Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 43
"Gusto mo bang lumabas?" Paige asked me while we were having breakfast.
At ang sagot ko agad ay iling.
Mom looked at me worryingly. Si Daddy ay bumagal ang pagnguya at si Paige ay umawang ang labi.
I pursed my lips and looked at my food. Ginalaw ko ang pagkain at bumuntong-hininga.
"Hindi pa ako ready." pagsasaboses ko sa nararamdaman.
I was welcomed warmly by my family. I was accepted straight away. Walang pag-a-alinlangan, walang pagtangging nangyari.
It was because they did something wrong to me, too. Dad made a deal with someone for my sake without my consent. May naging pagkukulang din sa akin si Paige at Mommy. We all had a disconnection as a family and now that we're together again, we accepted our flaws and wrongs to be okay. We admit our wrongs and take responsibility for each of it.
Because we're a family. Kami kami lang din ang tatanggap at aayos sa amin. Hindi rin namin kaya nang hindi kami buo. Hindi namin kaya nang watak-watak.
But I'm worried about my friends. I made them worry because of my misery and hurt them through my manipulation. I questioned our friendship just because they didn't support my misbehavior.
Halos pinag-isipan ko sila nang masama dahil nga iniisip kong tinalikuran nila ako.
Hindi ko kayang kapain ang kanilang magiging pagtanggap sa akin.
Kila Mommy, I am quite relieved and was expecting that they would accept me because we're a family.
I see my friends as my family, too pero hindi ko alam kung paano ko sila i-a-approach without appearing arrogant of my arrival. Kasi bigla akong nawala, nagpakita noon nang may galit at pagkamuhi sa kanila, tapos ngayon, babalik ako para humingi ng tawad.
I don't know how to do that especially now that I haven't seen them for weeks. Hindi ko rin alam kung iba na ang iniisip nila sa akin at gusto pa ba akong kaibiganin.
"They missed you, Adi" si Paige na hinawakan pa ang kamay ko.
I pursed my lips and looked at her. She gave me a reassuring smile. I sighed and became quiet for a while.
I need to think about it first. I need to collect myself and think of the possible outcomes para naman hindi ako mabigla kung sakali mang taliwas sa inaasahan ko ang mangyari.
Hindi ko kasi masigurado eh. I haven't talk to them in a while. Kahit na ba sinasabi ni Paige na miss na nila ako at ayos naman ang aming magiging pagsasama, pakiradam ko ay wala akong karapatan na magpakita sa kanila bigla nang maayos na at hihingi lang ng tawad.
Na para bang sa paghingi ng tawad ko lamang kami magkakaayos at babalik na agad sa dati.
Hindi naman ako pinilit nila Paige sa bagay na iyon. They understood and assumed that everything is indeed overwhelming for me.
Inuunti ko ang aking pagbawi. Hindi ko naman kailangang madaliin. Hawak ko ang oras ko at ang mga gusto kong mangyari. Pero siyempre, ang nakaayon pa rin sa tama.
Hihintayin ko ang tamang oras para magpakita na nang buo.
Hindi ko na rin naman pinigilan sina Mommy at Paige na ipaalam sa aking mga kamag-anak at mga kaibigan na nakauwi na ako. That's the very least thing they could do for me not to get overwhelmed in case they visit me.
But Paige prioritized my well being first and foremost. Alam niyang hindi ko pa kaya na makita ang ibang tao gaya na lamang ng mga kaibigan kaya sinabihan na rin niya muna sila na hindi pa ako ready na harapin sila.
I'm forever thankful for having Paige. Kahit na ba naging malaki ang naging pagitan namin at hindi pagkakaintindihan, walang alinlangan naming ipinagliban ang lahat para sa isa't isa. I still have her by my side after all the thunder and storms.
Mas pinili niyang piliin ako kaysa sa sarili. Mas pinili niyang huwag na akong masaktan kaysa ang hayaan akong magdusa mag-isa.
Sa unang tatlong araw na nakauwi ako, si Paige ang kasama ko. Kahit na may klase pa siya ay naglalaan siya ng oras para makauwi agad sa akin.
At sa buong tatlong araw na iyon ay ikinwento ko lamang sa kaniya ang aking naging buhay sa Tenebres. Ang aking mga pinagkakaabalahan, ang aking naging buhay, at ang aking pagkamulat sa katotohanan ng buhay.
Tungkol na rin sa aking pag-a-aral, my relatives took care of it already. Dahil na rin shareholders ang mga Alfanta sa NU, hindi na naging mahirap iyon.
Now I get it why most people label rich people privileged and spoiled because they are.
Dahil may koneksyon, pera, at kakayahan, nakagagawa sila ng paraan upang malusutan ang mga problema lalo na kung patungkol sa publiko.
My situation is unacceptable. It's unfair lalo na sa mga estudyante.
May mga estudyante na pahirapan sa pag-a-aral at sa pagpasa samantalang ako, dahil hindi maayos ang sitwasyon ay nagawan pa rin ng paraan dahil nga may kakayahan kami. May ibang estudyante na halos magpakamatay dahil sa mga ganoong issue tapos ako, hindi na kailangan pang problemahin iyon dahil nga... may nakasapo na sa akin.
Wala rin naman akong magagawa sa bagay na iyon. Hindi ko na rin kayang tanggihan. Siguro nga'y ganoon na talaga ang pagkakaiba ng mga buhay ng mga tao.
Tuesday noong maagang nakauwi si Paige dahil vacant nila ang kanilang last subject.
Sa mga araw na may klase, nasa bahay lamang ako. Nagliliwaliw o 'di kaya'y madalas makipagtawagan kina Mommy at Daddy kahit nasa trabaho.
Halos nawala na nga rin sa aking isip na video game addict ako. Para bang nawalan ako bigla ng interes sa mga gadgets o kung ano mang makakapagpagulo sa aking isipan.
Iyon din kasi ang pangit sa akin eh. Kapag magulo ang aking isip, lahat dinadamay ko na. I will conclude everything without even ensuring its credibility to be possible or real.
Kaya lahat na lamang ng nakikita kong ginagawa ko ay tama. And I badly want to change that.
Pagkauwi na pagkauwi ni Paige, nagpasama ako sa kaniya sa clinic ni Dra. Ruiz.
Paige insisted to drive because she knew I'm not comfortable when there's other people aside from us.
Patapos na ang klase nila Paige. Ganoon ganoon lang ay nakasurvive sila nila Art. Kahit na sa ilang subject lang sila magkaklase ni Clane ay nakakakuha pa rin ng paraan para sila'y magharutan.
At s'yempre, sa kwarto na lamang ni Clane dahil kwento nga niya'y pahirapan na ang humarot sa school. Hindi dahil bawal kun'di masyado silang busy.
"You know there was one time Clane and I didn't fight for not choosing each other" kwento ni Paige noong papunta na kami sa clinic ni Dra. Ruiz.
Napangiti ako nang makita ang ngisi ng kapatid habang maingat na nakatingin sa kaniyang dinadaanan.
I always feel happy and relieved whenever I see that smile on Paige's lips everytime she talks about Clane. Para bang si Clane lang ang may kakayahang makapagpangiti sa kaniya nang ganoon.
"Really? What happened?"
Paige glanced at me and scrunched her nose. My brows shot up and getting more amused at her. Akala ko talaga ay asaran na lang ang naging love language nila eh.
"I have this rushed project on one subject and Clane have a thesis to finish on that day. It was our monthsary, actually. We still both greeted each other that day. We were like "Saan mo ba gusto magcelebrate ngayon?" I was like, "Babe, can we not muna? I have something to pass by 9 eh" and Clane agreed! He said "Mabuti pa nga. Kailangan kong ayusin ang last part ko sa thesis namin. Hay nako, buti na lang mahal natin ang isa't isa"" kwento ni Paige at tumawa pagkatapos.
Hindi na rin nawala ang ngisi ko sa labi habang nakikinig sa kaniya. I am very glad and thankful that Paige have someone like Clane by her side. She has the perfect man she could ever ask for.
Nakarating kami sa isang halos 4 floor na building. Just by looking at the name of the building, I knew Dra. Ruiz is a big deal.
Dra. Sofia Ruiz Psychodiagnotistics and Counseling Services
Her surname sounds quite familiar. Hindi ko lang maalala ko saan o kanino ko narinig.
Nakapagpa-appoint na ako kahapon. We were greeted by a smiling a guard and even the receptionist was all smiles and very kind.
Dra. Ruiz' clinic was on the top floor kaya naman doon kami tumungo ni Paige.
The building was nice and sophisticated. Even the plants inside makes the interior look like a home. Hindi mo iisiping papasok ka sa isang Psych clinic dahil welcoming at comforting ang ambiance.
Lalo na noong makapasok ako sa kwarto ni Dra. Ruiz at naabutan ko siyang may tinitignang dokumento sa kaniyang mesa.
Napansin naman niya agad ang aming pagdating at agad itong napangiti sa akin. She even stood up and went to me.
"It's nice to see you again, Adi" bati niya at napunta ang tingin sa kapatid kong nasa tabi ko.
"Ate ko po" pakilala ko kay Paige na ikinangiti at tango naman ni Dra.
Bumalik naman na siya sa kaniyang mesa at pinaupo na rin ako sa upuan sa tapat ng kaniyang mesa. Si Paige naman ay tumungo sa sofang malapit sa amin at binigyan ako ng isang kalmadong ngiti.
We start our session. I, of course, started giving her my self-reflections for the past days. Ang mga saloobin ko ngayong nakauwi, nakasama at tinanggap ng pamilya, at pati na rin ang aking alalahanin tungkol sa aking mga kaibigan.
Just like before, Dra. Ruiz is patient and tender towards me. She's guiding me as well as she take notes about my condition.
Kapag nahuhuli ko rin ang mga mata ni Paige ay taimtim din itong nakikinig sa aming usapan ni Dra. Nakikita ko pa nga itong tumatango-tango sa mga sinasabi ni Dra..
"It's called Projection. The way you displace your feelings and misery to the people you loved is the one that pushes you to the edge to justify your wrongdoings. But just like what I'm seeing, you're getting a better hold of yourself because of that. I'm so happy that you're becoming the person you wanted to be in a short period of time, Adi. You never fail to amaze me"
Nahihiya naman akong napangiti sa sinabi ni Dra.
Siguro dahil na rin I have the determination to change and improve. Ang dami kong kamalian na nagawa at gusto ko namang bawasan at panagutan na ang mga iyon.
I don't want to pile them up until I can't take it anymore just like what happened to me. Pinagpatong-patong ko lahat ng mga pagkakamali ko at halos hindi ko na maibalanse ang lahat ng mga iyon sa aking isip dahil masyado nang umaapaw.
I feel like my mind was being refreshed everytime my therapy session with Dra. Ruiz end. The she makes me see her as a friend, not a doctor or consultant, is already something that makes her a big deal.
"She's so good and soft spoken huh. No wonder you're very fond of her already" si Paige noong tumungo kami sa isang mall para magliwaliw.
I chuckled and held her arm. "'Di ba? Akala ko nga ay gusto siya ni Kuya Amschelle eh"
Nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin si Paige. "What do you mean 'akala'? Hindi ba? I mean, she's gorgeous!"
Ngumisi ako. "She's married! She just uses her maiden name for her professional license"
"She's married?! Oh gosh, hindi ba't kedaran lang niya si Kuya?"
Tumango naman ako. "Well, Kuya is already 25, Paige."
Si Dra. Ruiz ang naging laman ng usapan namin ni Paige hanggang sa kumain kami, magshopping, at magpa-manicure and pedicure.
Pagkauwi sa bahay halos mag-g-gabi na rin. Talagang sinulit namin ni Paige ang buong hapon dahil kailangan na kailangan daw ni Paige. She's so stressed because of school works at matatapos lamang ang stress niya this Friday dahil last na ng klase nila no'n.
Hindi na ako nagulat nang maabutan ang sasakyan nila Mommy na nasa bahay na. Maaga na sila laging umuuwi at hindi nag-o-over time sa trabaho dahil gusto raw nila kami makabonding hanggang sa pagtulog.
Hapunan na nga lang daw ang kanilang oras para sa amin ay hindi pa nila maibigay.
Kaya hindi na kami nagreklamo doon. Paige and I admit that we sometimes missed our parents. They're always at work at tuwing bakasyon na kami halos nagkaka-family time.
Nag-aya magmovie marathon si Daddy. Wala nang nagreklamo sa aming mga babae na horror ang napili niyang genre kahit na ayaw na ayaw namin iyon. Si Mommy ay may mabubugbog at si Daddy iyon.
Kami siguro ni Paige ay magyayakapan at tilian na lamang.
Kinabukasan ay naiwan na ulit ako mag-isa sa bahay kasama ang mga kasambahay. Kapag naiinip sa loob ng bahay ay lalabas ako at tutulong sa mga paglilinis ng mga kasambahay. Magdidilig, magwawalis, tutulong sa pag-a-ayos sa mga bagong biling halaman ni Mommy, at makipagkwentuhan na rin sa kanila.
Muntik ko pa ngang tawagan sila Mommy para lang makumbinsi sila na patulungin ako. Nakakainip kasi talaga mag-isa! Nakakainip din magbasa, nakakapagod maglaro, at nakakaantok manood ng movies.
That's why I've been on the outside from sunrise to sunset. Napupuno ng tawanan at kwentuhan ang aming bakuran kasama ang mga kasambahay.
Alas singko noong pumasok ako sa bahay. Sakto ring nakasalubong ko papasok ng bahay si Paige na may kasunod na kasama.
My lips parted when I saw who it was.
Paige smiled at me softly. "Do you not mind if he's here? He misses you eh" nanunuyang sabi ni Paige sa huling sinabi at nilingon ang kaniyang nobyo.
Clane pouted at me cutely and went to me. Nanlaki naman ang mata ko nang yakapin ako ni Clane at agad ding natawa nang i-angat at i-ikot niya pa ako.
"Namiss ko ang anak ko!" Aniya at wala na ang mga matang nakangisi sa akin.
Humiwalay naman na siya at nakatingin pa sa akin na akala mo ay proud na tatay.
Ngumisi naman ako at gamit ang kamay na marumi ay piniga ang kaniyang pisngi. "You're just my brother-in-law, Clane. Hindi ba't si Paige lang ang tumatawag sa'yo ng "Daddy?" Sabay ngisi sa kapatid na sinamaan ako ng tingin.
Tumawa si Clane gamit ang kaniyang malanding boses at nagtungo kay Paige para halikan ito sa pisngi. Umakbay sa nakasimangot na girlfriend at nginisihan ako.
"Alam mo ba ang favorite word niya ngayon, Adi?" Nakangising tanong ni Clane sa akin.
Kahit na patuloy ang pagtatapon ng masamang tingin sa akin ni Paige, sinakyan ko ang pang-a-asar ni Clane.
"I bet "pick me up"?" Pang-a-asar ko sa kapatid.
Umiling si Clane at lalong lumandi ang ngisi. "It's "be quiet!""
Nakyuryoso naman ako at tinagilid ko na rin ang ulong tinignan si Paige para sagutin ang pagtatanong ko.
Paige huffed in annoyance but still answered my unsaid question. "We're studying in the library, of course"
My brows quirks up, not convinced. "Studying what?"
"Business!" Paige rolled her eyes.
Sumingit si Clane. "With my hands inside her blouse--"
"Clane Nathan!"
Umalingawngaw ang hagalpak ni Clane. Si Paige naman ay sasabog na yata ang mukha sa sobrang pamumula.
Alam kong nahihiya lang itong si Paige kaya naman sinulit ko na ang pagtatanong kay Clane ng kanilang kaharutan.
"Bakit ka naman niya pinapatahimik?" I asked Clane.
Clane smirked. "I was teasing her by moaning and dirty talking" aniya na ikinatawa ko ngunit agad ring napangiwi nang maimagine iyon.
These two talaga!
"What'd you say, then?"
"I want my face between them, Paige. Tara na sa likod"
And we continued teasing Paige. Oh, how I missed these two flirting and murdering each other.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All