CHAPTER 21

"Kuya," tawag ni Lomi sa kapatid na ngayo'y nasa harap ko na.
Nakapamulsa si Larry habang suot ang kalmadong ngiti. His lips was a bit protruded. Tumango siya sa mga kaibigan na kasama ni Lomi bago mapunta sa kapatid ang tingin.
"Tapos na klase mo?" Lomi asked.
Tumango si Larry sa kapatid at umakbay rito. I saw how Lomi eyed his brother. "Sa'n mo'to nabili? Bili mo rin ako" si Larry na uminom sa inumin ni Lomi.
Sumimangot si Lomi nang halos mangalahati ang kaniyang cup na hawak. Dahil nainggit na rin sa aming hawak ni Leticia, nagsibili na rin sila.
I smiled at their gesture. Si Larry at Lomi 'yung magkapatid na halos dependent yata sa isa't isa. Sila lang kasing magkapatid ang madalas kong makitang magkasama. Mapaschool man o bahay.
Kuya Shan and Art aren't like that. Same goes to Kuya Crane and Clane. Halos pare-parehas din naman sila na halos 3 years ang gap.
From what I observed, Larry is much more closer to her brother than his cousins. Sure, close silang lahat pero si Lomi kasi, pinakaclose din si Art at minsan si Kuya Shan. Pero si Larry, lagi niyang bukang bibig ang kapatid at minsan pa nga'y agad na sumusunod sa favor ni Lomi. Iba pa rin siguro kasi talaga kapag kapatid.
Hinarap ko ngayon si Larry na nakapamulsang sinundan ng tingin ang kapatid niya bago mapunta sa akin. "Bakit hindi ka nakared?" He asked.
Inalok ko siya ng aking cotton candy na siya namang kumurot nang malaki. "Not comfortable wearing t-shirts with my school skirt" sabi ko.
"Ahh... Sabagay," aniya at kumurot muli sa aking cotton candy.
Napatitig ako sa kaniya. I tilt my head so I can see him clearly. He looked like he was never stressed at all. He still looks fresh even after school. Ganoon lagi ang aking nakikita sa kaniya.
Naramdaman niya siguro ang titig ko dahil napasulyap na siya at nagpigil ng ngiti. "Bakit?" at kumurot ulit siya sa aking hawak.
I gave him a small smile. "Gwapo"
Nabitin naman ang kaniyang pagsubo ng cotton candy at nahihiyang natawa. Nailing siya at lumapit sa akin. "Tara sa kanila" tukoy niya kila Lomi.
I felt his hand on my back, making me blush a little. He and his chivalry...
Nagtingin-tingin din kami sa ibang booths at mga food stalls. Nakakatuwa dahil magaan ang loob ko sa kanila. Kasama pa si Larry na madali ring nakikibagay sa ibang mga kaibigan ni Lomi. Lalo na kay Ayessa at Leticia. He seems to be close to them. I envy them.
"Marriage booth! Lomi, pakasalan mo ako, tara!" Aya ni Leticia na kasama akong kinaladkad patungo roon sa marriage booth kung saan marami nang mga estudyante.
"You like Lomi, too?" I asked Leticia. Tumitingkad-tingkad siya para sumilip sa ibang mga estudyanteng naroon.
Gulat na lumingon sa akin si Leticia. "Too?"
Umawang ang labi ko at napangiti sa kaniyang inosenteng pagkakasabi. "I mean, Lomi likes you"
Suminghap si Leticia at napahawak sa dibdib. Bahagyang napunta sa kawalan ang tingin at napakurap-kurap. I chuckled more at her reaction.
"Bakit gulat ka pa? Hindi ka aware?"
Umiling siya. "Nireject niya ako no'n!"
Amusement yet confusion took over my face. Nireject? Lomi gave her a letter ah!
"Hindi ba't--"
Naputol ni Leticia ang aking sasabihin nang bigla siyang sumigaw at may sinugod sa aming gilid.
"Ivan, hoy! Kailangan mo muna ang basbas ko!" si Leticia na sinugod na si Ivan na kasama na si Maye na may kung anong sinusulatang form sa gilid.
Pinaghahampas ni Leticia si Ivan na sinasapo ang kaniyang mga palo. "Ayoko ng babaero para sa kaibigan ko!"
Hindi ko naman maiwasang matawa sa kanila. Nahagip naman ng tingin ko si Lomi na humahalakhak na sa mga kaibigan. Malaki ang kaniyang ngiti at nang mapunta sa akin ang tingin ay lumapit siya sa akin.
"Ikaw? Hindi ka ba magpapakasal?" aniya at namulsa sa gilid ko.
I shook my head, smiling. Napatango-tango naman siya at sumulyap sa kuya niyang nasa kabila kong gilid. Nakapamulsa rin na nagtitingin-tingin at minsa'y nakikipagbatian sa mga kakilala.
Sa huli ay si Maye at Ivan ay nagpakasal doon sa booth. Bulong naman nang bulong si Leticia sa akin ng kung anong mga kalokohan habang nakatingin kay Maye kaya hindi rin nawala ang masamang tingin sa amin ni Maye.
"I-po-post niya 'yan para makita ni Randell" bulong sa akin ni Leticia na ikinatawa ko at inilingan siya.
Kanina pa ako dinadaldalan ni Leticia. I'm good with it. Nasasabayan ko rin naman siya lalo na't bungisngis siya at maraming kalokohang alam. I'm very much comfortable with her. Para bang she's doing everything--even the craziest thing-- just so I get comfortable and befriend me.
"Lagay mong pangalan ko "BFF na maganda" kasi bestfriend na tayo!" Si Leticia na ikinalingon sa kaniya ni Maye at tinaasan ito ng kilay.
Nang-aasar na nagpigil ng ngisi si Leticia'ng patagilid na tinitignan si Maye. Humagikgik din naman si Leticia at bumulong ulit sa akin.
"Nagseselos siya kapag sinasabi kong may ibang akong bestfriend" aniya.
Natawa naman ulit ako at hindi maiwasang maramdaman ang pamilyar na inggit sa kanilang pagkakaibigan. It's always the opposite ones who has the best bond.
Minsan napapaisip ako, masyado ba akong mabait?
Pero kapag naman nagtaray ako, nilalayuan na ako. Para bang natatakot na kapag nakitang may gaspang din ang ugali ko.
"Nickname mo sa'kin oh" pakita ni Leticia sa kaniyang phone. Nangiti naman ako sa inilagay niya. BFF kong Prinsesa.
"Picture tayo! Pangwallpaper ko, joke!" aniya kaya naman nagpicture kami.
Muntik pa nga kaming mahuli ng mga estudyanteng naka-assign sa jail booth eh. Ikinukulong daw ang mga mag-boyfriend/girlfriend at kung hindi lang kami kumaripas ng takbo ay baka nakakulong pa kami.
Sa sobrang kagustuhang magtagal nila Leticia, kami na halos ang huling lumabas ng school. Marami rin silang mga dalang napanaluhan mula sa mga laro kanina. The boys were looking tired already pero sila Leticia at Maye, puno pa ng energy. Kaya nahahawa na rin ako.
"Tara sa amin, Adi!" yaya ni Leticia.
Gusto ko mang sumama, I still have some assignments and reviews to do since exam week na namin.
But then I realized, this is a step to be closer to them. I feel like they're genuine friends naman lalo na't hindi rin naman apila sa kanila sila Larry.
Nilingon ko si Larry who just nodded at me. "Magpaalam ka Daddy at Mommy mo. Ako nang magsasabi kay Paige"
Nginitian niya ako. Humawak naman ako sa kaniyang braso at hahalik sana sa kaniya nang maramdaman ko ang piga niya sa kamay ko. Bahagyang nanlaki ang mata niya para sabihing hindi pwede. Ngumisi lang ako at humalik nang mabilis sa kaniyang pisngi at lumapit na kina Leticia.
Sinalubong ako ng kinikilig na si Leticia. "Kainggit naman!"
Ngumiti lang ako at nilingon si Larry na ngayo'y kausap si Lomi. Maya-maya lang ay bumalik na rin si Lomi at sinabing sa sasakyan na niya kami sumakay. The other three boys bid their goodbye to us kaya ngayon ay kami na lang apat ang magkakasama.
"You finally used your car!" pang-aasar ko kay Lomi na ikinaangat ng tingin niya sa akin at agad na nagliwanag ang mukhang nangiti sa akin.
"Exam week nila Art at nila Kuya. Kaya no choice din ako" aniya na ikinatawa ko naman at binuksan ang pinto sa backseat kung saan nakapasok na ang dalawang babae.
"Adi" pigil sa akin ni Lomi.
Umangat ang tingin ko sa kaniya. His doe eyes were looking at me straightly. "Sa harap ka na. Ayokong magmukhang driver"
I chuckled at his sentiment and went inside.
Binuhay na ni Lomi ang sasakyan. Humawak si Leticia sa magkabilang hamba ng upuan ko at ni Lomi tsaka ako dinungaw. "Papakilala kita kay Mama, Adi! Matutuwa 'yun sa'yo"
"Papakilala ko rin kayo kila Mommy kapag nagkasama ulit tayo" sabi ko naman.
Natawa sa akin si Leticia. "Mommy" pang-aasar niya.
Sinilip ko silang dalawa at natawa nang makitang iniirapan na siya ni Maye. Kumalma naman ang matalim na tingin ni Maye nang makita ako. "'Wag mo nang pansinin 'to. Nabeberat na naman kasi nasa sasakyan ni Lomi"
Sinulyapan ko naman si Lomi na tahimik lang na nagdadrive. Napakagat labi ako at binalik kay Maye ang tingin. "I bet nabeberat din si Lomi kapag nakila Leticia na?" pakikisama ko sa asaran.
Hinampas ako ni Lomi sa braso kaya naman umayos na ako ng upo at tinawanan na lang siya.
Nakarating kami kina Leticia at hindi ko maiwasang ilibot ang paningin sa paligid. Malamig ang hangin dahil sa mga punong nakapaligid sa daang dinaanan namin lalo na sa mga puno rin sa ilang kabahayan roon.
This is what every village should look like. Shaders are very important lalo na't sa init pa lang ng araw ay panangga na ito at presko kaya kapag mapuno! It's one of my dreams to live in a place where I'm surrounded by trees and all types of evergreens.
"Presko dito, Adi. Kaya masarap tumambay dito" si Lomi nang makababa na kami ng sasakyan.
Kasabay ko na si Lomi sa paglalakad lalo na't nauna na ang dalawa. Binuksan ni Leticia ang gate at inaya kami.
"You're right. I like here, too" sagot ko na ikinangiti ni Lomi.
Nasa teresa na si Maye kaya sumunod na kami. Nakita kong nagtanggal siya ng sapatos at iniwan doon sa gilid kaya gumaya na rin ako.
Rinig ko sa loob ang boses ni Leticia at ang mama niya yata.
"Baka naman kasing arte ng mga dinala mo noon--" "Ma, hindi! Mabait si Adi like, super!"
"Ako na" si Lomi na siyang tumulong sa akin sa pagtatanggal ng aking sapatos nang matapos siya. Hinayaan ko naman siya at nagpasalamat nang matanggal na niya at itinabi ang aking sapatos sa kaniya.
Pagkapasok ko naman sa loob ng bahay ay sakto ring dumating si Leticia at ang mama niya. Umawang pa ang labi ng mama ni Leticia at pinasadahan ako ng tingin. It felt awkward kaya yumuko ako at bumati.
"Good afternoon po"
Kakaiba naman ang tingin na iginagawad sa akin ng mama ni Leticia. Para bang sinusuri niya pa ako kung tao ako o hindi.
Nakangiti sa akin si Leticia kaya naman nang lingunin niya ang mama niya ay sinimangutan niya ito. "Ma!"
Nagulantang ang mama niya at lumapit sa anak. Bumulong na rinig din naman namin. "Mayaman! Baka maarte na naman 'to ah?"
Napangiti naman ako. I know that most people who have met me have either a spoiled brat or maarte first impression of me. Siguro dahil sa aking tindig at aking mata na may pagkamataray. But later on, my friendliness prove them otherwise.
May kung ano pang pinag-usapan si Leticia at ang mama niya. Hindi naman nawala ang mapangmatyag na tingin ng mama niya. Umupo si Leticia sa katapat naming sofa ni Lomi.
"Eh hija..." tawag ng mama ni Leticia sa akin kaya napatingin agad ako rito at ngumiti. "Ano bang meryenda ang gusto mo? Wala kaming pangmayaman rito ah" medyo masungit pa nitong turan.
Ngumiti lang ulit ako. "Kahit ano po. Kahit ano naman po kinakain ko"
Tumango lang ito at umalis na. Nailing naman si Leticia sa kaniyang ina. She leaned against the center table in front of us. "Pagpasensyahan mo na si Mama. Natrauma sa dati kong mga dinalang kaibigan" aniya at humagikgik.
Hindi ko naman sila masisisi. Marami pa rin kasi talagang spoiled brat at halos na-stigmatize na sa mga mayayaman na maaarte at masasama ang ugali. Which is partially not true. Nasa sa tao pa rin talaga iyon.
But I'm not offended with it, too. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganoon.
Ikinwento naman nila sa akin ang nangyari noon kung bakit ganoon ang impresyon sa akin ni Tita Flor, ang mama ni Leticia. It was understandable naman pala because they intentionally gave a bad impression just by what they did. They were rude and bratty.
Bumalik ang mama ni Leticia na may dalang tray ng meryenda. Agad namang tumayo si Lomi at tinulungan si Tita Flor. I saw how Tita Flor smiled endearingly to Lomi and even pat his head. Tumabi si Tita Flor kay Leticia na ngayo'y taas noo na ulit na nakatingin sa akin.
I actually find Tita Flor cute. Para bang pinipilit niyang magmukhang masungit at matapobre pero hindi kaya dahil hindi naman siya ganoon.
Kumuha si Maye ng tinapay na may palaman at inabutan ako ng isa. I thanked her and she just nods and lie down the sofa comfortably. Si Lomi naman ay nagsasalin ng juice sa mga baso mula sa pitcher.
"Anong pangalan mo, hija..."
Natigil naman ako sa pagnguya at lumunok nang magsalita si Tita Flor. "Adhara po. Adi na lang po" pakilala ko naman.
Mabagal ulit itong napatango at tumingin sa anak niyang pinandidilatan na siya ng mata. It looks like Leticia is threatening her mom to not intimidate me which is making me want to supress a chuckle. They look so cute!
"Gusto mo bang--"
"Ma, 'wag na 'yon!" Putol agad ni Leticia sa mama niya kung ano man ang sasabihin.
Nagpigil naman ng tawa si Tita Flor at tinusok ang tagiliran ni Leticia. "Arte nito. Nakita naman na ni Lomi 'yung mga 'yun!" lumingon si Tita Flor kay Lomi. "'Di ba, nak?"
Puno ang bibig ni Lomi na tumango kay Tita Flor at kinuha ang wallet niya sa bulsa. Binuklat niya iyon at pinakita ang isang picture ni Leticia noong siya ay bata. Nakasalampak sa putikan at umiiyak. I can't help but to smile again at dinungaw lalo iyon kay Lomi.
"You look cute here, Leticia" sabi ko at nilingon sila ng mama niya.
"Gusto mo bang makita ang iba? Marami siyang picture na umiiyak. Sandali" si Tita Flor na mukhang naexcite pa at umalis.
Pipigilan pa sana siya ni Leticia ngunit hindi ito nagtagumpay. Napahinga nang malalim si Leticia at sumimangot na lumubog sa upuan. Nakahalukipkip pa siya.
"Why?" natatawa kong tanong dito.
Ngumuso siya. "Ewan ko ba kung may ano sa mga lumang pictures ko at gustong-gustong pinapakita ni Mama sa lahat ng bisita"
Umabot ng basong may juice si Lomi na nasa tabi ko. "Proof ng kapangitan mo" anito na ikanatayo ni Leticia, offended.
"Kapal mo ah! Ikaw nga malaki pa rin ipin mo sa harap! Kuneho!"
Hindi nagpatalo si Lomi. "Ikaw nga iyakin hanggang ngayon! Iniyakan mo ako nu'ng nireject kita!"
Ngumiwi si Leticia at lumapit kay Lomi. Natatawa naman akong umasog palapit kay Maye nang abutin na ni Leticia ang ulo ni Lomi tsaka sila nagwrestling.
"Ikaw? Iiyakan ko? Maligo ka nga at nang mabawasan 'yang kapal ng mukha at libag mo!"
"Aray naman! Mama! Mama!!!" sigaw ni Lomi nang sabunutan na siya ni Leticia.
Sabay pa kaming napahalakhak ni Maye nang abutin na rin ni Lomi ang buhok ni Leticia at magaang hinahatak iyon.
"Gan'yan ang love language nila" ani Maye.
Sumang-ayon ako at nanatiling pinanood silang mag-away hanggang sa dumating na si Tita Flor dala ang isang malaking box na puno ng mga pictures ni Leticia.
Tuwang-tuwa si Tita Flor habang ikinukwento sa akin ang mga pangyayari sa bawat pictures na naroon. It was organized from infancy up today!
Tita Flor said she kept every piece of Leticia's memory in case she starts to forget them lalo na't tumatanda na raw siya. May notes pa nga iyon sa likod at date kung kailan kinuha which I found heartwarming. She loves Leticia so much.
"Can I have this po?" Sabi ko at pinakita ang hawak na wallet size na picture ni Leticia noong Day Care siya.
She's wearing a cute red uniform while smiling widely. Her hair is in a pigtail and even has cute bangs.
Kuminang ang mata ni Tita Flor sa sinabi ko. "Oo! Sila Maye at Lomi ay mayroon na rin" nakangiti nitong turan.
Sinimangutan ni Leticia ang kaniyang ina. I just smiled at her and waved her picture in my hand. "For keeps" bulong ko.
Nilagay ko naman iyon sa aking wallet at nangiti nang makitang magkatabi ang akin at ang kay Leticia. It's a picture of me in pre-elementary in school uniform. I have short hair and bangs, too.
Remembering what Tita Flor said earlier about Leticia's picture, I was touched.
Pictures do hold memories that can be forgotten as time goes by. I kind of wanted to organize mine, too.
Kaya naman pagkauwi na pagkauwi nila mommy mula sa trabaho ay hiningi ko sa kaniya ang mga pictures ko noong ako'y bata. I only have my latest pictures. Ang pinakabata yata na mayroon ako ay noong 15 ako.
"You have a lot, you know" si Mommy na inilagay sa kaniyang kama ang box na may lamang mga photo albums.
I excitedly took all of the albums and took those who has my name on them.
Nakangiti lamang ako habang tinitignan ang bawat pictures ko. I can recognize some pictures but there are some that I can't kaya naman tinatanong ko si Mommy kung anong nangyari doon o kung ano iyon.
"This one is when you joined a quiz bee in your school. You won but you cried because Paige didn't win on her category" kwento ni Mommy habang nasa tabi ko.
"Really? That was cute"
Nangiti si Mommy sa akin at hinaplos ang buhok ko. "You love your ate so much kaya"
I smiled cheekily. "No wonder she loves me so much, too"
Nagtingin-tingin pa ulit kami ni Mommy hanggang sa makarating na kami sa photo album nila ni Daddy. Ang dami nilang pictures noong sila'y highschool and college!
May iba pa silang pictures na kasama ang mga Alfanta. Naroon pa nga si Tita Sarah! She's close to them naman pala noon?
"What's the story behind this, my?" Bigay ko sa kaniya ng isang picture nila ni Daddy kung saan umiiyak si Mommy at yakap siya ni Daddy.
Nasa isang yate sila. Si Daddy ay topless at si Mommy naman ay nakawhite dress. Kita rin sa gilid ang nakangiting si Tita Lalaine at Tita Sarah.
Nakangiting tinignan ni Mommy iyon. Hinahaplos ang picture at pinalapit ako.
"Your dad scared me to death here! Buntis ako kay Paige noon dito at birthday ko. Sa yate nila Ate kami nagcelebrate. Silang mga lalaki, nagkatuwaan! They jumped into the sea at noong nagsibalik sila ay hindi nila kasama si Simon. I was so scared that time thinking he drowned! Eh hindi naman ganoon kagaling lumangoy ang daddy mo..." Nailing si Mommy.
I can imagine my Mom, being the emotional pregnant she is, crying recklessly. I feel saddened tuloy.
Napansin naman ni Mommy ang aking pagnguso at paglamlam ng mata.
"Pero may surprise lang pala. When he resurfaced, he gave me a ring." Pinakita sa akin ni Mommy ang kamay kung saan naroon ang engagement at wedding ring niya. "He proposed to me. Halos lunurin ko kaya ang daddy mo sa inis ko noon!"
Napawi naman ang aking lungkot at natawa sa kwento ni Mommy. Ang dami namang pakulo ni Daddy! Mom and Dad's love seems so chaotic yet genuine. Kitang-kita ko sa mga mata ni Mommy ang saya sa pagkwekwento niya sa mga nangyari noon sa kanila ni Daddy. She seems so in love with him.
That's why I promise myself to have that kind of relationship that my parents have. The same as how delighted Mommy is when she's reminiscing her past to me. I want to be like that too to my future children.
I want them to know how memories should be treasured and kept in hearts.

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters