CHAPTER 44

"Sa lahat talaga ng mga babae, kay Adi lang ako natutuwa kapag nakikita niya tayong dalawa" Kanina pa pagpansin sa akin ni Clane habang nakahiga siya sa kandungan ni Paige.
Nasa kwarto kami ni Paige at nagk-kwentuhan sa kaniyang kama. We have pistachio nuts as our snack. Kaharap ko ang dalawa na simula kanina ay walang naging ibang topic kun'di ako.
"Ba't naman?" natatawa kong sabi at sumubo ng nabuksang pistachio. 
Bumagal ang pagnguya ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Paige gave Clane the pistachio nut that she opened and Clane gave his to Paige. 
Kailangan ba talagang subuan?
Clane shrugged and opened another one. Inabot niya iyon sa akin. "Hindi pa yata kita narinig na nagreklamo kung gaano kami kaharot ng ate mo"
Natatawa naman akong nailing sa kaniyang sinabi. Minsan siguro pero isinasarili ko lang. Pero wala naman kasing mali sa ginagawa nila. They love each other. At sa paraang iyon nila napapakita ang pagmamahal nila sa isa't isa, e 'di ayos lang. Hindi naman ako apektado. Wala naman silang naaapakang tao.
"Well..." sinubo ko ang nabuksang pistachio. "It's not really a big deal for me. Ano naman, 'di ba? You guys are in a relationship. That's normal"
Umangat ang tingin ni Clane kay Paige dahil sa sinabi ko. Tumango-tango si Paige sa akin. "Alam kasi ni Adi na magiging ganoon din naman siya kapag nagkaboyfriend siya"
Bumalik ang tingin sa akin ni Clane at dahan-dahang napatango. Mula sa pagkakatihaya, dumapa siya sa hita ni Paige. Ang kaliwang kamay ay humahaplos na sa tuhod ni Paige at ang kanang kamay ay nasa likod nito. 
"Nakita ko lang yatang nakipaghalikan si Adi noong birthday ni—" napasigaw si Clane at hindi natuloy ang sinasabi.
Napabangon siya at hinimas ang kaniyang brasong nasaktan. Lukot na ang mukha ni Clane at kinunotan ng tingin si Paige. 
"Sakit no'n ah!"
Paige looked at him intently as if she was telling him to shut up just by the way her eyes widen a bit. Nakanguso namang bumalik sa pagkakadapa si Clane at akala mong nagtatampong tuta na sumiksik sa hita ni Paige. Nakita ko naman ang pagsimpleng paghimas ni Paige sa namumulang braso ni Clane.
I just observe the two weirdly. Nagkibit balikat nang hindi maintindihan ang biglaan nilang pagkatahimik.
"It's your graduation next week..." pagbabago ng topic ni Paige habang ang kamay ay humahagod sa ulo ni Clane. "College ka na" ngiti ni Paige.
I almost forgot about that ah! Sa next na pasukan ay college na ako at wala namang pinagbago sa kursong gusto kong kunin. I still want to teach kids and I'll probably take Education. 
Umahon ang ulo ni Clane at itinagilid ang ulo para makita ako. His cheek is squished against Paige's leg. "Anong kukunin mo? Educ?"
Tumango ako sa hula ni Clane. "Dati pa lang gusto ko na iyon. I find teaching kids fun and interesting"
Clane grinned and his eyes again turned into slits. "Naks naman, Teacher Adi! Sa'yo pala dadaan lahat ng anak namin eh" tsaka siya humalakhak.
Ngumuso ako at napangiti rin kalaunan nang ma-imagine nga iyon. Para kong nakikita ang lahat ng anak ng mga pinsan na halos punuin na rin ang classroom. It's possible na mapuno ng mga batang Alfanta at Castor ang aking klase dahil sa dami pa lang namin ay paniguradong hindi bababa sa sampo ang magiging magpipinsan.
I giggled. "That's cute! Alfanta at Castor pa lang, puno na"
"Dagdag mo pa ang mga Eleazar, Adi. Isang batalyon din iyon" ani Clane na ikinatawa namin.
Iyon naman ang aming naging usapan hanggang maggabi at umuwi si Clane. Naabutan pa nga siya nila Mommy kaya naman inaya na rin siya maghapunan. Kahit noong hapunan namin ay hindi natahimik ang hapag dahil sa pagk-kwentuhan naming lahat. 
Hindi na ako nagugulat kapag pabiro ang mga sagot ni Clane kay Daddy lalo na kapag tungkol sa kanila ni Paige. Nagpapakipot pa lang si Paige noon kay Clane ay close na ito kay Daddy. Tsaka, Clane is very easy going and full of jokes, too. Kahit sino naman ang makausap niya, kilala man o hindi, ay talagang gagaan ang loob sa kaniya.
"Can't believe my bunso is college na!" si Mommy noong magsama-sama kami sa sala after kumain. 
Magkatabi kami ni Mommy. Hindi pa niya inaalis ang tingin sa akin mula kanina at inaayos pa ang buhok bawat segundo.
Si Daddy at si Paige ang nasa kabilang bahagi ng sofa at kapwa nag-u-usap ng sa tingin ko'y isang subject ni Paige dahil narinig ko pa ang pagbanggit niya sa naging score niya sa test. She's ranting and I find it cute dahil ngayon ko lang nakitang ma-stress si Paige sa pag-a-aral.
I smiled at Mommy. "Bunso pala ako. Ayaw niyo ba akong sundan, Mommy?" panunuya ko sa ina.
Mommy turned her eyes into slits and shook her head at my mischievousness. "Menopause baby? Nako, Adi. Hindi na. Sa mga apo ko na lang ako mag-a-alaga"  
"How many grandchildren ba ang gusto mo, Mom?" 
Napaisip si Mommy habang nakangisi. Napangalumbaba sa kaniyang hita at ini-imagine na ang kaniyang lola life. 
"Ayoko namang dalawa lang dahil dalawa lang kayo... basta marami! Ayokong tahimik ang bahay kapag nagsilaki na sila" mungkahi ni Mommy.
Napatango-tango ako at tinawag ang kapatid na nakahalukipkip at bakas ang dismaya sa mukha habang nakikipag-usap kay Daddy. Sabay pa sila ni Daddy na napalingon sa amin.
"Mom wants more than two grandchildren. Kaya mo bang maglima?" biro ko.
Ngumiwi si Paige. Daddy looked at her grinning wife endearingly. Nakita ko pa ang pagtaas-taas ng kilay ni Mommy kaya naman napayuko si Daddy at natawa sa kaniyang asawa.
"Kaya mo naman sigurong magbuhat ng limang apo, Simon?" pang-a-asar ni Mommy kay Daddy.
Nakahawak naman sa noong natawa si Daddy. "Ngayon pa nga lang masakit na mga tuhod ko, Hon. Sa'yo pa lang napapagod agad ako" 
Namula naman ako sa sinabi ni Daddy. Hindi ko alam kung iba ang tinutukoy ni Daddy pero iyon agad ang naisip ko!
Hindi pa rin mawari ang reaksyon ni Paige. "Dad can't keep up in bed already and you want to him to carry five kids, Mom?" pabirong pang-i-insulto ni Paige.
At sa sinabi ni Paige na iyon, hindi ko na napigilan ang lalong pamumula dahil parehas pala kami ng interpretasyon sa sinabi ni Daddy. 
Madalang lang kasi talaga maging ganito ang usapan namin kapag kasama sila Mommy at Daddy!
"Hay nako, ako na naman ang nakita niyo" problemadong turan ni Daddy habang napapayuko na at hawak ang ulo.
PInagtawanan naman namin siya at inasar lalo. This is the reason why Dad wants at least a boy in the house. Kapag napagtripan namin nila Mommy, wala siyang kakampi! Siya lang ang lalaki. Ang awkward naman kung papasalihin namin ang guard at driver namin.
Nakakapag-adjust na ulit ako sa aking araw-araw sa bahay. Weekend noong um-attend ako sa mga remedial classes ko. Sa major subjects na lamang ako pinagtake at ang mga importante lang din sa mga core subjects ang aking tinake-up. Siyempre, may ginawang pakikiusap na rin ang mga Alfanta tungkol sa aking nangyari kaya naging madali na lamang para sa akin ang mga kailangan kong bawiin.
Kaya ko na ang sarili ko. I'm getting better from day to day. Nai-suggest na rin talaga sa akin ni Dra. Ruiz na magkaroon ako ng constant interaction sa aking pamilya dahil sa kanila ako ligtas at hindi mahihirapang makagalaw sa sarili kong gusto. I am more comfortable at home and with my family. Mas nakakapaglabas ako ng mga saloobin at nakakayanan ko ring maging totoo sa sarili. Hindi ako nangangamba kapag sila ang kasama.
After taking up the remedial class, agad naman akong sinalubong ng dalawa kong kasamang bodyguard. Dad said it's better to be safe dahil hindi rin maiiwasan na may mangyari sa akin lalo na't mag-isa lang ako.
Nagpadaan muna ako sa mall dahil nagc-crave ako ng ice cream. I heard na may masarap na ice cream store sa mall na malapit sa school. Nakikita ko iyon sa mga post or story ng mga friends ko sa Facebook at Instagram. 
Mom and Dad gave me my phone in case of emergency. Mas maganda na nga ring may contact sila sa akin at namomonitor nila kung saan ako napupunta. They activated a GPS app in my phone. May group kaming apat kung saan namomonitor doon kung saan kami napupunta. 
Kapag nga sinisilip ko iyon, si Paige lang ang malikot ang icon. Siya itong kung saan-saan nakakapunta dahil siya lang naman ang nakalabas sa amin pwera kila Mommy at Daddy na nasa firm lang naman.
Naiwan sa labas ng store ang kasama kong bodyguard. Buti nga at hindi sila mukhang mga typical bodyguards kasi hindi ako magiging komportable kapag mapapansin ng mga tao. Baka kung anong isipin pa nila sa akin kapag may nakita silang MIB. Akalaing artista ako o kilalang tao.
They're just wearing a casual wear. Mukha ko nga silang mga kuya, kung tutuusin.
Since hindi pa naman ako nakakatikim ng ice cream nila, I asked their best selling one. Their blueberry cheesecake flavored ice cream is the best selling kaya naman iyon na ang in-order ko. It looks good naman kaya okay na rin sa akin.
Umupo naman ako sa waiting area nang matanggap ang aking ticket. Marami rin kasi ang bumibili dahil sa dami ng number na nasa screen ng kanilang TV kung saan doon nakatala kung pang-ilan ka sa pila.
Bumukas ang glass door ng store at natigilan ako sa biglang pumasok. para bang may parte sa akin na biglang sumigla at natuwa sa nakita ngunit hindi ko rin naitulak ang sarili ko na tumayo at lapitan siya.
Nakangiti ako ngunit unti-unti iyong napawi nang makita ang seryoso nitong mukha. She's not... the jolly person I knew. Kasi sa kahit anong oras ko siya makita, lagi siyang nakangiti o 'di kaya'y tumatawa. Lalo na kapag nakikita ako, akala mo'y sobrang excited niya.
Hindi ko nagawang tawagin siya noong pumila na siya. At noong siya na ang o-order, saglit lang siya roon at nang mabayaran ay agad na tumungo papunta sa akin kung saan may bakanteng upuan sa tabi ko.
Doon niya lang ako nakita noong makita niyang nakamasid ako sa kaniya. Her serious face changed into something stunned. Umawang ang kaniyang labi at para bang hindi makapaniwala sa nakikita.
Ngumiti ako at bahagyang kumaway. "Hi. It's been a while?" tagilid ko ng ulo.
Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o talagang nagbasa bigla ang mata ni Leticia. Dahan-dahang lumapit sa akin at umupo sa bakanteng pwesto sa kanan ko habang nasa akin pa rin ang tinging hindi makapaniwala. She held my hand and looked at me again. Her eyes were full of tears at noong yumuko at umangat ang tingin, suot na niya ang maliit na ngiti.
"Nakauwi ka na..." nanginginig niyang bulong at tuluyan nang niyakap ang sarili sa akin.
I smiled and hugged her back. "I missed you, Leticia"
Suminghot siya at himiwalay. Pabiro niya akong sinamaan ng tingin at nagpunas ng mata. "Mas namiss kaya kita. Ang tagal mong nawala..." malungkot niyang sabi.
"Sorry," I said sincerely, making her shake her head and fold her arms cutely. 
"Ayoko ng sorry lang. Ang tagal nating hindi nagkita... tutal nandito na rin naman tayo, libot tayo?" suhestyon niya na ikinatawa ko at tango.
Noong makuha namin pareho ni Leticia ang order namin ay agad kaming lumabas ng store at naglibot. Pinaalam ko rin kay Leticia na may aaligid sa aming dalawang bodyguard dahil baka magulat siya na sumusunod sa amin ang mga iyon.
She's fine with it at ako naman daw talaga ang kaniyang kasama, hindi sila.
Hindi ko inaasahan na magkikita kami ng kaibigan dito. At ngayong kasama ko na siya na para bang wala akong nagawang atraso ay nabubura na ang palaisipan sa akin na mahihirapan ako sa pagbabalik loob sa kanila.
I mean, hindi naman talaga ako hirap makipagkaibigan sa kanila noon kaya siguro nagagawa ko iyon ngayon. Ramdam ko na rin talaga ang aking sarili at mas lalo ko nang nagagamay ang unti-unting pagbabago sa sarili.
"Sobra ka talaga namin namiss! Kahit sila Heidian, tanong nang tanong kung nasaan ka. Para bang biglang tumamlay 'yung circle" hagikgik ni Leticia habang ang isang kamay ay nakakawit sa akin at ang isa ay hawak ang kaniyang ice cream at corndog.
I smiled at their thoughtfulness. "Sorry about that. I don't know if you know..."
Leticia assured me with her smile. "Kami-kami lang ng mga Alfanta. Wala namang ibang nakakaalam sa nangyari"
I pursed my lips and smiled at her consideration. Ayaw ko namang itago sa kanila ang naging sitwasyon ko. They're still... my friends.
Sa mga sinasabi pa lamang sa akin i Paige tungkol sa mga kaibigan, alam kong unti-unti ko nang binababa ang pader ko. Kahit ngayong kasama ko si Leticia, nar-realize ko na mas nagingibabaw pa rin ang pagmamahalan namin sa isa't isa kaysa sa mga hindi pagkakaintindihang namagitan sa amin.
Sa totoo lang, ako lang naman talaga ang pagpipigil sa aming pagkakaibigan. It's because I feel bad, of course, about to what happened. Ang dami kong nagawa na hindi katanggap-tanggap pero tinanggap pa rin nila dahil wala namang mababago kung mananatili kaming magtatanim ng sama ng loob sa isa't isa.
That is what I'm trying to accept. Because that's how life goes.
"Gusto ko mang sa inyo muna kaso may gagawin pa kasi kami ni Mama eh. Bibisita ako sa susunod, promise! At kasama na ang mga kaibigan, kung pwede?" Si Leticia.
I nodded and let her have the consent from me to visit me.
There, I already did it. Nagawa kong kumita ng kaibigan, kakayanin ko pa sa mga susunod.
I'll motivate myself because I know that I'm longing for their friendship, too.
Ngumiti nang huling beses sa akin si Leticia at kumaway bago sumakay sa sasakyan namin dahil nagpresinta na rin akong ipahatid siya dahil malayo pa ang kaniyang uuwian.
Kagat-labi kong sinundan ang sasakyan na papalayo. Hindi ko man naitanong o nabanggit kay Leticia ang napapansin ko sa kaniya, may kakaiba sa kaniya.
Or should I say, I can feel her sadness.
Wala akong alam sa mga nangyari sa buhay nila kaya nahihiya rin akong alamin iyon at magtanong dahil hindi pa naman kami nagkakasama pa ulit.
Pansin ko ang kaniyang pagpipilit na maging madaldal at masiyahin tulad na lamang ng nakasanayan ko sa kaniya. But there really is something in her mood today.
Mukhang hindi naman tungkol sa akin dahil iba pa rin ang kislap ng mata niya noong magkasama kami. It's like, it's deep within her that she's keeping but she can't help but to show it unconsciously.
I got curious about it. At ang tanging makakapagbigay lang sa akin ng kasagutan ay si Paige. Ako lang naman ang nawala at imposibleng hindi niya iyon malaman.
Ang circle naming mga babae ay may kasunduan noon na kung may problema man kami, sabihin namin agad sa isa't isa para na rin to help each other and give advises, kung kailangan. Tsaka, ganoon naman na talaga kami. In a short period of time, we became bests of friends.
Sa sala ako nagpalipas ng oras habang hinihintay ang pag-uwi ni Paige mula sa kanilang maliit na get together kasama ang mga kaklase. Kaya naman pagkapasok na pagkapasok nito sa pinto at mabilis akong dumalo rito at dinala sa kwarto.
"May nangyari ba kay Leticia?" Diretso kong tanong.
Natigilan pa si Paige sa aking sinabi at unti-unting kumunot ang noo.
"What do you mean? Nag... kita ba kayo?"
I nodded slowly. "I met her in an ice cream store sa mall."
Umukit agad ang ngiti sa labi ni Paige. "That's nice. Did you feel okay with it?"
"I did. I actually can't believe that it went well"
"But..."
"She seems a bit off... I can feel her sadness, perhaps, may nangyari ba sa kaniya?"
Paige's smile fades and her shoulder loosened. She sighed and sat on her bed beside me.
"She gave up"

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters