Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 14
Now that I know that Cheena will embarrass me on our performance, I have come to my decision to not attend the performance. At kung may dahilan akong mas katanggap-tanggap kaysa sa paglalandi ni Cheena, iyon ay ang pagtrigger ko sa allergies ko.
Oo at nangako na ako sa pamilya at pati na rin sa sarili na hindi ko na iti-trigger pa ang allergies ko but I needed to! Hindi naman ako tanga para umattend sa performance at isiping hindi magagawa iyon ni Cheena dahil masisira ang performance.
I'm sure she'll do anything just to get even!
But of course, I felt regretful about triggering my allergies. Hindi dahil sa ibang tao kun'di dahil kay Paige.
Siya ang naaapektuhan ng mga ka-immature-an kong gawain. Siya ang laging pinapagalitan nila Mommy kapag may nangyayari sa akin na masama. Dapat nga'y ako ang pagalitan dahil ako ang gumagawa! Pero dahil mas nakatatanda si Paige, dapat daw niya akong binabantayan.
This is why I rebel. Mukha ba akong bata para bantayan pa? Hindi naman sana ako gumagawa ng kalokohan kung hindi ako gagawan!
Naguilty tuloy ako kay Paige. Nasaktan siya sa mga sinabi ni Mommy sa kaniya kaya naman hindi na ako nagtaka kung hindi niya ako pansinin sa araw na iyon. Hindi ko dinidibdib ang mga penenermon nila mommy sa akin dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko namang i-handle ang allergies ko. Ang hindi ko kayang tiisin ay ang pagkakadamay ni Paige sa gawain ko.
She's my most treasured person. Kasi sa lahat ng bagay, siya ang sumasalba sa akin. Siya ang tumutulong at mas nakaiintindi sa akin kaya kapag may nagawa ako kay Paige, hindi ko kayang hindi lunasin agad iyon.
Hindi na ako umattend sa performance namin all thanks to my acting. Kaya ngayon, mag-isa ako sa bahay dahil bantay sarado rin. Hindi ako pwedeng lumabas ng bahay. Kahit sa loob ng bahay, banned ako sa kitchen dahil baka makahanap daw ako ng kung anong klaseng seafood. Okay na rin naman ako dahil makapagpapahinga ako sa bahay.
I played online games all day lalo na't wala naman talaga akong gagawin. Hindi ko na rin naman naisipan na ibalita ang nangyari sa akin sa mga kakilala dahil para saan pa? Baka mag-alala lang sila sa akin(sarcasm).
Gabi nang maligo ako. I was blowing my hair dry when I received a call from Larry.
"Where are you? You didn't perform?" bungad niya na tila ba'y kyuryosong kyuryoso sa aking hindi pagdalo.
Napakagat ako ng labi. Paano ko nga ba sasabihin 'to? I triggered myself kasi ipapahiya ako sa performance? Well, it's valid naman na dahilan! My parents are watching at maraming tao. Syempre mapapahiya ako sa kung ano mang gagawin ni Cheena, 'di ba?
"Masakit katawan ko..." I lied ngunit alam kong hindi gagana iyon at uusisain niya pa ako.
"Masakit? Why? May ginawa ka ba kahapon?" Aniya at mukhang katatapos lang ng panonood niya dahil rinig sa background niya ang ingay ng tao.
Kumunot ang noo ko at nawala rin talaga sa isip na manonood nga pala sila. "Nanood ba kayo?"
"Oo, at kasama ko sila Lomi. Hinahanap ka nga pala niya"
I felt bad tuloy! They probably wait for our perforance. Last performance pa naman ang amin at paniguradong simula ng program ay naroon na sila.
"Hindi ko alam na sasakit katawan ko..." sabi ko.
He hummed. "Masakit ba talaga katawan mo? Or may ginawa kang iba?"
Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi. May alam ba siya?
"I asked your dad. You triggered your allergies, Adi"
Natutop lalo ang bibig ko at natakot nang magsalita. Eh bakit kailangan niya pang tanongin kung alam na niya? To test if I'm gonna lie?
"Masakit pala ang katawan huh..." panunuya niya na ikinawala ng pagdududa ko at napanguso na lamang sa sarili.
Ang hilig na niyang mang-asar ngayon! Syempre ako naman itong gusto rin siya, feel na feel ang pang-aasar niya sa akin.
"I'll visit you tomorrow"
Kumunot ang noo ko. Bakit bukas pa? Shouldn't he visit me now to really check if I'm okay?
Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako muli. "You still need rest, Adi. Tsaka nakausap ko naman na ang daddy mo. I told him that I'll visit tomorrow"
Hindi naman na ako umalma at hinayaan na lang siya sa kaniyang desisyon. Hindi naman matagal ang bukas at kaya ko namang maghintay tsaka, we're gonna be lovers tomorrow! I'll just wait for it kahit na sabik na sabik na ako.
Waiting won't hurt, eh?
Kaya naman nang dumating ang kinabukasan ay maaga pa akong nagising dahil sa kagustuhang masulit ang umaga. Since last day of school naman na kahapon, hindi na ako nagtaka kung hindi agad nagising nang maaga si Paige. She's a lazy ass at pagod iyon panigurado kahapon.
Tumungo naman ako sa aking kwarto dala ang hinandang umagahan. Pancakes with strawberries and syrup. Also a hot choco for its complemention. Nagtungo ako sa teresa ng aming kwarto ni Paige at inilapag ang dalang umagahan sa babasaging mesa. I sat on the chair and admire the peaceful morning sky with a smile.
The perfect hue of blue accented with soft white clouds leaves me in awe. I've never appreciate the morning sky just by now. Madalas ay hindi ko naman talaga pinagmamasdan ang langit dahil iniisip kong iisa lang naman ang itsura niya. Asul at simple.
But as I watch the clouds move slowly, I couldn't help myself but to smile. The sky looks peaceful kaya naman siguro madalas gamitin sa mga funeral but aside from that, it's quite mesmerizing. May mag-aakala bang sa tagal ng panahong nandyan ang langit, may pagkakataon pa rin talagang gusto mo na lang itong titigan na para bang unang beses mong nakita.
Naramdaman ko na ito eh. I don't know when or how, but I've felt this. Iyong nasa paligid mo naman na sana, ever since nandyan, pero noong nabigyan mo ng pansin, you can't get enough of just its existence.
You want its possesion and so does to possess them.
That was probably what I have for Larry.
And just as I thought about him, nakuha ng atensyon ko ang sasakyang kadarating. Pag-aabang ko mula teresa, I saw Larry getting out of his car. I waved at him but he didn't see me since he opened the passenger seat and took something.
Humigop ako sa inumin at lumapit para madungaw siya. Nakangiti akong humilig sa railings at ipinatong ang bawat bisig doon. Nakita ko siyang makipag-usap sa guard at nakipagngitian dito nang papasukin siya. May dala siyang paper bag na mukhang pagkain ang laman. Nilibot niya pa ang tingin sa paligid at nang umangat ang mga mata sa akin ay lumawak ang ngiti ko at maliit siyang kinawayan.
"You're early!" Sabi ko at natawa sa kaniyang pagtingala sa akin.
Bahagya niyang inangat ang paperbag na dala. "I bought you strawberry pastries" aniya at ngumiti.
My eyes beamed with excitement and hurriedly went downstairs. Hindi ko na pinansin ang pagkagulat ng isang kasambahay nang makita akong nagmamadaling bumaba ng hagdan at nagtatakbo sa aming pinto. I opened it at bumungad si Larry wearing his friendly smile.
Now that I see him up close, I suddenly felt the sensation I felt earlier with the sky. Admiration and possession.
"Okay ka na?" Bati niya na ikinatango ko at bahagyang isinabit ang buhok na humarang sa aking mukha.
Bumaba ang tingin ko sa dala niya bago siya ngitian. "Let's eat that on our terrace upstairs" anyaya ko sa kaniya na ikinasang-ayon naman niya.
I was smiling shyly as we walk towards the stairs. Pasulyap-sulyap din sa kaniya. Mahuhuli niya naman iyon lagi at ngingiti nang magaan sa akin.
Nang makarating naman kami sa kanina kong pwesto ay inilabas niya agad ang dalang pagkain sa mesa. Hindi ko naman na napagtuonan ng pansin ang hindi ko pa ubos na umagahan dahil sa kaniyang mga dala.
"I immediately worry upon not seeing you on the stage, Adi." Aniya pagkaupo namin at nakatingin na rin sa akin habang nakangiti ko pang pinamamasdan ang samu't saring strawberry pastry products sa aking harapan.
"Did you do it intentionally?"
Inangatan ko na siya ng tingin at tumangong kumain ng isang strawberry turnover. He sighed when he saw how unbothered I was to what happened to me.
It already happened and just like expected, buhay pa naman ako.
"Adi... Alam mo sa sarili mo na masakit umatake ang allergies mo..." Pangangaral niya sa marahang paraan.
Ngumuso ako at kumagat muli sa aking kinakain. Sumabit pa ang kaunting buhok na akma kong tatanggalin nang unahin ako ni Larry.
He leaned and removed the hair from my face. I licked the corner of my lips slowly as I watch him remove it. My heart stammered when his eyes went back to mine and saw how worried his eyes are.
"You know I only do it when I wanted something..." I drawled consciously as I watch his reactions.
Nanatili siyang nakatitig sa akin at kalauna'y bumuntong hininga. "Don't trigger yourself again, hmm?"
Hindi ko iyan maipapangako. Naipangako ko man kay daddy, hindi naman sa kaniya.
Nagkibit-balikat na lang ako at kumuha ng iba namang pastry doon. "So..." I trailed off as I took one small strawberry tart. "What are we now?"
Unti-unti akong napanguso para pagilan ang ngisi. Pinipigilan ko ang sariling maexcite dahil baka masyado akong magmukha sabik sa kaniya! It should be the other way around, noh!
Larry masked his confusion with a smile even though I could really see it. "I wanted to pay you a visit since you got me worried yesterday..."
Natigil ako sa pagsubo ng tart. Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Ang layo naman noon sa gusto kong marinig!
"I triggered myself so I can't perform because I know that Cheena will take revenge..."
Para naman niyang naiintindihan na ang tinutukoy ko dahil sa kaniyang pagbabago ng ekspresyon at pagkawala ng ngisi.
"Remember our deal? Magiging tayo after ng ginawa natin" sabi ko na may diin dahil mukhang nawala pa iyon sa kaniyang isip.
"Oh... That..." He said with hesitance. Tumikhim siya at iniwasan ang mga mata ko.
I felt something fueled in me. Para bang nasindihan na naman ang pagdududa sa kaniyang tunay na pakay talaga sa akin.
"Boyfriend na kita, Larry" I announced.
Mabilis na bumalik ang mga mata niya sa akin na para bang hindi pa siya natuwa roon.
"Adi... Hindi pa--"
What is it again?!
"What?" I said with insult. He immediately shut up when he saw how my brows are already in one line. "You agreed, Larry."
He sighed again. I gritted my teeth. I hate it when he sigh! Na para bang pagod na siya at gusto na lang sumuko sa kung anong hinahangad niya sa akin!
"Larry, you agreed. You have no reason to reject it at all! Bakit ba ayaw mo?" Irita kong sabi.
"Adi, please. We need your father's approval--"
And here he is again. Using my father's agreement when the only approval that matters here is mine!
Hindi ko nagugustuhan ang gustong mangyari ni Daddy para sa akin dahil hindi iyon tumutugma sa aking mga inaasahan! Hindi ko magustuhan ang kaniyang paraan ng dapat na panliligaw ni Larry sa akin!
"Ano? Do you really want to ruin my morning, Larry?"
Hindi siya sumagot. Malungkot lang ang mga matang nakatingin sa akin.
Lumunok ako dahil may namumuong bara sa aking lalamunan. Simula noong pinlano ko 'to kay Cheena, I am expecting na sasang-ayon na ang lahat sa gusto ko. Even that the sole reason why Cheena constantly annoys me is Larry, ginamit ko iyon para makaganti. Because I know that it will stop eventually lalo na kung sasaktan si Cheena nang malalaan.
At makukuha ko rin ang gusto ko kay Larry. Ang magkaroon kami ng relasyon at masimulan nang subukan ang bagay na gusto kong maranasan bilang isang normal na teenager.
Pero kung sino pa mismo ang gusto ko, siya pa ang lumilihis sa gusto ko rin sa kaniya!
May ano ba sa akin para tanggihan niya?!
"Adi..."
"Huwag mo akong ma-Adi-Adi! I've had enough!" Inis kong turan at tumayo na. Ganoon din siya at gusto pa akong pakalmahin gamit ang kaniyang mapang-among mukha.
Tumingala ako sa langit dahil nabasa na rin pala ang mata ko. Suminghap at salubong ang kilay na tinignan si Larry. "Be honest with me. May mali ba sa akin para tanggihan mo?"
With my bitter statement, his lips parted as if he didn't expected that.
Right. I probably sound desperate and pathetic.
"You know how fond I am of you! Alam mong gustong-gusto kong magkarelasyon tayo! Ako na mismo ang natutulak noon! Bakit ba a-ayaw mo?!" I said, frustrated with his unsaid reason.
"It's not that I don't want it, Adi." Kalmado niyang sabi.
"Then what?! Bakit?! Tell me! Nakakainis na maghintay at umasa sa mga salita mo na hindi mo naman tutuparin!"
"Hey..." Lumapit siya at hinawakan ako sa braso dahil gusto ko na talagang sumigaw. "Calm down... Hindi mo kailangang magalit o sumigaw--"
"How can I when you're like this?!" Irita ko namang putol.
Huminga siya nang malakas at hinagod ang bawat braso ko. Inilebel sa akin ang mukha at bumuntong hininga muli. "Firstly, I respect you, Adi. Kaya kita nililigawan para magkakilala tayo. Para makilala mo ako. I also respect your parents. I'm sorry if you don't like my way of courting you but this is how I show you how I want you seriously. Ayokong magpadalos-dalos sa mga bagay na alam kong hindi nakukuha nang isang iglap."
I was about to diffute when he speaks again. "Just because you feel like you like me, ay sasagutin mo na ako. Ayokong magsisi ka na kapag sinagot mo lang ako basta basta. I want to prove myself so please, allow me." He explained.
Suminghot ako ngunit hindi nawala ang kunot sa noo. As much as I don't want to admit it, I don't get it. Kasi bakit pa! Pinapatagal pa ang proseso! I like him and he likes me too! If our feelings with each other deepens, then so be it! Bakit kailangan pa ng kung ano-anong kaartehan kung pwede namang hayaan ang tadhana kung saan kami dalhin! Bakit hindi pa simulan kung doon din naman tutungo!
"I hate you" bulalas ko.
Natigilan siya. Tinanggal ko ang kamay niya sa akin. I gritted my teeth as my eyes continue to glare at him. "I hate how you think you can take me like that"
"I hate how you make me wait for you even though you know how much I can't wait for it"
"Adi, it's not what you think"
Umigting ang panga ko at sawang-sawa na sa kaniyang paulit-ulit na mga salita.
"I hate how you complicate my life! You wanted to please me pero ayaw mo ng gusto kong mangyari! Gusto mong sumusunod ako sa gusto mong mangyari! When it should be the other way around!"
Sandali siyang napatitig sa akin tsaka nagsalita. "I'm sorry,"
I rolled my eyes. Laging sorry! Puro sorry!
Lumunok siya at bumagsak ang balikat. Dinilaan ang ibabang labi at hindi na sigurado kung kaya pa ba akong paamuhin. "I'm sorry if you feel like that. I'm sorry kung naguguluhan ka. I'm sorry if--"
"Just stop! Nakakairita ka na!" Pigil ko sa kung ano pa niyang mga sasabihin.
He's just too much! Sobrang perpekto pa naman niya sa paningin ko pero kung gan'to lang ang gusto niyang mangyari sa amin then I don't want to continue! Lagi na lang akong umaasa na baka umusad na kami! But no!
Para kaming sasakyan na siya mismo ang nagkokontrol. Nakatapak lang sa break at ayaw nang umusad pa!
"I don't like this relationship with you. It's not even fun!" Padabog kong sabi at iniwan siya doon. Pumasok ako sa kwarto at inilock ang sliding door tsaka isinara ang kurtina.
He's just annoying! Masyado siyang tradisyonal na gusto ay lahat dumaan sa mahaba at mala-ginoong paraan! When in the first place, I should be the one to decide! Siya pa ang umaasal nililigawan! I hate him!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All