Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 29
"Sayang kasi talaga nu'ng nagphotoshoot tayo, 'di ba? Ang arte pa kasi ni Alliana" pabirong bulong ni Leticia sa huling sinabi na ikinahalakhak ko at si Ayessa ay hinatak na ang buhok niya.
"Ang plastic mo talaga" naiiling na sabi ni Ayessa kay Leticia na umirap lang sa kaniya at dumikit na sa akin para asarin si Ayessa.
Napabaling kaming lahat sa mga palabas ng gate. Bakas sa mukha ng ate ko ang pagkairita na kasunod sina Alliana at Euna na mga nagpipigil ng ngisi.
"So, are the babies asleep?" Pabiro kong bungad sa tatlo na kadarating sa aming harap.
Naiwan kami nila Ayessa at Leticia rito sa tabi ng sasakyan ni Paige sa labas ng bahay nila Euna dahil paniguradong mahihirapan pa kami sa pagtakas kapag nagpakita kaming lahat. Lalabas kami at kailangan pa nilang paamuhin ang mga isip batang mga lalaki.
Hindi kasi talaga kami matatahimik kapag malalaman nilang lalabas kami. Akala mo'y lagi kaming gagawa ng kalokohan kapag wala sila.
Pairap na bumuntong hininga si Paige tsaka binuksan ang pinto ng sasakyan niya. She leans sideways against the door. "Fortunately," She muttered.
"They're watching Secret of the Wings" ani Euna na ikinatawa namin.
"Si Tinker Bell lang pala ang mga katapat" ngiwi ni Ayessa.
"Hindi nila kasama sila Annie? I asked.
Alliana smirked. "Kasama sila Annie at Ashy" she corrected, making us all giggle except for my grumpy sister.
Paige shrugged. "Hop in. Before they realized it's an edited one"
Nagsipasok naman na kami sa loob ng sasakyan. Euna's in front, Alliana and I are behind them, and Leticia and Ayessa are behind us. We're already about to leave the subdivision kung hindi lang nabanggit ni Ayessa si Hya.
"Why don't we try to convince her to come with us? Para naman hindi siya lonely!"
We agreed but only Paige rolled her eyes. "She doesn't like us. Mauubos lang oras natin sa kaniya"
"Puntahan kaya natin? Baka kapag nakita niyang paalis na tayo ay pumayag din 'yon!" Suhestyon ni Leticia na ikinasang-ayon ulit namin.
"It's Saturday naman. Hindi siya naglilinis kapag weekends" dagdag ko.
Paige snickered. Inikot niya ang steering wheel kaya ngayo'y pabalik kami sa dulong parte ng subdivision kung saan doon ang sa mga Alfanta. We have to take the longer route just to avoid Euna and Kuya Crane's house where the boys are at.
We all went out noong matapat kami sa labas ng gate ng bahay nila Annie. Akma pa kaming pagbubuksan ng malaking gate ng mga guard kung hindi lang namin sinenyasahan.
"Natutulog kaya 'yon?" Ayessa asked.
I smirked and playfully shoved her. "It'll be surprising if she's doing chores" biro ko na ikinatawa niya.
Pagpasok pa lang sa bulwagan ng mansion ng panganay ng mga Alfanta ay lalong nagsumigaw ang karangyaan nito. Hindi lamang ang malaking chandelier ang agaw pansin kun'di ang mga halos kasing laki naming mga vase at mga sculptures na mukhang galing pang Greece.
From what I've heard, Tita Rachel--the owner of the house--loves collecting antiques that's why hindi na nakakagulat makita ang kilalang The Creation of Adam na painting sa receiving area ng bahay. Hindi naman ito ang bahay matanda lalo na't hindi naman talaga sila taga rito sa Nouveaunde. Ang bahay matanda ng mga Alfanta ay malayo rito at sa aking pagkakaalam ay katabi ng mga lupain ng mga Venganzara sa Tenebres kung saan you can already see the island of Espoiro in the distance. Tenebres is known for its white fine sand and crystaline water on their coast.
Ang lagi lang din naman naming kinatutuwaan dito ay 'yung mga painted photos ni Annie simula noong baby hanggang ngayong kadalagahan niya.
"Now, where's that long-haired mushroom..." Si Paige na ikinahagikhik namin.
Ganoon na lang din ang pagtili namin nang may biglang lumitaw sa gilid namin na mula sa power room. And it's none other than Hyacinth who wears her usual cold yet emotionless face.
"Anong kailangan niyo?" She asked coldly.
Paige opens her mouth but no words came out so she shut it and smiled sweetly. "We're looking for you?"
Ngumiti kami at tumango. Tumaas ang isang kilay ni Hya at akmang tatalikod na nang pigilan siya ni Leticia.
"Sama ka sa'min! Girls' day at lalabas kami since birthday na rin ni Alliana bukas." Leticia with all smiles and enthusiasm.
Inalis ni Hya ang kamay ni Leticia at binigyan lang kami ng blankong tingin. Mukha siyang isang matandang dalaga na nastuck lang sa katawan ng isang 22 years old na babae.
Her old-fashioned feet length manang skirt is too much for me to handle. She looks too clothed! Isama pa na nakaturtle neck siya at nakascarf na makapal!
It's 38°c for God's sake!
"Hindi niyo ako kaibigan" she said before turning her back at us. Dire-diretsong tumungo sa kusina na sa tingin ko'y diretso na rin sa kaniyang kwarto kasama si Nay Patrina.
I huffed, making my long layered bangs gave way for my face.
Hindi rin maipinta ang mga mukha ng mga babae. Si Euna na unti-unting nawala ang ngiting suot, si Alliana na mukhang nasura, si Leticia na nakalobo ang pisngi, si Ayessa na napakurap-kurap at nauna nang umalis, at si Paige na napanis ang suot na matamis na ngiti na napalitan din naman ng simangot.
She gave us the "I told you all" look before following Ayessa outside.
Sa biyahe ay si Hya ang naging usapan namin kung saan samu't saring opinyon ang nag-iingay.
"Can't she just be grateful we're still nice enough to befriend her? Ugh, she's frustrating" si Paige na nangunguna sa pagrereklamo sa ugali ni Hya.
Of course, there will be Ayessa and Leticia to agree with her but Alliana and Euna to oppose her.
"Let's just let her for a while now. Baka sa pagtagal-tagal, lumapit din sa atin" si Euna.
Si Alliana na tahimik namang nakamasid ngunit bakas ang kawalang interes sa usapan ay tahimik na tumango.
"That's no fun..." Rinig kong ni Ayessa na ikinatawa ko sa sarili.
"Kaya nga... Ang saya rin kayang mang-asar..." Habol ni Leticia.
I chuckled and turned to the two. "You guys... Hya is 4 years older than you two!" Puna ko.
"No, they got a point, Adi." Si Paige na ikinalingon ko. Suot na niya ang nakakalokong ngisi.
"Shouldn't we have fun while trying to befriend her? Since ayaw niya tayong pansinin, 'wag natin siyang tantanan" Paige said and I could already taste the evilness in her voice making me shook my head cunningly.
I can't deny that I like that idea, too. I mean, I love fun!
Oh, I wonder why Riguellas are too naughty...
What we do in our usual girls' day is to shop from store to store hanggang sa dalhin kami ng aming mga paa sa spa kung saan ang aming nakasanayan nang puntahan. Even the staffs already know all our names because of how frequent we go here.
Pero ngayon ay binaliktad namin. We went to the spa first and did a "one-store" shopping for the trick we'll do to Hya.
We surely sounds immature for this but it's just for fun! Tsaka, hindi nga siguro kami papansinin ni Hya kung sakali mang gawin namin 'to eh.
"Done with the wigs." Si Paige na siyang may hawak ng paper bag na binili naming wigs para sa aming prank.
Ngayon ay kung anong isusuot nilang damit na ang pinag-uusapan habang naglalakad-lakad kami.
"Jeans?"
"Lame"
"Alam ko na! Naalala niyo 'yung pinanood nating A Tale of Two Sisters? Bagay 'yun sa wigs!" si Ayessa na nakakuha ng gusto naming gawing look.
Paige grinned and nodded mischievously. "Right... a white ugly dress"
Nanguna si Paige sa paglakad na mabilis na dinaluhan ni Ayessa at Leticia na excited sa gagawin namin.
Nagkatinginan kami nila Euna at Alliana na hilaw nang mga nakangiti. Sinundan namin ng tingin sila Paige hanggang sa lingunin na nila kami.
"Oh, hindi kayo susunod? Feeling others?" pang-aasar ni Leticia na ikinairap ko at natatawang sumunod sa kanila.
"Lagot tayo kay Gab nito..." bulong ni Euna na sinang-ayunan ni Alliana.
I pouted and linked my hand to Euna's arm. "It's a harmless prank"
Euna squinted her eyes on me jokingly before pinching my nose. "Almost forgot you're the naughtiest" aniya na ikinatawa naming dalawa.
Natapos kami agad dahil mabilis lang kaming nakahanap ng puting dress sa department store. Halos hindi rin kami natigil sa usapan sa mangyayari dahil kahit sila Euna ay hindi na rin umaapila. We all sounds like crazy witches who are too excited to put on random curse on people.
The plan was Euna and I will talk to Hya. Hihingi kami sa kaniya ng basahan sa kaniya at doon papasok sa frame si Alliana na halos abutin kami ng siyam-siyam kakabumbinsi na gawin na niya ang role.
"A.YO.KO." she said stubbornly while folding her arms.
Paige groaned as she's already wearing the dress and the wig. "Come on! Don't be a KJ! Birthday mo naman bukas!"
Inirapan siya ni Alliana. "It's my birthday, yes. Kaya bakit ako gagawa ng kasalanan?"
Ayessa and Leticia groaned. "It's not a sin! Gosh!" ang frustrated na si Ayessa.
At hanggang sa mamuti ang buhok ni Paige ay doon lang pumayag si Alliana. Noong makita rin naman ang sarili at si Paige hindi naiwasang mapangisi sa kanilang mga itsura.
"I'm just doing this once" Alliana muttered.
I chuckled. "Sure because if Kuya Gab finds this up, we're all dead" biro ko.
After we all finished up the preparations ay lumabas din naman kami ng sasakyan. Kami ni Euna ang nauna nang tumungo papasok sa loob habang nakasunod na si Alliana at Paige na kapwa magkamakukha talaga dahil sa kanilang mga suot. Si Ayessa at Leticia naman ay diniwaraan ang mga guard tungkol sa gagawin namin. Hanggang sa makarating sila sa mga kasambahay na naglilinis sa bakuran.
"I'll enter from the laundry room." bulong ni Paige at maingat nang dumaan sa gilid ng bahay.
I sighed and bit my lips when I looked at Euna and Alliana. I nodded as we opened the big front door.
Actress mode on.
"Hya? Are you here?" tawag ko. Ilang beses pa naming inulit bago siya lumabas mula sa kusina.
Kunot na naman ang noo sa aming nakatingin. "Ano na naman?" masungit nitong tura.
I smiled. "Can we have a basahan? May pupunasan lang sana sa sasakyan"
She raised her brow. "Bakit sa akin pa?"
"Um, you're a kasambahay?" I said innocently.
She deadpanned me. "Hindi ako kasambahay"
I gasped innocently. Euna stepped in. "Sorry, kung gano'n. Pero pwede ba kaming makahingi ng basahan? Tsaka rin pala si Alliana makikibanyo sana" she gestured Alliana who's wearing the hideous outfit.
Kita ko ang kyuryoso sa mata ni Hya nang matingin kay Alliana. "Bakit gan'yan itsura mo?"
Alliana looks offended. "Style" ani Alliana na ikinapigil ko ng tawa.
Nakita ko naman sa gilid ng aking mata ang pagpasok na ni Paige at dumeretso doon sa kanang hallway papuntang powder room. Mabilis naman akong napatingin kay Hya nang matapos silang mag-usap ni Alliana.
"Ilan bang basahan?" tamad nitong turan.
"2" I gestured my hand. Then changed it to three. "Or maybe three. We spilled a juice eh"
Tamad lang itong tumango at nagsimula nang maglakad papunta sa powder room. Iniwan siya roon ni Hya bago magtungo itong si Hya sa laundry room. Dahan-dahan namang lumabas si Paige sa hallway at sumilip para tignan kung naroon si Hya. Nilingon niya kami at nagthumbs up naman kami sa kaniya.
Hindi ko na mapigilan ang ngisi nang halos tumingkad pa ito sa paglakad-lakad agad ring napawi nang makita ang kulay pula sa kaniyang damit. Tsaka lalong lumaki ang mata ko nang makita ang kutsilyong may pula ring likido sa kamay niya.
Naramdaman ko ang hawak ni Euna sa akin. "I-is that part of the plan?" she quivered.
Nanuyo ang lalamunan ko. "What the hell, Paige" bulong ko.
Oh, this isn't a harmless prank anymore! Ang balak lang namin ay doppleganger prank pero walang takutan!
Hindi na kami nakaapila nang mabagal nang naglakad si Paige mula sa kusina kung saan madadaan siya sa dining room para makalabas sa pinto sa gilid ng bahay. Si Hya na may hawak na mga basahan ay nakatingin sa kaniya at tinawag siya. She called her Alliana.
Sinundan niya ito at gumawi pa kami sa gilid para masilip sila. I saw Paige dropped the knife before she continued to walk out eeriely. Nakita kong naiwang nakatitig si Hya sa nilabasan ni Paige bago dali-daling umalis paalis doon. Patungo siya sa amin nang magkagulatan sila ni Alliana na kalalabas lang sa hallway ng powder room na suot na ang dress na suot niya kaninang lumabas kami.
Bakas sa mukha ni Hya ang takot at gulat nang makita niya si Alliana.
"N-ngayon ka lang lumabas?" bakas ang kaba sa boses ni Hya.
Si Alliana na magaling umarte, clueless na tumango. "Oo? Kabibihis ko lang" aniya na ikinalaki ng mata ni Hya at bumaling sa amin.
Lumingon siya sa gawing dining room at binalik sa amin ang tingin. "Hindi ba siya lumabas?"
Nagkatinginan kami ni Euna at mabagal na umiling. "Hindi. Hinihintay nga lang namin siya rito eh" sabi ko na ikinaawang ng labi niya halos nakita ko na rin ang pagputla niya.
Euna, who looks really concerned, went to her. "Is there something wrong? Salamat pala rito" tsaka niya kinuha ang mga basahan kay Hya.
Umiling si Hya at tumikhim. "W-wala naman. Maiwan ko na kayo" tsaka siya mabilis na tumungo sa maids quarter.
Halos pigil kami ng mga hininga at kapwa napahinga lang nang maluwag noong nasa sasakyan na. Ngunit wala pang ilang segundo, nagsalita agad si Euna.
"Paige, what was that?" seryoso na nitong turan at kunot-noong nakatingin kay Paige na malaki na ang ngising nagpupunas ng tissue sa binting may kaunting pulang likido.
"Chill! You guys are no fun." si Paige na humalakhak at ipinatong ang siko sa steering wheel. Nangalumbabang tinignan si Euna. "What was her reaction? Hindi ko nakita!"
Euna shook her head. "She looks frightened, Paige. What you did wasn't a harmless prank!"
Nagkatinginan kami ni Alliana sa pagtaas ng boses ni Euna. Si Ayessa at Leticia namang nakadungaw mula sa likod namin ay kapwa napakurap din.
"She doesn't believe in ghost, come on! Baka nga pinagtatawanan na tayo no'n eh" si Paige na hindi pa rin napapansin ang pagbabago sa ekspresyon ni Euna. "Tsaka, you agreed naman ah? What's with you?" natatawang turan ni Paige tsaka kami dinungaw.
I saw Euna sigh and folded her arms. "Kapag nagsumbong kay Gab, tayong lahat ang lagot dito ah"
Paige grinned at Euna cunningly. "Yes, of course! We're all in this. Wala namang maglalaglagan"
I could only purse my lips and not interfere. Lahat kami ay kasali rito sa prank na 'to an,d of course, we all should take responsibility for the consequence.
Tsaka, it's just a prank.
But I can't admit that I feel bad seeing Hya's reaction earlier though.
Nagsipunta na kaming lahat sa kinaroonan ng mga lalaki. Hindi ko rin mapigilan ang matawa nang makitang ibang Tinker Bell movie na ang pinapanood nila! It's The Pirate Fairy na ang pinapanood nila ngayon at mukhang ibang CD ang nilagay nila dahil wala na roon ang flashdrive na ginamit namin kanina.
At kung hindi lang yakapin ni Ayessa si Kuya Shan sa likod ay hindi pa nila mapapansin na nakarating na kami. Hindi na rin kinwestyon kung saan kami galing at inaya pa kaming panoorin ang pinapanood nila.
"May ginawa kayo?" Larry greeted me when I sat beside him.
Naalala ko ang prank kanina ngunit inalis ko iyon sa isipan dahil baka masabi ko kay Larry iyon at isumbong kami. I shook my head. "Just spa" I said.
Hindi pa kumbinsado si Larry at sinilip ang mukha ko. I pursed my lips and looked at him innocently as he stared me down. "Just spa?" nanunuya nitong turan.
Tumango ako at mabilis na hinalikan ang labi niya. "Promise"
It's just a little lie. It's just a little lie. It's just a little lie. I chanted in my mind.
Naglayo lamang ang mga mukha naming magkalapit na nag-aasaran nang tumayo bigla si Kuya Gab at nagmamadaling umalis habang hawak ang phone sa tainga. Sinundan namin siya ng tingin.
Napakurap ako at agad na hinanap si Euna na nakatingin na sa akin. She gestured her thumb across her neck and smiled awkwardly.
Pasimple akong nag-iwas ng tingin. Oh gosh! I'm pretty sure galit na galit si Kuya Gab. Ayoko pa naman nagagalit 'yun! Kapag galit siya, walang nakakapagpaamo agad sa kaniya.
Kaya naman inaya ko si Larry na pumunta sa amin. Ayaw pa niya dahil gusto pa raw niyang tapusin ang pinapanood.
"I have a whole collection of that. Let's just watch it together" sabi ko sa kaniya kaya naman pumayag na rin siya at tsaka kami nakalabas ng bahay nang walang nakakapansin.
Ngunit nakasalubong namin sa gate si Kuya Gab na mas madilim pa sa mga ulap ang mukha.
Oh no...
"Balik" malamig nitong turan at halos makita ko na ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit.
Dire-diretso siyang tumungo sa loob. Kami nama'y naiwang nakasunod lang ang tingin sa kaniya. Nilingon ako ni Larry na hawak ang aking kamay.
"Napano 'yun?" natatawa nitong turan na ikinailing ko lang at hinatak na siya paalis dahil baka mahabol pa kami ni Kuya Gab.
Hindi ko alam ang gagawin kapag hinarap ang galit ni Kuya Gab! Ayoko ring mapagalitan kahit na paniguradong makakarating kila Mommy 'yon!
Well, at least nakatakas ako?
I'm sorry, girls kung iniwan ko kayo. I giggled in my head.
Dahil nga mga napagalitan ni Kuya Gab, pare-parehas kaming nasa sariling mga bahay kinabukasan. Ni-mute ko rin muna ang GC naming mga babae dahil alam kong ini-interrogate na nila ako sa pagtakas ko sa galit ni Kuya Gab.
Pero hindi rin naman ako nakaligtas sa kapatid ko noong makauwi at kila Ayessa noong magkaroon ng klase ulit. Buong Christmas season ay hindi kami pinapansin ni Kuya Gab. As in! Kahit noong magbagong taon ay hindi niya pa rin kami kinakausap.
"I'm sorry, okay?" natatawa kong alo sa dalawang nakasimangot parehas sa akin. Hindi pa rin sila makamove-on dahil hindi pa nga kami pinapansin ni Kuya Gab!
"Sabi walang laglagan pero may tumakas naman!" si Leticia na sumiksik kay Ayessa.
We're at our usual spot at school. Sa Students' Park.
Nakiusyoso si Heidian at dumikit sa akin. "Anong sungitan 'to?"
I pouted. "We did something..."
Heidian snorted. "Bad?"
I nodded, guilty. "But it was just a prank! Pero nalaman ni Kuya Gab kaya ayon, napagalitan kami..." ngumisi ako nang mabilis na lumingon sa akin ang dalawa.
"Kami lang! Tumakas ka!"
I giggled and apologized again. "Come on! Pansinin niyo na'ko! Huhupa rin naman 'yung galit ni Kuya Gab"
Ayessa gagged. "Yeah, after a year!"
"Well, at least we already apologized, right?" I grinned. Inirapan lang ulit nila akong dalawa na itinatawa ko lamang.
Si Lomi at Lance na kababalik lamang mula sa mga estudyante na nagtitinda ng gawa nila para yata sa marketing subject nila ay parehas pang may malalaking ngisi sa mukha.
"May free pa kaming natanggap oh" yabang ni Lance sa hawak niyang extra brown paper bag na may lamang peace mango pie na kanilang binili.
Tumabi sa akin si Lomi kaya nakiusyoso ako. "Can I have one?" hingi ko.
Nginiwian ako ni Lomi na para bang may nasabi akong mali at kumuha ng isang tissue paper. "Bumili ako para sa lahat" tsaka niya ako inabutan ng isa.
Akma akong kakagat sa hawak niya nang ilayo niya saglit at hinipan iyon. "Mainit, jusko" madrama niyang sabi na ikinatawa ko naman at kinuha na mismo sa kaniya ang hawak.
Maingat naman akong kumagat roon. Hindi ko pa maiwasang matawa dahil nakangising nakaabang si Lomi sa aking sasabihin. Napatango-tango naman ako nang manguya na ang kinagat. It taste good!
"Gusto kong mag-uwi. Mayroon pa kaya sila?" I said and took a bite again.
Natawa sa akin si Lomi. "Tatanong ko," at akma pa sana siyang aalis kung hindi ko lang siya pinigilan.
"Uy, ano 'yan? Penge" si Leticia na lumapit sa amin kaya inilapit ko sa kaniya ang brown paper bag.
"Taste it. It's so good" sabi ko. Kumagat naman siya sa kinuha niya at tumingin kay Lomi na hindi na maipinta ang mukhang nakatingin din sa kaniya.
"Ang init ah?" si Lomi.
Natigil sa pagnguya si Leticia at iniabot kay Lomi ang hawak niya. "Hipan mo" panghahamon nito.
Halos magningning naman ang mga mata ni Leticia nang hawakan ni Lomi ang kamay niyang nakahawak sa isang peach mango pie ngunit agad ring napasimangot nang kagatan nang malaki ni Lomi ang hawak niya.
Lomi chewed the pie with a cocky expression. "Hindi naman pala mainit. Kaya mo na 'yan" anito.
Umusok ang tainga ni Leticia at masama ang tingin sa kaniyang sinugod siya tsaka sila nag-away.
Napailing ako. These two... bangayan at wrestling talaga ang love language nila.
Natapos ang buwan ng Enero ay hindi pa rin kami pinapansin ni Kuya Gab. Lagi siyang dumederetso kay Hya hindi tulad dati na kapag galing sa trabaho ay diretso sa mga pinsan. Grabe rin talaga magtampo si Kuya Gab! Hindi naman na rin namin uulitin lalo na noong nalaman naming natakot talaga si Hya.
February came. Halos hindi na rin ako nahihiwalay kila Leticia kapag nasa school. I just really feel their friendship. I feel belonged and the same goes with my cousins and the girls. I'm already living the friendship that I've been wanting to have.
It really does come around at the right time and right people.
Noong nagkaroon ulit ng prom ay sumali na ako dahil may mga kaibigan naman akong kasama. Kahit si Ayessa na ayaw sumama ay napilit namin ni Leticia dahil nag-i-inarte ito na baka isayaw siya nung isang lalaking may crush sa kaniya sa kabilang section! Kaya naman si Lance pa ang ginawa niyang kapartner para hindi siya nito malapitan. Hindi magtatangka ang mga taong lapitan si Lance lalo na't sa laki ba naman nito at yabang.
The night was fun and I really enjoyed myself. Akala ko nga'y hindi ako magsasayaw dahil napilitan lang din ako kay Heidian na siya ang maging kapartner ko pero masaya rin palang maisayaw ng iba. Nakikilala ko sila at halos lahat ay nagpapahayag pa na bagay na bagay sa akin ang suot kong emerald green tube gown.
Maaga rin naman kaming mga nagpasundo noong hindi na namin makita si Leticia noong gabing iyon. We thought she was kidnapped! But when I received a text from her when I asked her where she was, she said that she went home already because her stomach hurts.
Kaya naman kinabukasan ay nagpasama ako kay Larry na bisitahin siya sa kanila.
And surprisingly, naabutan ko sila ni Ayessa sa bakuran nila sa likod ng kanilang bahay.
I thought Ayessa was with Kuya Shan dahil sigurado akong magkwekwento agad siya kay Kuya Shan ng nangyari sa gabi niya. But she's here with Leticia.
"Leticia! Ayessa!" tawag ko sa kanila na mabilis nilang ikinalingon.
Nakita ko pang tumalikod si Leticia at nagpunas ng mukha. She then smiled when we neared them.
Umupo ako sa tabi nila. Hinawakan ko si Leticia sa balikat at sinuri ang mukha nitong bakas pa ang luha kanina. "Are you okay na?" I asked.
Tumaas pa ang dalawang kilay ni Leticia at mabilis na tumango. "O-oo! May period lang pala ako" aniya at natawa.
I smiled. "I thought something bad happened eh..."
I saw her glance at Ayessa kaya napatingin din ako rito na nakatingin na rin sa kaniya. Nang mapansin naman ni Ayessa ang tingin ko ay ngumiti ako rito.
"I thought you were with Kuya Shan. I'm pretty sure he's curious about your night" I said then giggled.
Ngumiti si Ayessa at tumayo. Pinagpag ang sarili kaya tumayo na rin kami.
"Lalabas nga kami" si Ayessa. Lumingon siya kay Leticia tsaka tinapik ang balikat nito. "Mauna na ako?"
Napasimangot ako. "I just got here!" biro ko.
Hilaw naman akong nginitian ni Leticia. "Uh, ano... masakit kasi talaga puson ko eh. Gusto ko rin muna matulog at magpahinga. Salamat sa pagbisita..."
I nodded in acknowledgment. "Oh, of course, I'm just kidding. Rest if you must, okay? Mauna na rin ako" sabi ko at yumakap kay Leticia.
Naramdaman ko ang tango ni Leticia. "Oo. Salamat ulit, Adi"
Sumabay naman sa amin si Ayessa para magpahatid na rin kila Kuya Shan since kila Larry ang tungo namin. Nagpasalamat naman ito nang ibaba na namin siya kila Kuya Shan at tsaka kami tumungo kila Larry.
Hindi na bago ang kakaibang ambiance ng bahay nila Larry kapag wala silang magkapatid. It feels... gloomy? Kahit na may mga kasambahay at nakabukas naman ang mga ilaw, iba ang pakiramdam ko sa bahay nila. It's somber, to be exact.
"Are you hungry? May muffins dito..." si Larry nang tumungo kami sa kusina nila. I sat on the high stool behind the counter tsaka napangalumbaba siyang tinignan.
"Muffins will do..." mahina kong turan na ikinatango niya at kumuha ng maliit na platito sa kanilang cabinet.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang pwetan na nakahapit sa kaniyang pantalong suot. He rarely wears fitted jeans kaya naman hindi ko maiwasang mapansin ang pwet niya ngayon.
Napansin naman niya ang tingin ko kaya natigil siya sa pag-alis at nakapameywang na tumayo sa harap ko. I chuckled when I saw his dramatic yet judgeful face.
"You and your pretty head..." naniningkit niyang sabi na ikinatawa ko.
"I'm not thinking about something weird. You just look sexy on that jeans" I said honestly.
"Oh this?" bumaba ang tingin niya sa suot at ngumisi. "Kay Clane 'to. Hindi ko lang nabalik"
We both chuckled. Tumungo naman na siya sa ref nilang double door para kunin ang muffin na tinutukoy niya.
Bumaba ang tingin ko sa phone niyang katabi ng akin sa counter nang tumunog ito. I took it and saw a message from Alliyah.
Alliyah:
I'm already here at your condo :) Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga gamit ko since may ilang gamit ka rin sa kwarto dito. Can you come now? Thanks :)
Unti-unting nagsalubong ang aking mga kilay habang binabasa ang mensahe. What the fuck? Anong naroon na siya so condo ni Larry?A What is she doing there?!
"What's this, Larry?" hindi ko maiwasang itaas nang bahagya ang boses dahil unti-unti nang kumakalat ang galit sa aking sistema sa kung ano mang rason ni Alliyah sa text niya.
"Ang alin?" si Larry na mabilis akong dinaluhan habang hawak ang isang nakaplastic container na mga muffin.
Padabog kong binigay sa kaniya ang phone niya. "Your condo? What does this mean? Bakit siya lilipat?" halos manggigil ako sa sinabi.
Wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit siya lilipat kun'di ang magsasama sila! And I don't even know Larry has a condo!
"Adi, calm down first--"
I glared at him and removed myself from my seat. "How can I calm down? Anong ginagawa niya roon? Huh? Tell me!"
Larry sighed calmly. "Hindi ko ginagamit ang condo ko na 'yon, Adi. And I offered my place to her because she's in need--"
I scoffed. I don't know what to feel, really. Pero gusto kong magalit nang magalit kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit. I don't even feel jealous or something!
"In need?! Why? Who is she for you to treat that special?!" I snapped, as I could feel how upsetting this is.
What's with them, really?
Hinawakan ako ni Larry sa balikat para pakalmahin tsaka niya inilebel ang mukha sa akin.
"I told you she's a friend. Pinalayas siya sa kanila kaya nag-offer ako ng matutuluyan." kalmado niyang pagpapakalma.
But it's not enough to convince me. "Wow, what a great friend you are huh" sarkastiko kong sabi at akmang tatalikod nang hawakan niya ang kamay ko.
"How about come with me? Para maniwala ka sa'kin."
Humarap ako rito at seryoso siyang tinignan. "Then, take me to her"
I'll show her what she deserves for imposing herself on Larry. She's being too much. Lagi na lang siyang umeepal!
---
The place "Espoiro(es-poy-ro)" and "Tenebres (te-ne-bri)" are all fictional. Thank you.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All