Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 17
Kinakalkal ko ngayon ang aking closet kung ano ang pwedeng suotin sa aming roadtrip ni Larry.
Kinulit ko siya kagabi bago matulog kung ano ang aming gagawin dahil baka hindi ako makapili ng maayos na isusuot! Paano kung date pala tapos nakashorts at t-shirt lang ako?
"Come on! I'm sure hindi naman ito talaga 'yung surprise, 'di ba?" nangingiti kong sabi habang nasa tainga ang cellphone, kausap siya.
He sighed defeatedly. "Fine... we'll do a roadtrip. That's it. Suprise na ang iba..." aniya sa malambing na boses kaya naman lalong lumawak ang ngisi ko at halos ibaon ang sarili sa kama sa kagustuhang tumili.
The feeling that I have is overflowing. I feel like it's love but I don't want to conclude it early.
I'm contented with just his sweetness and kindness. Even with just his mere presence, I felt complete.
I checked my outfit. I'm wearing black shorts and white tank top. Nagpatong na rin ako ng denim na jacket para naman hindi masyadong lantad ang aking katawan. Malamig panigurado dahil sa hangin and it's Christmas Season!
Tsaka kung lamigin man, pwede naman akong yumakap sa kaniya, hindi ba?
Dala ko ang aking tote bag na may lamang phone, charger, wallet, at extrang damit. Just in case! Baka kasi mainit pala at wala man lang akong pampalit ng damit kung sakaling magpawis.
Bumaba ako sa aking kwarto at dire-diretso nang tumungo sa labas ng bahay dahil nagtext na rin si Larry na nasa labas na siya. Naaninag ko na siyang nakatayo sa labas ng kaniyang sasakyan ngunit nakita lang nang buo nang makalabas na ako sa aming gate.
Larry's wearing a denim oversized cut-off trucker jacket and black khaki shorts. We look like a couple, really!
Hindi man bago ang ngiting salubong sa akin ni Larry, umaalon pa rin ang tiyan ko dahil sa antipasyon na makakasama ko siya ngayong araw. We'll bond, we'll do whatever we want... I can do whatever I want.
"Tara na?" si Larry pagkatapos ng aming malalim na titigan at ngitian.
Marahan akong tumango at pumasok sa kaniyang sasakyan nang pagbuksan niya ako. Sandali ko pang nakitang nag-usap si Larry at ang guard bago umikot para makapasok sa sasakyan.
He started the engine. Sinuot na rin niya ang seatbelt kaya naman ganoon na rin ako.
But when I was about to pull the seatbelt, a cunning demon whispered to me. I smirked before flashing my hopeful face to Larry as I call him.
"It seemed stuck, Lars..." pag-i-inarte ko na ikinalingon niya. Ginalaw kong muli ang hawak na seatbelt at umaktong hindi iyon magalaw.
Kaya naman halos magdiwang ang aking inner demons nang lumapit siya sa akin para siya ang gumawa sa aking seatbelt. His face were inches close to mine and with that distance, his scent is the only thing I can smell from that moment.
Biting my lips as I stare at his beautifully crafted face, I took a small peck on his lips before he could even move away.
He was stunned. Natulala sa aking seatbelt na kaniyang naiyapos na sa akin. Ngumisi ako nang umangat ang tingin niya sa akin na para bang nagulat at naintriga sa aking ginawa.
I kissed him again but this time, it was longer. Magkadampi lamang ang aming mga labi pero lasang-lasa ko ang tamis ng kaniya.
Nang lumayo ako ay nagpigil na ako ng ngiti habang nakatitig sa kaniyang mga mata gulat pa rin.
Tumikhim siya at mabilis na bumalik sa kaniyang pagkakaupo. A smile eventually stretched out of my lips.
"'Wag ka namang nangggugulat..." rinig ko ang paos na sabi ni Larry.
He's so cute!
I pursed my lips and looked at him teasingly. "Oh, sorry? But your lips taste good" pang-aasar ko pa.
Sumibol ang kasiyahan sa aking puso nang makita siyang mamula at tumikhim. Napahalakhak ako. He's affected!
"Baka atakihin ako sa'yo kapag nanghalik ka ulit..." pakikisabay niya sa aming biruan na ikinatawa kong muli.
"I'll make your heart explode, then..." I whispered meaningfully, making sure I'm the only one who could hear it.
Connected ang playlist ni Larry sa sasakyan kaya naman hindi rin kami ganoon katahimik. I don't know where we're going but I just saw us leaving the city at ngayo'y napapaligiran na lamang ng bukirin. Marami ring sasakyan pero madalang kaya naman hindi rin kami naiinip sa mabagal na byahe.
"Why don't we open the windows?" suhestyon ko kay Larry na tumango lamang kaya naman ginawa ko na.
Napatili pa ako dahil sumabog agad ang buhok ko sa lakas ng hangin. Ipinatong ko ang braso sa bintana at pinatong doon ang baba. Nakangiti ko namang sinalubong ang lakas ng hangin habang sinasabayan na rin ang pagsabog ng musika na tumutugtog sa sasakyan.
'Cause you make me feel like I've been locked out of heaven
For too long, for too long
Yeah, you make me feel like I've been locked out of heaven
For too long, for too long
Naramdaman ko ang kamay ni Larry sa aking balikat kaya naman napalingon ako sa kaniya. "You look like a witch, Adi" nahimigan ko ang panunuya sa kaniyang boses na ikinanguso ko lang at dinilaan siya pagkatapos.
Umayos ako ng upo at kumuha ng maiinom na nasa backseat. My mouth felt dry because of the wind. Kailangan na sigurong mabasa ni Larry.
"You know..." pagkatapos kong uminom ay ibinaba ko ang salamin sa visor at tinignan ang sarili. "This will probably one of the best trip I'll have..."
Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon ni Larry at ang pagbagal ng kaniyang pagmamaneho. "Do you like this kind of trips?" he asked.
Nilingon ko siya at tumagilid ang ulo. These kind of trips? Hindi ko naman naranasan 'to. Sure, our family go to vacations pero madalang. Lagi ring busy sa trabaho at hindi rin kami masyadong pinapalabas. Kaya hindi ko rin masasabing hindi ako masaya sa mga iyon pero ang ipinaparamdam sa akin ni Larry na kasiyahan ay iba.
I feel free whenever I'm with him. Para bang siya lang ang nakikita kong paraan para makamit ang gusto kong teenage life. I'm 17 already yet I feel like I'm living a 5 year old's life where everything's limited. Limitadong kasiyahan, limitadong kalayaan.
"Anything with you is worth while so, yeah." sabi ko at nilingon siya. "I like this. I like you"
Matagal bago siya tumango. Kitang-kita ko ang dahilan sa kaniyang pagtitig sa kawalan at paglunok. Tinago ko na lang din ang ngisi at sumabay na lamang sa ingay ng aming pinapatugtog.
We went through a series of mountains. Tuwing madadaan sa gilid ng mga bundok para makita ang kabuuan ng bundok ay hindi ko maiwasang mamangha. I haven't seen this beauty of a nature! Lagi kasi akong tulog kapag bumibyahe pero ngayong si Larry ang kasama ko, hindi ko magawang matulog dahil nag-e-enjoy talaga ako sa aming mga nadadaanan.
"Ang ganda pala ng view kapag bumibyahe" komento ko habang pinipicturan ang aming nadadaanan.
Larry chuckled and hummed. "'Wag ka kasing natutulog sa biyahe. You'll miss the real purpose of a trip..."
Sumang-ayon ako sa kaniyang sinabi. "Tahimik lang kasi si Paige! Kaya mas gusto ko lagi maraming kasama kapag nagta-travel. Like, you guys," sabi ko naman.
"Maingay nga kami. Minsan nga ay muntik pa kaming mabangga noon dahil hindi natigil sa pagtawa si Gab" aniya na sabay naming ikinatawa.
Nakarating kami sa isang tulay kung saan sa ibaba ay isang ilog na mukhang destination spot din. May mga kubo na naroon at ilan ding mga tao na naliligo. The water looks clear and clean. Isama pa ang ganda ng nakapalibot na bundok sa tanawin.
"We'll swim?" tanong ko pagkababa ng sasakyan at dumudungaw na sa ibaba. Nakapatong ang aking bawat braso sa barricade ng tulay at pinagmamasdan ang mga tao sa ibaba.
Lumapit sa akin si Larry. "You want to?"
Ngumuso ako para tantyahin ang mood ng aking katawan. Swim? Kas-swimming lang kahapon!
"A dip? It looks fun..." I trailed off as I look the people beneath us. Nangiti ako nang makitang nagtatawanan na ang mga batang naroon at nagsasabuyan ng malamig na tubig.
Tumungo naman kami roon ni Larry at hindi na nahirapang humanap ng mapapag-parking-an dahil hindi naman marami ang mga tao. Ang mahirap lang ay ang paglalakad dahil puro bato ang aming dinadaanan.
"Hawak ka" Larry lend his arm kaya naman napakapit agad ako roon habang maingat na naglalakad.
Pumunta kami sa kubong nirentahan at hindi na rin nag-ubos ng oras para mag-enjoy. I took off my denim jacket, leaving me with my tank top and black shorts. Hindi na lang din ako magbabasa ng damit dahil wala naman akong pampalit. Iniwan ko rin ang aking shades sa aking ulo dahil hindi naman na katirikan ang araw. Si Larry ay naka-T-shirt na lang din na puti.
Larry and I went to the shallow part of the water. May mga malalaking bato rin na pwedeng upuan o kaya'y hawakan. Unang lapat ng tubig sa aming balat, pareho kaming natawa sa sabay pa naming kilabot sa lamig.
"I'll take a picture..." sabi ko at kinuha ang aking phone.
Lumapit ako sa kaniya and we both took a picture. Both smiling at the camera with the mountain as our background. Kumuha pa kami ng ilang letrato na iba't iba ang post.
Ngayo'y hindi namin maiwasang ang magtawanan habang tinitignan ang mga nakawacky naming picture. Mayroon pa ay parehas kaming nakalabas ang dila at kapwa cross-eyed.
"I'll post this! Mang-i-inggit ako" biro ko at ipinost na iyon sa aking Instagram story.
Kapwa naging photographer na rin kami ng isa't isa. He took good photos of me. Pwede na talaga siyang maging boyfriend.
Sa halos isang oras naming itinagal doon ay kapwa lang kami nagbabasaan nang kaunti o 'di kaya'y pag-uusapan ang ganda ng paligid. I'm surprised that we didn't quarrel. Kalmado lang kaming nag-uusap tungkol sa mga napuntahan na naming mga lugar, ang ganda ng paligid, at ang mga kalokohan ng mga pinsan niya kapag nasa biyahe.
Kalauna'y umalis din kami doon dahil pupunta pa kami sa aming destination mamayang gabi. Nahuhulaan ko na rin ang aming gagawin mamayang gabi dahil na rin sa mga nababanggit ni Larry. He said we'll go an high open spot where we can see the clear sky. Stargazing, I suppose?
Dahil maghahapunan na rin, dumaan muna kami sa isang malapit na fast food chain para magdrive thru. Sa sasakyan na rin kami kumain sa parking lot dahil kung lalabas at bababa pa kami ng sasakyan ay hassle pa.
Habang kumakain ay nahuhuli ko lagi ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Larry. Tataas naman ang aking dalawang kilay para magtanong na iniiling lang niya. Pero ngayon, nagsalita na siya dahil tapos na akong kumain.
"You don't look tired at all..." aniya.
Napatitig naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Expected niya bang mapagod ako? It's not even tiring! I still feel energetic dahil genuine talaga ang saya na nararamdaman ko ngayon. Ni hindi nga kami nagbabangayan eh.
Kinuha ko ang tissue at maingat na nagpunas ng bibig. Tumikhim at tinignan ang sarili sa salamin sa aking harap. "It's because I'm enjoying, Larry."
He smiled at that. Tumango at binuhay na ulit ang sasakyan. I smiled too and fixed my hair. Sinulyapan ko ulit si Larry habang inaabala ang sarili dahil naenganyo akong asarin siya ngayon.
He was about to maneuver the car when I leaned toward him and caught his half-parted lips. Sa sobrang gulat niya ay hindi na siya nakagalaw at nanigas sa kinakuupuan. I closed my eyes as I take that chance to move my lips with his. Dumilat naman ako nang bahagya rin akong lumayo para tignan siya. Ang kamay ko ay namamahinga sa kaniyang hita.
My lips curved a small smile when he got back with himself. I remained leaning against him as I watch his reaction.
I was expecting that he'll scold me again about it pero nagulat ako nang ngumiti siya! Nagkapalit kami ngayon ng reaksyon.
"Nang-a-asar ka na ngayon?" aniya at pinanliitan pa ako ng mata.
Unti-unti namang ngumuso ang aking labi at ngitian siya. "Naasar ka ba?" I asked sweetly.
He shook his head and playfully pushed my forehead. "Ikaw ha, puro ka halik. Maaaksidente tayo..." aniya.
Lumawak lang ang aking ngisi at itinatak sa isipan na mahina si Larry sa halik. Kisses triggers him. I'll take a note of that!
Nakipagkwentuhan ako kay Larry sa biyahe lalo na't hindi rin mawala ang ngiti sa akin labi. He's just so fun to be with! Magaan siya kausap, he's got humor, and he always smiles!
Nakarating kami sa matarik na lugar kung saan may ilang tao rin. I think this is an observatory. Ang mga taong naroon sa open field ay kapwa may mga gamit na telescope.
My heart pumps in excitement and anticipation as I look up. I have a view of all the celestial bodies! The sky is full of stars and the one bright moon is at its fullest!
"I love this!" I whispered and looked behind my shoulder to see Larry. May kasama na siyang isang lalaki na mukha staff ng observatory.
Lumapit sa akin si Larry at iginiya ako kasabay ang lalaki. Napangiti na rin siya nang makita ang pagkinang ng mga mata ko sa tuwa.
"I love this, Larry..." Bulong ko at kumapit sa kaniyang braso. Nginitian niya ako at tuluyan na kaming nakarating sa aming pwesto kung saan naroon na rin ang isang telescope.
Si Larry ang nakipag-usap sa lalaki. Tinuturuan siya sa paggamit ng telescope at sa kung saan itututok iyon. I busied myself by looking around.
The afterglow of the sun radiates behind the mountain ranges from afar. The night sky then took my full attention. The way the stars twinkle and form an imaginary lines to create constellations in my head astonished me. Kahit malamig ang hangin dahil kami'y nasa mataas na lugar, hindi ko iyon ininda dahil umiinit ang puso ko sa aking nakikita.
"Miss?" May tumawag na lalaki sa aking gilid kaya napalingon ako rito.
He's wearing a thick glasses as he gave me a small friendly smile. Nakasuot ng makapal na jacket at may hawak na camera sa kamay.
"You want to take a picture?" He asked.
I nodded eagerly and gave him a smile. Lumayo naman siya nang bahagya sa akin para ayusin ang kaniyang anggulo. Pinapwesto niya ako kung saan nasa likod ko ang naiiwang liwanag ng papalubog na araw.
He told me to pose as if I were looking from afar. Tumango naman ako at pumwesto na siya sa gawing gilid sa likod ko. I heard the shutter click and heard him say "one more". But before I could even hear another shutter, I felt a presence on my left side.
Gulat kong nilingon si Larry na binigyan ako ng isang maliit na ngiti at lumingon sa lalaking kumukuha ng letrato namin. "Kuya, isa pa. Kaming dalawa naman"
Nilingon ko ang lalaki na mukhang gulat din sa presensya ni Larry. Unti-unting tumango tsaka ipinusisyon ang kaniyang pagkuha ng letrato sa amin.
I felt Larry pull me closer to him. My cheeks blushed at his gesture. He looks so possessive! I feel owned by him.
Nang matapos ay nagpasalamat naman ako sa lalaki na sinabi na lamang ang Facebook page kung saan niya i-po-post ang mga pictures.
"Okay na po, Sir. Enjoy po!" Ang staff na lalaki kanina na ngumiti rin sa akin bago umalis.
Tumungo na kami ni Larry sa tabi ng telescope. Pinanood ko siyang i-adjust iyon at tumingin sa hawak niyang parang brochure kung saan naroon ang mga posible naming makita sa night sky.
Nang matapos siya ay sumilip siya roon. Nakita ko pa ang pagngiti niya at natuwa sa nakita. Kalauna'y umangat ang tingin sa akin. "Your turn," aniya at iginiya ako sa harap ng telescope.
Sumilip ako sa eyepiece ng telescope at hindi rin maiwasang mamangha dahil halos kaharap ko lamang ang buwan.
"The moon is so pretty..." Mungkahi at inangatan ng tingin si Larry.
"So are you..." Wala sa sarili niyang sabi na parehas naming ikinatigil.
Napakurap ako. Ganoon din siya tsaka mabilis na binuklat ang hawak na brochure. "Y-you want to see the planets, too?" Aniya at lumapit sa akin para siya ang manguna sa paghahanap doon.
Sumilip siya sa eyepiece ng telescope at bahagyang iginalaw-galaw ang mount na parte ng telescope. Kitang-kita ko kaniyang bahagyang pagkabilasa sa kaniyang paggalaw.
Nagpigil ako ng ngisi dahil sa inasta ni Larry. I'd like to assume that he's falling for me to as I am falling for him. Para pa siyang nahiya sa biglaan niyang pagpuri sa akin.
Lumapit ako sa kaniya at kapwa nakisilip na rin sa kaniyang ginagawa. He continued to fix it until I heard him sigh and removed his eyes from the eyepiece.
I watch his moves with a small smile. Nakatukod ang bawat kamay sa bawat hita habang pinagmamasdan ang kaniyang seryosong mukha na sumilip muli sa eyepiece.
And finally, when he looks up again and faced me, I pushed myself towards him to give him a kiss.
I closed my eyes the moment my lips touches his. Ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib sa ginawa at ang pag-alon ng aking tiyan. His lips taste like my favorite strawberry desserts that I won't get tired of eating.
At ganoon na lamang ang aking pagdilat sa gulat nang gumalaw si Larry. Na para bang bigla akong ginising ng katotohanan. His lips moved onto mine in a very gentle way. Kalauna'y lumayo at pinantay ang aking mga matang unti-unting nanlaki.
He... He kissed back!
He smiled and pinched my nose. Bumalik sa pagsilip sa telescope tsaka nagsalita. "Sabi sa'yo 'wag kang nanghahalik bigla eh. Ikaw tuloy 'tong nagulat ko..."Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All