Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 50
"S-stay in? Dito muna sa kwarto..." buong pustura ko pa ring sabi kahit na nanlalambot na ang mga tuhod ko.
He then hummed in acknowledgment. "Okay. I'll just tell the others that you're tired if ever they ask you" aniya at tumayo.
Agad naman akong naalarma dahil baka umalis siya. I immediately jolted up, making him stop from his tracks and look back at me in question.
Lumunok ako at bumuntong-hininga. "D-dito ka muna. Dito muna tayo" I said, with plea laced in my voice.
Napaawang ang labi niya. Napansin niya siguro ang halos pagmamakaawa sa boses ko.
"Ipapaalam ko lang sa kanila na nandito ka na. Baka kasi hanapin ka. Babalik naman agad ako." he assured me, making me nod in defeat.
Iniwas ko ang tingin nang maramdaman ang kakaibang hagod sa aking dibdib. It's not that I'm being demanding to him but... I just want us to talk more about ourselves and how our lives has been without each other. Sa kaonting panahon na wala akong iniisip sa kaniya kun'di pagkamuhi at kasakitan ay gusto kong malaman kung may magagawa ba siya roon para malunas ang sugat na naitanim niya sa aking puso.
I was caught off guard when he went to me and crouched a bit to level me. "Trust me. Just wait for me. Hindi ako magtatagal. I'll just inform them that we're already here. Are you okay with that?"
Hindi agad ako nakasagot dahil napatitig lamang ako sa kaniyang mukhang ilang pulgada lang ang layo sa akin. Wala sa sarili pa akong napatingin sa labi niyang matagal ko nang hindi nadampian.
"Or kung gusto mo, come with me?"
Umiling ako. "I'm tired. Baka hindi ako makatanggi kapag inaya nilang lumangoy"
Larry chuckled at my reason. Hinaplos ang aking buhok at umayos na ng tayo.
"I'll come back immediately. I promise. Kahit bumilang ka pa hanggang 100"
Natawa naman ako sa huli niyang sinabi at hinayaan na siyang lumabas ng kwarto. I sighed deeply the moment he shut the door. Napayakap ako sa unan na nasa kandungan ko.
Marami akong gustong itanong at malaman mula sa kaniya. Sa kaniya ko lang naman malalaman lahat ng sagot sa lahat ng katanungan ko sa kaniya. It's him whom I only need to let my heart beat freely and love again.
Mabilis pa sa kidlat ang pagbaling ko sa pinto kung saan bumukas iyon at iniluwa si Larry. My heart boomed in glee as he approaches me with a bottle of water. He really did came back immediately. At halos wala po iyong ilang minuto noong umalis siya.
"That was... fast" sabi ko nang iabot niya sa akin ang water bottle.
He smiled and sat on the other bed. Uminom siya sa bote at nang mapansin ang titig ko ay halos masamid pa siya. I smiled cheekily. "You okay?"
Tumango siya at huminga nang malalim. Napatingin sa hawak ko at inabot iyon. Binigay ko naman sa kaniya iyon. He opened it and gave it to me without the cap.
Uminom na rin ako at halos mapangalahati ko pa iyon. Hindi naman sana ako uhaw pero pakiramdam ko ay kailangan kong i-hydrate ang aking lalamunan ngayong nasa harap ko siya.
"Noong araw na iyon..."
Unti-unti kong nilingon si Larry na nagsalita. He's looking at me carefully as if he's sorting out his thoughts to deliver them well. "That day on my condo... bigla kang nawala"
Memories flood in. How wrecked and miserable I was leaving them both because I learned the truth. Everything.
Sumisibol ang awa ko sa sarili tuwing maaalala ko ang naging sitwasyon ko noong panahong iyon. Halos wala na akong maisip kun'di ang gumanti at ibalik lahat ng sakit sa kanila. Ni wala na akong mahanap na rason para sumaya at maging malaya mula sa sakit sa mga nalaman.
"I left." Sagot ko nang buo at walang pag-a-alinlangan.
Matamang tumango si Larry at nanatili pa rin ang tingin sa akin. "If it's okay to you... can we talk about that day?"
Iyong araw na kinompronta ko si Alliyah pero nabaligtad ang nangyari? Imbis na siya itong mapaalis ko at mapatigil, ako itong ginanoon niya. Siya na mismo ang umamin ng lahat ng kasunduan ni Larry sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
"Yeah. We can"
Nakita ko kung paano sumilip ang pag-asa sa mata ni Larry. As if he's not expecting me to say yes.
Bakit naman hindi? Gaya na lamang ng gusto kong mangyari, I want to learn every truth coming from him. HIndi galing sa ibang tao kun'di sa kaniya at sa akin kung mayro'n man.
Larry sighed and nodded to himself. "Totoo na si Alliyah 'yung gusto ko bago ka"
Tumango ako. I feel... nothing. Really. Wala akong ibang maramdaman sa sinabi niya ang gusto kong malaman ay ang lahat-lahat. Hindi lang ang kaniyang nakaraan sa babaeng iyon kun'di ang lahat ng pinagdaanan namin.
"It's true that I courted her. Senior noong nakilala ko siya. She's included in our circle of friends at noong first year college kami ay doon ko siya niligawan. I liked her."
"You liked her" ulit ko sa huli niyang sinabi.
He nodded and sighed again. "That's when you came in. Hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yung ideyang sa akin galing 'yung love letter na tinutukoy niyo ng daddy mo noong pinapunta mo ako sa inyo noong gabing iyon"
I bit my lips in embarrassment. "I-it was from Lomi, right?"
"Oo. Galing sa kaniya iyon at ikaw 'yung tinutukoy niyang gusto niya. Hindi si Leticia"
Hearing about Lomi's infatuation with me... it feels strange but enlightening. Para bang mas malaki nga ang posibilidad na magustuhan ako ni Lomi noon pero binabaliwala ko lang dahil... nagkakaroon ako ng interes kay Larry noon.
"But the talk with your dad about you... I accepted it for the known reason, Adi"
"Para kay Mama."
Halos maramdaman ko ang pisikal na sakit sa aking puso sa nalaman. So it is true. Na para sa Mama niya kaya niya tinanggap ang kasunduan mula kay Daddy.
But that's weird. Bakit si Daddy ang nagpresenta?
"Bakit si Daddy ang nag-alok sa'yo? Hindi ba't may security agency kayo?" I asked curiously.
Doon ko nakita ang pagsilip ng sakit sa mata ni Larry.
"Bago ko makausap ang papa mo tungkol sa'yo, weeks before that, pinatigil ni Papa ang pagpapahanap kay Mama."
Ngayon ay nakaramdam ako ng awa para kay Larry.
"Hindi ko alam kung bakit... Nagalit ako... nasaktan... nawalan ng pag-asa na mahanap pa si Mama. Sabi niya ay wala na raw talagang pag-asa pero hindi ako naniniwala. Hangga't walang katawan ni Mama, hindi ako maniniwalang wala na talaga siya"
Humangos siya at umigting ang panga. "Nalaman ko na may babae si Papa... tangina" napapikit siya at yumuko. Umayos siya ng upo. Nakabukaka ang hita at nakapatong bawat bisig roon habang ang mga kamay ay magkahawak.
"A-agad kong ipinaalam kay Tita Rachel iyon pero ang sabi niya, bantayan ko muna at siguraduhin. Ang tanging pruweba ko pa lamang noon ay ang paggasta niya ng milyon sa isang hotel at mga mamahaling damit na pangbabae"
I shifted in my seat and couldn't take everything in. Si Tito Bill... may babae...
Hindi ko halos maipasok iyon sa aking katinuan lalo na't nakita ko pa lang siya kasama ang kaniyang asawa noong nakaraan.
"Hindi ko alam kung paano nalaman ng papa mo na pinatigil na ni Papa ang pagpapahanap kay Mama. Doon nag-alok si Tito Simon ng kasunduan"
"He'll conduct an investigation at kapalit noon ay ang... kunwaring panliligaw ko sa'yo"
Uminit ang mata ko. "P-pagpapanggap lang talaga?"
Larry sighed. "That was the plan but... bumaliktad"
"Si Alliyah ang nililigawan ko noon. Pero dahil wala na akong ibang choice kun'di itigil iyon dahil ayoko namang... umasa si Alliyah na may magiging kami pa kung sakaling matapos ang kasunduan"
Unti-unting kumunot ang noo ko. Ang sinabi sa akin ni Alliyah, siya pa rin at siya ang babalikan kapag natapos ang lahat. She's even pregnant with Larry's child! Iyon ang sabi niya pero mukhang lumalabas na kasinungalingan iyon ngayon.
"It's unpredictable. Hindi ko masisiguradong pagpapanggap lamang ang magagawa ko sa'yo o totoo na"
My breath hitched. Ibig sabihin... may katotohanan ang nararamdaman ko sa kaniya noon.
"Una pa lang, pinutol ko ang panliligaw ko kay Alliyah. I told her the reason. Ayoko namang masaktan siya sa bigla kong pagtigil sa kaniya nang walang dahilan. And as expected from a good friend she is, she accepted it"
A lump on my throat hurts. It's like the words I wanted to say but I can't find the right timing. Ayokong magmukhang apektado pa rin doon pero alam kong kailangan ko pa ring malaman ang lahat ng katotohanan.
"Pero you did pretended, right?" maingat kong tanong.
Hindi na ako nagulat sa pagtango ni Larry.
"Noong una-una... may nararamdaman ako kay Alliyah, s'yempre at ayokong guluhin ang sarili ko kung sakali mang... mahulog ako sa'yo"
I won't deny that it hurts.
Larry chuckled, making me flinch.
"But just like what I said, it's unpredictable. You're unpredictable, Adi" aniya at umahon ang tingin sa akin. Para naman akong malalagutan ng hininga sa sobrang lambot ng tingin niya sa akin. "I fell"
My heart stammered uncontrollably. Halos mabingaw ako sa ingay nito at ayaw na akong pagsalitain.
"But I don't want to compete with my brother. Siya ang nauna sa'yo, Adi. Ayokong saktan ang kapatid ko"
He always considers Lomi in all possible ways. Si Lomi ang lagi niyang inuuna at laging pinapaboran. Kung ano ang gusto ni Lomi, susundin niya. Even if it's a life threatening situation, he'll put Lomi first.
He's a great brother.
Ngumiti sa akin si Larry ngunit gumuguhit ang sakit doon. "Noong nalaman niyang nililigawan kita, halos sapakin niya ako noon." natawa siya na para bang inaalala ang naging bangayan nilang magkapatid. "Matagal ko nang alam na gusto ka ni Lomi, Adi"
If that's so, bakit siya pumayag sa kasunduan ni Daddy?
"Bakit mo pa rin tinanggap ang alok ni Daddy? You know you'll be in a complicated situation with me..."
He smiled with teary eyes. "Mahal na mahal namin ni Lomi si Mama, Adi."
Uminit ang puso ko sa kaniyang sinabi. He's not just a great brother but a loving son, too.
"Kaya nangako na lang ako kay Lomi na... hindi ko siya ta-traydorin..." naiiling siya napaiwas ng tingin. "But I guess I couldn't really help myself. Now I understand why Lomi liked you for so long"
Hindi ko maiwasan ang mamula. I smiled shyly and chuckled at his confession.
"So... how did you deal with that?" I asked casually, a bit intrigued by his journey.
Tinukod niya ang kamay sa likod at napatingin sa kisame. Tumagilid ang ulo at nangingiting nagkwento.
"I had to keep it a secret. Halos ang tagal ko ring tinago iyon kay Lomi. Para hindi rin mahalata, kapag magkasama kayo, hinahayaan ko na lang kayo dahil paniguradong masasaktan siya kapag magkasama tayo"
"And I almost thank the heavens when I saw how Lomi smiles when he's with Leticia"
Napangiti ako sa kwento ni Larry. Lahat nga talaga kami ay nakikita iyon kay Lomi pwera lang mismo sa sarili niya. He's denying that he doesn't like Leticia but his actions and smiles show otherwise.
"Sa puntong iyon, napagtanto ko na... pwede ko nang pagbigyan ang sarili ko. Sa'yo na lahat ng nararamdaman ko at hindi na ako mag-a-alinlangang ipakita sa'yo 'yon. It's a guilty pleasure"
Nagpigil ako ng ngiti. Ngunit nang bumaba sa akin ang tingin niya ay hindi ko na napigilan ang sarili na mapangiti sa kaniyang sinabi. It warms my heart and butterflies are already dancing in my stomach.
"Should I feel guilty rin ba?" Biro ko na ikinatawa niya.
Lomi liked me for quite a long time and he wasn't able to confess it to me because of their situation. Tapos, sa kuya niya pa ako nagkagusto.
"I don't even think if it matters anymore. He's pursuing Leticia..."
I smiled. "At last..."
Larry stood and went to me. Nagulantang naman ako nang lumuhod siya sa harap ko at tumagilid ulit ang uling tumingin sa akin.
"Can I pursue you, too?"
My eyes widened with his sudden boldness. Halos mabitawan ko pa ang katinuan ko nang bigla niyang sabihin iyon.
Ngumiti ako sa kaniya at inabot ang kaniyang kamay. He then stood up and held me up, too.
He's waiting for my response but my naughtiness kicks in. Humawak ako sa kaniyang braso at tumingkad para mahalikan siya sa pisngi.
"Maybe" panunuya ko at nakangising umalis sa harap niya. Palabas ako ng kwarto anng lingunin ko siya.
Natawa naman ako nang makitang nakahawak siya sa pisngi niyang hinalikan ko habang nakaawang ang labing nakasunod ang tingin sa akin.
Ang balak kong magpahinga sa kwarto ay hindi ko nagawa dahil nawala iyon bigla sa aming pag-u-usap ni Larry. All my worries and concern flew away and I just feel refreshed and free again.
Free from all of my chain of thoughts and fallacies. Ni hindi ko na nga rin namamalayan ang madalas kong pagtawa ang pagngiti.
Pababa ng hagdan ay nakasalubong ko si Ashery na paakyat. Agad naman siyang napangiti nang makita ako.
"Nasa beach na sila, Ate Adi"
Natigilan naman ako. "Already?"
Tumango siya at napatingin sa likod ko. Ngumiti ulit at bumalik din sa akin. "Kukunin ko lang ang sunscreen namin nila Annie" tsaka siya tuluyang umalis.
Bumaling naman na ako sa likod ko at bumungad si Larry na pinanliliitan na ako ng mata.
I grinned mischievously and held his hand.
"Nasa dagat na raw sila. Tara na rin?" aya ko.
"'Yan ang suot mo?" turo niya sa dress ko.
Umiling ako at hinatak siya pabalik sa kwarto namin. Agad akong nagtungo sa maleta ko at inilabas ang mga gamit. I took my kit where my lotions are. Pati ang isang pair ng dark green na bikini na aking susuotin.
Kita ko ang pagtitig ni Larry sa hawak kong bikini noong tumayo ako. He's sitting on my bed and gawking at me like a prey.
Nakangiti ko namang iginilaw sa kaniyang harap ang aking hawak na bikini. "I'll just change. Sana makalabas pa tayo ng kwarto kapag suot ko na 'to" tsaka ako kumindat sa kaniya.
Larry blushed and shook her head. "The naughty Adi is back"
Natatawa naman akong pumasok sa banyo at nagpalit na ng pangligo. Halos hindi ko rin maalis ang ngisi ko sa labi habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin. It's a tube top with a connected loose sleeves. The bottom was a cycling type but it has a cut on sides with a zigzag pattern.
Hindi ko na rin makapa ang katinuan sa sarili at nakangising lumabas ng banyo. I saw Larry fixing my things on my bed when he turned to me almost immediately. Nakabihis na rin siya ng puting beach shirt at puting khaki shorts.
I smirked when he gaze me from head to toe. Kalauna'y natigil sa aking mukha at lumapit sa akin nang nakapamulsa. May puting twalya na rin siya sa kaniyang balikat na mukhang para sa akin pa yata.
"Labas na tayo" halos paos pa niyang sabi na hindi nakaligtas sa akin.
Napahalakhak ako. "Right. Baka mahubad din sa akin 'tong suot ko eh"
Kaming dalawa lang pala talaga ang nasa bahay at nasa dagat na ang karamihan. Pagkababa na pagkababa sa hagdan patungo sa dagat ay napatakip agad ako nga mata sa sinag ng araw.
At sa paglalakad naming dalawa patungo sa dalampasigan, kitang-kita ko kung paano magsitigil sa mga ginagawa ang mga kaibigan at nagsisigawang kumaway sa amin.
"Sexy mo, Adi!" Tili ni Leticia na papalapit sa akin suot ang kaniyang pulang bikini.
I grinned and scanned her shamelessly. "You're sexier! Gosh, your boobs" tsaka ko pabirong hinaplos ang kaniyang dibdib.
Ngumisi si Leticia. "Pwedeng maging pain 'to" biro niya na ikinalahakhak naming dalawa.
Si Larry naman ay tumungo kay Kuya Gab na kasama si Hyacinth na nakadress pang puti at mukhang hindi pa naliligo. Nasa sun loungers sila at nasa ilalim ng payong.
"Buti at naisipan niyo pang lumabas. Akala ko maghapon kayong magkukulong at kung ano nang kababalaghan ang gagawin eh..." Nangingiting pang-a-asar ni Kuya Gab kay Larry at hinampas pa ito.
Larry grinned. "Mamayang gabi pa kasi"
Nanlaki naman ang mata ako at agad na nag-init ng mukha sa sinabi ni Larry. Did he just what!
Nahuli ni Larry ang masamang tingin ko. He just smirked sexily and went to me. Kinuha niya ang hawak kong sunscreen at naglagay sa kamay niya.
Naglagay na rin ako sa aking katawan. Siya naman ang tumulong sa akin sa paglalagay sa likod at halos mangatog naman ang aking binti nang lumandas ang kaniyang kamay sa aking hita.
"Baka hindi mo maabot..." Pangunguna niya sa akin.
Tumikhim lang ako at nauna na nang nagtatakbo sa dagat. Napatili naman ako nang mabilis akong mabasa ng tubig dahil sa pangbabasa ng mga lalaki. Sinalubong pa ako ni Clane at agad na hinatak sa malalim kung nasaan naroon si Paige.
"Maharot ka nang bata ka ah..." Si Clane noong bitawan ako at tumabi kay Paige.
Ngumisi ako at nilingon si Larry na nasa akin ang tingin; lumusong na rin sa tubig.
"Palit na lang kayo ni Larry, Paige. Para kayo na lang ni Clane ang magkasama sa kwarto" sabi ko sa kapatid na tumaas agad ang kilay sa akin. Tinignan ko naman si Clane sa paraang nangungumbinsi para pasang-ayunin si Paige. "'Di ba, Clane? Para no hassle if you guys want some privacy..."
"Mabubuntis ka talaga ngayon, Adhara. I was just joking earlier!" May halong pagbabanta na ni Paige na ikinahalakhak namin ni Clane.
Nakita ko na lamang ang pagsilip ng ngiti sa labi ni Paige at yumakap kay Clane. Clane winked at me before they swim away from me.
I immediately felt a familiar pair of arms around my waist. Napatingala ako at isinandal agad ang ulo sa balikat nito. Kaya naman pala umalis ang dalawa...
"Bakit parang tsuma-tsansing ka yata ngayon?" Panunuya ko at hinarap na si Larry na inosente akong inilingan.
"Hindi ah..." pagtanggi niya pero humahagod na ang kamay sa aking baywang.
Pabiro naman akong umirap at inaya siyang makihalo sa iba.
Ibang-iba rin ang mga tingin sa akin ng mga babae. Naghahalo ang pagkagalak sa nakikita at ganoon na rin ang panunuya kapag makikitang lalapit ako kay Larry. Lalo na noong nagpasya kaming sumakay sa mga inflatables na aming dala.
Euna, Ayessa, and I are on the swan inflatable; Paige and Leticia are on the giraffe; and the powerpuff girls are on the unicorn.
Si Hya ay inaaya namin kanina pero ayaw pa raw dahil masyado pang mainit.
"Larry's eyes are all on you ah..." Si Ayessa na suot ang kaniyang puting bikini.
Ngumiti na rin si Euna sa akin. "It's been a while since I saw that smile on his face, Adi. Same goes to you smile" she said sincerely. Siya nama'y nakaitim na bikini na katulad ng design ng akin.
I smiled at the two. "Binitawan ko na ang mga hinanakit at galit ko. I can't handle them properly."
Euna hugged me. "You're doing great, Adi. I'm proud of your decisions"
I knew I could count on my friends. Sila itong masasandalan ko kahit anong oras at maglalaan ng oras sa kahit anong sitwasyon.
Sa buong hapon na iyon ay nagsaya lamang kami. Sinulit ang init ng araw at ang kalayaan na magkatuwaan lalo na't wala namang masyadong taon sa dagat kun'di kami kami lamang.
Naghahanda ng hapunan sila Kuya Gab kasama ang ilang babae. Ang iba'y nakatambay sa sala at may kung ano-anong pinagkakaabalahan.
Dahil sa pagod kanina sa paliligo sa dagat, pagkatapos kong maligo sa banyo ay nakaidlip pa ako. Nagising na lamang ako nang maramdaman ang paggalaw sa akin ng kung sino.
Then I remember, Larry's with me.
"Did I wake you up? Sorry... Inaadjust ko lang 'yung unan mo" anito at umalis sa kama.
Umupo naman ako sa kama at nag-inat. I'm already in my pajamas lalo na't napag-usapan naming mga babae kanina na isuot namin 'yung rainbow na pangtulog namin kung saan kumpleto na ang aming colors.
"I'm awake naman na" sabi ko kay Larry noong pinapatulog niya pa ulit ako.
Nakaupo siya sa tabi ko sa kama. Wala sa sarili naman akong sumiksik sa kaniya at ipinatong ang ulo sa balikat niya. Naramdaman ko rin ang paggapang ng kamay niya sa akin. Dahan-dahang ipinagyakap ang aming mga kamay.
I smiled as I look down. Our hands are perfect for each other.
"May garden sa roof top. Tara?" Aya niya na sinang-ayunan ko naman at tsaka kami nagtungo roon.
Pagkarating doon ay agad na lumawak ang ngiti ko sa nakikita. The garden looks so magical because of the warm lights hanging from corner to corner.
"How's Alliyah nga pala?" Banggit ko sa nalimutan kong tanongin kanina.
Actually, I don't want to talk about what she did that day but still, it doesn't feel right without knowing all the truths.
Napatigil si Larry kaya naman nilingon ko siya agad. He looks at me wearily.
"I cut my connection with her"
My shoulder loosened. He what?
"I trusted her for keeping everything about us a secret. Sa kaniya ko lang sinabi ang lahat dahil siya itong kaya kong pagkatiwalaan but after that day, I cut everything with her." Aniya at halos sumilip ang lungkot sa kaniyang mukha.
Halos mahawakan ko ang kalungkutan sa boses ni Larry. It's like he didn't expect Alliyah to expose him like that to me.
"Pinakanasaktan ako ay noong nagsinungaling pa siya sa'yo, Adi. Gumawa pa siya ng kwento para lang masaktan ka"
Nanlambot ako at sa hindi malamang dahilan, mas lalo akong naawa kay Larry.
"About her pregnancy?"
Tumango si Larry na para bang dismayadong-dismayado. "Walang nangyari sa amin. Ni kahit kailan hindi ko siya ginalaw. The father of her child is our friend. At pinapalabas niyang ako ang ama dahil hindi niya matanggap na wala na kaming pag-asa."
"Hindi ko alam kung kasalanan ko pa ba na umasa siya sa akin eh matagal ko na rin siyang kinausap tungkol sa amin. Na hindi na kami pwede lalo na't wala na akong nararamdaman sa kaniya"
Piniga ko ang kamay niya dahil ramdam na ramdam ko ang sakit sa kaniyang tinig. His friend betrayed him and here he is; he's still thinking if it's his responsibility to accept her reasons for doing that to him.
"At least everything's okay now, right? That's what matters. It's okay, Larry. Hindi lahat ay kasalanan mo at hindi lahat ay responsibilidad mo" pagpapalubag loob ko sa kaniya.
He gave me a nod and a smile.
Sinuyod namin ang garden. Ang kumuha agad ng atensyon ko ay ang vines of roses doon sa isang sulok.
I suddenly remembered something about it.
Hawak pa rin ang kamay ni Larry ay hinatak ko siya patungo roon. Parehas kaming napatingin sa malalaking rosas na naroon.
Akma kong hahawak roon nang pigilan ako ni Larry. "You'll get pricked"
I smiled. "I know. That's why I'm being careful"
Kumalma naman agad siya at hinayang akong haplusin ang rosas. Napunta ang tingin ko sa mga tinik nito.
I realized how a rose can be so tempting. Sa sobrang ganda ng bulaklak, halos hindi na natin napapansin ang pahamak na dala ng mga tinik nito.
I know that myself so much.
Lumipat kami sa harao na bahagi kung saan tanaw ang pool sa ibaba, ganoon na rin ang dagat at dalampasigan.
Another familar fiery orange skies kissing the dark sea. Shadowing its surrounding with unknowness.
Sumandal ako patalikod sa railings. Si Larry ay paharap na ipinatong ang mga bisig sa railings.
Ninamnam namin ang simoy ng hangin.
"Noong nalalaman ko nang nahuhulog na ako sa'yo, I immediately knew about it"
Napatingin ako kay Larry na nakatanaw sa harap. A low fiery light from the setting sun illuminates his handsome face. I feel like I fell more, to be honest.
"Why?" I asked.
Nilingon niya ako at umangat nang bahagya ang sulok ng labi. "Kaya ko naman sanang umahon pero ayoko. Hindi ko na pinigilan ang sarili kong mahulog dahil iyon naman talaga ang inaasahan ko"
I chuckled at his another confession. Oh, Larry and his boldness now. Ang sarap pagsamantalahan.
Kaya hindi na ako nagtaka noong tumungo ito harap ko. Kumawak sa railings sa magkabilang gilid ko; kinukulong ako. I smirked sexily when he dauntlessly looked at me. Halos tingalain ko rin siya.
He slowly pushed himself closer to me until our body felt each other's warmth. I bit my lips as I watch him control his temptation on me with eyes almist drowsing.
"Roses are so tempting. Its thorns get overlooked by fools" I drawled while looking at him.
Inilagay ko ang dalawang kamay sa kaniyang dibdib at dahan-dahang hinaplos iyon. Dumilat siya. I can almost see my sexy aura on his eyes with the way he looks at me endearingly but sexily.
But I know he's already losing his cool the moment touched his face.
"Are you tempted?" I drawled sexily as my hand traveled to his neck.
I successfully let out the sexyness in him when I saw him look at my parted lips shamelessly.
"I don't mind being the fool. I don't mind being pricked by your thorns, Adi. I'll bleed if I want to bleed" he said huskily.
Yumuko siya at hinalikan ako. Lumawak ang ngisi ko at tinunugunan agad ang kaniyang halik sa akin. Kapit na kapit din ako sa kaniyang balikat dahil sa bawat hagod ng kaniyang labi sa akin ay para bang kasama na noon ang unti-unting paglalayas ng kaluluwa ko sa akin.
Napunta ang isang kamay niya sa aking likod at ang isa sa aking batok. He pushed me to him so he can kissed me better. I angled my face better so I can kiss him better, too.
We parted away panting. Nagdikit ang aming mga noo at hinahabol ang hiningang magkatitigan.
Lumunok ako at bumaba ang tingin sa kaniyang labi. Nagkatinginan kami at kapwa iisa lang din ang gustong mangyari.
"Matagal pa naman siguro ang niluluto nila. Should we eat something first?" Ngisi ko.
Larry chuckled and took a peck on my lips. "I missed this naughty lips of yours..." Paos niyang bulong habang ang kanang kamay ay nasa panga ko na at hinapalos ng kaniyang hinlalaki ang aking labi.
"E 'di kainin mo..." Bulong ko at hinalikan ulit siya.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All