CHAPTER 16

Inayos na namin ang mga gamit namin sa loob ng villa na aming nirentahan. It was nice and big pero hindi ko pa rin maalis-alis ang simangot sa aking mukha. Wala man lang kasing ginagawa si Larry to ease up my mood! I am obviously upset pero wala siyang ginagawa!
"Hindi pa kita nakikitang ngumiti simula kanina..." Si Kuya Gab nang mapansin ang aking pagkatahimik simula kanina.
Tumutulong ako sa pag-aayos ng mga pagkain namin. Patapos na rin dahil kaming mga babae at si Kuya Gab lang naman ang tumulong. Wala ang magugulong magpipinsan.
"Not in the mood," tangi kong sagot at lumapit na kila Paige para sumama sa dalampasigan.
I'm already wearing a blue two piece under my white beach dress. Hindi ko pa balak magtanggal ng damit dahil wala pa ako sa mood na lumangoy.
Kaya naman imbis na sayangin ang oras na pinunta rito ay ikinalma ko na lang ang isip sa pagpipicture ng paligid. Kami na rin ni Paige ang nagpipicture sa isa't isa dahil kapwa naliligo na rin ang iba.
Paige stopped taking pictures of me. Nagtungo ang mata niya sa aking likod kaya naman napalingon na rin ako.
Topless and eyes on me, Larry went to me with seashells on his hands. Nanatili akong seryosong nakatingin sa kaniya at hindi hinayaang bumaba ang mga mata sa kaniyang katawan.
"Gusto mo?" Lahad niya ng mga seashells sa akin.
Bumaba ang mata ko roon at umakyat muli sa kaniya. I remained serious. "Eh ako, gusto mo?" Hamon ko.
Nagkatitigan kami. Siya'y kalmado ngunit nakita ko ang pagsilip ng gulat sa kaniyang ekspresyon. Ako nama'y matapang na nakipaglaban ng kaseryosohan sa kaniya.
Nang hindi siya nagsalita ay umirap ako at umismid. "You can't even answer because you don't like me" sabi ko habang nakaabang pa rin sa kaniyang boses.
Hindi niya siguro inaakalang kaya kong ibuking ang kaniyang nararamdaman talaga sa akin. He doesn't like me. Kaya nga ayaw niyang tanggapin na maging kami, 'di ba?
Inirapan ko ulit siya at nagsimula nang tumungo kay Kuya Shan na nakahiga sa sand. Ngunit bago pa akong tuluyan makaalis ay nagsalita si Larry.
"I'll talk to your father once we get back home. I'll talk with him about us" he said, making me stop from my track.
Pati ang puso ko ay naramdaman kong tumalon at tumigil sa pagtibok. Kalauna'y kumabog nang malakas na akala mo'y intensyon nitong bingihin ako.
The way he pertain talking about us makes me feel something. It warms my heart and makes me feel... geedy.
I looked at him over my shoulder. Ang kaniyang kakisigan ay kinukuha ang aking atensyon. Isama pa na tinatamaan siya ng mala-gintong sinag ng araw. Amidst my pounding heart and twitching annoyance, I find him extremely hot even by just wearing his calm and hopeful face.
I am definitely not distracted by him. Or so I thought.
"You don't keep words, Larry" bulalas ko kahit na lumipad ang isipan sa kaniyang katawan.
Humalukipkip ako at tumagilid ang ulo. "I don't trust your words" huling kong sabi bago siya tuluyan nang talikuran.
Hindi ako basta-basta makukuha ng salita. Yes, his sweet words sometimes linger in my mind but after being this piqued by him constantly, I know how to handle my feelings. Hindi niya ako makukuha sa mga salita niya dahil nawalan ako ng tiwala sa mga iyon.
I'll only accept his words again once we're together.
Tumabi muna ako kay Kuya Shan na natutulog sa sand. Akala ko nung una ay si Kuya Crane ang nalapitan ko ngunit kasama nga pala ni Euna si Kuya Crane. Siya kasi ang madalas tamad at natutulog.
Broken nga pala si Kuya Shan. Nagagawa mang makipagtawanan sa mga pinsan, kapag naman siya na ang naging puntirya ng pang-aasar ay sisimangot na ulit at mananahimik.
Inaya na ako nila Annie na maligo kaya naman nagtanggal na ako ng damit. Inilagay ko iyon sa tabi ni Kuya Shan. Nang maramdaman na may nakatingin sa akin ay mabilis kong itinagpo ang aking mga mata doon.
I found Larry's eyes. Hindi bumaba sa aking katawan kun'di'y nanatili lang na nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilay at pairap na binawi ang tingin sa kaniya. Tumungo na ako kila Annie at Lomi na kapwa may pinagkakaguluhan na sa mga rock formations.
"Adi--" naputol ang pagtawag muli sa akin ni Lomi nang makita na niya akong papalapit. Ang inosenteng mukha ay nakatitig lang sa akin at mabilis na napamulahan.
He shamelessly scanned my body. Nang magtagpo ulit ang aming mga mata ay mabilis niyang iniwas ang tingin at tumalikod. Nagkunwaring busy sa hinahawakan nila ni Annie.
I smirked inwardly. I forgot how shy my best friend is.
Maingat kami nila Annie dahil madudulas ang mga bato at may matatalim din na parte. Hindi ko na rin napansin na umalis na pala si Lomi at tumungo kila Kuya Gab dahil busy kami ni Annie sa mga hinuhuling maliliit na jelly fish.
"Ate Adi, do you know that Lomi likes you?" Natigil ako sa paglalaro ng jellyfish nang magsalita si Annie.
Namilog ang mata ko at natawa. Bakit ba madalas nilang sabihin na gusto ako ni Lomi? We're bestfriends! Tsaka si Leticia ang gusto ni Lomi.
"We're bestfriends, Annie. Lomi likes someone" sabi ko at nginitian si Annie na nanlaki ang mata at nahihiyang ngumuso.
"I'm sorry, Ate! Mukha kasi eh... He's blushing kanina! You're sexy kasi eh" puri niya pa na ikinatawa ko na lang at napabaling sa gawi nila Kuya Gab nang marinig ang halakhak nito.
Hindi ko na rin mapigilan ang matawa dahil nakabaon na si Lomi sa sand. May buntot ng sirena at may nilagay na umbok si Kuya Gab sa gawing gitna nito.
I made my way to Lomi. Halos hindi na rin siya makahinga kakatawa sa ginawa sa kaniya. Lumuhod ako sa tabi nito kaya naman napunta na sa akin ang tingin niya.
Ngumisi siya sa akin. "Hindi makahinga itlog ko" aniya na ikinahalakhak ko at natatawang tinampal ang kaniyang dibdib na may kumpol na sand.
Sila Annie at Ashy ay naghuhukay na rin ng kanila kaya naman ginaya ko na sila. Humiga ako sa tabi ni Lomi. Si Kuya Gab naman na namumula pa rin kakatawa ay nalipat sa akin ang tingin. I smiled cheekily at him.
"Ako rin!"
Tinignan ko ang lahat at nakitang mga nagkakatuwaan na rin. Sila Clane at Art na iniiba na ang ayos ng buntot ni Lomi. Si Paige naman ay tumabi na rin sa akin at tinampal pa ang hita ko nang makita na ang ayos ko sa harap ng magpipinsan.
"Pati ba ang ulo mo, Adi, lalagyan?" Biro ni Kuya Gab na puno na ng sand ang kamay at handa na ring lagyan ako.
I nodded eagerly ngunit bago pa niya iyon mailagay sa akin ay may tumabig na sa kaniya paalis.
"Paige, humiga ka na rin d'yan" si Larry na ipinahiga si Paige sa tabi ko kung saan naroon na rin si Kuya Gab.
Kumunot ang noo ko sa inasta ni Larry. Sinimulan na rin niyang lagyan ng sand ang katawan ko.
Nanatili ang kyuryoso ngunit irita kong mata sa kaniya. What now? Didikit siya sa akin na akala mo'y wala siyang kasalanan sa akin.
I bit my lips as I watch him seriously put sands on me. Hinihintay na magtagpo ang aming mga mata at nang magtagpo ay nagpigil ako ng ngiti. Itinago ko iyon sa simangot ng aking mukha.
He smiled at me. "Stop avoiding me. Hindi tayo magkakaayos kapag umiiwas ka"
Fine! Gusto naman niya talaga akong amuhin pero lumalayo ako. I just want to test him!
Hindi na rin naman na ako nagreklamo sa kaniyang ginagawa sa akin dahil napuno na rin niya halos ang katawan ko. Nahahawa na rin ako sa halakhakan ng mga magpipinsan at nawawala sa isipan na magkaaway pa nga pala kami ni Larry.
"Put the shells! Lagay mo sa boobs ko" sabi ko kay Larry na nakanguso na at sinunod ang sinabi ko.
Wala sa sarili na rin akong napahalakhak sa sarili. Lomi, Art, and Clane went to me and teased me about the shells. Wala na sa pagkakabaon si Lomi sa sand. Nakalantad sa akin ang nagliliwanag na mga hubad ng itaas ng magpipinsan.
"Sino 'yung princess na may shells na bra?" Si Art na nangunguna sa pang-aasar.
Nang walang sumagot sa kaniya dahil wala rin ang may alam sa amin ay tinawag niya si Annie para tanongin. Annie answered that the mermaid princess was Ariel.
"Ayon! 'Di ba dalawa lang naman boobs no'n? Kay Adi ang dami shells. Marami siguro siyang boobs" biro ni Art na ikinahalakhak namin.
Minsan, hindi ko alam kung normal pa ba ang pagiging matalino ni Art eh. Kuya Shan's a total genius samantalang si Art, weird genius kasi ang mga sinasabi niya'y madalas na mga kalokohan pero may sense naman.
Ganoon na lamang mawala ang tuwa namin at napalitan ng simangot habang pinapanood na lumayo ang banana boat na sakay ng magpipinsan pwera kay Kuya Shan na naiwan kasama kami. Kaya pala nila kami binaon na mga babae para hindi kami makasama!
Pagkabalik din nila ay nagrenta na rin kaming mga babae kasama si Kuya Shan. It was fun and worth a while. Ganito rin naman kami kasaya madalas kapag nag-a-outing ang mga Castor pero iba ang ingay at halakhakan kasama silang buong magpipinsan.
Maggagabi nang magsiligo na rin kami para makapaghanda ng hapunan. They'll set up tables sa baba ng villa. Sa gawing may mga coconut trees na may pailaw na rin. Ako ngayo'y hinihintay si Paige na matapos maligo.
I'm already wearing a white floral mini dress. Nang masilip sa bintana ang ganda ng langit ay lumabas muna ako para makuhanan iyon ng picture.
Nang madaan ako sa sala ay nakita ang ilang tuwalyang nagkalat sa sofa. Napailing na lang ako nang makita ang isang puting tuwalya na may maliit na iron man sa sulok. It's Lomi's.
Binuksan ko ang sliding door na nagdudugtong sa labas. May patio at sa ibaba'y infinity pool. Inangat ko ang phone at binukas ang camera. Bumungad sa akin ang ganda na nakikita ng mga mata ko ngayon.
It's golden hour already. The boats and birds' silhouttes matched the perfect yellowish orange sky. It's always mesmerizing and calming.
Plus how the waves and distance laughters serenade the place. It's quite peaceful.
May narinig akong mga yabag ng paa kaya naman napalingon ako sa aking likod. Bahagya pa akong natigilan nang makita si Larry na nagkukuskos ng buhok at may suot nang isang puting beach shirt at puting khaki shorts. Bearing his fresh-from-the-bath self, he was stunned to see me.
Umawang ang labi na akala mo'y nahigawagaan sa nakita.
I smiled at him. "They're setting up the tables" tukoy ko sa ibang mga kasama.
Marahan siyang tumango habang nasa akin pa rin ang tingin tsaka tinapos na ang pagkuskos sa buhok. Binawi ko naman ang tingin nang maramdaman ang pagkiliti ng sa aking tiyan dahil sa kaniyang malalim na paninitig. His tiniest effects on me doesn't fail to expose my real feelings for him. Napakagwapo naman kasi nito! Even the way he stares at me doesn't fail to make my knees wobble. Para bang siya lang ang lalaking may kakayahang makagawa noon sa akin.
Naramdaman ko ang kaniyang presensya sa aking tabi. Nilingon ko siya at nakitang nakatitig lang din siya sa harap. Pinigilan ko ang nagbabadyang ngiti at tinitigan ang kaniyang side profile. 
Kahit ano talagang anggulo, makikita mo ang kaamuhan niya. Iba ang kagwapuhan niya sa kanilang magpipinsan. They're all handsome differently. Kuya Gab is princely handsome, Kuya Shan looks cruelly handsome because of his sharp eyes, Kuya Crane is coldly handsome, Clane is charmingly handsome, Art is perfectly handsome, and Lomi looks innocently handsome lalo na kapag kalmado at palangiti.
While Larry, he's the only one I see who has different sides of handsomeness. When he's serious, mad, happy, or even calm, I can't describe his handsomeness. Ibang-iba at sa kaniya lang ako nagkaroon ng interes.
"Are you murdering me in your mind?"
Natigil ako sa pagtitig sa kaniya nang marinig ang kaniyang sinabi. Hindi ko maiwasang mangiti na kalauna'y natawang marahan at yumuko.
"You guessed it right" biro ko na ikinabuntong hininga niyang ngumiti.
Sabay kaming bumaling sa harap namin kung saan unti-unti nang nananaig ang dilim sa paligid. I like this feeling with him. Calm and contented. Kapwa sandaling nawala rin ang pangamba at inis na mayroon ako kay Larry. 
"I like this." 
Umangat ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa harap na akala mo'y may tinatanaw na papalayo sa amin.
"I like this feeling... it's calm." humarap siya sa akin. Kapwa kami kalmado sa aming titigan. "I like this feeling with you, Adi. I like what we have right now between us"
The familiar rapid pounding of my heart welcomed me. Hindi ko maiwasang umawang ang labi sa kaniyang sinabi lalo na't nakatatak sa isip ko na ako lang itong may nararamdaman para sa isa't isa. 
"So... you like me?" marahan kong tanong.
"I've always been" sagot niya at namulsa.
Napanguso ako para itago ang ngising nagbabadya pero hindi ko na napigilan. Ibinigay ko na sa kaniya ang aking ngiti at lumapit nang bahagya. "So... tayo na?" 
Matagal siyang napatitig sa akin at kalauna'y marahang tumango. My eyes beamed with his gesture.
He's my boyfriend na!
"Sa atin. But let's wait for you father's approval for us to be official" putol niya sa aking pagyakap sa kaniya.
Kumunot ang noo ko at magsasalita na sana nang unahan niya ko. "We're in a relationship, Adi. For the both of us. I can't stand seeing you sulk and get mad at me."
"But why?" singit ko at bahagyang nainis sa kaniyang minungkahi.
He smiled. "I'm your boyfriend. You're my girlfriend. We'll do whatever we both want. But we're not yet official. I can't break a promise, Adi. It's your dad we're talking about and it's about you."
Kumalma naman ako nang magets na ang gusto niyang mangyari. Pwede naman... as long as I can do whatever I want! 
Nawala na ang kunot ng noo ko at kalmadong napangiti sa kaniya. "I like that. You're my boyfriend..."
He smiled again. "And you're my girlfriend"
It sounds like music to my ear! I'm not just someone's girlfriend. I'm Larry's girlfriend!
Humakbang ako palapit sa kaniya. Nanatili siyang nakapamulsa at nakamasid sa akin. Madilim man ang paligid, maliwanag pa rin siya sa akin dahil sa ilaw mula sa sala at ang mga binuksang ilaw sa paligid.
"This means we can kiss?" bulong ko at hindi na siya hinayaang makaapila nang tumingkad ako at idinampi ang labi sa kaniya.
His soft lips made contact with mine. Walang gumalaw sa aming dalawa. Hinayaan na munang damhin ang kalambutan ng labi ng isa't isa. 
Bahagya ko namang iginalaw ang labi at humiwalay na rin kalaunan. Nakahawak ako sa kaniyang balikat habang unti-unting namutawi ang ngiti sa aking labi. Nasilip ko sa kaniyang kalmadong mukha ang bahagyang gulat sa pagtatagpo ng aming mga labi.
Ngumisi ako at mabilis na dinampian ulit ang labi niya ng halik. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong nakatayo ang aking kapatid kaya naman nilingon ko na ito. Bahagyang gulat sa kaniyang nakita at nang mapunta sa akin ang tingin ay napakurap-kurap na siya.
Natawa naman ako dahil sa katahimikan ng mga kasama ko kaya naman hinatak ko na lang sila patungo sa karamihan.
On our second day, kapwa kami nagsight seeing na lamang. Nagtungo sa mga ibang island at mga ilang magagandang spots sa isla. Marami rin kaming binilang mga produktong dagat doon at ilang mga tindang mga gawa ng mga tao roon.
Narito kami ngayon sa bilihan ng mga souvenirs. Mamayang hapon ay uuwi na rin kami lalo na't two days and one night lang naman itong bakasyon namin dahil magpapasko na rin. 
Nagtitingin-tingin kami nila Paige at Euna ng mga ilang pasabit na shells at mga handmade bags. Kitang-kita rin ang halos pagtitinginan ng mga tao sa amin. Kami ba nama'y may kasamang pitong lalaking naggagwapuhan at maiingay pa.
"I like these windchimes. Pabili pong dalawa" sabi ko sa tindera at tinuro ang nakasabit sa ibabaw ko. 
Tinignan ko ang magpipinsan sa kabilang stall kung saan kapwa mga nagtatawanan habang nasusuot ng mga bag at shades. Kapwa mga umaawra na ikinakatawa na lamang ng mga taong nakatingin sa kanila. Nangunguna si Art at Lomi na may mga bulaklak pang nakasabit sa kanilang leeg.
Nang matapos kaming bayaran ang pinamili ay tumungo kami sa magpipinsan. Sina Annie at Ashy naman ay nasa tabing tindahan kung saan may mga tinitignan nang mga figurines. Mukha silang kambal dahil parehas pang nakafloral na button down shirts at shorts. Pinagkaiba lang ay straight ang buhok ni Annie samantalang kay Ashy ay wavy at brown.
Nilapitan ko si Larry na natatawa nang pinipicture ang mga pinsan. Dumungaw ako sa kaniyang ginagawa at nagkatinginan nang mapunta sa akin ang kaniyang tingin. 
"Malapit na ang birthday ni Art. Maganda 'tong pang-expose sa kaniya" aniya na ikinatawa ko at  binalingan ang mga pinsan na tapos na sa kalokohan at binabayaran na ang mga ginawang kalokohan kanina.
Nang makabalik kami sa villa ay nagpahinga lang kami saglit tsaka nagsimula nang mag-empake ng mga gamit. Kami nang mga babae ang nauna sa labas at nagbantay sa van habang ang mga lalaki ang naglalabas ng mga gamit. Nagpipicture na lang din kaming mga babae. Dahil mga nakafloral dress kami at pare-parehas ding may mga sumbrero ay nagphotoshoot muna kami. 
 Si Ashy at Annie naman ang pinicturan namin na ayaw ding maghiwalay at mga nagloloko ng mukha sa mga picture. These two are literally twins. Magkaiba lang ng pinaglabasang magulang.
Pasalamat ko na rin at ayos na kami ni Larry dahil may masasandalan na ako sa biyahe. Tulog na ang lahat pwera kay Kuya Gab na tahimik na nakikipag-usap kay Kuya Shan habang nagdadrive.
Naramdaman ko ang paghimas ni Larry sa aking ulo na ikinaangat ng tingin ko sa kaniya.
Nakatingin na rin siya sa akin. "Gusto mong lumabas bukas?"
Tumango ako at ipinatong na ang baba sa kaniyang balikat. "Saan?"
He smiled. "It's a surprise"
Ngumuso na lamang ako at tinanguan siya bago bumalik sa pagkakahilig sa kaniya. He's always full of surprises... 

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters