logo text

My Possesive Rich Bodyguard (Chapter 1)

Marahang napabuntong-hininga si Franceska ng matapos ang meeting niya sa mga investors ng kompanya. Umatras ang dalawang investors niya dahil nakakita ang mga ito ng mas malaking kompanya kung saan mas malaki din ang balik ng pera ng mga ito. Negosyante nga naman. Kahit papaano ang ibang investors nila ay loyal sa kanila.
Actually, nagsisimula pa lang sila at nagkataon na nagkasakit ang kaniyang ama kaya kinailangan nito ng pahinga. Tumayo siya at napahawak siya sa gilid ng mesa ng makaramdam siya ng pagkahilo. Kulang din kasi siya sa tulog dahil madami siyang inaasikaso at kailangang tapusin.
Oo, mahirap ang trabahong iniatang sa kaniya pero kakayanin niya alang-alang sa pangarap ng kaniyang ama. Nagtungo siya sa despenser at uminom ng tubig para kahit papaano maibsan ang pagkahilo saka lumabas ng conference room. Nakasalubong niya si Bea na sekretarya niya.
"I'll be back at 1 pm. Di ba may meeting ako kay Mr. Jackson?" tanong niya. Tumango ito.
"Yes po, Ma'am," magalang nitong sagot.
Tumuloy na siya sa elevator. Nang makapasok, marahan siyang napabuntong-hininga at naisandal ang katawan sa elevator. Sa totoo lang pagod na siya pero kinakaya niya lang talaga.
"Kaya mo iyan France! Ikaw pa di ba? Basta para sa iyong ama makakaya mo lahat!" pagpapalakas-loob niya sa sarili.
Nang makarating siya sa kanilang katamtamang-laking bahay. Dalawang palapag iyon pero maluwang at maganda. May landscape din sa harap na mas lalong nagpaganda sa compound ng bahay. Pumasok siya sa loob at nadatnan si Manang Olivia na nag-aayos ng mga muwebles sa salas.
"Magandang tanghali, iha. Kung gutom ka na, may naluto na akong pagkain sa mesa," anito.
Tatlong taon ng naninilbihan si Manang Olivia sa kanila at talaga naman nakakitaan nila ito ng katapatan. Isa iyon sa mahirap makita sa isang kasambahay, ang katapatan.
"Magandang tanghali din po, Manang. Sige po, sabay na lang po kami ni dad kumain. For sure hinihintay ako non," aniya at ngumiti sa matanda. Ginantihan rin siya nito ng isang masuyong ngiti.
"Napakabait mo talagang anak," puri nit.
Nagpasalamat siya sa papuri nito at nagpaalam na rin na pupuntahan ang kaniyang ama sa kwarto nito. Nang marating ang kwarto ng ama ay kumatok siya ng tatlong beses at pinihit ang seradura niyon. Nakita niya ang ama na nakahiga sa kama at natutulog. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nito. Bigla itong nagmulat ng mga mata.
"Anak, nandito ka na pala. Kamusta ang pamamahala sa kompanya?" tanong nito. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala. Hinawakan niya ang kamay nito at tinulungang makaupo. Napatingin ito sa suot niyang damit at skirt.
"Bakit ganiyan ang suot mo?" tanong nito. Napakunot-noo siya. Nakasuot siya ng skirt na hanggang kalahati ng hita ang haba. Kitang-kita ang kaputian niya.
"Dad, alam mo naman na nasanay ako sa ganitong outfit di ba? Ito ang nakasanayan ko sa America at hindi na magbabago iyon," paliwanag niya.
Doon kasi siya nag-aral ng high school at college kaya na-adopt niya ang kultura doon. Pero hindi lahat ay sinunod niya dahil hanggang ngayon ay birhen pa rin siya. Naniniwala kasi siya na ibibigay lamang ang sarili sa lalaking mapapangasawa. Bumuntong-hininga ang kaniyang ama.
"Alam mo naman na pwede kang mabastos sa ganiyang kasuotan, anak. Alam mo naman na kahinaan ng mga lalaki ang mga ganiyang kutis lalo at matangkad ka," anito. Ngumiti na lamang siya. Napaka-protective talaga ng kaniyang ama. Nasa 5'7 kasi siya.
"Sabay na tayo kumain, dad!" anyaya niya rito.
Sumang-ayon ito kaya naman tinulungan niya itong makatayo dahil medyo nanghihina pa ito. Sinumpong kasi ito ng sakit na high-blood noong nakaraang linggo pero kahit papaano ay nagiging maayos na ang kalagayan nito. Pero baka dito na lamang sa bahay ito at hindi na niya papupuntahin pa sa kompanya. Dito na lang sa bahay nito gawin ang trabaho lalo at nagagawa naman iyon dahil sa teknolohiya.
Nang matapos ang lahat ng meeting niya ng hapon na iyon ay umuwi na siya. Hindi niya maiwasang mainis sa dalawang naka-meeting niya dahil panay sulyap ang mga ito sa kaniyang hita. Mabuti na lang kasama niya si Bea kaya naging palagay siya na walang gagawin ang mga ito sa kaniya. Binalak na rin niyang magsuot noon ng above the knee na skirt pero naiirita siya. Hindi siya komportable. Napahikab siya habang nagmamaneho dahil inaantok na rin siya ng mga sandaling iyon. Dahil sa pagka-antok hindi niya napansin ang isang sasakyan na papalabas sa intersection kaya ang nangyari ay nagkabanggaan sila. Mabuti na lang naapakan niya agad ang preno dahil kung hindi ay baka napuruhan na siya. Umusok ang bumbunan niya! Sino ba naman ang hindi maiinis? Bigla-bigla na lang itong susulpot! Lumabas siya ng kaniyang sasakyan at pinuntahan iyon. Lumabas din ang lalaki.
"Pasensiya na Miss, nagmamadali kasi ako," hinging-paumanhin nito. Tinaasan niya ito ng kilay ng mapansin na sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa hanggang sa dumako iyon sa hita niya.
"Tutal naman parehong nagasgasan ang sasakyan natin. Ayaw ko na magreklamo dahil madami akong iniisip. I have to go," aniya pero bago pa man siya makalapit sa kaniyang sasakyan ay nagsalita ang lalaki.
"Are you a businesswoman?" tanong nito. Lumingon siya rito na nakakunot-noo.
"Yes, why?" tanong niya. Ngumisi ito at may kinuha sa bulsa ng suot nitong suit. Isang calling card. Iniabot nito iyon sa kaniya na kinuha naman niya. Hindi na siya nag-abalang tingnan iyon. Inilagay agad iyon sa pocket ng kaniyang blouse. Na kumasya dahil maliit lamang ang calling card.
"You can call me anytime kung gusto mong pag-usapan ang negosyo. I know you. You are Franceska Moran, daughter of Mr. Eduardo Moran," anito at nagtungo agad sa sasakyan nito. Siya naman ay sumakay na sa kaniyang kotse at pinasibad iyon pauwi. Ang tanong. Paano siya nito nakilala?

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    1d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    20d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters