CHAPTER 27

I tried to be normal as I can just to open up about it to Larry. Lagi kasing lumilipad ang isip ko at imbis na mapag-usapan namin ang nangyari ay na-i-i-magine ko lang din!
I really need to stop my crazy imagination dahil kung hindi, baka bigla ko na lang i-lock si Larry sa kwarto at makagawa kami ng bagay na hindi pa naman talaga dapat namin ginagawa!
"Um, looks like Kuya Crane is okay na?" I whispered to Larry and we both glanced at Kuya Crane who was smiling while holding his phone.
Magkatabi kami ni Larry sa high stool sa counter sa kusina nila Art at kanina pa pinag-uusapan ang mga pinsan niya. Halos kauuwi lang nila galing sa isang pinuntahang kasal. It was a beach wedding at nagstay pa sila doon overnight dahil gusto rin nilang magswimming kaya ngayon ay nagsama-sama sila kila Art dahil wala na rin naman silang gala dahil magsisimula na rin ang klase next week. 
Clane is not yet home but I heard that he and my sister is on good terms na which is... probably... going back together.
And another surprising thing is Kuya Shan. Just like Kuya Crane, he's smiling like an idiot every now and then. I heard from Larry that he's got a girlfriend na pala which is 'yung kaibigan ni Lomi na si Ayessa. 
Nakangising pinalapit ako ni Larry kaya naglean closer ako sa kaniya. "Katext 'yung friend niya" bulong ni Larry.
I leaned back, eyes widened in confusion and surprise. Hindi ko alam na marunong pa palang kiligin si Kuya Crane? Kay Euna lang siya ganoon eh.
"Friend?" I asked, unsure.
Larry smirked. "Si Euna"
Napatakip ako ng bibig at nilakihan ng mata si Larry para siguraduhin ang kaniyang sinasabi. Natatawa siyang tumatango at sinubuan ako ng almond coated chocolate na kanina pa namin kinakain. "Pero paniguradong hindi magiging madali ang pagkakaayos ng dalawa. Hindi ayos ang mga magulang eh" si Larry na sumubo naman ng kaniya.
I glanced behind at Kuya Crane ulit na tahimik nang nanonood sa TV dahil naririnig ko na ang pamilyar na crime documentary na aking pinanood noon.
"Ang daming kalat ng pamilya natin, noh? They all have unvailed and unresolved past issues..." banggit ko sa mga nakaraang issues na nangyayari sa pamilya.
Noong birthday ni Tita Jane na kasama sila Tita Sarah at nadamay sila Paige at mga Eleazar dahil sa nangyari kay Euna at Kuya Crane. Para bang may mga natitirang hindi pagkakaintindihan ang mga pamilya kahit na ayos naman ang turingan ngayon. Eleazar is a family friend pero may issue rin pala sila sa mga Alfanta na dati pa lang pala ay mayroon na talaga. 
Hindi lang namin nalalaman dahil hindi naman kasi talaga halata at hindi rin nababanggit sa amin ng mga magulang. Para bang kabute lang sila na lumilitaw kung saan saan.
Napansin ko ang pagkatahimik ni Larry kaya naman ginalaw ko ang kamay niyang nakahawak sa jar ng chocolates. "Kayo? Wala namang issue?" maingat kong sabi.
Napakurap-kurap si Larry na nagulantang pa yata sa sinabi ko. "H-huh? Oo, wala naman. Wala naman sa'min..." he said then gave me a small smile before taking another piece of chocolate.
I sucked my teeth and nodded in acknowledgment. Now that we're talking casually like this (tsimisan about their family to be exact), that memory in my room will suddenly pop out and will take my sanity away. 
Kaya naman pinigilan ko at pinagalitan ang sarili sa isip. Adhara, stop taking it as a joke! You're gonna be crazy.
"Um, Larry? Can we talk about something?" mahina kong sabi at luminga pa sa paligid para siguraduhing walang malapit na makakarinig sa aming usapan. 
Larry looked at me attentively. "Yeah, sure. Tungkol saan?" 
Bigla tuloy akong naconscious dahil nasa akin lang talaga ang atenstyon niya at hinihintay na lang akong magsalita.
I opened my mouth and closed it immediately. I want to talk about it with him but it feels awkward! Baka mamaya isipin niya ay lagi kong iniisip 'yung nangyari! Baka nga wala lang sa kaniya iyon eh!
"W-well, about the..." 
Parehas kaming napalingon sa gawing hagdan nila Art nang marinig ang malakas na tawanan nila ni Lomi. Nauuna si Alliana na naiiling na lamang sa paniguradong kalokohang ginawa ng dalawang lalaking nasa likod niya na naghahampasan na sa katatawa.
Alliana immediately caught my eye and twitched me an eyebrow. Napanguso naman ako nahihiyang nailing dahil nahihiya rin akong pag-usapan ang nangyari! It was just too embarrassing. 
Minsan nga kapag matutulog na ako, gagambalain ako ng inner demons ko at ipapaalala kung paano akong humalinghing noong maglandas ang daliri ni Larry sa nipples ko eh!
Humalo naman na kami sa maiingay na tumungo sa sala nila Art. Alliana's already going to the kitchen kaya naman sumunod na lang ako sa kaniya kaysa makigulo sa tatlong magpipinsan na pinagt-tsismisan na ang kalokohang ginawa nila kay Kuya Shan.
I glanced at Kuya Crane na nasa kabilang sala ng bahay nila Art. Pinatay niya ang TV at naglakad papunta kina Art para makigulo na rin siguro.
"Ate, fries" si Alliana na tinanguan ng isang kasambahay nila Art at tumungo roon sa pantry.
Hinarap ako ngayon ni Alliana na nakasandal sandal sa island counter. Nakahalukipkip at nakatagilid ang ulong naghihintay sa akin.
Ngumuso ako at umupo sa kaninang inuupuang high stool. Magkaharap na kami ngayon.
"Embarrassed?" she guessed.
I sighed heavily. "Yes! Hindi ko maopen up sa kaniya nang maayos dahil namumula ako kapag naalala 'yung nangyari!" I whined, making Alliana chuckle. 
Dumating naman na ang kasambahay at sandali pa silang nag-usap dahil gusto pa ng kasambahay na siya na lang ang magluto kahit kaya naman na talaga namin. Nang makapagsalang si Alliana ng fries ay nagpatuloy kami sa pag-uusap. I'm now doing the cheese dip.
"Larry's old enough to understand what you feel. Just tell him about it. Don't be shy. Mauulit pa 'yon, panigurado" ani Alliana na hindi ko alam kung inaasar pa ako o hindi.
Kaya naman nang matapos kami sa gawain ay bumalik na kami sa sala kung saan si Kuya Shan na nga talaga ang topic nila.
Tumabi ako sa tabi ni Larry na ngayo'y halos mawala na ang mata sa kakangiti sa kwento ni Art. Pasimple ko namang hinanap ang kaniyang kamay para isaklop sa akin. Napalingon naman siya sa akin kaya saktong nagtagpo ang aming mga mata.
I blushed when he smiled and pinched my nose. Hinigpitan din ang hawak sa aking kamay kaya wala sa sarili na rin akong napangiti sa sarili.
Pakiramdam ko nama'y may nakamasid sa'min kaya hinanap ko iyon. Nakita ko si Kuya Crane na nagpipigil ng tawang inalis ang tingin sa amin. Ngumuso ako at binato siya ng isang french fry.
"You took a picture?" Reklamo ko.
Kuya Crane looked at me with a grimace. "'Di ko kailangan ng kamay niyong magkayakap" 
Hindi ko naman inaasahan na after a summer full of storms and thunders ay may matatanggap talaga akong rainbow. Pero ang sa akin ay hindi ko talaga inexpect dahil unti-unti ko nang natatanggap na I'm already contented to the friendship and love that I have with Larry.
I didn't know that life would give me friends that I can lean on every time life gets hard. Or they'll have a friend like me who they can lean on too when things get heavy.
Pagkauwi ni Paige mula sa bakasyon ay unti-unti nang nagkatagpi-tagpi muli ang magpipinsan. Kuya Shan surprised us with Ayessa, telling us that they're together. Madalas naming makita si Kuya Crane at Euna sa school. Alliana and Art, together with Clane and Paige are making step on their college life. And I still have Larry by my side as I welcome new friends in my life. 
It's enticing.
"Kuya Shan is a brat kaya!" bulong ko kay Ayessa na natawa sa aking sinabi at sumang-ayon.
Nasa café kami ngayon; ang madalas na pwesto naming lahat.
"Kinukulit akong tumira na lang sa kanila kaya ayon, nalipat kami ng bahay" biro niya na ikinangiti ko at nailing nang maramdaman sa aming gilid si Kuya Shan na inagaw agad sa akin si Ayessa.
Naiiling akong tumabi kay Paige na maharot ng nakikipagselfie kay Clane. Isinali naman ako ni Paige kaya nakisiksik ako sa kanilang dalawa.
"Igitna mo si Adi since anak naman natin siya" pang-aasar ni Clane na ikinanguso ko ngunit hindi rin nakatanggi dahil nakipagpalit na sa akin si Paige.
"Hoy! Hindi nananali!" sigaw ni Art.
Halos tumili naman ako nang yakapin ako nang mahigpit ng dalawa. Natatawa kaming nagp-pose ng kung ano-ano at halos magkagulo kami nang sumali na si Art at Alliana sa aming likod. Napapasigaw at tawa kapag natatabig si Paige na may hawak na phone. Si Larry ay sumali na rin na pumwesto sa ibabaw namin ni Clane. He's lying sideways on our thighs. 
Bumaba ang tingin ko sa kaniya at kinurot ang pisngi nito habang nakatingin sa camera. 
"Hay nako, nagpapakahirap kayo" si Kuya Shan na kinuha na kay Paige ang phone at pumwesto sa harap namin para siya ang kumuha ng picture. Nangingiti naman si Ayessa na nakamasid sa amin.
I gestured her to come with us kaya naman pumwesto siya sa likod kasama nila Alliana. Art headlocks Ayessa, earning a smack from Alliana.
"Mags-selfie 'yan tamo!" si Clane na tama ang hinala dahil napahalakhak na si Kuya Shan at pinakita sa amin ang pictures. 
We're in chaos as we take funny pictures. May isa pang beses na tinakpan ni Art mula sa likod ang aking mata at hindi maalis kung hindi ko lang siya kinurot. Natahimik lamang ang aming magulong picture-an nang tawagin ni Clane si Bench para picturan kaming lahat.
Sakto namang tinitignan na naming lahat ang mga pictures na halos lahat ay epic ay dumating si Lomi na kasama si Leticia. Si Lomi na gulat pa nang makita kaming lahat dito ay naiwan sa huling hakbang ng hagdan samantalang si Leticia ay matinis na ang boses na niyakap si Alliana at tumungo sa akin nang tumayo ako mula sa pagkakaupo sa pagitan ni Clane at Paige.
"Madalas na tayong magkakasama? OMG, gusto ko 'yon!" Leticia's line everytime we got together. 
I like that thought, to be honest. Kasi kapag madalas kaming magkakasama, our bond will become stronger as we build friendships and memories to carry on to the rest of our lives. That's how I strongly define a friendship that will last. The relationship I truly wanted to have.
Kasi in friendship, you can already have almost everything eh. Love, care, support, and all the other essential matters to have in life. Mga bagay na hindi pwedeng mawala o kailanganin sa buhay.
It's utterly a vital relation you can keep in a lifetime. Just find the right ones and you'll never have to seek someone's vacancy.
Just a week after that, nakakasama na namin si Euna. Parehas pang sinasabing magkaibigan lang sila ni Kuya Crane but Kuya Crane's actions tell otherwise. 
Taste of Hans café became a chaos, too. Madalas ay dito kasi kami nagsasama-sama. Dati kasi ay minsan kami lang ni Larry ang naroon, minsan kasama sila Paige at Clane o 'di kaya sila Kuya Shan pero ngayon, halos hindi na natahimik ang café at lagi rin kaming inaakyat ni Bench para sabihing masyado kaming maingay.
Kung hindi naman kasi pitong lalaki ang kasama namin ay hindi kami iingay nang ganito.
Kaya naman kapag nakikita ni Bench na kaming mga babae lang ang magkakasama ay halos umaaliwalas ang mukha nito dahil wala na siyang babawaling maiingay.
 "Alam mo, kapag nandyan lagi si Euna ay ang bait ni Crane. Dati kasi ay halos sapakin ako no'n kapag inaasar ko!" Si Leticia na nauuna sa pagk-kwento ng mga bagay.
Inasar namin si Euna. Namumula lang na nailing si Euna sa amin. "He's nice naman talaga. Moody lang" bulong niya sa huling sinabi.
Paige, who's lying on the single sofa comfortably, snorted. "Crane is better than Shan. Mainit lagi ulo kapag wala si Ayessa. Kapag naman nand'yan akala mo kung sinong santong napakabait"
Nasamid naman si Ayessa sa kaniyang kinakain na ikinatawa namin. Ngumuso siya pagkatapos at pabirong sinamaan ng tingin si Paige. "Kapag naman wala kayo nabubugbog ako ng halik sa kaniya!" 
Nagtilian na kami dahil nadulas na sa usapang gustong-gusto naming pinag-uusapan kapag wala ang mga lalaki. Their clingy and sexy side.
"May mak-kwento pa ba ako?" mayabang na turan ni Paige na ikinangiwi namin at nagtawanan kalaunan.
The talk started with Alliana who "obviously" has the most experience among us dahil sila ni Art ang madalas na magharutan kapag silang dalawa lang ang magkasama. Euna said hindi pa sila pwede ni Kuya Crane doon dahil "friends" pa lang sila which is funny dahil kulang na lang ay ayain ni Kuya Crane si Euna na puntahan ang bahay nila dati. Si Ayessa naman ay hindi magagawan pa ni Kuya Shan ng anumang kaharutan kahit na madalas i-kwento ni Ayessa na halos i-kulong na siya ni Kuya Shan sa kwarto nito kapag nagpupunta siya sa kanila para lang magkaroon ng "privacy" na tinutukoy ni Kuya Shan.
Kahit na laging inaasar nila si Kuya Shan kay Ayessa na hindi pa ito 18 ay tinatawa na lang din ni Ayessa dahil alam niyang ginagawa na nila iyon.
"Ang cute lang ni Art pero hindi ko inaasahan na kaya ka niyang kagatin ah" si Leticia sa kwento ni Alliana.
Hindi na lang namin pinapansin ang kapwa halos magkamatis naming mga mukha. 
Tinaas-taasan ko si Ayessa ng kilay. "May bago ba kay Kuya Shan?" I teased her, making her blush and cover her face in embarrassment.
"I-i mean, napag-usapan naman namin ni Tita Lalaine na kung sakali mang harutin ako ni Randell ay ayos lang basta 'wag lalagpas sa linya" namumula nitong kwento ngunit kalauna'y ngumising tinignan si Paige.
Nagtawanan kami nang lahat kami ay nakatingin na kay Paige na nakasimangot sa amin. Nahuli ko naman ang mata ni Alliana na sinasabi nang ayos lang talaga ang nangyari sa amin ni Larry. That I shouldn't be too embarrassed about it.
Nabanggit sa amin ni Paige na sinabi na niya kay Mommy na may nagawa na sila ni Clane kaya iyon lagi ang pinang-aasar namin na nakapagpapatiklop sa kaniya dahil siya rin ay nahihiya.
"What if mag-away sila kasi hindi siya nagtop?" si Leticia na napasigaw agad dahil binalibag siya ni Paige ng unan.
Napangisi ako kay Leticia. "Hindi imposible. I've heard them once fought over a--"
"Adhara Kate!" si Paige na nanlalaki na ang mga matang matulis at gusto na akong itakwil ngunit mapang-asar akong kapatid kaya ibubulgar ko siya.
Pinigilan naman ni Alliana si Paige na handa na akong sugurin. Pati si Leticia ay lumapit na sa kanila para naman takpan ang bibig ni Paige na agad ring inalis dahil kinagat siya ni Paige. 
Natatawa ko naman na silang pinaglayo-layo at nagpasyang huwag nang asarin si Paige. But in the end, si Paige na rin ang bumigay at sinabi iyon dahil hindi namin siya tinigilang kulitin ni Euna.
Paige rolled her eyes. "We fought over the scented candle! That's it! Hindi naman dahil nagsex kami. Gosh, 'yon ba talaga iniisip niyo?" Paige lied.
And we didn't believe it. 
"Iyon naman pala eh bakit nahihiya pa?" si Alliana na nakataas na ang sulok ng labi.
Paige rolled her eyes again and cover her face with a pillow as she lie down again on the sofa. "I'll bring Aniella and Nikka to the circle nang hindi na ako ang mapagdiskitahan niyo" she said in a muffled voice.
"Well, they're welcome naman ah! The more, the merrier" ako.
"The more, the merrier. Kayo pa nga lang ang ingay-ingay na" boses na kadarating ang nakapagpalingon sa amin.
Si Kuya Gab na nakawhite button down shirt at nakasampay ang suit sa bisig ang kadarating. He's sporting his usual work attire. Ang buhok na medyo nagulo ang lalong nakapagpadagdag sa kagwapuhan nito. His supladong handsome face can literally make me simp for him. Kahit na may boyfriend na ako.
And that goes with the rest of the girls except Paige na laging inaaway ni Kuya Gab.
"Lilibre ko pa naman sana kayo kaso puno na 'tong mesa" si Kuya Gab na tumabi kay Leticia sa tapat namin na namumula nang nakakapit kay Ayessa. Hindi ko maiwasang matawa dahil para itong hihimatayin sa sobrang kilig.
"Magb-bestfriends na kayo? Naks ah" si Kuya Gab na ikinangiti namin.
Inaasar ni Ayessa si Leticia kaya naman nagkakaladyaan na sila. Doon naman sila napansin ni Kuya Gab.
"Uy, Leticia. Ikaw ang partner ni Lomi?" bati niya kay Leticia na nanlalaki ang mga matang umiling at nagsabit pa ng buhok sa tainga.
"H-hindi ah! Single ako. Oo, single. Pero hilig ko 'yung mga 23 years old" harot ni Leticia na ikinatawa naman ni Kuya Gab at nailing sa kaniya.
"Susumbong kita kay Lomi. Pinagpapalit mo na siya" pang-aasar sa kaniya ni Kuya Gab.
Kagat-labi namang pinagmamasdan ni Leticia si Kuya Gab na nakikipagkwentuhan sa amin nila Euna tungkol sa aming naging pasukan.
Kuya Gab was all smiles and flirt until Paige comes to tease him.
"How about Hya? Hindi ka pa rin tinitignan?" Paige smirked when he saw how Kuya Gab glare at him.
Pabirong inambahan ni Kuya Gab si Paige na ito namang ikinatili niya at natatawang tinakpan ang sarili.
"'Wag niyong kakantiin iyon. Alam kong siraulo ka Paige at 'wag mong aasarin" si Kuya Gab na ikinahalakhak namin.
Paige just gagged. Nagpaalam na rin naman kalaunan si Kuya Gab sa amin na uuwi na siya. Or precisely, bibisita kila Annie.
Hyacinth is Kuya Gab's scholar. Nakilala nila Paige at Clane sa ampunan sa Manila at nireto kay Kuya Gab. Surprisingly, she's Nay Patrina(Annie's nanny)'s, granddaughter. Hindi namin alam ang dahilan kung bakit umuwi kay Nanay Patrina at ngayo'y namamasukang kasambahay kila Annie dahil doon na rin ito muna nakatira. 
Friday ng gabi noong magsama-sama kami sa amin para mag-overnight. Ayos lang naman kila Mommy iyon at mas natutuwa pa nga siya dahil ang circle of friends ko ay kasama na si Paige kaya hindi na siya mangangambang mapapariwara o maling mga kaibigan ang kasama ko. 
Paige, Maye, and Leticia are setting up my room since doon ang aming pagtutulugan. They're probably setting up the blankets and foams or stressing out Paige. Kami nina Euna at Alliana naman ang magkakasama sa paghahanda ng aming snacks. We're planning to watch movies and play games kaya naghahanda na rin kami ng kakainin.
May nagdoorbell at si Alliana na ang pumunta. Aniya'y pupunta saglit si Art dahil may ibibigay daw. But I doubt that. Panigurado kukumbinsihin si Alliana na isama siya sa sleep over. Knowing Art, that's definitely his errands here.
Naiwan ako ngayon kay Euna. 
Hindi naman sa ayaw ni Euna napapag-usapan ang nangyari sa kaibigan niya pero ayaw lang niyang magbreak down at makitang mahina siya. She's the oldest among us and she said that she should be the "Ate" of the group who we can always come up to and lean on.
"How's the healing?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
With that simple words, her eyes watered, and smiled painfully. "Getting better" mahina at garal niyang sabi.
I smiled and hugged her sideways. "We're here for you, Euna. I'm sure Olivia is happy because you're happy with your new friends"
Hindi ko man alam ang pakiramdam ng mawalan ng isang matalik na kaibigan, I'm pretty sure I won't be able to handle that, too because losing a love one is my greatest weakness. 
Suminghot si Euna at ngumiti sa akin. "Thank you, Adi. I'm sure she'll get along with you all too if she's still here"
I smiled at her, naluluha na rin. Kapwa rin kami naghagikgikan at pinanunasan ang mga matang nagpapaligsahan sa pagluha.
Sakto namang pagkaakyat namin sa kwarto ko ay nangingibabaw na ang halakhak ni Ayessa at Leticia. Kaya hindi na ako nagulat nang makitang nakabalot si Paige sa maraming comforter. She looks like a lumpia.
A week after, Euna and Crane are back to being the lovey-dovey couple they are. Everyone's enjoying the company of each partner except for Kuya Gab who enjoys hugging himself whenever we're all together.
But unfortunately, Art and Alliana had a misunderstanding. I almost teared when I heard how Alliana wants a break up but Art didn't let her have. Kilala namin si Alliana at naiintindihan ko si Art kung bakit ayaw niyang pakawalan si Alliana.
Alliana isn't that type of person who will break up just for nothing. Ayaw nga niyang nagkakatampuhan sila ni Art kaya ang malaman na gusto niyang makipaghiwalay nang basta-basta lang ay hindi katanggap-tanggap lalo na kay Art. Everytime na may hindi sila pagkakaintindihan ay siya ang unang nag-a-approach kay Art para ayusin ang problema nila agad-agad.
Kaya nakakalungkot talaga seeing Art's pain as he waits for Alliana to let him talk to her.
"You know, Larry, I've been so happy for these past days"
Sitting on Larry's lap as we snuggle in my egg chair while facing outside where the sky is full of gray clouds. Kapwa nakabalot sa conforter kong malambot at makapal.
Halos katapusan ng Agosto ay maulan. It's already expected since ganitong mga araw ang laging maulan lalo na't malapit na rin ang BER months at maglalamig na ulit.
"The friendship I have with them..." hinarap ko si Larry at sinandal patagilid ang ulo sa kaniyang balikat. "It's genuine. I have friends, Larry" mahina kong sabi.
Larry smiled softly and brush my hair using his left hand as his other hand is holding my legs to hug me up. "I told you the time will come... and this is the time" 
I smiled cheekily and snuggle more to him. Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin at tanging ang papalakas na ambon mula sa labas ang nag-iingay para sa amin.
I can almost hear our breaths in harmony, the same with our beating hearts.
Nawala ang ngiti ko at napalitan ng malungkot na pagsarado ng bibig. Naalala ko na naman sina Art at Alliana. These recent days, silang dalawa ang madalas kong kaasaran kaya naman talagang apektado ako sa hindi nila pagkakaintindihan. Okay lang sana kung magbabati agad pero si Alliana ang lumalayo at ayaw makipag-usap. It pains me, too.
I shifted but immediately froze when I accidentally touches Larry's middle. Kapwa kami nanigas at nagkatitigan.
Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha sa nagawa. Isabay pa ang pagpupumilit na pagsingit ng bagay na matagal ko nang iniiwasang isipin.
"I-I'm sorry. Hindi ko sadyang mahawakan ka" nahihiya kong paliwanag at akmang bababa nang yakapin niya ako pabalik at isiniksik sa kaniya.
I blushed more when I realize he knows what I'm probably thinking.
"Do you want to talk about it?" Larry whispered after a while of just letting us calm amidst the unintentional igniting of our bodies.
Napalunok ako dahil alam nga ni Larry ang laging bumabagabag sa aking isipan kapag lagi kaming magkasama o magkadikit mag-isa.
"I-I'm shy about it..." nakatungo kong sabi at napakagat ng labi.
Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking buhok. Linikom niya at inilagay sa aking kaliwang balikat.
Ganoon na lang din ang paglaki ng mga mata ko nang maramdaman ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat. It sents electricity through my body, making my body heat fully this time.
His hot breath makes contact with my skin. "No need to be shy. We should be talking about it so we both know what to do next time"

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters