logo text

PRINCE LARRY E. ALFANTA PART 3

Iyon ang nakapagpatigil kay Tito Simon. Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.
Hindi ko na siya napigilan sa pagwawala. Alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit nangyari 'to. Isa rin siya sa may pagsisisi.
We don't want to conclude. There's a possibility that she hides but can also be... an abduction.
Ayokong isipin iyon dahil lalo akong mawawala sa katinuan. Sobrang bigat na lahat ng pangyayari. Para akong sinisilaban ng apoy ngunit wala akong ibang pagpipilian kun'di ang mamatay o ang masunog nang buhay.
Ang pagkawala ni Adi ang hindi nagpatahimik sa aming pamilya. Lalo na kaming mga kaibigan niya. Everyone's completely worried. Hindi na rin mapigilan ang pag-iyak ng iba lalo na ng mga kababaihan.
But someone's devastation took my attention.
Si Tita Karina. 
Adi's mother.
She's wailing all the time. Ilang beses din siyang hinimatay at sinugod sa ospital tuwing malalamang hindi pa natatagpuan si Adi.
"I-Ilabas niyo na si A-adi! A-anak ko... h-hanapin niyo siya! S-simon, si A-adi!" 
Para kong nakikita si Mama kung sakali mang may mangyari sa aming masama. Sobrang sakit na para bang hindi iyon malulunasan. It hurts more than physical damage.
Kasi ang puso at isip ko ang sinisiri. Imposible nang mag-isip nang maayos at tama.
Lunod na lunod na ako sa konsensya ko. Tama pa ba na narito ako ngayon at nagdudusa lamang sa pagkawala niya? I deserve hell for letting this happen.
I was hopeless. I can't think straight. Hindi ko na talaga makapa ang katinuan sa sarili.
At dumoble pa iyon sa bagong impormasyong nalaman.
Adi's phone was detected in the northern part of Nouveaunde. Palabas na ng Nouvaunde.
Iyon ang lalong nagpagimbal sa maaaring nangyari sa kaniya.
Sumama ako kina Tito Simon sa pagpunta roon. Hindi pa rin nawawala ang pagkabilasa ko. Hindi na rin ako makatulog at makakain ng maayos.
Wala akong karapatan para gawin pa iyon. Adi is nowhere to found and I can't and will never be okay about it.
Pagkarating na pagkarating doon, hindi ko na napigilan si Tito Simon na sumugod sa mga kabahayan roon. Pagkatunton sa nag-i-isang bahay sa dulong bahagi ng eskenita ay walang pagdadalawang isip na nanggulo si Tito Simon doon.
May nakita kaming isang matandang lalaki na hawak ang pamilyar na wallet at phone ni Adi. Kumalabog ang dibdib ko sa maaaring nangyari sa kaniya ngunit bago pa namin makausap ang matanda ay walang awang sinuntok ni Tito Simon ang matanda.
Hindi ko rin ito magawang pigilan dahil sobrang galit na talaga nito.
"Nasaan ang anak ko?!"
Awang-awa ako sa kalagayan ng matanda. Halos maghingalo na sa pagmamakaawa dahil binubugbog na talaga siya ni Tito Simon.
May dumating na matandang babae na sa tingin ko'y asawa nito. Napasigaw ito sa nakikita at pinagmumura na si Tito. Hinatak ko naman agad si Tito at pinigilan ang sumugod pa.
"Putangina niyo! Magsilayas kayo!"
Itinatanggi nila ang paratang ni Tito na nasa kanila si Adi. Hindi ko rin talaga ito nakita at ang mga posibilidad na maaaring ginawa ng matanda kay Adi ay hindi ko magawang tanggapin.
I don't want to think that she was killed... pero iyon ang nagiging konklusyon nila Tito Simon. There's a possibility of rape, too because her things are there. 
I can't keep up with everything. It's too much. Kahit walang kasiguraduhan sa mga lumalabas na nangyari kay Adi, wala na akong maisip na matino. I can't think of something good. 
Naghahanda ng kaso sila Tito Simon laban sa matanda. Ganoon na rin ang patuloy na paghahanap kay Adi dahil wala pa ngang pruweba na nakita na ito.
Kagustuhan mang tumulong ng lahat, may mga klase pa rin kaming hinahabol.
Nagpaexcuse ako. Hindi ako makakapag-aral nang maayos habang nasa sitwasyong hindi namin alam si Adi. She's still nowhere to found. Ayaw kong mawalan ng pag-asa pero wala na akong positibong maisip dahil sa mga resulta ng nangyayari.
Nakausap ko si Alliyah tungkol dito. She was as devastated as me. Sinisisi rin niya ang sarili niya dahil siya ang nagtulak kay Adi na umalis.
And to respect what happened, I cut off my connection with her.
Hindi kaya ng konsensya ko ang makitang nananatili si Alliyah sa poder ko pagkatapos ng mangyari kay Adi.
Pagod na akong maging mabuting kaibigan. Naabuso lang ako.
For the first and last time, I begged my friend to take responsibility of Alliyah. Si Jerome din pala ang ama ng dinadala niya.
I don't know if I'll see Alliyah the same way again. Ang sabi niya, ayaw siyang panagutan ng nakabuntis sa kaniya pero hindi naman talaga alam ni Jerome na nabuntis niya si Alliyah.
She broke my trust and I can't accept any of her apologies. Kung ganito ang dadanasin ko, kahit na kaibigan ko siya, hindi ko siya magagawang tanggapin pa.
Dumadaan naman sana ako sa mga pagsubok sa buhay pero bakit binagsak sa akin lahat-lahat?
Dapat na masaya na ako na natagpuan na si Mama. Naibalik na siya sa amin ngunit ang malaman ang dinanas niya sa buong limang taong nawawala siya ay nakakadurog ng puso.
Gumugulo sa aking isipan na paano kung ganoon din ang mangyari kay Adi?
Tangina, ano bang kasalanan ang nagawa ko para magdusa nang ganito?
"Ma..." Yakap ko kay Mama noong gabing pasukin niya ako sa kwarto ko.
Umiyak lang ako nang umiyak kay Mama. This... I've been longing for this hug. Her unspoken love and care... Sobrang tagal ko nitong hinahanap.
Sobrang dami kong sinakripisyo para kay Mama. Kahit ang mapahamak ang taong pinakamamahal ko.
"Nandito ako, anak. Malalagpasan mo lahat ng pinagdadaanan mo. N-nandito na si Mama..." Pagpapagaan ng loob sa'kin ni Mama.
I cried all my frustrations to her. Hindi ko iyon magawa nitong mga nakaraan dahil pakiramdam ko'y mali na magpahinga ako. Mali na maging mahina ako dahil wala akonh karapatan.
But being with my mom, I feel like a baby. Bare and afraid but the moment I felt my mother's presence, I cried an endless river. Nailabas ko lahat ng nakadagan sa dibdib ko. Hindi lang sa mga nangyayari sa kasulukuyan pati na rin ang pangungulila ko sa kaniya.
"Never lose hope, anak. Lagi mong tatandaan na may pag-asa ang lahat. Mahahanap si Adi, anak. Just think that she'll be found. She'll be found. I promise you that"
Minsan talaga, kailangan lang ng isang yakap para mapagaan ang loob ng isang tao.
Kung mas maganda, isang yakap ng isang ina. Ilang taon kong hinanap iyong init ng yakap na iyon.
At panahong kailangang-kailangan ko iyon, doon talaga ibinigay sa akin iyon.
Walang tigil ang mga Riguella lalo na ang mga Alfanta sa operasyon ng paghahanap kay Adi. Nawawalan man ng pag-asa ang iba, kumapit ako sa pangako ni Mama.
Mahahanap si Adi.
Pero wala naman yata kaming hinahanap dahil siya mismo itong nagtatago.
Dumating ang isang pinsan ni Adi sa mother side. Isang Venganzara.
Noong una ay natataka ako kung bakit alangan pa sa pagpapaalam sina Tito Simon sa nangyari kay Adi sa kaniya.
But seeing how he reacts violently, hindi na ako nagtaka.
Inamin niya na tinulungan niyang itago si Adi. He wants to avenge for her, too. He found her crying miserably on the streets. Iyon 'yung araw na nasa condo ko kami.
"S-she's crying so much! Halos mahimatay siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya! I would never want her to experience that!"
Hindi alam ni Kuya Amschelle na may iba pang ginawa si Adi pwera sa pagtatago lamang. Adi staged an abduction that's why she left her things when they did a stop over at the northest of Nouvaunde.
"Gusto niyang magdusa ang mata taong nanakit sa kaniya. I want that too but not to the point that it'll ruin an innocent man's life" matigas na sabi ni Kuya Amschelle.
She wants me to suffer because she's the one I loved. She wants me to be miserable because I'm the one she loved.
I'll gladly bleed if that'll make it right. If that will bring her the peace that she deserves.
I didn't know that loving someone this much could have a consequence. I didn't know how love could be so devastating.
But I still wanted to continue. Even if it hurts thousands of thorns, I'll still admire its beauty.
After not seeing her for almost 3 weeks, she stood there in front of us.
I saw how she looks at me with so much hatred but there's still love. The last piece of hope is that she wants to be understood and loved.
But how can I give her that if she keeps on leaving?
Lumalayo siya lagi. Nagtatago, umiiwas sa mga pangako.
We've been so much already. I just want peace and protection. I want our love and happiness.
Isn't that too much to ask?
"She's back. She's finally back" Paige informed us when we all gathered in the café.
The girls hugged each other as they cry their worries out and frustrations. Sila itong isa sa mga hindi naghihiwa-hiwalay simula noong nangyari.
Kahit noong una naming nalaman na nawawala si Adi, hindi sila lumalabas nang hindi kasama ang kahit isa sa mga lalaki. Kahit naman ngayon ay ganoon pa rin. We got traumatized.
My heart warms to know about Adi's current condition. She's doing well in making up for herself. She's attending therapy sessions and I feel the happiest to know how she's been to herself.
I'm happy to know how she's slowly forgiving herself for all the things she has done.
Ang malaman lang na wala na siyang pinagdaraanan ay nawala na lahat ng pangamba ko. Siya lang naman itong iniisip ko dahil wala akong kasiguraduhan sa pinagdaraanan niya.
She doesn't deserve to suffer just because she loved me. I don't want her that.
At kung pagbibigyan man, gusto kong mahalin siya sa paraang hindi siya kailanman mangangamba.
It's like hitting two birds with one stone. Fulfilling two promises in one shot.
Ang pangako ko at ang pangako ni Lomi.
Simula noong makita ko ang kakaibang ngiti ni Lomi kay Leticia, doon ko na binitawan ang sarili ko na mahulog nang tulungan kay Adi.
I know how Lomi loves. And with that look with Leticia, I know he's in love.
At he confirmed it himself that Christmas Eve.
"Be honest with me, Kuya"
"Mahal mo na ba si Adi?"
Napatitig ako sa kapatid. He looks calm despite the person we're talking. Madalas kasi kapag si Adi ang usapan, masama agad ang loob niya lalo na kapag nakikita niyang gusto na talaga ako ni Adi.
But tonight's different. He looks fine with it.
Hindi rin naman ako nagsisingulanging sa kapatid at sa pagtatanong niya, parang may gusto lang siyang siguraduhin.
"I love her, Lomi" kalmado ko ring balik sa kapatid.
Ngumiti si Lomi at bumuntong-hininga.
"Hindi naman na ako umasa pa sa amin ni Adi. Hindi niya ako tinitignan tulad ng pagtingin ko sa kaniya. Isa lang akong kaibigan" He chuckled bitterly.
I remained silent. Hinayaan kong maglabas ng saloobin ang kapatid.
"But I'm contented with the friendship I have with her. Sa ibang tao ko siguro talaga mararamdaman ang pagmamahal na hindi ko inaasahan"
Wala sa sarili akong napangiti sa kapatid. He's growing up so fast and now, he's already in love.
"Mahalin mo lang nang mahalin si Adi. Huwag mong sasaktan. Nagpaubaya ako para sa inyo" pagbibiro niya sa huling sinabi na ikinangisi ko.
"Pangako mo ba 'yan? Pangako ko rin 'yan eh" natutuwa kong sabi.
Lomi nodded, determined. "Ipakita mo lang sa akin kung gaano mo siya kamahal at kung paano mo siya mamahalin. Ayokong makakita ng pag-asa kay Adi para sa aming dalawa, Kuya. Ipakita mo lang na kayong dalawa talaga ang para sa isa't isa."
Makapal na siguro talaga ang mukha ko kung gusto ko pang mapasaakin si Adi. Wala na nga siguro akong hiya kung pababalikin ko pa siya sa akin.
Pero may pagpipilian pa ba ako kung parehas naman naming gusto iyon?
"You've gone too much already, Larry. Masyado na kayong nagkasakitang dalawa. It's time to free yourselves from those chains. Hindi pwedeng habang-buhay kayong magkakasakitan." Si Euna na naluluha na noong magsipunta silang mga babae sa amin.
Paige has been informing us about Adi. We're all waiting for her, actually. Siya ang nagiging source of information namin kay Adi simula noong umuwi na siya. At sa mga kwento ni Paige, masaya at nagiging maayos na si Adi.
That's what I wanted her to be. She doesn't deserve that misery she went through with me.
"Hindi ko kayo hahadlangan ni Adi kung gusto niyong bumalik sa isa't isa. After all, kayong dalawa lang din naman ang naghahanapan sa isa't isa. I want my sister to have all the happiness that she deserves. And fortunately, ikaw lang ang makapagbibigay no'n, Larry" si Paige.
Sino pa ba ako para tumanggi sa daang ibinibigay sa aming dalawa? Gustong-gusto kong makabawi sa lahat-lahat kay Adi. Gustong-gusto ko na siyang mahalin nang walang isinasaalang-alang na sariling kasiyahan.
"Come on! So what if we sin?"
My baby is back on herself when she's this naughty. It's not Adi if she's not naughty.
Madalas akong magpigil dahil madalas niya rin akong akitin. Sa pasimple lang niyang hawak sa akin, umiinit agad ang buong sistema ko. Her effect on me is a big deal. Every contact we make will surely lead us so something... sinful.
Lalo na ngayong nakabikini lang siya. Hell, I can't even look at her earlier without being hard!
Tapos ngayon ay magkasama pa kami sa iisang kwarto. Sinusubok talaga ako ng Panginoon.
"So you want us to have sex in the bathroom kaya gusto mong sabay tayong maligo?" I drawled as I keep my gaze on her. I stood off the bed and walked towards her.
Her naughty smile became wicked. That's when I knew she really wants it.
Walang hiya niyang hinagod ang aking katawan. I'm topless and seeing her feast on me on her pretty little head turns me on more.
If we ever do something sinful, it's not just me, Lord. It's the girl in front of me, too.
"Well, kanina mo pa ako tinitigan. Our kiss earlier is not enough" malambing niyang turan at dumapo ang kamay sa aking dibdib.
Umangat ang kilay ko. "Not enough? Leaving you breathless is not enough, Adhara Kate?" Puno ng panunuya kong sabi.
She pouted and hell, I found it sexy! When did she become like this?
"I want more." She whined. "I want more than a kiss. I want your heart and love inside me..." Her lovely voice sounds too sensual.
Hindi na ako nakapagpigil at tinulak ang pinto ng banyo. I pushed her in and locked the door behind. Her grin signifies her lust and love with me.
"How can I not sin with you? You're Satan itself..." Bulong ko bago siya buhatin at dalhin sa shower.
Adhara Kate Riguella. The one who makes me crave something more than what I know about love. She makes me crave something hot, sinful, and addicting. Just like what our newly found love when we like something new.
"Roses are tempting. Its thorns get overlooked by fools" Her voice lingered in my head.
That's right. I'm that fool because she's the beauty.
I looked into her eyes where I instantly found her burning soul. My eyes burned with it.
"I don't mind being the fool. I don't mind being pricked by your thorns, Adi. I'll bleed if I want to bleed"
She's tempting... I'm tempted. Sumugal ako noong una sa kaniya, susugal ulit ako.
Siya lang talaga. Kung hindi man pagbigyan, siya pa rin ang mamahalin ko sa malayo.
If living in shadows is the only way to be with her then I'll gladly follow her there.
If being pricked by thorns is the only way to love her then I'll bleed until she lets me get through.
If she's the beauty in this life full of thorns, every pain, every agony, every sin is worth feeling. Every suffering with her is worth it.

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters