CHAPTER 23

Lumusong ako sa tubig. Tinantya ko muna ang lamig bago tuluyang gumawi palalim kung saan naroon na ang nagtatampyasaw nang mga kaklase. Nagsisigawan at nagtatawanan na sila.
I relaxed my expression as I went closer to them. Kitang-kita ako ang pagtingin nila sa akin isa-isa hanggang sa magsiiwas sila ng tingin at bahagyang lumayo sa akin.
Nakita ko naman ang pananatili ng titig sa akin ni Tessa kaya sa kaniya na ako ngumiti at lumapit. "Tessa!" I called her.
Napalingon ang mga kaklase kong babae sa akin at kay Tessa na hindi ako nilingon at patuloy na nakikipagngitian sa iba kong kaklase.
Unti-unting nawala ang ngiti ko at tumikhim. I went closer to them so I could join them. Ganoon na rin ang kanilang pagtatawanan at lumayo ulit.
Napakunot na ang noo ko at hindi na natutuwa sa kanilang pakikitungo sa akin.
"Bakit ba ayaw niyo akong kausapin?" Nilakasan kong sabi sa kanila.
Napalingon na sila sa akin. Yasmin, ang kaklase kong kanina pa ako tinatarayan ay natawa sa akin. "Bakit ka naman namin kakausapin?"
What the hell?
"I'm trying to befriend you all tapos ganito ang pakikitungo niyo sa akin" I said seriously.
Halos balikat na namin ang tubig at umaalon pa kaya halos lumubog na rin ako kung hindi lang ako marunong magpalutang.
"Sabi ng babaeng naninira agad ng kapwa kapag hindi nasunod ang kaniyang gusto" she mockingly said tsaka sila nagtawanan.
I kept my posture and my emotion in tact. Pinigilan kong 'wag mainsulto sa kanilang sinabi kahit na nilalamon na ako ng inis at gusto silang lunurin.
"Speechless? Masyado kasing spoiled. Gusto lahat nasusunod at napapasakaniya"
"That's not true." I said calmly. Humalakhak muli sila.
They're getting into my nerves for real!
"Tignan mo nga ang nangyari kila Wincel at Apple. Sila na nga lang ang nagtatyagang makipagkaibigan sa'yo tapos pinahiya mo pa sila?"
I gritted my teeth. "They did me first" matigas ko nang sabi.
Nang-aasar na paawang ngunusuan ako ni Yasmin. "Kaya kung gumanti ka akala mo sobrang laking kasalanan ang ginawa sa'yo? Looks like you haven't mature yet, huh."
Hindi ko na sila kinaya at tinalikuran na sila. They're just so frustrating! They mock me as if what I felt when Wincel and Apple humiliated me was invalid! Ako pa talaga ang pinagmumukha nilang masama kahit na ipinatanggol ko lang naman ang sarili ko!
That's it. They don't deserve my attention and kindness.
Mabibigat ang paa kong tumungo sa kinaroroonan ni Larry. Sa pagtatama pa lang ng tingin namin, alam na niya ang aking pinunta. Nagpaalam siya kay Jormian na kaniyang kausap at sinalubong ang aking paglapit.
"That's it" sabi ko sa kaniya at hinila na siya sa malayong gawi ng dalampasigan.
We just walk and walk until we reach the most west side of the beach. Nauna akong umupo sa sand at nakasimangot na ipinatong ang baba sa nakasaradog tuhod.
Umupo si Larry sa aking tabi at inabot ang aking kamay. Inilapag niya iyon sa sand at tinabunan ng sand.
"What did they say to you?"
Hindi ako sumagot at pinanood lamang ang mga alon na pabalik-balik sa dalampasigan. The waves were quite wild. The wind, too that's why I can't help but to feel cold.
Naramdaman kong ibinaba ni Larry ang aking tuhod para maideretso iyon. Pinatungan niya ng sand ang aking hita at paa. I just watch him do it. Nang umangat ang tingin sa akin napatitig siya. He's pursing his lips as his hands rest on my thigh.
"They didn't accept you?" He asked softly.
Bumagsak ang aking tingin sa kaniyang kamay na nasa aking hita. Unforeseen, my chest began to feel heavy. Ang pinipigilan ko kanina ay ngayon ko nararamdaman.
"I don't understand why they hate me so much" bulong ko.
"They said that?"
Umiling ako. "They said I was spoiled who wants everything to go on my way."
I was just doing what I want for myself! Tsaka, it's not that I'm doing it all the time! Lagi ba akong nagpupumilit? Hindi naman! Because I want to save name! Yet they labeled me as if I'm such a brat!
"You know..."
"May mga pagkakataon talagang hindi ka magugustuhan ng lahat kahit na anong pagpapakabuti pa ang gawin mo..."
Umangat ang tingin ko kay Larry na malayo ang tingin sa karagatan. He looks at peace, opposite of me who's already having a personality crisis.
"You can't make them like you if they don't even want to like you. Either they had a bad impression of you or they just don't like you"
Nagsalubong ang kilay ko. It left me intrigued.
"I didn't even do something wrong to them" I voiced out, making him turn towards me.
"To them, you didn't. But maybe to others, you did. They probably sympathize them because they suffer in a conspicuous way  without even knowing who's wrong."
"Ang mga tao, kung sino ang nakikita nilang nasasaktan at kawawa, iyon ang kakampihan nila kahit na mali ang taong iyon."
Nanatiling salubong ang kilay ko at bumaba ang tingin sa sand. My finger nonchalantly draw anything. It dawned me. That's how toxic some mindsets are.
Pero hindi ba nila iniisip na hindi naman magagawa ng isang tao iyon nang basta basta lang? Na hindi nila sinigurado kung binalik lang 'yung ginawa sa kanila?
"Hindi naman masamang ipagtanggol ang sarili ah..." Mahina kong sabi.
"Oo naman. Lalo na kung wala nang gustong maniwala sa'yo. Prove yourself innocent. Lalo na kung ikaw ang nakakaalam ng totoo"
I nodded silently. He continued.
"Pero hindi mo kailangang patunayan sa lahat lalo na kung sila mismo ang umiiwas sa katotohanan. Moreover, kung gumanti ka pa sa ginawa ng iba sa'yo, ikaw ang lalabas na masama"
Natahimik ulit ako. I can't really just stay still and silent lalo na kung wala naman akong ginagawang masama. Nadudumihan ang pangalan at pagkatao ko sa mga panghuhusga ng iba na walang katuturan. The only basis they have is that they see me as a spoiled brat. 
Naramdaman ko ang tuluyang pagdikit ni Larry sa akin at ipinatong na ang aking hita sa kaniya. He held my hand and soothe me up. "Stop sulking. Let's just enjoy this vacation. You have me" he said softly while watching my reaction.
Napatitig naman ako sa kaniya. His angelic smile can make me calm and feel good instantly. 
Iniyakap ko na ang aking kamay sa kaniyang leeg. I smiled and took a peck on his lips. Nakapalupot na rin ang kaniyang kamay sa aking baywang. We both smiled at each other. Bago pa kami tumayo, itinulak ko ulit ang sarili sa kaniya para mahalikan siya nang mas malalim.
Lumusong na kami sa dagat. Dahil medyo mataas ang alon ay hindi ako lumayo kay Larry. Hindi naman sa hindi ako marunong lumangoy pero paniguradong matatangay ako. Kapwa lang namin in-enjoy ang oras na kaming dalawa lang. 
He easily swept away my upset mood. Kapwa na kami ngayo'y nagtatawanan sa pagligo. Halos hindi ko na rin maialis sa aking labi ang ngiti at halakhak. Hindi ko rin kasi halos naisuot iyon simula noong dumating kami kanina.
Just like what Larry advises me, I let those people who don't like me. Hindi ko na rin ipinilit ang sarili na makipag-usap o makipagkaibigan sa kanila. They obviously don't want me then I'll gladly accept it. Hindi ko rin sila gusto.
Sa pagod sa maghapong paliligo sa dagat ay kapwa kami bagsak ni Larry sa aming mga kama. Sabay na nakatulog ngunit mas nauna siyang magising sa akin noong maggabi na. May dala siyang plato ng pagkain para sa akin. Aniya'y nagbonfire na ang karamihan.
"I got sunburned oh" I showed Larry my arm. Tinawanan niya naman ako at hinawakan na rin iyon. I'm already wearing a tank top and pajamas. 
"Remembrance" aniya na ikinanguso ko na lamang at tinuloy ang pagkain.
Inaya ko na rin naman siyang lumabas para magpahangin. Kita ko ang mga kaklase na nakapaligid sa bonfire. Ang isang kaklaseng lalaki ay naggigitara pa at mukhang kumakanta. Inalis ko na lamang ang tingin sa kanila at pinangunahang maglakad si Larry patungo roon sa kanina naming dinaanan. We went towards the grove of coconut trees a few meters away from the shore.
"Kahit anong pilit ko palang maghanap ng ibang mapapagkaabalahan na makakapagpasaya sa akin, laging may kulang" panimula ko habang nilalaro ang paa sa sand.
Naramdaman kong may ipinatong sa aking balikat si Larry. Nilingon ko siya at nakitang inaayos ang kaniyang makapal na sweater sa mga balikat. 
"It's cold. Nakasando ka lang" he commented. I smiled and faced him. 
Namulsa siya nang matapos itali ang bawat dulo ng sweater sa aking bandang dibdib.
"Anong kulang?" he then asked after a while.
I smiled and walked again. "I tried hanging out with Lomi, Leticia... but I can't seem to feel that kind of bliss when I'm with you..."
Nilingon ko siya at halos magkadikit ang aming mukha sa sobra naming pagkakalapit. My heart boomed, making me unable to stand his loving eyes. 
Tumagilid ang ulo niya para habulin ang aking tingin. "So, anong kulang?" he asked again. Sinisilip ang aking mukhang umiiwas sa kaniya.
I chuckle. He chuckled, too. Hindi ko alam kung hindi niya nakuha o inaasar lang ako.
I heaved a heavy breath. "You"
He acted surprised. Natatawa ko naman siyang hinampas. He caught my hand and continue to tease me. "Ako? Hala, ako lang nagpapasaya sa'yo? Swerte ko naman"
My lips protrude and mocked him, too. "You should be. Can you believe you're Adhara Kate Riguella's sole source of joy?"
Sabay kaming natawa sa biruan. Napatitig ako sa kaniya at nakita niya siguro ang gusto kong gawin sa kaniya kaya inunahan na niya ako.
"Oh, kiss na naman? Aba, abusado ka naman, Adhara Kate" biro niya na ikinahalakhak ko at nailing na lang sa kaniya. 
I was about to take a peck on his lips when a familiar voice from my father speaks from behind.
"Adhara Kate" matigas at galit nitong ani tsaka hinawakan ang aking braso.
Gulat naman akong napabaling kay Daddy. Nakita ko rin si Mommy at Paige sa kalapitan na nakamasid sa amin. 
"Home. Now" hinarap ko si Daddy na hindi na nagpipigil ng galit sa akin. Galit na galit na ang kaniyang mga mata ngunit nananatili ang kagaanan ng kaniyang paghawak sa akin.
Umiling ako kay Daddy. "D-dad, nandito pa ang mga class--"
"Hindi ka nagpaalam! We were worried sick thinking where you are, Adhara Kate! Kaya uuwi ka kung sa ayaw at sa gusto mo!" He snapped and pulled me, making me startled.
Lumapit naman sa amin si Larry at sinubukan pang pigilan si Daddy ngunit pinutol lang siya nito.
Nakita ko kung paano tignan ni Daddy si Larry. Disappointment and dismay were visible in his eyes before dragging me out.
Kinuha nila daddy ang gamit ko sa room namin ni Larry. I tried explaining that we didn't insist on being in the same room but dad is already thinking something wrong!
"In a same room, Adhara Kate?!" Si Daddy noong nasa sasakyan na kami.
I sighed frustratingly. "We didn't do anything! Nasa dagat kami halos--"
"You have female classmates! Pwede ka naman sa kanila sumama--"
Napasigaw naman kami nang biglaang magpreno si Daddy at bumusina. Hindi niya napansing may nag-overtake pala sa amin.
Hinampas ni Mommy si Daddy na mabibigat na ang hiningang nilalabas. "Can you calm down?! Simon, muntik na tayong mapahamak!"
I saw how Dad apologized to mommy. Umirap na lamang ako at tamad na nagpasak ng earpods sa tainga. Hindi na pinansin ang ingay ng aking pamilya.
Inalala ko ang naging araw ko kanina. For a moment, all of my worries disappeared whenever I think of how genuinely happy I was with Larry.
I won't sugarcoat it. Gusto ko si Larry kaya ganito na lamang ako sumaya tuwing magkasama kami. It's the essence of what I have with him that makes the joy he radiates with me feel exceptional. Maybe because I have feelings with him.
But that doesn't make it less than what I've been dying to have. Frankly, it was he who can solely make the worst the best.
Pagkauwi na pagkauwi ay sermon ang natanggap ko kay Daddy at Mommy. They both express their worries and frustrations which I found very irritating.
Lagi na lang akala mo ay kung saan saan ako mapupunta! Eh hindi naman ako mawawala nang ganoon lang kung hindi kasama si Larry!
Ang mga nakaraan naman naming labas ni Larry, kapag nagpapaalam siya ay pinapayagan naman ako basta ay kasama lang siya!
"Hindi ka nagpaalam! Hindi mo sinabing may outing kayo ng mga kaklase mo! You can't just use Larry as your excuse to be so disobedient, Adhara Kate!" Si Daddy na ngayo'y pinapakalma ni Mommy.
"Simon? Gabing-gabi na nag-aaway pa kayong mag-a-ama?" Napalingon kaming lahat kay Tita Sarah na mukhang nagising sa aming ingay.
Tamad akong sumandal sa sofa. I saw how Dad controls his anger as he heaves multiple sighs. After a few moments of sermons which I'll just shrug off, Dad gave up.
"You two are grounded!"
I sighed and walked towards the stairs. Hindi na rin pinansin ang tawag sa akin ng kapatid at dire-diretso sa kwarto para makapagpahinga. Hindi na ako nagdidibdib ng mga panenermon sa akin nila Daddy.
Paulit-ulit lang din naman. Sila lang din ang napapagod. Kung magtiwala na lang sila sa akin na kaya ko ang sarili ko ay hindi si mas-stress nang ganito!
Dad confiscated our phone. Gusto ko sanang magreklamo kaso hindi na ako kumibo dahil hindi rin ako pinapansin ni Daddy.
We're grounded for a week kaya naman hindi kami nakasama sa outing ng magpipinsan. I'm fine with it since nakapagbeach na rin naman kami ni Larry.
Nakikipaglaro na lang ako online kina Lomi sa mga araw na grounded pa kami. Kapag naman tinatamad maglaro, lalabas ako ng kwarto para makipagkwentuhan kina Tita Sarah. Kapag naman kasama si Paige ay iniiwasan ko na lang sagutin ang mga panenermon at mga tanong niya sa akin tungkol kay Larry. Alam kong iniisip niya!
Sinundan namin ni Tita Sarah ng tingin si Paige na pumasok sa kusina para kumuha ng tubig. Nasa sofa kami sa sala nila Tita Sarah nagk-kwentuhan.
Mabilis naman akong lumapit kay Tita na kanina pa excited sa aking ikwekwento na hindi ko maituloy dahil dumating si Paige!
"I always initiate a kiss, Tita" bulong ko na ikinalaki ng mata ni Tita Sarah at napatakip ng bibig.
Nagpigil naman ako ng tawa. Tita Sarah's wide eyes looks so shocked yet intrigued. "You know how to kiss? I thought bawal ka pang magkaboyfriend?"
I smirked. "Paige taught me one time"
Natawa na si Tita. She commends me for using the technique she taught Paige. She said that if you initiate the kiss, it tends to be longer and giddier.
Tita grinned at me sweetly yet amusing "So, what does it feel like? Sweet? Soft?"
Nagipigil ako ng ngiti at lumapit ulit kay Tita. "It's addicting" I whispered and we both squealed simultaneously.
Natigil naman kami ng aming hagikgikan ni Tita Sarah nang may tumikhim sa aming gilid na nakapameywang at hawak ng isang kamay ang tumbler na may lamang malamig na tubig.
Sabay naming nilingon ni Tita si Paige na nakataas ang isang kilay sa amin.
"Chatting up with your tita about your no-doubt-explicit rendezvous with Larry but not with your sister?" Paige smirked.
I blushed at her words. We didn't even do anything other than trying to trip Larry into making out! "Our kisses were just pecks!" I rebutt.
Lalong nabalot ng pagdududa at pang-aasar si Paige. "Haven't made out?"
Tumango ako at lalong namula. A talk like this is very much unexpected lalo na't hindi naman namin napapag-usapan ang ganito kapag nandito ang mga magulang namin! Thankfully, nasa trabaho sila!
Birthday ni Tita Jane, mama nila Kuya Crane at Clane, noong magkita-kita ulit kaming magpipinsan. Syempre, ininggit lang nila kami nang ininggit tungkol sa kanilang beach get-away but sadly, they all went home the day after dahil naaksidente ang kaibigan ni Ate Euna. Hindi na rin naman nila naituloy na 3 days dahil nalungkot sila sa nangyari kay Ate Euna.
"Ang sarap ng seafoods, Adi" si Art noong nasa mesa na kami at nagseserve na ng pagkain.
Sinimangutan ko ang pinsan. Larry, who's beside me immediately snatched the plate full of seafood away from me. Hindi ko naman na it-trigger pa ang sarili ko! 
"Nag-uwi ako ng shells. Nasa bahay. Dadalhin ko sa inyo bukas" bulong sa akin ni Larry nang makasubo.
I beamed at him. Yayakap sana sa kaniya nang maalalang narito ang lahat ng mga magulang namin. I kept my excitement all in me and suppress the tiniest I can do into a smile.
Tita Jane's birthday ends so fast. Nagkakagulo na ang mga matatanda, nangingibabaw ang usapan ng mga bisita, at ang pag-aaway ni Mommy at Paige. 
I didn't expect Tita Sarah to gatecrash! At ang nakakagulat pa ay may dala siyang babaeng halos kaedaran ni Kuya Crane at kamukha pa ni Kuya Crane! Tita Sarah introduced her to all as her and Tito Roger's daughter!
It was chaos. Really. Hindi ko maintindihan kung bakit sinampal pa ni Mommy si Paige. Sumama naman ako sa kanila pauwi lalo na't galit na galit si Mommy. Baka kung anong magawa niya kay Paige.
We went home and this is the first time I hear my family argue about such a serious yet unknown matter. Hindi ko masundan ang kanilang pag-aaway. It looks like there is a past between our family and the Alfantas para maging ganito ang reaksyon ni Mommy sa nangyari. She's fuming mad at Paige and Tita Sarah for making such a controversial issue between our family. Hindi ko rin maintindihan kung anong tinulungan ni Paige si Tita Sarah to take her plan out?
"Huwag si Paige ang idiin mo rito, Karina. At bakit galit na galit ka? Gustong-gusto mo pa rin ba ang Alfanta?!" Tita Sarah snapped, slowly losing her cool.
Mommy fumed more in anger and disgust. "Baliw ka na ba, Ate?! Hindi 'yon ang tinutukoy ko! You both ruined a family at sa tingin niyo, papalampasin ko 'to? You involved my daughter with your craziness!" 
Hinawakan ko si Mommy at inalalayan dahil baka bigla itong bumagsak sa sobrang pagkastress. They continue to argue until Dad lash out that made us all fall into silence.
"Can you both calm down?!" si Daddy at hinampas ang isa sa paboritong vase ni Mommy na nagmula pa sa Greece.
Paige confessed. She's crying so much that she looks so hurt. Tita Sarah walked out. Mom confronted Paige. Halos hindi ko na mapigilan si Mommy sa pagbabato kay Paige ng kung ano-anong masasakit na salita. Paige looked so distress when Mom threw her out of the house. 
Nagkatinginan pa kami ng kapatid bago ko samahan si Mommy sa kaniyang kwarto. I told our kasambahay na magdala ng tubig, towel, at gamot ni Mommy. Pagod ngunit galit pa rin si Mommy nang makarating kami sa kanilang kwarto ni Daddy.
Hindi ko muna siya sinabayan kahit na kating-kati na akong komprontahin siya sa mga pinagsasabi niya kay Paige. 
My mom labeled my sister nothing but a shame and disappointment. I know that she's just so stressed and she probably said that out of frustrations but still, hindi ko kayang tanggapin iyon para sa kapatid. 
Mom looked so upset and I don't want to add fuel to her fire. Kaya naman sinamahan ko na lang muna itong kumalma hanggang sa dumating si Daddy mula sa paghahatid kay Paige sa condo ni Tita Sarah. Hindi mahihindian ni Daddy si Mommy kapag ganitong wala ito sa mood. At kay Tita Sarah niya lang pwedeng maidala si Paige.
Nang dumating si Daddy ay tulog na si Mommy. Kinausap ko muna si Daddy sa labas ng kwarto.
"How's Paige?" tanong ko agad. Dad sighed problematically but still nodded.
"She'll be fine with Ate for a while..." lumingon siya sa pinto ng kanilang kwarto ni Mommy. "How's your mom?"
I gave dad a tired smile. "She fell asleep."
Tumango si Daddy at pinapasok na ako sa aking kwarto para magpahinga. I hugged him and kiss him on the cheeks before going to my room. Naligo ako at pagkabihis ay bagsak agad sa kama. 
I immediately texted Paige. I'm worried about her lalo na't involved talaga siya sa ginawa ni Tita Sarah.
Me:
You okay?
Paige immediately replied.
Ursula🐙:
Kinda
Napalabi ako at niyakap ang kama. I hope she gets better.
Me:
I'm sorry I can't call. I'll see you tomorrow
Ursula🐙:
Ayos lang.
Looks like she doesn't hide what she feels right now. Oh, how I wish I could hug my sister right now.

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters