CHAPTER 41

I'm getting therapies for that week every day. Dahil taga rito rin pala sa Tenebres si Dra. Ruiz, hindi na pahirapan ang kaniyang pagbisita sa akin.
I am not yet ready to face everything. That's why I'm taking therapy sessions with Dra. Ruiz. She's guiding me well and throughout our sessions, we mostly talk about my life. Halos naging walking diary ko na siya pero idagdag lang na she's helping me realize the goods and the bads in things. 
I know I'm getting there. May pagbabago sa akin. Ang mali ko noon, nakikita ko sila ngayong rason kung bakit ako narito at kailangan kong itama. Hindi man mababago ang nangyari noon, sisiguraduhin ko namang hindi ko na mauulit pa iyon.
Kasi it's all about that eh. Humans make mistakes. I make mistakes. 
Humans have emotions and so do I. 
Humans get happy, sad, angry, confused, and disappointed. And I do, too.
Dinudumog ako ng mga pagsisisi, oo. Pero hindi sa mga bagay na napabuti ako kun'di sa mga bagay na nagawan ko nang masama nang hindi ko talaga inaasahan.
I admit that I am an emotional person. Hindi sa pag-iyak o pagiging malungkot. Kun'di kapag ako ay nadedehado at nasasaktan. Hindi ko iyon dinadaan sa pag-iyak at panghihina.
I use cruelty and guilt to shadow up my misery. Because that's the only way I can protect my fragile self without putting all the burden on me and showing this dark side of me.
But now that I don't even wanted to be in it anymore, it felt assuaging. Inaamin ko na nakakatakot dahil hindi ko alam ang naiisip at nakapaligid sa akin. Hindi ako makagalaw nang hindi iniisip ang maaaring mangyari sa akin kung sakaling magkamali ako at lalong mahila sa mga anino ng aking pag-i-isip.
"Kapag ba nakauwi na ako ng Nouvaunde, ibang therapist na ang kukunin para sa akin?" I asked Kuya Amschelle as we're busy making pots.
It's quite rainy outside at naisipan kong ayain si Kuya Amschelle na mag-pot making dahil hindi kami makalabas. 
Isinawsaw ni Kuya ang kamay niya sa lalagyan ng aming tubig at maingat na inihulma ang kaniyang putik. He glances at me and smiled. 
"She's based in Nouvaunde. May clinic siya roon." aniya na ikinatango ko naman at itinuon na rin ang atensyon sa aking ginagawa.
Dra. Ruiz said that I can get therapy with her once a week starting from now. That means I'm improving and getting better. Aniya pa nga'y kung gusto ko na lang daw dahil maayos na nga raw ako.
But it doesn't seem right. I know to myself that I'm not yet fully healed. I still want to attend a weekly session with her.
Hindi naman sa hindi ko nakikitang nag-i-improve ako pero mas maganda na rin kasi talagang may nagiging gabay ako lalo na't minsan na rin akong naligaw. 
"Then I can make an appointment to her anytime?" nagsalita ako makalipas ang ilang minuto.
Kuya Amschelle hummed. Itinigil niya ang pagpapaikot ng kaniyang pinaggagawaan at humarap sa akin. "You seem to be fond of her, huh" ngiti ni Kuya.
I smiled and scrunched my nose as I shape my pot perfectly. "She's easy to talk to. I like talking to her"
Kuya chuckled. "Yeah. You became more talkative, too" panunuya niya na ikinangisi ko lamang.
Noong matapos kami. Hinayaan muna naming matuyo ang ginawa at nagpasyang magpahinga muna sa mga sariling kwarto. Natapos akong maligo at agad akong dumeretso sa walk-in-closet para magbihis. I just wore a gray knitter sweater and pajamas. Nagpatuyo ng buhok at agad na tumungo sa kama para magpahinga.
Tinignan ko ang oras sa orasan na nasa aking bedside table. It's just 4:20 P.M. 
Tumingin ako sa bintana at nakitang tumitila na rin ang araw. It feels cold yet cozy. Ibinalot ko na rin ang sarili sa malambot ng comforter at ipinikit ang mga matang hinahatak ng antok.
The only thing I want right now is peace of mind. Sure, I already have it but it's not complete without giving my apologies to my loved ones.
My friends. My family.
Miss na miss ko na sila pero may parte sa akin na natatakot pang magpakita sa kanila. Kahit na itinatago, sumisibol sa aking isipan ang kanilang maaaring maging reaksyon kung sakaling magpakita ulit ako sa kanila nang maayos na.
Will they face me with mockery? That it's my karma that I'm hurting myself now?
Pero hindi ko iyon kailanman sineryoso sa aking isipan. Just like what Dra. Ruiz have been telling me—my family and friends are my ally. Not the enemy nor the foe. 
They will help me through my storms and bad times. Hindi nila ako tatalikuran gaya na lamang ng iniisip ko noong una.
They didn't support me because they knew I was wrong. I didn't know that I was wrong kaya ang lumalabas sa akin ay tinalikuran nila ako.
And again, that is my wrong. I admit and will learn from it.
Hapunan noong tawagin ako ni Kuya Amschelle para maghapunan. Pababa ako ng hagdan nang makita ang ilang kasambahay na nagkalat ngunit nang makita ako ay mabilis silang nagsi-iwas ng tingin at nag-u-unahan pang magsialis. 
Napakagat ako ng labi at naramdaman ang bahagyang pagkurot sa puso.
Since that day I caused a ruckus, hindi na ako nilalapitan ng mga kasambahay. Para bang natakot sila sa akin. Na kung sakali mang may magawa silang mali ay baka saktan ko na rin sila.
Papunta na ako ng dining room nang hindi ko napansin ang isang kasambahay na nagmamadaling padaan sa aking harap at nagkabanggaan kami. Ang dala niyang plato na may lamang pagkain ay nalaglag at natapunan pa ako.
We both gasped in shock. Siya nama'y agad na nataranta at kinuha ang mga nabasag at nagkalat sa sahig.
"I'm sorry po. I didn't see you coming" sabi ko at tinulungan siyang maglinis ng sahig. 
May ilang mga kasambahay na rin ang lumapit sa akin at agad na napatigil nang makita ako. They started whispering at halos rinig na rinig ko ang usapan.
"Nako, baka ipahamak na naman tayong lahat ni Adi!"
"Nadumihan pa ang damit. Lagot talaga"
"Tulungan niyo na! Kapag 'yan nasugatan pa ay baka magalit sa atin!"
Nilingon ko ang mga kasambahay at kapwa nagulat sa aking pagtingin. I pursed my lips and stood up after I picked the last piece of the porcelain bowl. 
"Ay jusko! Anong nangyari?!" si Manang Delia na galing sa kusina at tinignan ang kasambahay an ngayo'y maingat na nililinis ang sahig.
"N-nabangga po ni Paola--"
I immediately raised hand and took responsibility. "Ako po. I accidentally bumped into her. Hindi ko po siya nakitang paparating at nabunggo ko siya"
Natahimik ang paligid. Hawak ko ang kamay sa aking likod. Nakita ko ang dahan-dahang pag-angat ng ulo ng kasambahay na nabangga ko.
Napatingin si Manang Delia sa aking damit at inilingan ako. "Pasensya ka na, Adi. Hindi naman sinasadya--"
Umiling ako at ngumiti. "I was the one at fault po. I'm sorry po nangyari." bumaba ang tingin ko sa kasambahay na nasa sahig. "I'm sorry kung nabangga kita at nabasag ang dala mo. I'll take responsibility of it."
Lalo silang natahimik. Ramdam ko rin ang kakaibang kaba sa aking dibdib habang pinapasadahan ng tingin ang mga kasambahay na nasa akin ang tingin.
I took the chance to say my apologies about last time.
"I'm sorry for the ruckus I caused last time... hindi ko ginustong mapahamak ang sino man sa inyo. I was blinded by my own thoughts at that time that putting myself in danger will make everyone side me... but I was wrong. I was wrong all along." I said sincerely as I gave everyone earnest eye contact.
I gulped and gave Manang Delia a small smile. "But thank you for being patient with me. Thank you for not giving up on me and letting me realize all my mistakes so I can make up to all of you"
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagpasok ni Kuya Amschelle mula sa teresa. Natigilan siya sa nakita at napunta na rin sa akin ang tingin. Lumingon na ako sa kaniya at ngumiti.
"What happened here..." aniya habang papalapit sa amin. Napatingin na rin siya sa nasa sahig at bumalik ang tingin sa akin.
Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "It was my fault. Hindi ko sinasadyang mabangga siya kaya natapon at nabasag ang lalagyan. I'm sorry" 
Kumurap-kurap si Kuya Amschelle at napatingin kay Manang Delia. "Well... then, let's just clean this up"
Tumango naman ako at akmang bababa muli nang pigilan ako ni Manang Delia. 
"Kami na ang bahala. Magpalit ka na lang ng damit mo at paniguradong napaso ka rin"
Sumunod naman ako at sinamahan na rin ni Kuya Amschelle sa aking kwarto. Papasok na ako nang pigilan ako saglit ni Kuya Amschelle.
Tumaas naman ang dalawa kong kilay bilang pagtatanong. Kuya Amschelle hemmed and looked at me.
"What you did earlier..."
I smiled. "I took responsibility for my carelessness. I apologized"
Umawang ang labi niya at unti-unti na ring umukit ang ngiti sa labi. Namulsa siya at nagningning ang mga matang tumitig sa akin.
Inabot niya ang ulo ko at hinawakan iyon. "I'm proud of you, Adi"
I giggled. "It was just an apology" I pointed.
Umiling si Kuya Amschelle. "I'm impressed with Sofia. She managed to make you do this"
"But of course, it's still all on you"
Lito kong tinignan si Kuya Amschelle nang may hilaw na ngiti sa labi. What is he saying?
He sighed. "You know, apologizing was a Venganzara's kryptonite"
Napakurap ako. "Really?"
He nodded. Tumingin sa malayo at kalmadong nagsalita. "Hirap na hirap naming banggitin ang salitang 'sorry'. We're quite... prideful"
"But you said sorry to me last time..."
He smiled. "It's because you deserved it, Adi. Mali ako na paggawain ka ng bagay ng ako lang ang gumagawa. I was wrong for being a bad influence just because we both want cruelty that time"
He's pertaining to the revenge we both planned. Na magtatago ako para mapalabas na nawawala ako at mapagsisisi sila.
Tumagilid ang ulo ko at binigyan ng huling ngiti si Kuya Amschelle. "And we'll both learn from it"
Kinabukasan ay gaya nang nakasanayan ay maaga kaming nagigising ni Kuya Amschelle para mangabayo. But today was different. We're supposed to go fishing kaso dahil nga naging maulan nitong nakaraan, malakas ang alon at delikado kung lalayag kami.
Kaya naman napunta kami ngayon sa family room at kapwa may hawak na libro sa kamay. Parehas din kaming nakahiga sa magkabilang sofa at tahimik na nagbabasa ng mga napiling libro. I'm reading a book entitled "Star" that was written by Danielle Steel. 
"When can we go to Nouvaunde?" tanong ko nang mailipat ang isang pahina ng binabasa.
Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Kuya Amschelle at tinanggal ang kaniyang reading glasses.
"Do you want to?"
Wala sa sarili akong napatango.
"Then we can go now"
Natigil ako sa pagbabasa at umahon ang tingin kay Kuya. Biglang sumibol ang kakaibang kalabog ng dibdib ko.
I don't know what it wants to say. Excitement, nervousness, or fear.
Pero hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na gawin iyon. Nakita ko na lamang ang sarili na naghahanda para sa aking pag-uwi. Nasa harap kami ng mansyon at hinihintay na lamang si Kuya Amschelle na bumaba mula sa kaniyang kwarto. May kinuha lang daw saglit.
The maids are with me. Kapwa nagpapahayag ng mga panghihinayang na aalis na ako at iba naman ay nagsasabing bumisita rin ako paminsan-minsan. Kahit nga si Manang Delia ay hindi pa naiwasang yakapin ako dahil mamimiss niya raw ako.
Ngiti lamang ang binibigay ko sa kanila dahil hindi ko mawari ang mararamdaman ko. I feel nervous in a good way. Para bang may nagtutulak sa akin na kitain na ang mga taong hindi ko nakita nang ilang linggo ngunit may kaba pa ring humahalo sa akin.
Lalo na noong umaandar na ang sasakyan at palabas na kami sa lupain ng mga Venganzara. Hindi naman sana mainit para pagpaiwasan ang kamay ko. Or malamig para lamigin ako.
Pero hindi ko talaga maipagkakaila na may kakaibang kaba akong nararamdaman. Or should I say, there's something to be done first to lessen the guilt I'm feeling.
"I remembered something..."
Napalingon sa akin si Kuya Amschelle na kaninang tahimik sa kinauupuan. "What is it?" 
"You said na may nadamay... the one who got my phone and wallet... what happened to them?"
Natigilan si Kuya Amschelle. Napatitig sa akin na para bang may nasabi akong kakaiba.
Iniwas ko naman ang tingin at kinagat ang labi. "N-nakulong ba siya?" nahihiya kong sabi.
Hindi ko man 'to pinagtutuusan ng pansin, alam kong kailangan ko ring resolbahin ito. Hindi lang binubukas ni Kuya Amschelle ang usapang ito dahil ayaw niya ang naging bungad sa kaniya noong nalaman niyang may nakapulot ng mga gamit ko na sinadya kong ilaglag para nga mapalabas na... nawala ako o nadukot.
"We caused them a huge damage, Adi"
Natuyo ang lalamunan ko. Kahit na umusbong ang takot sa akin sa narinig, pinanatili ko ang katatagan para harapin ang nagawa kong kasalanan.
"You don't have to worry about it... malaki na ang compensation na binigay namin sa kanila--"
Umiling ako at kumunot ang noo. "Kuya, I just can't let it slide. I want to apologize. Can we go there first?"
Umiling si Kuya Amschelle na para bang hindi gusto ang gusto kong mangyari. "They might do something to you--"
"Hindi kakayanin ng konsensya ko, Kuya."
Kuya Amschelle sighed. Tinakpan ang mukha habang ang mga siko ay nakapatong sa bawat hitang nakabuka. I gulped and held onto his arm.
"Kuya, just let me. I needed this. Inosente ang taong nadamay ko dahil sa kagustuhan kong makaganti. Please, I don't want any leftover guilt in me"
Ilang minuto bago ko makumbinsi si Kuya Amschelle. Naiintindihan ko naman siya kung bakit ayaw niya akong dalhin doon dahil nga baka pangit ang maging bungad sa akin ng taong iyon.
Pero gusto kong sagutin lahat ng mga kasalanan ko. If I needed to beg then I will. Hindi ko alam kung ano ang nasira ko sa taong iyon.
After a two hour ride, nasa Nouvaunde na kami. Kaduluhan ng Nouvaunde at kita ko na ang paglilipat namin ng daan mula sa tinutunguhan. Pumasok kami sa isang maliit na barangay.
Maraming nagkalat na mga bata na kapwa nakatingin sa aming sasakyan. Ilang sandali ay tumigil kami sa tapat ng isang eskinita.
Lumabas si Kuya Amschelle kaya naman sumunod ako. Nilibot ko ang paningin at halos manibago sa nakikita.
It's a simple village. Ang mga bata ay nagtatakbuhan at naglalaro, ang iba nama'y kyuryosong nakatanaw sa amin.
Hindi ko na naituloy ang paglilibot ng tingin nang igiya na ako ni Kuya Amschelle papasok sa iskinita.
Ang mga tao ay nakatanaw sa amin sa bawat bahay na aming madadaanan. Nagbubulungan at mga kyuryoso sa nakikita.
Nakarating kami sa gawing dulo ng eskinita nang may bata kaming nakitang naglalaro sa lupa. Nakaharang ito sa daan.
She looked up at us and frowned. Tumayo at pinunas ang kamay sa damit. Tinignan niya pa kami nang ilang sandali bago manlaki ang mga mata. Unti-unting humakbang patalikod at mabilis na nagtatakbo papasok sa isang bahay habang sumisigaw.
"Tay! Nay! Nandito 'yung mga mayayamang arogante! Nay, sasaktan tayo!"
Umawang ang labi ko sa narinig. Para akong nanlamig sa narinig kaya napalingon ako kay Kuya Amschelle na nakaiwas ang tingin.
Anong sasaktan sila?
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang lumabas na ang bata mula sa bahay kasama ang isang matandang babae. Galit at mabilis ang lakad papunta sa amin. 
Kuya Amschelle held my shoulders and pulled me closer to him. Ako nama'y gulat sa mabilis na mga pangyayari.
Sumunod na rin ang paglabas ng isang matandang lalaki na nakawheel chair at galit ang mga mata sa amin.
Napunta ang tingin ko sa matandang babaeng galit na galit sa amin. 
"Ano bang problema niyo?! Hindi niyo ba kami titigilan?! Kayong mayayaman porket may mga pera at kapangyarihan kayo ay ang tataas na ng tingin niyo sa mga sarili niyo!" sugod nito sa amin kaya naman napahakbang ako patalikod.
Hinarangan naman ako ni Kuya Amschelle. I tried to peek out but he's blocking my view.
"Umalis na lang tayo"
Mabilis naman akong umiling kay Kuya at kumawala. "N-no, Kuya. Hindi ako aalis nang hindi ko nagagawa ang kailangan kong gawin"
"Umalis na kayo! Hindi pa ba sapat ang ginawa niyo sa asawa ko?! Sa pamilya ko?!" ang matanda na patuloy sa pagtataboy sa amin.
Matapang naman akong lumayo kay Kuya Amschelle at nilapitan ang matanda. Kahit na nagugulat sa pagsigaw nito ay matapang akong humarap rito.
"K-kayo po ba ang nakapulot ng phone at wallet--" hindi pa ako tapos ay nanigaw na naman ito.
"Umalis na kayo sinabi! Ano pa bang gusto niyong mangyari?! Palibahasa mayayaman at nakukuha lahat ng gusto?!"
Napapikit  naman ako at naramdaman ang pagkalabog ng dibdib sa kaniyang panunumbat. Pumipintig na rin ang utak ko ngunit ikinalma ko iyon at tinulak ang sarili na sabihin ang gustong sabihin.
"I-I'm here to apologize po. Ako po 'yung may-ari ng phone at wallet na napulot"
Natigilan ang matanda. I opened my eyes. She looks at me with so much mockery and anger. My lips quivered as I lower my head.
"G-gusto ko pong humingi ng tawad--"
"May magagawa ba 'yang tawad mo sa nangyari sa asawa ko?! Sira na ba ang ulo mo para ipahamak ang isang taong wala namang kinalaman sa'yo?! Ha?!"
I flinched. Akma akong magsasalita pa sana nang mapunta ang tingin ko sa matandang lalaking nakawheel chair na papalapit sa amin.
Seryosong nakatingin sa akin at hindi ko rin maiwasan ang maawa sa itsura nito. Mukhang matindi ang nangyari sa kaniya at mayroon pa itong sugat na sa noo.
"Hija, umalis ka na" anito.
I shook my head abruptly and looked at them pleading. "I want to earn my forgiveness po. I'm sorry for what I did. I'm really sorry po--"
"Umalis ka na lang! Alis na!" Ang matandang babae na sinigawan na naman ako.
Tiningala siya ng kaniyang asawa at hinawakan sa balikat. "Kumalma ka nga, Lorna. Tataas na naman 'yang presyon mo" pagpapakalma nito sa asawa.
"Paanong hindi?! Kung may ganitong mga tao sa mundo?!"
Ngumiti ang lalaking matanda sa kaniya. "Sige na, ituloy mo na ang niluluto mo. Ako na ang bahala rito. Ako naman ang pinunta ng batang ito"
Agad namang umalis ang matandang babae at masama ang tingin sa akin. Bumalik lamang ang tingin ko sa matandang lalaki nang magsalita ito.
"Umalis ka na lang, Hija. Wala ka nang magagawa pa--"
Lumapit ako rito at hinawakan ang kamay nitong kulubot na. "Please forgive me po. Hindi ko ginusto na mapunta kayo sa ganitong sitwasyon. Hindi ko po ginustong may madamay" halos nanginginig ko nang sabi sa sobrang guilty.
Seeing the old man in his condition, I extremely feel guilty. Nakabenda ang mga paa at nakawheel chair. Paniguradong hindi na makalakad. Ang mukha, may ilang galos pa akong nakita at ang malaking sugat nito sa noo ang kumukuha ng aking pansin.
Sa gitna ng pagkaseryoso, nakita ko ang pagsilip ng awa ng mata nito. "Umalis ka na lang, Hija. Nangyari na at hindi mo na--"
Hindi ko alam na magagawa ko ito at para lamang mapanagutan ang mga nagawa kong kasalanan, inalis ko na ang pagmamataas ko.
I kneeled in front of the old man. Nakahawak ang aking dalawang kamay sa aking tuhod at yumuko rito.
Mainit na rin ang mata ko at bumubuo na ng luha.
"P-patawarin niyo po ako. Kung a-ako man po ang dahilan para mapunta kayo sa ganitong sitwasyon, please, patawarin niyo po ako. I'll d-do anything po" halos pagmamakaawa ko na.
Nanginginig naman ang kamay ng matandang inabot ako at pilit na pinatayo. "Hija, tumayo ka 'dyan! Marumi ang lupa."
Umiling ako. "I beg for your forgiveness. K-kahit ano po, gagawin ko. Patawarin niyo lang po ako sa nagawa ko sa i-inyo"
He hissed and pulled me by my arm to stand me up. "Oo na, Hija. Pinapatawad na kita kaya tumayo ka na d'yan!" halos matunugan ko ang panginginig sa boses nito.
Dahan-dahan naman akong tumayo at pinunasan ang luhang nasa pisngi ko. Bumuntong-hininga ang matanda at nailing sa akin.
"Hindi mo na kasalanan kung bakit nasa ganito akong kondisyon, Hija."
"I-it was my fault po--"
"Ikaw ba ang sumuntok at bumugbog sa akin?"
Natigilan ako at napatingin sa matanda.
Umiling ito. "Ama mo siguro iyon."
Umawang ang labi ko sa gulat. Dad did what?
"Pero naintindihan ko ang ama mo. Ipinaliwanag na rin naman niya na mali sila ng hinala."
Halos hindi ako makaimik habang sinasabi ng matanda ang nangyari sa kaniya. 
"Napulot ko ang isang cellphone at wallet doon sa gilid ng aming tindahan. Mahirap lang kami at hindi namin alam gamitin. Kinabukasan dapat namin dadalhin iyon sa pulisya ngunit nagulat na lamang kami noong hatinggabi ay may sumugod sa amin at ginulo kami. Pati ang bahay namin, sinira sa sobrang galit ng ama mo. Ilabas daw namin ang anak niya kahit hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niya"
Mapait na natawa ang matanda. "Hindi ko inaasahan na ang pagmamalasakit pala sa kapwa ang magdadala sa akin sa ganitong sitwasyon"
Suminghot ako at yumuko. What I did is so controversial and traumatic. Why didn't I realize that this could turn into something monstrous? Nasira ko ang buhay ng isang tao dahil sa kagustuhang makaganti sa nanakit sa akin. Nasira ko ang buhay ng isang inosenteng tao.
"I-im so... so sorry po" I pleaded.
Bumuntong-hininga muli ang matanda. "Hindi mo na kailangang humingi ng tawad, Hija. Nagawa na 'yan ng magulang mo na nanakit sa akin at sa aking pamilya." Hinawakan niya ang wheel chair na inuupuan. "Bigay 'to ng magulang mo" tinuro niya ang bahay nilang ginagawa. "Pinagawa nila ang bahay" tsaka siya tumingin ulit sa akin. "Binigyan pa nila kami ng pangkabuhayan at mga gamit sa bahay. Sapat na ang isang paghingi mo ng tawad para makabawi nagawa mong kasalanan, Hija"
"Thank you po for forgiving me... I'll surely reflect on this" mahina kong sabi.
Hindi ko inasahang ngingiti ang matanda. "Ang kapahamakan, iniiwasan 'yan, hindi nilalapitan. Kaya hija, kung ano mang ang iniisip mong magandang magagawa ng pagpapahamak mo sa sarili mo, 'wag mong asahang aayon 'yon sa iniisip mo. Ang peligro ay peligro. Walang magandang magagawa iyon"

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters