Hindi maiwasang sulyapan ni Ruth si Marco habang nanonood sila ng TV. Muntik ng magdikit ang labi nila kanina. Ang lakas ng tibok ng puso niya kanina kaya napatayo rin siya. Iwinaglit na lang niya ang mga bagay na iyon sa kaniyang isipan at itinuon ang pansin sa panonood ng TV. Nang matapos ang kanilang pinapanood ay napainat ng mga kamay si Marco at tiningnan si Ruth. "Salamat sa oras na inilaan mo para sa'kin," sinsero nitong pahayag. Lumingon si Ruth at nginitian ang binata. "Salamat din sa oras na ilaan mo para sa'kin," sinsero din niyang sabi. Ngumiti. "Okay ka na ba? I mean, nakaka-move-on ka na ba ng unti-unti?" tanong nito. Hindi lang siya naka-move-on, naging handa na rin ang puso niya na magkagusto ulit. Tumango siya. "Oo, naka-move-on na ako. Salamat sa tulong mo," sabi niya. "Paano ba kita mababayaran?" dugtong niyang tanong. Tumawa lamang ito at pinisil ang pisngi niya na naging dahilan para bigyan niya ito ng masamang tingin. "Wala iyon, ano ka ba! Ginagawa ko ito para sa'yo. Para matulungan ka at wala akong hinihinging kapalit," seryuso nitong sabi. Napakagat-labi siya nang dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniyang mukha. Nang gahibla na lang ang layo ng labi nila sa isa't-isa ay kusang pumikit ang mga mata niya para salubungin ang halik nito. Alam naman niya na iyon ang gagawin nito. Wala namang dahilan para mag-inarte pa siya dahil gusto niya ang isiping hahalikan siya nito. Nang maglapat ang labi nila ay kusang bumuka ang kaniyang labi para tanggapin ang masuyo nitong halik. Binuhat siya nito patungo sa kandungan nito at habang mapusok na hinahalikan. Parehong hinihingal ng maghiwalay ang kanilang labi. Pinagdikit nito ang kanilang noo. "Paano kung sabihin ko na mahal kita?' tanong nito habang masuyong nakatitig sa kaniya. "Paano kung sabihin ko na gusto lang kita?" tanong rin niya. Ayaw muna niyang umamin. Gusto muna niyang malaman kung tunay ang nararamdaman nito sa kaniya. Baka kasi sinasabi lang nito iyon na mahal siya dahil lagi silang magkasama. Baka kapag nahiwalay sila ay iwan din siya nito at maghanap ng iba. Tinitigan siya nito ng matiim. "Handa kitang hintayin, Ruth. Liligawan kita hanggang sa masabi mo na mahal mo rin ako," sagot nito. Kitang-kita niya ang determinasyon at sinseridad sa mga sinabi nito. "Salamat. Dito ka na lang matulog kaso iisang kwarto lang itong bahay kaya doon ka na lang sa sahig matulog. Okay lang ba?" Tumango-tango ito. "Ayos lang. Tutal wala namang pasok, bukas kaya ayos lang na mapuyat," anito na nakangiwi. Natawa siya ng malakas. "Sabihin na lang natin na panliligaw ang gagawin mo," tudyo niya. Tumango-tango ito. "Pwede," anito na may ngisi sa mga labi. Umalis na siya sa pagka-kandong rito at nauna ng naglakad patungo sa kwarto niya na sa likod lamang ng salas. "Halika na!" tawag rito. Agad namang tumayo si Marco at sumunod sa kaniya. Nagtulungan sila sa paglalatag ng higaan nila. Nang matapos ay nahiga na siya sa kama at ito naman sa comforter na nasa sahig. "Good night, Marco," wala siyang nakuhang sagot mula rito kaya ipinikit na lang niya ang mga mata. Ilang minuto na siyang nakapikit pero hindi siya dalawin ng antok hanggang sa naramdaman niya ang paglubog ng ulunang bahagi ng kama at ang masuyong haplos sa kaniyang buhos.Walang ibang gagawa non kundi si Marco lamang. "Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako, Ruth. Ipinapangako ko na hinding-hindi kita sasaktan at gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita," anito at naramdaman na lang niya ang masuyong dampi ng labi nito sa kaniyang noo. Hanggang sa tuluyan na siyang igupo ng antok. Nagising si Ruth na medyo mataas na ang sikat ng araw. Ayos lang iyon dahil linggo naman ngayon at wala silang trabaho ni Marco. Kaya, nagkayayaan na mag-movie-marathon. Napangiti siya ng makitang nakatiklop na ang pinaghigaan ni Marco.' "Marunong din pala mag-tupi ang lalaking iyon," bulong niya sa sarili. Bumangon siya at bumaba ng kama saka nagtungo sa kusina. Sa labas pa lang ay amoy na niya ang mabangong aroma ng arozlacado. Bigla tuloy siyang naglaway. "Hindi lang pala marunong magtupi, marunong din palang magluto," bulong niya ulit sa sarili. Pumasok siya ng kusina at saktong paharap ito sa kaniya habang may dalang magkok. "Gising ka na pala. Pasensiya ka na, pinakielamanan ko na ang kusina mo," hinging-paumanhin nito. Nagtungo siya sa silya at naupo. "Ayos lang. Bawi naman iyon dahil mukhang masarap naman ang niluto mo," biro niya na ikinatawa nito. "Syempre naman! Baka makalimutan mo ang pangalan mo kapag nagkataon," anito na natatawa. "Masubukan nga!" pakiki-sakay niya sa biro nito. Nagpaalam ito na kukunin ang kaserole ng arozcaldo at ipinatong iyon sa patungan. Sinandukan nito ang dalawang mangkok at inihain sa harapan niya ang isa. Naupo naman ito sa katapat niyang upuan. Nang matikman niya ang luto nito ay hindi niya maiwasang mapapikit dahil sa sarap niyon. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakattig sa kaniya si Marco. Ngumiti siya para takpan ang hiyang nararamdaman. "Hindi ko akalain na magaling ka palang magluto," puri niya. "Hilig ko kasi. Kung hindi lang dahil sa gusto ni dad sana chef na ako ngayon," anito na mahihimigan ang lungkot sa boses. Maswerte pala siya dahil natikman niya ang luho nito. "Ano ba iyong gusto ng dad mo?" usisa niya. "Wala. Hayaan mo na iyon," anito at nagbaba na ng tingin. Hindi na lang niya ito pinilit at baka confidential ang bagay na iyon. Nagpatuloy na sila sa pagkain at nabusog siya sa masarap na aruscaldo.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
it's good 👍👍
19d
0nice
16/12
0I loved
21/11
0View All