Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 19
Kinabukasan ay sinundo rin naman kami nila Daddy lalo na't susunduin namin si Tita Sarah sa airport dahil uuwi ito galing America. We didn't know that she was there just now that she called dad to pick her up at the airport.
Dad and I were not okay. Sure, he's talking to me but I don't. He knows why I don't want to talk to him.
Si Mommy naman ang nagsorry sa akin tungkol sa ginawa ni Daddy na hindi kami pinapasok sa bahay. Mas close man ako kay Daddy, ako naman ang paborito ni Mommy. She's not upset with me. She was worried but she didn't rebuked me.
"So, you went out with... Larry?" she asked yet her voice changed when she said his name.
I smiled softly at my mom who was fixing my hair while we wait for dad and Paige to go down from their room.
"We went stargazing. It was so fun, Mom" I said.
Mom smiled, too. "Glad that you did. I just hope Larry is as responsible as what you've been telling me..."
I chuckled and held my mom's hand. "He is, Mom! Ginabi kami because I insisted to. Tsaka hindi naman talaga ako mapapano kapag kasama siya."
Mom hummed in acknowledgment. Sandali pa kami nagkwentuhan bago marinig na ang yabag ng dalawang hinihintay namin. I already felt dad's eyes on me na iniwasan ko. I was about to go out when Mom held my shoulders to stop me. Nilingon ko sila at nakitang tumango si mommy kay Daddy bago hatakin ni Mommy si Paige palabas.
Naiwan ako ngayon kay Daddy. Nanatili akong nakahalukipkip ngunit hinihintay ang kaniyang sasabihin.
He let out a deep sigh. "I'm sorry about last night, bunso"
Hindi ko naman maiwasang sumimangot sa endearment na ginamit ni Daddy. It sounded as if I'm still a kid!
"Sorry about my coldness... I'm just upset kasi hindi ka nagpaalam..."
"Nagpaalam naman si Larry..." I muttered silently.
Dad held my shoulder and lean me towards him. "Pero dapat magpaalam ka pa rin sa amin. You still need to ask permission to us, Adi. You're under our care. Dapat mo pa ring pinapaalaam sa amin ng mommy mo kung saan ka pupunta"
I sighed and nodded. I also muttered a small sorry because of my attitude towards him. And there, ayos na kami ni Daddy.
Sinundo na namin si Tita Sarah and just as expected, we spotted her easily as she stands out among the sea of people coming out from the arrivals. Hindi naman sana siya artista pero halos pagkaguluhan siya ilang tao na pinipicturan siya.
She's very much known in her field of work. Isang kilalang abogado sa kanilang law firm ni Daddy. It's their family's lawfirm. Itinayo ng mga Riguella noong panahon pa ng aming mga lola na ngayo'y sila Tita at Daddy ang humahawak. I even heard on our way home how Tita's planning to step up as a judge but will continue it in America.
Pero hindi pa naman final kung magse-settle na siya sa America. Kapag na raw tapos na ang kaniyang mga trabaho rito sa Pinas.
"Sa tingin mo... mag-aasawa pa si Tita?" bulong na tanong ko kay Paige noong makatulog ang matatanda sa biyahe.
Kapwa kami napaisip ni Paige. It's just so weird kasi Tita really has a lot of admirers! Matunog na matunog ang usapang iyon sabi na rin ni Mommy sa kanilang workplace at marami rin akong nababasang magazine o napapanood na interviews ng ilang kilalang artista kung gaano nila kagusto si Tita. Halos karamihan din ng balita kay Tita ay ang mga bachelor na business tycoons na ilang beses nang nag-aalok ng kasal sa kaniya.
Pero ni isa, wala siyang tinanggap o binigyan ng statement.
"I don't think so... she has a lot of admirers but she never liked any of them. Mostly are celebrities and bachelors pero wala siyang natipuhan" si Paige.
I'm curious but I don't really think about it deeply lalo na't alam kong naiisip na rin iyon ni Paige. Kung sakali mang malaman na niya ang dahilan ni Tita, ikwekwento naman niya sa akin agad iyon.
Noche Buena ay kumpleto kaming Castor at kasama na rin ang mga Marciano na sila Ate Zymira. Sinundo nila Tita Lalaine at Mommy ang dalawang matandang Marciano: ang lola namin at ang Lola ni Ate Zy. Our lolo died when we were young at ngayo'y magkasama na lamang sa matandang bahay si Lola Dolores at si Lola Gracia na kaniyang kapatid.
Sandali lang sa amin sila Tita Lalaine lalo na't sa mga Alfanta sila nagno-noche buena at sa amin naman kinabukasan.
Tita Sarah and Dad's parents are dead almost 20 years ago. Maaga itong mga namatay at wala rin namang kamag-anak sila Tita Sarah na ibang Riguella dahil silang dalawa lang ni Daddy ang mga anak nito. Kaya naman ang mga Castor at mga Marciano lang din ang aming kasama tuwing pasko.
Ngayon ay nakatabi ako sa dalawang matanda na kanina ko pa kakwentuhan.
I like talking to old people. Nakakatuwa kasi talaga ang mga kwento nila. Lalo na kapag kinukwento ni Lola Dolores kung paano nanligaw sa kaniya noong si Lolo. Kahit paulit-ulit ko nang naririnig iyon, hindi ko pa rin maiwasang ipakwento ulit because it looks so pure.
"Alam mo, apo, ang lolo mo noon ay mabiro. Galing sa pamilyang magsasaka kami ng lola Gracia mo at mga haciendero naman ang lolo mo..." si Lola Dolores.
Tumagilid ang ulo ko. "'Di ba, you're still farming, Lola?"
Natawa si Lola. "Gusto ko pa kaso itong lola Gracia mo, daig pa nanay namin kung mapagalitan ako"
Natawa lalo si Lola Dolores nang pabiro siyang hampasin ni Lola Gracia. "Akala mo naman kasi, malakas ka pa! Kapag naman gabi na at masakit ang likod, sa akin iiyak" si Lola Gracia na ikinatawa ko naman.
"Tapos ito namang Lola Gracia mo, hahampasin pa ako at pagagalitan! Hay nako" dugtong ni Lola Dolores.
What's cuter is that Lola Dolores is older than Lola Gracia. I can imagine Lola Dolores crying because of back pain and Lola Gracia making it worse.
"Ang lolo mo noon, mayaman at galing sa pamilya ng mga haciendero at kami ng lola mo, sumasama minsan sa pagsasaka. Isang beses noon, kasama ko sila tatang sa pagsasaka. Eh itong lolo mo, hindi alam na si tatang iyon, inasar ako!"
Hindi matanggal ang ngisi sa aking labi. "What did he do, lola?"
Ngumiti si Lola at napatingin pa sa malayo. "May gusto na sa akin ang lolo mo noon at madalas akong asarin! Hindi halatang mapang-asar siya lalo na't masungit ang lolo mo noon. Lumapit siya noon at sinabi "Dolores, ang sarap ng pares na inihain mo sa'kin noon. Sana ikaw naman ang susunod kong matikman"
I gasped as my eyes widened. Grabe naman pala si Lolo kung mang-asar! Hindi ko maiwasan ang mapahagikgik at ganoon na rin si Lola. Si Lola Gracia naman ay nailing na lamang ngunit natawa rin.
"Ano pong sabi ng papa niyo?"
Mahangin na napahalakhak si Lola. "Naku, muntik na akong mawalan ng manliligaw noon! May hawak pa namang gilik ang tatang. Hinarap niya noon ang lolo mo tsaka tinakot! Sabi niya "Hijo, baka gusto mong tikaman itong gilik ko?"
Nagtawanan ulit kami nila lola sa kwentong iyon. Kapag iniisip ko ang buhay noon, akala ko talaga boring at masyadong seryoso ang mga tao noon pero may mga loko-loko rin pala.
"Merry Christmas!" Napabaling kami nang mag-anunsyo si Tita Sarah. Nagsama-sama na kami sa dining table at kapwa nagtatawanan at nagbabatian na ng maligayang pasko.
Everyone's already having a chatter as we ate. Kami lamang nila Ate Zy ang mga bata at sila Tita na at ang matatanda ang mga maiingay. Kung narito siguro sila Art, baka kaming dalawa ang nangunguna sa pakikipagbiruan kila Lola.
"Nga pala, Ma, wala bang balita sa mga nasa America?" Si Mommy na inabutan ng tubig si Lola.
"Nagkausap kami ni Crisanta noong nakaraan. Video call ba 'yun? Eh mukhang hindi pa ngayong taon ang uwi nila" si Lola.
Tita Sarah then joined the conversation. "Oh, the Venganzara's? I met Dylan last week. Hindi pa nga raw sila uuwi"
Lola sighed and shook her head. "Ayaw pa magsiuwi ng mga 'yon. Akala mo naman mga La Esmeraldo"
"Ma" tawag ni Mommy na ikinatawa naman ni Lola.
"Nagbibiro lang ako!"
Natawa naman si Lola Gracia. Kalauna'y napabuntong hininga at malungkot na tumingin sa kaniyang kapatid. "Simula noong nagkatrahedya sa pamilya, wala na silang ganang umuwi pa rito"
Doon kami natahimik lahat. Walang nagb-bring up ng topic na iyon sa amin dahil sobrang sensitibo. Lalo na kila Kuya Amschelle. Everyone was affected to what happened to our cousin. Lalo na si Kuya Amschelle.
Ang mga Venganzara ay sila Kuya Amschelle. Pinsan namin sa side ni Lolo na Castor. Kapatid na babae ni Lolo si Lola Crisanta. It's been years since we saw them! Apat silang mga pinsan namin. Si Kuya Amschelle, Janrielle, Heirielle, at ang kapatid ni Kuya Amschelle. Sadly, tragedy happened kaya tatlo na lang sila ngayong magpipinsan. Heirielle is a year younger than me, Kuya Janrielle and Kuya Amschelle is much older than us. About 6 years or 5.
Halos kapatid na nga rin ang turingan namin sa pagiging close. He's such an ideal elder brother. He always spoils me too! Kahit na nasa America sila, hindi niya kinakalimutan na regaluhan ako lalo na kapag birthday ko.
Nasa patio na kami ngayong tatlong mga babae. Hindi na kami nakisali sa usapan ng mga matatanda lalo na't hindi rin naman namin maiintindihan. Minsan ko nang narinig ang kanilang usapan kasama ang matatanda and it's all about the La Esmeraldo's.
Si Paige at Ate Zy ay nag-uusap ngayon habang ako nama'y hinihintay na sagutin ni Kuya Amschelle ang aking video call.
"Merry Christmas" bungad ni Kuya Amschelle sa kaniyang malalim na boses at nakasuot lang ng itim na T-shirt.
Agad na nagliwanag ang mukha ko at kumaway sa kaniya. "Kuya! I missed you! Merry Christmas!"
Napabaling sa akin sina Paige at Ate Zy na kapwa nakiusyuso sa akin. Nakibati na rin sila kay Kuya Amschelle.
"Wait, papasok lang ako" Kuya Amschelle.
He looks like he's outside lalo na't kita ko pa ang ilang pagsnow sa ibabaw niya at maliwanag pang paligid. It's probably noon there lalo na't 15 hours ang time difference namin. They live in Beverly Hills, California.
Nagliwanag naman ang kaniyang mukha at kita nang nasa loob siya ng bahay. Rinig ko na rin ang nag-e-echo-ng boses ni Heirielle na mukhang nakikipagtawanan.
"Hei, Adi's here" si Kuya Amschelle na ipinakita ako sa dalawa pang pinsan.
"Oh my gosh! Adi! I missed you!" Bati ni Heirielle na malaki na ang ngiti at nawawala ang mata.
Kumaway ako at bumati muli. Napunta kay Kuya Janrielle ang camera na suot ang maliit na ngiting kumaway sa akin at bumati.
Natawa ako nang agawin ni Heirielle ang phone kay Kuya Amschelle at nagtatakbo. Nakangiti lamang akong nakamasid sa kausap. Maya-maya lang ay bumungad sa akin si Tita Patricia na naghahanda ng kanilang tanghalian.
"Hi, Tita!" Bati ko nang umangat ang ulo nito mula sa ginagawa.
"Oh, Adi! It's already christmas d'yan so, Merry Christmas!" Bati nito.
Tita Patricia's beauty didn't really fade. Mukha lang din siyang dalaga lalo na't madalas kong makita ang picture nila mommy sa bahay kapag nagtitingin ako sa photo album ng pamilya. Silang magpipinsan noong kasal nila Mommy ay naroon na sila Tita lalo na't mas matanda nang ilang taon sila kina Mommy.
Bumalik naman si Heirielle kina Kuya Amschelle sa kanilang sala. Kitang-kita ko sa paggalaw ng camera ni Heirielle ang laki ng mansyon nila sa America. There's no doubt how rich they are. Venganzara sila at kilala ang Venganzara dito sa Pilipinas sa kanilang oil company at ilang mall na kanilang pagmamay-ari.
Family of lawyers din sila pero based sila sa America. Gayunpaman, may mga business pa rin sila dito sa Pilipinas. Their name carries one of the biggest and most powerful clan in Asia. Kasama na roon ang mga Alfanta, Castor, at Eleazar.
Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan ni Heirielle bago agawin na ulit sa kaniya ni Kuya Amschelle ang kaniyang phone. I chuckled when they bicker as Kuya Amschelle run outside.
"Heirielle is still a brat" anito na naglalakad na sa labas ng bahay.
"Ikaw lang kasi ang laging nang-aasar sa kaniya eh! Kuya Janrielle is sweet towards her..." Panunuya at ngiti ko naman.
Pinanliitan ako ng mata ni Kuya Amschelle. "It's because I'm sweet towards you! Naubos na sa'yo ang ibibigay ko kay Heirielle" biro niya na ikinatawa naming dalawa.
"Are you on the streets? It's winter ah! Bakit naka-t-shirt ka lang?" Puna ko sa kaniyang suot.
Nagkibit-balikat siya at binuksan ang kanilang gate. "The cold was nothing, Adi"
Pumasok na siya sa kanilang bahay. Tulad ng kila Heirielle, kitang-kita rin ang malaking chandelier sa kaniyang dinaanan.
"Ma, nandito na ako" aniya at nag-echo naman sa kanilang bahay ang kaniyang boses.
"Chelle? I'm in the kitchen" rinig kong tawag ni Tita Eliza, ang mama ni Kuya Amschelle.
Tumungo roon si Kuya Amschelle. Hindi ko rin maiwasang mapangiti nang humalik pa ito sa pisngi ng Mama niya. Nakita naman din agad ako ni Tita Eliza at kumaway.
"Adi! Merry Christmas! I missed you!" Anito at gumuhit na ang maganda nitong ngiti.
Tita Eliza is my favorite tita. She just gives that warm, cute tita vibes. Palangiti rin at kahit hindi nakangiti, welcoming pa rin ang itsura nito.
Matapos ang Christmas vacation ay balik klase rin naman ako. Madalas ay sinusundo pa rin ni Larry tuwing umaga para makapasok ngunit madalang na kapag pauwi. Naintindihan ko naman iyon lalo na't midterms na nila. Tsaka, hindi naman nagkukulang si Larry sa pagpapaalala sa akin na hindi siya pwede. Kapag nga ay hindi siya pwede ay ipinapasabay niya ako kila Art.
"Anong balak mo sa birthday mo? Invited kami ah!" Si Wincel nang malaman niyang mag-e-eighteen na ako sa March 14.
"Matagal pa naman! Pag-iisipan ko pa..." Nakapangalumbaba kong turan at nginitian sila.
"Engrande ang debut ni Adhara, panigurado" si Apple.
Napaisip ako. Siguro tulad na lang din ng kay Paige ang gagawin kong debut. Family and friends lang at wala nang program program. But remembering how upset mommy was when Paige said she wants that, I'll probably let mom do what she wants for my birthday.
Ayos lang din naman sa akin ang may program. Kahit ano naman sa akin basta mairaos ang birthday.
"Adhara, wait lang!" Pigil sa akin ni Wincel bago ako makalabas ng room pagkatapos ng aming klase sa araw na iyon.
Bumalik naman ako sa kanila at sumilip sa kinuha ni Apple sa kaniyang bag. Inilabas niya ang isang love letter at binuklat niya iyon. Nakita ko ang picture ni Apple roon at maraming hearts. Umangat ang tingin ko kay Apple na nahihiya nang iniabot sa akin iyon.
"Pakibigay kay Lomeo. Tatanggapin na niya siguro 'yan, noh?" Nahihiya niyang turan.
Napakurap ako at nahirapang tanggapin iyon. I've heard that Lomi and Leticia are close. Hindi ko pa sure kung sila na or hindi pero malaki ang posibilidad na sila na lalo na't minsan ko na silang nakitang magkasama at madalas ay kasama na rin ang mga kaibigan ni Lomi na lalaki.
Kaya it's kind of weird kung magbibigay pa ako ng love letter nila Apple kay Lomi.
"Uh, I don't think--" Wincel cut me off.
"Sige na, Adhara! Malay mo ngayon, tanggapin na!" Pamimilit niya sa akin.
Wala naman akong nagawa kun'di tanggapin na lamang iyon at lumabas na ng room para maunang hintayin sila Paige sa kanilang room dahil mayroon daw silang graded recitation sa lasts subject nila.
Dahil wala rin naman akong balak ibigay kay Lomi ang love letter ni Apple, naghanap ako ng basurahan para matapon iyon. Nang makakita ng nasa gilid ng hagdan ay doon ko itinapon iyon.
Luminga-linga pa ako sa paligid dahil pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin. Nang makitang wala naman ay nagkibit-balikat na lang ako at bumalik sa harap ng room nila Paige.
Matagal na akong tumigil sa pagtutulak kay Lomi sa aking mga kaibigan noon dahil alam kong may crush siya. At si Leticia iyon lalo na't siya ang madalas na iasar nila Clane at Art sa kaniya. And it's kind of rude to still give my friends' love letter to be acknowledged by Lomi.
Kapag naman kasi ibinalik ko kina Wincel o hindi ko iyon tinanggap, magkakaaway kami. Ayoko naman noon dahil sila lang din ang halos kalapit ko sa room at kung magkakaaway man kami, wala ring oras na hindi nila ako gagambalain.
Hindi rin naman ako tanga para magpaapi sa kanila. Umiiwas lang ako sa hindi pagkakaintindihan. Baka kasi lumitaw ang tunay kong ugali. Joke.
Pigil ang tawa ko nang makalabas sina Paige sa kanilang classroom. Akala mo'y sumabak sa digmaan si Paige na sobrang lalim ng hiningang pinakawalan. Agad naman siyang inakbayan ni Clane at inayos ang buhok niyang nastress na rin yata.
"Oh, kung hindi ko pa kayo nireview e'di mas kawawa ang itsura mo ngayon!" Pang-aasar ni Art kay Paige na tinapunan lang siya ng dirty finger.
"Madali lang talaga napuntang tanong sa inyo! Fuckers..." Irita niyang turan nang naglalakad na kami.
Natawa naman ako sa kapatid at hinawakan ang braso nito para kumapit. "I'm proud na nakaligtas ka, Sis" pang-aasar ko na rin.
Dumaan muna kami sa cafeteria dahil nagutom bigla sila Paige. Dahil hindi naman ako gutom, nauna na lang akong umupo sa bakanteng mesa na apatan.
I took out my phone when it vibrated.
My own Alfanta💞:
You're with Paige?
Me:
Yes :)
My own Alfanta 💞:
Okie, see you later :)
Napakagat naman ako ng labi at nagtipa ng mensahe pabalik ngunit hindi ko iyon natuloy nang may dumamba sa aking mesa.
Napalaki ang mata ko nang makitang si Wincel iyon kasama si Apple na umiiyak.
"Ang plastik mo, Adhara!" Bulyaw sa akin ni Wincel at walang pasabing tinapon sa akin ang cup niyang hawak na may toyo.
Napatayo naman ako sa gulat at napatingin sa aking uniform na bumahid ang itim na likido.
"What the..." Bulong ko at umangat ang tingin sa dalawang masama ang tingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak ni Apple at nakitang ang love letter niya iyon.
Nakita nila.
"What the hell happened here?!" Ang boses ni Paige ang umalingawngaw nang makita ako.
Pati sina Art at Clane ay gulat nang makita ako. Ang ilang natitirang estudyante sa paligid ay nasa amin na ang tingin, ganoon na rin ang mga tindera at janitor.
"Bakit mo tinapon ang love letter ni Apple?!" Si Wincel na naging sanhi ng pagbubulungan ng tao.
Namula ako sa hiya. It sounds like I rejected her love letter!
"Love letter? Anong ka-corny-han 'yan, ha, baliw?" Si Paige na tumayo sa harap nila.
Hindi naman natinag si Wincel at nanatiling galit na hinarap din si Paige. Si Apple naman ay bahagya nang nagtago sa likod ni Wincel.
"Umalis ka at 'wag mong pagtanggol ang kapatid mo!" Si Wincel kay Paige.
Paige scoffed. "What? At sino naman ang pagtatanggol ko? You lunatic bitches?" Inis na ring sabi ni Paige. Kita ko na rin ang panggigil nita sa hawak niyang sandwich.
Sarkastikong tumawa si Wincel at sinilip ako. "Plastik ka, Adhara. Pakitang tao!"
Dumilim naman ang mukha ko at hindi na pinigilan ang sarili na hindi siya patulan dahil ipinapahiya na niya ako. How dare she label me like that!
"Pakitang tao? Tignan natin kung sinong magkukulay putik ngayon" si Paige na walang hirap na kinaladkad si Wincel sa harap ng isang nagtitinda ng siomai.
Kinuha ni Paige ang lalagyan ng toyo at ibinuhos kay Wincel iyon na nagtitili na. Ako naman itong hindi nakuntento at kinuha na rin ang isa pang lalagyan na may suka at ibinuhos iyon kay Wincel.
"Don't mess with us" malinaw at malamig kong sabi kay Wincel.
Hinawakan naman ako ni Paige at dinala na paalis ng cafeteria. Nakita ko pa ang pag-aabot ng pera ni Clane sa tindero ng siomai bago sumunod na rin sa amin.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All