Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 39
Halos wala akong makita kun'di ang matatayog at nagtataasang mga puno. From what I remembered, these are timber trees.
The night sky was dimming as I went through the forest. Patuloy lang ang aking paglalakad kahit na hindi ko alam kung saan ako tutungo. Palinga-linga rin ako sa paligid at halos kilabutan ako tuwing may maririnig na mga kaluskos.
Tinignan ko ang paligid. Lumingon din ako sa likod para hanapin sana ang daang aking tinunguhan ngunit napakunot ang aking noo nang hindi na maalala ang daang tinahak.
That is when I realized that I am... completely lost.
Lumunok ako at niyakap lalo ang blazer na suot sa aking sarili nang humangin. The rustling of leaves and the unfamiliar whisper of the wind makes me shiver. Halos nararamdaman ko na rin ang pangangapa ng aking puso ng mahahakawan dahil nararamdaman ko na itong magsimulang manginig.
Lalong nagdidilim. Pati ang aking paglalakad ay mas mabagal pa sa paglalakad sa buwan.
Something is whispering at the back of my mind. Saying that I'll never get out and this is my karma. Ngunit pilit ko iyong tinataboy sa aking isipan dahil hindi iyon totoo.
I shook my head and sighed. No, I am certain about this. Ginawa ko 'to dahil gusto ko at wala na akong pakialam kung may man mangyari sa akin.
But as I continue to walk with that thought in mind, my heart started to feel heavy. Na para bang nararamdaman ko na ang pagsisisi sa aking pagtakas dito sa kagubatan. Parang dinadaganan ng isang malaking bato at pinipilit itong manghingi ng tulong.
I tried to follow the light from the sky hoping it could lead me somewhere... open.
Ngunit habang sinusundan ko ang liwanag mula sa buwan, lalong dumidilim ang paligid kaya napatigil ako. I gasped and held my arm together. Suminghot ako at bumuga ng hangin.
I am not wrong. What I did is to at least be an eye-opener to those people who made me do this.
I chanted that in my head but got interrupted when I hear a noise somewhere. Like a crackling of dry leaves.
My heart started to stammer so does my lips. Ngayon ay nakaramdam ako ng takot at wala sa sariling naglakad sa kaliwang bahagi ng mga puno. Halos mabilis na rin ang aking paglalakad. Lumi-linga ako sa paligid dahil baka may nakakita na sa akin.
I shrieked when I tripped over a low hill. Padapa akong nalaglag sa lupa at mga dahon. I groaned when I felt a sting on my arm. Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang sarili.
Tinignan ko ang aking braso at mahinang napamura nang makita ang gasgas doon.
"Not here..." I irritatingly said and groaned again when I found another scratch on my knee.
Saktong pag-ahon ng tingin ko ay bumungad sa akin ang isang maliit na kubo. It's looks like an abandoned witch cabin but only that it's quite... clean. Para bang may nakatira dito ngunit hindi ko iyon tuluyang mairehistro sa isip dahil malayo iyon sa katotohanan lalo na ngayong nasa gitna ako ng gubat. Hindi ko na rin halos alam kung saan ang aking paglalabasan.
And just as I near the shack, something took my atensyon. Sa gilid na bahagi ng bakod ay may halos isang kumpol ng mga baging.
It was unrecognizable since it was a bit obscured by the shadows of the night. Para bang may dilim o aninong nakatabing rito.
Out of curiosity, I stepped closer to it. And when I saw what it was surprised me.
Vines of roses in the middle of the forest?
Tumagilid ang aking ulo sa kakaibang tuwaang naramdaman habang tinitignan ang mga bulaklak na ngayo'y nagiging malinaw sa aking paningin. There are about five fully bloomed red roses in its vines.
I was enticed just by its sudden appearance. How can such beauty appear in this chilly dark forest? Kaya naman inabot ko ang isa sa mga bulaklak na naroon ngunit bago ko pa iyon makuha nang tuluyan ay bigla akong natusok ng kung anong patulis na bagay.
I hissed when I saw my bleeding finger. Napatingin naman ako sa baging ng rosas at nakita ang halos kalahating pulgadang haba ng matutulis na mga tinik roon.
Binalot ko naman ang daliri gamit ang aking blazer at akmang lalapitan muli ang mga rosas para matignan nang maigi nang may biglang nagsalita.
"Natusok ka?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa kabilang bahagi ng bakod. My eyes widened when I see an old lady looking at me with a small smile on her face.
Taas-baba ang aking balikat habang nakahawak sa dibdib akong nakatingin sa matanda. She looks... neat to be called a witch. Her almost white hair is in a low bun. Nakasuot din ito ng kulay brown na t-shirt at isang mahabang itim na palda.
I was petrified in my place. I was too shocked to utter a single word. Hell, I couldn't even breathe!
Paanong may naninirahan dito sa gitna ng kagubatan?
The old lady walked towards the gate and just a moment later, she was in front of me.
She looks... nice? She doesn't look scary! Halos wala rin akong pangambang maramdaman sa kaniya.
"Ang ganda ng mga rosas noh?" tanong nito at tinignan ang kanina kong hinawakan na mga baging ng rosas.
Lumunok ako dahil halos nanuyo pa yata ang lalamunan ko dahil sa gulat. "T-they are po. I was just trying to pick one but..."
Bumaling ito sa akin at tumagilid nang bahagya ang ulo. "Natusok ka?"
Dahan-dahan akong tumango.
Ngumiti ito at nilapitan ako. "Halika at gagamutin kita"
I was a bit hesitant kaya hindi agad ako nakasagot. Napatitig lamang ako sa matanda at nagdadalawang isip kung sasama rito.
Binigyan ako ng mahinang halakhak ng matanda at ngumiti sa akin. "Nagbabantay ako rito sa kagubatan, Hija. Natusok ka ng mga rosas ko kaya responsibilidad ko ang gamutin ka"
My finger is still aching at kung hindi iyon malilinis ay maaari pa akong ma-infection. Sumama na ako sa matanda. Noong buksan niya ang pinto ay halos manigas pa ako sa kinatatayuan dahil sa pagkamangha.
The inside of the hut looks cozy! Ang inaasahan ko ay puno ng kung anong mga dahon o panggamot sa paligid, ganoon na rin ng mga nagkalat na gamit.
Pero hindi. Para akong pumasok sa isang normal na tirahan ng matanda.
"Upo ka, Hija." anang matanda at bumukas ng isang cabinet para siguro kunin ang mga gagamiting paggamot.
I blinked and looked around. Walang upuan kaya naman nilakasan ko ang loob kong magsalita.
"Where po?" I asked politely.
Lumingon sa akin ang matanda habang dala na box na hawak. Ngumiti ito at dahan-dahang inilapag sa isang mababang mesa ang hawak tsaka umupo sa sahig. Tinapik niya ang kaniyang harapan.
"Dito, hija" she said, making me blink multiple times again and sat down carefully.
"Paano ka namang napadpad rito, hija? Nasa kalagitnaan ka na ng kagubatan ng Tenebres"
Naputol naman ang pag-ikot ng aking tingin sa paligid nang magsalita ang matanda. She looks calm while she's preparing the aiding kits.
Napakagat naman ako ng labi at nahihiya pang sabihin ang dahilan.
"I-I..." Huminga ako nang malalim. "I run away po"
Natigilan ang matanda sa ginagawa. Hawak ang isang tela na inilublob sa isang lalagyang may tubig ay umangat ang tingin nito sa akin at inabot ang aking kamay. Umasog naman ako nang bahagya para maibigay ang kamay nang maayos.
"Bakit?"
Napatitig ako sa matanda. She's gentle while cleaning my finger. Dahil hawak ang aking kamay, bahagya niyang ginalaw iyon para tignan kung may iba pa akong sugat. Nang makita ang nasa aking braso at marahan niya rin iyong inabot at pinunasan. Nakita na rin niya ang nasa tuhod ko kaya inabot na rin niya ang aking paa.
Umahon ang tingin niya at nahuli agad ang aking mga matang nakamatyag sa kaniya. Nang matapos ito sa paglilinis ay gamit ang isang maliit na tong ay kumuha siya ng bulak at idinampi iyon sa isang nasa maliit na mangkok na tingin ko'y gamot para sa aking sugat.
"Hindi ka ba masaya sa inyo?" tanong ng matanda.
My heart sank a bit. Bumagsak ang aking tingin sa aking kandungan at kumunot ang noo nang maramdaman ang kakaibang init sa puso na ngayo'y dumadaloy na sa aking mga mata.
I run away because I want to escape... from all of their judgments. Or more likely to escape the mess I've created.
Hindi ko alam pero ang tanging umiikot sa aking isip ay ang ibalik ang sakit sa kanila. Kahit na ba sobra na at lubusan na ang aking pagganti ay hindi ko maitigil ang bagay na iyon.
I know that I'm avoiding these consequences which are also results of my other consequences. But it doesn't mean I have the right to surrender and accept them. Nasa akin pa rin ang pagpapasya dahil lahat naman ng aking ginagawa ay para sa aking sariling kaligtasan lalo sa mga bagay na nakapaligid sa akin.
"O may tinatakasan ka?" the lady asked again.
I remained silent and refusing to answer. Hindi dahil ayokong sabihin kun'di...
Hindi ko rin alam ang isasagot.
I was silent. Hindi ko rin namalayang nalagyan na pala ng benda ng matanda ang aking mga sugat at nakaligpit na rin ang mga pinaggamitan. Nakatayo na rin siya sa harap ng lutuan at mukhang may niluluto.
I wore my blazer again and took the chance of silence to look around. Halos sulok nga lang yata ng kwarto ko ang kubong ito. May mga cabinet, kusina, at maliit na baul. Ang bintana ay parang pinatuyong dahon ng buko na pinagtagpi-tagpi. There is only one door too which is the one we walk through earlier.
"Mukhang hindi ka pa naghahapunan. Kain ka muna"
Bumalik ang tingin ko sa matanda na ngayo'y naglapag ng dalawang mangkok sa kaninang maliit na mesa at kutsara. She then put the bigger bowl with the chicken soup she made on the middle.
Hindi naman na ako tumanggi dahil narinig ko na rin ang pag-i-ingay ng aking tiyan sa gutom. I scooped a good amount of the broth and a leg piece of the chicken. Ang bango at init ng sabaw ay humahalimuyak sa aking ilong. Pati ang init nito ay nagbigay daan para makahinga nang maluwag ang aking dibdib.
"Gusto mo bang malaman ang kwento tungkol sa mga rosas kanina?" the old lady spoke a moment later.
Tahimik ko namang nginuya ang manok na kinain at napatitig sa matanda. Dahil kyuryoso na rin at masyadong nangingibabaw ang katahimikan sa paligid ay napatango na ako.
"Alam mo ba, noong makita pa lang kitang napatingin sa mga rosas, agad akong namangha sa'yo"
Natigil ako sa pagsubo ng sabaw. What does she mean?
"Bakit naman po?" tanong ko.
Ngumiti ang matanda. "Sa dinami-rami ng mga mangtotroso na napapaghandaan ko ng meryenda, ni isa sa kanila ay walang nakapansin sa mga bulaklak ko"
My lips parted in shock. "Kahit may araw po?" tanong ko.
Tumango ang matanda at tila natuwa sa aking naging reaksyon. "Oo, hija."
I tilted my head and found it quite absurd. Kahit nga gabi ngayon ay nakita ko pa rin iyon sa tulong ng kakaunting liwanag mula sa buwan kaya paanong hindi iyon makikita sa umaga?
"What's the story behind it po?" intriga kong tanong.
Bumuntong-hininga ang matanda. "Halos katulad din ito sa nangyari sa'yo, Hija. Ang naging kwento sa mga bulaklak na matatagpuan sa gitna ng mga kagubatan ay sumpa raw"
Kinilabutan naman ako sa narinig.
"Pero hindi totoo iyon, Hija. Naging kwento-kwento lang dahil doon sa nangyari sa isang bata"
"Ang sabi ay may isang batang lalaki raw na nakatira sa pinakamataas na bahagi ng kagubatan. Halos wala ring nakakarating doon lalo na't para kang naglalakbay sa dilim doon."
"Isang araw ay ang batang iyon ay naglakbay sa kadiliman ng gubat. Parang anino nga raw iyon kung magpakita. Ang sabi ay nakakita raw ng isang bulaklak na puno ng tinik. Nabighani siguro ang bata sa bulaklak at halos hindi na binigyang pansin ang matatalim at matutulis na tinik na nakapalibot sa bulaklak. Gaya ng sa iyo, natusok ang bata. Kalauna'y naging sanhi ng pagkamatay niya, kasabay ng pagkalanta ng bulaklak"
Well, that was a great legend.
I pursed my lips. "Ganoon po ba?"
Ngumiti ang matanda. "Pero naintindihan mo ba ang pinapahiwatig ng kwento, hija?"
Natigilan ako. "Po?"
"Gaya na lamang ng ginawa mo kanina. Nasa gitna ka ng kagubatan. Paniguradong naliligaw ka rin sa mga mala-aninong puno pero noong makakita ka ng isang bagay na nagpapakita ng kagandahan ay walang alinlangan mong hinawakan iyon. Na para bang walang pangambang bumalot sa iyong sistema gayong nasa sitwasyon ka kung saan hindi mo rin alam kung paano ka makakalabas"
It's like a bomb for me. Para bang bigla nitong sinampal sa akin ang buong katotohanan sa mga nangyayari.
"Isinawalang-bahala mo ang mga panganib sa paligid mo. Tulad na lamang ang posibilidad na matusok ka. At gayong nangyari iyon, anong nangyari sa'yo?"
"Nanatili kang walang pakialam sa panganib. Halos nakalukob ka na madilim na bahagi nito"
My lips parted. Her words continue to send chills through my whole body. Lalo na noong mag-ingles siya.
"The thorn pricked you within its shadows. You were occupied by the beauty of its bloom, disregarding the danger and uncertainty of your situation."
"H-how did you..." wala sa sarili kong sinapo ang luhang pumatak mula sa aking mata.
The way she described the situation... it is exactly mine. Para bang nabigyan niya ng kahulugan ang aking nararamdaman sa sitwasyon ko ngayon.
Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng sagot ang lahat ng hinanakit na aking iniipon.
I sobbed as I let all my emotions pour. My heart... it feels heavy and open at the same time. Para bang naglalabasan lahat ng mga tanong, sakit, at kaguluhan sa akin. Ang aking isip... para bang nabuhusan ng grasa ang halos matuyo kong utak sa kakabaliwala sa mga katotohanang hindi ko inaasahan.
I am completely trapped in the shadows yet, I had the nerve to think that every decision I make will make a favorable result. That I am that blooming flower fate continues to condone not until I stumble upon those risky thorns within the shadows of uncertainness.
"It hurts so much... but... I finally, finally grasp what is true." My voice was shaking as I continue to cry.
Na hindi lahat ng iniisip kong tama ay ang nag-i-isang solusyon para sa aking kamalian. Na hindi lahat ng iniisip kong tama ay ang katotohanang makapagbibigay sa akin ng kaliwanagan.
Tahimik ang matanda hanggang sa tumahan ako. Inabutan niya lamang ako ng isang malinis na bimpo para sa aking luhaang mukha.
The feeling was overwhelming. Dahil sa tagal-tagal kong paghahanap ng hustisya sa aking pagkasira ay binaliwala ko ang mga sagot sa aking paligid. Hindi dahil hindi ko matanggap kun'di nagtago ako sa dilim--sa aking anino kung saan wala akong ibang nakikita kun'di iyon at iyon lang.
I took the good thing I found in the shadows for granted. That even though I felt the safest in it, doesn't mean it has the validity of what I needed to justify.
"Ayos ka na?" tanong ng matanda sa akin nang inumin ko ang tubig na inalok nito.
Marahan akong tumango pagkatapos ibaba ang baso. Napatitig ako sa matanda at wala sa sarili kong naramdaman ang pag-ukit ng ngiti sa aking labi.
"Mas lalo ka palang maganda kapag ngumingiti, Hija" tila ba'y mangha pa nitong sabi.
I was also shocked. It has been... a while since I feel that stretch in my lips. That sweet, gentle form of a smile has always been with me since the day I was born.
I could vividly remember.
Parehas kaming napalingon sa pintuan nang may marinig kaming tumawag na pamilyar na boses. Tumayo ang matanda at tumungo sa pintuan. Naging kyuryoso naman ako at tumayo para tignan kung sino man iyon.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mata nang makita si Kuya Amschelle doon.
"Chelle? Kamusta!" gulat pa akong napatingin sa matanda dahil sa kaniyang sinabi.
Sumunod akong lumabas sa matanda. Napatakip ako ng mata nang masinagan ako ng ilaw mula sa flashlight na hawak ni Kuya.
"Inang, maraming salamat" Puno ng galak na bati ni Kuya Amschelle sa matanda at nagmano pa rito bago mapunta sa akin ang halos nagbabasang mata.
I stepped closer to them. Nanginginig ang aking labing nakatingin kay Kuya Amschelle at halos gusto ko na rin siyang dambahin ng yakap.
This feeling... the feeling of sadness and guilt... awakes me up.
"Siya ba ang pinunta mo rito?" tanong ng matanda sa kaniya.
Marahang tumango si Kuya Amschelle habang nasa akin ang tingin.
"Adi" halos sumugat ang sakit ngunit nangibabaw ang pagkagalak sa boses ni Kuya.
Nanlabo ang mata ko at mabilis na tinakbo ang kalayuan mula sa kaniya.
"Kuya" Nanginginig kong sabi at mahigpit na iniyakap ang sarili sa kaniya.
Kuya Amschelle immediately hugged me and repeatedly kiss my head. "Adi... you made me so worried. Oh, God... I thought I'll lose you" garal niyang sabi.
I cried on his chest and hugged him tightly. Bumuhos muli ang mga emosyong kanina kong nakasama.
My heart feels light... it feels sorry. Ngunit sa paraan pa lamang ng yakap ni Kuya Amschelle ay pakiramdam ko ay naresolba na lahat ng aking mga kamalian.
Humiwalay ako kay Kuya Amschelle. Parehas kaming basa ang mga mukha dahil sa luha.
I smiled at Kuya Amschelle. Umigting ang panga ni Kuya habang pinipigilan ang sarili na bumigay nang tuluyan.
"Stop this madness, please. Hindi ko na kayang mawala ka pa, Adi. One is enough. Hindi ko na kaya kung may mawala pa sa pamilya..." Kuya Amschelle almost beg me.
I nodded.
I will.
Bumaling kami sa kasamang matanda na malambot ang mga matang nakamasid sa amin. She's even wearing that soft smile again as if what she's seeing makes her heart full.
"Ramdam kong maayos na kayo, Hija. Naiintindihan mo na ang sarili mo" anito.
"Salamat po" I manage to croak out. Inangat ko ang tingin kay Kuya Amschelle na hinawakan ang aking balikat.
Nagpasalamat si Kuya Amschelle sa matanda at nagpaalam na ring uuwi na. I was just silent as I was still trying to get a hold of myself.
It was overwhelming because I've been running away and escaping all the solutions I have for all the uncertainty around me. And to take every change at once is overflowing.
"Gusto mo ba ng rosas, Hija?" alok ng matanda na hindi ko tinanggihan.
She cuts a vine of it and gave me one with a fully bloomed rose. Tinanggal na rin ang ilang tinik na nasa dulo at maingat na ibinigay sa akin.
"Always hold the tip but do not overlook the thorns. They are there on purpose" anito sa marahang boses at nginitian ako.
Tahimik ako sa aming naging lakad pabalik. Hindi ko na rin kinwestyon kung paanong nalaman ni Kuya Amschelle kung nasaan ako at paano rin siya nakarating doon. Ang aming paglabas sa gubat ang sagot para doon. He knows the place well.
Sa bukana ng gubat ay nakaabang ang ilang mga tauhan. Pati ang 4x4 na sinakyan namin ni Kuya Amschelle noon ay naroon.
Napuno ng pagpapasalamat at pagpapahayag ng kagalakan ang mga taong naroon nang makita nila kami ni Kuya Amschelle. Nakaalalay rin sa akin si Kuya Amschelle sa bawat paglakad ko. Pumasok naman na kami sa sasakyan para makabalik na rin kami sa mansyon lalo na't mag-a-alas onse na rin pala ng gabi.
Nilingon ko si Kuya Amschelle na kalmadong nakatingin sa kawalan. Magkasaklop ang mga kamay na nasa kaniyang kandungan. Hinawakan ko naman ang kamay niya kaya napalingon siya sa akin.
I smiled softly when Kuya Amschelle held my hand gently.
"You okay?" alala niyang tanong.
I nodded. "This is... the better that I needed"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All