CHAPTER 40

Sinalubong kami ng mga kasambahay ngunit hindi sila nakalapit dahil hindi sila hinayaan ni Kuya Amschelle. Si Mang Delia lamang ang hinayaan ni Kuya Amschelle na makasama sa amin hanggang sa kwartong tinutuluyan ko.
When we reached the room, I immediately sat down on the bed. Inalis ko ang blazer na suot kaya naman naiwan sa akin ang aking sun dress. Umahon ang tingin ko kay Kuya Amschelle at Manang Delia na kapwa nakamasid sa akin.
I pursed my lips and gave them a small smile. "I'll just rest. You guys can go now" 
Alalang kumunot ang noo ni Kuya Amschelle at lumapit sa akin. Lumuhod siya sa aking harap "Have you eaten? Dadalhan kita rito--"
"I did. The old lady made me a chicken soup" banggit ko.
Nakuha naman noon ang atensyon ni Manang Delia at lumapit din sa akin. "Iyong tagapagbantay?"
I nodded consciously then got startled when she gasped, nakatakip pa ang bibig.
"Buhay pa pala 'yon?!" hindi nito makapaniwalang harap kay Kuya Amschelle na natawa naman sa kaniya.
"She's just the same age as you, 'Nang." si Kuya Amschelle at binalik ang tingin sa akin.
Ilang beses niya pa akong siniguradong maayos na bago sila lumabas ni Manang Delia. Anila'y dadalhin na lang ang pagkain sa kwarto kaya naman nagpasya na lang akong maligo. Maingat din ako lalo na't may mga sariwa pa akong mga galos.
Habang nags-shower ay wala sa sarili akong napatitig sa kawalan. I'm slowly getting a hold of myself but all these thoughts in my head were too much.
Ang hirap nilang hawakan. Sabay-sabay silang nag-u-unahan na matugunan ng aking huwisyo. 
It's like their first time getting out of their cage. Like, they've been stuck behind me for a long time. Na ngayong napagbigyang makawala ay hindi sila magkandamayaw kung sino ang mauuna. 
The same as my shadows that has been behind me all the time. At noong sinubukan kong magtago rito ay para nito akong ikinulong kasama ng mga gumugulo sa aking isip. Para nitong itinago ang aking huwisyo kasama ang mga iyon.
Different thoughts with different intensities. Tatanggapin ba ako? Kakausapin? Iintindihin? Pagbibigyan? Pakikisamahan pagkatapos ng lahat ng nagawa ko?
But thinking of all the things I've done... it's unacceptable. Just like how I see their treatment towards me when I was lurking behind them.
Hindi ko sila magawang patawarin at intindihin dahil iyon ang hindi nila magawa sa akin. Lahat ng kanilang ginagawa ay akin lamang binabaliktad at pinipilit sa sarili na hindi ako mapapabuti sa gusto nilang mangyari.
Pero ang totoo ay wala akong malay sa gusto kong mangyari. Kahit na nga iyon lamang ang pinaniniwalaan ko.
Everything around me was uncertain. Unknown. At ang tanging solusyon na nakikita ko ay ang pagprotekta sa sarili gamit ang pagpapahina rin sa kanila. Defending myself as I offend back. 
But realizing how intense, stressful, and awful those notions and beliefs are, I concede for my own sanity. 
I just can't accept how I let myself get in that situation that's why I hid and put that side of me in the shadows. Even though I'll be with it as I try to fight for its rights and make myself detached from reality, I defend it because it's the only acceptable reason I'd welcome to be seen.
Pero mali. Mali lalo na't sobra sa dapat lamang. I exceeded my sole purpose to hide and now that it came out worse than I ever expected, I feel small.
I instantly felt small to see the mess I'd made without my right sanity. 
Nanliliit ako at isabay pa na babagsak sa akin ang mga iyon nang isang biglaan. It's overwhelming. Hindi ko iyon kakayanin nang wala sa maayos na katinuan.
I want to recover my strength first.
Dahil hindi ko namamalayang humihina ako imbis na lumalakas.
My hands were already white and freezing when I got back to myself. Katok ni Kuya Amschelle sa pinto ang nakapagpagising sa akin kasunod ng kaniyang nag-a-alalang tinig. Sumagot agad ako at tinapos ang paliligo. I wrapped myself in a robe and went out.
Naroon si Kuya Amschelle na inihahanda ang isang maliit ng mesa sa gilid ng aking mesa. Naroon na rin ang hapunang inihanda nila.
Kuya Amschelle then looked at me. "I'll give you time and space first... Let's talk tomorrow?" he said hopefully.
I nodded. Tinanggap naman niya iyon at nagpaalam nang lumabas. I looked at the food and smiled when I saw strawberry milkshake. 
Tumungo ako sa walk-in closet ni Heirielle at tumungo sa isang cabinet kung saan naroon ang mga damit ko. Nagsuot lamang ako ng t-shirt at pajamas. Noong tumapat ako sa salamin ay doon ko lamang nakita ang itsura ko.
I look pale. Siguro dahil sa panlalamig kanina. I then took the brush on the vanity table and brush my hair gently. Pinagmasdan ko lamang ang aking sarili sa salamin. 
This is the person who needed a company. Simula noong nagkaisip ako, nakilala ko agad ang sarili ko lalo na sa mga bagay na gusto at ayaw ko.
I'm not used of being alone or just having myself only for myself. Mas ginugusto kong may kasama. Siguro dahil lumaki akong may laging kapatid na kasangga. 
Maybe because I feel weak alone. Kung hindi mali ay ikapapahamak ko ang mga desisyon ko sa buhay lalo na kapag may hinahangad ako.
But it's not just that. Alam kong lagi akong naghahangad ng mga bagay na wala ako. Not that I admit that I'm ungrateful but it was with some instances. Hindi naman sa mga bagay na hindi talaga kayang maibigay sa akin kun'di sa mga bagay na gusto kong makakasama ko habang buhay at maibibigay talaga sa akin.
Kaya ganoon na lamang ang paghahangad ko ng kaibigan, nobyo, o ng mga bagay na alam kong makakapagbigay sa akin ng kasiyahan.
I'm just simple. Really. 
How I view life, everything's simple. I don't like complicated or impossible things. 
I desire on the possibles. Or at least, the simplest thing that brings happiness. 
"Can you at least say one word of how you feel right now?" 
Napaisip ako. Unang-unang lumabas sa aking isipan ay...
Maayos.
"Okay. I feel okay po" sagot ko kay Dra. Ruiz, ang kaibigan ni Kuya Amschelle na isang Psychologist.
Kinabukasan noong gabing nakauwi ako ay gaya ng ipinangako ni Kuya Amschelle ay dumating ang Psychologist niyang kaibigan. Hindi na ako tumanggi dahil napag-isipan kong kailangan ko rin. I need guidance. At gayong may taong mas kayang intindihin ang sitwasyon ko dahil na rin isa itong propesyonal, nagpaubaya na ako.
Tsaka, it's for myself naman. It's for the better version of myself. Simula noong nabuksan ang aking puso at isipan, nararamdaman ko ang pagbabalik ko sa aking sarili.
It's like I just got out of the shadows and I can now see the light... the brighter side of myself.
Iyong dating ako.
Sitting on the opposite side of me, Dra. Ruiz leaned against her leg and curiously eyed me. "You're okay?" she asked.
I nodded.
She smiled softly. "Then you're okay."
"But, do you feel okay talking to me?"
I looked at her. She seems easy-going and kind. Soft-spoken din at hindi ako nakararamdam ng pangamba sa kaniya.
She's fine. I can truly see what she is. Hindi ako mapapano.
"Yes po" I answered.
After getting my assurance, she began consulting me. Or to be precise, we talk casually. She said that she could see me as a friend whom I can open up to. That she's here to help me and understand me.
That she won't judge me.
I did. Inu-unti-unti kong ilabas lahat ng aking nararamdaman. Because I want to be understood.
Pagod na akong karamay ang isip kong kasing gulo ko. Ayokong magulo ako at ayokong nahihirapan ako. I couldn't think straight when all these thoughts are trying to overcome me. 
Gusto nila, sila ang natutugunan at nauuna. Hindi ko kaya iyon. Hindi ko kayang hawakan ang mga iyon kaya gusto kong may tumulong sa akin na paghiwa-hiwalayin ang mga iyon.
"I feel betrayed... I feel played. Para bang... hindi nila ako nakikita bilang isang tao na may sariling pag-i-isip, nararamdaman... para gamitin sa isang pagpapanggap. It's like, they don't want me to have freedom. Iyong galit ko kay Daddy, gusto kong ilabas at isumbat pero napapangunahan ako ng sakit..." 
"My friends... I thought they're gonna support me to everything I do kasi iyon ang naramdaman ko sa kanila. We support each other... even with craziness... kaya hindi ko natanggap noong hindi ako ang sinuportahan nila. I feel like they neglected me the way they said they'll never do"
"The person I loved... I couldn't accept that he didn't love me the way I did... He never really liked me the way I did... and he didn't see me as the person to love the way I did."
"He didn't love you?" Dra. Ruiz asked.
Did he love me?
Hindi ko alam.
Lumunok ako. Hindi ko masabing hindi, hindi ko rin masabing oo.
Kasi I felt loved, really. Ramdam na ramdam ko kaya ang hirap ding paniwalaang hindi niya talaga tinotoo iyon.
"I-i felt loved." I croaked out as I bow my head embarrassingly because tears are already pooling in my eyes.
Talking about him... I didn't know I can feel sadness. Nalulungkot ako dahil sa lahat ng pwedeng masira... bakit iyong amin pa?
Pero hindi ko alam kung bibigyang permiso ko ba ang sarili ko na maawa para sa aming dalawa. Na masaktan para sa nangyari sa aming dalawa kasi hindi ko naman alam kung pati siya ay ganoon din.
How can I even grieve for the love that was wrecked if I'm the only one who truly felt it?
Ayokong makuha ang mga tanong na "Bakit ako lang ang nasasaktan?", "Bakit ako lang ang nalulungkot dahil nasira?", "Bakit ako lang ang may naramdaman?"
Lalo akong naaawa sa sarili ko. My situation is already worst. I don't want anything worse than that.
"I felt loved so I love, too. B-but, I don't know if he meant those... pero gusto kong ipilit na oo kasi naramdaman ko na minahal niya ako" My voice almost crack.
I'm already crying silently. Inabutan ako ng tissue ni Dra. Ruiz at hinayaan ako. At nang kumalma ay malambot na siyang nakatingin sa akin.
"He loved you"
Dahan-dahang umahon ang mata ko sa kaniya. She continued. "You wouldn't feel loved if he didn't"
I'm still in doubt. "B-but he was just pretending from the start"
"How can you be so sure that he didn't love you?"
Hindi ako nakaimik.
She smiled. "Hindi naman kita pipilitin sa bagay na 'yan. You and your own thoughts are the most important here. I won't complicate you. It's still up to you to believe what you want to believe but it's not necessary to keep it in you all the time. I'm sure you want to be on the right side of every story, right?"
I bit my lips and nodded slowly. "B-but I don't even know if I wanted to know if it's real or not..."
She chuckled softly. "That's okay. It takes time. You don't have to force yourself on something you still can't grasp. It'll come at in right time."
The last thing she said echoed through me. My heart swells and again, I feel weak and... sad. Para bang may hinahanap ang puso ko. Na para bang hinahanap niya ang unang nagparamdam sa akin ng katiyakan ng mga bagay sa tamang oras.
But it hurts, it confuses me, and it feels too heavy.
Dra. Ruiz then helped me grasp on the things I can do easily. Kung ano ang mga bagay na kaya kong gawin sa kondisyon ko ngayon. Ini-isa-isa namin at tinutulungan niya akong lalong maintindihan ang sarili ko sa paraan na ako mismo ang gagawa.
"What makes you smile? Laugh? Let's start with that. Happiness can make you feel better. You can start doing the things that make you comfortable, light, and free. The simplest things"
I instantly imagined myself being with my friends, having a sleepover after a stressful day at school, doing crazy things, and making memories to look back in the future.
"Being with my friends..." I smiled then it immediately fade down when I remembered my situation.
Kaya ko ba silang harapin?
Napansin naman ni Dra. Ruiz ang aking pagbabago ng ekspresyon kaya naman agad niyang inabot ang kamay ko.
"That's good. How about the things you do alone? Mga bagay na nakakapagpasaya sa'yo kapag mag-isa ka"
Alone. Mga bagay na nakapagpapasaya sa akin kapag mag-isa ako.
Mayroon ba?
"I don't know..." I said honestly, and that made Dra. Ruiz smiled again.
"That's fine. I'm sure mayro'n 'yan pero hindi mo pa siguro na-r-realize."
I nodded slowly as I accept that flaw of mine. I don't really find interesting things in me kaya rin siguro wala akong maisip na magagawa ko para sa sarili na makapagpapasaya sa akin.
"With your, um..." she chuckled. "Your Kuya Amschelle. You must be into horseback riding. Tinuruan ka niya?"
Nangiti ako roon at naalala ang gustong magawa kasama si Kuya Amschelle. "I enjoy horseback riding. I even wanted to challenge Kuya but he forbids. Baka raw malaglag ako" at natawa ako.
I remembered the time we picked some fresh mangoes... kalmado ang puso ko noon. Pati na rin ang isip at ang tanging iniisip ko lamang ay kung paano ko magagamay si Brenda.
Dra. Ruiz then conclude that as my first step. Aniya'y hayaan ko muna ang sarili na unti-unting masanay at gumalaw sa sariling bilis. It takes time to recharge and relive myself. Unti-unti muna at uunahin ko ang bagay na nakapagpapasaya sa akin mag-isa.
Dra. Ruiz learned how simple a person I am. That I find the simplest form of happiness in the people around me. Na makasama lang sila ay masaya na ako. Na sa mga maliit at simpleng bagay ay masaya na ako. Kaya naman doon niya pa ako hinangaan at binigyan ng lakas ng loob na malalampasan ko itong hinaharap ko.
She said that I can make this through easily. Na kakayanin kong matulungan ang sarili.
I was reluctant to accept that. Pero gaya na lamang ng sabi niya, magagawa ko.
My session with Dra. Ruiz was refreshing and relieving. Hindi ko inaasahan na may kakayahan siyang matulungan akong maayos ang sarili sa paraan na hindi ako mapangungunahan ng emosyon at panghihinaan ng loob. 
As I think our conversations earlier, I was starting to feel better. Nararamdaman ko ang pagngiti ko kapag nakakapa ko ang sarili na naiisip ang mga bagay na nakikitaan ko ng katotohanan.
It's like I feel okay to smile about it, feel sad about it, and feel giddy about it.
"Nagugustuhan ka na talaga ni Brenda ah" ngiti sa akin ni Kuya Amschelle habang iniikot niya ang tali ng kaniyang kabayo na si Nigel.
I grinned as I smooth out Brenda's hair. Nakangiti rin akong nakatitig rito at yumakap bago nagpatulong kay Kuya Amschelle na iakyat rito.
"Careful" alalay niya habang inaayos ang lock ko sa paa.
Itinukod ko ang bawat kamay sa likod ni Brenda at tinignan sa baba si Kuya Amschelle na nakayuko sa aking paa. I'm wearing boots kaya naman maingat niyang inaayos iyon.
"Kuya" I called him.
He hummed and when he finished, he looked at me. "You okay?" he asked.
Napanguso ako sa sinabi ni Kuya. He's been so worried ever since yesterday. Hindi siya tumitigil kakasigurado kung maayos ba ako o may nararamdaman. 
I bit my lips as I nod. "I haven't thank you, noh?" malambing kong turan.
Kuya Amschelle smirked. Patagilid siyang sumandal kay Brenda at nakahawak ang kanang kamay sa baywang. "I wanted to hear that, Adhara"
I smiled and looked at Kuya fondly. "I'm sorry" halos pabulong ko nang sabi.
Nawala ang ngisi ni Kuya. Kumunot ang noo at nanatiling nakatitig sa akin.
My lips quivered and looked away. Tumanaw ako sa mga trabahador na nagbibilad sa kainitan para sa kanilang mga trabaho.
Earlier before my session with Dra. Ruiz ended, we talked about my wrongdoings. How I cause a nuisance to everyone, how I put a person in danger, and how I took their care and worry for granted.
Hindi ko maipagkakaila na nagawa ko ngang mandamay ng mga taong walang naging kasalanan sa akin. Ganoon na rin ang pagpapahirap sa mga taong walang ibang hinangad ang mapabuti ako. 
Hindi ko iyon nakikita noong nagtatago ako. I was blinded by my own misery that all I think is that everyone's against me kaya naroon ako sa ganoong sitwasyon.
Kaya ngayong nakikita ko na ang mga iyon gayong unti-unti ko nang nahahawakan ang sarili ay binababa ko na rin ang sarili ko.
My ego was hurt but it doesn't mean I'll let my pride be at its highest. 
Hirap na nga akong abutin ang sarili ko, kailangan ko pang iakyat sa pinakamataas ang aking pagpapakumbaba.
And to be able to start my change and acceptance, I need to give an apology.
At gaya na rin ng sabi ni Dra. Ruiz kanina, the best apology is a change of behavior.
Pumikit ako at hinarap si Kuya Amschelle na nakatingin pa rin sa akin. I smiled shakingly. "I'm sorry for giving you hard time, stress,... everything. I'm sorry for everything, Kuya." nanginginig kong sabi.
Kuya Amschelle's eyes were slowly tearing up. Huminga siya nang malalim at iniwas ang tingin. Tumagilid ang ulong nakatingin sa kabilang gilid at huming ulit nang malalim. He then reached for me.
"Come here" aniya at inalalayan akong bumaba. Ganoon na rin ang pagyakap niya sa akin at ang pagyakap ko sa kaniya. 
"That's the last thing I wanted to hear from you, Adi, but... I'm proud of you. I know you'll get there. I know it..." he whispered.
I smiled and just let our warm bodies invade each other. Nang humiwalay ay sabay pa kaming natawa sa itsura ng isa't isa.
"Dra. Ruiz said that an apology is the easiest thing I could do right now. Aside from being thankful" sabi ko.
Kuya Amschelle's brows shot up. "Means that you're accepting your wrongs?"
I nodded. "I was blinded. I was selfish and I didn't even realize that. Kaya ngayon, sisimulan ko na ang pagbabago, Kuya"
Kuya Amschelle smiled at me. Hinawakan niya ang bawat pisngi ko at hinalikan ang noo. "You grow up too fast, Adi" anito na ikinatawa ko.
"How about you, Kuya? You grow up fast too. Wala ka pang girlfriend?" panunuya ko.
Ngumisi naman siya at ginulo ang buhok ko. "I have a lot of time, Adi"
"How about Dra.? I bet she's your type!"
He chuckled and shook his head. "She's married, Adi. Ayokong maging kabit" aniya na ikinahalakhak naming dalawa.
Sumakay naman na kaming dalawa sa aming mga kabayo. Just like before, we started our route in the mango groves, around the farm, down the seaside. 
Inaya ko si Kuya Amschelle na magkarera kami. At ganoon na lamang ang pagkatuwa ko noong pumayag ito at natungo kami sa mga kakilala niyang nagkakarera rin. Aniya'y maaari pa nila akong maturuan ng tricks at tips.
"Don't be too naughty, Adi. You know how Brenda can be crazy sometimes and hurt you" Kuya Amschelle sternly said as he fix my safety gears.
I nodded obediently and climbed up on Brenda. Nilingon ko si Kuya Amschelle sa aking gilid at nginitian ito.
"I won't put myself in danger again. I'll always seek for the safest and the good."

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters