Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 20
Irita man sa lagkit ng itinapon sa aking toyo, pinigilan ko ang pag-init ng ulo dahil hindi naman ako talo.
Nakaganti ako. Wincel was soaking with vinegar and soy sauce and surely smells worse than me. Baka nga'y umiiyak na rin siya dahil kawawang-kawawa at pinagtatawanan ng iba.
That's what they get for doing me dirty. Dapat pala'y nanatili muna ako nang ilang sandali para panoorin siya kung paano ituloy ang kaninang naririnig kong sigaw niya.
"What happened?" Bungad sa akin ni Larry na naabutan namin sa café.
Napatingin ako sa sarili at bumuntong-hininga. I'm wearing my extra white shirt that was on my locker. Madalang ko na lang mabuksan iyon at ngayon na lang ulit. "Someone spilled their soysauce on me" I said casually.
Nanlaki ang mata niya at hinawakan ang aking bawat braso para tignan pa kung anong nangyari sa akin. "Bakit?" He asked.
Tumaas ang isa kong kilay at bumuntong-hininga muli. "Sila Wincel"
Bumagsak naman ang kaniyang balikat na para bang nakuha ang aking pinaparating kahit wala naman akong sinasabi. "Kasama mo pa rin sila?" Aniya habang ginigiya na ako sa sofa kung saan naroon na rin sa tapat namin ang aking kapatid at ang kaniyang pinsan.
"Hindi na" sabi ko at sinulyapan si Paige na mainit pa rin ang ulo. Hindi tumatalab ang pagpapakalma sa kaniya ni Clane.
Umupo sa aking tabi si Larry. I immediately linked my arm to his and leaned against his shoulder.
I sighed. "Wala na akong kaibigan sa room"
I often disregard this feeling that I have towards friendships but I still can't help but think about it. Syempre, I'm known for being the "friendly" one sa amin ni Paige tapos wala naman talaga akong kaibigan.
Some people is probably intimidated by us lalo na't kilala ang aming pamilya at syempre, privileged din kami. May mga classmates at schoolmates din naman akong ang mga magulang ay kakilala nila mommy pero hindi ko man lang maging kaibigan.
"Well, that's sad"
Napaangat ang ulo ko at sinimangutan si Larry. Tumawa naman siya at kinurot ang ilong. "Just kidding. Kung wala na talaga, that's okay. Baka wala doon ang friendship na hinahanap mo"
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
Humigop si Larry sa kaniyang inumin tsaka ako inabutan ng isang strawberry macaroon. Tinanggap ko naman iyon at kinagatan.
"What I'm saying is, if they can't be your friend, then let it be. Kung hindi para sa'yo, hayaan mo. Real ones will come at the right time. Unexpected friendships are the best" aniya na ikinabagal ng pagnguya ko.
I get his point. He's right that what's meant to be will take place on its own. Everything will take place in its rightful place, just as its time comes.
Para ko nang narinig din 'to mula kay Larry but in a different context. I remembered it's about having a boyfriend.
That I shouldn't rush things like this. It will come at the right time and right place.
But for now, si Larry pa lang yata ang dumadating na pakiramdam ko'y tama at sa akin na lamang. He came just on time.
Napaangat ang ulo ko nang marinig ang inis nang mura ni Paige na kanina pa nagrarant sa ginawa ni Wincel sa akin. Wala namang ibang nagagawa si Clane kun'di ang sang-ayunan ito at bulungan para pakalmahin ito.
Kinalabit ako ni Larry, sanhi ng paglingon ko sa kaniya. He leaned on my ears. "Iwan muna natin 'tong dalawa." bulong niya.
I pursed my lips then smiled. "Roadtrip?"
He nodded. I smiled more.
Hindi napansin ng dalawa na nawala na kami ni Larry. Hindi na rin kami nag-abalang magpalit ng damit dahil masasayang lang ang oras.
I don't know where we're going but we're going south this time. I already connected my phone to the stereo and played my favorite song at the moment.
You think I'm pretty without any makeup on
You think I'm funny when I tell the punch line wrong
I know you get me, so I let my walls come down, down
Before you met me
I was alright, but things were kinda heavy
You brought me to life, now every February
You'll be my Valentine, Valentine
"So, where are we going now?" I asked Larry as put my phone down.
"Hmm... it's Friday so... let's watch a movie?" aniya.
Ngumuso ako at patagilid na sumandal sa aking upuan. "Sine?" I suggested.
Larry smirked at me. "Drive-in," he said, making my grin slowly appear on my lips.
Oh, he's so full of surprises!
I judged him wrong before thinking that he's boring because he's too nice pero hindi ko inaasahang ganito siya karaming alam na makapagpapasaya sa akin!
Dahil ayaw naman naming gutumin sa biyahe at sa aming pupuntahan mamaya, we stopped by a convenience store. Nasa ibang bayan na rin kami at halos may malalaking buildings na rin akong nakikita. Biniro ko pa nga si Larry kanina na magcheck in na lang kami sa Sogo nadaanan namin.
"We should get some drinks, too," I said to Larry after we were done in the snacks aisle.
Siya ang may hawak ng basket kaya naman ako na lang ang naglagay ng mga canned beer at kumuha na rin kami ng bottled water. Nagkatinginan na kami nang ilagay ko na ang pang-anim na canned beer.
Ngumuso agad ako dahil baka pagbawalan niya pa ako.
"Minor--"
"I can handle them! Tsaka, kasama naman kita!" pangunguna ko na unti-unti niyang ikinangisi nang nakakakaasar.
"'Yun na nga. Kasama mo ako" panunuya niya.
Sumimangot ako ngunit natatawa na rin. Alam ko ang tinutukoy niya! He must be thinking that I'll kiss him again if I get drunk! Well, totoo naman!
Bumalik na rin naman kami sa sasakyan. Marami na rin ang aming pinamili dahil magro-roadtrip muna kami bago manood. It's still 5:30 in the afternoon. 8 P.M. pa raw ang simula ng panoorin kaya ayos lang din.
May nadaanan pa kaming amusement park na katabi ng isang mall. Gusto ko sana kaso baka naman makatulog na lang ako mamaya kapag nanood kami sa pagod.
Sa biyahe ay si Lomi ang aming napag-usapan ni Larry. Madalang na kasi kaming nagkikita! He's busy with his friends and I'm busy with Larry. Hindi naman ako nagtatampo dahil I know that he's got friends! Tsaka, alam ko namang ako lang ang bestfriend niya.
"Naging kaibigan na rin kasi ni Lomi si Maye ngayon lalo na't kaibigan din 'yon ni Leticia. Sila ngayon ang magkakasama lagi. Kasama sila Lance" kwento ni Larry noong mabanggit ko si Maye.
Sumubo ako ng isang sour strips at sinubuan na rin si Larry na tinaggap agad iyon. "They said Kuya Shan's broken because of her?" I curiously asked.
Natawa si Larry. "Ewan ko ba... Naging mag-MU raw. Talagang 'tong si Shan, takot na takot maisipan na pedo eh wala naman siyang ginagawang masama kay Maye."
Napatitig ako kay Larry sa sinabi niya. There's nothing wrong naman kung malaki ang gap nila sa age. I mean, hindi rin naman ganoon kalaki lalo na't 3 years lang daw. Wala rin namang ginagawang masama si Kuya Shan sa kaniya. Kuya Shan is old enough and smart enough to not do something that will taint him. Tsaka, he looks like an older friend kaya.
"Tsaka, Maye's alone, right? Kuya Shan's probably just taking care of her and guiding her. Wala namang masama roon" sabi ko na sinang-ayunan ni Larry.
Nakarating kami sa aming patutunguhan. Isang maliit na museo kung saan ang kultura ng lugar ang naroon. It's a museum. From the classic ancestral house, arts and crafts of local artists, and even a culinarium to showcase the town folk's love and expertise in food. There's even the town's hall of fame!
We were assisted. A girl, smaller than me, tells us what's behind each piece in the museum. Hindi naman ako mahilig sa mga ganito but it's nice rin pala. I've got to know some of the town's history and culture.
We're there for about an hour at umalis na ulit nang matapos. Nasa sasakyan na kami nang galawin ni Larry ang kaniyang phone. He was typing something kaya naman inabala ko ang sarili sa pagbubukas ng inumin para sa aming dalawa.
When he's done, tinanggap niya ang aking binigay. "Magpaalam ka"
Nabitin ang aking pag-inom. "Huh?" lito kong tanong.
Uminom muna siya. "Parents or Paige. Itinakas lang kita pero dapat magpaalam ka pa rin" aniya na ikinangiwi ko.
Eh ano pang silbi ng sinabi niyang tinakas ako kung magpapaalam ako?
"Tinakas mo nga ako, 'di ba..." I said in a matter-of-fact way.
"Oo nga, noh... pero magpaalam ka na. Kahit text lang o tawag. Katetext ko lang sa daddy mo" he said making me nod.
"Ayan na pala. Ipinagpaalam mo na ako" I said as I place my hand on my lap elegantly and eyed him teasingly.
Napakurap-kurap naman siya na para bang napagtanto na kayang-kaya ko siyang lusutan. I smirked but remained my proud face. Larry sighed and typed something on his phone. Maya-maya lang ay iniabot niya iyon sa akin at bago ko pa makita kung ano ang nasa screen ay napaigtad ako nang may magsalita.
"Where's my daughter?" ang boses ni Daddy mula sa phone.
Napabusangot naman ako kay Larry nang makita itong ngumisi sa akin. "Hi, dad" bati ko.
"Adhara... hindi ka nagpaalam?"
Tumikhim ako. "Heto po, magpapaalam pa lang" lambing ko.
Nakikita ko na sa aking isip ang pagtaas ng kilay ni Daddy sa aking sagot. "Kung kailan nakaalis ka na?"
Napanguso ako at nagpaalam na nang maayos. Hindi ako matatapos kung aasarin ko pa si Daddy! Tsaka, he must be at his office right now. Stress 'yun.
Balak pa sana namin ni Larry na puntahan ang isang kilalang mansion noong sinaunang panahon dito sa lugar. It's Spanish-era colonial home Pamintuan Mansion which holds a historical event in this town. It is where the Philippine's first anniversary of Philippine Independence from Spain were celebrated by the first president of the Philippines.
From what I remembered, 'yun 'yon kaso mabagal ang traffic kaya hindi na namin sinubukan pang puntahan.
Nadaanan na pala namin kanina 'yung drive-in cinema dito dahil halos katabi lang din namin ang amusement park na kanina kong nakita. Mukhang marami ring tao dahil school days. Karamiha'y mga estudyante.
Nang makahanap kami nang magandang pwesto ay kumain na muna kami ni Larry tsaka muling nagkwentuhan hanggang sa magsimula na.
The movie was romance in genre. As expected.
We were both engaged on the movie. Nakuha lamang ng aking atensyon ang isang pick-up kung saan may mga magkakaibigan na nagtatawanan. They were at the trunk of it at doon sila nanonood.
Lima sila at kitang-kita sa kanila na matagal na silang magkakasama. They're that comfortable with each other and just by judging their smiles, their friendship was genuine and fun.
Hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa kanila dahil may gumuguhit na init sa aking puso. Ganoon na rin ang pagbabara ng aking lalamunan.
When will I have that kind of friendship? Magkakaroon kaya ako nang ganoon?
"Adi?"
Tsaka lang ako nalingon nang tapikin ako ni Larry. I looked at him wearily. Napansin niya iyon dahil bumaba ang kamay niya sa akin.
"You okay?" He asked softly.
Ngumuso ako at huminga nang malalim. "Can you also be my friend?" Mahina kong sabi.
Napatitig sa akin si Larry. Hindi ko alam kung nabigla sa aking sinabi o tinatantya ang aking sinabi. Hindi niya siguro inaasahan.
Then I was left stunned when I felt his kiss on my forehead tsaka hinawakan ang aking magkabilang pisngi.
"I am your boyfriend, Adi. Of course I can" aniya at ngumiti.
At ganoon lang, nahawaan niya na rin ng kaniyang ngiti ang aking labi.
Of course, he's my boyfriend.
February came and one of the most anticipated days for that month is the day of the hearts--Valentine's day.
Usap-usapan sa buong school ang mga magiging booths for next week. It's a student council initiative kaya naman paniguradong maraming magiging activities at pakulo ang mga iyon. Narinig ko sa isa kong kaklase na student council na nagpapirma daw sila ng letter na gawing no-class activity ang February 14 and 15 in celebration of hearts day. Isang pahinga na rin lalo na't malapit na rin kaming mag-exam.
Sa room, taliwas sa aking inaasahan ang pakikitungo nila Wincel at Apple. Akala ko, gagambalain nila ako at paparinggan ng kung anu-ano but I was wrong.
Parehas silang tahimik ngunit binabato pa rin ako ng matalim na tingin. I remain oblivious tho. Kunwari ay hindi ko iyon nahuhuli at hindi na lang binibigyang pansin.
Pansin ko rin ang tingin ng ibang mga kaklase dahil wala nga kaming pansinan nila Wincel. They know that they're my only friends at ngayong hindi na, paniguradong isa na rin ako sa kanilang pinag-u-usapan.
I tried making friends with my classmates but I guess they don't want me. Mababait naman sana ngunit ramdam na ramdam ko ang pag-iwas nila sa akin. May namumuong ideya sa akin kung bakit at sa tingin ko'y dahil sa kapatid ko.
Natatakot silang pag-initan ni Paige kung sakali mang maging kaibigan ko sila. Hindi ko naman masisisi si Paige dahil kapatid niya ako. Ayaw niya akong inaapi kahit hindi naman talaga ako inaapi.
Hindi naman sana masama ang ugali ko pero hindi ko maiwasang magpigil ng ngisi noong inaanunsyo na ang score namin sa isang long quiz. It's a surprise one pero I still aced it. Isa ako sa mga nakaperfect sa aming klase.
Ngunit dalawa lang ang mayroong mababang score. Wincel and Apple scored 7 out of 50. Ramdam na ramdam ko rin ang tingin sa akin ng teacher namin dahil siguro'y iniisip nito'y nakinig na ako sa kaniya.
"Wincel Cortez and Gomez, maiwan kayo. Class, dismissed" ang teacher namin sa statistics.
Kinuha ko na ang aking bag at sa bawat hakbang ko paalis ng room, rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kaklase.
"Nag-away yata sila kaya hindi nagpapansinan"
"May nangyari noon sa cafeteria. Itong si Wincel tinapunan ng toyo si Adhara"
"Eh nando'n si Paige, 'di ba? Kaya pala walang ligtas kay Adhara."
Taas noo lamang akong naglakad paalis ng room. They deserved it, though. That's what they get for making me a bad person. They ruined the friendship I gave them just because of their corny love letter.
Monday at nagkalat na ang mga estudyanteng nakapulang damit na may sari-sariling disenyo. It's Valentine's day and everyone's already handfull of flowers and chocolates.
"Adhara" tawag sa akin ng isang lalaking kapalit ng kaaalis lamang kanina.
Bumaba ang tingin ko sa iniabot niyang bulaklak at chocolates. "Para sa'yo. Happy Valentine's day" nahihiya nitong turan.
Ngumiti naman ako at tinanggap ang kaniyang ibinigay. "Thank you"
Namula ang tainga nito at nanatili sa aking harap. Tumalikod naman ako at hinarap ang aking locker na puno na rin ng mga bulaklak, chocolates, at gifts na natanggap ko pagkaapak na pagkaapak ko sa school.
Muntik pa akong mapaigtad nang makitang nasa gilid ko pa rin ang lalaki.
He fidgets his fingers. "Uh, Tyron Faustino pala ng section B. Can I be your valentine?"
Umawang ang labi ko at binigyan ito ng maliit na ngiti. Marami na ring mag-aalok sa akin na maging valentine ko kaso wala akong tinatanggap dahil may hinihintay ako. Isa lang ang valentine ko.
"Sorry but I already have one eh. Sorry" sabi ko rito na ikinalaki naman ng mata niya at luminga-linga.
Nahihiya siyang yumuko at nanghingi ng tawad bago umalis. Nangiti na lamang ako at inabala ang locker na inaayos.
"Bakit sa atin hindi man lang nag-abala mga student council? Buti pa dito!"
"Ang ingay mo naman" ang pamilyar na boses ni Lomi ang nakapagpalingon sa akin sa narinig.
There I saw Lomi with her friends looking around. Ang napansin ko ay ang babaeng pamilyar na malaki ang ngising nakadikit kay Lomi. Doon ko lang napagtantong si Leticia pala iyon!
Nakita ako ni Ivan kaya tinapik niya si Lomi at tinuro ako. Nanlaki ang mata ni Lomi nang makita ko at tsaka nagtungo na sa akin.
I was all smiles when Lomi started to introduce his friends to me.
"Si Leticia--" pakilala niya agad kay Leticia na agad kong nilapitan at hinawakan ang kamay nito.
Gulat pa sa akin si Leticia na nakangiti rin naman. "We finally meet! I'm Adhara. Adi for short" pakilala ko rito.
Napakurap-kurap siya at nilingon si Lomi na nakangiti sa akin. Bumaling muli sa akin si Leticia at dahan-dahang napatango na para bang nakilala na niya ako. "Ikaw nga si Adi! Hi! Hello! Hala, ang ganda mo pala talaga!"
Natawa naman ako sa kaniyang sinabi at binalingan na ang isa nilang kasamang babae na nakikipagbulungan kay Lomi. Siya naman ang pinakilala ni Lomi.
"Adi, si Maye. 'Yung alam mo na..." Bulong niya sa huling sinabi ngunit narinig ni Maye at sinuntok siya sa braso.
Maliit na ngumiti sa akin si Maye. "Ayessa pero pwede na ring Maye"
"Nice meeting you!" Sabi ko at pinigilan ang sarili na tanungin kung bakit sila hindi ayos ni Kuya Shan.
She's pretty kaya hindi imposibleng hindi siya magustuhan ni Kuya Shan. She looks snob lalo na't madalas ang pagseryoso ngunit ngumingiti rin naman.
A guy, a bit taller than Lomi leaned towards him. "Kami ba, hindi mo papakilala?" Anito at nang umangat sa akin ang tingin ay kumindat.
Natawa naman ako. Nakita ko pa ang pag-iling ni Ivan at ang paghalakhak ng kasama pa nilang isang lalaki.
Tinulak ni Lomi ang mukha ng lalaki at tumungo sa akin. "Tour mo kami! Pwede naman pala ang mga junior dito" ani Lomi na ikinasang-ayon ko naman at idinala na sila sa circle kung saan naroon ang karamihan ng booths.
I don't know but I feel comfortable with them. Lalo na kay Leticia na hindi na nahiwalay sa akin. I like her. She's bubbly and cute. I'm glad that Lomi has someone like her.
"Ako ang valentine ni Lomi. Kung hindi pa ako ang nag-alok, hindi niya ako aalukin!" Bulong ni Leticia sa akin nang matanggap namin ang biniling malaking cotton candy na hugis puso.
Sinulyapan ko sina Lomi na kasama si Ayessa sa kabilang booth kung saan bumibili na ng inumin.
Nilingon ko si Leticia na kinagatan nang malaki ang kaniyang cotton candy. Natawa naman ako nang dumikit ang iba sa kaniyang ilong.
Kumurot ako sa akin at sumubo. "Lomi is torpe" sabi ko.
Leticia nodded eagerly. "Oo! Ayaw pang aminin na crush ako! Joke" bawi rin naman niya na ikinatawa naming dalawa.
Lumapit sa amin sila Lomi at inabutan kami ng inumin. Ang cute ng mga pagkain ngayon dahil halos lahat ng kulay ay pink and red!
"Adi, may valentine ka na? Pwedeng ako" biglang kausap sa akin ni Lance, ang isa sa mga kaibigan ni Lomi at ang kumindat din sa akin kanina.
Napangiwi si Lomi sa kaibigan. "Lance, parang tanga. Hindi pwede si Adi" inis nitong turan.
I only chuckled. I felt my phone vibrate so I took it out. Mula sa notification, binasa ko ang text ni Larry.
My own Alfanta💞:
Look to your left
At gaya ng nabasa, lumingon ako sa aking kaliwa at natagpuan ang lalaking kanina ko pa hinihintay.
"My Valentine is here"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All