Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 49
"Nagmaleta na ako. I brought my whole closet eh" pagbibiro ko sa mga kasama nang mga early bird kila Art.
Kami nila Alliana, Ayessa, at Leticia ang narito na ngayon kila Art dahil dito nagpasyang magsama-sama para isang sakayan na lamang sa van.
Ngayon na kami aalis for our summer vacation. Mabuti nga at wala nang naging sagabal sa aming mga schedule at lahat naman ay wala nang ibang gagawin. Si Kuya Gab nga ay nagleave for 1 week sa trabaho niya.
Hindi naman na pahirapan sa kaniya iyon dahil sa kumpanya lang din naman siya ng magulang niya.
I have a plastic container with me containing the fresh strawberries I received almost 3 days ago. Mabuti nga at hindi nasira sa ref eh. Nakacontainer din kasi siya lalo na't nilipat ko roon para maitabi.
I took one strawberry and bite it. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kanina pang kyuryosong titig ng tatlo kong kasama sa akin.
"Ang aga ng prutas mo ah" bati ni Leticia at nanghingi na rin. Sumunod na rin si Ayessa.
I grinned. "Favorite eh"
Pero ang totoo, sa bawat kagat o kain ko ng strawberry, I remember him. And just by that thought, my heart is already full and content.
Para bang kahit wala ang presensya niya, humahagod sa aking puso ang kaniyang pagmamahal. Kahit hindi ko kasama, ramdam na ramdam ko siya.
Hindi ko pa ulit siya nakikita. After kong mapanood iyong video, hindi ko pinilit ang sarili ko na kitain agad siya.
I feel like... I just needed to wait. Magkikita at magkikita kami kaya hindi ko kailangan pang magmadali. I'll go with how my life take me to.
Kasi tutungo rin ako sa kaniya. I can feel the heavens singing it to me.
Bumukas bigla ang pinto at iniluwa noon si Art. Nasira naman agad ang aming pustura nang agad itong magtungo kay Alliana na nakaupo sa egg chair at sinalakayan ito. Muntik pa silang magkalabog kung hindi lang naitukod ni Art ang paa sa sahig.
"Oh, please. 'Wag kayong magsex dito" biro kong pairap at nanunuyang tinignan ang dalawang conservative na magnobyo na agad akong sinamaan ng tingin.
Leticia grinned as she and Ayessa leaned against each other.
"Kasal nga muna, Adi. Dapat virgin silang dalawa bago magkasal" panunuya ni Ayessa.
Sumimangot si Art at akala mo'y batang nameywang sa harap ng dalawa. "Gano'n ang tama! Ang pagtatalik ay para lamang sa mag-asawa. Sa mga mag-girlfriend-boyfriend pa lang, kiss lang or dila!"
Sumabog ang halakhakan naming tatlo. Si Alliana naman ay napasapo na lamang ng noo at tumayo para itulak na paalis si Art.
"Ano bang dinidilaan mo, Art?!" Pahabol na pang-a-asar ni Leticia bago tuluyang mawala ang dalawa sa pagpasok sa loob ng bahay.
"Makakaya kaya ng dalawa 'yon? After kasal pa nila gagawin 'yon?" Namumula at natatawang tukoy ni Ayessa.
I nodded surely. "Malakas ang paninindigan nila. They're faithfull to their promises. Tsaka, nangako rin sila sa mga magulang nila"
Napatango-tango si Ayessa at nangalumbaba sa kaniyang hita. "Sabagay. Ganoon din kasi sila Tita Lalaine at Tito Brent, eh"
Nakangising sumingit si Leticia. "Eh ikaw? Kasinungalingan kung gagaya kayo ni Shan na after kasal..." Tsaka tumingin sa akin si Leticia na akala mo'y nag-a-ayang asarin si Ayessa. "'Di ba, Adi?"
I nodded eagerly as we tease Ayessa. Mabilis na napamulahan si Ayessa at sinimangutan kami.
"E-ewan ko! Hindi pa naman namin ginagawa..." Aniya na ikinatawa ko at madramang nang-a-asar na napatakip ako ng bibig.
"You haven't? Totoo? Nakakapagduda... it's you and Kuya Shan we're talking about here!"
Sinang-ayunan ako ni Leticia at lalo naming pinranka si Ayessa. At sa huling, nahihiya man ay napapangisi na ring umamin si Ayessa.
"Hindi naman natuloy! Ano lang... hawak lang..."
Lalo kaming naghalakhakan ni Leticia at inasar si Ayessa. Sabi na't imposible na gagaya sila kina Alliana eh! Ayessa is quite naughty, too and Kuya Shan, hindi na lang ako magsasalita.
Unti-unti nang nagsidating ang karamihan. Sina Euna at Crane ang unang dumating kasama si Ashy at Annie, ganoon na rin sa pamilyar na babaeng nakita ko noon sa pasalamat ko.
"She's Aila, mga ate!" Pakilala sa amin ni Annie sa babaeng nagtatago sa gilid ni Ashy.
Sinilip namin siya at ngumiti. Binati na rin namin at mainit na tinanggap.
Mahiyain ito. Kay Ashy nakipagbulungan. Nakita ko naman kung paano masinsinan at kalmadong kinausap ni Ashy si Aila at dahan-dahang iginiya sa harap namin.
"H-hello..." Bati niya at kagat-labing nilingon si Ashy na tinanguan lang siya.
Aila's pretty. Her cute apple-cut hair makes her look innocent more than she already look like. Halos may hawig pa nga siya kay Mama Mary! She's milky white and the same height as the two. Agaw pansin din ang kaniyang matangos na maliit na ilong.
Si Leticia agad ang nakipagkilala sa kaniya lalo na't siya itong madaling makipagkilala sa ibang tao. "Ang ganda mo naman! Mukha kayong triplets nila Annie!"
Eleganteng natawa si Euna na iniwan na si Crane sa kanilang mga gamit at lumapit sa amin. "'Di ba? Para silang powerpuff girls noh?" Nakangiti niyang sabi at tumabi sa akin.
Agad kaming sumang-ayon at saktong lumabas din ng bahay si Alliana kasama si Art na tumulong na magpasok ng mga gamit namin sa kanilang van.
Nakita ko ang pagkatigil ni Alliana at ang pagtatanong sa kaniyang mukha. I smiled and introduced Aila to her.
"She's Aila. Annie and Ashy's friend. They're the powerpuff girls na"
"Hala, ang cute din pala ng pangalan nila! Lahat sila "A"!" Pansin ni Leticia na ikinamangha na rin namin.
Annie smiled cheekily. "Sabi ko nga sa kanilang dalawa eh kaso si Ashy, sabi masyado raw pangbata!"
Ngumiwi si Ashery habang nakahalukipkip. "Bakit kasi si Buttercup bibigay mo sa'kin?"
Annie giggled. "Siya kasi bagay sa'yo! I'm Blossom, Aila's Bubbles, and you're Buttercup!"
Patuloy sila sa cute nilang pagtatalo. Nakangiting nagsusulyapan din kaming magkakaibigan sa nasa harap namin.
They're almost 15 pero they look just like us! Akala mo'y kaedaran nila kami sa kanilang tindig, tangkad, at itsura! Pero syempre, mas baby pa rin sila.
Nakukumpleto na rin kami. Dumating na si Paige na iniwan ko kanina sa bahay. Tulog pa kasi siya at ayaw gumising! Kaya tinawag ko na lang si Clane para gisingin siya.
But hell, I made the wrong decision. Natulog pa yata silang dalawa!
Dumating sina Kuya Gab at Hyacinth. Nakita ko agad ang paghahanap ni Kuya Gab at nang mapunta ang tingin sa powerpuff girls na nakaupo sa garden bench na bakuran nila Art ay agad itong tumungo sa kanila.
Yumuko ito kay Aila at bahagya silang nag-usap. Napangiti naman ako nang makita ang pagtawa ng tatlong mga babae. Aila's smile is so sweet!
"Ugh, inaantok pa ako"
Napabaling naman ako sa kapatid kong pumunta sa harap ko at nakapikit na nag-inat. She looks like she just woke up from a deep slumber but her lips says otherwise.
"Your lips are swollen, Paige. Inaantok ka d'yan" irap ko sa kapatid at tinawanan siya.
Mabilis pa siyang napahawak sa labi na akala mo'y nahuli ko siya sa isang krimen.
Dahil ang mga lalaki na ang nag-a-ayos ng mga gamit namin sa van ay pinalibutan na lang naming mga babae ang tatlong nakahiwalay sa aming mga nakababatang kaibigan at pinsan. We girls are already complete at sa mga lalaki ay sina Lomi na lamang ang hinihintay.
Hindi ko rin maiwasan ang sarili na sumulyap oras-oras sa gate nila Art kung sakaling may dadating ba.
I'm expecting him to come. I hope he received my telepathic message to him that I'm also in need of his presence.
"Adi! Kunin natin 'yung binili natin na inflatable sa kwarto ko!" Si Art na agad akong hinatak paalis sa mga babae.
"Tatlo 'yon, 'di ba? Ang bibigat no'n ah!" Natatawa kong reklamo kay Art noong makapasok kami sa bahay nila.
Nginisihan niya ako. "Ikaw rin naman gagamit ng isa ro'n!"
Ngumuso lamang ako at nang makarating sa kaniyang kwarto sy nasa ilalim ng kaniyang study table ang tatlong box ng inflatable swan, unicorn, ar giraffe na aming binili noong nagmall kami. Para na rin may nagagamit kami kapag nasa pool lang kami sa amin.
"Ugh, bakit sa akin ka pa nagpatulong!" Reklamo ko habang maingat na humahakbang pababa ng hagdan dala-dala ang isa sa tatlong box na kinuha namin.
Tinawan lamang ako ni Art na walang kahirap-hirap na hawak ang dalawang box sa bawat handle na mayroon ito. "Inutusan lang ako ni Clane. Ang dami naman kasi ng mga gamit niyong mga babae! Akala mo mangingibang bansa"
I grinned. Mas okay na 'yung may pasobrang dala! Paano kung may plano pa pala kaming lumayo-layo at magtagal? E 'di hindi kami ready!
Nang makalabas kami ay mga nagsisipasok na sila sa van. Nakita ko pa si Lomi sa unang linya ng van kaya naman malaki ang naging kumpyansa kong kasama nga si Larry.
Dinala naman na namin ni Art ang aming mga buhat sa likod ng van kung saan si Crane at Kuya Gab na lamang ang naroon at mukhang hinihintay na lamang ang aming dala. Nang maisara na ang likod ay tutungo na rin sana ako sa loob ng van nang makita ang naiwang maleta sa kaninang bench na inuupuan namin.
Napakunot ang noo ko nang makitang maleta ko pala iyon!
Nilingon ko ang mga nasa van na at nakitang puno na rin sila. Lalong nagsalubong ang kilay ko nang makita silang ngumisi sa akin at nang lumapit ako ay agad nila akong hinarangan.
"Puno na po! Sa ibang sasakyan na lang po kayo!" Si Leticia na nakangisi na.
Lalo akong naguluhan sa kanilang inaakto. "What do you mean? Bakit hindi ako kasama!" Akma akong papasok ng van nang bigyan nila ako ng kakaibang tingin.
Narinig ko pa ang pagbukas ng gate ngunit hindi ko na iyon nabigyang pansin dahil nakatuon ang aking atensyon sa mga weirdo kong mga kaibigan na mga mukhang tangang nagpipigil ng mga ngisi at lumalaki-laki pa ang mata na akala mo'y may kakaiba sa paligid.
"Look behind..." malamyos at mapang-asar na sabi ni Paige na sanhi ng paglingon ko sa aking likod.
Halos mahigitan ako ng hininga sa nakita. My heart immediately boomed and my throat went dry, making me feel suffocated in a pleasing way.
Pakiramdam ko, tumigil bigla ang mundo ko ganoon na rin ang aking buong sistema.
Holding my suitcase while my eyes were on me, I immediately felt how our world collides and formed a new one.
Halos hindi ko rin mapigilan ang pag-i-init ng mata nang bigyan niya ako ng kalmado niyang ngiti habang papalapit sa akin.
I heard the door of the van closed, making me look in front again. Bumaba ang bintana at sinilip kami ni Clane na malaki ang ngisi at nawawala na ang mga mata.
"Oh, buti pala ay may extra tayong sasakyan! Ikaw, Lars ah. Hilig humiwalay?" Panunuyo nito at malanding humalakhak. Clane then grinned at me. "We always got your back, kapatid. Bahala na kayo sa buhay niyo"
The van started to maneuver out. Hindi ko rin alam ang sasabihin lalo na't sinundan ko lang sila ng tingin at naalis lang noong may maramdaman akong kasama nga pala ako.
"Ito lang ba ang gamit mo?" Si Larry na tumabi sa akin.
Napatingin ako sa kaniya at ngayong ganito na kami kalapit sa isa't isa, para akong nalulusaw sa lalim ng titig niya. Ang pamilyar na kislap ng kaniyang mga mata kasama ang kalmado niyang ngiti sa labi ang lagi nagpapaalon sa aking tiyan.
Napatikhim naman ako nang mapagtanong hindi ko siya nasagot agad at nahihiyang tumango. I bit my lips and looked at him again. "Y-yeah. 'Yan na lahat" tsaka ako ngumiti.
Tumango naman siya at tumuro na sa kaniyang sasakyan. "Sunod na tayo sa kanila?" Aniya na ikinatango ko lamang at nagsimulang maglakad.
Noong dumaan kami parehas sa gate, naramdaman ko pa ang pag-alalay ng kaniyang kamay sa aking likod at pinauna ako sa paglalakad. I blushed.
He went to the trunk of the car and opened it. Nilagay niya doon ang aking maleta at nang maisara ay napatingin sa akin. Pinagmasdan ko lamang siyang makarating sa harapan ko at pagbuksan ako ng pintuan.
Napakurap ako at namula nang mapagtantong hinihintay ko pala siya!
Hindi naman na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumasok na lamang sa binukas niyang pinto. Nang makapasok na ako nang maayos at isinara na niya iyon tsaka pumasok na rin sa driver's seat.
Halos yakapin ko ang aking dalang tote bag kung saan naroon ang nakalalagyan kong mga strawberries. Nagpipigil din ako ng ngiti dahil ramdam na ramdam ko ang kagustuhang kumawala ng puso ko.
He's here. I'm with him. We're together in the same car. Just the two of us.
"Are you okay here?" Bigla siyang nagsalita noong buhayin na niya ang sasakyan.
Halos mabali pa ang leeg ko sa bilis ng paglingon ko sa kaniya. I nodded abruptly and gave him a warm smile.
"Oo naman. I'm okay here" with you.
He nodded and manuevers the car. Hanggang sa makalabas na kami ng village ay nanatili kaming walang imik.
The silence that took over us is a comfortable one. Ang tanging kakaiba ko lamang na nararamdaman ay ang pagwawala ng aking dibdib lalo na kapag nahuhuli ang mga pagsulyap sa akin ni Larry.
Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng boses at hindi magawang makipag-usap sa kaniya. Para bang kinuha na ng puso ko ang boses ko at siya na mismo ang nag-i-ingay para sa akin.
Pasimple ko namang inilabas ang isang container ng strawberries para makain. I saw how he glanced at it and immediately, a smile stretched on his lips; smiling handsomely just like the way he is.
"Natanggap mo pala..." He spoke, making me stop picking from the container.
"The strawberries? Oo..." Ngumiti ako at bumaba ang tingin sa aking hawak. "Natanggap ko"
He hummed, almost smiling with the way it sounds. "Your favorite."
I looked at him straight. Tumango ako at hinintay na salubungin niya ang aking tingin.
At hindi naman ako nabigo dahil agad niya iyong tinapatan ng kaniyang nangniningning na mga mata. I can almost see myself in his eyes.
"I think we need to fix something, Larry" halos pabulong kong sabi at hindi na mapigilan ang sarili na sabihin ang gustong sabihin.
He smiled. "I think so, too"
The way he knew what I'm thinking is just something that I can never explain. Like, it's vague with a reason. He knows what I wanted every time and he knows what to do about it every time.
"How have you been, Larry?" I asked just the moment he gave me that smile of his.
Napunta na ang tingin niya daan at bahagyang natawa. Napayuko at huminga nang malalim. "I can't lie and I don't want to lie. Ayokong maging kawawa pero gusto kong magpakatotoo."
"Hindi ako ayos, Adi"
With those simple words of his, my heart cried in pain. Na para bang ang malaman lang na iyon ang nararamdaman niya ay para ko rin naramdaman ang sarili ko.
"Ang hirap pala magpanggap. Ang hirap pala ipakita na ayos lang ang lahat kahit hindi talaga."
I suddenly remembered how I turn the good into bad. Iyong maayos na ginulo ko dahil sa kagustuhang mapunan ang naging galit at hinanakit ko sa lahat.
At isa sa damay at tinulak ko pailalim ay si Larry.
"Ang hirap nang maging maayos lagi. Iyong ipakitang wala kang paghihirap at kahinaan dahil ikaw 'yung dapat na wala noon. Ang dapat na laging matatag at aasahan"
He sucked his teeth and chuckled bitterly. Umigting ang panga at nakita ko pa ang pagpatak kusa ng kaniyang luha na mabilis niyang pinunasan.
"Hindi ko alam kung gagawin ko na lang ba ang natitirang pag-asa ko. Isasaalang-alang ko ang sarili ko para lang mapabuti ang iba. Para lang matugunan ang gustong mangyari ng taong... minahal ko nang sobra sa inaasahan"
Nanlalabo na ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Iniwas ko iyon at hindi kinaya ang sumusugat na sakit sankaniyang tinig.
We're getting emotional kaya hindi na ako nagtaka nang igilid muna ni Larry ang sasakyan sa gilid kalsada. Malayo na kami sa kabayanan. Napapaligiran na kami ng mga kabukiran dahil kami'y malapit nang lumabas ng Nouveaunde.
Tahimik ko lang na pinupunasan ang mga luha ko. Si Larry naman ay kita ko sa gilid ng aking mata na tahimik na kinakalma ang sarili at humihinga nang malalim.
"Tinanggap ko lahat ng galit at hinanakit sa mga taong nasa paligid ko. Tinanggap ko lahat dahil... hindi naman nila isusumbat iyon kung hindi naman para sa akin. Tinanggap ko kahit sobrang bibigat na ng nangyayari"
"Hindi ko na nilaban ang sarili ko dahil kung gagawin ko iyon, pinapalabas ko lamang na wala silang karapatan na sisihin ako sa bagay ng may kasalanan ako"
"I-I wanted you to suffer..." Nanginginig kong amin sa kaniya habang sapo-sapo ang mukha.
"Tinanggap ko iyon dahil may karapatan kang hilingin iyon, Adi. Hindi mo kasalanan na gustuhin mo iyon dahil kahit na bawiin mo iyon, gagawin ko pa rin iyon para sa'yo. Hindi ko hahayaang mag-isa ka sa nangyari. Hindi ko hahayaang ikaw lang ang nagdusa sa nangyari"
"Hindi kita hahayaang mag-isa sa mga pagsubok mo"
Napayuko ako at hindi na mapigilan ang sarili na mapahagulgol sa sobrang sakit. Para bang ang sakit noon, bumalik at ngayo'y dumoble pa dahil parehas na naming nararamdman iyon.
"S-sobrang sakit, Larry. Sobra! Hindi ko mawari kung bakit na maranasan ko iyon... kung bakit biglang sa isang iglap ay mababago ang lahat ng pinaniniwalaan ko..."
"S-sobra kitang minahal kasi n-nasabik ako. Ni hindi na ako nag-isip ng ibang p-pagmamahal kasi iyong sa'yo lang, sobra pa sa sapat na inaasahan kong m-maramdaman. I didn't think of m-moving on from you b-because I can't. Ikaw lang... Sa'yo ko lang gustong maranasan lahat ng pagmamahal, Larry. S-sa'yo lang..." I gasped and looked at Larry who's also crying silently.
Nakadukdok siya sa manubela habang nakapikit na sumisinghot.
"K-kahit walang kasiguraduhan, b-bumalik ako sa'yo. Kahit hindi ko alam ang gagawin, b-bumalik ako sa'yo kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kahit anong pigil ng mga taong nakapaligid sa akin, s-sa'yo pa rin ang tungo ko. I loved you that much, Larry."
"I loved you the same way, Adi"
Dahan-dahan niya akong nilingon at nagtagpo ang parehas naming umiiyak na mga mata.
"K-kahit pasuko na ako, n-nanghihina na ako, umaatras na ako... bumabalik pa rin ako sa pagtanggap ng lahat-lahat. Tinatanggap ko pa rin ang mga bagay na walang gustong gawin kun'di ang magdusa ako"
Inabot niya ang kaliwa kong kamay, isinaklop sa kaniyaz at hinalikan. He looked into my eyes and as if our soul touched, he broke down into his sorrowful pit and revealed his vulnerable self.
"P-para sa'yo, Adi. Kung magdudusa ka sa pagmamahal ko, ganoon din dapat ako. Kung ang pagtanggap ko sa lahat ng galit at sakit ang makakapag-alis ng pagdurusa mo ay walang alinlangan kong gagawin."
I cried again. I just can't help but to be vulnerable with him, too. It doesn't feel right to feel okay. It doesn't feel right to be okay with him in his vulnerable state.
Hindi ko rin kayang makitang siya lang ang ganito sa pag-i-ibigan naming dalawa.
"L-larry... please, let's stop the pain. A-ayoko na..." Halos nagsusumamo ko nang bulong dahil hindi ko na maramdaman ang katinuan sa sarili.
"L-let's end the pain. H-hindi ko na kayang m-maging ganito tayo. W-we both don't deserve this. Sumuko na tayo at 'wag nang lumaban sa sakit. H-hindi na natin kayang magsakitan... Please, let's e-end the pain..."
I immediately felt his warm body invades me. He consoled me and pulled me closer to him. Napakapit naman ako sa kaniyang dibdib at patuloy pa rin ang paghikbi sa kaniyang balikat.
"I-I love you so... so much. Mahal na mahal kita, Adi. Sobra..." He cried the last word and pushed his face on my neck.
Ilang sandali rin kaming nasa ganoon posisyon hanggang sa maikalma na namin ang isa't isa.
"Let's end the pain here"
Nilingon ko si Larry at nakita siyang malalim na huminga. Nang lingunin niya ako ay ngumiti ako sa kaniya nang maliit. He smiled back with quivering lips.
Inabot ko ang kaniyang kanang kamay na namamahinga sa kaniyang hita. Parehas naming binaba ang mga tingin roon at pinanood ang unti-unting pagyayakapan ng mga iyon.
The way his hand gave warmth and comfort to my hand is like how he invades and wrapped his love around me. Slow and gentle but perfect for both of us.
May mga bagay rin talaga sa buhay na kailangang bitawan. Kailangang itigil dahil hindi na tama at sobrang nakakasira na. Nakakasakit at nakakalunod.
That's probably what I learned about my misconceptions. Its consequences made me realize how immoral and cruel I've been not only to other people but also to myself.
It threw me into a pool of despair and agony that didn't truly grant me the satisfaction I thought I could have. It only caused me more and worse suffering and distress.
But now letting them all go and letting myself have the happiness that I deserve is the only settlement I know I can give and hold on to.
It's a matter of love and consequences.
"Hi! Akala ko humiwalay kayo ng lakad eh... hilig niyo pa naman 'yon..." si Paige noong bumungad siya sa amin noong papasok na kami sa villa na aming nirentahan.
Tinitigan ko siya. Kitang-kita ko ang kaniyang pagpapanggap na walang kinalaman sa nangyari pero sa pagpapainosente pa lang ng kaniyang mga mata at matatamis na ngiti ay kuhang-kuha ko agad na siya ang pasimuno nito.
"Nakasunod agad kami sa inyo. It's not that we did stop by somewhere..." sagot ko sa kapatid na umakto pang nagulat. Tumagilid ang tingin sa kasama kong si Larry na hawak ang maleta ko at ang kaniyang duffle bag.
Ngumiti si Paige kay Larry. "I would like to receive my 'thank you' before the day ends, brother"
Nailing na lamang ako at tumungo na sa mga kwarto naming nasa ikalawang palapag ng bahay. Ngunit bago pa ako sundan ni Larry ay narinig ko pa ang usapan nila ng kapatid ko.
"Salamat, Paige. Kayo na ni Clane ang magtabi sa kwarto namin. Lilipat na lang ako sa iba"
Napalingon ako. Nakita ko kung paano ngumisi si Paige at doon pa lang, alam kong may kalokohan na naman siya.
"Lilipat sa iba... you mean sa kasama ko sa kwarto?" tsaka sumulyap sa aking gawi.
Nilingon na rin ako ni Larry kaya naman namula na ako dahil alam kong alam niya ang iniisip ko!
"Pwede naman..." Larry and his innocent-but-naughty soft smile!
Nagkunwari naman akong walang pakialam at umakyat na ng hagdan. Sinigurado ko ring hindi agad ako maabutan ni Larry dahil kailangan kong ikalma ang puso kong nagwawala!
Bumungad ang isa pang sala sa second floor at isang hallway kung saan naroon ang lahat ng mga kwarto. Binilang ko kung ilan iyon at napaisip dahil masyado yata iyong marami para sa amin. We usually sleep together in one big room per gender. So, it's kind of unusual to see 5 bedrooms in this floor. Wala naman sanang extra room sa baba?
"Sa pangdulo raw ang kwarto mo" biglang sulpot ni Larry sa aking gilid na halos ikatalon ko sa gulat.
"Oh?" tsaka ako lumingon sa kabilang kabisera ng hallway. Sumunod naman agad sa akin si Larry noong binuksan ko ang kwarto at bumungad roon ang dalawang queen sized bed. May sariling banyo, cabinets, TV, at kung ano pang makikita sa isang kwarto.
It's nice and huge, too. Halos kasya na nga yata kaming mga babae rito kung magsama-sama.
Nasa tabi ng isang kamang nasa pader ang maleta ni Paige kaya naman sa kabila ako tumungo. Umupo ako roon at nilibot ang tingin sa paligid. Hinayaan ko naman si Larry na itabi ang aking maleta sa aking kama.
Ganoon na lamang ang pagbaba ng tingin ko sa dala niyang duffle bag nang itabi niya iyon sa aking maleta.
I bit my lips secretly when I thought of what could possibly happen if we were together in one room.
Ano ba, Adhara Kate! You're being too naughty again! Ano naman kung magkasama kayo sa isang kwarto? As if gagapangin mo siya kapag natulog sa kabilang kama, 'di ba?
"Gusto mo ba munang magpahinga? Nasa pool sila..." si Larry na tumabi sa akin sa kama.
I gazed at him and immediately found his never-so-impatient pair of eyes. Nakatukod ang dalawang kamay sa likod at kalmadong nakatingin sa akin.
Tumikhim naman ako at bahagyang ginalaw ang sarili sa kama. The bed is soft and bouncy, making me smile as I move against the headboard.
"Pahinga muna siguro ako..." sagot ko makalipas ang ilang minutong katahimikan.
Tumango si Larry at hinarap na ang buong katawan sa akin. Bumaba ang tingin niya sa aking paahan na nasa kaniyang tabi. Hinaplos ko naman ang suot na white off-shoulder mini dress at baka sa paggalaw ko ay nakikita na pala ang kaluluwa ko.
"Do you want something? I can get us snacks" kausap niya muli sa akin at sinalubong ang mata ko.
Napanguso ako at bahagyang iniwas ang tingin. Bumaba rin ang tingin niya sa aking paahan at lumapit pa nang bahagya palapit sa akin.
Paano ko ba sasabihin na gusto ko muna siya kasama ngayon? Tutal, makikipagpalit naman si Paige ng pwesto sa kwarto sa kaniya ay kukunin ko na ang pagkakataon na iparamdam sa kaniya na gustong-gusto ko ang kaniyang presensya.
Kinuha ko ang isang unan sa aking tabi at ipinatong iyon sa aking kandungan. Inilagay ko roon ang dalawang kamay ko at tinignan siya nang diretso.
"Pahinga muna tayo, Larry..." I whispered enough for him to hear it.
Umahon ang tingin niya at tinignan ako. Itinukod niya ang kaliwang kamay sa kabilang bahagi ng aking paa. Tinagilid ang ulo at nangingiting pinagmasdan ako.
Kahit anong pigil ko yata sa pamumula ay hindi ko maiiwasan! Paano ba naman! He's looking at me endearingly as if I'm his love of life but at the same time, undressing me with the glimpse of sexyness in his eyes!
"Ano bang pahinga ang gusto mo?" he asked and it made me blush furiously.
Ano ba ang tinutukoy niya! Iba kasi ang nasa isip ko...Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All