Homepage/Thorns within the Shadows/
PRINCE LARRY E. ALFANTA PART 2
Iniisip ko pa lang na masasaktan si Alliyah sa gagawin ko, nahihirapan na ako pero sa tagal tagal ko na siyang kilala, alam kong maiintindihan niya ako.
Alam na alam niya kung gaano ko na kagustong makasama si Mama. Siya itong nagpapalakas sa loob ko na mahahanap at babalik din si Mama.
Kaya nilakasan ko na talaga ang loob kong sabihin agad sa kaniya iyon. Ayoko ring itago dahil hindi ko naman gawaing magsikreto. Ayokong makasakit dahil lang sa kagustuhan ko.
Sa ngiti pa lang ni Alliyah, alam kong may mali sa gagawin ko. Hindi ko pa siya kailanman nakitaan ng lungkot sa ngiti.
Ngayon lang dahil sa akin.
"L-liligawan mo siya?" Her voice broke a bit.
Maliit akong tumango. "Tito Simon made a deal. You know how my father stopped the search operation for Mama, right?"
Tumango si Alliyah at nag-iwas ng tingin.
"Itutuloy ni Tito Simon iyon at kapalit noon ay ang panliligaw ko kay Adi"
Nanginginig ang labing binalik ni Alliyah ang tingin sa akin. "B-bakit ikaw pa?"
Nag-iwas ako ng tingin at napabuntong-hininga. "Pinagkakatiwalaan niya ako kay Adi, Alliyah. Nakikita niyang magiging maayos ang lagay sa akin ni Adi"
Hindi ko masisisi si Alliyah ngayong maiyak siya. I know this is gonna hurt for the both of us but I needed to do this.
Kung papipiliin ako, si Mama pa rin ang pipiliin ko.
"I'm sorry" tanging sabi ko habang tinatapik ang balikat niya.
Pinalis niya ang luha niya at tumango-tango. Binigyan niya ako ng isang maliit ngunit malungkot na ngiti.
"Naiintindihan naman kita, Larry. Alam kong gagawin mo ang lahat para sa mama mo"
Humagod ang sakit sa aking dibdib.
"Okay lang sa akin. Mabuti nga't nagsabi ka sa akin. We can still be friends, right? Iyon naman talaga tayo noong una"
Unti-unti akong napangiti sa sinabi ni Alliyah. Hindi ko na rin maiwasang ang maluha sa sobra niyang bait.
"Salamat sa pag-intindi, Alliyah. You don't know how much this opportunity means to me" bulong ko.
Ngumiti siya at napakagat ng labi. She then pursed her lips. "Pero... Kapag natapos na at bumalik na ang mama mo, babalik ka na rin sa akin?"
That hit me hard. Ang hirap noong sagutin lalo na't hindi ko rin masisigurado ang mangyayari sa akin. Mahirap ang hindi mahulog lalo na't kailangan kong umaktong manliligaw at gusto ang isang tao.
Mahirap tantyahin ang tadhana.
"I can't promise that, Alliyah" pagsasabi ko ng totoo.
Her lips parted. Bumalot ang sakit sa kaniyang mukha. Agad naman akong nagsisi at hinatak siya para mayakap ko.
Yumakap din siya pabalik sa akin.
"B-but I'll try my best not to. Gagawan ko ng paraan para hindi ako mahulog at hindi rin siya mahulog sa akin. Pero hindi ako mangangako dahil hindi ko rin sigurado kung matutupad ko iyon. Pasensya"
Tumango si Alliyah at humiwalay sa akin. Nakangiti na akong tiningala. "Ayos lang, Larry. Naiintindihan kita. Alam kong kailangan mong gawin ang lahat para sa mama mo."
"Hindi kita hahadlangan para makamit iyon kahit ang kapalit pa ay ako"
Alam kong mahirap pero gagawin ko. Para sa kapatid ko at para kay Alliyah. Para hindi sila masaktan ay gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.
Even if it takes sacrificing myself. Para kay Mama.
I knew it'll be a challenge. Medyo nakikilala ko na si Adi sa mga ilang pagkikita at pag-u-usap namin.
She gets curious everytime and very gullible. Minsan, kahit ang mga simpleng bagay ay akala niya komplikado. Madali siyang magpapaniwala sa mga bagay na akala niya'y iyon lang ang ibig sabihin.
Not everyone thinks outside the box and she's not an exception. Talagang mabilis makuha ng atensyon niya ang mga bagay sa paligid niya.
Then I realize that she hasn't been in the outside since. Strikto sa kaniya ang magulang niya, maraming bawal, at limitado lang ang buhay niya.
Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kahit sa kaibigan ay hindi siya namimili. She befriend anyone she wants because she craves for it.
She craves for a friendship. Halos kulang na lang ay ipahayag niya na naiinggit siya sa mga taong may kaibigan.
She is gullible. Hindi ko inaasahan na kakagat at kakagat siya sa lahat ng pagpapanggap kong gusto ko siya. Madali siyang paniwalain lalo na kapag tungkol sa romansa.
Wala ring oras na hindi ako guilty. Hindi talaga ako sanay nang magsinungaling lalo na ang magpanggap sa harap ng isang tao.
Pero lagi kong itinatatak sa isip ko na kakayanin ko 'to. Basta't iwasan ko lang ang titigan siya lalo na kapag ngumingiti o 'di kaya'y tumatawa siya. Para ba akong nalulusaw kahit pigilan ko.
I actually found it cute of her to think that every relationship should be the same as other people. She wants it as fun as what she sees on the other.
Kasi hindi naman ako ganoon. I have my own way of loving someone and treating them special. I won't go with the trend or the stereotype. I'll express my love to someone in my own way.
Hindi ako makikigaya sa iba para lang mapatunayan na mahal ko ang isang tao. I go against the odds.
Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang mga gustong mangyari ni Adi. She thinks that it's love already. Ang maghalikan o ipakita sa publiko na mahal niyo any isa't isa.
I'm getting a hold of how to handle her. Submitting to her demands but letting her know the wrongs and rights at the same time is how to calm her down. She's prideful but I can feel how she reflects on her actions, too.
She's something.
Lomi is starting to notice Adi's fondness of me. Kaya madalas kapag mag-u-usap kami ay agad ko siyang sinisigurado na walang mabubuo sa amin ni Adi. Hindi ako mahuhulog at hindi ko siya tatraydorin.
It was easier that I expected. Tinuring kong isang nakababatang pinsan ni Adi. Na kung may mali man siyang gawin, pagsasabihan ko. Kapag ayaw magpatalo, ako ang magpapakumbaba.
But it's getting harder just like what I expected, too.
She's starting to get possessive of me. Ayaw kong isipin na talagang nahuhulog na sa akin si Adi pero iyon ang lumalabas. Hindi pwedeng makarating 'to kay Lomi.
Sobrang init ng dugo ni Adi kay Cheena. Simula noong makita niya kaming nag-u-usap. Isang kaibigan din si Cheena.
I admit that I'm friendly with girls. Ganoon din naman ako sa mga lalaki. Aaminin ko nang mabait talaga ako sa mga tao sa paligid ko.
Ang gustong mangyari ni Adi ay mahirap gawin. Hindi ko pa nagawang manakit ng iba lalo na ng kaibigan. Babae pa.
Adi's starting to hate me for always disagreeing to what she wants. Magkaiba kasi kami ng paniniwala. At hindi naman pwedeng susunod lang ako nang susunod sa gusto niyang mangyari.
It's not healthy. I don't like that.
Sa likod ng aking isipan, may bumubulong sa akin na tama na ang ginagawa ko. To make Adi hates me to guts.
But I disagree to it. Hindi iyon tama at hindi ko gustong may hinanakit sa akin ang mga taong nakapaligid sa akin.
"Happy birthday. Hindi na ako magtatagal" bati ko kay Alliyah pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang regalo kong sapatos sa kaniya.
Ngumiti si Alliyah at nagsabi ng buhok. Napangiti rin ako. Now I understand why I liked her for a long time.
"Thank you, Larry. Bati mo lang at presensya ay ayos na ako. You know that" aniya na ikinangiti ko.
I don't want to admit that I'm enjoying my relationship with Adi. Kasi mali. Nagpapanggap lang ako at hindi naman totoo. Pilit ko iyong pinipilit sa isip ko.
It feels right to see her hates me but wrong at the same time. Para bang dalawang katauhan na ang hawak ko ngayon na may magkasalungat na pinaniniwalaan.
That's when I realize that I'm confused. Hindi ko na maamin sa sarili na si Alliyah pa rin ang gusto ko. Hindi ko rin maaamin na hindi ko gusto si Adi.
Sa totoo lang, hindi mahirap na magustuhan si Adi. I can't even spot a flaw in her. Ang pagiging demanding niya? I find it cute. Ang pagiging tampuhin niya? I find it strengtening.
She's an open book. She's giving me all of her. I know her likes and dislikes, her happiness, and even how she thinks of something.
Sobrang dali niyang basahin.
At nag-guilty ako dahil hindi ko man lang makipakita sa kaniya ang buong sarili ko. Kasi kailangan. Kahit gusto ko nang lumabas, hindi pwede.
Ayokong makasakit.
Kahit anong kontrol ko sa sarili ko, mahirap pigilan lalo na kapag puso ko na mismo ang nagdidikta.
It's like a battle of myself in two worlds. I'm in control of both but I could only save one.
Hindi ko na namamalayang tumititig ako sa kaniya, kumakalabog ang dibdib ko kapag nakikita siya, napapangiti kapag kasama siya...
At humahalik na rin sa kaniya.
It feels nice to be a good influence to her. She's still learning in life. Marami pa siyang hindi alam at maling pinaniniwalaan.
Lalo na sa mga bagay na gusto niya agad makuha.
She's impatient. She gets what she wants immediately. Iyon ang paniniwala niya.
And I'm glad to change that mindset of her. I love how she's starting to improve herself.
Ang tanging problema ko lamang sa kaniya ang ang hindi niya pagpapaalam sa magulang niya. She's stubborn! Hindi ko makuha ang lagi niyang sinasabi na kasama naman niya ako kaya bakit pa siya nagpapaalam?
Iyon ang laging kompronta sa akin ni Tito Simon kapag mag-u-usap kami.
Lagi akong nagpapaalam kina Tito Simon kapag aalis kami. Pero ang dapat naman kasing gawin ni Adi ay siya mismo ang magpaalam sa magulang niya. Iyon lamang ang hindi nagugustuhan ni Tito Simon.
Well, we can't really control her stubborn daughter.
Hindi ko napapansin na talagang may nabubuo na ako para kay Adi. Para bang walang kakaiba para maramdaman ko sa kaniya iyon. Para bang walang mali kung mahulog man ako.
Kaya hindi ako nangako sa alam kong posibleng mangyari. I can't promise that I won't fall for Adi because it's unpredictable. She's unpredictable.
I'll just see myself smiling more than I usually do. Wala sa sarili ko na rin siyang maiisip kapag wala akong ginagawa. Bigla ko na lang siyang maaalala at mapapangiti kapag nararamdaman ang puso ko na sumasang-ayon sa akin.
Alam kong nahuhulog na ako. And I don't feel bad about it.
"Man, Jerome is whipped for her!" kwento sa akin ni Crissy, isa sa mga kaibigan kong babae.
Nangingiti ko namang sinulyapan si Alliyah na tahimik na nakikipag-usap kina Jerome and Ruzelle.
"Since you have a girlfriend naman, paubaya mo na si Alliyah" biro ni Crissy na ikinatawa ko.
Nawala ang pangamba kong masasaktan si Alliyah kung sakali mang masabi ko na sa kaniya ang totoo. Na nahulog na ako kay Adi at kaibigan na lang tingin ko talaga sa kaniya.
Masaya ako sa naging pagkakaibigan namin ni Alliyah. And still now, she really is a good friend.
Kaya masaya ako kung sa iba na siya magkagusto.
We deserve a love that will never make us feel like we're not a priority. Alam ni Alliyah iyon.
Inaya ko muna si Alliyah sa madalas naming pwestuhang magkakaibigan sa quadrangle pagkatapos ng klase naming iyon.
Gusto kong linawin ang lahat kay Alliyah. Kahit na una pa lang ay nabigay ko na sa kaniya iyon, ayoko namang mapaasa siya kung sakali mang kinapitan niya ang sinabi ko noon.
"I heard about you and Jerome..." panimula ko.
Nakita ko kung paano siya mamula ay nahiya. She shook her head. "Wala 'yon... nang-a-asar lang sila"
I chuckled. "You don't have to be shy about it, Alliyah. We both know you deserve it"
Napatingin siya sa akin, tila ba'y nagulat. Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya.
"We both deserve the love that we needed, Alliyah."
Napakurap-kurap siya. "A-anong sinasabi mo, Larry? Natatawa ako..." she then smiled.
"Mahirap pigilan ang puso, Alliyah. I can't help but to fall for Adi." natatawa akong napayuko. "Inasahan ko naman na pero nakakagulat pa rin."
"T-talaga? That's..."
Umahon ang tingin ko kay Alliyah na umiwas ng tingin at naluluha na akong tinignan. Unti-unting napawi ang ngiti ko.
"Masaya ako para sa'yo, Larry"
Agad namang gumaan ang loob ko at nginitian na rin siya. "Masaya rin ako para sa inyo ni Jerome"
She really is a good friend of mine. Alam kong ramdam niya ang turing ko sa kaniya. Hindi na bilang manliligaw kun'di bilang kaibigan na lamang.
Hindi ko masisisi si Adi kung maging selosa siya. She just don't want me to be with other girls.
Sa akin, hindi ko naman nakikitaan ng masama ang pagkakaibigan ko sa mga babae. I don't see them more than that pero kung masasaktan lang si Adi dahil doon, I'll gladly change.
I don't want her to be upset. She's a completely different person when she's hurt and upset. It scares me.
Sobrang init talaga ng dugo niya kay Alliyah. Mali pa yatang maikwento ko sa kaniya na may past kami ni Alliyah. She thought I have an affair with Alliyah! Iyon ang bagay na ayaw na ayaw kong iparamdam sa kaniya.
Hinding-hindi ko magagawa siyang ipagsabay sa iba. Iyon ang una kong sinigurado sa sarili ko. Alam kong mahuhulog ako kaya pinutol ko kung ano man ang nararamdaman ko sa ibang tao.
Hindi ko maitatangging ilang beses kong nababanggit si Alliyah sa kaniya. Hindi ko intensyon na masaktan siya o pagselosin. Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Alliyah at ganoon siya sa akin.
She needed help so I help. She needed support so I support her. Walang ibang ibig sabihin iyon kun'di ang pagmamalasakit.
She got impregnated. Hindi niya sinabi kung sino pero ayoko naman nang dumagdag sa kaniyang emotional trauma. Tinulungan ko na lamang siya sa lahat ng aking makakaya. Hindi kakayanin ng konsensya ko ang makita ang isang kaibigan na magdusa mag-isa.
A friend is in need so I'm here to help.
But why would one still betray? Bakit kung sino pa itong pinakapinagkakatiwalaan ko, siya pa itong sisira sa akin?
"Alliyah, bakit?" halos walang emosyon ko nang sabi.
Adi learned the truth. She knows everything. Na dahil lang sa isang kasunduan ay nangyari kami. Nalaman niya na nagpapanggap lang ako na mahal siya.
Lahat naman iyon ay tama pero paano ko ilalaban ang katotohanang nahulog na talaga ako sa kaniya? Na totoo ang pagmamahal na mayroon ako sa kaniya?
"L-larry, patawarin mo ako... I'm sorry... n-nadala ako..." si Alliyah na hindi nakatanggi aking naabutan kanina.
Nagkasagutan sila ni Adi. Hindi ko inaasahan na babaliktarin ako ni Alliyah nang ganoon. Sinabi ko sa kaniya na 'wag na 'wag niyang ilalabas ang sikretong iyon kahit kanino. Lalong-lalo na kay Adi.
Pero ginawa pa rin niya.
Hindi ko na alam kung ano gagawin.
"L-larry, pinaasa mo ako! S-sabi mo, hindi ka mahuhulog sa kaniya! Sabi mo, pipigilan mo ang sarili mong mahulog sa kaniya!"
Umahon ang tingin ko kay Alliyah. Parehas na kaming umiiyak ngayon. Magkatapat kami sa sofa at parehas na nagsisisi sa mga nagawa.
Gustong-gusto kong saksakin ang sarili ko kanina noong makita ko si Adi. She's just a crying mess. Kitang-kita ko ang sakit na naibigay ko sa kaniya.
Kahit kailan, hindi ko ginustong mabigyan si Adi ng kasakitan. She doesn't deserve any of it.
Pero wala na akong magagawa. Nagawa ko na at magagawa ko pa bang ibalik ang oras?
"Alliyah, please. Alam nating dalawa na nilinaw ko ang lahat una pa lang, 'di ba?"
Sa sobrang laki ng tiwala ko kay Alliyah, hindi ko naisip na magagawa niya akong baliktarin. Kung sa ibang tao para sana malalaman ni Adi ang katotohanan, baka mapapagbigyan ko pa.
Pero kay Alliyah mismo. Sa taong tanging sinabihan ko lahat ng pangyayari sa buhay ko.
Hindi ko na alam ang gagawin. Paano ko sasabihin kay Adi ang lahat? Paano ko siya mapapaniwala na siya itong minahal at minamahal ko? Paano ko maipapakita nang buo ang sarili ko kung gayong wala na siya sa akin?
Umuwi ako sa amin. Mali pa yatang desisyon iyon dahil lalo lang akong niyakap ng kadiliman.
Our house doesn't feel like home. Literally. Too gloomy and somber. Hindi ako mapapahinga rito ngunit wala rin akong choice.
Wala na akong pahinga.
Kinabukasan, halos mabingi ako sa ingay. My phone was ringing ringing at noong tignan ko ang oras, alas kwatro ng madaling araw.
At lalo akong nagtaka dahil si Paige ang tumatawag.
"A-adi's with you, r-right?"
Napabangon ako ng higa sa narinig. Sa panginginig ng boses ni Paige at sa tanong niya pa lang, para akong nawalan ng dugo.
"B-bakit, Paige? Anong nangyari?" kabado ko na ring tanong pabalik.
Kabado ako sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko'y may nakadagan sa aking dibdib na hindi ko mawari.
"Fuck! Larry, nasa'n si Adi! B-bakit hindi mo siya kasama?!"
Doon na ako tinakasan ng kaluluwa. I hurriedly went out of my room. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko habang papalabas ako ng bahay.
"Ikaw ang huli niyang pinuntahan, 'di ba?! Paanong hindi mo siya kasama?!" ang boses ni Paige na halos hindi ko na mapagtuunan ng pansin sa sobrang pagkabilasa. Mabilis kong tinungo ang bahay nila Shan na mukhang may mga tao rin dahil bukas na bukas ang mga ilaw nila sa bahya.
Hingal ako noong makapasok sa bahay nila at bumungad sa akin sa sala sina Shan, Art, Clane, at si Paige.
Nakita ko kung paano sila matigilan sa aking pagdating. Halos hindi rin ako makaalis sa kinatatayuan nang makita silang iisa ang istura. Lahat ay namumutla at hindi mapakali.
Tangina.
"Fuck you, Larry! Nasaan si Adi?!" si Paige na agad akong sinugod.
Inalala ko ang nangyari kahapon. Pagkatapos umalis ni Adi ng condo, hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Halos mawala na rin ako sa sarili noon dahil sa sobrang pagsisisi at pagkadismaya sa nangyari.
Tinanggap ko lahat ng sampal at suntok sa akin ni Paige. Hindi ko na rin maibalik ang sarili kong katinuan at napatitig na lamang sa kawalan.
Lahat ng mga negatibong bagay ay pinuno agad ang isipan ko. Ang posibilidad na may mangyaring masama kay Adi ang nagpagimbal sa akin.
Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"W-where's my sister?! N-nasaan si Adi?!" si Paige na ngayo'y umiiyak nang niyayakap ni Clane para mapakalma.
Nilapitan ako ng dalawa kong pinsan. Kapwa bilasa rin at hindi na mapakali sa nangyayari.
"L-Larry, hindi mo talaga alam kung saan nagpunta si Adi?"
"Ikaw raw ang huli niyang kasama"
Napaangat ang tingin ko sa mga pinsan. Sobrang bigat na ng dibdib ko sa mga iniisip ko pa lamang. My eyes pooled in tears and just that moment, I broke down.
"T-tangina, s-sorry. M-may nangyari at umalis si Adi. H-hindi ko rin alam kung saan siya pumunta."
Napamura ang aking mga pinsan. Si Art ay problemadong napahawak sa batok at tumingala. SI Shan ay namumula na rin ang mga mata at umiigting ang pangang may tinipa sa kaniyang phone.
Ako itong nalunod sa mga pagsisisi.
Sobrang gulo ng isipan ko. Kahit anong pag-i-isip ko ng mga positibong bagay, nananaig sa akin ang panghihina at pagkasisisi.
Bakit ko hinayaang umalis si Adi? Bakit hindi ko siya hinabol at kinausap nang masinsinan?
Paano kung may mangyari sa kaniya?
Tangina, kasalanan ko ang lahat ng mangyayari sa kaniya.
"Hinding-hindi kita mapapatawad kapag may nangyari sa kapatid ko!" tulak sa akin ni Paige na sobrang galit na galit.
Hindi ko siya masisisi. May karapatan siyang magalit sa akin. Lahat sila, kung tutuusin dahil ako itong nagpabaya kay Adi.
Kahit ang sarili ko, hindi ko talaga mapapatawad.
Buong pamilya namin ang naalarma sa nangyari. Hindi nagsayang ng oras para kumilos. Ang aming security agency ang agad na nagsimula ng operasyon.
Malaking eskandalo 'to kaya hindi na ako umapila pa kung bakit private investigation ang mangyayari.
Ramdam na ramdam ko ang pagpipigil ni Tito Simon na banggitin sa lahat ang kinalaman ko roon. Alam kong kumukuha pa ng pagkakataon na makausap ako ni Tito lalo na't isa ako sa hindi pa nagpapahinga sa pagtulong.
Inasahan ko na rin ang masaktan ako.
Napabagsak ako sa sofa ng kanilang bahay nang suntukin ako ni Tito Simon. Galit na galit at magagawa pa yata akong patayin.
"What happened to Adhara?!" tila ba'y sumabog na kulong kaniyang boses.
Hindi ko na mainda pa ang sakit ng sapak niya sa akin dahil nangingibabaw ang emosyon ko sa akin. Walang oras ang hindi ako nagsisisi. Hangga't hindi nakikita si Adi, hindi ako matatahimik.
"N-nalaman niya ang kasunduan natin, Tito" Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All