CHAPTER 37

Rinig mula sa kusina ang boses ni Kuya Amschelle ngunit hindi ko maintindihan. It was a muffle. At ilang sandali lang ay nakita ko na itong umakyat sa hagdan gamit ang mabibigat na yabag.
From sala, one of the maids are shuffling away and when she saw me, her eyes widened. Pati ako ay napalaki ng mata sa pagtatanong.
Magsasalita sana ako nang bumalik ito sa pinanggalingan at tiningala ang second floor.
"S-sir! Nandito ho si Adi" anito na ikinagulantang ko.
Galit si Kuya? At ako ang hinahanap?
Kunot-noo naman akong lumapit sa kasambahay na nasa tabi ng hagdan. Agad itong umalis at halos mabunggo pa ang grand piano na nasa gawing tanggapan ng family room. Kaya naman naiwan akong mag-isa rito sa harap ng isa sa dalawang engrandeng hagdan.
Inabangan ko si Kuya Amschelle. Nakatingin ako sa second floor at ilang sandali lang ay mabilis na dumaan sa paningin ko si Kuya Amschelle na ngayo'y pababa na ng hagdan.
When I met his eyes, I suddenly felt anxious. His eyes immediately screams authority...
"What's this all about?" Matigas at halos kumulog ang boses ni Kuya nang makarating sa aking harapan.
Nakapameywang at puno ng otoridad ang tindig lalo na ang kaniyang taimtim na pagtitig sa akin na para bang isa akong kriminal na kaniyang iniinteroga.
I blinked. His eyes were red and almost weary. Hindi ko alam kung sa galit o ano.
"What, kuya? Is there something wrong?" Gulo kong tanong.
Lumapit lalo si Kuya at nakita ko ang lalong pagbasa ng kaniyang mga mata. "Is there something wrong?! Adhara, what do you think you're doing here?! Hiding from them?! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?!" Bulyaw niya sa akin na halos ikatalon ko sa gulat.
Kumunot ang noo ko ngunit nauna ang pagbabasa ng aking mga mata sa kaniyang tono. Kung masigawan niya ako ay parang hindi siya takot na masaktan ako!
"W-what do you mean, Kuya? I thought you're gonna help me? You said that" Halos ibulong kong sabi at hinawakan ang bawat braso.
Kumibot ang kaniyang kilay. "Help you?! Adhara Kate, nandamay ka ng inosenteng tao! Why would you fucking make them believe that you were captivated?!"
Imbis na maiyak, lalong nagsalubong ang aking kilay sa irita sa mga paratang niya.
What now? He's turning his back on me? Akala ko ba ay mapagkakatiwalaan ko siya?
Lahat na lang ba talaga tatalikuran ako?
"Kuya, they hurt me! Gumaganti ako! Bakit nagagalit ka ngayon? You said I can trust you! You said you'll help me!" Pandidiin ko at matapang na nilabanan ang halos umusok niyang ulo.
Nagdugtong na ang kilay ni Kuya at kitang-kita ko ang paglalabasan ng mga ugat sa kaniyang leeg sa sobrang pagpipigil. "Iginaganti rin kita sa mga nanakit sa'yo! Sa mga nanakit sa'yo, Adhara! Kaya bakit kailangan mong mangdamay ng inosenteng tao?!"
"So what, Kuya? Will that lessen the damage they have done to me?" Hindi ko pagpapatalo.
I just don't understand why all the people I trust turn they backs at me! Tangina, wala na ba talaga akong kakampi? Nasaktan na ako't lahat, mali pa rin ako?
Everything's uncertain! Ni hindi ko na alam kung ano ang tama o totoo sa nakikita ko! Ni hindi ko rin alam kung nasasaktan ba ako o may nararamdaman pa sa mga nangyayari sa akin!
They wanted to protect me but in the end, they're the ones who hurt me otherwise!
Marahas na suminghap si Kuya Amschelle at halos hindi na alam ang gagawin sa akin. Humawak siya sa ballistrade ng hagdan na para bang doon siya naglalabas ng galit at pagpipigil.
"Please, tell me you didn't do that on purpose..." Halos nanghihina ngunit matigas pa ring sabi ni Kuya Amschelle habang nakayuko at pinapakalma ang sarili.
"The what? Hurting them back? Oh, I am very much sure about that--"
Umahon ang ulo ni Kuya at agad akong pinutol. "Did you purposely make them believe that you were captivated, Adhara Kate?"
I scoffed and rolled my eyes. "Yes! I want them to suffer in grief and regret of hurting me! Kuya, gusto kong gumanti! You even told me that!"
"Alam mo ba ang pinagsasasabi mo, Adhara?" Ang galit at lamig sa boses ni Kuya Amschelle ang nakapagpatigil sa akin.
Pinagmasdan ko itong yumuko muli at marahas na suminghap. Kalauna'y mabilis na sinipa ang isang upuan na nasa harap ng grand piano sa ilalim ng hagdan. I fliched when the antique chair broke and flew across the sala.
Nilingon ako ni Kuya Amschelle at hindi pa rin humuhupa ang galit habang nakatingin sa akin.
"Why would you fucking stage a captivation?! Or worse, make them believe that you were raped and killed?! Tangina, Adhara, alam mo ba kung gaano kalaking kontrobersyal iyon?! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na malaman ang iniisip ng pamilya mo habang nandito ka sa sa poder ko, tinutulungan ka pang palalain ang sitwasyon?!"
Natahimik naman ako ngunit hindi nawala ang pag-i-init ng aking mga mata. Pinagmasdan ko si Kuya Amschelle na humihinga nang malalim. At akma pa nito gagalawin ang grand piano nang mabilis siyang daluhan ni Manang Delia.
"Amschelle, 'wag ito. Alam mo ang magagawa ng lola mo" anito sa kalmado ngunit seryosong boses habang hinawakan ang kamay ni Kuya at inilayo sa grand piano.
Marahas na nagmura si Kuya Amschelle at lumayo roon. Tumungo pabalik sa akin na suot pa rin ang galit sa mga mata. "Ibabalik kita sa inyo" 
What he said makes me froze. No! Hindi pa ako tapos sa gusto kong mangyari! Hindi pa sila nasasaktan nang husto gaya nang nangyari sa akin! 
At hinding-hindi ko hahayaan ang sarili ko na makita silang walang pangamba o iniisip na wala silang pagsisisi sa kanilang ginawa sa akin! I want to see them begging me to forgive them because that's what I deserve!
Kaya hindi ko gagawin ang gusto nilang mangyari! Hindi ako magpapakita nang ganoon lamang! 
They should be at their worst when they see me. Wala na akong pakialam kung sino man sa kanila!
"N-no! Ayoko!" umiiling kong sabi at unti-unti nang lumayo kay Kuya.
Mabilis akong nilapitan ni Kuya Amschelle at hinawakan sa aking braso nang mariin. He daunt on me. "This is not the revenge you should be doing, Adhara. Hindi ganito!"
Hinatak ko ang kamay at bahagyang nakawala. "The fuck I care if this isn't it! Anything that would hurt them back will satisfy me, Kuya! Anything that makes them regret hurting me!"
"At anong gusto mong palabasin pagkatapos, ha?! Na mali sila ng paratang sa taong ikukulong nila dahil hindi ka nila nakita? At magpapakita kang maayos at masaya?! This is not it, Adhara! Maling nangdamay ka--"
"Eh ano, kung gano'n?! Why would everyone I love earn my trust and then betray me later on?! Tangina, bakit pa ako?!" I screamed, making almost everything silent.
I gasped and cried. Dahan-dahan akong napaupo sa hagdan at sinapo ang mukha.
Sobrang sakit na! Bakit kailangan lahat ng taong pinagkakatiwalaan ko, sisirain lang din ako?! 
Pamilya ko! Kaibigan! Lahat ay hindi ako kayang ipagtanggol sa mga bagay na nananakit sa akin! Ako pa ngayon ang lumalabas na masama!
Now that I protected myself within the shadows, they still manage to lurk with me in the dark! In the shadows where I knew I'd be at the safest! 
Kasi nailalaban ko ang sarili ko nang hindi nagpapakita ng buo! Kahit na walang kasiguraduhan sa nakikita ko, itinago ko ang sarili ko dahil wala na akong ibang maasahan kun'di ang sarili ko!
Tapos ngayon, ayaw pa rin nila akong tantanan?! Kailan ba ako magiging tama sa paningin nila?!
Ramdam ko ang pagkatuyo ng aking lalamunan. Ganoon na rin ang kagustuhan kong magpahinga ngunit isinantabi ko muna iyon dahil paniguradong hindi ko na gugustuhing bumangon pa.
Rinig ko ang malakas na paghinga ni Kuya Amschelle bago ito lumapit sa akin. He held my shoulder but I shook him off. I glared at him and he did the same.
"Go back, before anything gets worse"
I shook my head. "Ayoko" matigas kong sabi.
Umigting ang panga ni Kuya. "Gusto mo ba lagi ang ganito, Adhara? Everyone's against you because you're wrong!"
"Tell me where I'm wrong, Kuya?" sumugat ang sakit sa aking boses.
I gulped. "Paanong naging mali ang pagprotekta at pagtatanggol sa sarili?"
He cursed loudly. "What was wrong is you let your emotions lead you! Did you even think of what could be the victim of your manipulation will feel after knowing they did a crime they didn't even know?! That their concern about someone's stuff makes them go to jail and sentenced for years?! That being a good person is what makes them get imprisoned?! Ha?! Do you even realize that?!" Kuya Amschelle snapped.
I remained outraged. "How about me? Anong ginawa ko para sirain nila?!"
"Sa kanila ka gumanti! 'Wag kang gumamit ng ibang tao!"
"If that will inflict the pain they caused me then I'll gladly do!" 
Nangibabaw ang malalim naming paghinga. Kuya Amschelle looked so hurt and angry that he couldn't look at me anymore. That I'm too much for him to handle.
"What..." Tumigil si Kuya at hinarap ako. Pagod at nasasaktan. "What will make you go back?" Nanghihina niyang sabi.
Humagod ang sakit sa aking puso kaya ganoon na lamang ang pagtulo ng mga luha ko sa kaniyang sinabi. 
What I only want is to get even, do worse, or even better. Iyon lang!
"Ang masaktan sila pabalik? O higit pa sa gusto mo?"
"Gusto kong masaksihan tulad kung paano nila masaksihan ang aking pagkasira" I said coldly.
Natahimik si Kuya. Ilang sandali ay huminga ito nang malalim at nakita ko ang pagbagsak ng isang patak ng luha mula sa kaniyang mata.
"I want to protect you, Adi. I'll do everything just to protect you"
"But that doesn't mean I'll tolerate all the wrongdoings you commit to"
Nanatili akong nakatingala sa kaniya mula sa hagdan. Lumapit siya sa akin na halos nagmamakaaawa na. 
He held both of my shoulders as if I'm his source of strength.
"Ibabalik kita. At kung may mangyari ulit, po-protektahan pa rin kita"
I think about it until an hour later. Sumama ako pabalik sa Nouvaunde sa kadahilanang gusto kong makita ang naging sitwasyon nila pagkatapos ng halos tatlong linggo kong pagtatago. 
Hindi ko alam pero may parte sa akin na parang nasindihan ng apoy para itulak ang sarili na makita sila. Na para bang naiisip ko pa lang na nagdurusa sila sa ginawa nila sa akin ay napagagaan na ang loob ko ngunit may kakaibang pangamba. 
Para bang ang pangambang iyon ay baka malayo sa aking inaasahan na tunay nilang dinadanas.
But still, nangibabaw sa akin ang kagustuhang makita silang nasasaktan.
It was already past 12 when we arrived in front of our house. Halos patay na rin ang mga ilaw sa ibang bahay at nakakaintriga dahil nagliliwanag pa ang bahay namin.
Bumaba ako mag-isa at hindi na hinintay si Kuya Amschelle na sumama sa akin. I heard him call me pero dire-diretso lamang ako sa aming bahay hanggang sa makarating ako sa aming sala.
There I stood, dauntless as I face all the people I haven't seen for almost three weeks.
Magulang, mga kaibigan... unang dumapo ang mata ko sa taong kinamumuhian ko at ang tanging dahilan kung bakit ako nawala.
Larry was sitting beside my sister with legs apart and holding his hands in between. Nasa aking ang tingin na gustong-gusto at inaasahan kong madatnan.
Full of sorrow, regret, and agony. Pagod ang mga matang puno ng sakit at halos hindi na maikurap sa nakikita.
Ngumiti ako at nilibot ang mata sa mga taong gulat at nasasaktan sa nakikita.
"Hindi niyo ba ako i-w-welcome?" pang-u-uyam ko.
Ang katahimikan nila ang nanaig. Rinig ko pa ang paghikbi at singhap ng mga naroon ngunit itinuon ko muli ang tingin sa lalaking nag-i-isang dahilan kung bakit ako narito.
Nakita ko ang pamumula at pagbabasa ng mga mata ni Larry. My heart feels heavy but I just see myself draw a smile on my lips. 
Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Kuya Amschelle na natigilan din sa nakita. Sinulyapan ko lang ito at ibinalik muli ang tingin sa mga taong iisa lamang ang reaksyon sa nakikita.
"How does it feels like you lost a loved one because of your selfishness?" I asked no one.
Mariin kong tinignan si Larry. "Masaya ba dahil malaya ka na at nakuha mo na ang gusto mo kapalit ang pagkasira ko?"
"Adhara" Kuya Amschelle warned me.
Ngunit nanaig sa akin ang kagustuhan na isumbat lahat ng aking hinanakit ngayon nang hindi pinapakitang lunod ako sa mga iyon.
"Masaya bang maramdaman ang sakit na pinaranas niyo sa akin dahil ayaw niyo akong masaktan?" I slow drift my eyes on my father.
My beloved father.
"Masaya bang makita na pinagmukha niyo akong tanga sa harap ng lahat? Na nagmukha akong tangang nagmamahal sa mga taong ayaw akong masaktan pero sila mismo ang gumagawa?" My voice shook in so much raging emotions.
Hindi ko na maisantabi ang paglalaban-laban ng emosyon sa akin. Gusto kong ipakitang malakas at hindi nila ako sinira pero alam kong hindi ko iyon maitatago. Dahil buong pagkatao ko ang sinira nila sa puntong wala na akong pakialam kung mali o tama ang ginagawa ko basta lamang hindi na madagdagan pa ang pagdurusa ko.
My lips quivered when I drift my eyes along the other people who can only stare at me. Nagsalubong ang kilay ko sa kakaibang nararamdaman. 
Para bang lalong nilulukot ang puso ko.
"Speak your words! 'Wag niyo akong pagmukhaing tanga!" I screeched.
Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Kuya Amschelle kaya napalingon ako rito.
"Don't let your emotions take over you--"
Lalo akong nainis sa sinabi ni Kuya. It is the right time to be emotional! Anong inaasahan niyang gawin ko? Makipag-usap na parang wala lang?
Dahil hindi!
"Ano? Porket nasaktan na kayo sa ginawa ko sa tingin niyo, iyon na iyon?" Sumbat ko kay Kuya Amschelle at nang humarap ako ay bumungad sa akin ang aking kapatid.
Her eyes were red and crying but it was different.
Galit.
Halos wala pang segundo ang pagtatagpo ng aming mga mata ay dumapo na ang kaniyang palad sa aking pisngi. Her slapped echoed through the house that made every breathings silenced.
I held my face with heating eyes. Nanginginig na ang aking labi sa labis na hinagpis sa ginawa ng kapatid.
Halos hindi ko na rin magawang iliko ang aking mukha.
I... I didn't expect Paige to do this to me. Sa aking pagbabalik, ang inaasahan ko sa kaniya ay ang kamustahin ako at ipagtanggol ako sa lahat ng sumasalungat sa akin.
Pero sa ginawa niya at sa tingin niya ngayon, isa din siya sa kanila.
"Do you think we're happy, Adhara Kate?! Sa tingin mo masaya kami dahil nasaktan mo kami?!" Her voice cracked.
Dahan-dahan kong hinarap si Paige na basang-basa na ang mukha sa luha.
"Sa tingin mo ba sa pagbabalik mo ay maaayos mo ang nasira?! Sa tingin mo ba, masaya kami dahil nakabalik ka na?!"
I scoffed, the same as my tears start falling. "What now? Masaya ba kayo noong wala ako? G-ganoon ba?"
"Adi, stop concluding, please..." Ang mahinahon ngunit nanginginig na boses ni Euna ang pumalit saglit kay Paige.
Sinundan ni Ayessa na malungkot ang mukha, ganoon na rin kay Alliana. Ang mga lalaki pwera kay Kuya Gab na wala ay mga hindi maipinta ang mukha. They're emotionless.
"I am here now. Ngayon hindi niyo ako magawang lapitan o yakapin man lang? Hindi ba kayo masaya na nandito na ako? O mas masaya kayo kapag wala ako?"
Paige cursed in an almost impossible way she could say. "Putangina, Adhara Kate! Paano kaming magiging masaya?! Hindi kami magkanda-ugaga kakaisip kung nasaan ka! Saan ka napunta o kung may kumuha sa'yo! Kung pinatay ka ba o ano! Halos hindi kami makatulog kakaisip sa mga bagay na maaaring nangyari na sa'yo! Kaya sabihin mo sa akin, paano kaming magiging masaya?!"
Nilabanan ko ang kapatid. Hindi porket mas malaki ang sira na natamo nila dahil sa akin ibig sabihin ay ganoon na lamang ang pagsawalang bahala ng naramdaman ko!
I scoffed and looked at my sister unbelievably. "Pati ikaw, Paige? Pati ikaw, babaliktarin na rin ako? Pati kayo?"
Lalong naiyak si Paige sa aking sinabi at halos gusto na ring magalit nang sagad. Clane approached her. I remained protecting myself and threw them all the sentiments I wanted to tell.
Namumula ang mata kong nilibot muli ang tingin. "Do you know how hurt I was when I learned the truth?"
"Nung nalaman kong lahat ng natatanggap kong pagmamahal sa taong iyon ay ni katiting ay hindi pala totoo?"
I looked directly at Larry. He was looking intently at me with lips parted. Para bang gustong umapila ngunit hindi magawa.
"I was so hurt. He knows that. Sa harap niya mismo ako bumagsak at nasira." At ibinalik ko ang tingin sa kapatid kong inaalalayan pabalik ni Clane paupo. "But I knew I needed to help myself. I needed to protect myself kasi kung hindi..."
My eyes started to water as I drift it to my father. "Kung hindi ay lalo akong magiging mahina. Kasi nga mahina na ako at wala akong kakayahang protektahan ang sarili ko"
"Anak..." My dad's voice was only full of distress. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. "Anak... I'm sorry"
Lalong umusbong ang kagustuhang magalit nang magalit sa lahat. My eyes burned in so much mockery. "Sorry, dad?! Sorry?! Sorry saan?! Sorry because you needed to protect me? Protect me from what?! From realizing how fragile and weak I am?!"
"Anak--"
"Stop calling me that! Sinaktan mo na ako, Daddy! Pinaglaruan niyo ako! Ginawa niyo akong laruan na sasanayin sa isang tao at iiwan na lamang kapag hindi na kailangan! Now tell me, was that protection?!"
Mom approached me but I shook her off. Kasama na niya si Daddy na kapwa nasasaktan sa aking ginawa.
"It wasn't part of the plan na malaman ko, 'di ba? Kaya naman ganoon kagaling magpanggap si Larry. Sobrang galing niya at napaniwala niya akong gustong-gusto niya ako" I smirked painfully.
My heart was clenching as I place my eyes at the person who's the root of this dishonesty.
"Bakit hindi na lang ang kapatid mo, 'di ba? Tutal ako naman ang gusto niya? Walang mahihirapan. Lomi likes me kaya bakit hindi mo na lang ibinigay sa kaniya, 'di ba?"
Si Lomi na ngayo'y nakatulala sa tabi ni Kuya Shan ay napaangat ang tingin. I scanned the girls and smirked bitterly when one was missing.
"Kaya hindi mo magawang gustuhin si Leticia, 'di ba? Kasi ako ang gusto mo. Oh, hell I wouldn't care for your feelings at all kung sabihin mo sa'kin ngayon dahil alam kong gusto ka ni Leticia! I would never betray friendship over a guy, Lomi. Kahit ang pagkakaibigan natin, hindi ko itatapon para lang sa inyo"
I treasure friendship over romantic love. Kahit pa mahal na mahal ako ng taong iyon, hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan.
But thinking about this, seeing how they look at me as if I'm the only wrong here, makes me want to trash it away.
"Now tell me, paano ako naging mali? Paanong naging mali ang pagtatanggol sa sarili laban sa mga binaliktad lamang ako?"
Kasabay ng pagtawa ko sa sarili ang pagbuhos lalo ng aking luha.
Bakit ngayong sarili ko na ang pinag-u-usapan ay wala silang masabi? Ngayong naglalabas ako ng hinanakit ay hindi nila ako magawang aluin? Kamustahin? Patahanin?
Ano ba talaga ako sa kanila?
"This is not what I expected for my return" I voiced out bitterly.
"I expected my family to comfort me, my friends to ask me how I was..." I looked at Larry. "And how the guy I loved would beg for my forgiveness for hurting me"
Suminghot ako at matapang na inangat ang tingin. "But I guess I don't have anyone now. Not a single fuck cares for me" tsaka ako tumalikod para umakyat sa hagdan.
My parents called me but I didn't care. Nang maalala ang isang bagay ay mabilis akong tumigil at nilingon muli sila.
For the last time, I fight my way through Larry's sight and there he found my eyes, too.
"When's the gender reveal? Invite me. Hindi ako manggugulo" sabi ko tsaka tuluyang umalis sa kanilang paningin.
And just the moment I laid on my bed, for the first time, I poured all my frustrations and anger along with my tears on it.
I am a total mess and I don't know what to do with it honestly.

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters