Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 22
"Pwede ba akong sumama?"
Gulat na napatingin sa akin ang mga kaklase nang magtaas ako ng kamay habang pinag-uusapan na ng mga officers ang magiging outing naming magkakaklase lalo na't patapos na ang aming klase.
Tessa, our class president, looked at me surprised. I smiled friendly para naman hindi nila ako pag-isipan nang kakaiba.
Hindi ko alam kung bakit ba talaga nila ako nilalayuan kahit wala naman akong ginagawa sa kanila.
Panis na natawa si Tessa. "O-oo naman! Lahat naman tayo rito eh..." mahina niyang sabi at nakipag-usap saglit sa vice president sa aming klase.
Unti-unting umingaw ang klase dahil sa bulungan na sa tingin ko'y ako ang pinag-uusapan. Nagtaas ulit ako ng kamay.
"May magiging ambagan ba sa foods?"
Ngumiti sa akin si Kacie, ang aming vice president. "Oo, pero pwede naman magdala na lang kung gusto."
"Ako. Magdadala ako. Pati na rin ang drinks" I volunteered, making them nod and wrote my name on the blackboard. Inililista nila ang mga dadalhin at kung ano pang mga kailangan.
Natapos ang usapan at nang mag-uwian na ay lumapit sa akin si Tessa. "Ano pa lang ulam ang dadalhin mo, Adhara? Nakalimutan kong itanong kanina..."
I pursed my lips and smiled again. "Is cordon bleu and adobo fine?"
Mabilis itong tumango at inilista iyon sa kaniyang notes. Nagpaalam na rin kaya sumabay na rin ako sa paglabas. Naabutan ko agad sa labas ng aming room si Larry na nakipagbatian pa sa ilan kong kaklaseng lalaki.
"Hi," kuha ko ng atensyon niya nang makarating sa kaniyang harap. He bid his goodbye to them when we started walking.
"Heard you topped the class?" may halong panunuya niyang sabi na ikinanguso ko lang at bahagyang lumapit sa kaniya lalo na't nakakawit na ang aking kamay sa braso niya.
"Tie kami ng isa kong kaklase" mahina kong sabi habang kami ay patungo na sa parking lot ng school.
He hummed as he opened the door for me when we reached his car. Umikot siya at sumakay na rin. "Where do you want to go? I'll treat you" aniya at binuhay ang sasakyan.
I stopped midway through putting on my seatbelt. I leered at him. "Kiss na lang"
He scrunched his nose cutely. "My kisses are expensive, Ms. Riguella"
I grinned. "I'd pay millions for it, Mr. Alfanta" tsaka kami sabay na tumawa.
Dahil wala rin naman kaming plano ngayong araw lalo na't late na rin ay sa café na lang kami dumeretso lalo na't hindi rin naman namin mahanap sila Paige sa school. Ang sabi ni Larry ay nagpunta raw sa isang park kasama sila Alliana at Art para magliwaliw lalo na't katatapos lang din ng madugo nilang final exam.
We immediately went upstairs of the café but unfortunately, Kuya Shan is there. Nakasimangot na nakatingin sa phone habang nakahiga sa mahabang sofa.
Hindi naman namin siya pinansin ngunit siya pa ang nakapansin sa amin. Kay Larry pala, to be exact lalo na't hindi na halos naalis ang aking kamay sa kaniyang braso. Tinawag ni Larry si Bench kaya naman ako na ang umorder para sa amin.
"Finals mo pa ah" si Kuya Shan kay Larry.
Sumulyap ako sa dalawa pagkatapos umorder ng aming makakain. "Last. Bukas"
Tinaasan siya ng kilay ni Kuya Shan bago nito salubungin ang mga mata kong nakamatyag sa kaniya. "Don't be so demanding, Adhara. Busy 'yan sa college" anito na para bang wala akong alam sa pag-aaral ni Larry.
I smiled sweetly. "Alam ko po"
Recently, madalas kami ni Larry na magsama kahit pareho kaming busy sa pag-aaral. Eh as if naman hindi rin kami nag-aaral kapag magkasama! Madalas nga kapag lumalabas kami o 'di kaya'y sa bahay namin kami pupunta ay laptop at books ang nagkalat sa coffee table namin.
Unti-unti ko na ngang iniintindi si Larry na hindi sa lahat ng oras ay pwede siya but it was him who makes time! At tatanggihan ko pa ba kung siya na mismo ang gumagawa ng paraan?
Hindi pa nila alam na kami na ni Larry that's why they see me as someone who demands time and affection from Larry when in fact, parehas lang kami! Of course, we're a couple at kailangan namin ng oras sa isa't isa. Hindi lang naman ako ang nagb-benefit dito!
Lalo na si Kuya Shan. He always sees me as a villain who would ruin his cousin! Kahit kay Paige! Hindi ko alam kung protective siya both side or mainit lang talaga dugo sa mga babae.
Pinaningkitan pa ako ng mata ni Kuya Shan bago tawagin si Bench para magpaorder na rin. After Bench left, he took a quick glance at Larry who's busy finding something to watch on the TV before giving his full attention to me.
"Haven't asked you about this. Bakit hindi ka rin nagdebut?" he sounds interrogating.
Nagkibit-balikat ako at uminom sa aking milkshake. "I did, ah?"
He deadpanned me. "You know what I mean, Adhara Kate"
Noong sinabi ko kay Mommy na ayoko ng engrandeng debut, alam kong nadisappoint siya. Kahit hindi niya ipinakita, kita ko sa mga mata niya na hindi siya natuwa aking desisyon but still proceeds otherwise. Wala naman silang magagawa kung ayaw ko talaga kahit gusto nila.
Hindi na nga raw ako sumali sa prom, hindi pa raw ako nag-engrandeng debut. Mom even joked if I was a tomboy!
But I told her my reasons naman.
I shrugged again. "Ayoko lang"
"Ayaw mo or wala kang iimbitahin"
Totoo naman kasi na wala akong iimbitahin. Ayoko rin naman na mag-invite sila mommy ng kung sinong mga business partners or friends eh hindi ko naman sila kilala. I want my birthday to be celebrated with the people I know and love. Kaya sa bahay na lang ako naghanda. Still, Mom and Tita Sarah organized my birthday. Tita Sarah convinced my mom to let me do what I want. I'm contented with that.
I smirked at Kuya Shan. "Either"
Inilingan ako ni Kuya Shan tsaka sumubo sa aking mango cheesecake. "How come you don't have friends? Maiintindihan ko kung si Paige ang walang kaibigan..."
Natahimik ako sa kaniyang sinabi. I often ask that myself. Why don't I have a friend? or friends? Ang mga nagiging kaibigan ko for the past years are either backstabbers or doesn't want me. Para bang ayaw na ayaw nila akong kaibiganin kahit ako na mismo ang nakikipaglapit.
Is it because of my surname? My sister? Pinagtatanggol ko naman sila.
"She has us"
Sabay kaming napabaling kay Larry na nagplay na ng isang movie at inabot ang kaniyang inumin.
"Hindi niya ba tayo kaibigan?" hinarap niya si Kuya Shan.
Bumaling siya sa pinapanood ngunit sandaling tumagpo sa akin ang linya ng kaniyang tingin. He smiled at me. "Hindi naman kailangang marami ang kaibigan. It's those who stay and last. Kahit kaunti, basta totoo"
Iniwas ko ang tingin at tahimik na sumimsim sa aking inumin. Sang-ayon ako sa kaniya. Madalas akong payuhan ni Larry sa mga bahay na nagkakaproblema ako. Mostly some social issues I'm experiencing. He'll often motivates me when I'm down or make me realize things the way they are. Even they are opoosite of my beliefs.
Nginiwian siya ni Kuya Shan. "Galing sa taong lahat ng tao sa paligid e kaibigan"
Larry chuckled. "Acquaintances."
Ibinaba ko ang kaliwang kamay sa gilid ko. I almost jumped when I felt Larry's soft and warm hands on mine. Pasimple ko siyang tinignan at tagong nagpigil ng ngiti at tuluyan niyang pinagyakap ang aming mga kamay. I let my heart stummer for a while.
"Hindi naman pwedeng tayo lang ang kaibigan niya o ang ate niya" hindi pa rin pagpapatalo ni Kuya Shan.
"I'm friends with Leticia and Ayessa na" I mentioned.
I saw how Kuya Shan looked at me faster than light making me and Larry chuckle at his reaction. Napagtanto naman niya at inirapan kami.
"I'm sure makakaclose na rin niya sila Euna at Alliana. There. She instantly have friends" si Larry.
Ate Euna is Kuya Crane's girlfriend. Alliana is Art's. Thinking about having friends that are already close to my cousins excites me. I'm pretty sure they're for keeps! Iyon lang naman ang gusto ko.
Nakakachat ko madalas si Leticia. Sa sobrang dami na naming napagkwentuhan, pakiramdam ko ay bestfriend ko na siya. Umaabot pa nga kami nang madaling araw kakakwentuhan. She's just so bubbly! Lagi pa niyang kinukwento sa akin si Lomi. Kinukwentuhan ko rin naman siya about kay Lomi lalo na't magbestfriend kami.
"Magpapasama ako kay Lomi" sabi ko nang tumawag siya ng umagang iyon para kuhanin ko na ang ulam na ipinaluto ko sa mama niya. Her mom is a chef in a catering service kaya naman nang malaman ko iyon ay sa kanila na ako nagpagawa.
I want to be close to her mom, too! Gusto kong maalis sa isipan niya na hindi naman lahat ng mayayaman ay maarte tulad ng kaniyang iniisip.
"Hindi na uuwi 'yan kapag napunta rito!" reklamo niya na ikinatawa ko lang.
Nakita ko na sa labas ng gate ang sasakyan ni Lomi kaya pinatay ko na rin ang tawag. Pagkapasok ko sa sasakyan ay bumungad si Lomi na nakapangtulog pa yata.
I smiled to greet him. "Good morning po"
Pabiro niya akong inirapan tsaka pinaandar na ang sasakyan.
"Saan ba kayo mags-swimming magkakaklase? Ang aga niyo naman" aniya at humikab.
Tinignan ko ang oras sa aking relo at nakitang 5:40 A.M. pa lang. "Beach. We'll stay overnight"
Lomi hummed. "Buti hindi ka kay... Kuya nagpasama..."
"Hmm... he said he has something to do..." I muttered as I checked Larry's message to me.
My own Alfanta💞:
Good morning
Me:
Good morning! I'm with Lomi na
"Busy talaga ang mga college. Buti pa tayo, highschool pa lang... marami pang oras..." si Lomi.
I hummed in reply. Nagtipa naman agad ako ng mensahe sa text ni Larry.
My own Alfanta💞:
That's good. Kapag natapos agad ako, ako na ang maghahatid sa'yo sa mga kaklase mo.
Me:
Okay! I'll look forward to that :)
Nakarating na kami kina Leticia. Naghihintay na rin si Leticia sa kanilang patio at kita ko ang mabilis siyang pagsimangot nang makita si Lomi. Dire-diretso lang si Lomi sa kanilang loob at nang silipin ko ay nakahilata na sa kanilang sofa.
Natatawa kong hinarap si Leticia na masama na ang tingin kay Lomi. Inabot ko sa kaniya ang bayad na five thousand bill para bayad doon sa ipinaluto ko.
Nanlaki ang mata ni Leticia at ibinalik sa akin ang tatlong libo. "Sobra 'to, Adi"
I smiled and shook my head. "It's for the skill, effort, and love Tita Flor poured into this food!"
Leticia shyly smiled at me. "English-english ka pa, hindi tatanggapin 'to ni Mama! Sobra 'to..."
Akma niyang aabutin ang kamay ko nang itago ko ito sa likod at binelatan siya. "Hindi ko rin tatanggapin" tsaka ako tumungo sa loob ng bahay nila para magpatulong na kay Lomi at nang makabalik na sa bahay.
"Salamat ulit, Adi!" si Leticia na hinatid na kami sa gate nila.
"Thank you, too"
Ngitian ako ni Leticia at nang malingon kay Lomi ay nalukot ng simangot ang mukha niya. Nilingon ko naman si Lomi na nakasimangot na rin sa kaniya. Natawa naman ako sa dalawa at tuluyan nang nagpaalam kay Leticia.
Sa biyahe pauwi ay sa amin na sana ako magpapadiretso kay Lomi nang makareceive ako kay Larry na idaan muna ako sa kanila. Hindi naman na nagtanong si Lomi lalo na't alam na niya siguro ang dahilan.
Dala ko na rin naman ang aking mga gamit kaya hindi na ako nag-abala pang umuwi kung sakali mang kay Lomi na rin ako magpahatid. Our driver is still sleeping at this hour. Sila mommy rin kaya hindi na ako nag-abalang mambulabog pa. Si Lomi na lang.
"Sa akin ka na rin ba magpapahatid mamaya?" si Lomi nang makababa kami sa sasakyan niya.
"I'll see" ngiti ko sa kaniya. Napakurap naman siya at tumatangong iniiwas ang tingin sa akin.
We entered their house. Medyo natigilan pa ako nang pasadahan ko ng tingin ang paligid. It's my first time seeing their house this dim. Ang nakabukas lamang nailaw ay ang mga corner lights.
Their house feels gloomy. Para bang may kulang. I don't know if it's just the lighting or the ambiance that truly feels dingy.
Binuksan ni Lomi ang TV sa sala. Akma namang akong uupo sa tabi niyang nang may marinig na kaming yabag mula sa hagdan. I turn to see who it was and beamed immediately upon seeing Larry in his sleeping wear.
"Good morning!" bati ko. Natawa naman ako nang magulat pa si Larry sa akin.
"Morning" he muttered as his eyes went to his brother. "Mukhang inaantok ka pa. Pwede ka namang matulog muna"
Napunta naman kay Lomi ang tingin ko na nakikipagtitigan na rin sa kaniyang kuya. "Hindi. Tsaka, ihahatid ko pa si Adi" tsaka siya lumingon sa akin at iniwas agad ang tingin nang makitang nakatingin na rin ako sa kaniya.
I smiled at my best friend's thoughtfulness. "It's okay, Lomi. You can sleep na. Thank you pala sa pagsama sa akin"
Nilingon niya ako. He has an expressionless face. "Paano ka?"
Umawang ang labi ko at nangiting kinagat ang dila. I pointed at his brother who's standing beside me. "Si Larry na lang"
He stared at me for a while bago unti-unting tumango. Inangat na rin niya ang tingin sa kaniyang kuya. "Okay. Lagi nga pala siyang nasa'yo"
I smiled and nodded. Inaya naman ako ni Larry na mag-umagahan. Hindi na rin ako tumanggi at sinabayan na rin siyang kumain. He cooked eggs, sausages, and fried rice. Habang nagluluto siya, kumuha na ako ng mga pagkakainan at kutsara. Nang magkatinginan pa kami ni Larry sabay pa kaming natawa. We look like a married couple...
"Lomi, magkakanin ka ba?" Larry called his brother.
"Coco krunch lang" I heard Lomi's voice making me chuckle.
Sinundan ko naman si Larry na paghanda ng umagahan ang kapatid. He took a box of coco krunch out of their top cabinet and fresh milk from the fridge. I saw him poured the milk first, making me whine.
"Cereals first!" I complained. Inilingan lang ako ni Larry at itinuloy ang ginagawa.
"Eto na!" tawag muli ni Larry sa kapatid.
"Dalhin mo na lang rito!" Lomi replied.
Nagkatinginan kami ni Larry. Nagpigil ako ng tawa at siya nama'y napabuntong hininga na lang at walang nagawa kun'di sundin ang gusto ng prinsipe.
"Ang prinsipe nga naman..." bulong niya bago umalis.
Nang makabalik si Larry ay napag-usapan namin ang magiging outing naming magkakaklase mamaya. Inaya ko pa nga siya kung gusto niya kaso nakakahiya raw sa mga kaklase ko kung magsasama ako ng ibang tao.
Eh kilala rin naman siya ng iba kong kaklase!
"I'll ask Tessa. Wait" sabi ko at kinuha ang phone para i-chat si Tessa.
"Adi, outing niyong magkakaklase 'yan. You should bond with them"
Hindi ko siya pinansin at nakipag-usap kay Tessa. I was quite surprised when she assents.
"Pwede raw!" sabi ko at ipinakita kay Larry ang chat namin ni Tessa.
Larry looks hesitant. "Bonding niyo pa ring magkakaklase 'yun--"
"She said it's okay. Basta magdala na lang din daw ng extra money for the fee"
He shook his head. Nawala naman ang ngiti ko at unti-unting napanguso.
I heard him sigh. "Adi, hindi pwedeng lagi akong kasama. Tsaka, maiilang ang mga kaklase mo sa akin"
Iniwas ko ang tingin at uminom ng tubig. "Tessa said it's okay naman daw" I didn't mean to sound a bit bitter.
"Still--"
"Gusto kitang isama."
His lips were left parted. I took the chance to convince him so. "Please? Kung maiilang sila sa'yo, pwede namang lumayo tayo"
He shook his head again, getting serious. "No, Adi. This is your chance to bond with them"
I nibbled my lips as I remember how my classmates talked about me even I'm around. I doubt that I'll get the chance to bond with them. Oo, at iyon ang dahilan kaya ako sumama sa outing but I can already feel and imagine their judgement when I'm around. Nakakahiya rin namang magback out bigla.
"Just come with me? Please?" Nilambingan ko ang boses.
And after a moment of silence and staring, he finally surrendered. I know he can't resist me.
Inilipat naman namin sa kaniyang sasakyan ang aking mga gamit. Exact 7 A.M., pumunta na kami sa pagkikitaan ng mga kaklase. We'll convoy so that we'll arrive at the resort all together.
Inabutan ko ang mga kaklase na halos kumpleto na. Kita ko ang gulat at kyuryoso ng iba kung bakit ako may kasamang Alfanta. At dahil doon, kinausap ako bigla ng isang kaklase.
"Bakit may kasama kang hindi natin kaklase?"
I smiled. "Tessa said it was okay"
Napatingin sila kay Tessa na ngayo'y kausap na ang ibang kaklase. With their obvious stares and mumbles, alam kong kinokompronta nila si Tessa kung bakit niya ako pinayagang magsama ng iba.
"Alam mo naman ang dahilan kung bakit ayaw naming mapalapit sa kaniya tapos ikaw naman 'tong gusto pa siyang kaibiganin. Nagmumukha ka pang sunod-sunuran sa gusto niya!" I heard one of my classmates' complain.
I hid my smile and went to the car to get my tumbler of water.
I felt a lump in my throat. I still don't get why they don't want to befriend me. I mean, does my friendliness not enough? Hindi naman sa ipinipilit ko ang sarili. Gusto ko lang din namang makipagsocialize?
Madalas kong marinig ang mga linyang iyon. Ayaw nilang malapit sa akin pero hindi naman sinasabi ang dahilan. Hindi naman sana ako mapagmataas para mahirapan silang makipaglapit sa akin.
The whole time I was with my classmate, I don't even feel like I belong. Nakarating kami sa resort at sila ay grupo-grupo nang nagsitungo sa mga rented rooms. Hindi ko naman alam kung kanino sasama lalo na't mukhang puno na rin sila bawat grupo.
Kaya naman hiwalay pa kaming nagcheck-in ni Larry. Pagkapasok sa room namin ay agad na akong nagsalita kay Larry.
"See? Paano kung hindi kita sinama? E 'di mukha akong kawawa?" I said, a bit bitter and hurt.
Larry sighed after he put my bag on my bed. "Try again. Give three tries at kung hindi ka pa rin nila winelcome, sa'kin ka na sasama magdamag" he encouraged me, making me smile.
Nagpalit naman na ako ng itim ng shorts at green na t-shirt para madali na lang maligo mamaya. Nagpalit na rin si Larry at sabay na kaming lumabas. Tumungo na sa karamihan kung saan nakaset-up na ang mga pagkaing dala sa patio kung saan naroon ang mga mesa. Isang mahabang mesa ang naroon at inilalatag na nila ang dahon ng saging. Mukhang magb-boodle fight kami kaya naman tumulong na rin ako sa paglalagay ng mga ulam.
"Where can I put this?" tanong ko sa babaeng kaklase na nag-a-asikaso sa mga ulam na inilalagay. Most boys went to the sea already.
Wala pang isang segundo niya akong tinignan at walang salitang tinuro ang isang mesa. Inilagay ko naman doon ang mga pagkaing dala. Nilibot ko ang tingin sa paligid para mahanap si Larry at nakita itong nakikipag-usap na sa isa kong kaklaseng lalaki.
Lumapit ulit ako kina Tessa na naglalagay na ng kanin sa dahon. I volunteered to take the other rice container para mapabilis ang paglalagay. Ginagaya ko lamang ang ginagawa nila Tessa.
"Ilalagay ko ba lahat?" I asked them. Walang sumagot kaya naman tumikhim ako.
Tinaasan ako ng kilay ng isang kaklase at walang pasabing kinuha sa akin ang hawak kong lalagyan ng kanin. "Malamang" anito.
Umirap ito at tinuloy ang aking ginagawa. Ang katahimikan sa amin ay namayapa. Yet too awkward to handle.
It sounded like she was telling me that I'm an idiot. I feel offended.
"Then, may maitutulong pa ba ako?" I asked nicely, keeping myself calm.
"Ipatong mo 'yung galon ng tubig sa mesa" she commanded.
Tumaas naman ang kilay ko at humalukipkip. "I can't do that. It's too heavy"
Tinawanan niya ako. "Wala ka naman palang kayang gawin. Bakit ka pa nandito?"
Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. My lips formed a line, getting irritated with their foul treatment towards me.
"I'm asking nicely" seryoso kong sabi. Napatingin naman sa akin sila Tessa at iniwas din ang tingin agad.
Hindi na nila ako sinagot kaya umalis na lang ako roon. I can't believe they're humiliating me like that! Wala naman sana akong ginagawa sa kanila!
Nang makalayo-layo ay rinig ko agad ang tawanan ng mga kasama ko kanina. Umirap lang ako at nakahalukipkip na nilapitan si Larry na nakikipagkwentuhan pa rin sa kaklase kong si Jormian.
Napansin agad ako ni Larry na papalapit sa kanila. Sumulyap pa siya sa pinanggalingan ko nang makita ang simangot kong mukha. Kahit si Jormian na nakangiting bumati sa akin ay hindi ko na nabigyang pansin.
"Second time. Last one and I'm out." Seryoso kong sabi kay Larry nang kami ay pabalik na sa patio para kumain.
Thankfully, noong magtanghalian ay tahimik na lang ako at hindi na nila ako nagagawang pahiyain. I didn't know that they're this bratty. I don't even remember doing something bad to them for them to treat me like this!
"Magpapahinga muna ako sa room" sabi ko kay Larry at iniwan muna siya roon.
I'm upset. Gusto ko mang ipagtanggol ang sarili ko, sa dami nilang hindi ako gusto, magmumukha akong masama. Kaya naman nagkulong na lang ako sa room namin ni Larry hanggang sa makatulog na lang ako.
Nagising na lamang ako nang gisingin ako ni Larry at ayaing maligo.
Nilakad namin ang papunta sa dalampasigan kung saan naroon na ang lahat at nagsasaya na. The wind blows wildly, making my hair dance along it.
Naramdaman kong dumikit sa aking likod si Larry at bumulong. "Bond with them. Last try"
I sighed. Tumango ako at tinungo ang kahabaan ng daan patungo sa mga kaklase.
This will be the last time I'll try to befriend other people. Kapag ayaw na nila, hindi ko na susubukan pa.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All