Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 13
"What the hell is wrong with you!?" Dugtong-kilay kong bulyaw kay Larry habang hinihimas ang kamay na tumama sa coffee table dahil sa aking pagbagsak sa sofa.
He shamelessly pushed me when I kissed him! Akala mo isa akong may nakahahawang sakit sa panlalaki ng mata at gulat niya sa aking ginawa! Na nakuha niya talaga akong itulak nang ganoon kalakas!
He's still wide-eyed. Gulat sa kaniyang nagawa, maingat niya akong nilapitan at inalalayang makaupo nang maayos sa sofa. Ako naman itong hindi pa rin nawawala ang galit sa kaniyang ginawa.
"Are you that scared, Larry? I just kissed you! Bakit mo kailangan akong itulak nang ganoon?! Now, I have a bruise!" Sunod sunod kong pang-iimbyerna sa kaniya.
"Sorry..." Nag-aalala niyang sinuri ang katawan ko at marahang kinuha ang kamay ko para masuri niya. Marahan niyang hinaplos ang aking balat na namumula na at nagsisimula nang magpakita ang resulta ng lakas ng hampas ng kamay ko sa mesa. "Sorry... Nagulat lang ako. Pasensya..." Masuyo niyang sabi tsaka inangat ang tingin sa akin.
Ang inis ay hindi nawala sa akin. Dalawang dahilan: he pushed me when I tried to kiss him and my ego was hurt because he didn't like the kiss!
Kahit na ba biglaan iyon, he's not innocent to not know what to react!
Well, his reaction is enraging!
"Kahit na! It's just a kiss! Bakit kailangan maging ganoon ang reaksyon mo?" Inis kong sabi. Kahit na galit, hinayaan ko naman ang sariling madikit sa kaniya dahil sa kaniyang pagsusuri sa aking kamay.
He sighed, eyes still looking at me. Para niyang hinahanapan ako ng dahilan para gawin iyon kahit na nasa harap naman na mismo niya ang sagot.
"Nagulat ako, Adi. At kausap ko si Lomi nang halikan mo ako. Hindi ko rin inasahan 'yon..." Mataman niyang sabi.
Kahit na umusbong sa akin ang guilt dahil isinisisi ko sa kaniya ang lahat, tinakpan ko iyon dahil gusto kong mabigyang hustisya ang naramdaman ko! It feels like he rejected my kiss! He rejected me again!
Binawi ko ang kamay at nilabanan ang kaniyang kalmadong mga mata ng aking nagdududa. "Really? O dahil ayaw mong gawin ko 'yon? Bakit? For what reason? Bakit hindi mo inaasahan na mahalikan kita? Kasi wala akong alam?" Bawat salita ko ay nilalapit ko ang mukha sa kaniya.
He didn't move, instead, he remained still. Para bang pinapakita niyang kaya niya ako at hindi katatakutan.
He shook his head and hold both of my shoulders firmly but gently. He pushed me a bit so that I could fix my posture. "Adi, alam mong hindi pa tayo para maghalikan"
Akma akong aapila nang marahan niyang idinampi ang hintuturo sa aking labi. I blinked and glanced at it for a second. "It's inappropriate for a person to kiss a person on lips without having romantic relationship with them..." Aniya na para bang mali talaga ako.
Kumunot ang noo ko kahit kalmado na. "Don't you like it when I kiss you? I'm doing the first move!" Rason ko.
Kasi totoo! He hasn't done anything other than being that gentleman suitor of mine. He knows that I like him kaya dapat mag-expect siya na gagawa ako ng paraan para lalo kaming magkalapit.
He smiled. Patagilid niyang isinandal ang katawan sa sofa habang nakatingin pa rin sa akin. "As what I have said, hindi pa tayo"
Hindi pa tayo.
That line hits my nerve again. I gritted my teeth and heard how my inner demons chant that I shouldn't let him manipulate me like that.
He invalidates my feelings. He trampled my ego. I should be the one to manipulate him!
Siya lang naman ang maarte dito eh! Siya ang nagpapatagal ng proseso! Gusto ko nang maranasan magkaboyfriend at itong napili ni Daddy para sa akin, mas maarte pa sa matandang madaming standard sa buhay!
Namungay ang mata ko sa iritadong paraan. "Just tell me that you don't really want me, Larry" walang emosyon kong sabi.
Nawala ang liwanag ng mukha niya at nabahala sa aking sinabi. Tumayo ako at hindi siya hinayaang makaapila.
"Just tell me you don't really want me so I can find someone who's willing to do what I want"
Nagsimula akong umalis sa kaniyang harapan. I felt his panic the moment I said those words. He stood up immediately and pulled my hand. I hissed when he touched my bruised forehand. Masama ko siyang tinignan at siya naman ay napalunok at hinawakan na lang ako sa braso para mapigilan.
"Mali ka, Adi."
Tumaas ang kilay ko. "I can see that you're lying--"
"Gusto kita. Gusto na kitang maging girlfriend pero nangako ako sa Daddy mo na liligawan kita nang tama"
Sa kaniyang sinabi, para niyang nilagyan ng grasa ang pinipigilan kong mabuksan na hawla ng paru-paro sa aking tiyan at tuluyan nang bumukas.
Alam kong lagi akong napangungunahan ng emosyon pero hindi ko hinayaan ang romantiko niyang mga salita na pigilan ako sa gusto kong mangyari.
"Then be my boyfriend already" sinubukan kong tulak sa kaniya.
At gaya ng inasahan kong magiging sagot niya, umiling siya. "Adi--"
I smirked bitterly and removed his hands from mine. "Okay. Stop courting me and I'll find someone--"
"No..." aniya na para bang ayaw niya talaga akong pakawalaan.
Naguluhan man sa kaniyang inakto, nanatili akong nangingibabaw ang otoridad. Binawi ko ang kamay na nasa kaniya at bahagyang tinagilid ang ulo. Seryoso ko siyang tinignan at kahit na sa kaseryosohan kong iyon, hindi siya tinablan. Kalmado lang siyang nakamasid sa akin at tinatantya ang susunod kong gagawin.
"First and foremost, Larry, you hurted me physically." Inangat ko ang kamay sa kaniyang harap. Kinuha niya naman iyon at sinakop ng dalawang kamay habang hinihimas. I remained unbothered with his touch kahit na nanlambot ako sa ginawa niya "Now, I have a bruise. Second, you hurt my ego, too. It's like you rejected my kiss"
I grinned humorlessly. "You always reject me. Gusto mo ba talaga ako?" I didn't mean to sound too bitter but it unconsciously rolled out of my tongue.
Because I really feel bitter about it.
"Adi..." Here he goes again with his mapanuyong "Adi"
Tinitigan ko lang siya. Urging him to give me his reasons, again.
He sighed defeatedly. Yumuko at bahagyang kinagat ang labi bago umangat muli ang ulo sa akin. Tumango at nagpatalo na sa akin. "I'm sorry, then."
Tumaas ang kilay ko. What? He's just sorry?
"This isn't the reason why you were upset earlier but I'm sorry for both. Ngayon at ang kanina. Babawi ako." He said.
Alam kong madali akong magbago ng mood. Laging sa inis pero hindi ko nakakalimutan ang bagay na nakakasira sa akin. Kaya nang maalala ang ginawa sa akin ni Cheena nitong nagdaang araw, gusto kong si Larry ang gumawa ng makasisira sa kaniya dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit naiinis sa akin si Cheena. Hindi rin pwedeng ako ang gumawa dahil lalo akong masisira.
She likes Larry. And in fact that they were friends before and Larry courting me now fueled her reason to make me the bad person here.
"I accept your apology for pushing me earlier. I admit that it was sudden" sabi ko nang hindi pinapakitang binababa ko ang pride.
He smiled. Just like that, I lost in composure!
Bakit siya ngingiti sa gitna ng pagiging seryoso ko!
Tumikhim lang ako at hindi pinakitang apektado ako sa ngiti niya. "Cheena has been getting into my nerves every now and then."
"Okay. What do you want me to do?" He asked casually.
Napangiti ako sa loob ngunit nakatakas iyon dahil nakuha niya ang gusto kong mangyari. Umangat nang bahagya ang sulok ng labi ko. "Date her on our rehearsal. Make sure na aasa siya at masisira siya. Tell her you're going to date her but you'll not. You'll dump her" I said, eventually felt satisfied by just imagining it.
I can almost taste his hesitation in the way his brows furrowed and eyed me unsurely. "On your rehearsal? It'll ruin your dance, Adi"
Like I care? Lagi niyang sinisira ang sayaw at ang mood ko kapag nagpapractice! Kaya bakit hindi siya ang palabasin kong masama at iresponsable?
"I can manage, Larry. Hindi ba't gusto mong bumawi? Why are you complaining now?" Binahiran ko ng inis ang boses para tuluyan kong mamanipula ang kaniyang damdamin.
And just like that, he nodded and agreed on what I want in exchange para hindi ko siya patigilin sa panliligaw. I suddenly felt loved. Does he really like me that much that he'll do whatever I want? Ang saya naman pala talaga niyang manliligaw.
Grabe nga naman ang hina ng mga babae sa lalaking gusto nila. Just a few words, kakagat at kakagat agad sa mga salita ng lalaki. Hindi man lang nila inisip kung nanggago lang ba ito o pinapaasa sila.
Holding Larry's phone in one hand while my other is on my chin, supporting my already grinning face. Nasa ibang café ngayon after class at katatapos lang din ng practice ko. Hindi kami tumungo sa café nila Kuya Gab dahil naroon si Kuya Shan na nakasumpong. He's been in a bad mood. Rinig ko'y iniwan daw ng higschool na crush niya.
Sabi nila Clane, ang kababata raw nila ang crush ni Kuya Shan. Hindi ko inasahang nagkakacrush si Kuya Shan sa mas bata sa kaniya. I don't know what to believe dahil tumatawa si Clane noong kinukwento niya iyon. Madalas din kasi nilang asarin si Kuya Shan.
Binasa ko ang text ni Larry at Cheena nang nakangisi dahil akala mo'y uhaw sa date si Cheena.
Larry:
Hello, Cheena. May gagawin ka sa Tuesday? Kinda want to treat you a lunch since we haven't kept in touch since then.
Cheena:
Oh! Hi, Larry! Sure, I would like to! Wala naman akong gagawin sa araw na iyon haha. You know, hindi naman ako busy. I'm always free for dates! Haha <3
Naramdaman ko ang paglapit ni Larry sa akin kaya nilingon ko siya. He shook his head at me then gave me a strawberry macaroon. "Kayong girls talaga..." nanunuya niyang sabi na ikinangisi ko at kinagatan ang strawberry macaroon.
"Girls take revenge, Larry. Lalo na kapag kami ang dinadamay. Hindi naman kami obvious gumalaw. We avenge secretly. At ang pinakaayaw namin ay ang patagong umaatake that's why I do it" sabi ko.
He hid his smile by pursing his lips. "Daming drama ng girls..." patuloy niyang panunuya kaya napanguso na ako.
"We're not, no! Nakakainis kasi kaya 'yung mga ganoon... malalandi..." binulong ang huling sinabi dahil nandidiri ako doon.
He chuckled and pats my head. "Just kidding. If it makes you feel good then, I'm also good with it" he said sweetly making me blush and sip on my drink with a pounding heart. Larry is really great at making me feel so weak with his heartful words!
Kinabukasan ay nagpasama akong bumili ng gagamitin kong damit sa performance. Pinag-usapan na sa meeting ang aming style kaya naman sari-sarili na kaming bili. Inaya rin ako ni Paige dahil bibili siya ng kaniya pero hindi ako sumama. Mas gusto kong kasama si Larry! Maiinggit lang ako sa kanilang dalawa kung sakali...
Kaya naman ngayon ay nasa isang pizza place na kami para kumain. Hindi naman na ako nagtagal sa pagbili dahil kung ano lang naman ang kailangan ko ang bibilhin ko.
Sa likod ng isip ko, ayaw ko na lang umattend ng performance. Kasi iniisip ko pa lang ang itsura ni Cheena sa performance na broken ay napapahagalpak na ako ng tawa. Para bang kahit anong tulak ko sa isipan ay matatawa ako at paniguradong ako ang pagbibintangan niyang nagpaiyak sa kaniya.
"Excited si Lomi sa performance mo" ani Larry habang nasa counter kami para umorder.
I chuckled. Simula noong nalaman ni Lomi na may performance kami, hindi na siya tumigil sa kakatanong kung ano ang mangyayari. Ang sabi ko na lang ay pumunta siya para mapanood niya. And speaking of him, madalang ko na siyang makasama dahil na rin naging busy ako.
Naririnig ko naman kina Clane na mukhang magkalapit na sila ni Leticia. Sila na siguro! Tinanggap na siguro ni Leticia ang love letter ni Lomi.
"Sana dalhin niya si Leticia! Hindi ko pa 'yon nakikita at nakakausap. I want to tease her about Lomi's love letter eh" sabi ko at natawa sa sarili.
Sandali pang napatitig sa akin si Larry bago kami sabay na napabaling sa dalawang lumapit sa amin.
I groaned inwardly. Bakit ba natutunton kami ng dalawang maharot na 'to?
I told Paige about my deal with Larry and being the supportive sister she is, she wants it to be done perfectly and will leave Cheena heart broken. Hindi ko rin naman tinago iyon sa kaniya at mukhang alam na rin ng kaniyang kaharutan dahil sa pang-aasar nila sa amin.
"Pero syempre, susunod pa rin sa utos..." Bulong ni Larry tsaka ako nilingon.
I remained calm but my mind is already celebrating. I smirked inwardly after.
Men are also same with women when it comes to love. Mahina at magpapakumbaba para lang masunod ang gusto ng kanilang gustong babae. Wala silang karapatan na tumanggi dahil alam nilang ang kapalit noon ay ang pagtanggi rin ng kanilang babae.
Tuesday nang good mood akong umattend ng rehearsal namin. Nakasandal ako pader sa girls' room habang ang mga kamember ko ay nagpapalit na ng damit. Tamad kong pinasadahan ang sarili at napanguso sa suot.
Sanay naman na sana ako sa mga gantong damit pero I'm not in the mood today. Good mood man dahil napuyat ako sa kakakwentuhan namin ni Larry kagabi, napapaisip akong huwag na lang sumali sa performance.
Hindi ako tanga para hindi mag-isip ng maaaring mangyari sa performance namin kung sakali mang magkita kami ni Cheena. She knows Larry is courting me and he asked her for a date. Syempre, ako ang una niyang pagbubuntungan ng galit dahil hindi siya sisiputin ni Larry.
Napapikit ako at sinampal ang sarili sa isipan. Bakit nga ba date pa ang naisip kong pangganti kay Cheena? Pwede namang iba!
Well, right. Kaya siya naiinis sa'kin dahil kay Larry. He's got to be the reason for all of these.
Nagrehearse naman kami at ngayon ko lang nakitang maging ganito kagalit si Kuya Gian. He really hates irresponsible people and seeing how Cheena's friends quiver in fear when Kuya Gian asked where she is.
Ganoon lang din nawala ang pag-iisip kong katamaran kanina sa rehearsal nang salubungin ako ni Larry sa labas ng school. I even waved my hand and he did the same.
I excitedly went to him. "So how was it?"
Tumaas ang isa niyang kilay at nakita ko pa amg pagsilip ng guilt sa kaniyang mata. "Paano ko malalaman eh nasa klase ako?" Aniya at ngumiti.
Ah. This is satifying already!
Sumakay kami sa sasakyan niya at doon na namin pinag-usapan ang aking saloobin. The wicked smile remained on my face on our way to some restaurant to celebrate our sucess.
"Sa tingin mo, umiiyak kaya siya kasi hindi mo siya sinipot?" Nakangisi kong turan.
Larry shook his head and gave me a small, forced smile. "Hindi ko alam..."
I laughed at Larry's uneasiness. Nawala sa isip kong mabait nga pala si Larry at gentleman. Siguro kinakain na 'to ng konsensya dahil sa ginawa niya kay Cheena.
"Ah... You're such an angel, Lars..." Malambing kong sabi at sumandal sa upuan. Sinulyapan ko siya at nakitang nakatitig lang siya sa daan.
Ngumuso ako at humalukipkip. "You feel bad?"
Sinulyapan niya ako nang isang beses at bumuntong hininga. "I mean... she's a friend..."
Tumaas ang isa kong kilay. "She likes you" may bahid na inis kong sabi.
"Well, yeah... hayaan na nga" aniya ngunit hindi ako natuwa sa kaniyang pagiging maawain sa aming ginawa kay Cheena.
"You'll get my yes naman ah?" Sabi ko na ikinatango na lang niya at hindi na lang nagsalita.
Hinayaan ko na lang siya at ninamnam ang kaginhawaang nararamdaman dahil nakaganti na ako kay Cheena. Nakokonsensya lang si Larry dahil mabait siya at hindi siya ganoon talaga sa babae. He'll get over it eventually.
Mabuti naman at mukhang ayos na si Larry nang makarating kami sa restaurant. Or magaling lang siyang magpanggap.
Pagkapasok na pagkapasok sa restaurant ay nilibot ko agad ang paligid. Namutawi ang ngiti sa labi nang maramdaman agad ang kakaibang ambiance ng restaurant. It's so romantic! Ang malambot na tinig ng violins, small chatters, and the warm fluorescent light that envelops the whole place.
Ang paglilibot ng tingin ko ay natigil nang matapatan ang isang matang namumula at ngayo'y unti-unting umukit ang galit nang makita ang kasama ko. Umawang ang labi ko at napakunot ang noo dahil halos apat na oras na ang tinagal nang ayain siya ni Larry na mag-lunch.
She stayed here for almost 4 hours?! Ang tanga nga naman.
Mabibigat at ramdam ko ang galit sa kaniyang paglapit sa amin. She looks like she's about to cry but masked it with anger.
I smiled at her. Baka sakaling gumaan ang loob sa mala-anghel kong ngiti.
Mukhang hindi napansin ni Larry si Cheena at nagawa pa akong igaya sa pag-upo. Ganoon na lang din ang paglingon niya sa bagong lapit na si Cheena.
"Cheena..." Si Larry na lumunok nang nakatingin dito ngunit si Cheena'y busy sa pagbibigay sa akin ng mga nakamamatay na tingin.
"Larry's supposed to date me! Bakit ikaw ang nandito?" Nanginginig ang boses niyang sabi.
I laughed elegantly to trigger her more. "May date kayo? When? 4 hours ago?" Unti-unti akong ngumisi.
Nagkuyom ang kamay ni Cheena. I heard Larry's call but I didn't give him a glance. I'm busy watching Cheena lose her composure and cool.
"Malandi ka..." Galit niyang bulong, siguro'y nahihiya ring gumawa ng gulo.
I innocently shoot my brows up. "Speaking to yourself? Baka nakakalimutan mong manliligaw ko si Larry? Kaya bakit ikaw ang ide-date?" Lalo kong binahiran ng ka-anghelan ang boses.
Hindi naman siya nakasagot at naiiyak na lang na kinagat ang labi. Nilingon na niya si Larry na pinangunahan siyang magsalita.
"Sorry," si Larry na palihim kong ikina-irap. Hindi niya talaga matiis maging masama man lang kahit minsan?
Nilingon ulit ako ni Cheena at nag-iwan ng salita sa akin bago umiiyak na umalis.
"Ipapahiya kita sa performance" aniya.
I expected this already. Ayos lang sa akin na masira ang performance namin basta't nasira ko rin siya.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All