Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 36
Tanghalian ay bumalik kami sa mansyon. I was already expecting a birthday lunch but I didn't expect a Kuya Amschelle will invite a 2 Star Michelin chef to cook for us!
I was still smiling from ear to ear habang inilalabas ni Kuya Amschelle mula sa kusina ang two tier cake na para sa akin. Kasama namin ang ilang kasambahay na kinakantahan ako at kapwa mga naka-green na uniform pa.
Nakarating si Kuya Amschelle sa harap ko at iginiya palapit sa akin ang cake para akin na iyong mahipan. He's wearing a Saint Laurent floral jacquard lurex jacket with black button down shirt under it. Same style for its pants and a pair of shining Vendome flex derby.
I first thought he's going on a date then I remembered he's taking me unto one since it's my birthday.
And I am wearing a full Fendi outfit. A Viscose dress under a wool and silk go-to jacket which I put style on by only closing one button and pulling its sleeves down my elbow; apair of silver nappa leather heel sandal, and an O'lock earrings for the jewelries.
Gamit ang dalawang kamay ay bahagya kong tinakpan ang bibig sa pagpipigil ng iyak; both hands adjacent to my lips. Tinignan ko ang cake at umahon ang tingin kay Kuya Amschelle nang makisabay ito sa pagkanta.
"Make a wish" he whispered.
I nodded and fold my hands in front of me. I shut my eyes as I felt small tears formed on the side of my eyes.
Ano bang gusto kong hilingin?
Gusto ko lang namang maiganti ang sarili ko sa mga nanakit sa akin.
Sana naman pagbigyan ako.
And I blew the candle off.
We were then served with the first course. A pan-seared stake with mashed potatoes and asparagus with a red wine sauce.
Tahimik naman kaming kumain ni Kuya Amschelle na paminsan-minsang nag-u-usap. Mostly asking if I'm enjoying my birthday today which of course i'd answer a fantastic yes.
It's not that me and my family don't go for this birthday celebration but it's just too quiet for a celebration. Tanging utensils namin ni Kuya Amschelle ang tumutunog kapag hindi kami nag-u-usap.
Tsaka, I haven't celebrated my birthday with just a one person. Pero hindi naman na rin ako magrereklamo dahil Kuya Amschelle's making effort to give me a great birthday celebration.
"What's the flavor of the cake, Kuya?" I asked Kuya Amschelle as I finish the first course that was served.
"Vanilla and strawberry" he said, making me confused.
"Nasa'n 'yung strawberries?"
Kuya Amschelle chuckled and took the cake the was on the other side of me. Inilagay niya iyon sa pagitan namin at siya mismo ang naghiwa. And when he sliced a piece off, the second layer of the first cake was full of strawberries!
"I'll never leave strawberries behind, you know" aniya at inilahad sa aking harap ang plato na may hiniwa niyang cake.
I enjoyed eating the cake kahit na ba may iba pang isinerve na pagkain. I could literally eat the whole cake if only Kuya Amschelle stopped me. Baka raw gusto ko pang kumain mamayang gabi tapos ubos ko na pala.
Matapos ang tanghalian ay nagpahinga muna kami. Mga hapon na raw kami tutungo sa grapes farm nila para hindi na masyadong mainit. Tsaka may inaayos saglit si Kuya Amschelle sa kanilang office kaya naman inabala ko muna ang sarili ko sa bahay.
Nasa family room ako ngayon kung saan para lamang itong sala ngunit mas narito yata lahat ng kanilang family portrait at kahit ang mga individual photos nila through the years.
Ang nakatuwaan kong tignan ay sa ang sa mga pinsan ko. Kuya Amschelle, Kuya Janrielle, at Heirielle grew together for almost their whole life. Kitang-kita iyon sa mga pictures nila mula baby hanggang sa ngayon. I like the most is 'yung baby picture ni Rochelle kung saan si Kuya Amschelle ay hawak si Heirelle na halos toddler pa lang at si Kuya Janrielle na nakahawak sa kamay ni Rochelle.
Nakarating ako sa mga magulang at mga lolo't lola. Halos lahat sila ay kapwa masasaya ang mga mukha pwera sa isang lumang picture ng great grandmother nila na si Lola Hilaria. She looks like a teenager that time at ang isang katabing malaking portrait ay kasama ang isang lalaki na sa tingin ko'y ang asawa niya. They both look so young kaya akala ko'y magnobyo pa lamang.
Ngunit ganoon na lang din ang gulat ko nang makita ang nakalagay sa ilalim ng frame nito.
Mr. & Mrs. Venganzara's Wedding
Halos wala pa nga yatang 20 ang itsura nila sa lumang portrait!
Let's say na 16 or 17 sila dito at nagkaanak agad sila noon... Oh my God... Ganoon din kaya kila Lolo Darius at Lola Crisanta? Kasi Tito Dylan is not yet turning 50! Bakit ang bata mag-asawa ng mga tao noon?
Napatingin ako sa lumabas sa hallway. Si Manang Delia, ang mayordoma dito. Napansin naman nito ang tingin ko kaya napatingin na ito sa nasa harap ko.
I've heard from Kuya Amschelle na Manang Delia has been their maid since Lola Hilaria's time. And thinking how old Manang Delia is, she's been here since she was a child!
"Hello po" Tawag ko rito at bahagyang kumaway.
Napunta naman ang tingin nito sa akin at maliit ang ngiting lumapit sa akin.
"Mukhang kyuryoso ka, Adi" mabait nitong pakikitungo sa akin.
Tumango naman ako at bahagyang natawa. "Nabanggit po ni Kuya na you've been here since Lola Hilaria's time... Do you know what's behind this photo po?" I asked curiously.
Ngumiti naman ito sa akin at tinuro ang tinitignan ko kanina. "Kasal ni Guillermo at Hilaria 'yan, 'Nak. Ipinagkasundo lamang na kalauna'y nagmahalan din" anito.
Napakurap-kurapa ako at bahagyang nagulat sa nalaman. Nilingon ko ulit ang portrait at dahan-dahang napatango.
Uso ba talaga ang mga pagkakasundo noon? Kasi hanggang ngayon, may ganoon pa rin eh. Kadalasan sa mga mayayaman o 'di kaya'y mga Chinese tulad na lamang ng ilan kong napapanood o nababasa.
I find it weird, honestly.
Naaliw naman ako sa paglilibot sa buong bahay kahit na ba wala akong ibang ginawa kun'di kyuryosong pagmasdan ang mga naroon.
Lumabas na kami ni Kuya Amschelle para tumungo sa kanilang grape farm. Dahil medyo malayo iyon dahil pagkalagpas pa iyon ng mango farm ay sumakay kami sa isang jeep wrangler na nasa kanilang garahe. There are 5 more cars in the garage ngunit hindi iyon pwede sa lupain na dadaanan namin.
Tahimik ko namang pinagmamasdan ang serye ng mga punong nadadaanan namin. Sobrang presko ng hangin at hindi nakakasawa iyong langhapin kaymhit na ba mukha na akong witch sa sobrang gulo ng buhok.
Nakarating kami doon na sakto lamang ang init ng araw. Pinagbuksan pa ako ni Kuya Amschelle ng pinto at iginiya ako sa bukana kung saan nagkalat na rin ang ilang mga trabahador na binati pa siya.
Another pagpapakilala at pagbati sa mga tao dahil nga kaarawan ko ngayon.
We then went in and series of grapevines filled my view. Halos lahat din ng mga baging na may mga suportang kahoy ay marami ang mga bunga.
I was picking from vines to vines kaya naman halos sumakit na ang tiyan ko dahil sa dami na rin ng nakain.
"These are good for making wines" banggit ni Kuya Amschelle sa isang halos dark blue na kulay at bilugan sa hugis.
"Pinot Noir?" I asked and took it from him.
Tumango naman si Kuya Amschelle at pumitas din ng kaniya. Sabay naman naming isinubo iyon.
"Like for Rosé?" Sabi ko dahil nalasahan ang pamilyar na asim nito sa bibig.
"My favorite" ani Kuya at kumuha pa ng isa.
They have all the varieties of grapes kaya naman nang makarating kami sa dulong bahagi ay halos puro green grapes na ang nakikita ko.
Halos mangawit din ako sa kakalakad dahil anim na ektarya ang haba ng aming nilakad. Mabuti na lamang at may upuan doon na malapit sa bakod na naghahati nito mula sa labas.
"Kaya pa?" Nanunuyang tanong ni Kuya sa akin nang mapansin na nagtanggal na ako ng suot na sandals.
I grunted and looked behind. I was welcomed by a forest of huge and tall trees. May daan pang patungo room ngunit may sign na nakalagay na bawal doong pumasok.
"And before I forget..." Nilingon ko si Kuya Amschelle na lumapit sa akin at umakbay. "Timber trees. Hindi na tayo papasok d'yan at paniguradong maliligaw tayo" aniya at inalalayan na akong tumayo para makabalik na kami.
I feel like I'm a farm girl for the two weeks I'm with Kuya Amschelle. Hindi ko man hilig ang magbilad, nakakatuwaan kong pagkaabalahan lalo na noong sumama akong magharvest ng mangoes at grapes.
I was in peace for that two weeks. Halos nawala na sa isip ko ang buhay ko sa labas ng Tenebres at ang mga problemang tinakbuhan ko.
I guess I still did the right thing for my sake. I need to heal in the midst of their detriment. Ayokong manahimik lamang at lumayo nang nasasaktan. Gusto ko ay magdusa rin ang mga nanakit sa akin sa kahit anong dahilan.
Wala na akong pakialam sa mangyari. I need to get even.
Hindi ko matatanggap na nagawa na nila akong lokohin at paglaruan sa kabila ng pagmamahal na mayroon ako sa kanila. My intensions were pure only to be feigned that they were truly accepted.
"Baka bukas na rin ako umuwi. I just need to do some things in Nouvaunde"
That was Kuya Amschelle's words before I was left here in the mansion. Okay lang naman sa akin na maiwan dito dahil wala naman akong pangambang may mangyayari sa akin dito. Tsaka, madaling pakisamahan ang mga tao rito lalo na't mababait at hindi naman nila ako hinahayaang mabored.
Gaya na lamang ngayon. Me and Manag Delia with some maids are doing pottery. Tinuruan nila ako sa paggawa at hindi naman nawawala ang mga kwentuhan at tawanan namin. I appreciate how they make me enjoy the things here.
"Dapat pala ay narito ka lagi, Adi" banggit ng katabi kong si Faye na kasama ko sa paggawa ng isang mataas na pot na ngayo'y inihuhugis na namin.
Natawa ako at iginalaw ang ulo nang sumabit ang ilang strand ng aking buhok sa mukha. "Why? Am I not a bother?" Biro ko.
They all disagree.
"Ang tinutukoy ko ay dahil good mood lagi si Sir Chelle." Anito at ngumiti.
Napakunot ang noo ko at alangang nangiti. "He's always like that ah?"
Natawa silang lahat na para bang kalokohan ang sinasabi ko. Naguluhan naman ako at si Manang Delia ang nakapansin ng aking reaksyon at lumapit sa akin.
"Mainitin ang mga ulo ng mga Venganzara"
"Mabilis silang magalit kahit sa maliit na mga bagay. S'yempre, kapag mali talaga ang may kasalanan pero mainitin ang ulo ng mga 'yan"
Eh? Masiyahin kaya sila! I haven't seen Kuya Amschelle get angry lalo na't lagi itong kalmado at palabiro pa. Kaya hindi ko maintindihan ang kanilang tinutukoy.
"Siguro dahil pinsan ka niya at paborito, s'yempre hindi ka naman noon pagbubuntungan ng galit"
Napanguso ako at napaisip. Well, totoo naman iyon but it doesn't mean mainitin na ang ulo nila kapag hindi ako ang kaharap! Dahil kung totoo man 'yon, bakit pa sila nagtatrabaho sa kanila kung ganoon naman pala ang ugali, 'di ba?
"Then, paano po kayong nakatagal sa kanila?" Tanong ko.
Binigyan ako isang magaang ngiti ni Manag Delia. "Sanayan lang tsaka kapag naman good mood sila, daig pa ang anghel pagiging mabait"
Mabilis na sumang-ayon ang isa naming kasama pa na nasa harap ko. "Totoo 'yan! Akalain mo, noong nagpatulong sa akin si Heirielle na mamili ng isusuot niya noon sa isa niyang date daw, binigyan niya ako ng isang mamahaling bistida! Aniya'y hindi naman daw niya nasuot at napansin niyang gandang-ganda ako roon."
Naweirduhan man, unti-unti akong nangiti sa kanilang kwento. There's a brighter side naman pala. Siguro nga'y madalas lang ang mabilis na pag-i-init ng ulo nila.
Dahil kyuryoso lalo na't hindi pa nga nasasaksihan na magalit si Kuya Amschelle, nagtanong ulit ako.
"Paano po ba magalit sila? Especially Kuya Amschelle po?"
Natigilan silang lahat. Si Manang Delia lamang ang naglakas loob na magsalita.
"Itinatago na naming lahat ang mga pwedeng mabasag, Adi."
"Dahil baka po mabalibag?"
I was surprised when she shook her head.
"Dahil sa lakas ng mga boses, Adi"
Muntik pa akong masamid sa sinabi ni Manang Delia. That was surprising and... Funny.
Ano 'yon? Nagt-teatro sila?
"Isama mo na ang posibilidad na maihagis nila ang mga pwedeng mabasag" pahabol pa nito at natawa.
Madalang na rin kasi talaga naming makasama ang mga Venganzara. Halos apat na taon na ang nakalipas noong narito sila sa Pilipinas. They usually just take vacation in America kaya naman noong doon na sila nagstay ay talagang nawalan na rin ng connection pwera sa pagtawag paminsan-minsan.
Pagabi na noong maligo ako at magpahinga saglit sa kwarto. I just wore a simple white tee and a sweatpants dahil patulog na lang naman ako.
I went down the stairs. Naghapunan nang tawagin ni Manang Delia na nakahanda na ang pagkain. Umiinom na ako ng tubig noong napatingin ako sa labas ng sliding door ng kusina na nagdudugtong sa veranda sa labas.
I can't think of something to do. Hindi ko rin naman hilig ang manood mag-isa. Sanay akong may kasamang magmovie marathon tulad na lamang ng kapatid o 'di kaya'y mga kaibigan.
I suddenly felt a bitter feeling in me as I stroll towards the sliding door. Nang makalabas ay humalik sa akin ang lamig ng simoy ng hangin. Fresh as it is.
I leaned against the marble balustrade and put both of my arm on it. Napatitig ako sa kadiliman ng dagat at halos tabunan din ng mga ulap ang liwanag mula sa buwan.
It's like they shadow the light, making it gloomy.
Napunta sa kawalan ang aking tingin habang inaalala ang mga naging araw ko rito sa mansyon.
I admit that I've been happy and at peace for the past two weeks. Na para bang walang nasira sa akin; walang nangyari.
Ang namumuong konklusyon sa aking isipan kung bakit ako nagtago ay lagi kong sinisipa paalis.
I don't like that thought. It's making me weak and a coward. Dahil hindi naman talaga.
I left because I don't want to be ruined more. Ayokong mabaliw kung sakali mang makita ang mga mahal ko sa buhay na makita ang aking pagkamiserable. They've been seeing me as weak and irresponsible. At ayoko nang madagdagan pa iyon sa pag-i-isip na isa akong kawawang tao na hindi magawang mahalin nang totoo.
Hindi ako duwag. Pinoprotektahan ko lamang ang sarili ko.
I was distracted. At least for now and I want to keep it that way. May plano akong magpakitang muli pero sa tingin ko'y hindi muna ngayon. I'm not yet done to fight them in shadows. Hindi muna ngayon.
Kaya rin siguro ganito ang aking naging paraan para protektahan ang sarili. I've been in the open. Hindi pa ako nagtago, lalo na ng aking pagmamahal sa kanila.
They read me easily. They see me easily. Kaya naman ganoon na lamang kadali para sa kanila na makuha ang tiwala at pagmamahal ko na magiging pain lang pala para sa kanilang gusto talagang makuha.
I feel so pathetic myself for letting myself be like that.
A bait. A lure to something that only they would gain a fuck on.
Kumunot ang noo ko at pumikit nang taimtim. I am again, tearing up because of how pitiful my situation is right now. It shouldn't be like this.
I shouldn't be like this.
Mabilis kong pinunasan ang mata at napalingon sa kusina nang marinig ang ilang mga boses. Dahan-dahan akong pumasok at nakita ang mga kasambahay na nagkalat na at kapwa mga buhat ang mga babasaging ornamento mula sa sala.
Manang Delia is supervising them and I even saw her shush some of them. Halos segu-segundo ring sumisilip sa bukana ng mansyon na para bang may binabantayan o inaabangan.
"Um, what's happening po?" I tapped her shoulder and asked when I neared her.
Seryoso itong napatingin sa akin at bumuntong hininga. She held my arm and looked straight at me.
"Galit si Amschelle"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All