Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 18
Masyado naman kaming naaliw ni Larry sa aming ginawa at hindi na rin napansin ang oras. Hindi namin namalayan na halos mag-t-ten na pala ng gabi! But it doesn't matter though. What matter is what I feel for tonight.
Nakakaenjoy pala talaga kapag lumalabas kapag gabi. Hindi lang dahil tahimik at kakaunti ang tao ay mas masusulit mo pa ang oras. Kasi with my trip with Larry tonight, I didn't even feel that it's getting late. Sa totoo nga, nakukulangan pa ako sa oras! Para bang ang bilis ng apat na oras naming magkasama under the night sky.
Tsaka hindi naman ako nababahalang gabihin lalo na ngayong si Larry ang kasama ko. Mom and Dad will not be worried kapag kasama ko si Larry. They know how responsible Larry is!
"Uuwi na tayo?" nakanguso kong tungo kay Larry nang siya'y makabalik mula sa isang tawag.
He smiled and patted my head. "It's getting late. We'll just do it again"
Sa kaniyang sinabi, nawala ang aking sumpong na sumisibol na. That means we'll have more road trips in the future!
We both went back to his car and went home. Sa biyahe ay hindi na rin kami halos nagkwekwentuhan dahil kapwa ubos na rin ang boses namin sa kanina pang daldalan. Ang tanging tugtog sa stereo ang nagbibigay ingay sa aming biyahe.
Remembering the time kapag nakikipag-usap ako kay Larry ay wala siyang kibo or tango lang ang sinasagot. Hindi niya ba talaga ako gusto noon? I doubt that!
Sinulyapan ko si Larry na tahimik na nagh-hum sa isang pamilyar na tugtog ng HONNE na Location Unknown. I saw him pouting his lips while banging his head softly to the beat. Palihim akong napangiti at idinala sa labas ng bintana ang tingin.
Inalala ko ang aking naging araw ngayon. Hindi ko pa nakita ang sarili ko na naging ganito kasaya sa mga simpleng bagay. Dahil sa totoo, simple things make me happy kaso hindi naman binibigay sa akin iyon.
Memories with real friends and genuine happiness with the person who gives me it. Hindi naman sa hindi ako kontento sa mga binibigay sa akin ng mga taong nakapaligid sa akin but it's not really what I want. I don't like extravagant things. I prefer simple ones but carries a sentimental meaning.
Pero alam ko na ang maririnig ko sa iba para sa akin or moreover, sa aming pamilya.
Simple things don't suit a Riguella.
Riguellas are sophisticated and elegant. Kaya nga iyon na ang aking naging image sa lahat ng tao. I am the perfect definition of a Riguella gaya na lamang ng aking Tita Sarah. Ganoon dapat ako.
Tsaka, wala na rin naman na akong magagawa lalo na't nakasanayan ko na rin. Ang hindi ko lang nagugustuhan ay ang nagiging pagdikta nila sa aking "dapat" na maging pamumuhay.
Sa mga kaibigan pa nga lang sa school, kailangan pili pa dahil kung hindi, it's either they're backstabbing me or they're afraid at me.
"We're here" ang boses ni Larry at ang kaniyang paghawak sa aking kamay ang nakapagpabalik sa aking sarili. Sinilip ko ang aming guard na nakaabang na sa amin na kyuryoso sa kung sino ang nasa loob ng sasakyan.
Binaba ni Larry ang bintana at bumati sa guard bago bumalik sa akin. "You must be tired" aniya nang maharap na ako.
I shook my head and smiled softly. "I'm not, Larry. I had so much fun with you" malumanay kong sabi na ikinangiti niya at yumuko.
"Loved that you did" he smiled, too.
Nanatili naman ang kalmadong mga ngiti naming dalawa sa isa't isa. Pinakiramdaman ko ang pusong kalmado ngunit may kakaibang init na nararamdaman. It feels good that it made me think that I'm actually in love with him.
"So, paano? Labas na tayo?" basag niya sa aming titigan.
I pursed my lips and shamelessly pulled him for a swift kiss. Nakangisi rin akong lumayo at lumabas ng sasakyan. Sumunod din naman siyang lumabas na mukhang nagulantang pa sa aking ikinilos kanina.
Hawak ko ang aking kamay na hinarap ulit siya sa tapat ng aming gate. Hindi na rin talaga maalis ang ngiti ko sa labi habang pinagmamasdan siya.
"Okay na ako rito. Thank you for tonight, Larry. You made me so happy" I confessed.
Napansin ko naman ang bahagyang pagpipigil ng ngiti ng aming guard na nakasilip sa amin mula sa loob. Napansin din iyon ni Larry na tahimik na natawa at tinanguan ako.
"I'll leave, then. Good night, Adi" aniya at humawak sa aking kanang balikat. Napakurap naman ako at nagpigil ng ngiting hinawakan ang kaniyang kamay gamit ang aking kaliwang kamay.
I held his hand and felt the softness of it. Unti-unti ko na ring isinaklop ang kamay sa kaniya. My small and soft fingers fit perfectly with his manly yet slender ones. I smiled when my eyes reached his.
"Bye" bulong ko at binitawan na ang kaniyang kamay. Tumango naman siya at nagpaalam. Tsaka ko pinanood na umalis ang kaniyang sasakyan.
I sighed and faced our guard who's already giving me a small smile. Nakipagngisihan naman ako rito at hinintay na pagbuksan ako ng gate.
Napanis na ang ngiti ko pero hindi niya pa rin binubuksan ang gate "Uh, Manong?"
Mukha pa itong nagulantang tsaka napakamot pa ng batok. "Eh Ma'am, pinagbawalan po ako ni Sir na huwag kayong papasukin." anito na ikinakunot ng noo ko.
What? Inutos ni Daddy iyon? Bakit naman?
"Bakit daw po?" kunot-noo kong tanong.
"Eh Ma'am, hindi po ba't may curfew kayo?"
I forgot about that.
"Huwag ko raw po kayong papasukin sabi ni Sir"
Napalunok ako at kinuha ang phone sa aking tote bag to find my sister's contact number. Hindi ko inaasahang magagawa ni Daddy sa akin 'to! Tsaka, hindi naman kami ginabing-ginabi! Kung tutuusin nga, ang aga ko pa! We had a night trip and syempre, gagabihin!
On the first ring, Paige immediately answered my call. "Where were you? It's 10, Adi!" bungad sa akin ng kapatid.
Pairap akong napatingala at bahagyang iginalaw ang ulo. "I was with Larry. Can you please tell dad to open the gate for me?" I said in my utmost sweetest tone.
I heard her groan. Narinig ko pa ang saglit na kalampog niya sa kabilang linya. "Bakit naman kailangang gabihin? We have a curfew, Adhara Kate"
Pasimple akong lumunok kahit naiinis na. "Well... is the door locked?"
I can feel her rolling her eyes out of frustration. "Everything! Pati ang veranda mo! Saan ka ba kasi galing at ginabi ka?!"
Hindi ko maiwasang matawa sa kaniyang sinabi. As if aakyatin ko ang veranda namin para lang makapasok? Hindi rin naman imposible.
"Then, kina Larry una ako?" biro ko. I mean, hindi rin naman ako dehado kung kina Larry ako matutulog!
Paige then went down for me. Hinintay ko siyang makalabas ngunit hindi ko rin inasahang medyo magtatagal pa siya. Tahimik kong niyakap ang sarili at tinignan ang aming guard na mukhang naaawa na akong sinisilip.
"Manong, it's cold out here" sabi ko kung sakali mang maawa na ito nang tuluyan sa akin at pagbuksan ako ng gate.
Napunta naman ang tingin naming dalawa sa bahay nang bumukas ang pinto noon. I smiled upon seeing my sister who's already marching her way toward us. Hindi niya pinansin ang sinabi ng guard at dire-diretsong binuksan ang gate. Agad naman akong yumakap sa kapatid at tinawanan ang galit nitong mukha.
"Kapag nalaman nila Daddy ang tungkol sa inyo!" sermon niya na ikinatawa ko na lamang ngunit agad ring nanigas nang marinig ang malamig na boses ni Daddy.
"Tungkol saan?"
Humiwalay ako kay Paige at agad na sinalubong si Daddy na nakasimangot sa amin at nakahalukipkip. "Sorry po, hindi na mauulit" medyo natatawa ko pang sabi.
Dad ignored me and glared at Paige. "Anong sabi ko, Vivian Paige?"
Nilingon ko ang kapatid na hawak na rin ang bawat braso. "Don't let her in?"
I pouted at my Dad. Hindi pa rin nalulusaw ang galit niya! But I know he can't resist me.
"Bakit ka ginabi? Do you know what time is it, Adhara Kate?" he asked coldly.
Napanguso ako lalo. Para namang hindi nila alam na si Larry lang ang kasama ko! Alam kong nagpapaalam si Larry sa kanila kaya hindi na nila kailangang mangamba pa.
Mukhang hindi gumana ang aking paglalambing kay Daddy at talagang hindi kami pinapasok sa bahay! Parehas tuloy kami ngayon ni Paige na nasa labas ng bahay at hinihintay na lamang ang pinsang tinawagan para makitulog.
Pinalayas kami ni Daddy!
Halos makahinga naman ako nang maluwag nang dumating na ang pamilyar na sasakyan ngunit napakunot saglit ang noo dahil hindi naman sasakyan nila Kuya Shan iyon. Hindi na rin naman ako nakaapila pa nang makita si Larry sa shotgun seat. Para naman akong na-excite muli nang makita siya.
I went in the backseat at sumunod si Larry na bumaba ng shotgun seat. Gusto kong yakapin si Larry dahil ang lamig talaga kanina sa labas!
"Hindi ka ba nagpaalam?" bulong na tanong ni Larry sa akin at ang kamay ay nasa aking kabilang balikat na.
Hindi ko maiwasang mapanguso nang madikit ako sa kaniyang katawan. Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng aking internal organs. Ganoon na rin ang pagbulong ng aking inner demons na yumakap na rin sa kaniya.
"I know na nagpaalam ka na kaya hindi na kailangan..." bulong ko pabalik na ikinailing lang niya at tinapik ang aking balikat na kanina pa niya hawak.
Kapwa kami nagbubulungan lang ni Larry sa biyahe dahil ang dalawang nasa harapan ay naghaharutan na. Kina Clane kami dumeretso. Si Larry naman ay nagpaalam nang uuwi sa kanila nang pigilan ko ito.
"Dito ka muna..." anyaya ko rito.
He shook his head and smiled at me. "It's already 11, Adi. Magpahinga ka na"
Akma pa akong sasama na lang sana sa kaniya nang hatakin ako ni Paige pabalik at tumungo na sa loob ng bahay nila Clane. Maliwanag pa ang bahay nila Clane at bukas ang lahat ng ilaw. Hindi na ako nagtaka dahil mukhang nanonood pa ito sa sala dahil nakabukas ang kanilang TV at nakapause ang isang action movie.
I sat on a single sofa at hindi na rin maiwasang mahiga roon. Ngayon ko naramdaman ang pagod buong araw lalo na ang aking paa na halos kalahating oras ding nakatayo kanina sa labas ng bahay.
My sister and her boyfriend started flirting again. Pasimple akong napairap dahil talagang walang oras na hindi sila naglalandian! I just took out my phone to distract myself. Nagpunta ako sa aking Instagram tsaka doon nagpost ng mga pictures. Namili lamang ako ng maaayos at ginawang thumbnail si Larry na nakahawak sa malaking bato sa ilog at umaaktong tinutulak ito.
I bit my lips as I type my caption.
adi.riguella
a day worth of you <3
Pagka-upload ko noon ay muntik pa akong mapatili nang maramdaman ang kurot sa aking tagiliran. Nilingon ko si Paige na nakakandong na sa kanyang boyfriend. Nakuha ng kamay ni Clane ang aking atensyon na ngayo'y nasa kaniyang tiyan na at pasimpleng pumapasok sa ilalim nito.
"Inaabot ka pa talaga ng gabi kasama si Larry! Kapag ikaw nabuntis nang maaga!" sermon ni Paige.
I almost scoffed. Ako? Nakakahiya naman sa kanilang dalawa na kulang na lang ay magsex sa harap ko ngayon.
I threw them a pillow. "Sa ating dalawa, baka ikaw ang agad mabuntis, Paige. Tignan mo nga 'yang kamay ng boyfriend mo" I said, jokingly disgusted.
Tsaka lang natigil ang bangayan naming magkapatid nang bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang aming dalawang pinsan na magkaiba ang salubong sa amin. Si Kuya Shan na busangot na busangot at si Art na sa akin agad tumungo para mang-asar.
"A day worth of you pa ah..." pang-aasar nito na ikinasimangot ko lang at bahagyang hinampas ang kaniyang balikat.
Hinarap naman namin si Kuya Shan na masama na ang tingin sa aking kapatid at ang kaniyang kalandian. "Pinapasundo kayo ni Mama. Tumawag si Tita Karina na sa amin daw kayoo matulog"
I smirked when I saw my sister pouted. Kaya sa boyfriend niya kami nagpasundo dahil gustong dito matulog!
Dinala na kami nila Kuya Shan sa kanila. Kasabay ko si Art na kagat labi nang nakatingin sa kaniyang phone habang naglalakad kami. Sumilip ako kung ano ang pinagkakaabalahan at napangiti na rin nang makitang tinitignan niya ang pictures ni Alliana niya sa mga post ng kaibigan nito.
Nakarating kami kila Kuya Shan nang magsalita ito. "Mukhang balak pa kayong ibalik nila tita sa dati niyong school..."
"Bakit naman?" si Paige.
"Nag-iiba raw ugali ni Adi eh" ani Kuya Shan na ikinakunot ng noo ko.
What? Nag-iiba ugali ko? Ano bang ginagawa ko na hindi nababagay sa ugali ko? Magsaya?
Kumunot lalo ang noo ko. Kahit anong pigil ko, ngayon lang ako nakaramdam ng pag-iinit ng mata dahil sa natanggap na paratang sa akin. At galing pa sa magulang ko?
"What do you mean?" I asked Kuya Shan.
Kuya Shan deadpanned me as if what I said wasn't obvious. "Para kang nagrerebelde, Adi. Lumalabas ka nang walang paalam tapos hindi ka na rin nakikinig sa daddy mo"
My lips parted as I slowly feel insulted. Am I really becoming something to be labeled as a rebel? Why does it sounds like I'm such a disobedient child?
"I am not, Kuya Shan" buong pustura ko pa ring sabi.
Hindi ko hinayaang makalabas ang nararamdaman kong sakit sa kaniyang sinabi. I am used to this. I am used to not explain myself just to save my emotions. Hinahayaan ko na lang na humupa dahil alam ko, kapag nagpaliwanag ako at sinalungat nila, iiyak ako.
Kuya Shan looked at me again with the same judgement. "Hindi? Adhara Kate, alam mo ba kung anong oras na? Alas onse! At wala kang paalam?"
I gritted my teeth as I held on to my tote bag. "May nangyari bang masama? Wala! At hindi naman namin intensyong gabihin. I'm sorry kung nag-enjoy ako at hindi namalayan ang oras, ha?" sarkastiko kong turan at akmang aalis sa harapan nila nang higitin ako ni Kuya Shan.
Kuya Shan's eyes went sharper. I glared at him, too. I felt Art beside me as he remove Kuya Shan's hand on my arm. Siguro'y nararamdaman nang tumataas ang tensyon.
"Now, you're being sarcastic?" si Kuya Shan na nainis sa aking inasta.
I rolled my eyes. 'Di ba? Wala naman akong laban kahit ipaliwanag ko ang sarili ko!
Ang saya-saya ko pa kanina. Nakahinga at nakagalaw ako nang walang nagdidikta. Nakangiti ako nang walang alangan at walang pamemeke. I had the best night out with someone who lets me do whatever I want. Who lets me to be happy.
Tapos ngayon, akala mo'y isang krimen ang ginawa ko?
Is being happy such a crime?
"Can't I just enjoy my life? I want to experience nightlife as a teenager!" Diin kong sabi.
Paige sighed. "You can enjoy it without doing--"
I scoffed at her, too. "Pero sa'yo, pwede? Unfair. Lagi na lang ako ang matino at dapat manatiling matino? Do I need to be that perfect? Bullshit!" Nanginig ang boses ko.
Akala ko, iba si Paige kasi siya lang ang nakakaintindi sa akin. Akala ko, hahayaan niya rin akong maging masaya pero hadlang din pala siya.
I can enjoy my life without doing such disobedience as hers? Where's the enjoyment there, then?
Hindi ko na kinaya pang magsabay silang dalawa na magsermon sa akin kaya nauna na akong umakyat sa bahay nila Art habang kinakaladkad ito. He didn't complain, though.
Sa guest room niya ako dinala at doon ko na rin binagsak ang gamit ko. Narinig ko ang tawag ni Paige mula sa likod kaya naman lalo akong nairita dahil talagang sinundan pa ako dito.
Nilingon ko ito gamit ang malamig na mata. "Ano? Pagagalitan mo ako?"
"Ang pinupunto namin ay ang pagkagabi mo ngayon. Saan ba kayo galing at bakit kayo ginabi?" marahan nitong tanong.
Bakit ba kailangang idetalye ko ang lahat ng nangyayari sa aking buhay? Can't I just do whatever I want? Wala namang nangyari sa akin na masama! Kung may mangyari man, doon sila mag-alala!
"Nagsaya kami! Hindi ko namalayan ang oras dahil masaya ako! Masama ba 'yon?!" Hindi ko naiwasan ang pagtataas ng boses at iniwan siya roon.
I need to calm my nerves. Hindi ko na maiwasang magalit dahil alam kong napupuno na ako.
Iritang-irita na rin ako sa paulit-ulit na panenermon ni Paige. Paulit-ulit siya na dapat akong maging responsable! Na hindi niya ako pinagbabawalan! Eh 'yun na 'yun ang gusto niyang gawin ko! Ang sundin na rin siya!
How can I be happy with that?
Lagi na lang! They say that what they want for me is for my own sake too but it doesn't look like it! Gusto lang nilang umaayon ang aking buhay sa kanilang inaasahan. Gusto nila, lahat ng utos nila ay masusunod.
Pero paano naman ako? I have my own life! May sarili akong pag-iisip at damdamin! I know what's wrong and what's right! Hindi naman ako tanga para ipahamak ang sarili.
Doon na ako bumagsak at nakapaglabas ng mga hinanakit. Kahit anong tanggi ko sa sarili na hindi ko na kailangang ilabas at pahupain na lang, alam kong nasasaktan na rin ako. Kailangan ko ring ilabas ito.
"Alam ko naman ang tama sa mali, Paige. Hindi niyo naman kailangang ulit-ulitin sa akin 'yon." Suminghap ako at nanlalabo ang mata sa luhang nakabara. "I just want to e-experience the things that you do..."
Napalabi ako habang nakayuko. "Gusto ko lang din naman maramdaman 'yung nararamdaman mo kapag kasama mo si Clane. Hindi ba pwede 'yon?"
Inggit na inggit ako sa kaniya dahil kayang-kaya niyang makuha 'yung kasiyahan na gusto niya. She can be in love if she wanted to. She can go out if she wanted to.
Pero ako, kailangan may sinusunod pa. Kailangan may kasunduan pa para lang maging malaya.
"I-i don't have friends like yours. Wala akong kaibigan na pwedeng makasama, Paige. Paano naman ako? I wanted to enjoy too..." Nanginig ang boses ko tsaka na nakipag-unahan ang mga luha ko.
Paano ako kung hindi ko kaya ang sarili ko? Paano ako kung wala namang tutulong sa akin?
"I want to enjoy my life, Paige. Gusto ko ring magkaroon ng kasing sayang buhay mo..." the last thing I said before I felt Paige's arms around me.
Umiyak ako sa kaniya habang magkayakap kami. This is the first time I broke down in front of Paige. This is the first time she witnessed how fragile her sister is.
"I'm sorry..." she whispered as we rest our heads on each other's shoulders.
I don't know how these words came out from me. I didn't know it will hurt like this.
I hurts because the sorrows I unveiled were much more than I thought I have. Hindi ko inaakalang mas malalim pa pala sa naiisip kong nararamdaman ko ang mayroon ako.
It's not that I'm scared to be seen as weak but to be judged as if my feelings weren't valid. To be deprived of the freedom to express what I feel but...
I was wrong. It was that I overlook Paige's worry when in fact, she's the only person who I can really lean on. The only person who knows me truly, by heart and by soul.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All