logo text

Heart Never Forget (Chapter 2)

"What?! Sinabi mo kay Loisa na wala siyang fiancee?!" gulat na sambit ni Ryan. Ang kaibigan niya. Nasa bahay siya nito at binisita. Tumango-tango siya habang nakatitig sa juice na nasa mesa.
"Kailangan eh. Baka kasi pilitin niya ang sarili na alalahanin ako. Ayaw kong mahirapan siya. Saka ko na lang sasabihin sa kaniya ang lahat kapag maayos na siya," malungkot niyang sabi. Napabuga ng hininga si Ryan.
"Kapag naalala niya ang nakaraan ninyo at kung sino ka sa kaniya, tiyak na magagalit siya. Hindi mo ba naisip iyon?" nag-aalalang tanong nito. Naikuyom niya ang kamao.
"Bahala na, Ryan. Handa kong suyuin siya kung kinakailangan. Basta ang mahalaga sa'kin ngayon ang kalagayan niya,"
Ilang minuto na silang nag-uusap ni Ryan ng may humintong kotse sa harapan. Napa-simangot siya ng makita kung sino iyon. Walang iba kundi si Vina, ang babaeng nagkakagusto kay Ryan.
"Lintik, ayan na naman ang asungot sa buhay ko!" pagrereklamo ni Ryan na ikinatawa niya.
"Sige na, pagbuksan mo na. Hindi mo naman pwedeng paalisin iyan dahil tiyak na hindi aalis iyan. Makukulitan ka lang," pang-aasar niya sa kaibigan.
Huminga ng malalim si Ryan saka tumayo at nakasimangot na binuksan ang gate. Maganda naman si Vina kaso hindi ito ang tipo ni Ryan. Biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa at napangiti ng makitang si Loisa ang nag-chat. Mas lalong lumapad ang ngiti niya ng mabasa ang mensahe nito.
"Aba! Mukhang masarap iyang niluluto mo, huh, anak," komento ni Laila kay Loisa ng tanghaling iyon.
Nagpadala siya ng mensahe kay Matthew na pupuntahan niya ito. Pero hindi nito alam na nagluto siya ng tanghalian para rito.
"Opo. para po kay Matthew," nakangiting sabi niya saka nilingon ang ina.
"Alam niyo 'nay. Hindi ko alam pero kapag kasama ko si Matthew parang iba iyong pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa talagang matalik kaming magkaibigan kaya ganoon ang nararamdaman ko," paliwanag niya habang nagniningning ang mga mata. Nakaramdam ng kaba si Laila.
"Ano ba ang nararamdaman mo kapag kasama mo siya?" tanong ni Laila.
"Kumakabogh ng malakas ang dibdib ko," Nagkibit-balikat siya. "Siguro baka crush ko siya dati kaya ganoon ang nararamdaman ko," pagbabalewala ni loisa sa kung anuman ang nararamdaman niya.
Inihanda na niya ang tupperware na paglalagyan ng nilutong menudo at caldereta. Nang matapos mailagay iyon at mailagay sa paper bag, Nagpaalam na siya sa ina at nagtungo sa labas kung saan naghihintay si Tiyo Marcus niya na siyang maghahatid sa kaniya sa bahay nina Matthew.
Pagdating doon, nakita niya sa loob sa pamamagitan ng siwang ng gate ang mga nasa loob. Si Matthew, isang lalaki na sa tantiya ni Loisa ay kasing edad lamang ni Matthew at isang babae na kausap ng lalaki. Napakunot-noo siya dahil pamilyar sa kaniya ang lalaki. Siguro isa rin ito sa mga nawala sa memorya niya.
"Loisa?" ang tanong na iyon ni Matthew ang nagpa-balik sa kaniya sa kasalukuyan. Natuon ang atensiyon niya kay Matthew na ngayon ay papalapit na sa kaniya. Ngumiti siya.
"Hello, good afternoon!" bati niya. Itinaas niya ang hawak na paper bag. Binuksan ni Matthew ang gate at pinapasok siya.
"Ano iyang dala mo?" tanong ni Matthew.
"Caldereta at menudo. Hindi ko alam pero parang may nag-udyok sa'kin na lutuin ito. Paborito mo siguro?" tanong niya. Titig na titig lamang si Matthew sa kaniya. Napa-kagat-labi siya. Iyon na naman ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Ngumiti ang binata.
"Paborito ko ang Caldereta at menudo," sagot ni Matthew saka tumagilid. "Pasok ka," sabi nito.
Pumasok naman siya at sabay silang nagtungo sa kinaroroonan ng mga bisita ng binata. Nakaupo ang mga ito sa upuang narra na may mesa sa gitna. Napatigil siya. Biglang may pumasok na imahe sa isip niya ng mga sandaling iyon. Lalaki at babae na magkaakbay. Sino kaya ang dalawang iyon?
"Hi," bati sa kaniya ng lalaki ng makalapit sila.
"Hello. Parang pamilyar ka s'kin. Ano pala name mo?" tanong niya.
"Wait! 'Di ba ikaw si Loisa? Boyfriend mo si —" Naputol ang sasabihin ng babae ng takpan ng lalaki ang bibig nito.
"Ang ingay mo!" sita ng lalaki rito.
"Loisa was suffering amnesia kaya hindi niya maalala ang mga nakaraan niya," seryusong sabi ni Matthew. Napa-tango-tango naman ang babae. Doon naman binitawan ng lalaki ang kamay niya.
"Ryan pala," pagpapakilala ni Ryan sa kaniya at inilahad ang kamay sa harapan niya. Akmang tatanggapin na niya iyon ng si Matthew ang humawak ng kamay niya.
"Yayain mo si Vina na mag-lunch sa inyo," pagtataboy ni Matthew sa mga ito.
Iginiya na siya ni Matthew papasok sa loob ng bahay. Narinig pa niya ang pagtatalo ng dalawa. Mukhang ayaw ni Ryan sa babae. Nagtataka siya pero hinayaan na lang niya.
Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kilig sa ginawa nito. Napatingin siya sa magkahawak nilang kamay. Nakaramdam siya ng bolta-boltaheng kuryente dahil sa pagkaka-daiti ng kanilang kamay. Alam niya at ramdam niya na higit pa sa kaibigan ang turing niya sa binata.

Book Comment (152)

  • avatar
    Lionel Andres Niemes

    it's good 👍👍

    18d

      0
  • avatar
    CadarNorjanna

    nice

    16/12

      0
  • avatar
    Ana laura Mazini

    I loved

    21/11

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters