CHAPTER 15

This is just frustrating! He's frustrating! Lahat na lang, pinigilan niya! Why can't he just see that we can be together without anyone's approval! My father's approval!
O dahil nga nangako siya kay Daddy? He's too responsible that he doesn't want to break it.
Pero kahit na iyon ang malinaw sa aking dahilan, ayaw kong panigan dahil hindi ko na problema 'yon. If he wants me, he'll submit to my demands!
Nagkulong ako sa kwarto maghapon. Lalabas lang kapag kakain. Kahit ramdam na ramdam ko ang mga pagtatanong sa tingin ng aking pamilya, hindi ko na lang pinapansin dahil baka may ideya na rin sila kung bakit ako bad mood.
Paniguradong rinig ng mga kasambahay ang aming away kanina.
Naglaro lang din ako dahil nakakabagot sa loob ng kwarto. Ayoko ring walang ginagawa dahil naaalala ko lang ang inis ko kay Larry.
Pinatay ko rin muna ang aking phone dahil ayoko munang magambala dahil baka nangunguna roon ang pangalan ni Larry.
I was in game when I received a chat from Lomi who's also in game. He's inviting for another game which I rejected because after this game, I'll rest na.
Lomi:
Huy, kahit isang game lang!
Me:
I've been playing all day, lomi. Papahinga muna ako
Lomi:
Hindi ka nagsabi. nag open sana ako :((
Hindi na ako nagreply at tuluyan nang pinatay ang aking pc. Tutungo sana ako sa banyo para maligo na rin nang makuha ng pansin ko ang aking phone sa kama. It has been turned off two days ago.
Ayoko mang isipin na baka nanunuyo si Larry ay may parte sa akin na gustong malaman kung gagawin niya nga iyon.
Kaya naman ngayon ay hinihintay kong magbukas ang aking phone. Nang bumungad ang wallpaper ko na picture kong may hawak na bulaklak ay naghintay pa ako nang ilang sandali bago magsync nang tuluyan ang mga network.
Kumunot ang noo ko dahil wala akong nareceive na message mula kay Larry. Mayroon mula kay Lomi, Wincel, at Apple pero wala man lang kay Larry!
Now, what? Sumuko na siya? Wala na siyang pakialam sa akin? Titigil na siya sa panliligaw?
Padabog ko namang binagsak ang phone ko sa kama at padarag na ring tumungo sa banyo para pakalmahin ang hindi-namang-nag-iinit na utak. I hate him more!
Kinabukasan ay lumabas na ako ng kwarto. Inimbitahan ako ni Apple sa birthday ng kaniyang ate sa kanila. Dahil wala naman din akong magawa sa bahay lalo na't si Paige ay lumalabas kasama ang lalaki niya ay lalabas na lang ako.
I'm still not in the mood to talk about it to anyone lalo na kay Paige dahil paniguradong ang iisipin niya ay atat na atat ako! Dahil hindi! It's because I'm already sure about him! Wala naman na akong kailangan pang makita o malaman sa kaniya. Mas makikilala ko pa nga siya kapag kami na!
Bumaba na ako at naabutan pa sila mommy na nag-uusap sa sala. Bahagyang bumagal ang lakad ko dahil nawala sa isipan kong weekend pala at wala silang trabaho.
Kapwa sila magkatabi sa sofa at nakasandal si Mommy kay Daddy. Nang makalapit ay si Mommy ang unang nakapansin sa akin. "You look good. Sa'n ang punta?" Aniya.
Hawak ang paper bag ay inangat ko iyon. "Birthday of a friend" sagot ko at sinulyapan si Daddy na nakatingin sa akin.
Iniwas ko na agad ang tingin at palihim na umirap dahil sa naalalang kasunduan kay Daddy. Nagbago na isip ko. I don't like their agreement. I'll do what I want and they can't stop me.
"Who?" Si Mommy.
Ayan na naman sila sa pag-uusisa kung sino o saan man ako pupunta.
Ngumiti akong bumaling muli sa kaniya at lumapit na. "Apple, Mom"
Kumunot ang noo niya at alam kong ang ibig sabihin na noon ay hindi pa niya narinig ang pangalang iyon.
Wala naman kasi talaga akong pinapakilalang kaibigan kila Mommy. I only have Paige as my friend and my cousins. Wala akong matagal nang naging kaibigan.
Bago pa siya makaapila sa aking pag-alis ay humalik na ako sa kaniyang pisngi at ngumiti. Akmang aalis nang tawagin ako ni Daddy.
"How about me?" Anito na para bang nagtatampo pa.
I just sigh and went to kiss his cheeks. Hinawakan niya pa ang aking braso at hinarap sa kaniyang matang nagtatanong na.
"May nangyari ba sa inyo?" Dad asked.
Tamad lang akong tumango at nagpaalam nang umalis. Huli kong narinig sa kanila bago makalabas ng bahay ay ang pagtatanong ni Mommy kay Daddy kung nag-away ba kaming mag-ama.
Patungo ako sa aming sasakyan nang tumunog ang aking phone. Lomi is calling so I answered it as I open the passenger seat.
"Lomi" bati ko.
"Laro! Hahaha wala naman nang klase" bungad niya.
"Aalis ako" I said boredly.
"Hmm... okay. Mamaya na lang?"
I only hummed. He also hummed again at nakikita ko na sa isipan ang kaniyang pagkakagat ng kaniyang labi na para bang nag-iisip ng susunod suhestyon. "Ah. Nga pala, mahilig ka ba sa loafers?"
Kumunot ang noo ko sa biglaan niyang tanong. Anong trip nitong si Lomi? And loafers?
"Not my style, Lomi" sagot ko nang makabawi.
Nang tanongin naman ako ng driver namin kung saan ang punta ay sinabi ko lang ang address nila Apple tsaka bumalik sa kausap ko ang atensyon.
"Eh? Akala ko bibigay sa'yo ni Kuya. May uwi kasing loafers kahapon eh."
Napairap na lamang ako nang marinig ang pangalan ng kuya niya. "'Yun lang ba, Lomi? Sorry but I'm not in the mood to talk about him..." Tamad kong turan.
Lomi chuckled awkwardly. "H-hindi ba kayo ayos?" He sounds so hopeful.
I hummed. "Yeah, you can say that. Anyways, bye. Aalis na ako" paalam ko.
"Okay! Ingat ka kung sa'n ka man mapadpad" aniya at humalakhak muli.
Nakarating ako kila Apple at bumungad sa akin ang simpleng bahay. Hindi naman ganoon kalayo sa school dahil sa katabing barangay lang din ng school. Tahimik at walang masyadong ingay sa lugar lalo na't tanaw ko na rin sa gawing likod ng bahay ang kabukiran sa paligid.
Bababa na sana ako ng sasakyan nang mapansin ang kaaalis lang na pamilyar na sasakyan. Naningkit ang mata ko para tignan ang plate number kaso hindi ko rin naman alam kung kanino. Lumabas na ako ng sasakyan at nakita agad ang pamilyar na kapatid ni Apple na nasa labas ng gate at tinatanaw paalis ang kaaalis na sasakyan.
I stroll towards her at napansin niya lang ako nang alisin niya ang tingin sa pinanggalingan ng sasakyan at nagulat pa nang makita ako.
I smiled upon seeing Alliyah. She's Apple's sister and she's 2 years older than us. College na rin sa university namin. Morena at katamtaman ang katawan. Hanggang dibdib ang deretsong buhok at nangingibabaw ang kabaitan sa kaniyang mukha.
Mukha siyang hindi makabasag pinggan kung tutuusin.
"A-adhara? Ikaw ang kaibigan ni Apple?" Bati niya habang nasa harap niya ang hawak na paper bag.
I smiled again and went closer to her nang ayain na niya akong pumasok sa kanila. "Happy birthday. Ako nga 'yon." Sagot ko sa kaniyang tanong.
Bumaba ang tingin niya sa aking hawak na ikinabagal ng aming paglalakad. Lumawak agad ang ngisi niya at inangat ang tingin sa akin. "Para sa akin ba 'yan?"
Tumango ako at hinaplos ang sariling buhok. I gave her the paper bag. Nanatili ko siyang pinagmasdan. Nakangisi naman niyang tinanggap ang aking binigay. Para ba siyang tuwang-tuwa sa aking regalo sa kaniya.
Tuluyan naman na kaming pumasok sa kanilang bahay. Dumaan kami sa sala nilang tahimik at patungo sa kusina. Natatanaw ko na ang bukas na pinto kung saan karugtong ng kanilang bakuran.
"Sila Apple pala?" Tanong ko nang maalala ang mga kaibigan.
Ngumisi siya at tumabi sa akin sa paglalakad patungo sa kanilang bakuran. "Nasa labas. Kumakain na" aniya at humagikgik.
Kaya naman nang matagpuan ang mga mata ng mga kaibigan sa isang mesa ay agad nila akong kinawayan at nilapitan. Nilibot ko ang tingin sa paligid at napansing nasa akin pala ang tingin ng mga tao. Mostly ay mga matatanda na kamag-anak siguro nila.
"Ganda mo naman! Ikaw ba ang may birthday?" Si Wincel nang makaupo ako sa mesa nila.
Pinasadahan ko ang aking suot at tumaas ang kilay. I'm just wearing a white puffed sleeves ruffle dress. Wala naman sanang bago o kakaiba sa madalas kong sinusuot kapag umaalis.
"I'm not overdressed" komento ko na ikinangisi lang ni Wincel at iginiya na akong kumuha ng makakain. Sumabay rin sa amin si Apple na nakasimpleng dress din katulad ng suot ng ate niya kanina.
"Damihan mo ang kain, Adi! Madaming hinanda sila mama para kay Ate kaya nag-imbita kami" si Apple na naglalagay na ng iba't ibang klaseng ulam sa aking plato.
Akma niyang lalagyan ng isang shrimp dish ang plato nang pigilan ko siya. "I'm allergic, Apple"
Napansin ko pa ang pagtaas ng kilay ng isang matandang malapit sa amin sa aking sinabi. Nang makabalik naman sa mesa ay sakto ring tumabi sa amin si Alliyah na malaki pa rin ang ngiti hawak ang dalawang paper bag na sa tingin ko'y regalo ko ang isa.
Nakangiti siyang nangalumbaba sa aking tabi. "Salamat sa pagpunta, Adhara! Nag-abala ka pa sa regalo" aniya na ikinangiti ko lamang at nagpatuloy sa pagkain.
Si Apple na tumabi sa ate niya at sinilip ang mga paper bag. "Anong regalo sa'yo ni Adi? Pakita!"
They opened my gift. Kapwa namangha pa sa aking regalong shoulder bag. It's a brown CLN Margarette shoulder bag. It doesn't cost much.
"Ang ganda! Mahal 'yan, noh?" Si Apple na siyang unang sumubok pa noon.
Nagniningning ang mga matang pinagmamasdan ni Alliyah ang kaniyang bag na hawak ng kapatid. Kinuha niya iyon at ibinagay sa kaniyang suot. Kalauna'y inangatan ako ng tingin.
"Ang ganda, Adhara. Salamat ulit" marahan niyang sabi.
Tumango naman ako at uminom ng tubig. Pasimple ko itong tinignan sa aking gilid ng mata. Pinicturan niya ang bag gamit ang kaniyang phone habang nakangisi pa rin.
There really are people who feel the happiest even in smallest things. Makatanggap lang sila ng bagay o regalo ay ikinatutuwa na agad nila. Maybe because I grew up having everything I want. Na hindi na kailangang regaluhan kung sakali mang may gusto ako dahil nakukuha ko naman iyon agad-agad.
I admire simple people. Yet, I also envy them because they feel genuine happiness in little things. I do, too but not as truthful as theirs.
Or ginagawa ko na rin naman but I don't feel them sincerely.
"Eh 'yan naman? Mukhang mahal din ah! Bigay siguro nung manliligaw mo?" Ang panunuya ni Apple sa kaniyang ate ang nakapagpabalik sa aking sarili.
Itinago ni Alliyah ang ngisi. Nahihiya niyang hinaplos ang isang white na paper bag. "Kaibigan na muna..." Si Alliyah na ikinahalakhak ni Wincel at Apple.
"Buksan mo na! Pakita kami!"si Apple na inagaw sa ate niya ang paper bag at inilabas doon ang laman.
"Apple!" Iritang tawag ni Alliyah sa kapatid nang mailabas ang isang pamilyar na gray box.
Tumaas ang isa kilay ko sa pagkagulantang. Isn't that Rothy's? Her friend is a big time, huh.
Humalakhak na lamang si Apple at bumalik sa upuan. "Ayaw pang pakita ang bigay ng manliligaw..."
Alliyah hissed at her sister. Sinensyasan pa niyang huwag maingay dahil maririnig ng iba. "Kaibigan nga muna!" Anito.
Tahimik naman akong tumikhim at uminom ng tubig. Hindi ko naman intensyon na kunin ang atensyon nila pero sabay-sabay pa silang napalingon sa akin.
"Si Adi nga, may manliligaw din! Alfanta pa!" Anunsyo ni Apple na kumuha ng buong atensyon ni Alliyah.
Napairap ako nang banggitin ni Apple iyon. Kaya nga ako lumabas para maalis sa isipan iyon tapos papaalala pa niya!
Well, hindi nga pala nila alam na nag-away kami.
"T-talaga, Adhara?" Si Alliyah na ikinailing ko.
"I shouldn't be a topic here. At 'wag na siya ang pag-usapan. I'm not in the mood" sagot ko na ikinakunot ng noo ni Wincel.
"Nag-away kayo ni Larry? Grabe ka!"
Tumaas ang isa kong kilay. Anong ikina-grabe ko roon?
"I am not at fault." May kaunting bahid ng inis kong sabi.
Dahil hindi naman talaga ako ang may kasalanan. It's all his!
My frown hasn't left my face until Alliyah stopped the two from interrogating me about me and Larry. Para silang mga chismosang kulit nang kulit para lang makakuha ng mapapagchismisan.
"Tigilan niyo na si Adhara. Ayaw nga niyang pag-usapan, 'di ba..." Anito at ngumiti sa akin.
I gave Alliyah a small smile for her concern.
I am not comfortable talking about my whereabouts to other people other than my sister. Kay Paige lang kasi talaga ako nakapaglalabas ng sama ng loob at kung ano mang problema dahil alam kong hindi niya ako babaliktarin.
Night before our Christmas vacation with the Alfantas, I went to Paige to tell her what happened to me. Kung bakit ako bad mood.
Of course, Paige being Paige, pinamukha sa akin na may mali talaga ako na hindi ko lang talaga kayang tanggapin.
Sa hindi malamang dahilan, I feel pathetic. Nagmumukhang ako pa ang naghahabol ng relasyon sa aming dalawa. Na para bang, ako pa ang gumagawa ng paraan para magkaroon ng kami kaysa kay Larry na siyang nanliligaw.
It's because he's slow!
Sila Paige at Clane nga, ang sweet naman nila kahit hindi sila! They can be together even without a label samantalang kami ni Larry, ang sikip pa ng daang patutunguhan!
Sana pala inoffer-an ko na lang si Larry na maging fling. I can kiss! I know how to kiss!
But remembering how gentleman and responsible Larry is, my idea shattered into pieces. Hindi niya magagawang makipagfling-fling.
Kaya naman hindi ko na inalis ang simangot ko kahit na halos magkadikit na ang aming katawan sa upuan. Lumilipad sa aking isipan kung may sumagi na ba sa isipan ni Larry ang pakikipagfling ngunit pilit ko ring inaalis dahil ramdam na ramdam ko ang madalas na pagsulyap niya sa akin.
Kahit ang kagustuhang matulog na lang sa biyahe ay hindi ko magawa. Hindi ako makakasandal kay Paige dahil busy ito sa kaniyang lalaki. At ayokong sumandal kay Larry!
Maingay sila Art at Lomi pero hindi ko rin magawang makisali dahil may katabi akong asungot. Hinahatak ako ng antok kaya hindi ko na napigilan ang pagbasak ng ulo ko paharap na mabilis ko ring ikinaangat ng ulo at napakunot ang noo dahil sumakit ang aking batok dahil doon.
Agad namang napansin ni Larry ang nangyari sa akin. "Inaantok ka. You can sleep on my shoulder..." Suhestyon nito na hindi ko pinansin.
Humalukipkip ako at sumandal na lang sa upuan kahit gustong-gusto nang may mapagpatungan ng ulo ko.
Hindi na rin ako nagtaka kung bakit masakit ang aking leeg. It's a 3 hours drive! Imbis na makatulog na lang ay inis pa rin ako sa katabi ko.
Pagkarating namin sa resort ay amoy ko na agad ang hangin-dagat. Unang bumaba si Larry dahil siya ang tapat ng pinto kaya naman naabangan niya pa akong lumabas.
Hindi ko pinansin ang nilahad niyang kamay sa akin at mag-isang bumaba ng sasakyan. Bahagya rin akong lumayo at tinanaw ang dagat. Katanghalian na rin pero hindi gaanong kasakit sa balat ang init dahil hindi naman katirikan ang araw.
Dahil nga ngalay ako, nag-inat ako ng kamay at ginalaw ang leeg. Larry's presence beside me made me open my eyes and immediately threw him a dagger.
Kalmado ngunit nang-aamo ang kaniyang mukhang nakaharap sa akin. Tinitigan niya lang ako. Hindi ko maiwasang taasan siya ng isang kilay para tanungin ang kaniyang gusto.
"What?" Taray ko.
Umawang ang labi niya at sinara ulit. Nag-iwas ng tingin at maya-maya'y tumikhim. "Sasakit 'yang leeg mo kapag hindi nalunasan. Halika sa villa at may ice pack naman tayo." Aniya at naglahad ng kamay sa akin.
Tinignan ko iyon at kumunot na ang noo. Bakit siya ngayon nang-aamo? Bakit kailangan niyang maglahad ng kamay? Hindi ba ako makakalakad kapag walang nakaakay?
Oh right. He's a gentleman. How I hate that word from now on.
"Oh how nice of you, huh..." Sarkastiko kong turan.
Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita at pairap siyang iniwan ngunit bago pa tuluyang makaalis ay nilingon ko ulit siya.
"Hindi naman 'to sasakit kung hindi dahil sa'yo"
I'm surely not pertaining to my ego.

Book Comment (55)

  • avatar
    PitalokaWidiana

    very good

    16/03

      0
  • avatar
    vso2006

    I really loved it I Will wait for Lomy 😍

    27/07

      0
  • avatar
    AstejadaMelanie

    Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters