CHAPTER 25

Alam kong may mga barkada si Larry lalo na't noong nakasama ko siya noon ay halos lahat nga yata ng mga tao ay kilala niya. Pero siguro ang tinutukoy ni Larry ay ang mga lalaking kasama niya noon?
Hindi naman niya kasi nababanggit sa akin ang mga kaibigan niya. Kung nabanggit man, madalang pero sa aking pagkakaalala, wala akong kilala sa mga kaibigan niya.
I stalked his IG and I was about to check his posts, may story siya.
It's a picture of him with 3 men and 2 girls. Sinuri ko ang mga naroon. Hindi ko kilala at hindi rin pamilyar. Ang tatlong lalaki ang katabi niya habang ang dalawang babae ay magkatabi sa kabilang dulo. Mukhang nasa isang kainan sila.
I checked the girls. The girl who's wearing a tube and pants looks seductive. Matulis ang mga mata at makapal din ang eye liner.
The other caught my attention. She's wearing a simple maroon t-shirt tucked in her fitted jeans. Kinikilala ko siya lalo na't siya lang ang pamilyar. Her hair is in medium length..
Then I went to see the captions of the uploader.
ruzelle.ruiz
'bout to hit dancin' lights later!
I tapped the picture to see the tagged users at nang makita ang nakatapat doon sa babaeng pamilyar kanina ay hindi ko maiwasang maintriga.
Alliyah? Kapatid ni Apple?
At nang pumunta ako sa wall nito para kumpirmahin ay hindi ko alam ang magiging reaksyon. Hindi ko inaasahan na kaibigan niya si Larry?
She posts not so frequent at madalas lang na laman ay siya o kaya'y silang magkakaibigan. Mayroon pa na noong grumaduate siya ng senior high na may medal.
Even in pictures, she looks quite and... a bit pretty. Naalala ko noong pumunta ako sa birthday niya ay mahinhin at mabait siya. Total opposite of her ugly sister.
Since nakapublic naman ang account nitong Ruzelle, inistalk ko siya. I saw that he has a latest story kaya pinindot ko iyon.
Bumungad doon ang video na madilim ngunit nagliliwanag ang iba't ibang neon lights. Halos magulat pa ako sa lakas ng volume kaya hinina ko iyon. I squint my eyes as I watch the video. Nagkakasiyahan silang magkakaibigan at sumasabay sa trance music. I watched the next video at iyon ang nakakuha ng atensyon ko.
The center of the video is Larry with that Alliyah girl. Nahihiya itong si Alliyah habang si Larry naman ay hawak ang dalawang kamay nito at iginagalaw sa pagsayaw.
Now, I'm more than curious. Nagtawanan pa silang magkakaibigan nang nahihiya pa ring nakatungo ang ulo ni Alliyah hanggang sa akbayan na siya ni Larry at isiniksik sa kaniya.
"Damn, Alliyah. Loosen up! Larry got you!" Ang isang boses ng babae na sinundan ng tawanan ng iba.
I turned off my phone at gigil na ibinagsak iyon sa kama. Halos magsalubong na ang kilay ko habang nakaupo sa kama.
It doesn't look like they're friends. Tsaka, "Larry got you"? What do they mean by that? Hindi ba nila alam na may girlfriend iyong tao!?
And that girl... She's getting into my nerves! Kung sino pang nagpapaarte eh gusto lang sumiksik sa boyfriend ko!
Sinubukan kong matulog noong gabing iyon ngunit hindi ko magawa dahil ginagambala ako ng demons ko. I can't just sleep still thinking that my boyfriend is with girls! Pakialam ko kung kaibigan niya! Hindi siya dapat maging ganoon kalapit sa kanila!
Pakiramdam ko'y sasabog ang ulo ko sa sobrang init ng ulo. Just thinking about it makes me want to explode out of frustrations!
Paano kung may iba pala silang ginagawa na hindi navideohan? Paano kung naglalandian sila ng boyfriend ko?
I dialed Larry's number. I checked the time and it was already 1 A.M. He's probably asleep or still in that bar?
Walang sumagot sa unang ring. Halos magdabog naman ako noong tinawagan ko ulit si Larry sa pangalawang pagkakataon.
Finally, sinagot na.
"Hello? Who's this?" Sagot ng boses ng isang babae.
Halos lamutakin ko ang aking phone nang marinig ang boses ng nagsalita. What the fuck is she doing with my boyfriend's phone?!
"Who's this? And where's Larry? Why do you have his phone?" I gritted my teeth.
"Sino ka muna? Larry went to the comfort room. Your number isn't even registered on his phone"
Lalong nagsalubong ang kilay ko. What does she mean hindi registered? Ginagago ba ako nito?
"Can you stop pretending? I'm his girlfriend. And can you give his phone to him? Can you?" Halos hindi ko maiwasang magtaray.
The girl chuckled, almost annoyed. "As far as I remember, my friend doesn't have a girlfriend? Hindi pa naman siya sinasagot ng kaibigan namin kaya paano siyang magkakagirlfriend?"
Hindi ko na maitama ang pag-iisip ko sa sinabi niya. What does she mean hindi sinasagot ng kaibigan niya? Ako ang niligawan ni Larry at kami na! What bullshit is she saying?!
Sa inis ang pinatay ko ang tawag at halos ibalibag ang cellphone. Who ever she is deserves to rot in hell! Kung ano anong kasinungalingan ang pinagsasasabi niya!
Alam ko namang kami lang ni Larry ang official pa lang sa isa't isa but he's off limits! Bakit hindi niya sinasabi na may nililigawan siya at ako iyon?
And the way he's that close to that Alliyah girl? Bakit kailangan niyang akbayan?
Hindi ko na alam ang iisipin pero alam ko ang nararamdaman ko. I am mad mad! Kapag nalaman kong ginagago niya ako, he'll taste the hell for sure!
Nag-iwan ako ng mensahe kay Larry dahil hindi ako matatahimik kapag hindi kami nagkita. Hindi man ako makatulog sa sobrang daming gumugulo sa isip, pinilit ko at hindi rin inaasahang magising nang maaga dahil halos wala akong tulog kagabi.
Hindi ako matitino kapag hindi ko siya na kinompronta.
Nag-uumagahan ako sa teresa ng kwarto namin ni Paige nang maaninag sa labas ng gate ang pamilyar na kotse ni Larry. I already assumpt that it's him dahil siya lang naman ang taong pupunta sa amin nang ganito kaaga. 
Seryoso akong humihigop sa aking kape habang pinagmamasdan siyang makipag-usap sa guard at kalauna'y pinapasok siya. He's wearing his usual loose t-shirt and khaki shorts. May dalang pamilyar na paper bag sa kaliwang kamay habang bilasang hawak ang kaniyang phone. 
Tumunog ang phone ko at bumungad doon ang kaniyang nickname sa akin. Halos hindi ko magawang tignan nang maayos ang phone ko. Tinitigan ko lang ito nang ilang sandali bago ko tuluyan nang sagutin.
"Adi? What's with your texts? Let's talk. Nandito ako sa labas ng bahay niyo" kalmado ngunit rinig ko ang kaniyang pagkabilasa.
I remained silent as I sip on my coffee. Gusto kong maramdaman niya na hindi ako natutuwa sa ginawa niya kagabi! Hindi man lang siya nagsabi na lalabas silang magkakaibigan at magbabar! With girls!
"Adi? Love, I know gising ka na" malambing pa niyang turan.
Pinanatili ko ang seryosong mukha. Ayokong maglabas ng inis at galit. Iipunin ko muna para mamaya ay hindi ako malusaw kapag nand'yan na siya.
"Really..." I said in a mocking voice and glanced at my phone.
"Are you having breakfast? Sabay na tayo. Nasa kusina ka ba?" he asked at mukhang pumasok na siya ng bahay dahil narinig ko pa ang mahina niyang boses na nagtatanong sa aming kasambahay kung nasaan ako.
"Pupuntahan kita. I got you your favorite strawberry turnovers--"
Pinatay ko ang tawag at dineretso ang tingin. This feels familiar. Him visiting me early in the morning while we eat breakfast. But this time, I'm not even excited to see him. I feel frustrated.
Narinig ko ang kaniyang pagkatok sa pinto ng aking kwarto. Kalauna'y bumukas. Hindi na ako nag-abala pang silipin siya dahil unti-unti nang umaakyat ang inis ko sa kaniya.
He then appeared on my right side. Nanatili akong humihigop sa kape at hindi siya binibigyan ng katiting na pansin.
Ramdam na ramdam ko ang kaniyang pagmamasid sa akin. Inilabas na rin niya ang mga dala niyang strawberry pastries para sa akin. Nang matapos sa ginagawa ay umupo siya sa tulad na inuupuan kong outdoor sofa. Hinatak niya pa iyon palapit sa akin para makaharap ko siya.
I remained my serious demeanor as I put my coffee on the coffee table. At hindi ko pa naibababa ang kamay ay kinuha na niya agad iyon.
Doon ko lang sinalubong ang tingin niyang kumukurap-kurap na at nanghihingi ng tawad.
"What's with your texts? Hindi ko nakita kagabi dahil--"
"You went to the bar" putol ko sa kaniya.
Umawang ang labi niya na para bang nagulat pa sa nalaman ko. Tumaas ang kilay ko at binawi ang kamay sa kaniya. "You went to the bar with your friends. Uminom at nagsayaw kasama ang isang babae. Who is she? Bakit mo siya kasayaw, huh?"
I'm quite surprised I'm calmer than I imagined. I thought I'd be lashing him out.
"She's a friend, Adi--"
"Who is she, then? Alliyah Gomez? Siya ba ang nililigawan mo?" I urged him.
Natigilan siya at kalauna'y kumunot ang noo. "What do you mean--"
"I called you kagabi. And some bitch answered it for you. Telling me that YOU don't have a girlfriend unless their friend accepts your courtship. Kasinungalingan ba iyon o hindi? Answer me" tinagilid ko ang ulo at tinaas ang dalawang kilay, tanda na gusto ko siyang paaminin.
He shook his head and sighed. "Adi, it's not like that. My friends are drunk at that time and they blabber nonsense things when drunk." paliwanag niya ngunit hindi iyon ang hinihingi kong sagot.
I smirked bitterly. "You didn't answer my question properly. What does she mean na nililigawan mo siya? They don't know that I'm already your girlfriend?" I emphasized the word 'girlfriend' to remind him that I am his girlfriend because he seemed to forget about it.
Umiling siya. "They know that you're my girlfriend. Lasing na lang talaga sila"
Hindi ko magawang maniwala. If his friends are respectful, they wouldn't say that to me! 
"Really? Bakit ang hirap paniwalaan? And my name on your phone. That bitch said my number isn't registered!" halos gusto kong umirap sa inis.
Kumunot ang noo niya at inilabas ang kaniyang phone. Ipinakita sa akin ang pangalan ko sa contact niya. 
My Adi
Kumunot ang noo ko at huminga nang malalim. Then what bullshits that girl has been saying last night?! 
"Bakit nila sinabi iyon, huh? To tease me? Well, I am not teased! You don't know how frustrated I am thinking that my boyfriend is probably hiding me from his friends?" 
Lumapit lalo si Larry sa akin at hinawakan ang kamay ko. He's looking at me intently as if he's trying to calm me down. 
"Hindi kita tinatago. Sadyang lasing lang talaga sila at inaasar ka--"
"Wala silang karapatan na asarin ako! They don't even know me personally!" putol ko na ikinatango-tango lang niya na para bang sumasang-ayon na lang sa lahat ng aking sinasabi.
Hinimas niya ang kamay ko. "Yes, I know. I'm sorry. I didn't know they'll do that--"
"Now, you're just sorry for them? Ginagago mo ba ako?" I spat.
Natahimik siya. Hindi siguro inaasahan na bubukuhin ko siya nang ganoon.
"Why didn't you tell me you'll go to a bar? With girls?" halos maramdaman ko ang galit at pait habang pinipigilan ang sarili na tumaas ang boses.
"Adi, they're my friends. Hindi ko sila gusto--"
Napatayo ako dinampot ang phone ko sa mesa. Ipinakita ko sa kaniya ang story nung kaibigan niya. "Alliyah? Bakit mo siya halos yakapin nung nagsasayaw kayo, huh? Tell me, bakit halos yakapin mo siya?!" 
He watched the video with furrowed brows. Nang malipat sa akin ang tingin ay kumalma ulit at tumayo na rin. Tiningala ko siya habang nanlilisik ang mga mata. 
"She is my friend, Adi. Gan'yan lang talaga kaming magkakaibigan" he reasoned out.
Now, he's telling me it's just a normal thing between them?
"Kaibigan? Gan'yan ka kakomportable sa kaibigan at halos yakapin mo? She's a girl, Larry! Ano, gustong-gusto mong madikit sa kaniya?!" 
He tried to hold my arms but I refuse. Tinulak ko ang dibdib niya na parang wala lang sa kaniya. 
Inangat ko ang tingin sa kaniya. Ngayon ko lang narealize na nagluluha na pala ang mata ko sa sobrang frustrate sa kaniya.
"Adi, calm down, hmm? Alliyah's just my friend. I swear" pang-aalo niya at hinawakan nang marahan ang bawat braso ko.
Nanatiling nakakunot ang noo ko. Inilebel niya ang mukha sa akin at tinitigan ako. He looks calm yet worried, too. "Stop getting upset with it. I'm sorry if you felt upset with that. But I promise you, they are just my friends. I don't have anything for them" paliwanag niya na akala mo'y iyon lang ang kailangan ko.
Can't he read between lines? I am upset and frustrated because I am jealous!
"I am jealous and mad, Larry. You can't expect me to not be upset with it!" irita kong sabi.
Marahang tumango si Larry at iginiya akong umupo sa kaninang upuan. He knelt in front of me as his hold glided down to my hands. "Hindi mo kailangang magselos, Adi"
"Why can't I, huh? I'm your girlfriend!"
He smiled. "'Yun na nga. You're my girlfriend kaya bakit ka pa magseselos? Are you insecure with them?"
I immediately disagree. "Of course not! Why would I be? Your friends are bitches..."
"That's not right, Adi. My friends aren't bitches. They are my friends--"
"Eh bakit ka nila nilalandi, huh? Pinagtatanggol mo pa talaga--"
I almost screamed when he shut my lips with his. My eyes widened in shock to what he did. Dahil naiwang nakabukas ang bibig ko ay agad niyang napalalim ang halik sanhi para mapapikit ako at tugunan iyon. His right hand is already cupping my jaw as he pushes me closer to him to deepened the kiss. Pakiramdam ko nama'y nawalan na ako ng huwisyo pati na rin ang galit na nararamdaman sa kaniya.
He withdraws slowly and watches me catch my breath. My lips are already red from the kiss and my eyes were already drowsy. Para niyang hinigop ang lahat ng aking galit gamit ang halik.
"I assure you, they're harmless. Kaibigan ko lang sila. Ikaw ang girlfriend ko. I love them as a friend but I love you as my girlfriend" he said tenderly as he fix my hair.
Hindi ko naman maiwasang mamula sa kaniyang sinabi. My insides are already dancing with such emotions. But I don't want to disregard my feelings just because he assures me!
Nakipagtitigan ako sa kaniya at saglit na bumaba sa labi niya ang tingin bago lumunok at dalhin ulit sa kaniyang mata ang tingin. "I-i don't like you being that close to them. I get jea--"
He looks at me as if he's telling me not to.
Sumimangot ako. "I get upset. Ayokong may ibang babaeng dumidikit sa boyfriend ko" I said seriously.
He nodded in acknowledgment. "Okay. I'm sorry if I danced too closely with Alliyah. Hindi na mauulit. Now, can you forgive me, hmm?"
Looks like I betrayed myself. Agad niya akong nalusaw. He's madaya! He kissed me kaya!
Nakasimangot akong tumango sa kaniya. He smiled and sat on his seat. Ako naman itong pinapakiramdaman pa ang sarili kung gustong magpalambing pa sa kaniya o hayaan na lang at magkabati kami.
But I'm the girlfriend so I have the right to do anything!
"Their turnovers are--" 
Still in my pajamas, I sat on Larry's lap and hugged him. Nakayakap na ang magkabila kong bisig sa kaniyang leeg at nakadukdok ang aking mukha sa kaniyang balikat.
I felt him soothed my back. "Still upset?" marahan niyang turan.
Umiling ako at idinikit lalo ang katawan sa kaniya. "Just promise me you'll never do that again. It hurts, you know. Seeing my boyfriend with other girls..."
Larry's soft chuckle vibrates against me. Hinimas niya ang aking baywang. "I promise, baby. How about you? Hindi ka ba magsosorry kasi hindi mo sinasagot ang tawag at texts ko kaninang umaga?"
I'll just pretend that he didn't call me 'baby'.
Lalo kong idinukdok ang aking mukha sa kaniyang leeg. Para itago ang pamumula at hiya dahil I feel like he's treating me like a real baby! "Why would I? Deserve mo naman" I muffled against his neck.
Tumawa siya at hinawakan ako sa baywang para mailayo sa kaniya at matignan ako nang maayos. Nagpatianod sa kaniyang hawak at sinubukang panatilihin ang seryosong mukha. He looks at me endearing yet amusingly na para bang alam niyang pinipigilan ko ang sarili ko.
"I deserve a sorry for making me uneasy. I panicked when I saw your texts early in the morning, you know..."
Nakahawak na sa magkabila niyang balikat ang kamay ko habang nakikipaglaban sa kaniya ng titigang alam kong matatalo ako. I leaned against his shoulder, refusing to accept that I am at fault, too.
"Quits for making me frustrated and annoyed last night" I muttered.
Natawa na lang ulit siya at sumuko nang hingin ang tawad ko sa kaniya. Hindi naman na ako umalis sa kaniyang kandungan dahil naging komportable na rin ako sa katawan niya. We both ate breakfast at nagparequest na rin ng kape sa aming kasambahay.
Gusto ko pa nga sanang picturan ang aming kasambahay noong makita niya ang ayos namin ni Larry noong tinawag ko siya.
Nanatili si Larry sa amin hanggang magtanghalian. Nasa sala na kami at kapwa naglalaro sa aking playstation o 'di kaya'y manonood ng movies at magkwekwentuhan. 
I honestly won't deny that I am already contented with just his presence. Minsan, mawawala sa isip ko na hindi ko naman na kailangan ng maraming kaibigan dahil mayroon naman na akong sa akin lang. We can be platonic and romantic at the same time. A package, I may say.
"I'll just get us more snacks" tayo ni Larry habang dala na ang bowl na pinaglalagyan ng aming nachos kanina. Tinanguan ko lang siya dahil busy rin ako sa laro.
He left his phone beside me and suddenly, it rung with Alliyah's name flashing.
Agad naman akong nairita kahit nabasa pa lang ang pangalan. Are they that close for her to call him when she can just text him?
Sa inis at kyuryoso kung bakit pa niya kailangang tawagan si Larry ay sinagot ko ang tawag.
"Larry, um, I haven't thank you about last night. T-thank you pala sa paghatid sa akin kaninanang madaling araw..." she fuckin' giggled. "Bawi ako sa'yo? Labas tayo. My treat" matamis nitong sabi.
Ewan ko pero iritang-irita ako sa boses niya. Para bang pinepeke niya ang kaartehan at nagtutunog mahinhin para lang kay Larry.
"Larry's not free today. He's busy with her girlfriend" I spoke.
Halos maramdaman ko ang gulat niya sa kabilang linya dahil hindi na siya nagsalita pa. Para kaming nakikinig sa hangin na dumadaan sa aming linya.
"Kung wala ka nang sasabihin sa boyfriend ko, I'll drop the call. Your name isn't registered in his phone anyway" sabi ko tsaka pinatay ang tawag.
Sakto naman umangat ang tingin ko sa harap ay dumating si Larry na nakatingin sa akin bago bumaba sa phone niyang hawak ko. Sumeryoso ang aking mukha habang naglalakad siya palapit sa akin.
"Hinatid mo pa pala si Alliyah?" I asked not sounding too bitter.
Kumurap naman siya at dahan-dahang tumango habang inilalagay sa mesa ang dala niyang nachos. "Yeah, kasama ko sila Jerome. May sinabi pa siya?"
Napakurap ako at natigilan sa kaniyang pagiging kalmado at mukhang hindi interesado.
"She thanked you for it" I blurted.
He hummed. "Gano'n lang talaga 'yon."
Tumaas ang isa kong kilay. "She said gusto niyang bumawi at gusto niyang lumabas kayo"
He hummed again as if dismissing it. "I'm with you. I can't come with her"
"You can't but you want?" I tested him.
Umangat ang tingin niya sa akin at ngumiti. "I don't want to"
Nangiti naman ako sa sinagot niya at hindi ko maipagkakailang gumaan ang loob ko sa sinabi niya. It's already a reassurance.
Gusto ko man siyang manatili sa amin at doon na lamang matulog ay hindi pwede kaya naman nang maghapon at kailangan na niyang umuwi ay hanggang sa gate ay hinatid ko siya. 
I pinched my hand as I try to push myself to apologize for lashing him out earlier. I know I am at fault at ayaw ko lang aminin kanina because of pride. Pero sa likod ng isip ko, alam kong kailangan kong magsorry dahil nga may mali rin ako. 
Hindi sa ini-invalidate ko ang feelings ko pero kailangan ko ring tanggapin na I judged him too quick. At kahit nakabawi na ako kanina dahil nagkasama kami, I still need to voice my apology out.
"Hey, babe..." nahihiya kong tawag at lalo na noong lumingon siya suot ang namumuong ngisi sa labi.
"Babe huh... yes, my baby?" corny niyang balik na ikinatulak ko ng mukha niyang nakalapit na sa akin.
"Um... ano, sorry about earlier" mahina kong sabi at bumaba ang tingin sa aking paa.
I felt him neared me kaya pinili kong panatilihing nakababa ang tingin. "About what?" halos nanunuya niyang sabi.
Umangat ang tingin ko sa kaniya at namula. "My attitude" 
He smiled at ginulo ang buhok ko. "Apology accepted"
My eyes beamed. "Agad?"
He chuckled. "Of course"
Ngumuso ako. I felt bad tuloy!
"Don't feel bad" masuyo niyang sabi na para bang nababasa ang aking iniisip.
Nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin. I pursed my lips and held my hands together. Lumapit siya at inilabas ang isang kamay mula sa bulsa. Inabot ang aking isang kamay at isinama sa pagbulsa sa kaniyang bulsa.
Namula ako at nakangusong tiningala siya.
He then spoke after a while of feeling my hand in his pocket. "Let's compromise"
Marahan akong tumango at hinayaan siyang magpatuloy.
"If something upsets you, talk with me about it. I know hindi maiiwasan ang tampo but with a serious matter, talk to me about it. You can't just resolve a misunderstanding between us without taking each side of the story. You okay with that?"
Tumango ako na ikinangiti niya.
"I also want us to compromise on something."
Tumango siya. "Okay, go on"
Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kaniya. "Let's not keep secrets from each other. I want us to always tell each other's sentiments and problems. I want us to see each other as someone we can depend on and lean on. Is that okay with you?"
He gave me a big smile. "I'm okay with that. So..."
"Promise locked?"
"Promise locked"

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters