CHAPTER 32

Pagkauwi sa amin ay diretso kami ni Larry sa kusina. We all put the ingredients on the island counter at tsaka nagpatulong na kumuha ng mga paglalagyang bowls.
"Ilan ba ang gagawin mo?" Larry asked when we're starting to unbox the ingredients.
"Two cakes" sabi ko na ikinatigil niya sa pagbubukas ng box ng all purpose flour.
"Dalawa? Mauubos mo 'yon?" Natatawa niyang sabi.
I smiled sweetly and tilted my head. "Here they come" sabi ko, kasabay ng pagpapakita ng confusion sa kaniyang mukha.
Saka niya lang nakuha ang sinasabi ko nang magsidating na ang mga babae na kapwa mga nakaapron pang pink.
"Ang daming apron na pink ni Kuya Gab!" Si Ayessa na humalakhak nang pinakita ang mga suot nila.
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Larry na suot ang alangang ngiti sa mga babae. "Nagpaalam ba kayo kay Gab?" Bulong niya na ikinangiti ko at iling.
"Don't worry, Larry" nagsalita si Paige at lumapit sa akin para i-abot ang isang pink na apron. "If boys can lie, girls can lie worse, too" makahulugan nitong sabi tsaka sila nagsipalibot na sa aming gagawin.
Iniwan ko muna saglit ang mga babae roon at hinatak si Larry palabas ng kitchen. He was wearing his awkward smile that he'll usually wear whenever something weird is happening.
"Akala ko tayo lang gagawa?" Natatawa niyang sabi.
I chuckled and tiptoed to kiss him swiftly. "They're bored kaya gusto na rin nilang makigawa. Tsaka, baka mabored ka rin" sabi ko.
Nginusuan niya ako. "Excited pa naman ako" patampo niyang sabi na pabiro kong ikinairap at inabot ang pisngi niya para mahalikan ulit.
"Watch us na lang?" I suggested.
Tatango na sana siya nang biglang lumitaw si Daddy sa aming gilid na hindi namin napansing dumating lalo na't nasa labas lamang kami ng kusina. I smiled upon seeing my father who's looking calmer than usual.
"You're early, Dad" salubong ko sa kaniya.
He kissed my forehead and smiled. "I have no work today." Tumingin siya sa kasama kong lalaki. Maliit itong ngumiti kay Larry. "Since narito ka na rin naman, mag-usap tayo" anyaya nito.
Nilingon ko si Larry na bahagya pang nanlaki ang mata at nangiti na para bang may maganda siyang balitang natanggap sa anyaya ni Daddy.
Nagpaalam na rin naman ako sa kanila na babalik na sa mga babae. Nagtungo naman sila Daddy at Larry sa second floor ng aming bahay at mukhang doon na sa itaas mag-uusap.
"So, para kanino ba 'tong gagawin mo at ang dami yatang ingredient" si Euna na nakangiti nang hawak ang cook book.
I smiled. "Sa atin at..." tumingin ako kay Paige na confident nang nakatingin sa akin. "Sa friend ko"
Napatingin sa akin si Alliana na natigil sa pagsubo ng strawberry. "May friend ka pala pwera sa amin?"
Pabiro akong sumimangot. "Of course! Sabi ni Larry magkakasundo kami eh"
Kung totoo nga ang sinasabi ni Larry na wala nang namamagitan sa kanila kahit kakuting, might as well befriend that girl, right?
We were chaos but we still manage to make two beautiful strawberry shortcakes. At syempre, espesyal ang isa dahil marami ang cream noon in case Alliyah do something bitchy towards me.
Paige's guts are strong. Lahat ng mga nararamdaman niya ay nagkakatotoo kaya naman kung ano man ang pinapaalala niya sa akin, hindi ko na iyon pinagdududahan. When she feels something towards someone,sinasabi niya agad iyon. At kahit kailan, hindi pa siya nagkamali sa mga hinala.
"Sino ba 'yung friend mo na 'yan? Lalaki ba?" nakangisign dungaw ni Leticia sa cake na aking nilagay na sa isang box na binili ko kanina.
"Why would I even give a cake to some guy?" natatawa kong sabi sa kaniya.
Para naman siyang natauhan at natatawang inilingan ang sarili. "Oo nga naman..." bulong niya sa sarili tsaka tumungo na sa karamihan na nasa sala at ine-enjoy na ang cake na aming ginawa.
Hindi ba bumababa si Larry so I assume hindi pa sila tapos mag-usap ni Daddy. At hindi ko rin naman siya balak isama sa pagbisita kay Alliyah dahil baka hindi ko maisampal kay Alliyah 'tong cake na dala ko kung sakali mang artehan ako ni Alliyah.
Lumabas na ako sa kusina dala ang box ng cake. Paige even offered me a ride but I refuse dahil paniguradong hahanapin siya ni Clane mamaya kapag nagsidatingan ang mga lalaki.
Nagpahatid ako sa driver namin sa AC condominiums kung saan naroon ang condo ni Larry na tinitirhan ng kaniyang napakabait na friend. Since nasa 6th floor lang naman iyon, hindi na ako nagtagal pa bago makarating sa harap ng pinto ng condo nito.
Since I want to be welcomed, I pushed the door bell na ilang sandali lang ay bumungad na sa aking harap ang mukha ni Alliyah na mula sa pagkakangiti ay unti-unting sumara ang bibig.
I smiled warmly at her. "Hi. Can I come in?"
She looks hesitant. Napalunok at kurap-kurap pa siya bago ako bigyan ng maliit na ngiti at pinapasok sa loob.
I smiled sweetly at her. "Thanks," and walked past her.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng condo ni Larry. It looks like a home, huh. Mukhang sinulit-sulit ni Alliyah ang tulong ng aking boyfriend.
Sinara na ni Alliyah ang pinto at tsaka tumungo sa akin habang hawak ang magkabilang braso. "Ano palang pinunta mo, Adhara?" alangan ngunit mahinhin pa rin niyang sabi.
I looked at her and caught a glimpse of her uneasiness with my presence. Inangat ko ang hawak na box ng cake at hinawakan iyon nang parehas na kamay. "I came to visit" ngiti ko.
Before she could even react, inunahan ko na siya at hinawakan ang kaniyang balikat. "It's a strawberry shortcake. There's no nuts here"
Hilaw naman siyang natawa at kagat labi akong tinanguan. "S-salamat sa pagbisita... uh..." lumingon siya sa kusina at binalik sa akin. "Sa kusina tayo para makain natin?" anyaya niya na sinang-ayunan ko lang at sumunod sa kaniya.
Ipinatong ko iyon sa counter. I sat on the high stool at siya ang gumalaw para kumuha ng paglalagyan. I took the chance to scan her physique.
She's morena, as tall as me but her body is curvier than mine. Madalas ang suot niya ay halos tago ang balat at mahaba ang buhok pero ngayon, she's wearing a large white shirt and a cycling only. Siguro dahil buntis, para mas magaan at madali ang galaw.
Dala ang dalawang platito at dalawang tinidor, humarap na siya sa akin at ipinatong iyon sa counter na nasa harap namin.
"Noong huli nga pala nating pagkikita... pasensya sa mga nasabi ko, Adhara. Hindi ko 'yon sinasadya at talagang nagkamali ako sa pag-aakusa sa'yo..."
Pasimple kong pinagmasdan ang mukha niya habang siya busy sa kakasalita. Her eyes looks drowsy but lively whenever she talks at ang labi niya ay sakto lang ang pagkaliit na bumagay sa medyo payat niyang mukha.
She's pretty but cannot be compared to the girls I knew lalong-lalo na sa amin nila Paige. She's inferior compared to us.
Doon lamang siya natigil sa pagdaldal noong sumubo na siya. Her eyes beemed as if it's the first time she has tasted a food that tastes so good.
"Gawa mo 'to? Ang sarap! Marunong ka pala gumawa..." aniya at sumubo muli.
I looked at her with so much judgement. Anong akala niya? Wala akong alam sa kusina?
But still, I masked it with my angelic smile. "I know how to bake. Mostly pastries"
"Talaga? Ako rin! Mahilig din akong magluto!" pagbibida niya sa sarili.
Do I look like I care?
I hummed in reply, to show that I'm not interested. Pero nakalimutan kong pabibo nga pala 'to at nagpatuloy sa pagdaldal sa mga naluto niyang pagkain.
Nang maghiwa pa ulit siya ng piraso sa cake, doon ko na siya tinanong tungkol sa kanila ni Larry.
"Nabanggit ni Larry na nagkaroon ng "courting phase" sa inyong dalawa. For how long?" I asked casually, making her freeze on her seat and looked at me with surprised eyes.
I remained unbothered. Ano? Inaasahan niyang hindi mababanggit sa akin ni Larry iyon? Oh, please. I am the girlfriend here at may karapatan akong malaman ang naging karelasyon ng boyfriend ko lalo na't ayokong magmukhang walang alam sa kaniyang buhay.
"A-ah... s-summer lang at..." hindi pa siya natatapos ay pinutol ko na siya.
"Tumigil siya?" Kunwaring hula ko.
Gulat pa ulit siyang tumango sa akin. "H-he said may kailangan lang siyang asikasuhin at hindi na niya ako muna mapagtutuunan ng pansin" she said carefully.
I almost snorted. Kawawa naman pala siya. Hindi na nga agad napanindigan, hindi pa mabigyan ng oras.
"Dahil magkaibigan naman talaga kami noon pa lang, w-we remained that way since naintindihan ko naman siya kung bakit siya tumigil muna..." patuloy niya at ngumiti nang maliit.
Maingat kong ipinatong ang siko ko sa counter at inilagay ang baba sa kamay. "What's his reasons?"
Para naman siyang naalangan sa tanong ko at tumikhim pa bago magsalita. "H-hindi siya. H-hindi pa kasi talaga ako ready" aniya at uminom sa basong may tubig sa tabi niya.
Unti-unting kumunot ang noo ko. I leaned back to see her clearly. She's bluffing. Aniya kanina walang oras si Larry sa kaniya tapos ngayon, hindi pala siya ready? Ang hina naman niyang magsinungaling?
Pansin niya ang naging reaksyon ko sa sinabi niya kaya bigla siyang napakurap-kurap at kinuha ang kaniyang platito para ilagay sa sink.
"You said wala siyang oras sa'yo kaya paanong hindi ka biglang naging ready?" puna ko sa sinabi niya.
Nanahimik naman na siya at nakita kong hinuhugasan na niya ang mga pinggan doon.
Now, she's very suspicious.
"Do you still like Larry, Alliyah?" tanong ko habang bumababa sa stool na inupuan.
Kabado niya akong nilingon at umiling. "H-hindi ah! K-kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya, Adhara" aniya at nanatiling nakatalikod sa akin.
Humalukipkip ako at seryoso na siyang tinignan. "Sigurado ka?"
Mabilis siyang sumagot. "O-oo! H-hindi ko siya talaga g-gusto..."
I looked at her mockingly. "So why do you keep on acting like a priority? Na para bang gustong-gusto mong tinutulungan ka ng boyfriend ko? Para malandi? Is that why you keep on latching onto my boyfriend?"
Bigla siyang natigil sa ginagawa na akala mo'y naging bato sa kaniyang kinatatayuan. Kinuha ko naman ang pagkakataon para makuha ang mga sagot na gusto kong malaman mula sa kaniya.
Confronting someone on the spot can pressure them to tell the truth rather than think of some way to dodge the question or answer them dishonestly.
"Talaga bang tumigil agad siya sa panliligaw sa'yo? Bakit parang ang dami naman niya yatang alam sa'yo?" I asked, as I took a step towards her.
"Y-you should ask him yourself, Adhara" aniya sa mahinang boses.
Tumagilid ang ulo ko. "You two were a thing, 'di ba? Pero bakit iba ang rason na sinasabi mo kaya siya tumigil?"
Ilang sandali siyang natahimik bago tuluyan nang humarap sa akin. She looks scared but she's masking it by smiling awkwardly. "I-i don't know what you're saying, Adhara"
I scoffed and smiled without humor. "Now, you can't understand what I'm saying?" I said, offended by her sudden stupidity.
Her smile became flat. "Tapos na kami, Adhara, kaya 'wag ka nang mag-alala pa"
Tumaas ang isa kong kilay at naglaro ang mapang-asar na ngiti sa labi. "I'm not worried about him. I'm worried about this girl who thinks kindness means love"
She remained composed and shook her head. "Mabait si Larry, Adhara. 'Wag mong masamain 'yon"
Oh, look at this shit. Bobo ba siya at ibang-iba ang sinasagot niya sa mga sinasabi ko?
"Do you still like him?" I asked seriously as I stand dauntless in front of her.
Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatingin sa akin bago magsimulang maglakad paalis sa harap ko. Nilagpasan niya ako kaya naman napairap ako at sinundan siya.
"I'll ask you one last time. Do you still like him?" may diin kong sabi nang makarating kami sa harap ng kaniyang kwarto.
Hindi niya natuloy na ibukas ang pinto at nanatiling nakahawak na lamang sa door knob. I folded my arms and waited for her response with my almost irritated face because of her rudeness.
She's breathing heavily and bowed her head. Maya-maya lang ay umangat ulit at dumulas paalis sa door knob ang kamay.
"Oo, gusto ko pa si Larry, Adhara" garal niyang sabi.
I smirked bitterly. Very much obvious, tanga.
"Well, apparently..." I drawled and moved my head, making the hair on my face bounce. "You can't because you know... he's got a girlfriend at hindi na niya masusuklian ang feelings mo"
Natahimik siya. I smiled wickedly as I continue to scorn her "At parang mali naman yata 'yon? You're having romantic feelings for someone who's helping you as a friend? And demanding on them? How obnoxious of a friend you are, Alliyah"
She remained facing her door. I scoffed. "Using someone's dead feelings and your situation to lure someone's boyfriend back to you is such... a disgrace. Do you even respect yourself?"
I know that will trigger her because I make sense. Ginagamit niya ang sitwasyon niya para kaawaan ni Larry at tulungan siya! So for that way, malalandi at makukuha niya si Larry dahil nga mabait ito at hindi siya matatanggihan.
But I don't give my properties to others that easily.
I brushed my hair up and sighed with disappointment. "I hope maliwanagan ka na sa kung ano mang ginagawa mo, Alliyah. Kasi alam mo, it will never work. I just came here to... give you some common sense and respect for yourself dahil mukhang nakakalimutan mo na yata" sabi ko at ngumiti nang huling beses bago itulak ang sarili na umalis.
Pero hindi pa man ako nakakalayo, bigla siyang nagsalita.
"H-hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla ka na lang niligawan ni Larry, Adhara?"
I stopped in my tracks and faced her slowly. There she stood with tears rolling down her face and a blushing nose.
"Obviously, he likes me," I said as if what she asked was ridiculous.
Umiling siya. "Ako ang gusto niya, Adhara. Hindi ikaw" garal niyang sabi ngunit akala mo'y siguradong-sigurado sa sinasabi.
I chuckled humourlessly. "Kung ikaw ang gusto, bakit hindi ikaw ang niligawan?"
Humikbi siya at lumapit sa akin. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha niya ngunit diretso lamang siyang nakatingin sa akin. "Kung hindi dahil sa'yo, ako ang liligawan niya!"
Kumunot ang noo ko. "Now, you're blaming me kasi ako ang niligawan? Oh please, Alliyah. Stop being a bitch who ruins a relationship. Masaya kami ni Larry kaya pwede ba, have some respect for yourself" inis kong sabi at tatalikod na para umalis nang bigla siyang magsalita,
"He's using you to find his mom!"
Bigla akong natigilan at kunot noong nilingon ulit si Alliyah. What bullshit is she talking about?
She breathed raggedly. "Hindi ka niya ginusto, Adhara. Ako ang gusto niya noon at nililigawan na pero tumigil lang dahil may in-offer sa kaniya ang papa mo para mahanap ang mama niya!"
Now, dinadamay niya si Daddy?
"What are you talking about? 'Wag mo ngang idamay si Daddy sa kagagahan mo" banta kong sabi.
Umiling siya at tumulo pa ang mga luha. "Adhara, alam kong masasaktan ka sa mga malalaman mo pero hindi ka niligawan ni Larry dahil gusto ka niya."
"Niligawan ka niya kapalit ng pagpapahanap ng papa mo sa mama niya. Si Tito Bill... pinatigil na ang pagpapahanap sa asawa niya at sobrang nasaktan doon si Larry kaya tinanggap niya ang offer ng papa mo"
She's bluffing! Anong imbento ang pinagsasasabi niya!
"Can you stop inventing things? Para kang tanga!" irita kong turan at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko.
She shook her head repeatedly. "Adhara, nagsasabi ako ng totoo. Itinago sa'yo 'to ng daddy mo at ni Larry dahil... paniguradong magagalit ka."
Kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. She's lying! Masyado naman yatang hindi makatotoohanan ang kwentong iniimbento niya! At dinadamay pa niya ang mga pamilya namin!
"Gan'yan mo ba talaga ibababa ang sarili mo para lang makuha si Larry, Alliyah? Have some class!" I spatted.
"Hindi ka ginusto ni Larry, Adhara dahil ako ang gusto niya. Pero naiintindihan ko siya para piliin ang mama niya kaysa sa akin dahil alam kong mahal na mahal niya ang mama niya at hindi na niya kayang wala ito sa tabi nila" she sounds begging for me to believe her.
I looked at her with furrowed eyes. "Can you stop dragging our family here with your bitchness?!" hindi ko maiwasang sigawan siya.
She has no respect for our family! Sinisiraan niya pa!
Lumunok siya at hinigpitan ang hawak sa aking kamay. "Adhara, usapan ni Larry at ng daddy mo na kapalit ng pagpapahanap sa mama niya siya ang manliligaw sa'yo dahil ayaw ng daddy mo na kung kanino ka lang mapunta. Hindi ko sinisiraan ang daddy mo sa'yo pero 'yon ang totoo, Adhara." she begged.
I removed her hands on mine and glared at her disgustingly. "Gan'yan ka ba talaga kababa, Alliyah? Para lang makuha mo si Larry ay sisirain mo kami at ang pamilya namin! You're disgusting! No wonder nagpabuntis ka lang kung kanino!"
She cried more. "H-Hindi, Adhara! Maniwala ka sa'kin! Lahat ng sinasabi at pinapakita sa'yo ni Larry ay kasinungalingan! He doesn't love you dahil ako ang mahal niya! Boyfriend mo lang siya dahil napilitan siya pero kapag nahanap na ang mama niya, makikipaghiwalay din siya sa'yo at babalikan ako!"
My eyes heated in so much anger. She seems so sure to all the lies she's spitting! Ang sabihin mo, landing-landi lang siya at gustong agawin ang boyfriend ko!
"Stop talking! You're disgusting, Alliyah! Wala ka nang respeto sa sarili mo para ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto! Sa taong may karelasyon! At sinisira mo pa ang pamilya namin!" inis ko nang sabi at naramdaman ang pagbagsak ng isang luha sa pisngi sa sobrang inis.
I feel my head throb with all of these lies I hear. She's just messing with me! Para hiwalayan ko si Larry at mapasakaniya! Sinisiraan niya lang ang tingin ko sa mga mahal ko sa buhay!
I sighed heavily and looked at her mockingly. "Hindi mo ako mapapaniwala sa mga kasinungalingan mo, Alliyah. Malandi ka na nga, bobo ka pa"
Dumaan ako sa kusina para kunin ang cake. Hinawakan ko iyon sa harap niya at diniin sa mukha niya. Hindi siya nanlaban o gumalaw at hinayaan lang ang cake na magkalat sa harap niya. I smirked before turning my back.
Bubuksan ko na ang pinto nang bigla siyang magsalita na nakapagpalamig sa aking katawan.
"Hindi ba pagmamahal ang tawag sa nasa tiyan ko, Adhara? Hindi ba ako mahal ni Larry nito?"
Now, it's my time to grip on the door know as if it's my source of strength.
"Bakit sobrang bait sa akin ni Larry para i-provide lahat lahat ng pangangailangan ko? Ng anak namin?" she emphasized the last words.
My eyes watered in so much anger and confusion. Pakiramdam ko ay nanigas ako at hindi alam ang papanigang nararamdaman.
Mabibigat ang hakbang ko na bumalik sa harap ni Alliyah at mabilis na pinalipad ang aking palad sa kaniyang mukhang luhaan.
Sa sobrang lakas noon ay halos matumba siya sa kinatatayuan kung hindi lang siya humawak sa sofa.
My eyes are full of anger because of all the lies she's blurting. She's hurt but when she looks at me, ibang-iba sa inaasahan ko ang tingin niya.
She looks determined and confident. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit ilap pa si Larry sa'yo na hawakan o halikan ka?"
I gritted my teeth and raging tears again pooled my eyes. "One more lie and I will cut your tongue" banta ko.
"Lie? Sa tingin mo gagawa ako ng kasinungalingan tungkol sa anak ko, Adhara?! Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na hindi talaga ikaw ang gusto ni Larry?!"
"Shut up--" she cuts me.
"Larry sacrificed all his happiness, Adhara! Kahit hirap na hirap na siya sa sitwasyon ng pamilya niya, isinakripisyo niya pa rin ang sarili niya para lang mabuo ang pamilya niya! Kahit sa kapatid niya, kailangan pa niyang mangako para lang mahanap ang mama niya! Kahit napilitan lang siya sa'yo at sa daddy mo, ginawa pa rin niya dahil gustong-gusto na niyang magkaroon ng ina!"
Lalong nagdilim ang paningin ko nang idamay na naman niya ang pamilya namin. "Bakit ba sinasali mo ang pamilya namin dito? Ha?! May mapapala ka ba?!"
"Kasi 'yon ang totoo, Adhara! Si Larry ang naghahanap ng lahat ng solusyon para sa problema ng pamilya niya! Kahit pa kailangan niyang bitawan lahat ng nagpapasaya sa kaniya, gagawin niya para sa pamilya, Adhara!"
"Shut up!" May diin kong sabi dahil nararamdaman ko na ang aking mga ugat na gustong pumutok sa sobrang iritasyon.
She cried again. "Please, Adhara. Larry needs to be free. Kailangan namin siya ng anak niya kaya please, maniwala ka"
The way she said those words as if she's so sure, it pains me. Para bang kahit ayokong paniwalaan, nagtutugma lahat ng kaniyang sinasabi sa katotohanan na hindi ko pa nahahawakan.
"No... You're just lying" matigas kong paninindigan kahit na gumuguhit na ang kakaibang sakit sa akung dibdib.
She shook her head weakly. "H-hindi... Adhara, hindi mo pa rin ba naiintindihan? Alam mong walang interes sa'yo si Larry dati pa man tapos bigla na lang siyang manliligaw sa'yo?"
I shook my head. "He told me he likes me even before! He even gave me a letter of his confession!"
"Baka naman galing 'yon sa k-kapatid niya, Adhara..." nanghihina niyang sabi.
I stopped breathing. Napaawang ang labi ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit biglang sa sinabi niyang 'yon, sinasampal niya na nagkamali lang ako sa lahat ng ito.
Pinunasan niya ang mukha niyang puno ng cream at tinapay ng cake. "Si Lomi ang matagal nang may gusto sa'yo, Adhara. Hindi si Larry. Kaya lalong nahirapan si Larry na ligawan ka dahil sa kapatid niya, Adhara. Pero para sa mama niya, ginawa niya ang lahat-lahat at nangako sa kapatid na hindi siya mahuhulog sa'yo--"
I stepped backward. Napailing ako at lunok. "Stop with the lies! Stop messing with my mind!"
I gasped and exhaled sharply. My mind starts to recall the time Larry started courting me. When he's so timid and shy. I don't even know why I started to conclude them to what Alliyah has been telling me.
"Kasinungalingan ang lahat ng pinapakita sa'yo, Adhara. Hindi ka gusto ni Larry lalo na ngayong may anak kami" pag-uulit niyang imbento.
Different emotions swirl in me at hindi ako makapili ng tamang nararamdaman. I want to feel angry to stop Alliyah from all her fabricated lies but again, just like before, confusion reigns in me. Lagi na lang pagkagulo ang nararamdaman ko kapag napapagitnaan ako ng dalawa. And I can't even help my way out.
A story have two sides. Inalala ko iyon at hindi pwedeng umaksyon lamang ako nang isang side ang naririnig. I don't want to repeat Alliana's mistake just because I'm being emotional.
Pinunasan ko ang mukha at seryosong tinignan si Alliyah na kinakalma ang sarili at malungkot na nakatingin sa akin.
"Si Larry lang ang makakapagsabi nang totoo" seryoso kong sabi, tanda na hindi ako maniniwala sa kaniyang mga pinagsasabi hangga't hindi kay Larry mismo galing.
Natigilan si Alliyah na para bang nakakita ng multo. Napunta sa likod ko ang tingin niya kaya naman napatingin na rin ako.
There the person we need stood, with eyes widened at the scene.
"Adi..."

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters