logo text

Heart Never Forget (Chapter 4)

Nasa opisina si Matthew ng mga sandaling iyon. Nasa harapan niya si Ryan at pinag-uusapan nila si Loisa at kung paano niya sasabihin sa dalaga ang totoo.
"Ano ang balak mo?" tanong sa kaniya ni Ryan. Huminga siya ng malalim, napasandal sa swivel chair at naihilamos ang dalawang palad sa mukha.
"Kailangan ko na sabihin sa kaniya ang totoo, Ryan. Nahihirapan ako na hindi ko man lang siya mayakap at mahagkan. At, ramdam at napapansin ko rin na parang nagdududa na siya," litong-litong sabi ni Matthew. Tumayo si Ryan.
"Talagang hindi maiiwasan iyan. Tandaan mo hear never forgets. Tiyak na litong-lito na iyon ngayon sa nararamdaman mo para sa kaniya. Gawin mo kung ano ang tama dahil mahirap magsisi sa bandang huli," seryusong sabi ni Ryan.
Tama nga ang sinabi ni Ryan. Ayaw niyang dumating ang punto na kamuhian siya nito. Napatingin siya sa cellphone ng tumunog iyon. Si Loisa ang tumatawag. Nakaramdam siya bigla ng kaba pero sinagot pa rin niya iyon.
"Hello, Loisa," bati niya sa nasa kabilang linya.
"Matt, pwede ba tayo mag-usap? Puntahan mo na lang ako rito sa bahay pagka-out mo," sabi nito saka pinatay na ang tawag. Napamura siya at natawa ng mahina.
"Mukhang mawawala na sa'kin si Loisa," parang baliw niyang sabi sa sarili.
Hindi rin makapag-concentrate si Matthew sa trabaho dahil iniisip niya si Loisa. Kung ano ang sasabihin nito sa kaniya. Pero malakas ang kutob niya na may alam na ito sa kaniya lalo na at tinawag siya nitong Matt. Tumayo siya at nagtungo sa opisina ng kaniyang Tito Orlando.
"May kailangan ka?" tanong sa kaniya nito. Nanghihinang napaupo siya sa visitor's chair nito. Alam ng kaniyang tiyo ang sitwasyon niya.
"Mukhang may alam na po si Loisa sa kung sino po ako. Ano po ang gagawin ko tito? Paano kung magalit po siya sa'kin?" nag-aalalang tanong niya. Tinitigan siya ng kaniyang tiyo.
"Alam mo, tiyak na magagalit sa'yo si Loisa dahil naglihim ka sa kaniya. Ang gawin mo ngayon ay ipaliwanag sa kaniya kung bakit mo iyon nagawa. Tiyak na maiintindihan niya iyon. Ngunit kung hindi man, hayaan mo muna siyang mapag-isa. Alam ko na mapapatawad ka rin niya," paliwanag nito saka ngumiti. Nabuhayan siya ng lob dahil sa sinabing iyon ng kaniyang tiyuhin.
"Salamat po, tiyo," masigla niyang sabi.
"Wala iyon. Sige na puntahan mo na si loisa at ipaliwanag mo sa kaniya ang lahat. Huwag mo siyang susukuan!" pahabol nito. Ikinuyom niya ang kamao.
"Never!" tugon naman niya.
Napabugha ng hininga si Matthew ng makarating siya sa bahay nina Loisa. Sakto naman na lumabas si Loisa para pagbuksan siya ng gate. Ngumiti lamang ito ng tipid sa kaniya at ni hindi man lang umabot iyon sa mga mata nito. Nasaktan siya pero kailangan niyang tanggapin iyon.
"Pasok ka," paanyaya nito ng mabuksan ang gate.
Tumalikod na ito at nauna ng maglakad saka sumunod naman siya. Nang makarating sa loob ng bahay ay umupo siya sa sofa. May inilapag sa center table si Loisa. Laking gulat niya kung ano iyon. Ang engagement ring nila.
"Loisa," pabulong niyang sabi. Tumingin ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang sakit na rumehistro sa mga mata nito.
"So, we are engage?" mapang-uyam nitong sabi.
Nagyuko siya ng ulo dahil hindi niya kayang tingnan ang fiancee lalo at nasasaktan ito sa ginawa niyang pag-lilihim rito. Pero kailangan niyang harapin ang kasintahan. Hindi dapat siya maging mahina!
"Yes, we are engage. Inilihim ko ang lahat dahil ayaw kong mabigla ka. Mas inisip ko muna ang kalagayan mo kaya ko ginawa iyon," paliwanag niya habang masuyong nakatitig sa fiancee.
"Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Nasaktan ako dahil parang pakiramdam ko wala kang balak na sabihin sa'kin ang totoo. Alam mo iyong tipong litong-lito ako dahil sa nararamdaman ko kapag malapit ka? Iniisip ko kung bakit ko iyon naramdaman. Iyon pala, hindi lang pala talaga magkaibigan kundi magkasintahan," punong-puno ng hinanakit nitong sabi. Kinuha nito ang singsing at ibinigay iyon sa kaniya.
"Sa ngayon sa'yo muna iyan. Bigyan mo muna ako ng space dahil gulong-gulo ang isip ko. Pwede ba iyon Matthew?" tanong nito habang titig na titig sa kaniya. Tumango-tango siya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Huminga siya ng malalim dahil naninikip ang dibdib niya.
"Kung iyon ang desisyon mo tatanggapin ko," sagot niya saka tumayo. "Mag-iingat ka," wika niya at tumalikod na. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.
Naka-ilang bote na ng beer si Matthew ng gabing iyon. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ng sandaling iyon. Itutungga na sana niya ang hawak na baso na may lamang alak ng pigilin iyon ni Ryan. Tinawag kasi ito ni Matthew para samahan siya.
"Brad, tama na. Sa tingin mo ba matutuwa si Loisa kapag nakita niyang ganiyan ka? Kaya ayusin mo ang sarili mo, huwag mong gawing miserable," payo sa kaniya ni Ryan saka tinabihan siya ng upo sa mini-bar ng kaniyang bahay.
"Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko kahit ngayon lang," sabi niya at muling tinungga ang hawak na baso.

Book Comment (152)

  • avatar
    Lionel Andres Niemes

    it's good 👍👍

    18d

      0
  • avatar
    CadarNorjanna

    nice

    16/12

      0
  • avatar
    Ana laura Mazini

    I loved

    21/11

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters