CHAPTER 38

I don't want to see anyone or be with anyone at the moment. Hindi ko na alam ang iisipin sa mga nangyayari lalo na't hindi ko rin alam kung may papanig pa ba sa akin.
They all see me as the villain now. The one who makes things complicated and hard for them to handle.
Tatanggapin ko na ganoon nga ang pagtingin nila sa akin pero hindi ko hahayaang wala akong gawin para sa sarili ko.
I'll never see them again as the same as before. Ang gusto kong matanggap mula sa kanila ay pag-a-alala at pangungulila. Pagmamahal at pagtatanggol sa mga taong nanakit sa akin gaya na lamang ng lagi nilang sinasabi sa akin tuwing kailangan ko ng tulong.
Pero ngayong naroon ako ganoong sitwasyon kung saan kailangan ko sila, doon nila ako tinalikuran. My family, my friends... especially si Paige na lagi kong kasama sa lahat ng bagay.
She's my number one protector since birth. Sa lahat ng pang-a-api sa akin, pang-a-away, at tuwing kailangan ko siya sa kahit anong bagay, ako ang papanigan at paglalaban niya.
Hindi tulad ng ginawa niya sa akin kanina.
I've been staying in my room for the whole 2 days. Hindi ako lumalabas o kung dalhan man ng pagkain, hindi ko sila pagbubuksan. Those 2 days were confusing for me. 
Naguluhan na naman ako. Lalo na noong unang umaga na nasa kwarto ako. Mom was the first one to check on me. Hindi ko siya sinasagot kapag kinakausap o pinagbuksan man.
And when I hear her sobs, hindi ko rin maiwasang hindi bumaba ng kama. And that was the last time until now that I ate food.
Binuksan ko ang pinto at inabot ang dala ni Mommy na tray ng pagkain. Hindi ko na rin siya tinignan dahil alam kong mahahawa ako sa kaniyang lungkot at panghihina.
I don't even care now if I starve to death or whatever. I don't have an appetite to eat or drink. Gusto ko lamang mahiga magdamag sa aking kama at tumulala sa kawalan. 
I took a shower. Lumabas ako ng aking banyo na nakaputing roba at pinapatuyo na ang buhok gamit ang twalya. Maliwanag ang aking kwarto ngunit hindi ko maramdaman ang kaginhawaang pinapahiwatig nito. 
May kumatok at kasunod noon ang boses ng kapatid.
"Adi? Open up. Dinalhan kita ng lunch" she said from the other side of the door.
I remained silent and stared at the door. I wanted to let her in pero dinidikta ng aking isip na huwag. Na hayaan ko silang mag-alala sa akin dahil iyon lang naman ang hinihingi ko sa kanila na alam kong maibibigay nila.
"Adi? Are you awake? I know you're awake. I cooked this for you. Your favorite pasta, Fettuccine Alfredo" 
Nanahimik muli ako at ibinaba ang twalyang hawak. Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay. Dahan-dahan kong inangat ang kanang kamay sa aking pisngi kung saan ramdam ko pa ang init ng sampal sa akin ng kapatid noong gabing iyon.
My eyes feel tired. Siguro dahil hindi naman ako nakakatulog agad tuwing gabi at halos umaga na rin ako nakakatulog. It's already 3 P.M. at pagkagising kanina ay naligo agad ako.
"Adi?" Paige called me again and when I hear her footsteps getting away, I immediately called her.
"What?! Can you not interrupt?! I'm trying to kill myself here!" walang emosyon ngunit pasigaw kong sabi.
I heard his frantic steps and her pounding on the door. "W-what?! Adi, no! O-open the door! That's not right! Adi!" 
Paige's voice was shaking and panicking. Ilang beses pa niyang kinalabog ang pinto ko at rinig ko rin ang pagtawag niya ng tulong mula sa mga kasambahay. 
Napatitig ako sa pinto. I feel my heart getting heavy and its fading beats. It was like an urge to stop them from giving up on me and make them side me and my judgments if ever I hurt myself more than they did.
Maybe telling them that I'm about to kill myself will at least give me the justice that I need for myself. Na kung sakali mang huling beses na nila akong makita ay papanigan at iintindihin na nila ako at ang mga gusto kong mangyari.
I hear a shuffling of keys behind the door at ilang sandali lang ay marahas na bumukas ang pinto. Paige hurriedly went to me and checked my body. She's scanning my body and mostly my wrist to see if I really did hurt myself.
Kita ko ang mga pagbubulungan ng mga kasambahay. I glared at them, making them flinch and shuffle away.
I didn't notice that Paige was already crying. Unti-unting dumulas sa sahig habang nakahawak sa aking bawat kamay. She's crying on my bed with arms hugging my hands.
"Ano bang ginagawa mo, Adi..." nagsusumamo niyang sabi at patuloy pa rin ang pag-iyak.
"Why do you keep on hurting us..."
That triggered my nerves. Binawi ko ang kamay at kumunot ang noong tumingin sa kapatid. My eyes heated as her words sinks in.
Ako? Sinasaktan sila? Eh hindi ba't sila ang nauna?! Sinaktan nila ako! Tapos ngayong ibinabalik ko sa kanila iyon, ako na naman ang k-kwestyunin?!
"So what if I die right now, huh?" I said coldly.
Paige's eyes widened in horror. "Don't you dare! Adi, stop! Please..." alo niya sa akin ngunit tinignan ko lamang siya sa paraang makikita niya na ako ang nasasaktan.
"Ako naman lagi ang mali, 'di ba? Kaya bakit pa! Hayaan niyo na lang ako kung ayaw niyo rin naman akong tulungan! Ayaw niyo naman akong intindihin kaya bakit pa? Just let me be!" galit at halos umiiyak kong sabi.
Paige looked at me sadly. Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. "H-hindi ko hahayaang mawala ka, Adi. Just please, harapin mo kami. Don't hurt us secretly. Adi, I know this is hard for you but please, stop hurting us. Stop hurting yourself. Sinasaktan mo lang ang sarili mo--"
I pulled my hand and looked at my sister angrily. "You don't tell me what to do, Paige. Ako ang nakaramdam, ako ang nasaktan! Kaya wala kayong karapatang i-invalidate ang ang nararamdaman ko!"
Hindi na ako nagtaka nang hindi na ako pinuntahan pa ni Paige sa mga sumunod na araw. Ayoko rin muna siyang makita dahil ayokong naririnig ang mga pangangaral niya sa akin. I don't need that right now! She betrayed me and I don't need her anymore!
Kahit sino sa kanila! Wala na akong pakialam kung anong isipin nila sa akin!
I will never accept how they made me a fool of love! Na dahil sa pag-ibig, naging ganito ako kasira sa paningin nila!
Iyon na lamang ang nakatatak sa aking isipan. Na saktan sila pabalik kahit na magmakaawa pa silang huwag.
Si Larry. Siya lang namana ng gusto kong hatakin pababa sa akin. Gusto kong magdusa siya dahil sa kaniyang panggagago sa akin. Ngunit tuwing iniisip ko siya, humahalo ang ibang emosyon sa akin. Hindi ko matukoy at ayokong tukuyin.
Gusto ko ay galit at pagkamuhi lamang ang mayroon ako sa kaniya. I'll never forgive him.
Forgiving him means I accept his reasons to hurt me like this.
The lock on my room was removed kaya naman nakakapasok na ang kung sino doon. Nanatili akong walang pakialam. Hindi ko hinaharap o tinatapunan man ng tingin ang kung sino magdala ng pagkain sa akin. I don't eat them anyways at sinasayang lang din nila ang oras nila sa akin.
Huling araw ng Marso nang makita ko ulit si Kuya Amschelle. Sinusundo ako at mukhang dadalhin ako sa Tenebres. Hindi ko alam ang dahilan ngunit alam kong nag-usap sila nila Daddy tungkol sa akin.
"It'll be better for her to be there for a while. She's fine there and I'll be with her. I'll get her a great Psychologist that I know" Rinig kong pag-u-usap nila Kuya Amschelle at Daddy mula sa sasakyan.
Seryoso akong nasa sasakyan at bahagyang nag-iwan ng awang sa bintana para marinig ang kanilang usapan.
Kasama nila Daddy sina Paige at Mommy na kapwa malulungkot din ang mga mukha. Si Daddy ang hindi ko kayang tignan dahil hindi pa rin humuhupa ang aking galit sa kaniya.
He's the root of this to be honest. Kung hindi niya tinulungan sila Larry tungkol sa nanay nila ay sana hindi nila ako nasaktan.
I can accept that Larry don't really like me! Maraming iba d'yan! Hindi lang si Larry ang babagay at kayang makapagpaamo sa akin!
Pero they choose to fake a love with me. Ako itong lahat ay ginagawa para lamang maging masaya at nagmamahalan kaming dalawa tapos malalaman kong hindi naman pala dapat? Na hindi niya ako minahal gaya ng pagmamahal ko sa kaniya?
Doon ako hindi titigil sa pagganti. I don't care if it hurt me back, as long as they're grieving and hurting.
"Mahal ka namin, Adi. Always remember that. We'll give you space and I hope..." Humikbi si Mommy na nasa tapat ng aking bintana. "I hope you'll let us in when you need us, Anak. I h-hope magkaayos na tayong lahat"
Nagpanggap lamang ako tulog at hindi naririnig ang sinasabi nila kaya naman nang maramdaman ko na ang pag-andar ng sasakyan ay doon ko lamang iminulat ang matang nag-i-init.
Kahit si Kuya Amschelle na katabi ko ay hindi ko na nilingon. Hinayaan ko na lamang ang aking isip na hatakin sa kawalan dahil hindi ko masikmurang isipin ang tingin nila sa akin. O kung ang iniisip man nila.
Baka nga iniisip na nila ay baliw na ako. 
At hindi ko rin iyon maitatanggi dahil pakiramdam ko nga ay baliw na ako at nalulunod na lamang sa katinuang mananakit ako pabalik.
The journey to Tenebres was a whirlwind. Or specifically, I was spacing out the whole ride.
Dapit-hapon noong natanaw ko agad ang lupain ng mga Venganzara mula sa daang tinatahak namin. Even the setting sun couldn't make my heart be at peace. Kahit na sobrang ganda at nakakakalma ang pagpapakitang gilas nito kasama ang kalmadong mga alon ng dagat ng Tenebres ay wala lang iyon sa madilim at halos naghihingalo kong katinuan.
Noong matanaw ko ang madilim ba bahagi ng kaduluhan ng lupain kung saan naroon na ang bukana ng kagubatan patungo sa bulubundukin ng Tenebres ay naramdaman ko ang kakaibang sipa mula sa aking isip. Isang sipa mula sa parte ng aking isip na kailanman ay hindi ko pa nabuksan o nagawang hawakan.
Thinking that my family lets me come here to Tenebres, I feel like they neglected me. 
They can't handle me anymore so they just threw me away with an act of caring for me. Na para malinawan ako sa aking mga ginagawa dahil nasasaktan na sila.
A reliance that they thought I will be fixed here in a place I only hid in, not to find the peace that they thought I had.
Sure, I was sane last two weeks. But today? I don't think so. 
All I could ever think is cruelty. I started hiding in the shadows, hence I should finish everything there.
Pagkarating na pagkarating sa harap ng mansyon ay dire-diretso ako patungo sa second floor. Hindi na binigyang pansin ang mga kasambahay na nakakasalubong at kyuryosong sinisilip ang pagkatao ko.
I stood by the pillar across the hallway kung saan nasa kabisera ako. I heard some voices na nag-u-usap at ang nangingibabaw ay si Kuya Amschelle.
"It's a long story but I want you all to not let Adi get away or do something. I'll stay with her until she's okay."
"Napano ba si Adi, Chelle? Mukhang hindi siya maayos..." ang matandang si Manang Delia.
Narinig ko ang mahabang buntong-hininga ni Kuya Amschelle. "Let's just make everything easier for her to live here for the mean time. Bukas ay dadating ang Psychologist na kakilala ko to monitor Adi's mental health. She's gone through so much heartbreaks and I don't want to make it worse. She needs time to move on... Please, be gentle to her everytime, okay?" halos ramdam ko ang panginginig sa boses ni Kuya Amschelle ngunit wala lamang iyon sa akin.
I scoffed and rolled my eyes as I started to walk towards Heirielle's room. Now, they'll take me to the doctor? Just because they can't understand me? Oh, how caring they are! Paniguradong iniisip na nila ay nasisiraan na ako ng bait sa lahat ng mga nangyayari sa akin!
Kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras para kumilos. If they think of me a crazy witch then so be it! Gusto lang nila ako mawala kaya totohanin ko na!
Wala na akong paki kung anong magawa nila kung mawala ako. They don't believe me anyway! They don't trust me! They don't really care!
Pumunta ako sa science laboratory dahil doon lamang ang lugar kung saan may makikita akong makakapagpahamak sa akin. Tinignan ko ang mga chemicals doon at nang makakita ng isang flammable ay agad kong kinuha iyon at binuhos sa isang marmol na mesang naroon. Madali ko namang nahanap ang makakapagpasindi doon dahil nasa harap ko lamang ang lighter. I then ignite it and the fire immediately burst into flames. 
Halos makita ko ang sariling repleksyon sa glass cabinet na naroon sa aking tapat. The fire made my physique a silhouette. Like a shadow created by the burning flames.
Lalabas na sana ako nang may nakakabinging tunog ang umalingawngaw. A fire alarm stopped me in my tracks and immediately, the sprinklers from the ceiling sprays water through the whole room. Malaki na ang apoy at halos nadamay na rin ang ilang mga cabinet na may mga libro kaya naman imposibleng maapula agad ang apoy.
Rinig ko naman agad ang ingay at mga boses mula sa first floor kaya dali-dali akong nagtago sa kabilang dulo ng hallway ng mga kwarto kung saan naroon ang daan patungo sa veranda na tanaw ang likod na bakuran ng bahay. Hinihingal akong nakarating ako sa veranda. Sumilip ako sa mula pintuan at nakitang nagtatatakbo na ang mga kasambahay at kapwa nagpapanic.
Seryoso ang mukha kong nakatingin doon. Think of me as the villain, I'll do it real.
Nakita ko si Kuya Amschelle na tumungo rin doon. At nang akma itong tatalikod patungo sa aking gawi ay mabilis akong bumaba sa hagdan ng veranda palabas. Dahil hanggang dito sa likod ang mala-maze na topiary garden ay doon ko napagpasyahang dumaan kung sakali mang may makakita sa akin at habulin ako. 
I opened the gate and made my through it. Dahil halos padilim na rin, nagbukas agad ang mga pailaw ng garden. Halos palabas na ako ng bakuran ay narinig ko ang boses ni Kuya Amschelle na tumawag sa akin.
"Adhara Kate! What do you think you're doing?! Adi!" Nilingon ko si Kuya Amschelle na kasama ang ilang kasambahay na nagmamadaling bumaba ng hagdan.
I gritted my teeth and escaped quickly from the garden. 
I immediately run through the green meadows of the land. Mabilis kong tinungo ang rancho ng mga kabayo at binuksan ang kwadra ng isang kabayo. Luckily, the stable that I opened was Brenda's kaya naman agad ko itong hinatak palabas at sinakyan ngunit hindi pa man ako buong nakaakyat ay mabilis itong nagwala, sanhi para malaglag ako.
I grunted when I hit the ground hard. Rinig ko ang alalang tawag ni Kuya Amschelle mula sa bakuran nila kaya naman hindi na ako nag-ubos ng oras para mag-inarte at tumayo. Kahit masakit ang paa sa pagkabagsak, I run through the fields. Hindi naman kalayuan ang kamalig ng baka kaya naman nakarating agad ako roon. Hingal pa ako nang makarating sa pinto ng kamalig. 
Nilingon ko ang mga humahabol sa akin at nakitang may dalang flashlight ang karamihan. Kaya naman nilakas ko ang pagbukas ng pinto ng kamalig. I opened it wide and it immediately startled the cows. Halos mabingaw ako sa ingay ng pagwawala ng mga ito.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang magsilabasan ito. Their gates were open! 
I run outside at saktong malapit na sila Kuya Amschelle kaya tinakbo ko ang daan tungo sa kabilang bahagi ng kamalig habang ang mga baka ay nagkakawalaan na at nagtatatakbo palabas ng kamalig. 
Sumilip ako mula sa gilid ng kamalig. I gasped when the cows run through the fences and broke them. Halos hindi na rin magkandamayaw ang mga nakikita kong trabahador na nagsisitakbuhan para mapigilan ang mga baka.
Sa takot na mahuli pa nila, mabilis kong tinakbo ang kalayuan patungo sa kagubatan na ngayo'y halos kainin na ng dilim ng gabi. My green sun dress was dancing along my hair. Kahit ang puting blazer na suot ko ay halos maalis na sa aking katawan kung hindi ko lamang iyon hinawakan nang mahigpit. Ramdam ko ang matinding kalabog ng dibdib ngunit hindi ako nakaramdam ng takot. 
I am certain about this. I'll be cruel to everybody. I knew that I'll be my own ally and everyone's enemy.
If the world's cruel, then I should be, too.
Halos hingal na pagtakbo ko na lamang at ang ingay mula sa kalayuan ang bumalot sa aking paligid. The night's silence is already welcoming me and just the second I stopped from my tracks, I was immediately welcomed by the darkness of the forest.
Huminga ako nang malalim at tinitigan ang kadiliman. Lumingon ako sa aking kanan at nakita ang papalubog nang araw. Lumunok ako at muling bumaling sa kagubatan.
Slowly, I walk my way through. Hindi na rin alintana ang mga galos na natamo sa kaninang mga ginawa at ang pagod ng katawan. Halos wala na akong maramdaman. Para bang tuluyan na akong binalot ng dilim.
Seeing how the trees slowly turn themselves like a shadow of the night, fuels my desire to hide more...
To fully live in the shadows where I felt the safest at most.

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters