Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 31
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng bahay ay sinalubong na agad ako ni Larry na nakasandal sa pillar ng entrance ng aming bahay. He engulfed me fully as if I was missing for months.
"Gosh, I missed you" bulong niya sa aking leeg.
Nahihiya namang nakatungong umalis ang mga kasambahay namin na naglilinis ng bakuran. I sighed and smiled at Larry when I pushed him slightly so we can go na.
After I make up my mind, doon pa lang ako nag-open ng phone para sagutin ang sandamakmak na missed call at messages ni Larry. I texted him earlier after I ate breakfast na sunduin ako. And just as I expected, he showed up much earlier than usual.
Nasa loob na kami ng sasakyan niya ay hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
"Why are you silent, hmm? You're making me nervous" si Larry nang mapansin niyang tahimik lang ako.
Napalingon ako sa kaniya at natawa. "I'm not?"
He bit his lips and when we stopped at a red light, he faced me wholly while engulfing my hands with his. "I'm sorry for leaving you at my condo last time. I was panicking..."
"I know, I understand" sabi ko na ikinatango niya agad.
"And about Alliyah's accusations, I'm sorry about that. She also said sorry when she was cured. She didn't mean them, Adi. You know how pregnant women can be volatile and sensitive at times..." he explained as if he needs to clear them out before I could call him out about that.
I smiled but I masked my irritated expression he brought that thing again. "Okay,"
Napakurap-kurap siya. He chuckled fiddly. "You're not upset?"
Is there something I should be upset about?
Umiling ako at matamis siyang tinawanan. "Green light, babe" turo ko sa daan na ikinabalik niya sa sarili at nangingiting nagmaneho.
"But can I ask why aren't you answering my calls? Hindi mo rin ako pinapansin..." nagsalita siya ulit.
Tahimik kong inilabas sa bintana ang tingin at itinago roon ang pagdilim ng aking mga mata. I don't know if he's being clueless or he knows a thing of what I'm feeling.
"Not in the mood" maikli kong sagot.
He hummed. "So, you're okay now?"
"Of course" not.
Kinapitan ko ang aking mga conclusions sa mga kilos ni Larry lalo na kay Alliyah. I became observant. Kahit ang pagkakataong ibinigay sa akin ni Larry na gamitin ko ang phone niya ay hindi ko pinalampas.
Their texts were nothing but "thank you for the help", advises, and about school stuffs. Hindi ko alam kung may binura o talagang ganoon lang ang usapan nila pero hindi ako tumigil doon.
I can feel that there was something wrong and I wanted to prove it.
"Uy..." natatawang bulong ni Larry sa akin nang matapat sa kissing scene ang aming pinapanood na movie.
After school, we decided to watch movies in my room since wala naman kaming masyadong school works ngayon since katatapos lang ng long tests namin kanina.
Tinitigan ko ang naghahalikang mga bida. I can't even focus on the movie without taking a glance at Larry or his phone.
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat at inilapit sa kaniya. My insides churn when my legs touched his but I calmed myself down. Kahit na gustong-gusto ko nang gayahin namin ang pinapanood, my mind can't let me because I can't seem to clung unto Larry without thinking all the possible intuitions about him and Alliyah.
Kaya naman tumagilid na ako at lalong nadikit ang katawan kay Larry. I looked up at him and saw him staring at the TV but was just obviously distracting himself with my sudden move against him.
"Hanggang saan ang inabot niyo ni Alliyah?" I asked out of nowhere.
Mabilis siyang napatingin sa akin. "Why'd you asked?" he said calmly.
There. He was hesitant to tell me why.
Gumalaw ulit ako at bahagyang sumandal sa kaniya. Napunta sa pinapanood namin ang aking tingin kung saan ang mga bida ay kapwa nag-a-alisan na ng mga damit.
"Just curious. You said you guys were a thing before eh..." I muttered.
Hindi ko na nakikita ang mukha niya but I can feel his deep stare at me.
"Well..." tumikhim siya. "I courted her..."
Pasimple akong umirap. So, balak niya ngang i-girlfriend.
"But something came up so we just remained friends just like before"
Napakunot ang noo ko at bumaling ulit sa kaniya. "Can I know that something?"
He smiled a bit. "She's not allowed yet"
Oh? That sounds... common. 'Yon lang ba talaga?
Napatango-tango ako at itinukod ang siko sa kama tsaka ipinatong ang aking baba sa aking kamay. I looked at him while smiling softly. He smiled at me too.
"So, 'yon ang dahilan kung bakit mo ako niligawan?" sabi ko.
He chuckled and shook his head. "Of course not. I told you I liked you"
"Really?" I teased without sounding too doubtful and glided my foot on his.
He pulled me closer to him and looked at me endearingly. "You're being naughty again..." inabot niya ang aking hita na nakabalot ng comforter at inilapit sa kaniya. "Gusto mo bang tusukin kita?"
Bigla namang nag-init ang aking mukha at hindi inasahan ang kaniyang pang-aasar kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. What did he said?
"W-with what?" My dumb ass said.
He grinned when he saw how flustered I was. "This," and he began to poke my sides to tickle me.
Natatawa ko namang hinuli ang mga tusok niya. "Stop! Larry! Ano ba!" halos mapatili pa ako nang hawakan niya ang mga kamay ko gamit ang isang kamay at tinusok ang aking tagiliran.
Hinihingal na ako noong tinigilan niya ako. Sumimangot ako nang nakitang nakangisi lang siya sa akin habang nakamasid.
"Don't look at me like that. Tell me what's upsetting you" sabay haplos sa aking buhok.
Unti-unti kong inalis ang titig sa kaniya. Tumalikod at napatitig sa aking kurtina. Kahit anong iwas ko na kaya akong basahin ni Larry, siya pa rin talaga ang gumagawa ng paraan para ipitin ako at mapaamin sa kaniya. He just knows it when I know something that I even try to cover it with being nonchalant about it.
"Wala naman" I lied and immediately, I felt him hug my stomach and pulled me closer to him until I felt my back against him.
Lalo akong namula nang maramdaman din ang pagsiksik ng kaniyang mukha sa aking batok. "What's inside your pretty head, hmm? Tell me. I know it's about me"
Nanatili akong nagmatigas at umiling. I don't want to be this open to him. I feel like he'll distort my feelings and make me drown in his sweetness instead of knowing all of its reasons by myself.
"Wala nga," ulit ko.
"Hmm? I don't believe that"
Napakunot ang noo ko at sumimangot. "Then, don't believe me" tsaka ako bahagyang lumayo sa kaniya.
Agad niya rin naman akong hinatak pabalik sa kaniya at ipinatong pa ang paa sa akin para makulong na ako sa kaniya. "Hey, just kidding, love. I just know when you lie or not. Ayokong iniipon mo lahat sa loob mo. I want you to feel better when you're not..."
I almost groan. Ni hindi ko magawang pasimple siyang obserbahan dahil pansin na pansin niya ako! He just knows it too well when I'm upset. He must be thinking already that I'm plotting a murder case and he's here to stop me doing it.
I sighed in defeat. Hinarap ko siya nang seryoso ang mukha at gusto na ring bugbugin siya ng mga tanong na nagpapagulo sa aking isipan dahil sa kaniya.
"Tell me the truth. Do you still like her?" malinaw at may diin kong sabi.
Malalim kaming magkatitigan. Habang ako ay hindi maalis-alis ang bumabakas na frustration sa akin mga mata, siya nama'y kalmado lang na ngumiti at umiling habang nakapatong ang kamay sa aking baywang.
"No" maikli niyang sagot.
Nagsalubong ang kilay ko at hindi nakumbinsi sa ikli ng kaniyang sagot. "Why?"
He looked at me as if I was being ridiculous. "I have a girlfriend?"
"What if I'm not your girlfriend?" mabilis kong dugtong.
"She's a friend? I told you, we remain friends"
Friends? Eh bakit kung makaasta pa rin si Alliyah ay ibang-iba?
"How about her? She still likes you" I said, with bitterness dripping from my voice.
"We don't talk about us anymore, Adi" kalmado niya pa ring sabi. Walang bahid ng lungkot o panghihinayang.
I eased up and my eyes softened in acknowledgment. Ayoko mang aminin pero gusto kong paniwalaan si Larry tungkol sa kanila. Pero hindi pa kumpleto iyon para mapanatag ako. I still need the other side of assurance to completely believe them.
I pushed myself to hug him. "I only want you mine, Larry. I know you know that" I mumbled againts his shoulders.
His arm circled around my waist as he pulled me up above him. "I know. I know that I'm yours, Adi"
I smiled and was about to lift my head when a knock from the door interrupted us.
"Adi? Come on, we're going out. Nagkulong na naman kayo ng boyfriend mong..."
Halos manlaki ang mata ko sa muntik na sabihin ni Paige at nakahinga naman nang maluwag nang hindi niya iyon dugtungan. Umalis ako sa pagkakayakap kay Larry at tumungo sa pinto para ibukas iyon nang maliit.
"With the girls?" I asked while peeking my head out.
Nagsalubong ang kilay ni Paige sa aking kilos at sumilip pa sa nakaawang kong pinto. "You look like you guys are doing something. Nagsex kayo?" At akma pa niyang bubuksan ang pinto kung hindi ko lang siya inunahan nang ilaki ang pagkakabukas noon.
"We just watched a movie. Gosh, Paige" natatawa kong sabi habang sinusundan siya ng tingin. I leaned against my door.
Nakarating siya sa harap ni Larry na nililigpit ang aming pinaghigaan kanina. Larry's folding my comforter when Paige snatched it from him. Gulat naman si Larry na napatingin sa akin na kinibitan ko lang ng balikat at nginisihan.
Paige curiously smelled my comforter. Napahalakhak naman ako nang when she looks relieved rather than pissed off.
Nakapameywang na tinignan ni Paige si Larry na nakapamulsa nang lumapit sa kaniya. Nanliit ang mata ni Paige. "Don't you dare fuck my sister in her room." Banta nito na natatawang ikinatango ni Larry.
I grinned when Paige looked at me. "Sa room niya na lang?" Biro ko na ikinalingon ni Larry at lumapit para kurutin ang ilong ko. Nauna na itong lumabas na ikinasunod lang namin ni Paige.
Ikinawit ni Paige ang kaniyang kamay sa aking siko. Sa kilos niya pa lang, alam ko na ang gusto niyang malaman.
"He said earlier that there's nothing between them" bulong ko sa kaniya noong pababa kami ng hagdan.
Paige rolled her eyes. "Boys lie all the time."
Napataas ang isa kong kilay. "Kahit si Clane?"
She looks at me ridiculously. "Well, yeah. Nabubuking ko lang but nothing too serious."
I nodded and was about to remove her hand from me when we reached the first floor when she pulled me closer. "You need to ensure both sides. If you need help on provoking that bitch, just call us" bulong ni Paige.
Natatawa ko siyang tinignan. "Us you mean you brats? You, Ayessa, and Leticia?" Panunuya ko.
She smirked. "You know how angels became bitches too when provoked, Adi"
I know that. I am an example of that.
First week of March, we all visited Estheria at their home since she had already given birth to her healthy baby girl. She named her Mica Thalia which I found pretty and simple. From the very first look at her baby, she exactly looks like her mother.
"I wanna hold her!" pagpipigil ko ng kamay sa sarili na kunin ang baby a hawak ni Estheria. Nakapalibot kaming lahat na mga babae ngayon sa kaniya. Even Ashy and Annie are with us.
Ngumiti sa akin si Ria at inilapit sa akin si Baby Mica. Nanlaki ang mata ko at umiling agad. "Baka mabagsak ko!"
Si Annie na hawak ang maliit na bote ng gatas ni Mica ay lumapit sa kanila at siya mismo ang nagpadede kay Mica. "She's so cute" hagikgik nito at nilingon si Ashy na nakasilip lang sa gilid niya. "Ang cute niya oh! Ayaw mo pa rin sa mga baby?"
Inirapan siya ni Ashy. "Mica's an exception" tamad nitong sabi.
Si Euna na halos naluluha pang nakatanaw kay Mica ay marahan na ring humawak sa kamay nito. "You look so much like your mommy..."
Si Ayessa na kasama ni Ria sa kama ay ngumisi. "Nadiscuss sa PerDev namin 'yan. Kung sino raw mas nasarapan sa paggawa, siya raw ang mas magiging kamukha" pang-aasar nito kay Ria na tahimik na natawa at sinamaan siya ng tingin.
"Kung sino ang mas mahal, not nasarapan. Ikaw, puro na lang dumi nasa isip mo. Gan'yan ba kayo ni Randell?" Ria backfired, making us laugh when Ayessa blushed furiously.
"I'm at legal age na! Ano naman kung mapag-usapan namin 'yan... usap lang naman" Ayessa smirked.
Paige, who's busy holding Mica's small feet snorted. "I doubt that usap. Dirty talk, probably"
I agreed. "Yeah. 'Di ba, Ria?" tawag ko kay Ria na tumango sa akin.
Nakwento sa amin ni Ria noong nahuli niya si Kuya Shan at Ayessa na naghaharutan sa kwarto ni Ayessa. I remember being so shocked that time. Hindi naman kasi known si Ayessa for being like that! I mean, yes, she's naughty pero noong inasar ni Ria si Ayessa sa amin noon tungkol sa narinig niya ay hindi rin naman itinanggi ni Ayessa!
Kaya hindi na rin kami halos naniniwala sa kaartehan ni Kuya Shan kapag magkakasama kaming lahat. Lalo na kapag nag-a-asaran na about kiss and such? Umaakto pa siyang pinapagalitan kami for knowing those things, hindi niya alam sa amin lang din naman nagk-kwento si Ayessa tungkol sa ginagawa sa kaniya ni Kuya Shan.
Kung hindi lang dumating ang Kuya ni Ayessa na si Kuya Jace ay hindi kami matatahimik sa pakikipag-asaran lalo na't lahat na rin naman kami ay may alam pwera sa dalawang 15 years old na kasama namin.
"Thank you for the time, girls. Nabubugnot din talaga si Ria mag-isa" si Kuya Jace na hinatid na kami sa labas ng kanilang bahay.
"Iniiwan kasi madalas ni Ayessa, Kuya Jace" pang-a-asar ko sa kapatid niya na sinimangutan ako.
Kuya Jace looked at her sister amusedly. "She's always busy with her boyfriend?"
Agad na dinepensahan ni Ayessa ang sarili. "What? I'm mostly with them!"
"Pero kasama ang boyfriend" singit ni Leticia na nagpapatay malisya nang naglilibot ang tingin na nakatanggap ng hampas kay Ayessa.
"We'll get going, Kuya Jace. Hope we can visit Ria anytime" si Euna na ipinaalam na kami.
Tumango sa kaniya si Kuya Jace. "Any time, girls."
Alam na alam ko ang pagpipigil ng tili nitong mga babae kaya naman pagkasakay-sakay pa lang namin ng sasakyan ni Paige ay halos mabingaw na kami sa tilian. Gusto ko mang makisali sa kanila, hindi ko rin magawa since I only see Kuya Jace as a Kuya na lang din.
Si Alliana na nangingiting napapairap sa pagpapantasya nila Paige at Leticia kay Kuya Jace ay binulungan ako. "Gusto kong i-video kaso low battery ako"
I grinned. "Ayokong malagot ulit."
Si Leticia ay inaasar na si Euna sa pag-kuya niya kay Kuya Jace. Kahit si Euna ay obvious na kinikilig din dahil sa sobrang pagpula ng kaniyang pisngi. She's so white kaya.
"Ang awkward naman kung i-j-Jace ko lang siya eh mga nag-Kuya kayo" naiiling na sabi ni Euna.
Dumungaw ako sa pagitan nila ni Paige at nakangising sinilip siya. "He's the same age as Kuya Gab, 'di ba? So you can really call him Jace lang"
Namula si Euna at natatawang tinulak ang mukha ko. Si Ayessa naman na nakasimangot na kaming pinapatigil sa pagpapantasya sa kuya niya.
"Pamilyado na 'yung tao, ano ba naman kayo!"
Obviously, it's a joke. Ang cute kayang asarin ni Ayessa lalo na kapag hindi niya nakukuha agad kung paano kami pipikutin.
A week passed and Larry and I were fine. Hindi pa rin ako panatag kahit na in-assure na ako ni Larry tungkol sa kanila ni Alliyah. Hindi na rin siya tinatawagan o ginagambala ni Alliyah tulad noong mga nakaraan but it doesn't mean I'll stop, too. Hinahanapan ko pa ng pagkakataon na makausap si Alliyah tungkol sa kanila ni Larry. I need to sure that they both have the same story to tell.
Gaya nga ng sabi ni Paige, all men do is lie. And I wouldn't let that slide knowing that I've invested my love and life with Larry.
Days before my birthday, me and the girls plan to have a small party with some friends and family. We kept it simple since that's how I only want my celebration to be. Just with my loved ones and friends.
We're here at our usual place—kila Euna. Sa likod ng bahay nila kung saan kapwa kami mga nakasando at shorts since maliligo rin naman kami mamaya sa pool. I have my leather book with me to take notes for the details of my party. Hindi na rin naman kami nahirapan sa pagpili ng gagawing theme lalo na't iisa rin ang naisip naming lahat na tugma rin sa month ng birthday ko.
A Saint Patrick theme where green is the main color of the party. It'll be a simple gathering and party that I wanted to make great memories with.
"Can I be the pot of gold?" suhestyon ni Euna na ikinahalakhak ni Leticia na kanina pa nagpapresintang maging coin of gold.
"Sabi sa'yo bagay talaga tayo eh!" panghaharot nito at niyakap pa si Euna tsaka siniksik ang mukha sa balikat nito.
Nakangiwing umirap si Paige sa kanila at sumimsim sa kaniyang juice. "Kaunti na lang, maniniwala talaga akong lesbian 'tong dalawang 'to"
Natatawa ko namang inabot ang aking inumin sa maliit na pabilog na mesa sa aming harap. We're at the patio at nasa single rattan chair ko naka-indian sit. Sinuri ko ang mga nakalista ko na sa aking notes. Since kami-kami lang din naman, kay mommy ko na ipapaayos ang mga pagkain. Kami-kami na lang din ang mag-a-ayos at sa mga suot ay bahala na rin ang bawat isa since it's just a simple party.
I also wanted a cake kaso wala naman yatang masarap na green na cake. The only flavor I have in my mind is either strawberry or pure vanilla.
Isinarado ko na ang aking notebook nang mag-aya na silang maligo. At akma na sana kaming mag-a-alis ng shorts nang dumagundong na mula sa loob ng bahay nila Euna ang ingay ng mga lalaki. We all groaned when they all opened the glass sliding door from the kitchen. Mga topless na rin at mga naunang nagsitalunan sa pool pwera kay Crane na nakapamulsa pang nilapitan si Euna na kasama namin.
"Maghuhubad ka?" tanong nitong si Crane na nakahawak na agad ang kamay sa baywang ni Euna. Nilingon naman kami ni Euna na akala mo hindi boyfriend si Crane kung mamula sa hawak sa kaniya.
"W-was about to... pero hindi na siguro" si Euna na hilaw na ngumiti sa amin. We all chuckled at her and proceed to jump into the water with the same clothes as before.
At syempre, may naramdaman agad akong kamay sa ilalim ng tubig at nakangising umahon sa harap ko. Kagat-labi naman akong nakatingin sa katawan nitong lantad na lantad sa akin.
"Sexy..." bulong ko kay Larry na pinanliitan ako ng mata at humawak sa magkabila kong baywang.
"Sexy..." bulong niya sa tainga ko na halos kumiliti sa buong pagkatao ko.
Oh, how can I even let this man take away from me when his mere sexy voice can make me shudder?
A day before my birthday, nagpasama ako kay Larry na mag-grocery. I'm going to make a strawberry shortcake just to practice since I kind of crave for it. Gusto ko ring matutunang gawin since favorite ko naman iyon.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa isang exclusive supermarket ay si Larry agad ang kumuha ng malaking cart para sa amin. He followed me immediately and leveled me.
"Anong gagawin mo? This is new" aniya habang tinutulak ang cart namin.
"Strawberry cake. Gusto ko gumawa" banggit ko at nang makarating na sa aisle ng baking ingridients ay nilabas ko na ang dala kong note.
"Wow, nakakaexcite naman" si Larry na tinulungan akong kunin ang mga kinukuha ko.
Sumulyap ako sa kaniya at tinulak ang sarili na magtanong tungkol kay Alliyah. "How about Alliyah? Does she knows how to cook?" I asked nonchalantly, pretending to be busy with the ingredients.
Pansin ko ang pagkatigil niya—siguro'y nanibago sa inasta ko. He leaned towards the cart as he pushes it; with eyes amusedly observing me.
"Hmm... I knew you're gonna like her" ngisi niya.
Sinulyapan ko siya at patagong umirap. I plastered a fake smile. "Well, who knows we might be... friends"
Oh, how I almost want to throw up with those words.
"Hmm... since she's the eldest, syempre, marunong siya magluto" panimula niya.
"And?" I muttered as I scan the aisle of baking power. Nang makapili ng isa ay inabot ko kay Larry iyon at lumakad pagawi sa ibang bahagi ng aisle.
"She loves baking, aniya. Madalas siyang magbake ng cookies tapos ibibigay sa'min ni Ruzelle" patuloy ni Larry sa pagk-kwento.
Cookies. I almost roll my eyes. That's literally the most common way to show off! That's just basic...
"Natry na rin niyang gumawa ng cupcakes. She's a good baker, if I may say. Pwede ka sa kaniyang magpatulong sa paggawa mo ng cake, if you want"
I hummed. "Let's see..." pagpapakita kong wala nang interes dahil halos lumabas na rin sa aking katawa ang iritasyon sa kaniyang pagdadaldal tungkol kay Alliyah. Ang dami naman niya palang alam, huh?
He continued talking about her that I almost throw him the carton of cream I was getting. Hindi naman niya napansin iyon at maingat lang na inilagay sa cart.
I guess maling i-open na pag-usapan si Alliyah! He sounds so enthusiastic about her!
"I want extra cream and strawberries. Can you get 1 carton of cream and 2 container of fresh strawberries, babe?" nakangiti kong turan dito na agad naman niyang ikinasunod.
I took out my phone and open the group chat with the girls.
Me:
I'll make a strawberry shortcake. Wanna help me?
And just seconds after that, I received a reply from all of them with Paige leading them.
Kang Seulgi's twin:
Extra cream? We got your back, Mina wannabe ;)Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All