Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 48
The night ended with us having a sleepover in my room. Kaming mga babae lamang ulit at kasama na si Hya!
At dahil may alcohols kaming pasimpleng ipinasok sa kwarto ay wala ang dalawang minors which are Ashery and Annie. May isa pa ngang babaeng kaedaran nila ang naroon kanina na hindi ko nga lang kilala but she's with the Alfanta Tita's earlier. Nakadikit kay Tita Landra ngunit minsa'y kay Tita Andy.
"'Wag niyong lasingin ang Alliana ko--" si Art na nagpupumilit pang pumasok sa kwarto ko bago namin tuluyang maipalabas siya at isara ang pinto.
The boys are just so nosy! Lalo na si Art! Akala mo naman kaya naming manipulahin ang girlfriend niya eh siya nga itong pinakamatured sa amin.
We're already having a red cup with our drinks. Dahil hindi naman talaga kami sanay na maglalabas sa mga bar or clubs, kami-kami na lamang magkakaibigan ang nagpaparty sa aming mga bahay.
Si Hya ang tanging juice ang laman ng cup. Ayaw niyang uminom! Si Alliana nga na hindi naman talaga umiinom ay napasabak namin pero talagang matigas si Hya! Hindi ko alam kung ayaw niya o bawal lang talaga lalo na't sinabi na rin iyon sa amin ni Kuya Gab.
Akala mo nga tatay ni Hya si Kuya Gab kung umakto. He's overprotective! Akala mo si Annie si Hya kung maituring at pagbawalan sa mga bagay na gagawin namin. I'm really concluding that he see us as a cult!
"Truth!" si Leticia na sobrang lasing na at kanina pa tawa nang tawa. Natapat sa kaniya ang boteng pinaikot namin.
Lasing na rin si Paige na umakbay sa akin. "May nangyari na sa inyo ni Lomi, noh? Yes or no!"
Umingay kami. Si Ayessa at Euna na magkakandungan na ay nagcheer at tumili. Si Alliana ay malaki na ang ngisi at nangibabaw ang nakakakilabot na halakhak. Si Hya na nasa tabi ni Leticia ay nakangiting nakaalalay rito. I'm just tipsy since hindi ko rin magustuhan ang sobrang pait ng alak na mayroon kami.
Antok na napatingin sa taas si Leticia at nag-isip. Her drowsy eyes blinked slowly as her brows turned into one line. "Nangyari? Like nagsex?"
Nag-ingay lalo at halos hindi na rin nabibigyang pansin ang maingay na party music namin. My room is sound proof kaya hindi kami nababahalang magising ang matatanda.
Paige cackled. "Yes! Did you guys fucked already?" bulgar na sabi ni Paige na nakatanggap ng ngiwi kay Hya na tinapik ang aking braso.
"Virgin pa ba ang ate mo?" bulong niya na ikinahalakhak ko.
"Nope" simple kong sagot at bumalik ang atensyon kay Leticia na akala mong batang tumatango-tango.
"Hindi pa! Hirap akitin ni Lomi... pwet pa lang niya ang nahahawakan ko..." tsaka niya inangat ang kanang kamay sa kaniyang harap at tumagilid pa ang ulong pinagmasdan iyon.
"Oh my gosh, lagi pa naman 'yan ang pinanghahawak mo sa akin?!" si Ayessa na lasing na rin talaga at maarteng sumiksik kay Euna.
Nilapit ni Leticia ang kamay niya kina Euna na sanhi ng pagsigaw at pagtakbo nito paalis. Nagsimula naman nang habulin ni Leticia sila hanggang sa kaming lahat ay nagtitilian at nagtatakbuhan na sa aking kwarto.
I was grinning from ear to ear when I pulled Hya to my walk-in closet and closed the door so we can hide. Their voices became muffled as the silence in my closet took over us.
Bumabagsak na rin ang aking mata sa sobrang antok at pagod. Hindi ko na rin namalayan ang sarili na mahiga sa sahig at naramdaman na lamang ang pagsapo sa akin ni Hya bago ako yakapin ng kadiliman.
I woke up with a throbbing head. Pakiramdam ko'y sobrang lakas ng tama sa akin ng alak kahit wala akong maalalang uminom ako nang marami.
Kinusot ko ang mata at nilibot ang paligid. Napakunot ang noo ko anng makitang nasa closet ko ako at nasa fur carpeted na sahig katabi ang isang natutulog na babae. Sinilip ko naman kung sino ang katabi ko at napaawang nang makita si Hya.
Wait. Paano kaming nakarating dito?
Nakasalampak ako sa sahig at maingat na binitawan si Hya. Inalala ko ang nangyari kagabi.
We were partying with drinks... with my girl friends--
Wait! Sila Paige!
I jolted up, making me groan when my head hurts. Oh, alcohol! I hate you!
Nakita ko na lamang na nagising na rin si Hya at maingat na inangat ang sarili. She fixed herself and greeted me with a small 'good morning' before opening the door of my walk-in closet.
Bumungad sa amin ang nagkalat na mga babae. Halos marinig ko rin ang mahinang mura ni Hya bago dahan-dahang humakbang sa mga kalat at ganoon na rin kina Leticia, Ayessa, at Paige na nasa sahig. Si Euna at Alliana ay kapwa magkatabi sa kama ko. Red cups and some bottle of the alcohol we drunk scattered on the floor.
Oh my gosh! We're a mess!
"Mag-umagahan muna tayo?" anyaya ni Hya na ikinalingon ko sa kaniya.
I gestured to the rest. "How about them? Gisingin natin sila"
Hya scanned the whole room full of drunk girls. "Magigising ba natin sila?"
I grinned when I think of something. I've got an idea.
Inaya ko si Hya sa kusina para maghanda ng umagahan. Nagpatulong kami sa mga kasambahay dahil isang batalyon ang dadating. At wala pa ngang limang minuto noong makababa kami ay rinig ko na agad ang ingay ng mga lalaki na kapapasok ng bahay.
Unang-una na nagpakita si Kuya Gab na dito agad sa kusina ang diretso. Sinalubong ko naman ang pagpasok niya nang nakangisi.
"You guys are fast!" tawa ko. Pinanliitan ako ng mata ni Kuya Gab bago siya magtungo kay Hya sa paghahanda.
Lumabas naman ako ng kitchen para masilip ang limang mga lalaki na ngayo'y papaakyat na ng hagdan. Halos mag-unahan pa nga sa pagpunta.
"Kaya niyo na 'yan, guys!" Cheer ko sa kanila at natatawang bumalik sa kusina para tumulong sa paghahanda ng umagahan.
Rinig na rinig ang kanilang ingay na mula sa aking kwarto. May tumili, sumigaw, at naghalakhakan. Sakto at tapos na kami nang makababa na silang lahat. Each man is holding their girl. Hindi ko rin maitago ang ngisi nang makita si Lomi na akay-akay si Leticia na antok na antok pa ngunit kapansin-pansin ang pagkabilasa niya dahil sa nakaalalay sa kaniya.
We all ate breakfast together and I can't help but scan them all. Nasa dulong gitna ako ng hapag kaya naman tanaw ko silang lahat.
At mayroon ngang kulang. Hindi ko magawang bilangin ang magpipinsang lalaki.
They're always seven. Hindi pwedeng wala ang isa kapag nagkakasama sila. Makikita mo rin na hindi buo ang kanilang mga itsura kapag mayroong kulang.
"Where's Larry?" I asked casually as I sip on my soup.
Their chatters stopped as silence completely took over the dining room. Kahit hindi ko i-angat ang tingin, nasa akin ang tingin nilang lahat.
Kunwari'y walang epekto iyon sa akin kahit na ramdam ko ang bahagyang paglundag ng aking puso dahil sa sinabi.
I just... couldn't help but point it out. Si Larry, hindi ko pa yata nakikita siyang wala sa mga pagsasama nilang magpipinsan. He's the "always free" among them.
Umangat na ang tingin ko at matapang na sinalubong ang mga mata nilang kun'di gulat ay kyuryoso.
"Umalis kaninang madaling araw, 'di ba?" Si Kuya Shan na nakakuha ng atensyon ko.
Medyo nagulat ako sa pagsasalita niya. Hindi ko inaasahan na magsasalita si Kuya Shan tungkol dito. Sa kanilang lahat kasi, si Kuya Shan itong pinakahuli kong inaasahan na magkakaroon ng pake sa ano mang issue namin.
He doesn't really show his concern directly. Pabebe pa siya, kung tutuusin.
"Saan naman nagpunta? At ganoon kaaga?" Si Kuya Gab na hindi rin makapaniwala.
I bit my inner cheeks as I move my eyes from one person that will talk to another.
"Somewhere north?" si Alliana na tahimik na humigop sa kaniyang soup.
Humarap sa kaniya si Art na nasa tabi niya at kyuryosong nagsalubong ang kilay. His lips were protruded a bit. "Hindi naman umaalis nang basta-basta 'yun! At ang alanganin..."
"Baka sa Baguio" biglang singit ni Paige na mabilis kong ikinatingin sa kaniya.
Nahuli ko ang kakaibang pagsulyap niya sa akin bago painosenteng humarap sa ibang mga lalaki. "Baka lang. It's strawberry season there so... baka... namitas ng fresh strawberries?" anito pa sa tinig na akala mo'y nangungumbinsi.
Napakurap ako at pasimpleng sinipsip ang labi. Ang alanganin naman niyang umalis at talagang sa Baguio pa para sa strawberries? Mayro'n naman sana sa mga supermarket...
"Posible rin. Baka nagpabili si Tita Landra..." si Clane na dumagdag pa sa pagsasang-ayunan ng karamihan para matigil na ang kanilang mga hinala kung nasaan ang lalaking iyon.
Well, wherever he is, I just hope he's safe and... well.
Dahil magkakasama na rin naman halos lahat, napag-usapan na rin ang magiging summer get-away namin after ng graduation nila Euna at Kuya Crane sa Monday. I can't believe that they're that older than us! Hindi man namin ramdam ang aming mga age differences dahil kung magturingan kami ay akala mo'y mga highschool pa rin.
Ang family van na rin nila Kuya Shan ang gagamitin. Ang mga dadalhing gamit lalo na't 5-day stay ang aming gagawin roon at magrerenta ulit ng isang malaking villa gaya na lamang ng ginawa namin noon. Hindi kami nakapagsummer get-away last year dahil grounded yata kami noon. Hindi rin nasundan dahil ang kabi-kabilang eskandalo ng mga pamilya.
Of course, it's a beach vacation and we need new bikinis! Lalo na si Leticia at Hya na wala naman yatang ganoon. Syempre, go na go si Leticia dahil may pera na raw talaga siya. There's something changed in their family and seeing how Leticia looked extra happy recently makes me wonder what happened.
Kaya naman noong magkatabi kami sa sasakyan ay agad kong tinanong sa kaniya iyon lalo na't narinig ko ring nabanggit nila Ayessa kagabi iyon.
Oh. Kaya pala. I smiled and hugged her tight. It's quite surprising but relieving at the same time dahil... mas makikilala na ni Leticia ang sarili niya at ang pinanggalingan niya.
"Sa kabilang mall kaya tayo?" pabiro kong suhuestyon sa mga babae na agad din naman nilang sinang-ayunan.
Humiwalay kami ng sasakyan sa mga lalaki. Syempre, mga luka-luka kami eh. Halos ibaliktad pa nga ng mga lalaki ang family car namin na si Paige ang nagd-drive dahil ayaw pa nila kaming hayaang magsama-sama sa paglabas. Hindi kakasya kapag ang sasakyan ni Paige ang gagamitin.
Ngayo'y hindi talaga umalis sa pagkakabuntot sa amin ang sasakyan na sakay ng mga lalaki sa aming likod.
"Kung kaya tayong itakas ni Paige" ngisi ni Ayessa and obviously challenged Paige.
Tumingin sa amin si Paige sa rear mirror at nagsmirk. "Buckle up, everyone" aniya at tsaka ginalaw ang kambyo.
Kaya ganoon na lamang ang aming pagtilian nang bumilis ang patakbo ni Paige at nag-over take pa sa ilang mga sasakyan.
Our phones started to ring, making us laugh, and looked behind us to see if they were still behind us.
Kaya naman noong makarating kami sa mall na pagtutunguhan ng lahat, hindi kami halos makaalis ng parking lot sa sobrang galit ng mga lalaki. Kahit akong wala namang boyfriend, may dalawang pinsan naman na dinamay ako sa kanilang mga girlfriend. Mukha kaming tangang mga pinapagalitan dito sa parking lot! Mukha kaming mga bata!
"Oh, ni isa man sa inyo walang pumigil sa ginawa ni Paige? Ano, gusto niyo rin talagang mapahamak, huh?" si Kuya Gab na pinipigilan ang pagtaas ng boses at nakapameywang sa aming lahat. Si Hyacinth na tahimik na nakatabi sa kaniya ay walang magawa dahil talagang mali nga ang ginawa namin.
Si Paige naman na pasimuno ay akala mo wala lang sa kaniya at irita pang umirap dahil nakabilad kami sa araw. "Sorry, okay? Tara na sa loob! Ang init-init eh" walang pakialam nitong sabi at nauna sa paglalakad na ikinasunod naman namin.
Marahas na bumuga ng hangin si Kuya Shan na mabilis kaming sinundan. "Mga kabaliwan niyo nga naman... Diyos kong mahabagin, pahaba niyo ho ang pasensya namin" madramang sabi ni Kuya Shan.
Hindi na kataka-taka kung pagtinginan kami ng mga tao. Not only that we're like, 13 people but also, gorgeous-looking girls with 6 mighty handsome bodyguards are tailing us behind. Sa bawat store na papasukan, napupuno namin at talagang pinagtitinginan ng mga tao.
Kahit pa noong nasa isang kilalang bikini store kami tumungo, nakasunod ang mga lalaki. Kapwa tumitingin pa sa mga bikini roon at kanilang ibinibigay sa mga babae nila.
I smiled but my heart felt quite lonely. It's not really a big deal to me but I'm the only one who doesn't have someone to hold my basket of bikinis among us.
Kami-kami rin namang mga babae ang naglalapitan para tignan ang aming mga napiling bilhin. Lahat ay mayroong limang pares ng bikini at kahit si Hya na mukhang hindi naman nagsusuot noon ay napilit din namin. Si Kuya Gab pa nga ang nagtulak sa kaniya na pumayag at namili ng mga bikinis niya eh!
"Iba talaga kapag may sugar daddy..." pabirong bulong ni Ayessa noong malapit sa amin si Hya. Hya just looked at us and smiled shyly.
I blushed, too when I realize that she didn't even deny it! Paano kung ganoon talaga? But Kuya Gab is too young to be one!
Syempre, hindi matatapos ang aming pagm-mall nang hindi pagbibigyan ang mga lalaki. We all went to the arcade and play with them. Even us girls enjoyed playing and even spent about 5 thousand worth tokens!
Pagod kaming lahat kaya naman noong pauwi ay hindi na kami tumanggi noong si Kuya Gab na ang nagdrive para sa amin. Baka raw kasi kung saan pa kami magsipunta.
Hinatid na kami sa kaniya-kaniyang mga bahay at dahil mga pagod din sa maghapong pagsasaya, nagpasya kaming magpahinga muna. I just let my body fall onto my bed tiredly and let it consume my energy fully until I fall asleep.
Gabi na noong magising ako. I check the time on my bedside table and saw that it was already 11 P.M.
At akma sana akong aalis ng kama nang may kumuha ng atensyon ko. May isang basket sa harap ng aking vanity table. Malinis na ang kwarto ko noong dumating ako at kahit pagod kanina, hindi ko napansin ang bagay na iyon sa aking vanity table.
Bumaba ako ng kama at tumungo roon. My eyes widened when I saw that it was a basket full of strawberries!
My heart immediately raced. May kutob man ako kung kanino iyon galing, hindi ko agad masigurado dahil wala naman akong nakikitang pruweba na sa kaniya nga galing iyon.
There's a yellow note on a small bag tied to its handle along with a ribbon.
Play me :)
Iyon ang nakasulat sa note kaya naman kyuryoso kong tinanggal ang nakataling maliit na bag roon sa handle ng basket at binuksan iyon. It's a small sack bag.
May isang flashdrive roon. Napatingin ulit ako sa note at nang mapagtanto ang nangyayari, mabilis kong kinuha ang aking laptop at isinaksak ang flashdrive.
My heart was beating so fast in so much anticipation. Pigil ko naman ang ngisi ko sa pagkagat ng aking labi. Hindi naman sa nag-a-assume ako sa maaaring laman nito pero nanlalambot agad ako.
Kahit ang sandaling pag-loading ng pagread sa flashdrive ay para akong sasabog sa sobrang pagkaexcite. At nang magload na iyon completely, I opened the file.
Doon biglang bumungad ang isang video. It made my breathings stop the moment he spoke.
"Hi, Adi" bati niya habang nakabungad ang mukha. Nilayo niya bahagya at nakita ang kagandahan ng asul ng langit at ang paligid niya na mukhang nasa isa siyang malamig na farm.
Hindi ko mapigilan ang sarili na maluha agad sa kakaibang pakiramdam sa aking puso nang makita lamang siya at marinig. He still look so perfectly handsome as ever. Ang simpleng maliit na ngiti sa kaniyang labi ang nagpapaalon agad sa aking tiyan.
"We haven't been in touch for a while?" ang marahan at mapang-akit nitong boses kasabay ang kaniyang simpleng ngiti ang tuluyang nakapagpatulo ng aking luha. "I wanna know if you're... doing okay so..."
"How are you? Are you doing well? I hope so" he chuckled. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang nakita kong pagkinang ng kaniyang mga mata dahil sa luhang namumuo rito. "You're the happiest when you're okay so... I always wanted you... to be the happiest"
My tears flow like an endless river. Hearing him talking like this to me... I feel like he can truly make me the happiest in the simplest way possible.
"If ever you're watching this, gusto kong malaman mo na... handa at lagi akong narito para sa'yo. Gusto kitang malapitan... gusto kitang makausap tungkol sa ating dalawa."
Suminghap si Larry at tuluyan nang nagpakita ang pamumula ng kaniyang mata dahil na rin naharap siya sa sinag ng araw. "Ang daming nangyari. Alam kong mabigat din ang lahat ng ito para sa'yo pero naririnig kong matapang mong nilalabanan ang mga pagsubok mo, Adi. I'm utmost proud of you, My Adi. You never fail to amaze me"
I gasped and caught my tears. Ramdam na ramdam ko ang init mula sa aking puso. Pakiramdam ko ay sasabog ito sa sobrang saya at sobrang pagmamahal...
Ramdam ko ang pagmamahal.
Pinunasan ni Larry ang kaniyang pisnging may luha na at malawak na ngumisi. Bumaba ang anggulo ng camera at pinakita ang mga strawberry bush na puno ng malalaki at mapupulang strawberries. Nakita na rin ang basket na nasa harap niyang nakalapag sa lupa.
"Look, I freshly picked your favorite fruit. Mauubos mo kaya lahat 'to?" aniya habang pumipitas at nilalagay sa basket.
Natawa naman ako nang kumagat pa siya sa isa at nangasim. "Sarap. Kaya pala paborito mo talaga" ngisi niya.
Napunta naman ang tingin ko basket ng strawberries na katabi ko sa kama. I smiled when I took one from it. Kumagat ako at gaya ng naging reaksyon ni Larry, hindi ko maiwasan ang mangasim sa natural nitong lasa. Kumalat na rin ang kabuuang lasa nito sa akin dila na nakapagpangiti pa sa akin lalo.
"This is too much to ask, I know. But... I want a fresh start for us, Adi. Something that you truly deserve and something that... is actually for you"
"Oh gosh..." bulong ko sa sarili nang magsimula na namang umagos ang panibagong luha mula sa akin mata.
"I will show you all of me just like how you show me all of you. I will beat my heart only for you just like how yours beat with mine"
"Wala nang pagpapanggap at pagtatago, wala nang malalim na sakitan. Magsimula ulit tayo nang tayong dalawa lang, Adi. Just the two of us"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All