CHAPTER 24

Looks like the chaos Tita Sarah made didn't just trouble the business world but also, drive the media to talk about her personal life and connection with the Alfantas.
I was confused to see the issue broadcasted in the media. But seeing and hearing about Tita Jane was in the showbiz industry back in her days was surprising. Kaya naman pala masyadong umingay ang issue at talagang kumalat dahil dating modelo at artista si Tita Jane noong kabataan niya.
Different news and articles about the issue surfaced. Personal life of the Alfantas, Tita Sarah having the recognition of being one of the wisest lawyers in the country, investors are pulling out from the Alfanta Shipping Company, and many more talks of the 39th birthday of Tita Jane. They were the headlines of all the major media outlets so it cannot hide the fact that it can't be cleansed that easily.
Nahirapan akong makakuha ng mga impormasyon lalo na't hindi muna ako hinayaang lumabas ng bahay. Dad said it's too dangerous outside lalo na't baka lapitan din ako ng mga media kapag nalamang isa akong Riguella.
I understand kaya naman sinunod ko na lamang ang kanilang gusto at nanatili lang din sa kwarto. They still need to get to work.
I read an article earlier that is about our family. Kilala nga talaga ang aming pamilya bilang isa sa pinakamakapangyarihan at matatalinong mga abogado sa industriya. Kahit na hindi naman pangmedia ang pagkakakilanlan sa aming pamilya, maraming naungkat na mga articles at usap-usapan sa mga taong nakakakilala kay Tita Sarah.
May mga artista akong nakita na nagpapahayag ng kanilang pagkagusto kay Tita Sarah. Hindi ito nabibigyang pansin noon lalo na't hindi naman sa showbiz nagtatrabaho si Tita ngunit ngayong nag-iingay sa media ang kaniyang pangalan ay halos halungkatin na ng mga tao ang kaniyang buhay.
Ang tanging nakikita ko lamang ay ang mga ilang pag-attend ni Tita Sarah sa mga charity events at mga international seminars. Halos hindi na nga tungkol sa issue ni Tita Sarah at ni Tito Roger ang nakikita ko. Puro patungkol kay Tita Sarah.
We were also advised to turn off our social media accounts for safety. Panigurado raw kasing dudumugin at pagkakaguluhan ang aming mga personal na buhay.
I busied myself with playing games online and reading books. Ngayon ay ramdam na ramdam ko kung gaano nakakabagot sa bahay. Paige is with Tita Sarah, we're not allowed to talk or be with any of the Alfantas for now to respect Tita Jane, and we're not also allowed to go out yet.
Hindi ko pa nakakausap si Mommy lalo na't mainit pa rin ang ulo niya. Sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin tahimik ang usapan tungkol sa issue nila Tita Sarah. Kapag nga napapanood ko sa TV ang mga nagkakagulong mga news reporter para lapitan sila Tito Roger ay talagang napapangiwi ako. Samu't sari ang mga tanong na ni isa ay wala silang sinasagot. Kahit sila Tita Sarah.
Nakakausap ko minsan si Paige sa tawag lalo na't alam kong bagot na bagot na rin siya sa condo ni Tita Sarah. I'm comforting her lalo na't alam kong sinisisi niya ang sarili sa nangyari.
Tsaka ko na lang nalaman na sinama na pala ni Tita Sarah si Paige sa Makati noong gabing umuwi sila Mommy at Daddy. It's past 11 noong nakauwi sila at naabutan pa nila ako sa sala na nanonood.
"Don't you have a curfew?" si Mommy halos pagod at stressed ang itsura.
Tumayo naman ako at lumapit sa kaniya para yumakap. Bahagya niya pa akong pinigilan ngunit hinigpitan ko lang ang yakap ko hanggang sa bumigay siya.
"Ano? Gagaya ka rin ba sa ate mong matigas ang ulo?" anito.
Inangat ko ang tingin kay Daddy na kaharap ko na habang nakapatong ang aking baba sa balikat ni Mommy. Dad gave me a small tired smile amidst looking so worn out. Grabe siguro ang pagod nila sa trabaho ngayon at sa pakikipag-iwasan sa media.
Humiwalay na ako kay Mommy at nginitian ito. She remained looking so serious with furrowed brows. "Hindi na matigas ulo ko ah?"
Sabay pa silang umismid ni Daddy. Mukhang wala pa nga sa mood si Mommy dahil nauna na siyang umakyat sa kanilang kwarto. Pinigilan ko naman si Daddy dahil gusto ko munang magtanong tungkol sa nangyayari.
"Is everything okay, at least?" tanong ko.
Dad sighed and shook his head. He removed his eyeglasses before hooking them on his suit. "Pumunta na si Paige at Ate sa Makati. Bakasyon muna si Paige doon"
My smile fell. "Bakit?"
Dad shrugged "Well, para tuluyan na munang lumamig ang issue. Tsaka, lagi naman siya roon tuwing summer, 'di ba?"
Ngumuso ako. "Bakit hindi ako sinama!"
Dad chuckled and pats my head. "Biglaan din ang alis nila. Kaaalis lang nila ngayon."
Sumimangot naman ako at humalukipkip. Sino nang kasama ko dito sa bahay ngayong summer? Sana naman isinama ako nila Paige!
"You can go out next week. Tsaka umuulan kung sasama ka pa sa kanila ngayon. It's already midnight. Matulog ka na, bunso" malambing na turan ni Daddy bago tumungo na rin sa kanilang kwarto.
I sighed and took out my phone. Sino naman ang makakasama ko kung lalabas man ako? Eh hindi pa kami pwedeng magkita ni Larry!
Me:
I miss you
He immediately replied, making me smile.
My own Alfanta💞:
I miss you, too. Let's just wait for the issue to die down.
Me:
I know :(((
My own Alfanta💞:
Don't be sad. We'll spend a lot this summer
Me:
Really?
My own Alfanta💞:
Really. Now, go to sleep. It's already midnight. Good night. Sweet dreams, my adi.
Nakatulog akong halos hindi maalis ang ngiti sa labi. Buti na lang talaga at mayroon akong boyfriend na kayang-kaya akong paamuhin at pasayahin.
Inabangan ko na lamang ang mga susunod na araw na matapos hanggang sa makaraan ang isang linggo. Mukhang medyo naglie low na nga ang issue dahil kaonti na lang ang nakikita kong mga usap-usapan sa social media. Gumawa pa ako ng dump account para lamang makiusyoso sa nangyayaring ingay sa labas.
Sabado noong nakatanggap ako ng mensahe kay Larry na bibisita siya sa bahay. At masyado naman akong naexcite na makita siya ulit dahil gumising pa talaga ako nang maaga para maabangan ang kaniyang pagdating. He said he'll come at lunch so we can go out, too. I guess it's a date.
Agad ko rin namang sinabihan ang aming tagaluto sa bahay na lalabas ako para hindi na nila ako pagluto pa. Alas dyis noong natapos akong mag-ayos ng sarili. I wore white chantily-lace mini shirt dress and white strappy sandal. Inilugay ko ang aking buhok. Napatingin ako sa salamin at tumagilid para masilip ang aking buhok sa likod.
Hanggang baywang ko na pala ito. Huli ko yatang pagupit ay two years ago kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit ganito na kahaba.
Bumalik ako sa pagharap sa salamin at naglagay pa ulit ng kaunting lipstick sa labi. Napunta ang aking tingin sa maliit na nunal sa bridge ng aking ilong. Madalas kong marinig na compliment sa akin ay ang aking maliit na nunal sa ilong which I just found cute and nothing more.
I shook my head to let my hair naturally flow on my shoulders. Saktong tapos ako nang makareceive ako ng text kay Larry at ang pagdoorbell niya. Dala ang regalo ni Tita Sarah sa akin noong pasko na beige YSL Loulou chain bag ay tinapos ko ang aking pag-aayos at lumabas na ng kwarto.
Nang makalabas ay agad na tumama sa akin ang init ng araw. I used my hand to shield the heat from above at noong nakalabas na lamang ng gate nakasilong.
Kita ko ang pagbahid ng gulat kay Larry nang makita ako. I smiled upon seeing him before tiptoeing to give him a kiss on the cheeks. Ang gwapo rin talaga nito!
He's wearing a beige long sleeves sweater, white khaki shorts, and a pair of beige loafers. His usual style whenever we date never fails me to fantasize about him. he's just looking so simply handsome! Dagdag pa ang kaniyang palangiting bati na halos makapagpalambot sa aking tuhod.
"Gumanda ka yata?" he teased and checked me out with hands in pockets. Nangingibabaw sa kaniyang palapulsuhan ang pamilyar na Tank Louis Cartier niyang relo. Halos araw-araw nga ay iba-ibang relo ang suot niya. Madalang kong makitang suot niya iyon. Siguro ngayon ang schedule ng relong iyon.
Pinagbuksan naman niya ako ng pinto para makapasok na at umikot siya sa kabila. I checked myself again in the mirror and stopped when he got in.
Sa biyahe ay doon ko lang siya natanong tungkol sa mga pinsan niya. "Are they fine already? I heard the DNA test was released na"
Larry hummed. "Negative pero parehas wala sa sarili 'yung magkapatid" tsaka siya bumuntong hininga.
My lips formed a grim line. "Can I ask why?" mahina kong sabi.
Lumingon sa akin si Larry at sandaling natahimik. Inabot ko naman ang kaniyang kamay na nasa steering wheel. He sighed and held my left hand with his right hand. Nanatiling nasa steering wheel ang kaniyang kaliwa.
"Nakipaghiwalay ang ate mo kay Clane..."
My eyes widened in surprise. She broke up with him? "Huh? Bakit daw? Bakit hindi ko alam..." napatingin ako daan at kumunot ang noo.
I mean, baka may kinalaman ang issue nila Tita Sarah doon pero hindi naman siguro sila maghihiwalay nang ganoon lang. My sister loves Clane so much kaya ang malaman na siya ang nakipaghiwalay rito ay hindi kapani-paniwala.
"I don't know... hindi na nagkwento pa si Clane. Pero ang narinig ko kay Shan ay may boyfriend daw ang ate mo sa Makati..." si Larry at pasalamat ko nang magred light.
Hinarap ko siya nang buo. Ganoon din siya na hinihintay ang aking sagot. My brows remained furrowed when he said that. "Boyfriend? Hindi nagb-boyfriend si Paige nang hindi niya nakikita! How come she have a boyfriend in Makati?"
Nailing si Larry. "Hindi ko rin alam pero 'yon ang sabi ni Shan"
Saan naman kaya nakuha ni Kuya Shan iyon? Baka naman fake news iyon!
Inalis ko naman muna sa isipan ang tungkol kay Paige. I can just ask her about it later.
We ate in a five-star restaurant. Hindi na kami mababahalang may makakita o makagulo sa aming media kung sakali mang may umaaligid pa rin dahil halos mga business man o mag-a-asawa ang nakikita ko.
Bigla ko namang naisip na may posibilidad na narito ang aming mga kamag-anak. Baka narito sila Mommy! Hindi pa naman ako nagpaalam na magd-date kami ni Larry dahil paniguradong hahadlang siya.
Nang makaorder ay ibinigay ko sa waiter ang menu at hinarap si Larry na may tinitipa sa kaniyang phone bago itago iyon sa kaniyang bulsa. Nakapatong ang aking mga braso sa mesa at bahagyang nakasandal paharap doon.
I smiled when our eyes met. His hair is brushed sidewards, giving justice to his rare-to-see forehead. Mukhang nagpasemi undercut siya.
"Kailan ka nagpagupit?" I asked.
Hinawakan niya ang buhok at nangiti. "Kahapon lang"
My lips formed a small downward smile and nodded in acknowledgement.
Bahagya siyang sumilip sa aking likod at napansin na rin ang aking buhok. "Haba na ng buhok mo. Balak mo bang magpagupit na rin?"
I smiled. "I was thinking about that earlier, and since nabanggit mo na, let's so to the salon after this"
"May lagi ka bang pinagpapasalon-an or sa mall na lang?"
"Doon sa lagi naming pinupuntahan nila mommy" sagot ko naman. Tumikhim ako at bahagyang luminga sa paligid. "Nga pala, nagpaalam ka ba kila Daddy?"
Knowing him, lagi pala siyang nagpapaalam! Kaya talagang naguguluhan pa rin ako kila Daddy kung bakit pa sila nanenermon na hindi ako nagpapaalam eh lagi naman pala akong ipinagpapaalam ni Larry!
Pinanliitan ako ng mata ni Larry na para bang may ginawa na naman ako. "Oo, at hindi ka na naman nagpaalam?"
I shook my head sheepishly then gave him a cheeky smile. "Hindi ako papayagan ni Mommy!"
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "So, basically, tumakas ka na naman?"
I shook my head in defense. "Pinagpaalam mo naman ako ah"
Larry smirked to tease me more. "Ah, matigas pa rin ang ulo ni Adhara. Hindi nagpapaalam sa magulang kapag gumagala"
I deadpanned him. Now, he's making fun of me!
I have reasons kaya hindi ako nagpapaalam! First one is that Mom asks too much! Kung saan, anong oras ako uuwi, sino kasama, anong gagawin--kulang na lang ay sumama siya para malaman ang gagawin ko! Second is maraming bawal! No drinking, going to bars or clubs, eating street foods, and any possible reason she could make until I gave up. And lastly, I can't go out of the city.
Kaya rin nagagawa kong magrebelde nitong nagkaisip-isip ako. They're caging me too much!
Larry chuckled and reached my cheeks so he could stretch it out. "Damn, you're cute. I'm just joking, love"
Nagulantang ako sa sinabi niya. Tumunog naman ang kaniyang phone na agad niyang kinuha at tinago rin agad.
"Love? That's our endearment?" nangingiti kong sabi.
Bahagya siyang ngumuso. "I said that?" pagmamatay-malisya niya na ikinangisi ko.
"Love, huh..." I drawled sexily.
Kumain na rin naman kami nang dumating ang aming pagkain. Nabanggit din niyang madalas nang magkasama si Art at ang kaniyang girlfriend na si Alliana. He said we can be friends lalo na't naging kaclose na rin naman raw ni Paige iyon.
Kilala ko na si Alliana and based on what Art has been blabbering to me before, she's quiet but nice. Noong birthday ni Tita Jane ay nakasama na rin namin siya and she really is not chatty. But I hope we can get along, though!
Saktong papunta naman kami sa salon na pagpapagupitan ko ay nagtext si Art sa akin kung nasaan kami. Inaaya kami ni Larry na manood ng sine kasama si Alliana.
Art Vincent Van Gogh:
Adiiiiii!!! Nasa mall kami ng bebe ko at nag-ayang manood ng sine. Nakakatakot lang available at ayaw ko namang mabugbog ng bebe ko kaya isasama ko kayo hehehe wer r u ba?
Me:
Magkasama kami ni Larry. Magpapasalon sana. Punta kayo ni Alliana! I wanna bond with her
Art Vincent Van Gogh:
OKIE! Papakalbo ko tong bebe ko para wala na akong kaagaw
Natawa ko naman ako sa pinsan at sinend sa kanila ang address. Nauna na kami ni Larry at nagpaappoint na rin agad ng para kay Alliana.
Pinapapili ako ng hairstylist ng gupit na gusto ko nang bumukas ang sliding door ng salon at bumungad ang aking pinsan at ang girlfriend niyang si Alliana. Kapwa natigilan din ang mga hairstylist sa loob at napalingon sa mga bagong dating.
"Mukhang ang ganda ng araw natin ngayon? Dinadagsa tayo ng mga diyos at diyosa" rinig kong bulong ng isang stylist sa tabi ko.
Nakalingon ako sa kanila kaya naman hindi na ako nagulat nang magtama ang tingin namin ni Alliana. Bahagya pa siyang nagulat sa akin. Nginitian ko naman siya at kinaway ang mga daliri sa kaniya.
She's wearing a simple red polo dress at white addidas. She looks so pretty!
Sinamahan naman ni Art na maupo sa tabi ko si Alliana na akala mo tatay kung makabantay kay Alliana.
Alliana's busy picking a hairstyle in the brochure Si Art naman ay walang tigil na turo nang turo sa mga ayos na naroon at sinasabing bagay sa kaniya iyon.
"Oh lumayas ka na, please lang" Alliana hissed at Art. Natatawa namang umalis si Art sa tabi nito at tumabi kay Larry na nasa sofa.
Natawa ang stylist ni Alliana. "Cute ng boyfriend mo, Ma'am"
Nailing si Alliana. "Anak ko siya" biro nito na ikinatawa ko. Nalingon naman siya sa akin at ngumiti.
Habang inaayusan ng buhok ay si Alliana ang kausap ko. I'm surprised she's talking to me casually! Akala ko talaga ay ma-o-awkward-an siya sa akin pero hindi naman pala. We're talking casually as if we already know each other a long time.
"Oh, gumanda ka lalo, Ma'am Adhara!" ani Pam, ang dati nang nag-aayos ng buhok ko, nang matapos siya.
My hair was cut into medium length. It was also volumized so it complements my face.
"Alliana, how do I look?" tawag ko kay Alliana na patapos na rin na inaayos ang buhok. Tinignan niya ako sa salamin at nagpigil ng ngiti.
"Pwede ko nang hiwalayan si Art" aniya na ikinangiti ko naman at nailing.
Lumapit na si Larry sa akin at tinignan ako sa salamin. Umalis na si Pam para mabigyan kami ng espasyo.
Nakahawak si Larry sa arm rest ng aking inuupuan. Tumagilid ang ulo ko at ginalaw ang buhok na nakatingin sa kaniya sa salamin. "How's my new look?" malambing kong turan dito at tiningala na siya.
Nilingon na niya rin ako at tinagilid ang ulo. Lumayo pa siya at humalukipkip. Ang kamay ay napunta na sa baba na akala mo'y isa akong obra kung husgahan at isipan ng komento.
"Hmm... Masyadong gumanda. Ate, pakibalik 'yung buhok. Baka pagkaguluhan" aniya na ikinatawa ko at ng iba na ring tao.
Si Art naman ay nagtungo na kay Alliana at akala mo anak ituring si Alliana. Pinuri-puri niya ito habang hawak ang magkabilang braso at niyakap pa na akala mo'y manika si Alliana. Oh, how weird Art is yet so lovable.
We went to the mall after. Para na rin pala kaming nagdouble-date. Si Alliana ang kausap ko sa magdamag na iyon and just like that, I feel like we're bestfriends already!
Kaya nakakapagtaka talaga kung bakit maraming ayaw makipagkaibigan sa akin. I asked Alliana earlier if I act like a spoiled brat or I look mean to her. And she said...
"Wala naman akong pangit na naririnig tungkol sa'yo tsaka, hindi ako humuhusga nang basta-basta. You're treating me nicely and I should, too. You don't even look like a spoiled brat either..."
Tama nga si Larry. People will like you if they want to like you.
Sa summer na iyon ay hindi nagkaroon ng outing ang magpipinsan. Dahil nga sa nangyayari sa mga pinsan, hindi muna sila nagplano ng bakasyon. Kahit kami ring mga Castor dahil hindi naman kami kumpleto. Narinig ko minsan kina Mommy na hindi pa ayos ang mga Alfanta.
Looks like their eldest, si Tita Rachel na isa rin sa naggate crash noong birthday ni Tita Jane ay hindi pinapatahimik si Tito Roger. I don't know the whole story lalo na't narinig ko lang noong nakaraan sa usapan nila Mommy at Tita Lalaine noong bumisita si Tita Lalaine.
"Ate's giving Roger a hard time. I don't know her reasons. Malaki na nga ang problema ni Roger sa kumpanya, sinasabayan niya pa" si Tita Lalaine na dismayado.
"There's no doubt that Rachel will side Ate Sarah. They're bestfriends since high school pa kayo" si Mommy.
"Alam ko ang balak ni Ate kaya nga hindi kami nagpauto ni Brent. Tsaka, Brent and Roger ang laging magkasangga kaya hindi basta-basta mamamanipula ni Ate si Brent" si Tita Lalaine.
Nagkausap kami ni Paige kasama si Alliana. My worries were now gone after knowing that she's spending her time in the orphanage with her two bestfriends: si Aniella and Nikka. I thought she'll be lonely for the rest of the summer eh!
"Hindi ko alam na nakipaghiwalay pala siya. Ni hindi ko nga naisip na maghihiwalay pa sila eh halos magdikit lagi ang katawan nila ng boyfriend niya tuwing magkakasama kami" si Alliana nang mapag-usapan namin si Paige. Nasa café kami ngayon nila Kuya Gab.
I agreed. "I'm sure she's got reasons but no doubt that she's broken"
Malungkot na napailing si Alliana. Sabay pa kaming napalingon sa bukana ng hagdan kung saan naroon ang kararating na si Lomi.
Na kasama si Leticia?
"A-adi?" Gulat pa nitong tanong at nilingon ang nasa likod niya.
"Adi?!" Si Leticia na sumilip at tinulak pa si Lomi paalis sa daan para makapunta sa akin.
"Namiss kita!" Si Leticia na niyakap ako mula sa likod ng sofa. Natatawa ko naman siyang hinawakan sa braso at pinaikot para makaupo sa tabi ko.
Natigilan naman si Leticia nang makita may isa pa kaming kasama. "Hala, may maganda" bulong niya at nahihiyang kumaway kay Alliana na nahihiyang nangiti sa kaniya.
"Akala ko walang tao rito kaya dinala ko 'yang baklitang 'yan" si Lomi na humilata agad sa kabilang sofa at kinuha ang remote.
Maya-maya lang ay dumating na si Bench para kunin ang order namin. Nang makaalis naman ito ay itutuloy sana namin ni Leticia ang usapan nang tawagin ako ni Lomi.
"So, kayo ni Ate Alliana magkasama kapag umaalis si Kuya?" He asked, bahagya pang namula noong tinawag niyang Ate si Alliana.
Kumunot ang noo ko. I thought nasa bahay siya since 'yun ang sabi niya?
"Wala ba siya sa inyo?" I asked.
Lomi, with his cute doe eyes and lips protruded into a cute pout, shook his head. "Kasama niya mga barkada niya"

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters