilang raket na din ang ginawa ng kanilang banda. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala sila dahil kasagsagan ng mga fiesta sa bawat barangay. Nang matapos ang kalahating oras nila ay nagpahinga muna sila. Nasa isang bar sila ng mga sandaling iyon. Pumunta muna siya sa backseat para kumuha ng tubig. Bigla siyang nauhaw. Babalik na sana siya sa stage ng makasalubong niya si Mike. "Mike," tawag niya rito. "Dito muna tayo, pwede?" tanong nito na ikinakunot ng noo niya. Hindi na lang siya nagtanong. Tinabihan niya ito sa silyang inupuan nito. "Anong oras tayo magsisimula?" tanong niya. "Maya-maya lang. May inaayos pa si Kyle," tugon ni Mike. Tumango-tango na lamang siya. Biglang may tiningnan si Mike sa cellphone nito. Tumingin ito sa kaniya. "May gustong sabihin si Kyle sa'yo," anito na naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. Sa ilang linggo niyang nakakasama si Kyle ay napagtanto niya na gusto na niya ito. Pero alam niya sa sarili niya na hindi siya nito magugustuhan. "Ano naman iyon?" naguguluhan niyang tanong. Hinawakan nito ang kamay niya palabas ng back stage at saka hinila siya patungo sa harapan ng bar. "Mike?! Saan ba tayo pupunta?! Eh, baka mamaya magsimula na tayo," sabi niya. Hindi pinansin ni Mike ang sinabi niya hanggang sa marating nila harapan at pumasok roon. Nakita niya si Kyle na nasa stage at nasa harap ng mikropono. Nagtama ang kanilang mga mata. Hanggang sa umalingawngaw ang kantang Tulad Mo ni TJ Montero na ngayon ay kinakanta na ni Kyle habang nakatitig sa kaniya. Kaybilis ng tibok niya ng mga sandaling iyon. Ibig bang sabihin para sa kaniya ang kinakanta nito. Hanggang matapos ni Kyle ang kinakanta ay nakatitig pa rin sa mga mata niya ang binata. "Raquel Ancheta, gusto kong malaman mo na gusto kita noong una pa man kitang nakita. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita kita ay bumibilis ang tibok ng puso ko," panimula nito na ikinatili ng ibang babae na naroon. Ang iba ay napatingin sa kaniya. Bumaba si Kyle sa stage at naglakad patungo sa kaniya. Habang naglalakad papalapit si Kyle sa kaniya ay pakiramdam niya silang dalawa lamang ang naroon sa bar na iyon. Hindi niya akalain na gusto pala siya ni Kyle. Nang makalapit ito sa kaniya, huminto ito ilang metro ang layo sa kaniya. Magkahinang ang kanilang mga mata. "Raquel, sa harap ng maraming tao ay gusto kong malaman nila na puro ang intensiyon ko. Na tunay at dalisay ang pag-ibig ko para sa'yo. Saksi ang mga tao sa ating paligid na humihingi ako ng permiso na ligawan kita. Pwede ba?" tanong nito. Naka-mic pa ito kaya rinig na rinig sa buong bar ang sinabi nito. Nagtitilian na ang mga naroon dahil sa kilig. "Omo-o ka na, Miss Raquel!" "Napakaswerte naman niya." "Iba manligaw ang lalaki." Ilan lang ang niyan sa narinig ni Raquel. Napa-kagat-labi siya. Nag-uumapaw ang kagalakan sa puso niya ng mga sandaling iyon. Tumango-tango siya. "Oo naman pwede mo akong ligawan," aniya na may ngiti sa mga labi. Nanlalaki ang mga matang napatitig sa kaniya si Kyle hanggang sa napasuntok ito sa ere saka siya niyakap. "Salamat, Raquel,"
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
18d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All