Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 47
Mom organized an after-party at our house only with the people I love—my family and friends. Imbitado ang lahat. Alfanta, Castor, at ang nag-i-isang Venganzara na nasa Nouvaunde ngayon na si Kuya Amschelle.
I didn't even felt nervous or something. I just feel... warm and excited. Lalo na't kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon.
Noong pauwi ay sa karamihan na kami sumabay nila Paige. Si Kuya Shan ang nagdrive ng kanilang family van kaya naman kasya kaming siyam roon. Si Art ay nasa harap na at kung hindi lang namin siya itulak palabas kanina ng van dahil siya raw ang tatabi kay Alliana ay baka hindi namin makakatawanan si Alliana.
"Si Annie laging inaasar si Ashy sa crush niya!" nangungunang nang-a-asar si Leticia sa dalawang nakababata na katabi niya sa unang linya ng upuan at si Ayessa naman sa kanan niya.
Alliana and Paige are on both sides of me while Euna and Hyacinth (the matatahimik) are behind us.
Si Ashy na tahimik na nakasandal sa bintana ay sinamaan lang sila ng tingin ngunit kapansin-pansin ang pamumula ng kaniyang pisngi sa sinabi.
"I just did what Ate Leticia told me to do! Tinulak ko lang naman si Ashy noon kay Amiel!" kwento ni Annie at kasama na si Leticia sa pang-a-asar kay Ashy.
Ashy just rolled her eyes and immediately call her cousin. "Ate Euna, itabi mo na ako sa'yo, please" anito na ikinahalakhak namin.
Agad na um-okay si Euna kaya naman agad na tumayo itong si Ashy habang umaandar ang sasakyan. Natatawa naman siyang pinigilan ng dalawang nang-a-asar sa kaniya at ibinalik sa upuan.
"Bakit puro akoooo!!!" reklamo ni Ashy at hinilamos pa ang mukha na lalo naming ikinaingay.
Si Art naman na nasa harapan ay nagsuhestyon pa na sa kaniya na lang tumabi si Ashy na agad naman nitong tinanggihan nang nakasimangot pa.
Habang nag-i-ingay sila, lumilipad ang aking tainga sa nasa likod naming magkaedad na tahimik na nag-u-usap.
"Masasanay ka rin. Ako nga na tahimik lang din, pakiramdam ko kulang ang araw ko kapag hindi sila kasama" rinig kong sabi ni Euna na nakapagpangiti sa akin.
"Kulto nga talaga kayo" rinig kong sabi ni Hyacinth na ikinatawa ko at dumungaw patalikod sa kanila.
Napunta agad sa akin ang tingin ni Hyacinth. I reached her. "Kung sinisiraan man kami ni Kuya Gab sa'yo, he's lying! Kung mga witch man ang pakilala niya sa amin sa'yo, you'll become one, too!" pagbibiro ko na nakapagpalabas ng kaniyang ngiti at mahinang tawa.
Nagkatinginan naman kami ni Euna at nagkindatan sa isa't isa.
Nakarating kami sa bahay nang buhay. Thanks to Kuya Shan na hindi nairita sa aming ingay. Naunang nakauwi sila Mommy kaya naman hindi na kami nagulat nang may naghahanda na ng mga pagkain sa hapag. Halos 7 na rin ng gabi at maghahapunan na. Dahil hindi pa naman nagsisidating ang aming mga kamag-anak ay nagtungo muna kaming lahat sa aking kwarto.
Sadly, hindi nakasama si Hyacinth dahil agad siyang kinuha ni Kuya Gab. Hindi na rin naman kami umapila dahil importante daw ang kanilang gagawin. Hindi lang sinabi kung ano. Isinama na rin nila sina Annie at Ashery dahil hinahanap daw ni Tita Rachel.
"Grabe, namiss ko 'tong higaan ni Adi!" si Leticia na nauna sa pagtalon sa aking kama at inukupa ang kabuuan nito.
Ayessa went to her and smack her butt before diving in, too. Si Euna ay umupo sa bandang dulo ng kama ngunit hindi pa man nakakaayos ay hinatak na rin siya ni Leticia at niyakap sa higaan.
Si Alliana ay naunang umupo sa aking egg sofa. Nakita ko pa ang pagkairita nito at tinulak si Paige na akmang uupo sa kaniyang kandungan. Napailing naman ako at iniwan muna sila roon bago pumasok sa aking walk-in closet para magbihis.
Nagbihis lamang ako ng comportable ngunit maayos pa ring damit. I wore the Jacquemus La Robe Maniu Tailored Dress in my closet that I haven't even wore ever since. Nag-indoor slipper na lang din muna ako at akma akong lalabas ng kwarto nang mapansin ang kakaibang katahimikan nila.
Dahil kyuryoso lalo na't may naririnig din akong tahimik na nagsasalita, inilapat ko na muna ang aking tainga sa pinto at nakinig sa usapan.
"She has moved on from the pain Larry caused her pero hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari. Something might trigger her about him kaya as much as possible, 'wag muna nating i-open ang tungkol sa kanila" rinig kong boses ni Paige.
"But... Adi doesn't seem to mind. Hindi ba't mas okay kung ma-open 'yung usapan na 'yon? We're here for her. She can talk about him with us, right?" si Ayessa.
"Right. I'm sure Adi just wants to talk about him with us pero... hindi natin iyon nabigay sa kaniya nu'ng umuwi siya noon, 'di ba?" si Euna.
I felt a lump in my throat with that. You're right, Euna.
"Hindi natin siya natulungan noong umuwi siya. Bumawi tayo sa kaniya ngayon. I can feel that she's longing for us. Mahal na mahal tayo ni Adi kaya ganoon na lamang siya nasaktan sa atin." Si Alliana.
"Kahit na nasaktan natin siya, she still came back. For us. Let's not waste that opportunity to make her feel that we'll always be with her no matter what. Kasi ganoon naman talaga tayo, 'di ba?" si Ayessa ulit.
My eyes heated and just like that, ears are already pooling my eyes.
"Ako, hindi ako nagtago ng nararamdaman sa inyo dahil alam kong matutulungan niyo ako. Gano'n din si Adi kaya 'wag natin siyang pigilan na mailabas ang mga hinanakit niya, lalo na sa atin" si Leticia.
Narinig ko ang isang singhap. "S-she just loved Larry so much. Natatakot ako na baka lalo lang siyang masaktan kapag—"
I opened the door. Agad na nagsilipad ang kanilang mga ulo paharap sa akin. Kapwa mga nagulat at hindi inaasahan ang aking biglaang paglabas.
My eyes were full of tears as I went to them. Hindi ko rin maialis ang tingin sa kanilang lahat. My lips quivered when I saw my sister's wet face.
Bumasag sa katahimikan ang hilaw na tawa ni Euna. "U-uh, baka nasa baba na sila Mama? T-tara na ba?" tanong ni Euna ngunit kay Paige lamang nakatingin.
The girls' faces were sad and weary. Kapwa nahihiya at nalulungkot sa narinig kong usapan.
Umahon ang ulo ni Paige at tumango. "Tara na. Ilalabas ko na rin 'yung mga—"
"I wanna talk about Larry"
Naiwang nakabuka ang labi ni Paige. Natahimik din ang paligid. Everyone's silent as if they're only waiting for me to break it.
"I want to talk about him with you guys because I k-know... you guys will listen to me" lakas loob kong sabi at umupo sa tabi ni Euna sa kama.
Euna immediately held my hands with hers. Yumuko ako at kinagat ang labi.
Pansin na pansin ko ang laging pag-i-iwas ni Paige sa usapan tungkol kay Larry. Lalo na sila Kuya Amschelle at mukhang siya pa itong nagsabi sa aking pamilya na huwag munang i-open sa akin ang tungkol sa nangyari sa amin.
Pero mapipigilan ba noon ang pag-i-isip ko sa kaniya?
Iniiwasan ko mang pagtuunan ng pansin, ito ang nangunguna sa aking isipan. The feud between the two of us is the real reason why I was miserable and at this state.
I didn't just focus on it because I know to myself that it's not just him. Sila lamang ang nakakakita na ang lahat ng dahilan nito ay si Larry dahil siya itong diniin at sinisi ko sa lahat. Na siya ang nagpanggap na may nararamdaman sa akin kapalit ng pabor na inalok sa kaniya ni Daddy.
Pero ano pa bang magagawa ko? Mababago ko pa ba ang nangyari? Eh sa una pa lang, iyon na talaga ang nakatadhanang mangyari.
"Ano ba'ng nararamdaman mo ngayon kay Larry?" Si Euna ang unang nagsalita.
Napapikit ako at huminga nang malalim.
Ano nga ba? Ano bang nararamdaman ko sa kaniya at ang kagustuhang nagtutulak sa akin na mapag-usapan siya?
"I should feel furious, right?" Bulong kong tanong pagkaahon ng aking ulo.
Alliana nodded at me. "You should"
Napayuko ulit ako. "Pero tapos na ako ro'n eh... and I admit that I didn't like that feeling..."
"It's too powerful and too stressful. M-masyadong mabigat sa pakiramdam kapag iyon ang pinangingibabaw ko na maramdaman para sa kaniya..."
Sinalubong ko ang mata ni Paige. Nagpipigil siya ng luha at nang makita ako ay nakita ko na ang pagtula ng kaniya.
"I got furious. I almost cursed him to death just to let out all the pain in me. I wanted to make him suffer and be blamed to what happened to me. Na kasalanan niya na nawala ako dahil siya ang huli kong kasama..." I confessed.
Nakita ko ang pagkatigil nila na para bang ngayon lang iyon nalaman. Paige looked at me with brows forming a line.
"So you set up yourself because of him?"
Marahan akong tumango. "Siya ang huli kong kasama... Noong bumisita ako kay..."
Kay Alliyah.
Natahimik ako. Si Alliyah. She's the girl Larry likes and... He impregnated.
Para akong nasapol ng truck sa narealize. Ano pa bang gusto kong makuha sa pag-u-usap namin kay Larry eh ang sagot na ay ang babaeng iyon?
Ang babaeng minahal niya talaga.
"Is Larry with Alliyah?" Wala sa sarili kong tanong.
"Alliyah? Sino?" Naguguluhang tanong ni Ayessa.
Paige faced me to her and held my shoulders gently. "That bitch is a liar. Walang katuturan ang mga pinagsasabi niya sa'yo" si Paige na para bang kinukumbinsi ako.
My shoulder loosened. May yumakap sa aking emosyon na para bang nawawalan ng pag-asa. Hindi ko alam kung para saan pero nalulungkot ako dahil doon.
I wanna ask myself what I wanted to ask Lomi.
Sa tagal ng pagsasama namin ni Larry, hindi niya ba ako minahal?
"How come? Sila Daddy na mismo ang umamin at si Larry na mismo. Paanong hindi totoo ang pinagsasasabi ni Alliyah?" Nanghihina ang loob ko.
"Wala nang namamagitan kina Larry at Alliyah, Adi. Unang sinigurado iyon ni Larry. Una pa lang bago ka mangyari, tinapos niya ang kung anong mayroon sila ni Alliyah" si Alliana.
I was left confused. Hindi ba't iyon nga ang nag-i-isang dahilan kung bakit sobrang lapit ni Larry kay Alliyah? Kasi nga... babalikan niya siya kapag natapos na ang gusto niyang makuha sa akin?
"Hindi na kami ang makapagsasabi ng lahat ng katotohanan sa inyo ni Larry, Adi. Kun'di kayong dalawa na lamang ni Larry" ani Alliana.
I pursed my lips as train of questions filled my head. Questions that can only be answered by the two of us.
As one.
"Do you guys think... I still have love left for him?" Tanong ko at tinignan silang lahat.
And they responded with a small smile.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." Si Euna.
"You both went too much already. Larry... ayokong maawa ka sa kaniya sa ginawa mo pero he did suffer a lot, Adi. Kahit na nasaktan ka niya, hindi ko maisip na deserve niya ang lahat nang iyon, ganoon na rin sa nangyari sa'yo" si Paige na namumula pa rin ang mga mata.
Iyon ang gusto kong maranasan ni Larry. I want him to suffer but I didn't know it would inflict back to me in other ways. We both get strucked by lighting in two different places.
Ang bigat at nakakalunod. Ganoon din kaya ang kaniya?
"I want your voices for this..." Mahina kong sabi at kinagat ang labi.
Umabang sila sa akin at tinanguan ako. Napanguso naman ako at hindi mapigilan ang sarili na manlambot sa sasabihin.
"Did Larry... truly loved me?" Diretso kong sabi at pumikit para hindi makita ang kanilang reaksyon.
Nanaig ang katahimikan kaya naman binukas ko ang mga mata ko para makita sila. My eyes widened when they grinned at me.
"Did he? Tanongin mo siya. Or let's wait for your hearts to speak for their own" si Ayessa na nakipagngisihan pa kay Leticia.
"Pero kung sa inyo nga... kung sakaling pagbigyan kaming dalawa... tama ba na sumugal ulit ako?" I asked them for the last time.
Paige pulled me to stand up in front of her. Tumayo na rin siya at niyakap ako bigla.
"You suffered enough, Adi. Tama na 'yon. Hindi na namin kaya kung magdudusa ka pa. Ayokong maging malungkot ka dahil wala siya pero ayoko ring masaktan ka kapag nasa kaniya ka" nanginginig na bulong ni Paige.
I smiled at my sister's thoughtfulness. "Hindi naman ako umaasang may maging kami pa. I just wanted to know if mayroon pa pero hindi ibig sabihin ay babalik ako sa kaniya"
"Kasi paano kung siya naman itong ayaw nang bumalik pa?"
Alliana sighed for me. "Hindi natin malalaman kung hindi susubukan. Confirm it, Adi. We're here for you. Kung ano man ang maging resulta, tutulungan ka naming tanggapin iyon kahit ano pa man sa dalawa"
Tinanggap at pinaniwalaan ko nang nagpanggap lamang si Larry sa akin. Na mahal niya ako at ginusto niya ako. Tinanggap ko na iyon.
Noong tinanggap ko ang mga pagkakamali ko, tinanggap ko na ang katotohanang nangyari na sa akin ang mga ito. Nagdusa na ako at nasaktan.
Gumanti at lalong nagkamali, natusok at lalong nasaktan.
Should I still hope for the two of us? O nagiging ganito lang ako dahil gusto ko ng pagkakataong maging totoo ang lahat ng inaasam ko noong una pa lang?
O dahil talaga sa kaniya ko lang gustong maranasan iyon?
Hindi ko makukuha ang sagot sa pag-u-usap naming mga babae. Kailangan kong subukan at alamin bago ko malaman.
Kahit hindi sabihin, ramdam na ramdam ko ang gustong mangyari ng mga babae. Ayaw lang nila akong pangunahan sa magiging desisyon ko.
They know how different I was when I was with him. Alam kong hinahanap nila iyon sa akin at sa paraang maibalik iyon, kay Larry lamang.
But I want to give myself the rights to do the right thing for myself. Ayokong isawalang bahala ang dinanas ko para lamang sumaya muli. Gusto ko ng kasagutan at katiyakan bago bitawan ang mga katanungan na sumira sa akin.
Bumaba na kaming mga babae at saktong narito na rin ang mga matatanda. I was welcomed by my Tita's with a hug and kisses. Kinamusta ako at cinongratulate sa aking naging graduation.
Tita Andy, or should I say Ninang Andy gifted me the latest Macbook Air. Aniya'y magagamit ko raw sa aking college life. Ang mga Tito ko naman ay mga bumati at yumakap na rin sa akin. Si Kuya Amschelle na kasabay din nila ay binulungan na lang din ako tsaka humalo sa mga matatanda.
Kumpleto ang magkakapatid na Alfanta. At ang katotohanang narito na nga talaga si Tita Landra ay napatunayan na nang dumating ito kasama ang kaniyang asawa. I was stunned and wasn't able to utter a word when she congratulates me and gave me a gift, too.
"Ang dalaga mo na, Adi" ang boses nitong akala mo'y naghehele ng sanggol ang yumakap sa aking buong sistema.
Nakabalik lamang ako sa sarili noong salubungin na rin ng ilang mga pinsan.
Wala nang bumabanggit sa nangyari. I guess they just don't want me to feel uncomfortable about it since hindi naman para doon ang aking selebrasyon ngayon.
Dumating ang mga magpipinsan. Clane went to me immediately and congratulates me. Nagsorry din dahil hindi siya nakama kanina. Si Crane na agad tinunguhan si Euna ay tumango at ngumiti lang sa akin.
Si Kuya Gab na kasama si Hya ay inabot pa ako at niyakap nang mahigpit.
"Sa inyo pa lang ni Euna may tiwala si Hya ko" bulong niya sa akin na ikinahalakhak ko.
Dumating na rin sina Kuya Shan at Art na kasama pa si Lomi.
Hindi man ako sinalubong ni Lomi o binati man lang. Pasimple lang na umiwas ng tingin at nakisama agad kina Clane na nasa sala kasama sina Annie at Ashery.
My eyes wandered and waited for the last person to come. But to my dismay, wala nang sumunod pa. Hindi ko maiwasang bumuntong hininga.
I was looking forward of meeting him tonight but I guess it won't happen. Ayokong isipin na wala na talaga siyang dahilan para magpakita sa akin. Or worst, ayaw niya lang talaga akong kitain.
Inalis ko rin naman sa isipan ko iyon dahil ayokong masira ang mood. This celebration is for me and I wanted to enjoy it as I'm already surrounded with the people who love and cares for me.
Hindi ako sanay nang hindi kasama si Lomi. O makausap man lang. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito siya umakto ngayon.
First, Leticia's with us. Second, he knew that I know about his feelings for me. And lastly, probably about his brother.
Kaya naman noong lumabas siya ng comfort room ay kinuha ko ang pagkakataon na abangan siya sa dulo ng hallway.
Kitang-kita ko ang pagkagulat at pamumula niya.
"A-adi? Uh..." Iwas nitong tingin at hindi na alam ang gagawin.
I folded my arms and walked towards him. He looks intimidated with the way he blinks rapidly and avoid an eye contact with me.
Nang makarating ako sa harap niya ay nagseryoso ako. I punched his arm, making him look at me with widened eyes.
"That's for hurting Leticia" seryoso kong sabi.
Ang kabado at gulat niyang mukha ay kumalma at lumungkot. Nahihiyang nilibot ang tingin at tsaka iniwas pagkatapos.
Napabuntong hininga naman ako at nadamay rin sa kaniyang nararamdaman.
"Be honest with me, Lomi. Ginusto mo ba talaga ako?" Seryoso kong tanong.
I was expecting him to be shy and deny it. But I was stunned when he nodded.
"Oo. Oo, ikaw 'yung gusto ko noon pa" malalim at seryoso niyang sabi.
My mouth went dry when I realize that he's as serious as I am.
Tumikhim naman ako. "Pero ngayon? Gusto mo pa ba ako?" Diretso kong tanong.
And that's when a small smile stretched on my lips. He shook his head and stared at me bravely.
"Matagal nang nawala ang feelings ko sa'yo, Adi. Hirap man akong tanggapin, hinayaan ko nang mawala dahil hindi mo naman ako gugustuhin gaya nang pagkakagusto ko sa'yo"
"At ganoon na lang ba ang malas ko kasi hindi ko man lang magawang aminin ang nararamdaman ko para kay Leticia?"
My lips parted and before I could even speak, Lomi released all his frustrations.
"Oo na. Gusto ko siya. Ginusto niya ako pero noong kaya ko nang aminin na gusto ko talaga siya, doon naman siya sumuko"
Mapait siyang natawa. "Hindi ko alam kung ginagago ba talaga ako ng tadhana"
"Nagkagusto ako sa kaibigan ko na hinding-hindi masusuklian ang nararamdaman ko. Nagkagusto rin ako sa tinuring kong kaibigan pero huli naman para malaman niya ang nararamdaman ko"
"Do you love her?" Putol ko sa kaniya.
Lomi stared at me for a while. Humakbang palapit at tinagilid ang ulo.
"Ginawa ko 'to kay Leticia pero hindi ko kinaya. Ngayong ginagawa ko sa'yo, wala kong maramdaman"
I grinned. Finally, Lomi has come to his senses!
"Do you want a friend's help?" Alok ko.
Lomi nodded with determination. "Kahit ano, Adi. Hindi ko na ako magpapaduwag."
"Kahit love letter ulit?" Ngisi ko.
Doon nasira ang pustura ni Lomi. Napangiwi at bumuga ng hangin. "Corny ka pa rin?"
I laughed. "Anything for love, Lomi. Anything for love"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All