Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 45
"Gave up on what?" kyuryoso kong tanong.
Paige looked at me directly and I can see the hesitance in her eyes.
She then sighed. "Ayoko munang sabihin, Adi... baka maapektuhan ka..."
Lalo akong naging interesado. What could happen to Leticia that may affect me? Wala akong maisip na dahilan.
"Am I related? Tungkol ba sa pagkawala ko?"I tried guessing.
I was surprised when Paige shook her head. Nagsalubong na ang kilay ko.
Ano naman ang pwedeng maging dahilan? She gave up on what?
"Tell me, then" I urged Paige.
"Well... before anything else, kay Leticia na mismo nanggaling, wala kang kasalanan at ginawang masama, Adi. We thought that, too. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanila"
"Kanila?" Banggit ko sa kaniyang huling sinabi.
Paige's shoulder loosened and looked away frustratedly. At nang ibalik sa akin ang tingin ay bumuntong hininga ulit siya.
"Tumigil na si Leticia kay Lomi."
Napakurap ako. Does that mean...
"She gave up. Ayaw na niya. I remembered the first time I comforted her when she cried the night we visited her at their home. Lomi just..."
Iritang bumuga ng hangin si Paige. "You're the one that Lomi likes, Adi"
My lips parted in shock. Nagkaroon ako ng ideya noon ngunit ang marinig na totoo talaga iyon ngayon ay nakakabigla... hindi ko malaman ang dapat na maging reaksyon.
I see Lomi as a friend. Best friend, to be exact. Hindi ko talaga inaasahan o naisip man na magugugstuhan ako ni Lomi... we're like best of friends since the first time we met on Art's 13th birthday.
"At iyon ang dahilan kung bakit... hindi niya magawang suklian ang nararamdaman ni Leticia."
Kumunot ang noo ko sa bahagyang pagkagulo sa kaniyang sinabi. Hindi pa rin niya nagugustuhan si Leticia? How come? Ang obvious nila! Hindi naman magiging ganoon si Lomi kay Leticia kung hindi, 'di ba!
Halos hindi na nga sila mapaghiwalay kapag magkasama.
Magsasalita sana ako nang unahan ako ng pagkairita ni Paige na para bang damay din siya sa pagiging problemado.
"I just can't get it! Oo na at torpe si Lomi pero bakit ganoon siya makaakto kapag kasama naman si Leticia? He likes her, too! Hindi lang niya masabi dahil... ewan ko! Wala naman sanang humahadlang sa kanila! Ugh, they're frustrating" irap ni Paige at humiga sa kaniyang kama. Sumandal sa headboard at nakahalukipkip na sinamaan ng tingin ang kaniyang paahan.
"Ano bang sinabi ni Leticia?" tanong ko at humarap sa kaniya.
Kumibot ang labi ni Paige bago marahas na bumuntong hininga ulit. "Ayaw na niya. Titigilan na niya si Lomi. She's tired of Lomi making her look desperate for his love! Gosh, akala ko pa naman walang magagawang pananakit si Lomi because he's innocent but we were wrong! Ang dali niyang nasaktan si Leticia..."
My heart sank a bit. I understand Paige's frustrations and concern about Leticia. Kahit na si Leticia ang lagi naming inaasar tungkol kay Lomi, those were just harmless jokes. Kasi alam namin na malalim at totoo ang nararamdaman niya kay Lomi.
Lomi is just... he's too timid. I'm sure iniisip niya na kapag sinabi niya directly kay Leticia ang nararamdaman niya ay masasaktan niya ito but little did he know that even his tiniest actions affects Leticia the most.
Iyon ang naging usapan namin ni Paige. Paige even reminded me not to stress myself about it.
But something feels wrong about Lomi liking me. It's impossible that he didn't catch feelings for Leticia! I know Lomi and he easily gets attached to a person especially when he's comfortable with them. Imposibleng hindi rin mawala ang nararamdaman niya sa akin! He and Leticia has been best friends for about two years now! Sa paghaharot lang at pagpapahayag ni Leticia kung gaano niya kagusto si Lomi ay malaking dahilan na para magustuhan niya ito! Tsaka, imposible namang ni isang pagkakataon ay hindi siya nakaramdam ng pagkagusto kay Leticia!
Palaisipan sa akin iyon magdamag. I am bothered about it. It wasn't stressful as it was very interesting, to be honest. How come Lomi didn't take a chance to profess his love for Leticia? I'm sure he feels something towards her!
Kinaumagahan ay agad akong nagpa-appoint kay Dra. Ruiz for consultation. Laking tuwa ko rin nang matanggap na pwede na akong pumunta ngayong araw. I also received a call this morning from Kuya Amschelle that he'll visit me. Sa kaniya na rin ako nagpasyang magpasama kay Dra. Ruiz dahil tulog pa si Paige at mamayang tanghali pa iyon magigising. Ako lang talaga itong hindi nawawala ang pagiging early bird.
"Mom? Dad?" katok ko sa pinto ng kwarto nila Mommy pagkatapos kong maghanda at magpapaalam na lamang na aalis na. Papunta na rin naman si Kuya Amschelle.
"Yes, baby?" rinig kong antok na boses ni Mommy. I giggled and opened the door.
Bumungad sa akin ang mag-asawa na nakabalot ng comforter nilang velvet red. At sa pagtatago pa lang ni Mommy ng katawan, alam na alam ko na ang ginawa na naman nila. They're probably seeing if Mom's menopause already.
Parang nawala ang antok ni Mommy nang makita ako at agad na pinuri ang aking ayos. "You look great, Hon! Saan ang labas mo?"
I smiled and gazed at myself. I'm just wearing my usual fit every time I go out. An oversized olive green dress shirt and white mini skirt. A pair of strappy olive green strappy sandals and my favorite bag that Tita Sarah gifted me last Christmas— a Fendi Pink FF Canvas Bag.
"Thank you. Kay Doc Ruiz, My" sagot ko.
Umawang ang labi ni Mommy at marahang ngumiti sa akin. Sumulyap naman ako kay Daddy na mahimbing pa rin na natutulog. Lumapit ako bahagya at sumilip kay Daddy na nakasiksik kay Mommy. I hold my laugh and looked at Mommy.
"Do you want me with you?" Mom asked.
I shook my head. "I have Kuya Amschelle, My. Pupunta siya ngayon. Should I just send your regards to him? You two look..." nanunuya kong turo sa kanila ni Daddy. "Tired?" pang-a-asar ko.
Mom chuckled and nodded. "I'm glad Amschelle took good care of you, Adi. We'll just wait for you. Baka kapag ako ang sumama sa check up mo ay ngumawa lang ako ro'n" natatawang sabi ni Mommy na ikinangisi ko.
"Kidding... I already met your doctor, Adi. She's great. She has her own strategy for treating her patients. I'm glad you're comfortable with her"
Natuwa naman ako kay Mommy. "She really is great. I feel like I'm just talking to a friend when I'm with her"
Nagpaalam na rin naman ako nang makareceive ng text kay Kuya na nasa baba na siya. Balak pa nga nyang magpaalam kila Mommy kaso nang sabihin kong mga tulog pa at kapwa pagod, umalis na rin naman agad kami at nagpaalam na lang sa mga kasambahay.
"Sinama ko si Paige noong pumunta kami sa center ni Doc." kwento ko kay Kuya Amschelle noong nasa biyahe na kami.
"Sofia told me that. She even asked me to come with you for your next check-up dahil gusto ka raw niyang ipagmalaki. She's that proud of you and your improvement" ngiti ni Kuya.
I stifled a smile and looked outside the window. "She guides me well... she's a huge help for me, Kuya. Kaya hindi na kataka-taka kung mas makilala siya sa larangan ng Psychology."
He hummed. "She really is into psychology. High school pa lang kami, iyon na ang hilig niya"
Umangat ang sulok ng labi ko sa mga bagong impormasyong nalaman sa kanilang dalawa. Nanunuya ko siyang nilingon. "So, you guys known each other for quite a long time, huh..."
Kuya Amschelle chuckled at me. Tumango at pinukulan ako ng pabirong nagbabantang tingin. "Yes, and when I say we're friends, we're friends, Adi. We don't have any romantic feelings with each other"
"Wehhh?" panunuya ko.
"That's true. We're friends since high school. Kahit tanongin mo pa siya. Tsaka, she's married now. She loves her husband. Kaibigan din ang tingin sa akin ng asawa niya. Ako pa nga ang best man nila sa kasal" kwento ni Kuya.
But, was it really possible? Hindi sila nagkagusto sa isa't isa?
"Hindi niyo talaga nagustuhan ang isa't isa?"
Kuya Amschelle shook her head calmly. "Nope. Because we're friends, Adi. Wala kaming ibang turingan kun'di ang pagkakaibigan. That's how we treat each other until now"
Napatango-tango naman ako at itinago ang pagkamangha. May ganoon nga siguro talaga. I mean, hindi naman kasi talaga common na magkagusto sa kaibigan. Probably in some tendencies like being friends with opposite gender. Of course, may possibility na may madevelop na romantic feelings sa isa't isa. But that doesn't mean sa lahat ng ganoong klaseng pagkakaibigan ay ganoon ang mangyayari.
Just like me with Lomi. But I guess he's like that... to me...
Nakarating kami kay Dra. Ruiz. Leticia's situation really bothers me and there's something in me that I wanted to do. Or like, I need to do them.
"Are they your friends?"
Tumango ako kay Doc. "Opo. They're like my best friends, too. Hindi naman sa nakakafeel ako ng guilt dahil wala naman akong ginawa pero I feel like I'm in need of doing something? Like a favor that wasn't asked by them?" Hindi ko mawaring tanong.
Napatango-tango si Dra. Ruiz at may sinulat sa kaniyang notes. Ipinagsaklop ang bawat kamay pagkatapos at tinagilid ang ulo.
"Would you like to help them?"
Tumango ako.
"In what way?"
Napatitig ako sa kaniya saglit. I'm very intrigued by what happened and it's like, I have a part of it that I needed to take over. Para bang, there's something that is in need of me.
At iyon ang gusto kong matuklasan.
"Go easy with it. Since you're starting to feel more about yourself and socialize, do it the easiest way. You're doing it already, Adi. You're doing it at your own pace and that's what matters. Gaya na lamang ng lagi kong paalala, don't be hard to yourself. You don't want to go back on the same page again, right?"
Whenever I think of what I did, I don't even feel afraid or scared about it. I feel disappointed, to be honest. But that doesn't mean I'll carry that cruelty forever. Hindi naman talaga ako ganoon. It was my defense mechanism at that time but it was immoral.
At hindi ko na rin naman nakikita ang sarili ko sa ganoong sitwasyon ulit. Ayoko na at hindi ko na gugustuhin pang magtago nang ganoon.
Tumungo muna ako sa sofa nang mag-usap saglit si Kuya Amschelle at Dra. Ruiz. I took out my phone and take a scroll on my social medias. Nagpunta ako ng Instagram at tinignan ang account ni Lomi.
Pagkapindot na pagkapindot ko sa kaniyang account, unang-una sa kaniyang mga post ang nakapagpagulantang sa akin.
H-he's... He's with his mom?!
Tinignan ko nang mabuti ang babaeng kasama niya sa picture. It's a selfie at nagluluto ang kaniyang mama sa likod. Tinitigan ko ang mukha ng babae at nang mapagtantong totoo nga iyon ay napasinghap ako.
I thought their mom was... dead? I mean, I heard she ran away about 5 years ago...
Kaya bakit kasama na nila ngayon? Or hindi talaga umalis? Nawala? Natagpuan na?
"What happened?" Si Kuya Amschelle nang mapansin ako.
Pinakita ko ang picture na tinitignan ko. "That's Tita Landra, right? She's alive?"
Kuya Amschelle nodded timidly then turned off my phone. Humarap kay Dra. Ruiz at nagpaalam na.
"Thank you, Doc. Minsan dalhin mo nga ang asawa mo nang makumbinsi si Adi na mayroon ka na" biglang lihis ni Kuya Amschelle ng usapan at hinawakan ako sa balikat.
Hilaw na ngumiti naman ako sa pagtawa ni Dra. Ruiz. "Sige, Adi. On our next meeting, sasama ko ang asawa ko"
Lumabas na kami ni Kuya Amschelle at halos hindi ko rin inaalis ang tingin sa kaniya. Halatang iniiwasan niya ang tanong ko kanina tungkol kay Tita Landra na para bang mali kung sagutin niya ako.
"Matagal nang nan'dyan si Tita Landra?" Tanong ko noong nakarating kami sa harap ng elevator at saktong bumukas iyon.
Paglingon na paglingon ko sa bukana ng elevator ay nanuyo ang lalamunan ko sa nakita. Hindi ko alam kung bigla ba akong sinusundo ng isang anghel o talagang...
Nakita na nga siya.
Tita Landra in a white hostess dress stood beside his husband, Tito Bill who's in a corporate attire. Nakayakap ang kaliwang bisig ni Tito Bill sa baywang ng kaniyang asawa.
Akma sana akong babati sa kanila nang maramdaman ko ang paggiya sa akin ni Kuya Amschelle sa kaniyang gilid dahilan para matabunan niya ang aking paningin. Ipinasok niya kaming dalawa sa elevator at agad na pinindot ang ground floor.
Halos hindi pa ako makabawi sa pagkagulat sa nakita. That actually means Tita Landra is alive! Perhaps, may kinalaman kaya iyon kay Lomi at Leticia?
Noong nakarating sa sasakyan ay doon na lamang nagsalita si Kuya Amschelle patungkol sa aming nakita.
"Yes, she's back. At wala pang ibang nakaaalam doon pwera sa mga pamilya. Hindi mo na kailangang isipin ang tungkol doon. Don't stress yourself—"
Nakangiti kong pinutol si Kuya. "I'm feeling better, Kuya. Hindi naman lahat ay nas-stress ako. I'm just curious"
Kuya Amschelle sighed and nodded. "We're just being extra careful, Adi. I don't want you to be in that situation again if ever..."
"I know. So that means... Si Daddy ang nakahanap sa kaniya, 'di ba?"
Napatingin sa akin si Kuya Amschelle. Biglang nanimbang ang titig niya na para bang iniisip niya ang pwedeng makapagpaiwas sa akin sa topic na iyon.
"We don't need to bring that up... Let's focus on the present, Adi. You're doing good and that's what matters. Labas ka na rin sa kung ano pang mangyayari."
Hindi ko napigilan ang bahagyang matawa kay Kuya Amschelle. I know that he's just being protective but just like what Dra. Ruiz has been observing me lately, I don't easily stress out on the things that don't really concern me. I'm sure she's also telling everything to my guardians about my treatment with her.
"I know, Kuya. I know how to handle myself well" pagpuputol ko sa kaniyang matinding pag-a-alala.
Noong makauwi kami sa bahay ay nanatili muna roon si Kuya Amschelle dahil inanyayahan na rin naman siya nila Daddy. It's Sunday kaya naman pahinga sila Mommy sa trabaho. Dahil usapang matatanda rin naman ang kanilang pinag-u-usapan, tumungo na lamang ako sa kwarto ng kapatid.
She's on her bed, watching something on her TV. Nakita niya agad ako at pinalapit sa kaniya. May weird na sound akong narinig kaya naman napalingon ako sa kaniyang pinapanood. At hindi na ako nagulat nang makitang may naghahalikan.
"Galing ka kay Doc?" She asked the moment I sat down beside her.
Marahan naman akong tumango at tinignan siya. "Where's Clane?" I asked because hindi sila magkasama ngayon.
She glanced at me for a second. Inalok ako ng popcorn na kaniyang nginangata. Umiling lamang ako at hinintay ang sagot niya.
"Probably asleep"
Tumaas ang dalawa kong kilay. "This time?"
She hummed in reply. Umayos naman ako ng upo at umayos ng tabi sa kaniya. Nakasandal na rin ako sa headboard at wala sa sariling pinanood ang nasa TV.
Naalala ko ang kaninang iniisip. Kung nandito na si Tita Landra, that means naging successful ang... kapalit ng nangyari sa akin.
I don't know what to feel about it. Wala akong maramdaman na galit. I'm in the healing process now and seeing that the deal went successful...
I don't know what to say.
"Tita Landra is really alive pala noh" pagbubukas ko ng usapan kay Paige.
At gaya na lang din ng naging tugon ni Kuya Amschelle sa sinabi ko, Paige pretended that she didn't hear what I said even though I saw how she literally stopped chewing her food.
Nilingon ko siya at nakitang hindi inaalis sa screen ang mata. Halata ring iniiwasan niya ang binukas kong usapan.
"Damn, she's wild." Tawa ni Paige at hinarap ako sa pinapanood. I saw how started kissing and humping on a man she's with in a bar. "Hindi naman ako naging ganito in public, gosh..."
I deadpanned her and folded my arms. Tumikhim ako nang malakas na nakakuha ng atensyon niya. She's giving me that "nagpapanggap inosente" look which never works on me.
"Iiwasan niyo talaga ang topic na iyon?" Taas kilay kong tanong.
Umawang ang labi ni Paige na agad ring sumara nang mag-iwas siya ng tingin. Matamis nang nakangiti nang bumalik sa akin.
"How about... Let's watch a horror movie na lang?"
Umiling ako. "Are you worried that talking about him might trigger me?"
Natahimik si Paige at napatitig sa akin. I sighed and held Paige. "I'm getting better, Paige. At kung hindi ko rin iyon isasama sa aking haharapin, walang saysay ang aking gustong pagbabago"
"But, Adi... Iyon ang nagtulak sa'yo para..." Paige trailed off when she saw my serious face.
"Yes, he is part of it but that doesn't mean I won't include him in my healing process. He's got the biggest part of it and I won't let go of the chance to fix it with him."
"I don't know what could happen but I want to fix everything. I want closure for a new start. Hindi naman porket nasaktan ako ay kakalimutan ko na lang. Deep wounds need a remedy. And if a talk and closure with him will help me, then I won't let it pass"
"Adi, you loved him" mahinang bulong ni Paige.
I nodded, surely and truly. "I would do anything just to heal completely, Paige. I want myself back"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All