CHAPTER 46

Lumipas ang mga araw at lalong bumubuti ang lagay ko. With the guidance and support of my family, I am able to make up for the things I've caused them inconvenience and reflect on myself to be better.
Ang mga paalala nila Mommy at Daddy sa akin ay mas inuunawa at isinasabuhay ko na. I admit that I was hard-headed and a bit naughty before but I can work on that. I'm learning to mature and accept the fact that not everything around me will be in favor of what I want or what I compel to happen.
Learning takes time and accepting the wrongs and my fallacies are the first step to that. To think out of my comfort and keep an immoral facade. But not all the time that it would put me in difficult situations or use me for convenience.
"Do you really wanna go, Adi?" si Mommy na walang minutong inaalala ang aking kalagayan mamaya.
Si Daddy na katabi niya at nakatanaw din sa akin ay inakbayan siya at idiniin sa kaniya. "Hon, Adi is strong. Look how great she's doing now" Dad smiled at me. Ngumiti na rin ako at nailing. "Kung ano ang sinasabi ni Doc ay iyon talaga ang totoo, Hon. Adi is doing great. She has always been"
Umangat naman ang tingin ko kay Mommy na yakap ang bawat brasong nag-a-alala pa ring nakatingin sa akin habang nag-u-usap sila ni Daddy. 
Mamaya ang graduation ko. Ilang araw ko ring pinag-isipan kung a-attend ba ako o hindi. Hindi lang dahil nag-a-alala sila Mommy para sa akin kun'di dahil kaunting pangamba pa rin akong iniisip.
Maraming pwedeng mangyari pero isinantabi ko iyon sa aking isipan. Hindi naman ako mapapahamak lalo na't makakasama ko ang pamilya ko. 
"Oh, Madame, okay na ba ang ganitong ganda? Hindi ko na kaya! Nagiging lalaki ako!" ang pagbibiro ng make-up artist na si Kuya Edward ang nakapagpadilat sa akin pagkatapos ng halos isang oras na pag-m-make up sa akin.
Dumilat ako at nakita ko agad ang sarili sa salamin. I look freshly simple in my make up. Ang aking buhok ay maganda rin ang pagka-wavy. Sinulyapan ko sina Mommy at Daddy na nasa harap na gilid, kapwa nagnining-ning ang mga matang nakatingin sa akin.
"Bakit ang daddy mo ang kahawig mo? Nakakainis, anak!" si Mommy na ikinatawa ko at nang tumingin kay Daddy ang kumindat lang ito sa akin.
Noong matapos ako make-up-an ay naiwan sa akin si Paige sa loob ng aking wkarto. She's helping me prepare for my dress. Mom and Dad is outside talking to Kuya Edward, probably about the bill.
Nakarobang puti na ako at hinihintay lamang si Paige na pumili ng aking susuotin sa akin walk-in closet. Nakadantay ako sa pintuan habang pinagmamasdan ang kapatid na talagang hinahalughog ang aking buong closet.
"Paige" I called her and she immediately looked at me with questioning eyes.
"Why? If this is about Leticia and Lomi—"
Nakangisi naman akong umiling sa kaniyang assumption. "I'm just wondering if... ilang anak ang gusto mo?"
Paige was left dumbfounded. Kumurap-kurap na tila ba'y na-weird-uhan sa aking minungkahi. Naalala ko lang kasi ang naging usapan namin nila Mommy! Baka kasi sa kaniya na lang ang may posibilidad na mangyari iyon.
"I-I don't know... kung ilang magawa namin" wala sa sarili niyang banggit na ikinangisi ko.
"Ilan ba ang gusto ni Clane?"
Sumulyap siya sa akin at ngumising kinuha na ang isang kulay puting dress mula sa aking closet. "He wants five" she said casually, as if it was that simple and easy.
Napasinghap naman ako. Five?! Oh my gosh, that'll be chaos!
"Oh, e 'di ikaw na pala bahala sa gusto nila Mommy eh"
Tinaasan niya ako ng kilay at lumapit. "They want five grandchild? Akala mo naman kaya talaga nilang alagaan ang lima!"
Naghagikgikan kaming dalawa sa aming pang-a-asar sa mga magulang. Tinulungan na rin niya akong magbihis pagkatapos makapili ng dress na aking isusuot. An off-shoulder white tulle peasant above the knee dress. Its sleeves were wrist-long and loose, making it follow my soft movements. A white Romy 100 pumps for my feet and finsihing my look with some silver and crystal accessories, I'm defenitely obsessed with my look. Ibagay pa na maroon ang kulay ng aming toga.
"Damn, you look the best when I style you" ani Paige na ikinangisi ko at sumang-ayon na rin.
That's true, to be honest. Si Paige ang mas maalam sa pag-s-style at kapag siya ang nag-a-ayos sa akin, hindi na ako mag-a-alalang hindi maayos ang masusuot.
Tinignan ko ang sarili sa camera app ng aking phone at agad na kinuhanan ng litrato ang aking ayos. Paige and I took a selfie too and I posted it on my Instagram with a cute caption: "styled by the best"
Sa sala na kami bumaba ni Paige dahil sila Mommy at Daddy na lang naman ang hinihintay namin. Dahil may halos isang oras pa naman kami, nagpahinga na muna kami ni Paige sa sala. Si Paige ay busy sa kaniyang phone na mukhang may mga kachat at ako nama'y pinapakiramdaman ang sarili kung may kakaiba ba.
I can't admit that I feel quite lonely whenever I was left alone in the house. Ayoko naman kasing pag-alalahanin lalo sila Mommy kapag sinabi kong nalulungkot ako kapag mag-isa sa bahay. Knowing them, baka bigla silang magpasa ng vacation leave para lang makasama ako. Buti nga si Paige ay natapos na ang klase at simula last week ay siya na lagi ang kasama ko na minsa'y kasama si Clane.
Kahit noong nasa Tenebres ako, may mga pagkakataon talaga na nakakaramdam ako ng lungkot. Para sa sarili, sa aking sitwasyon, at sa aking nararamdaman. 
Kapag nga inaalala ko ngayon ang naging buhay ko roon, may magaganda mang nangyari o nalaman, hindi ko maipagkakaila na nalulungkot ako para sa sarili.
Kasi, bakit ko kailangang gawin iyon? Sa mga taong nakapaligid sa akin? Sa aking sarili?
Isa rin iyon sa iniintindi ko ngayon. Nagagawa ko naman nang tanggapin at pagbigyan ang sarili sa aking mga nagawang kasalanan. I know I'm getting to accept my flaws in me and hold them better.
Hindi naman kasi ibang taon iyon eh. Ako pa rin iyon. Gaya na rin ng mga sinasabi sa akin ni Dra. Ruiz, ang mga taon nanakit sa akin ang nagtulak sa akin para maging ganoon. It was a subconscious defense mechanism that I didn't know I have. 
At dahil nga wala naman akong malay na may ganoong bagay akong magagawa, hindi ko rin alam kung paano ito i-handle nang maayos.
"You okay?" 
Napalingon ako kay Paige nang bigla itong magsalita. Tumaas ang dalawa kong kilay nang makita itong nag-a-alala ang tingin. 
Mula sa pangangalumbaba ay sumandal ako sa sofa at ngumiti sa akin. "Yeah. May naisip lang"
"Mind if you tell me?"
I pursed my lips and sighed. "I'm just thinking about that time... I'm still having quite a hard time forgiving... myself"
Paige went closer to me and held my hands. Napatingin ako roon. She's squeezed it lightly.
"You're already doing that, Adi. You are already forgiving youself. Sa paghingi mo pa lang ng tawad sa mga taong nasaktan mo ay malaking bagay na at pinapatunayan na napatawad mo na rin ang sarili mo. Adi, you are hurt, too. Hindi lang ikaw ang nakapanakit kun'di kami rin sa'yo"
My eyes heated a bit. Napatingala ako para pigilan iyong lumala. 
Yumakap ako kay Paige at dinama ang init ng kaniyang pagmamahal. "I love you, Paige. You'll always be my savior" nanginginig kong bulong sa kaniya.
"You are your own savior, Adi. All the credits belong to you. It's you who fought, not us" ngiti ni Paige nang makahiwalay.
"Well, you guys are the reason why I fought" 
Nakababa na rin sila Mommy na nakabihis na rin. At halos hindi rin siya natigil sa kakapansin sa aking ayos at gandang-ganda siya sa kaniyang anak. Kahit nga noong si Paige na ang napansin niya ay halos hindi siya natigil kakasabi kung gaano siya kasaya dahil babae ang mga anak niya.
"We did tricks, Adi. Kaya 'wag na kayo magtaka kung bakit ganiyan ko kayo kung maipagmalaki" Mommy smirked again with her naughty stories.
"Hon..." tawag ni Daddy na nakangisi rin naman.
Nagkatinginan kami ni Paige at nagpigil ng tawa kay Daddy. Dad is like that. Kunwari pang nahihiya kapag nagk-kwento si Mommy tungkol sa kanilang kabataan pero ang totoo ay gustong-gusto rin namang inaalala.
Si Mommy ay nasa harap katabi ni Daddy na nagd-drive pero simula kanina yata ay hindi na siya nakabalik sa pagtingin sa harap dahil nakikipagkwentuhan siya sa amin.
"Kailan ba natin ginawa si Paige noon, Hon? Around August noh? Ano bang ganap noon..."
Dad chuckled. "I think it was Ate Lalaine's birthday?"
Parehas kaming namula ni Paige sa sinabi ni Daddy. Agad ko ring nginisihan ang komento ng kapatid tungkol doon.
"You made me on your sister's birthday, Mom?! Gosh, saan?! Sa kwarto mo?!"
Humalakhak si Mommy at umiling. Lalong namula ang aking mukha. Hindi sa kwarto niya?! Oh my gosh!
"Nagbeach kami noon! And we rent this villa."
"The hell..." hindi makapaniwala si Paige at madrama pang sinuko ang kamay. "Mom, stop na. I don't want to imagine you and Dad doing nasty things in the pool if ever..." Paige trailed off.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Paige nang umukit na naman ang ngisi ni Mommy. She looks so done with our parents!
"Mom! Gosh, tapos nagtataka ka pa kung bakit ganiyan din kaharot ang mga anak mo?" pabirong irap ni Paige.
Natatawa naman akong napasapo ng noo. My parents' naughtiness are beyond my imaginations! Gosh!
"Paige! Ang ganda kasi ng gabi noon..." dahilan ni Mommy na hindi namin tinanggap.
"Just admit how you and Dad are the wildest" ngiwi ni Paige.
Tumaas ang kilay ni Mommy. Nagkatinginan si Daddy at Mommy. "Wait 'till you hear Ate Sarah's sex escapade with her ex" Mom smirked, making me chuckle in amusement.
Hindi na ako magtataka pa kung namana namin ni Paige ang hormones ng mga magulang ko.  
Alas kwatro nang makarating kami sa convention center ng school. Dito madalas ganapin ang mga performances o 'di kaya'y formal event tulad ng graduation.  Marami rin kaming nakasabayan na mga estudyante at mga magulang. May mga ilan pa akong nakitang mga kakilala at ang mga ilang kaklase rin.
Noong nakapark na si Daddy at lumabas na kami ng sasakyan, kitang-kita kung paano magtinginan ang mga ilang taong naroon sa paligid. I suddenly felt conscious when I saw them whispering. Nawala rin naman agad sila sa aking paningin nang maramdaman ko ang kapit ni Paige sa aking braso at iginiya ako sa paglalakad.
Pumasok na kami sa loob dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang seremonya.
Pinagsama-sama ang magkakasection at strand kaya naman hindi na ako nagulat nang masama sa mga kaklase. Iniiwasan ko ang kanilang mga mata dahil ramdam na ramdam ko ang kanilang pagmamatyag. Kung ano man ang dahilan, hindi ko gustong alamin pa.
Naalala kong ayaw nila sa akin.
Dahil kasama ako sa mga honorable mention, nasa bungad at likuran ko ang mga kakilalang schoolmate. Sa ibang section at strand ang valedictorian namin, ganoon din ang salutatorian. 
Kung tutuusin nga ay candidate ako for salutatorian kaso dahil nga sa nangyari ay hindi ko na iyon nakuha. Hindi rin naman ako nanghihinayang dahil kasama pa rin naman ako sa overall top 5 sa aming batch.
May muntik pang ma-late. Nag-a-apura na pumasok sa pila at ganoon na lamang ang gulat ko nang pumwesto ito sa aking likod. 
"Paige is taking picture of us" kuha ng atensyon sa akin ni Daddy at tinuro sina Mommy at Paige na nasa gawing harapan ng upuan ng mga parents. May ilang bakanteng upuan din sa tabi ni Paige. Kumaway naman ako at ngumiti nang picturan nila kami ni Daddy.
Nagsimula na ang aming martsa. Hindi ko rin maalis-alis ang kapit ko sa braso ni Daddy. I don't know but I feel nervous seeing this many people. Lalo na't nakikita ko pa ang iba na nasa aking gawi ang tingin. May ilan pa akong mga babaeng kaedad nila Daddy ang nakatingin sa amin at elegante pang mga nagpapaypay. 
Doon ko napagtanto na si Daddy pala ang kanilang tinitignan. Hinanap ko naman agad sina Paige at hindi ko rin mapigilan ang matawa nang makita ang pabirong pagmwestra ni Mommy sa kaniyang leeg gamit ang hinlalaki. 
I heard Daddy chuckled kaya naman nginisihan ko na rin siya. The march ended at ngayo'y unti-unti nang napupuno ang mga upuan ng mga estudyanteng magsisi-graduate. Halos hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mabali ang leeg kakalingon sa aking pamilya na nakatanaw lang din sa akin. I'll always smile whenever I see Paige taking a picture of me.
"Adhara"
Nagulat ako nang may tumawag sa aking tabi. Nanlaki pa ang mata ko nang makita si Tessa na alangang nakangiti sa akin.
"Kamusta? Ang lala raw ng naging allergy mo noong nakaraang buwan..." bigla niyang kausap.
Umawang ang labi ko sa pagkagulantang at pagkagulo. Allergy? In-allergy ba ako noon?
"I-I... uh," bahagya pa akong napa-iwas ng tingin at inalala ang nangyari.
Then I realized what she's saying. Hindi kaya ipinalabas na in-allergy ako?
"Ang hirap pala talaga kapag may allergy noh. Mabuti na lang at naka-attend ka ngayon sa graduation natin"
Hilaw naman akong napangiti at tumango sa kaniya. "Salamat. Oo nga eh. Minsan, malala ang nagiging epekto sa akin kaya ako... nawala"
Simula noong gumagamit na ulit ako ng social media at nakakalabas-labas, wala akong nakikita o nagtatanong sa akin kung bakit ako biglang nawala o saan ako napunta. I was expecting some students to comfront me about... nepotism but no one did.
Para bang walang nakakaalam sa nangyari... knowing that my parents are both known lawyers not just in Nouvaunde but in the whole country will surely taint their reputation. 
Hindi kaya hindi nakarating sa publiko ang nangyari sa akin? My family can hide that controversy at paniguradong hindi rin nila hahayaang malaman iyon ng publiko.
Baka nga... ganoon ang ginawa. Ipinalabas na lang na in-allergy ako to protect my safety na rin. 
Tinatawag na ang mga graduates kasama ang mga awards na matatanggap. Dahil wala akong makausap dahil hindi naman kami close ng katabi kong si Tessa ay lumingon ulit ako sa gawi nila Mommy.
But I didn't expect what I could see.
My mouth went dry but my heart cried in so much emotions. Para itong biglang hinagis sa malamig na tubig at nabuhayan bigla.
Tears immediately pooled my eyes as my lips stretched into a genuine smile when I saw the girls waving and cheering for me.
Euna, Alliana, Ayessa, and Leticia are there! Even Annie and Ashery! May isa pa akong inaaninag na babaeng nasa tabi ni Euna na pamilyar.
And there my eyes widened when I saw Hyacinth. They managed to befriend her?!
Hindi ko maalis ang mata ko sa kanila. May kung ano sinasabi sila sa akin ngunit hindi ko maintindihan. My eyes wander around them at lalong lumawak ang ngisi nang makita ang mga pinsan. Art and Kuya Shan came in the frame. Art went to Alliana and they whispered to each other. Tinuro ako ni Alliana at nakita ko agad ang paglilibot ng mga mata ni Art.
Tinaas ko ang kamay. Art beamed in so much happiness and waved at me aggressively. His unique square-shaped smile plastered on his face along with his crescent eyes. Natawa naman ako at kagat-labing kumaway ulit sa kanila.
I waited for my name to be called. At noong tawagin na ay hindi ko maitago ang aking pagtawa nang marinig ang ingay mula sa kanila. Dad went down while my friends and cousins are still cheering for me. Ni hindi na rin sila binawal ni Mommy nang makita kung gaano ako kasaya nang makita sila.
"They're here!" tuwang-tuwa kong bulong kay Daddy noong salubungin na niya ako.
"You missed them?"
I nodded abruptly. "So much, Dad! My heart is dancing!" hagikgik ko na ikinatawa na rin ni Daddy.
Si Daddy ang nagsabit ng medal ko for academic excellence. Halos sa buong momento ko mula sa pag-akyat ng stage hanggang sa makababa ay hindi ko maialis ang ngisi sa labi dahil sa ingay ng aking mga kaibigan.
I felt pumped up just the moment I saw them. Kahit sobrang haba ng program, hindi nawawala ang tuwa ko. I'm in good mood at  kating-kati na rin akong matapos ang program dahil gusto ko na silang mayakap.
And just the moment I moved my tassel from right to left, signifying that I am a graduate, I immediately made my way out of the ocean of students who are already jumping and screaming in joy.
Hinanap ko agad sila. Kahit sa pag-akyat ng hagdan patungo sa kanila ay halos takbuhin ko na para lang makatungo agad sa kanila.
They saw me immediately. Just before I reached the girls, I was welcomed by Art who even hugged me and spun me off the air.
"Art!" tili ko dahil muntik pa kaming malaglag.
"Sobrang na-miss ko ang paborito kong pinsan!" malaking ngisi niyang sabi noong mahiwalay ako sa kaniya.
Napunta naman ang tingin ko sa mga babae na namumula na rin ang mga matang naka-abang sa akin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinalubong sila ng malaking yakap. Agad nila akong pinalibutan at narinig ko ang mahinang pagsinghap ng kugn sino.
"I missed you all... so much" malinaw at halos nanginginig kong sabi.
Humiwalay ako at natawa nang makitang umiiyak na rin si Alliana. Si Euna na nasa aking gilid ay nagpupunas na ng mukha at nakayakap sa aking gilid. Si Ayessa na nasa aking gilid ay namumula rin ang mata at nakangusong lumapit sa akin para makayakap nang solo. Si Leticia na nasa tabi ni Ayessa ay nakayakap na sa aking likod at sumiksik kay Ayessa.
"'Wag ka nang aalis nang gano'n, Adi. You scared us to death." si Euna na halatang-halata ang pag-iyak dahil nangingibabaw ang pamumula ng kaniyang ilong sa sobrang kaputian.
I nodded while grinning. Sumunod na yumakap ay sina Annie at Ashery na kapwa pinansin ang aking ayos ngayon. The two look so mature already! Halos kasing tangkaran na naman sila ngunit mas mukha pa rin silang mga baby.
Napunta naman ang tingin ko kay Hyacinth na nasa tabi ni Kuya Shan na nakatanaw lang din sa akin. Seryosong nakatingin sa akin si Kuya Shan habang nakahalukipkip kaya naman napanguso ako. He gestured me to come closer kaya naman sinamantala ko na iyon at yumakap agad sa kaniya kahit halos itulak niya pa ako.
"You're still masungit!" pang-a-asar ko.
Mahina siyang napamura. "Just don't scare us like that, Adhara Kate." seryoso at nagpapabebe pa nitong sabi. Itinatago pa na talagang nag-a-alala siya sa akin.
Humiwalay naman ako at hinarap si Hyacinth na kalmadong nakatingin sa akin. I smiled at her and held her arm. "Nagsorry na ba sila sa'yo?" nakangisi kong turan.
Hyacinth chuckled timidly. "Congrats" aniya lang. 
Napasimangot naman ako at yumakap na rin sa kaniya. Ramdam ko pa ang pagkagulantang niya at niyakap na rin ako kalaunan.
Pagkahiwalay ay hinarap ko siya sa mga babaeng nakatanaw. "You're Kuya Gab's girl means... you're automatically included in our circle!" anunsyo ko na ikinatawa at sang-ayon ng lahat.
"Kulto kamo" bulong ni Kuya Shan na agad na nakatanggap ng masamang tingin kay Ayessa.
We then took pictures as a whole. Kaming pamilya, kaming mga babae, at kaming magpipinsan. Syempre, hindi rin mawawala ang solo pictures na lahat sa akin.
Oh, it's so good to be back. With the people who patiently waited and accepted me for my return.

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters