Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 12
"Oh, Adi. You look prettier today" bati ni Mommy sa akin nang bumaba ako para magbreakfast.
I smiled sweetly to mom and kissed her cheeks. "Nothing's new, Mommy" sabi ko at humagikgik.
Ang malumanay naman nitong mata ay nanatiling nakatitig sa akin at nailing. Umupo naman ako at tinignan ang phone kung mayroon ba akong natanggap na text mula kay Larry. Nangiti naman ako nang mabasa ang kaniyang text sa aking lockscreen na "Good Morning".
"Where's Paige, Adi?" Si Mommy na kunot na ang noo ngunit nawala rin nang dumating ang kaniyang hinahanap kasabay si Daddy.
We ate peacefully and bid our goodbyes after. Sa sasakyan ay palaisipan sa akin ang maaaring reaksyon ni Larry sa aking gagawin.
The reason why I put extra effort on my look today. I put a small amount of blush on my cheeks and lipstick on my lips so I look more fresh. I changed the way I parted my hair and used a sweet lovely perfume so I totally ama perfect sweet girl.
I'll also be extra sweet to Larry too! Naisip ko kagabi, I am too naggy to him. I almost complain every move of him or even his friendliness to others.
He is very friendly. Dapat kong itatak sa isipan iyan ngunit lagi akong napapangunahan ng bad energies. Na baka may kalandian na siya sa mga kaibigan niya lang o may tinatago lang siya sa akin na relasyon.
"Hindi mo ako hinintay..."
Nagpigil ako ng ngiti. "Sorry... Sumabay na kasi kay Dad eh. You know, gusto niya laging siya ang naghahatid sa amin tuwing Monday..."
Umawang ang labi niya na kalauna'y nangiti at napakamot pa ng ulo. "Ah, oo nga pala. I forgot..." He then gave me a small smile.
I smiled sweetly at him too. Hindi niya ba napapansin na may kakaiba sa akin? I look extra prettier today!
Holding my arm, I took a step closer to him para naman mapansin niya kung may bago ba sa akin. He remained giving me a smile and tilted his head afterwards to ask if I need something.
"Do you... Need something?"
Biglang nawala ang saya sa mukha ko. Ano ba naman 'to! Can't he take the hint? I want him to compliment me!
"Wala ka bang napansin sa ayos ko?" May halo kong inis na sabi.
Napakurap siya at mabilis na pinasadahan ng tingin ang itsura ko. He gave me a teasing smile. "I didn't realise that you changed your style today..."
Aapila sana ako nang magsalita ulit siya.
"You always look beautiful to me."
I blushed furiously and I didn't hide it from him. Natawa siya sa naging reaksyon ko at hinawakan ang aking braso.
"Baka malate ka. Pasok ka na" aniya na wala sa sarili ko namang ikinatango at tumalikod sa kaniya.
I bit my lips as I walked away. Pasimple akong lumingon at nakitang nakatanaw pa rin siya sa akin. Kumaway siya tsaka tumalikod na rin.
Lagi kong nakakalimutan na Larry is always full of surprises! Mostly with his compliments. Una'y mang-aasar pero pakikiligin ka naman pala!
At least napansin niya ang effort ko!
Dumoble naman ang aking pagkagalak dahil kahit ang mga kaklase ko ay binati ako sa aking ayos. Being the "Friendly and Nice Riguella", of course I thanked them nicely. Kung ang kapatid ko ang sabihan ng "maganda" ay baka mangamatay na ang mga tao sa sama ng tingin nito. Pabebe iyon eh.
"Adhara, talaga bang kayo na noong isang Alfanta?" Isa sa mga kaklase kong lalaki na ngayo'y nagpapacute sa akin.
Kahit mukhang alimango, nginitian ko ito. "Almost! He's still courting me"
Ngumisi ito na para bang isang kahinaan ang sinabi ko. "Hina naman niya pala!" Mayabang nitong turan na ikinakantyaw ng mga kaibigan niya.
Nailing na lamang ako at kinuha ang mga gamit dahil magpapractice na kami. Ngunit bago ako makaalis sa classroom ay tinawag ulit ako ng lalaking kausap ko kanina.
"Adhara, kapag ako manliligaw mo, masasagot mo ako agad" anito at kumindat pa sa akin.
Kasuka.
Ngumiti ako nang matamis at peke. "Buti na lang at hindi" sabi ko at tumalikod para umalis.
Nagpalit ako sa girls' room tsaka dumaan sa room nila Paige at nakitang nagliligpit na rin sila. Unang lumabas si Art na nakangisi na at mukhang may pupuntahan nang harangin ko ito.
Nanlaki ang mata niy at nakangising umakbay sa'kin. "Balita ko nililigawan ka ni Larry?" Nang-aasar niyang sabi sa akin.
I nodded and smiled cheekily. "Gusto ko na ngang sagutin eh..."
Humalakhak si Art at tinapik ang aking balikat. "Bawal pa sabi ni Tito! Sige, maiwan ko na ikaw sa ate mo at pinsan kong mahaharot. Sunduin ko pa bebe ko!"
He skipped happily away from me. Nailing na lamang ako sa inasta ng pinsan. He's madly in love with Alliana. Hindi na rin nakakagulat dahil ang ganda naman talaga nito at mabait din. Tahimik man pero nakakausap pa.
After Paige and Clane changed into their practice clothes, tumungo na rin kami sa gym kung saan magpapractice. Maaga pa naman kami nang 30 minutes kaya inubos muna namin ang oras sa pakikipag-usap sa ibang mga kasama sa sayaw. Hindi na bago kung ako lang ang makipagbidahan sa iba dahil ang dalawa kong kasama ay naroon na pinakataas na bleachers at may kung anong pinag-uusapan.
"Hindi ba't tita mo si Sarah Riguella?"
Bahagyang tumaas ang kilay ko dahil sa gulat. "Oo... buti at kilala mo, Judith?"
Alangan itong natawa at ngumiti sa akin kalaunan. "Kilala kasi ni Papa iyon. Crush niya noong araw..." nahihiya nitong banggit.
Nangiti naman ako at tinanong kung anong pangalan ng kaniyang ama. Greeco Romero. Hindi pamilyar kaya naman kapag umuwi na lang si Tita Sarah ay sa kaniya ko ito itatanong.
Nakakapanghinayang nga ang mga manliligaw ni Tita Sarah. Ang daming naghahabol sa kaniya kahit sa edad niya nito. Madalas kong marinig kina Mommy na halos ang mga katrabaho niya sa firm ay may gusto sa kaniya. Kahit nga ang ilang mga artistang napapanood ko sa TV ay nagpapahayag ng kanilang mga paghanga kay Tita.
Pero ni isa sa kanila ay walang inentertain si Tita. Wala rin naman akong alam na naging karelasyon ni Tita dahil wala naman siyang nababanggit. Baka tumanda na lang na dalaga.
Sa gitna ng pag-uusap namin ay nakareceive ako ng text kay Larry na nasa school siya. Nagpaalam naman ako sa mga kasama at sinabing may pupuntahan lang saglit sa labas.
I immediately smiled upon seeing Larry with a bottle of water. Sinalubong niya ako at binigay sa akin iyon.
"Pinabibigay ni Lomi" aniya na ikinatigil ko at napakurap.
"Ni Lomi?"
Tumango siya at ngumiti. "Nalaman niyang may ipeperform pala kayo sa Thursday. Manonood daw siya"
"So... hindi galing sa'yo 'to?" sabi ko ngunit hindi inasahan ang lungkot sa boses.
I mean, hindi naman sana big deal 'to. It's just a bottle of water at galing din naman kay Lomi. Ang bestfriend ko.
"Sa'kin. Ako bumili eh" natatawa niyang sabi. Ngumuso ako at tinignan ang water bottle sa kamay ko.
Be sweet to him, Adhara! Kulang ka sa kasweetan eh!
Tumikhim ako. "Well--"
"Same time ang tapos niyo mamaya?" bigla siyang nagsalita. Tumango ako at tinitigan siya.
Tumango-tango siya at napatingin sa kaniyang relo. "Balik na ako. After class ay didiretso agad ako dito. Kain tayo sa labas"
My energy immediately pumped up and nodded eagerly. For the nth time, he smiled and waved at me. Ngumiti naman ako nang malaki at kumaway na rin sa kaniya.
Tama ang timing niya na mag-aya mamaya! We'll have more time to bond and I'll get the chance to initiate my plan.
I read this article last night and it states the things you can do to your man to make them fall over heels for you. Pumili lamang ako ng isa na alam kong kaya kong gawin. Simple at panigurado akong magagawa rin niya sa akin.
I'll kiss him. Not a peck but torrid! At syempre, wala akong alam sa ganoon kaya nagsearch na rin ako. It was a tutorial and I think it's easy once you do it right. Ayaw ko namang kay Paige magpaturo ulit. Sure, nabibidahan niya ako dati pero nang malaman niya noon na nakipaghalikan ako sa isa kong kaklase ay pinagbawalan niya ako. Baka raw kasi kung kani-kanino na lang ako makipaghalikan.
At syempre, nakalimutan ko na kung paano! Kaya naghanap na lang ako ng tutorial.
Nagsimula ang aming practice nang maganda ang mood ko. Ngunit panandaliang nawala sa isip ko na may asungot nga pala sa paligid ko na talagang walang ibang ibig gawin kundi bwisitin ako at pag-initan.
Gusto kong murahin si Cheena talaga pero pinigilan ko. Imbis na ako ang panigan ay baka magmukha lang akong defensive kahit wala naman akong kasalanan.
Kasalanan ko bang makupad siyang lumipat ng pwesto? Kasing bagal niya ang higad!
"Ang tanga mo, Cheena. Wala ka sa timing, tanga" I gritted my teeth. Nagsukatan lamang kami ng masamang tinginan. Ganoon na lang din ang pag-init lalo ng ulo ko nang itulak niya ako sanhi ng pagkabagsak ko.
"You fucker..." I silently muttered and was about to stand up when Clane held my arm and help me to stand.
Si Paige ay lumapit na sa gawi namin na nag-uusok na rin ang ilong. Hindi ko naman nabigyang pansin si Clane na may sinasabi sa akin na kung ano dahil abala ako sa pagpatay kay Cheena sa aking isip.
Cheena smirked at me. My eyes heated with anger. I don't want to hurt her physically but the way she pushed me want me to do that to her too.
I keep all the anger to myself. Tahimik kong iniisa isa si Cheena sa aking isipan na kahit ang pagpapakalma ng dalawa kong kasama ay hindi tumatabla.
Ano bang gustong mangyari ng impaktang 'to? Gusto niya ba ng pisikalan dahil mahina siya sa salitaan? This bitch.
Tahimik ako nang matapos ang practice. Pinipilit kong ikalma ang sarili dahil kapag napuno ako ay baka hindi na ako makapagpigil at ingudngod si Cheena sa loob ng speaker.
Nagpaadaan ako sa driver namin na dumaan muna sa café. Mag-isa ako dahil may pupuntahan pa sina Paige at Clane. Bitterness crept into me. If only I have someone who can console me!
"Adi... Hindi mo na naman ako hinintay"
Mabilis kong tinapunan ng tingin ang lalaking lumapit sa akin at kumalma nang makitang si Larry iyon. Napansin niyang wala ako sa mood dahil sa bahagya niyang pagkagulantang sa ginawa ko.
Sumandal ako sa sofa at humalukipkip.
"May nangyari ba?" Sinilip niya ang mukha ko.
Napatitig ako sa kaniya. He's the only reason why Cheena is this mad at me. Kahit na sinabi na rin naman ni Larry na wala namang namamagitan sa kanila ay nananaig ang kagustuhan kong makaganti kay Cheena at pag-isipan sila ng iba.
Ngunit bago ko pa matuloy ang iniisip ay tinawag na ang aking pangalan. Nagtungo ako sa counter nang nakasunod lang ang tingin sa akin ni Larry. I was about to go out when Larry held my arm.
"Tara sa taas..." Aniya sa malumanay na boses at marahan akong sinama sa kaniya. Nagpatianod lang ako at ang kinikimkim na galit kanina ay agad kong nailabas nang makaupo kami sa sofa.
"Ano mo si Cheena?" Malamig kong turan at ang mga mata'y hinahanap na ang maaaring maisagot sa kaniyang natigilang mukha.
Ex girlfriend? Girlfriend? Fling?
"Wala. May ginawa na naman ba?" Nag-aalala niyang tanong.
I gritted my teeth. Padabog akong sumandal sa headrest ng sofa at inalala ang nangyari kanina.
Napagalitan din kami kanina nila Kuya Gian dahil hindi na naayos ang part namin na iyon. Nabuo na namin ang lahat at nililinis na lang ang mga galaw. Pero panira talaga si Cheena na ipinagpipilitang tama siya kahit hindi naman!
"Fucking bitch..." Irita kong bulong at inangat ang mga paa para mag-indian sit. Itinukod ko ang bawat siko sa aking hita at hinawakan ang sintido.
Lagi na lang nasisira ang araw ko dahil sa babaeng iyon! Kung hindi ba naman siya kalahating tanga at bruha.
"You okay?"
Mabilis kong tinapunan ng masamang tingin si Larry na tumagilid pa ang ulo para mapagmasdan ako.
"I am not okay! Naiinis ako!" Bulyaw ko. Tumango-tango siya na para bang naiintindihan niya iyon at lumapit pa ng upo sa akin.
"Okay. Anong kinakagalit mo?" He asked gently na para bang ayaw na niyang makadagdag pa sa inis ko.
Ngunit lalo lang akong nairita dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako ganito.
"Naiinis din ako sa'yo!"
Humarap ako sa kaniya at tinulak ang balikat niya. "I am obviously grumpy! Tatanongin mo pa! Why don't you comfort me?!"
Umawang ang labi niya na para bang hindi niya inaasahan ang aking pagsabog.
Tinulak ko ulit ang balikat niya. "You! If only you accept my yes for you, edi sana tayo na!"
"Adi, ilang linggo pa lang kitang nililigawan--" pinutol ko ang malumanay niyang boses at tinabig ang kamay niyang akmang hahawakan ang akin.
"Eh ano naman kung gusto na kitang sagutin kita? Bakit parang ayaw mo pa? May karelasyon ka ba, ha?!"
Kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko. I huffed and rolled my eyes as I fix my sit.
"Alam mo namang gusto ko na makilala mo pa ako, Adi."
"Oh really? Kilala naman na kita! Ano pa bang hindi mo napapakita na dapat kong makita para sagutin kita?!"
Umiling lang si Larry at patuloy na inalo ako. Kalmado lang ang boses at hindi sinasabayan ang pagtataas ng boses ko sa kaniya.
"Calm down first. Wala akong kung anong relasyon kay Cheena kung 'yon ang kinakagalit mo. Kung hindi naman, ano? Hindi ko kayang manghula..." Tumawa siya pagkatapos.
Malakas akong napabuntong hininga ako at humilig sa sofa. I took the straw of my drink close to my lips. Masama kong tinignan ang ang aircon sa sulok.
Gusto ko nang maging boyfriend si Larry para naman matigil na ang kakalandi sa kaniya ng ibang babae! Malaman din nila na isang Riguella ang girlfriend niya at Riguella lang!
At ang Cheena'ng iyon! Wala ba talaga siyang kapaguran na inisin ako?
"Ayaw mo ba talaga akong maging girlfriend?" I bitterly utter after a moment of silence.
I felt him shift on his seat and went closer to me. Binaling ko sa kaniya ang ulo at natagpuan ang kalmado at gwapo niyang mukha.
"Ayaw mo?" Ulit ko dahil hindi niya ako sinagot.
He sighed and hold my hand. Sa rahan ng pagkahawak niya sa kanang kamay ko, para ko rin iyon naramdaman sa aking puso. The way it warms my hand warms my heart too.
"You know... ikaw ang una kong liligawan..."
I blinked. Am I really his first?
Hindi ako nagsalita at umapila. Hinayaan ko siya dahil baka doon ko matanggap ang sagot kung bakit ayaw niya nang sagutin ko siya basta basta.
"...and I want to be sure about it. Gusto ko, kapag sinagot mo ako, sigurado ka rin sa akin..." Sabi niya habang nakatitig sa akin.
My cheeks blushed. His words are always full of... sincerity. Every word he says gives me butterflies. Kahit simpleng compliment, nagwawala ang tiyan ko.
"I hope you understand that..."
I remained my eyes on him. Malumanay na lamang kaming nagtititigan.
I don't get it why courting takes time. Hindi ba pwedeng maging kayo at doon na kayo magkakilala? In that way, you'll be more open to each other and love each other too. Mas makikilala niyo ang isa't isa in a more genuine way kasi nga kayo na. Totoong sarili niyo na ang magkakakilala.
Because boys are courting, they will surely just show their good sides. Syempre, nagpapa-impress, hindi sila magpapakita ng kahit anong flaw.
So what's the need of courting kung pwede namang habang magkasama kayo, nagkakakilala kayo and even growing together as a couple?
"But I want you to understand me" kuha ko ng atensyon niya.
"Hindi ba pwedeng maging tayo at doon na lang magkakilala? Mas okay 'yon, right? Because we'll witness each others' strengths and weaknesses! At tsaka, we'll be more open to each other and love each other!" Mungkahi ko.
Umawang lang ang labi niya na para bang hindi niya inaasahang sabihin ko iyon. "Adi--"
Agad ko siyang pinutol dahil hindi ko gusto na tumututol siya sa gusto ko. "Ano? I'm suggesting a better relationship between us! I like you, Larry. I really do and I know it's the same with you..." I said hopefully. Hinawakan ko na rin ang kamay niyang nasa kamay ko.
Ganoon na lang din ang pagbaling namin sa malakas na tumunog niyang phone na nasa coffee table sa harap namin. Lomi's name flashed on the screen. Mabilis din niyang binitawan ang kamay ko at kinuha iyon.
Napunta ang tingin ko sa aking kamay na ngayo'y parang naghahanap ng sasakop sa kaniya.
I like Larry's hand on mine everytime we talk. He'll always do that at para bang sa paraang iyon, napapakalma niya ako.
"Nasa café ako..." Si Larry. Tumango pa siya at napatingin sa orasan.
"Kasama ko siya" at sa sinabi niyang iyon, alam kong ako ang tinatanong ni Lomi.
My mind unconsciously went back to my plan for today as I wait for them to finish talking. Hindi ko alam kung may iniiwasan ba talaga si Larry sa akin o ano. But still, I'd like to try to kiss if and see if it'll change his mind about me. About us.
Inalala ko ang aking pinanood kong tutorial kagabi. Kung paano dapat ang paggalaw ng labi ko at ganoon na rin ang paglalakbay ng kamay ko.
I think I can do it.
Dahan-dahan ay lumapit ako kay Larry. Nakaharap sa kaniya at tinignan ang kaniyang labi.
"Mag-ingat ka--"
Without a warning, I lift my feet off the ground and pushed myself onto Larry. Knees in between his legs and hands on his chest then I swiftly place my lips on his.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (55)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very good
16/03
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07
0Nice, good, perfect, hshshsjkskakskejdbbfncnxnnxn,,mm,l,l,lzlzlzkkznznznznznnznsjsklslssksnndnxbxbcbcbbxbcnxnzmmzlalpapaoawhehbfbfmxkxbbxannabcbcncjcjidisjehbdbdjdjjdjdjshsvshjsbsbsbbnsnsnnsnsnnsnxnnxmxkxllskajwhhsbd d. d d snnsnsnjskskoapspms s s bsbehejkwlasjsjsjhsisiwytsgwgcsvab ws sbsbdhdd d dbdbbdhdbdhsjdjksoappapwooaosoososoowowokskfnbfbbfbhdhbdhdhshdhhdbdb d. r E. e. rr. d bdvdbbdhdjejejehehhwbwvs e. ebhwheh. e bssbbzhjzjjjxjjetfjhkdkeb ebehejvsnebbjsw ksmskskskkskskskskkskskkskslkskdkd
17/07
0View All